VOLUME 9 B- DEC. 3-6, 2012
103 Date Aired: Dec. 03, 2012—Will Sir Chief really fall for Maya now that she’ll dress up for her internship?
104 Date Aired: Dec. 04, 2012—Hatid ka na daw ni Sir Chief, Maya… patungo sa puso este Time Airways.
105 Date Aired: Dec. 05, 2012—Manager Katrina Ruiz shares her secret to Maya.
106 Date Aired: Dec. 06, 2012—Hintayan? Super worried for each other? Love na ba yan, Richard and Maya? Sweet!
VOLUME 9
103 Date Aired: Dec. 03, 2012—Will Sir Chief really fall for Maya now that she’ll dress up for her internship?
Musta naman ang change costume?
WORKAHOLIC DAW!
“Alam mo baby kapag naging stewardess na ako magkaka-dinner meeting din si yaya.”
Awwwwwwwwwwwwwwww. Naiiyak ako. Kapag dumating yung araw na yun Maya, si Sir Chief ang iiyak.
Mukhang bored si Sir Chief. Mwahahahhahahahha
Hindi pala mukha, talagang bored
Sabel, itataas daw ang bandera nila bukas. Wagi!
PIPINO!
DORIS: Ano ba yan Maya… Mas manang ka pa kay Manang Fe!
Tawa much!
Inayawan ang coffee…pagdating naman sa bahay…we’ll see
Sobrang ganda naman ng rendition ng song sa pagdating ni Sir Chief.
That’s good Maya. Make him miss you.
Belat Sir Chief *sticks tongue out* hehehe.
Love na love ko yung scene na yun…kahit medyo mahirap sa dibdib kay yaya.
“Hello PORCH VERANDA!”
Ang sweet nina manaNg Fe, Do-bel and kuya Joma ❤ and Abby
I need a sharp eye… di ko mabasa ang mga text!
“Wag ka magpapagutom” – Sir chief’s text to Maya
Ricardo dumadamoves ka ng patago ah
]text message exchange:
SC: How’s your first day? Having fun?
Maya: Sobra po Ser Chief Nakakapagod pero masaya. nNakakagutom din pala
SC: wag kang magpagutom
1.Welcome sa mga newbies!
2. Parang ang dami ng fics ha! Mababasa ko rin ang mga yan ng one time big time!
3. Yee si SC hinahanap si crush sa veranda! With matching scoring pa! Tapos kung makapag-hi kay Kute parang mag in-laws lang. OhmyG! Dumadamoves na ang Mahal na Hari!!!

Nakakatawa yung timing ng brown out samin,hahaha kahit first time mangyari sa oras ng bcwmh, marunong sa timing as in sinakto talaga sa pag-uusap ni G-NOO at SC yung sa kaso kaso na hinawakan niya and all .. so akala ko ilang oras na walang ilaw ,di ko na mapapatapos pero saktong nagswitch ulit ilaw nung pagkauwi ni Ser Chief sa date niya.hehehe nakakakilig lang yung eksena nilang dalawa asa yung isa na gising at makikita si Maya..Yung isa naman natututo na , pupuntahan sana si SC pero NO NO NO kailangan di lagi ganun,hehehe
Uuuyyy si SC hinahanap si Maya pag-uwi mega asang nasa paligid lang siya at gising..hahaha
Omg I love the epi today inspite of mga walang kwentang scenes sa resto.
Mukhang bored nga si Chief at kahit salita ng salita yung si gaga e lihim nag ttxt .
ni hindi alam ni sir chief king ano pinag uusapan nila. mukhang get ng hitad at pinakuha na ang bill at uwi na raw.
I hope thats the last time we see the b***h.
Omgeeee . Love the scene nang umuwi na si sir chief w/ matching bcwmh song this time sir chief and maya singing. Parang may hinahanap si sir chief na nag end si porch.
Awww sayang kasi pag uwi niya ng maaga. kala niya hinihintay siya ni maya at Makakapg usap nanaman sila sa porch w/ matching coffee.
Tama lang ginawa mo Maya. Stop yourself na magmukhang aligaga sa Sir Chief mo. Alam namin na it took so much effort na pigilin ang sarili mo na makita kay Sir Chief but you did the right thing. Dapat lang maramdaman ni sc not to take you for granted.

Tama ! buti na lang talaga naabutan ko yung mga eksenang yun , at dun sa huling part na talaga nagswitch ang ilaw…Very good si Maya at di tinuloy lumabas…hehe at si Ser chief obvious may hinahanap ,uuuyyyy ikaw kasi!
Mas gusto mo makausap yung nasa bahay noh kesa yung NOO na boring..
Palibahasa nasanay si Ser Chief na palaging available si Maya and always at his beck and call…
Salamat naman maya at narinig mo ang bulong namin sa puso mo.
Ganyan nga ineng … wag laging available
0 e di umamin din ang mahal na hari na akala nya aabutan ka nyang gising. Kaya pala umuwi ng maaga si daddy.
At mabuti naman marunong ding makaramdam ang hitad na ka-date
kilig ang teaser…
Talaga naman Sir Chief ha…feeling close kay kute…sumigaw ng hi kay Cristina Rose habang kausap ni Maya sa phone…parang brother in law peg
Bakit masyadong concern kay Maya ha Ricardo?
O MY GEE!!!!!!!!!!! Sana walang umeksenang NOO bukas para bonggang bongga ang kiligan, teaser pa lang ang saya na ,, si Ser chief feeling part of the family na , close na kay Cristina Rose nakiki HI sa phone habang kausap ni Maya with bonggang smile
at ang CONCERN ,wag ka daw papagutom Maya…Ayieee ang da moves! I love it
Yahoo! Glad that sir chief back to his feeling again w/ Maya. So exciting can’t wait for the next episode.
TX
Ms. gorgeous salamat sa screencaps. Hay normal ba yan sa isang amo at yaya nag tetext ng ganon?

Buti naman Maya at natututo ka na… tama yan huwag ang masyadong atat pag andiyan si Sir Chief mo tingnan mo namiss ka at inikot ang mga lugar kung saan kayo nag-momoment. Tama yan ituloy mo lang naku tingnan lang natin malapit na yan hintay-hintay lang
Manang pa din ang taste ni Maya… Tingin ko parang sinadya nila matured din ang suot ni Jodi para di malayo sa age nila ni Ricardo…
Na-bored ata si Jean sa date nila ni Ricardo. Buti nga. Eh ikaw ba naman sa buong oras ng date nyo eh puro anak mo lang ang nakukwento di ka ba mabobore nun Parang gusto tuloy sabihin ni Jean na, di ang mga anak mo ang gusto kong makilala, ikaw Richard, ikaw!… I therefore conclude, nuknukan ng pagka-dense si Ricardo.
Naks naman si Maya, confident na din, buti nabawasan na ang pagka-torete
O my Gee!! Wala na akong masabi!!! sobrang inlove na din mga friends kong addict din sa bcwmh. hinay hinay lang friends. Mahaba haba pa show. Next year pa mageend. Mahaba at matagal na roller coaster ride pa to.
But i don’t blame you guys. ang cute nga ng story. nakaka-in love. BE CAREFUL WITH MY HEART – best way to start the day.
Congrats to ALL the characters. Buhay na buhay ang story dahil sa inyo. Sana kayo pa rin hanggang end ng story.

Tweet from assunta de rossi-ledesma:
@Samledesma: Presentor ako mamaya sa Cinema One Originals awards night! Theeeeen….. deretso na ako sa #BeCarefulWithMyHeart taping. Yay!
Oh my g!!! Babae nanaman ni Ricardo???Pambihira!
Assunta?? Naku kung sya ang bagong girl… Patay na. Tall and elegant yun. Dapat magbago na talaga si Maya. Ano ba yan? Bakit si Sir Chief na lang palagi? Wala pa ba yung guy na magpapasingkit lalo ng mata at magpapausok sa ilong ni Sir Chief?

Pero maganda din yung wala pang guy para kay maya para marerealize ni Sir Chief na kahit anong ganda at sophisticated ng ibang girls… wala pa ring katulad si Maya. At si Maya naman… nagging matured na at elegante. (on second thought…. sana dumating na yung guy)
Ano kaya role ni Assunta? The CEO of Time Airways or bagong ka-intern ni Maya?
Sana ka-intern (maging close friend ni Maya – parang si Rafi) ni Maya si Assunta na tutulong sa kanya para magbago….
Kelan pa kaya ipapatugtog yung song ni Sir Chief na “Sorry Pwede Ba?”
Baka ka intern ni Maya yun or trainors. Parang layo iparehas kay Sir Chief.napaka tangkad ni Assunta. Atsaka tapos na ba si NOO sa buhay nila?:-)
Is it just me, or talagang off ang dating ng character ni Atty. Josephine Evangelista?
Sana naman ang kunin nilang karibal ni Maya for Ricardo is someone na talagang kapani-paniwalang matitipuhan din ni Ricardo. Yung tipong ikakalito din niya, na kung di dahil kay Maya pwedeng yun ang babaeng mamahalin niya after Alex. Sa totoo lang, walang dating yung female lawyer. Pilit eh. Plus, yung personality that they gave her, parang napaka-obvious na ginagawang dehado siya versus Maya. Sana it’s a matter of one woman being the best option (Maya) over the better woman (the other woman, whoever she may be). I hope brief lang ang stay ng character na ‘to and they will get an actress na ang magiging impact ng character niya is like Maricar Reyes’ Rafi, yung kakabahan ka talaga coz alam mong ang ganda rin ng chemistry niya with Ricardo. Yung ganun. Para masaya.
And sana naman wag gawing masyadong OOC (out-of-character) ang mga actions ni Ricardo. I know he’s supposed to have lightened up and loosened up but I think the shouting hello to Kute while Maya is talking to her over the phone is a bit over-the-top and not consistent with his character. Tapos yung napapadalas na paghatid seems premature and may pagka-gratuitous lang ang dating, kilig moment for kilig moment’s sake pero di pa credible. I think even Maya herself would be alarmed kung ganito isusulat ang character ni Ricardo ngayon. Hinay lang, mga writers and directors. Wag lang biglain at may 7 months pa naman tayo. After all, the reason why this series is such a hit is because of the innocent moments na nagiging romantic ang dating because of the unique dynamic between Richard Yap and Jodi Sta Maria. Let’s not overdo it.
Just my thoughts coz I like this series very much. Good vibes pa rin, everyone! And Maya looks great in orange.
TUESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Ang flat nga ng personality ni Atty. Evangelista… di ko alam kung ganun talaga isinulat yung character, o sadyang hamonado lang umakting si beauty queen.
Sobrang dry tuloy ng mga eksena nila ni Ser Chief… maski sila parang bored pag nag-uusap.
Siguro dapat nila ihain kay Ricardo ay either kasing sassy ni Rafi o kasing aggressive ni Stephanie…parang gusto ko nga na magkaroon ng hayok na tsimay ang kapitbahay nila, tapos yun ang hahabol-habol kay Ser Chief
hindi naman kailangan kasing ideal ni Maya, basta yung umaapaw lang sa personality.
Ngayon ko lang nalaman Kaklase pala ng pinsan ko si Niccolo nung high school. kumakanta pa sila sa bahay namin kasama banda ng pinsan ko. haha.
In fairness… maganda ang boses ni niccolo. kaso hindi ko sya nakilala kasi amputi nya dati…. nagpadark kaya sya dahil sa role nya sa BWCMH?
Singer si Niccolo? Bagay nga sila ni Nikki!
Janella is also a singer eh. Naghalukay ako ng mga old magz nakita ko si Janella at 9 yrs na kumakanta na sya along with her mom Jenine Desiderio
Wala din dating sakin si “G”, just like Simon to Maya.
Gusto ko talaga if ever yung kakabog ang puso natin sa kaba.
I hope this should send this message to the writers.. Yuhoooo!
In spite of some flaws, I still love this show. As in the only show in TFC I always watched
I want to give a shout out din pala to Doris and Sabel. Ang galing nilang dalawa. di nakakairita ang dating ng comedy nila. hindi slapstick. And very crisp ang delivery ng lines nila at sobrang natural lang. I don’t know whom I like better, Viveka or Tart. basta galing ninyo. Kudos to your acting.

Kaaliw yung comments ni doris and sabel sa mga sinukat na damit ni Maya
Mukha kang kakanin … hubarin mo yan
Mas mukha ka pang manang kay manang Fe
Ano ba yan … para kang pot holder na pinag tagpi tagpi
Akala ko hindi nila bibilhin yung mga yun …nagulat na lang ako nung tinatawaran na ni Maya.
I can’t write my own review. The post button doesn’t work anymore after replying a comment 😦 so I’ll post it here.
Not exactly relevant but I notice… is it Jodi’s preference or is it her stylist that she seems to be going for orangey/peachy coloured outfits on her important days? Her bag which Luke gave was orange. The dress that Raffi gave her and she wore for her mock interview was like a peach/orangey dress. And now for her internship orientation, it’s the same hues. Nonetheless, she looks stunning. 🙂
I love how supportive everyone is. Manang Fe, Doris, Sabel and even Kuya Joma has something to contribute for their wishes on Maya’s success. Really touching 🙂
Si Nicolo pala si Marlo Mortel ng X-Factor Philippines?
Dyan sa pic nya sa taas, para syang gluta boy
Sa BCWMH kasi, dugyutis ang dating nya… bukod sa warfreak pa yung character nya
Pareho pala sila ni Ate Joey (Claire Ruiz) na galing sa talent searches…
sana sila na lang magkatuluyan, para di na magulo ang LukKi
(segway?
eto yung video clip ni joey and niccolo:

just in case you missed this one from MyCHOS 🙂
Ayyy cute! And I’m touch s friendship ni Jodi at Richard off screen, talagang very supportive and proud sila for each other. love love love you guys. Thanks for inspiring us for your great loveteam in BCWMH. I love to see BCWMH the MOVIE…..sana matuloy.
Di ba di marunong gumamit ng cellphone si manang fe kaya nga ayaw niya noon sagutin tawag ni Ricardo sa cellphone ni Maya?
Di kaya “manang Fe” na rin ang tingin ni Ricardo kay Maya? naku! talagang high time na na mag-transform ka na, Maya! nahehelera ka na ni Ricardo sa liga ng yaya niya!
Feeling ko, sinadya ni Ricardo n name ni Manang Fe sabihin nya para di sya Mahalata ni Ms G na my Maya pala s house nya at baka maiba ang facial expression ni Ricardo at mapuna ni Ms G. Kasi pg c Maya kausap ni ricardo iba ang smile nya. o di ba mga sis?
Haba ng br ko ah, isang araw lang akong di nakapag online, panalo din ang mga fanfics ans videos!
So eto ang view ko for today’s episode:
Boring ang date ni Noo at Sir Chief, sabagay boring talaga si Noo, hehehe…
Yung hanap scene ni Sir Chief, hayyyy kakakilig!!!! ibang klase… san ka makakakita ng amo, hinahanap-hanap ang yaya, hehehe…
Buti na lang, nagpigilan ni Maya ang paglabas ng kwarto, kala ko sa sobrang taranta nya, maiiwan yung pipino at face mask nya para lang puntahan si Sir Chief, hehehe.. .pero OKS na OKS yun, konting pa-miss lang para naman di ka magmukang aligaga..
Exciting ang episode bukas!
Yung pagsakay sa kotse saka pag-upo sa kotse, flight stewardess na flight stewardess ang dating.
Ayyy cute! and I’m touch s friendship ni Jodi at Richard off screen, talagang very supportive and proud sila for each other. love love love you guys. Thanks for inspiring us for your great loveteam in BCWMH. I love to see BCWMH the MOVIE…..sana matuloy.
Galing naman talaga. BCWMH Fever around the World. At syempre ang ating mahal na hari at prinsesa.
Todays epi…
Hello manang?!…*toink* kelan pa naging manang ang Maya, Ricardo?
I so looove Doris and Sabel
Nakakatouch si manang Fe, Dor-bel, kuya Joma and of course, baby Abby
Ricardo, alam mo ba na rude ang magtext sa harap ng kadate habang nagpapaimpress sa ‘yo?
Pero I support you.
Isa lang masasabi ko, level up na si Maya sa puso ni Ricardo.
Cute din nung commercial ni Richard Yap, yung C-Lium, certified na papable sya dun, sana talaga magkaroon sila ni Jodi ng commercial!
Like na like ko din yan sis….sana mgkaroon sila ng commercial together. Hello Nescafe Coffee or Blend 45, kahit di ko umiinom ng kape, iinom tlaga ako pag sina Jodi at Richard mag endorse…he he he
https://www.youtube.com/watch?v=JRtmDj4SMu0
Be Careful With My Heart – “Mahal Kita Kasi” (Piano)
Isang napakalaking thank you sis… Ito ang pampatulog ko kasama si Ricardo chos:d
Sa totoo lang, nahihiya talaga akong bitbitin to dito. Pero ayun, #KapitBisig lang daw kasi lagi
Ito pala yung peg: LISTEN HERE (original score by Ms. Carmina Cuya)
Pasali sa pag-adik for a while, may nakita akong mga familiar names na nagku curly toes na naman sa kilig
Started watching this only last month on TFC at bonggang bonggang ginasgas ang mga episodes.
With due respect to everyone’s opinion, I hope it stays true to its original format — good vibes lang, maiiisip mo yung scenes during the day at matatawa-tawa kang mag-isa habang isa isang nag aalisan sa tabi mo yung mga tao dahil natatakot na sa yo….Tapos pag nag smile si Sir Chief, ngumingiti ka din – ikaw ang kausap?
Walang mabigat sa dibdib, ang complications hindi lang puro love — its about family and reaching one’s dreams, at madaming madaming do-bel moments.
Hi blankcheck welcome sa balur! sali ka sa mga kaadikan ng mga tao dito..GV always!
Dumadamoves na si daddy pogi at medyo nawalan na ng gana si atty sa kanya
parang nalimutan ata ang problema sa opisina at may pahatid hatid na kay yaya
kumusta naman sir chief at feeling close ka lang kay Kristina Rose
kung panoorin mo ang rewind at ngayon akala mo ibang Sir Chief ang nakikita mo at kamukha lang
Sumi-sixteen lang si daddy pogi
Alam niyo mga sis, miss ko si Fred the traitor …angkop kasi sa kanya ang role, ang ganda din ng rapport nila ni Sir Chief
Kaya lang, malabo na atang bumalik yon
Hello po! Pasali po ako dito ha. Adik na rin kasi ako sa BCWMH! Kailangan ko ng makakausap! Ahihihi! So fun ang discussions dito. Hello.
Kailangan mo ng kausap? O sige pasok ka sa amin opisina.
Higa ka sa sofa at sabihin mo sa amin ang nararamdaman mo. Alam mo maramirami na rin mga pasyente dito na mga adiks at baliws na hanggang ngayon e mukhang hindi aalis dito hanggang June.
Kaya di ka nagiisa.
Nakakaloka si Nikki, parang tinutukso ba nya si Maya nung biglang dumating si Sir Chief sa dining table, “Uuuuyyy si Maya biglang na-tense!”
Hoho! salamat po! binabasa ko yung thread, page 61 pa lang ako… saka na ulit. lapit na mgBCWMH! Can’t wait for “hi christina rose!” at “wag kang pagutom” scenes!
Good Morning everyone =)
I saw this ngayon lang sa twitter
tweet from @mama_francia
Singing the theme song of #becarefulwithmyheart … #ANAKTVawards @ImRichardYap08 and @JodiStaMaria pic.twitter.com/79VAYvlX

@mama_francia
congarts #becarefulwithmyheart @ImRichardYap08 @JodiStaMaria,staff and crew.thank u #ANAKTVawards pic.twitter.com/JE8W0HPJ

@mama_francia
congratz #becarefulwithmyheart,one of d most fav.tv show thank u #ANAKTVawards @ImRichardYap08 @JodiStaMaria.. pic.twitter.com/Qi5fiKvW

https://www.youtube.com/watch?v=8HcEQ-5k8hA
When You Say Nothing At All – Richard Yap and Jodi Sta. Maria [Lyrics]
https://www.youtube.com/watch?v=Kb6JDSpTZkI
The Way You Look Tonight – Richard Yap [With Lyrics]
https://www.youtube.com/watch?v=g7ys7rOYhOU
Sorry Na Pwede Ba – Richard Yap [Be Careful With My Heart Theme with Lyrics]
https://www.youtube.com/watch?v=8Hea7dsJoV0
Kaba – Jodi Sta. Maria [Be Careful With My Heart Theme]
https://www.youtube.com/watch?v=bxeKtwBsEI0
Torete – Jodi Sta. Maria [Be Careful With My Heart Theme]

VOLUME 9
104 Date Aired: Dec. 04, 2012—Hatid ka na daw ni Sir Chief, Maya… patungo sa puso este Time Airways.
Hahaha! lakas ng trip ni Maya! feeling na feeling na talaga! at nagmukhang driver si Sir Chief! wahahaha!
Kiligers yung tinginan nila sa dining table, halatang gandang-ganda si Sir Chief ke Maya!

At pinatay na naman po ako sa habulang tinginan sa dining table. bow.
Hay naku ricardo! alam mo man o hindi…may ano ka na kay maya noh! never imagined him doing kapit-bisig out in the open like that
Parang naiiyak din ako ke maya, at sir chief!!!! grabe ka, kulang na lang magyakapan kayo ni Maya, ang sweet mo ngayon ah!! bumabawi ka ba????
Teka lang, bakit ganun ang cap nung mga lalaking steward, kulay pink???? wahahaha!
Ang SULYAPAN….BOW
Waaaaaaa akala ko talaga bibigay na ito si maya at yayakapin na si sir chief.
Naman cant you even give us this moment nagyakapan sila kahit pasalamat hug lang yun.namaaaan
Sana mag date na si Simon at Maya.
Naka ka tuwa ang family ni maya at nandyan din si Vandolph
Maya simon sir chief naka ka tuwa at tatawa ka talaga
Mangiyakngiyak din ako.
One awesome show talaga. thank you to everyone involve. yung kahit kagalit ko yung katabi ko, hindi ako irritated at puro tawa lang at kilig for 45 minutes while watching this show. Sarap!
Ngek, me kasamang mga bitchy girls si Maya pero dahil good vibes si Maya, all smiles pa din!!!! lol sa reaction ni Wilson!
Ano ba yan di ko pa napapanood may pasok pa me anyway padaan lang at good-morning mula dito sa lugar ko… kapit-bisig mga addiks!!!
Hahahaha!!! lol at the teaser!!! Maya, konting pino wag masyadong excited!!!!
Sir chief, ikaw na kaya ang yumakap ke maya, pahimas-himas ka pa sa likod ah!!! kalowwwwwwkkkaaaa!!!!
Goodbye ms. G.
Makahanap ka sana na mas bagay sa yo ms.g…yung boring..stiff..etc
Maganda sana damit ni Maya.. medyo maluwag lang. nahihirapan akong tingnan sya
Oo nga….
Yoooohoooo mga writers at direktor bigyan mo naman kami ng konting patikim lang naman diyan. kahit na yakap w/ no malice(pero meron! meron!! meron!)
napalabas ang mga adiks –
Dahil ba sa himas-sa-likod, hatid-sabay-baba-ng-kotse, wag-kang-pagutom text,
we’re-better-off-as-colleagues (ni NOO)
O yung pinaka malupet na SIGURO-SA-IBA-MO-NAKIKITA-ANG-HINAHANAP-MO
Isang malaking check yan!!!!! at gagamit na ko ng megaphone nito, ikaw yun Sir Chief! ikaw yun! ikaw! ikaw! ikaw!!!
Naku, etong dalawang malditang interns na ito, di pa nagsisimula, lulubog na ang career.. walang ginawa kundi magdaldalan at mag swipe ng i-pad, kaloka!
Yung lakas ng pagkaka YESSSSS ni maya tungkol kay NOO, isang malaking give-away na yun ricardo. pag hindi mo pa naman naramdaman o naintindihan yun
O magpapadala ka na naman sa paluost ni maya, the best palusotera in town?
Wala bang gif yung kapit-bisig ni Sir Chief?
Mukhang type si Maya nung isang intern… Yung isang intern si Jerico ng PBB.. And the two girls, di naman sila kagandahan…
Dumadamoves na si Ricardo… May pahatid-hatid, pasulyap-sulyap, pangiti-ngiti at pahaplos-haplos pa…Kaso mukhang kulang pa, kelangan pa ng major push kay sir Chief para lumevel-up…
I feel sorry kay Atty, she lasted only for 2 days

Sir Chef: We Better as Colleagues!
im happy for MAIA,unti unti nya ng natutupad ang dream nya na maging stewardees kaya lang may 2 girls na epal sakanya kaya mo yan MAIA! AJA!KAPIT BISIG!
WEDNESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Thanks jayzbagio
Ang astig talaga ng thread natin …taga star magic pa ang nagpopost ng teaser

Uyyyy, touchy touchy na si Ser Chief …hipuin kaya ni maya yung tinouch ni
Ser Chief tas kiss niya kamay niya?
Kung hindi pa naman mahalata ni Ser Chief si maya ewan ko na lang pinaglalaruan yata tayo ng mga writers eh …ok yung pamiss si maya sa epi yesterday
tas balik atat na naman siya
Hello adiks & kabisig! Feeling ko lang ubos na punda, kumot at duster nating lahat sa mga tinginan at kapit-bisig scene today. Sobrang nakakakilig lang. Ang cute ni Daddy bango/pogi habang ginagawa yun to encourage Maya. Inlababo na talaga si Ricardo.
Natuluyan ata magkastiff neck si Yaya Ganda, kasi nung pauwi sila galing sa Baguio muntikan na kundi dahil sa Mahal na Hari.
Tingin ko friends lang talaga SA NGAYON si maya and sir chief. pero… nagiging close friends na talaga sila… hindi tulad ng dati na boss and alalay ang dating nilang dalawa. now kasi, feeling ko they treat each other as close friends. lagi silang nagkwekwentuhan, nagshare ng secrets.
Sa next episode, napapansin ko na lalo silang nagging mas close (friends) kasi may pa-touch touch na (sa car scene hinawakan ni maya arm ni sir chief and si sir chief naman nung nasa house, tinotouch yung back ni maya). nagging at ease na sila sa isa’t isa. friends lang talaga siguro sila SA NGAYON. meron na sila sigurong nararamdaman pero hindi pa sila sure at ayaw pa nilang eentertain kasi may kanya kanya pa silang dreams at hinahanap.
Pero magiging sila din yan… SOON. exciting ang bawat episode. nakkita natin kung pano magdevelop friendship nila… magturn to love na.
Naku!!! anong nangyari kay manang Fe? yung scene na nasa bedroom sila nila Abby. baka may sakit na si manang Fe??
Sinundo kaya ni Ser Chief si Maya sa Time Airways?
Kasi parang parehong kadarating lang nila sa bahay nung pinakita sa teaser na hinahaplos ni ser chief likod ni Maya
O baka naman nagkasabay lang dumating
Yup..napansin ko din…wag naman sana…di ba may BCWMH Ward naman ang mga Adiks?pa check-up natin si manang fe …Internal Medical Ward…especially Cardiology..hehehe sorry OA much lang….anyway salamat sa lahat ng adiks sa thread na ito at sa excess baggage…nice to fall in love again at makilig ng todamax….bcwmh team…you already especially Maya and Ser Chief…….OT lets pray that sana wag masiadong malakas si Pablo…medio kabado din ako my family are from Bacolod,Neg.Occ…they have signal No.3…TC everyone…hyers and byers KBL

Kay sis, echosera…kakawindang sa kilig ang mga videos mo at grabe ang galing mo sa paglikha ng mga mv’s wala akong masabe kundi … thank you for providing our vitamin kilig.
Kay sis, sharpie…for putting up another kilig tambayan for us. haaayyy, ang saya lang dun sa isang bahay na yun na parang laging nasa alapaap habang nagbabasa ng mga fanfics. Kaya sis sharpie…thank you very much din
Sa lahat ng contributors ng mga vitamin kilig, ang gagaling nyong lahat! pede na kayong pamalit sa mga writers ng bcwmh. si sis neohernandez, nakakatuwa yung sinulat nya. isang complete ‘episode’ talaga. wahahaa! basta maraming salamat din sa inyong lahat!
Sa mga adik sis na ‘regulars’ dito, thank you very much din
for always keeping the thread alive and happy! ang saya saya lang talaga ng mga batuhan nyo ng posts kaya lumalabas tuloy ang mga dating lurkers na tulad ko. It’s really worth coming out from lurking to exchange posts with everyone here.
At sa mga bago nating kaadik, welcome sa tasa ni ser! Enjoy your stay here and have fun posting!
Galing talaga magpangalan ang mga adik sa mga panira sa buhay ng mahal na hari at prinsesa
Uy, impernes, naintriga ako kay noo
Sa noong yun, ms. photogenic pala siya sa miss universe 2005?
Tas wagas siya okrayin dito
Alam mo naman tayong adiks, over-protective kay yaya ganda. Yung sinuman ang magpapalungkot o magpapasakit ng debdeb ng ating mahal na prinsesa … alam na!
Pero in fairview kay NOO, wala naman syang naging encounter kay yaya. yun nga lang nakipag-date sa kanya si ser chief … not once … but twice!
Si PATA, pinakialaman ang phone ni daddy at ini-small si yaya … yaya lang naman daw.
Pero itong Bruha1 at Bruha2 ibang usapan ito … kasi talagang nagmamaldita at nagsusuplada kay yaya at uber sa pagka feeling superiror kay yaya. akala mo kung sino eh wala namang ganda .
Aww. Such a cute episode.
Maya, may majority of shareholder ka pang nalalaman. Bakit hindi na lang ikaw ang maging major shareholder sa puso ni Sir Chief. haha.
Ay naisip lang ako dun sa video na ginawa ni KapitBisigSaKilig…
It started over coffee, we started out as friends, it’s funny how from simple things the best things begin.
-Barbra Streisand
So sweet!!! kakakilig!!! as in!!!
November 03 2012 At Justinville Panapaan 7 Bacoor Cavite :))
When You Say Nothing At All….ser chief and Maya Cavite fiesta..wala paki si ser kahit nasa balwarte ni ……..super touch pa rin sya face ni maya …awwwwwwwww
Gwapo ni ser chief….grab your copy guys
Grabe. ang bata ng itsura niya! and this is the latest issue? tsk. ysk. certified heartthrob na talaga etong si Richard Yap.
Mas yummy pa sya kesa dun sa hawak nyang food!!
Sinabi mo pa sis, sarap nya! Sarap titigan forever!
Wafu much ng mahal na hari.
Better of as colleagues”——- ….
Yes di ko na makikita si atty G-NOO…wohooo ..
O my gulay at may pahaplos haplos na sa likod itong si Ser Chief, Sana tinuloy mo na lang sa pagyakap SC,,para Masaya
Yung mga babaeng lumalandi kay Ser Chief 2 o 3 episode lang wala na agad..
Si Stephanie, monique at ngayon si josephine,,,kay Maya lang kasi si Ser Chief..
Si maya naman ang tibay nitong si Simon ayaw talaga mag give up…manhid na talaga.
SIMONNNNNNNNNNNNNNNNNNN tama na .. wala talaga eh , gayahin mo na lang yung mga abae ni SC, huwag ka ng umeksena brad…

Ma. Assunta Ledesma @Samledesma
Abangan nyo ako as Katrina “Ina” Ruiz, ang magiging boss/mentor ni Maya sa Time Airways. #BCWMH—
Ahah! boss/mentor pala ah! ikaw na bahala sa aming mahal na prinsesa Maya sana maging friends kayo…at paalala si SC ay kay Maya lang okay…kaya sana huwag kang didikit kay Richard lim
Ayoooown! Wag naman sanang ISA PANG KARIBAL ni Maya kay SC!
Si SC ay para kay MAYA lang po okay? Magkakamatayan na po!
Ang kay MAYA ay kay MAYA lang!
Hahaha!
Pero bakit wala pang pangpaselos kay SC yung para naman kay MAYA? Yung lalaking. HOT. Mas mainit pa sa ininit na tubig! Namaaaaaaaaaaaaaan!
Ataters na naman akez.
Mabuhay! mula dito sa bansa ng nasi goreng…buti na lang may bahay KBL na nakakaalis ng stress. Good vibes na may kasama pang vitamin K.
Iba na ang level ng pagtitinginan ni Maya at SC… dumadalas na ang sulyapan blues. Good night everyone.
Waaaaaaa akala ko talaga bibigay na ito si maya at yayakapin na si Sir Chief.
Naman cant you even give us this moment nagyakapan sila kahit pasalamat hug lang yun.Namaaaan
Oo nga e yung parang mga hug lang ni Doris at Sabel. Tutal nabigla na sya na nahawakan si ser chief sa loob ng car. E di sana na lubos lubos ng nabigla syang YUMAKAP!
Wala naman malisya e… Hahaha

Mukhang sa kanilang 6 na interns… boys ang magiging barkada ni Maya ah! Syempre si Wilson tapos yung 2 si Jerico ng PBB at si pagirl na friend nito…
mafeeling kasi yung 2 impaktang girl …akala mo kung sinong maganda, ang sarap pasagasaan sa papalapag na eroplano sa runway..
May meeting pero inuna pang itext si Maya
Si Ina, good kaya o bad? Hmmmm
Malalaman natin yan sa mga susunod na araw..hehehe sana good siya noh
kung hindi dadagdag siya sa listahan natin pinakabago lang ngayon yung dalawang impaktang girls na kasamang intern ni Maya..GRRR

Dapat talaga dumating na ang isang female character na magiging worthy rival ni Maya for Ricardo’s heart. para naman mas exciting ang takbo ng kuwento.
Pero tingin ko rin the production team is experimenting big-time on the different characters they put in the show. i think they’re gambling a bit more, to see if they might stumble upon another winning combination like what they found with Richard and Jodi. okay rin yun kung makahanap sila ng ka-triangle ni Maya na ang impact with Ricardo is halos kasing-lakas niya. yung katulad din ni maya na very lovable at positive ang personality. kelangan din malito si Ricardo ng kaunti.
Nakaka-proud naman ang ating mahal na hari at prinsesa. AnakTv Awardee lang naman. At ang sabi ni Ms. Karen Davila sa Bandila, dami daw nagpapicture sa kanila, pati nga daw sila nina Julius Babao at Tito Boy nagpapicture din.
Congrats Yaya Ganda & Ser Chief! Kayong dalawa na talaga
Grabe ang hirap maging adik! Napapangiti ako habang naglalakad! This is it! ito na ang simula! Nagsimula sa pasulyap-sulyap… patext-text… at patouch-touch! sa braso… tapos pahimas pa sa likod! Ito na talaga to!!! hindi gagawin ni sir chief lahat ng mga nakakalurkey nyang ginagawa for maya kung kahit konti wala syang feelings for Maya…

I think lumagpas na ng half a level sa friendship yung nararamdaman ni sir chief… di pa lang nya iniintindi kasi mas focus sya na makita si Maya na maabot yung dreams nya! waiting for the right time ang peg!!!
And I think he’s now very dependent kay Maya. Though unconsciously. kasi, i think he dated G kasi sabi ni Maya, “bakit di nyo po itry sir? Malay nyo po di ba?”
Kasi ang lakas talaga ni Maya kay Sir Chief! Remember yung Baguio Trip and yung iba pa na laging kinoconsider ni Sir Chief yung sinasabi ni Maya. Kaya ayun! Tinry nga ni Sir Chief! at nagfail kaya masaya tayong lahat para kay Maya!
Nakikita ko na kung pano si Sir Chief pag sila na ni Maya…. magiging very supportive at very protective sya kay Maya. masspoil din si Maya kasi ngayon pa lang ang lakas na ni Maya kay Sir Chief!
Ang sarap lang ng feeling na magwait sa kanila… their kilig scenes make you want to ask for more!
Originally Posted by MsKay
New Fanfic idk if I posted it already
http://excessbaggageuniverse.wordpre…pt-3/#comments
Hope u guys like it

So love it Sis! Can’t wait for the next Chapter!! Thanks so much!!
This thread really is brimming with so many talents and brilliant minds!
Keep posting those fanfics adiks!!
At pati si Kara David ng Siete!!

Sinabi mo sis, nakakahimatay nga yung mga ganitong sulyapan.

Eto pa, para kunwari tayo naman ang sinusulyapan ng mahal ng hari. Asyumera lang katulad ni Maya.
There’s something sa pagsakay ni daddy pogi kanina sa kotse na kakaiba …
ewan ko kung ako lang nakapansin, pero feeling ko ako lang talaga
basta may something, di ko ma explain …iba ka talaga ricardo, pati pagsakay mo ng kotse kinikilig ako
Good job Maya.
Alin? Yung pagsakay nya after mag-ala model walk si Maya pasakay sa kotse?
Oo nga may something … di ko din ma-explain. Basta ang pogi ng pagkakasakay nya sa kotse
Bakit sa teaser parang sabay umuwi ang mahal na hari at prinsesa
May sunduan kayang naganap?
Sabi ni daddy pogi: ‘baka naman sa iba mo nakikita ang hinahanap mo sa isang lalaki.’
Hayyyy, wala talaga siyang kamalay malay
Mukhang sa kanilang 6 na interns… boys ang magiging barkada ni Maya ah! syempre si Wilson tapos yung 2 si Jerico ng PBB at si pagirl na friend nito…mafeeling kasi yung 2 impaktang girlakala mo kung sinong maganda,,ang sarap pasagasaan sa papalapag na eroplano sa runway.

Mga sis yung isa yatang guy na dikit ng dikit kay Maya is none-other-than Maximo Oliveros (yung batang gumanap as Maximo Oliveros I mean
Ay oo nga, siya na nga yata yun. Aba dalagang-dalaga na si Maximo Oliveros.
MsKay, thank you for your Despedida fanfic. Part 3, dyusme ang iniluha ko! ang sakit sa dibdib hahaha
mapanood nga ulet ang sulyapan sa hapag-kainan para tawa na lang ulet…adik na, bipolar pa
Feeling ko di naman magiging threat si assunta de rossi sa love story ng ating mahal na hari at prinsesa. Kasi isipin ko pa lang, di talaga sila bagay ni sir chief! di ba? parang…. basta! di talaga bagay! no no no way! So di ako kinakabahan sa kanyang entrance.Di tulad ni Rafi na kahit papano, parang babagay kay Sir Chief.
So ayun! sana maging friend sya ni Maya tapos turuan nya si Maya na maging sopistikada. Pero dapat di pa rin mawala yung pagiging jolly at optimistic person nya. Kasi those are the qualities that endear her to Sir Chief.
Pasok na muna ko. maya na lang sa iwantv ako makakapanood! have a nice day to us! God bless!
Eh Sis! paano kung hindi mabait at maging frend ni Intern Maya?
Hmmmnnnnn….. pero sana nga mabait!!
Wish ko eh yung parang baklang baklang character! carry yun ni Assunta eh! and talagang magiging fairy godmother ang dating para sa ating Mahal Na Prinsesa! yung tipong sa kanya matututo si Maya on the wiles of a woman… para talagang hindi na siya ma resist ni Ricardo!!!
Sensya na!! Gusto ko talagang ang Ricardo naman ang torete at kabado!! Masyado na siya kampante eh!!

VOLUME 9- 13 episodes
105 Date Aired: Dec. 05, 2012—Manager Katrina Ruiz shares her secret to Maya.
Hmmmm;maganda at magaan ang pasok ni assunta aka Ms. Katrina “Ina” Ruiz.
I like her
Ang bait bait ni Ms. Ruiz kay Maya

Ang ganda ni Assunta! Magiging frenemies kaya sila ni Maya?
Pero wala daw boyfriend si Ms. Ruiz
Naku ser chief wag ka munang magpapakita kay Ms. Ruiz
Ang antipatika nung 2 female interns na kasama ni Maya
Si Nikki katanggap-tanggap pa na mag-inarte ng ganun, pero itong dalawa ang sarap sikmuraan
Natatakot ako sa kalagayan ni manang Fe.
Isinangkalan pa ni Ser Chief si Abby! Idea naman yata nya talagang sunduin si Maya.
Ang cute lang na teary-eyed din si Ser Chief habang nagse-senti si Maya
waaaaaahhhhhhhhhhhhh
Sinundo nga ni Ser Chief si Maya …pero syempre si abby ang dahilan …
si Abby na naman … na walang malay
Pero kahit na. Fact is, sinundo pa rin!
Sinundo nga….and as usual dinala ni Sir Chief si Abby para may alibi na gusto ni abby na sunduin ang yaya niya…oo na Sir Chief sabi mo e
Wagas kung maka-“YES!!!”
Sabi ni maya kay ser chief 24 hours daw open ang MAYA’s CAFE para sa kanya
Kumusta naman at nabanggit ang thread 2 natin?
Ang cute cute ng pag “Yes!” ni Maya!
Kakilig. Haha. Ang ngiti nya hanggang tenga. Hinay-hinay lang, teh. Masyadong obvious. Hahaha
Maya’s Cafe daw oh! adiks panalo ***!
Can’t really blame Simon rin naman…boses lang ni Maya nagiging bitamina nya para mapangiti man lang after a long day of work…that’s how it is when you like someone

Binanggit ang MAYA’S CAFE!!! Hello sa ating mga minamahal na writers!!!!! 24 hours din bukas ang Sir Chief’s Coffee Cup

May pangarap din naman si Doris, just like Maya
Pagkatapos daw ni Maya sya naman ang pag-aralin ni Ser Chief para matupad pangarap nyang maging ms. Universe.
Wagas ang tawa ni richard yap dun ha. hindi si Ser Chief yun. Si Richard Yap yun na aliw na aliw kay Doris.
Hindi ko naabutan yung pag Yes ni Maya at pagbanggit ng Maya’s Cafe, linsyak eh timing naman me mga bumili sa store, di bale panoorin ko na lang ulit mamaya, pero love ko si Sir chief ah, may I hatid na, may I sundo pa, gawin pang dahilan si Abby?? Echosero ka!!!
At salamat ha, tinanggihan mo na ang date ni NOO, if i know gusto lang laging magpalibre ke Sir Chief..
In fairness, todo sa fan service ang BCWMH writers
Gosh tama kayo Maya and Sir Chief, wala kayong chemistry sa iba kasi kayo ang siksik, liglig, umaapaw sa chemistry!!!!!!!
Sir Chief to Maya: Text me kung nakauwi ka na.
Wow Sir Chief ah! Linya yan ng mga bf sa gf nila. Ikaw Sir Chief ah… Bf ka ni Maya?
Ser Chief to Maya: Gie was just trying to make sure that I signed all the papers
Ano yan Ricardo ha? Nag-eexplain ka ba kay maya kung bakit tumawag si NOO? kailangan talagang mag-explain?
Simon and Maya
http://a.yfrog.com/img11/6084/vnp.gif
group hug
“TOUCHE’ is “Said when admitting opponent has made a good point.”
“Used to acknowledge the success or appropriateness of an argument, an accusation, or a witty point…”
Ok parang di ko gusto yung sa teaser. bakit parang kung gaano ka kilig and sweet si Sir Chief ngayon bakit parang baliktad sa teaser.
Parang naawa ata ako kay Maya
http://a.yfrog.com/img831/8361/hu6.gif
sulyap
Hindi ako makatiis bumisita dito!!!!!!! Hindi ko pa napnood yung epi kahapon or today pero kilig na kilig na ako sa mga comments niyo.
At dahil wala akong katabi sa airplane at magisa nanaman ako sa hotel room ko – eto nanaman! I indulged myself in konting kabaliwan… Hope you guys enjoy it also.

http://excessbaggageuniverse.wordpre…y-fathers-day/
Can’t wait to watch this week’s episodes when I get home in Friday.
I’m yet to watch the epi today pero sa fanfic mo pa lang at sa posts dito! Super tumbling na ako!!
I want more of this!! please!!!
Maya to Simon: Sige ka pag hindi mo prinioritize ang negosyo baka magtampo sa ‘yo yun.
Oo naman maya, narinig ka ni Simon at ng mga adiks … loud and clear. hehehe
Di lang talaga mabitiwan tong kaadikan sa inyo ng mahal na hari. Hindi namin malaman kung anong klaseng katol itong tumama sa amin

Ser Chief to Maya: Gie was just trying to make sure that I signed all the papers
Ano yan rRcardo ha? Nag-eexplain ka ba kay Maya kung bakit tumawag si NOO? Kailangan talagang mag-explain? :love;
Sir Chief is really good with this poker face, giving credits to everyone and pretending nothing from him. Like using Abby as an excuse to pick her up and Manang Fe cooking spaghetti for her. Aww Sir Chief, you need to save some for yourself.
I guess one of the things that gives the super duper ‘kilig’ factor is how the show always emphasizes the most little details on the progression of their relationship / romance / love story. Every look, every touch, every compliment, every sweet thoughts, every smile, every conversation they have together and especially every cup of coffee Maya makes for Sir Chief! haha.
Sir Chief, touché!
Korek! Ricardo, Baket mo pinapaliwanag ang sarili mo Kay yaya Ganda?! hahahaha… U ah!
Touche- to admit that an opponent in a conversation has made a good point
Kung iyan ang meaning ng TOUCHÉ.. Balikan natin ang usapan ngahal na hari at prinsesa doon sa porch..
SC: Maya, all i’m trying to say is usually if you dont like a person, is because may gusto kang iba.
Maya: Si atty. G po,kaya po ba ayaw niyo sakanya kasi may gusto po kayong iba?
SC: (smiles) Touché
Aha!!!Assumera mode ON ako… ibig sabihin agree si SC sa sinabi ni maya na baka nga may nagugustuhan siyang iba? At dahil assumera ako tulad ni maya.. May nagugustuhan si SC (pwedeng si maya) pero di pa rin niya talaga alam sa sarili niya kung sino talaga ang babaeng nagpapasaya sknya hahahaha!! Effort ang pagconnect the dots ko. adik talaga
Adik din ako!!! kaya super agree ako sa pag-analyze mo. Anuvah! kakakilig nmn. Pasimple talaga sumagot ang mahal Na hari… pa-mysterious effect!!!! Hiihihihi
Hindi lang ikaw ang assumera ngayon. eh malinaw pa sa sikat ng araw! may nagugustuhan ngang iba ang hari. tama ka, pwedeng si Maya pero di pa rin talaga nya alam sa sarili nya.
Tama yung ginagawa ni Maya na ibinabato pabalik kay SC yung mga tanong, observations at challenges nya. Kasi parang fishing si SC eh … eh di mag-fishing expedition na rin si Maya.
unti unti nang lumalabas ang ayaw ilabas.
THURSDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Ay!!! parang iba ang dating sa akin nung line na: “TEXT ME PAGNAKAUWI KA NA SA BAHAY”.. iba e.
Assumera lang siguro din ako… pero iba talaga e!!!
Parang nakakakilig!!!!

Meron akong song na tingin ko bagay sa kanila… it goes likes this..
“Cause we’re getting to know each other a little to well
we’re starting to show our feelings and people can tell. everytime that you eyes meet mine, i light up like a neon sign…. cause we’re getting to know each other a little too well.”
Ayiii… ang sweet!!! Friendship is the best foundation ng love… then marriage.
Salamat, jayzbagio, para sa daily supply mo sa amin ng teaser. At saka maaga na ngayon ang dating. Kape po?
Mr. Jimuel – Hello kape naman kayo dito minsan. sama mo si maya and ser chief
Yes. Mabait sya sa ating mga adiks. he used to drop by our thread once in a while. as a matter of fact, he was the one who suggested this thread’s name SIR CHIEF’s COFFEE CUP. Busy siguro ngayon dahil extended ang show kaya hindi nakakadalaw. or maybe he’s just hiding in the wings … lurking
Ay lurker pala si Mr. Jimuel. Pero infairness naman, maganda name ng thread na to. actually nawala pa nga ako nung una e. ang dami palang BCWMH thread. sosyal!!
Siguro nga lurker sya. Kasi napapansin ko may hawig yung suggestions ng ibang ka-addict sa story (tv). Although hindi entirely parehong pareho pero may pagkakahawig.
Asan man sya ngayon, well, i just want to say that he (or they) are doing a really really good job.
Mr. Jimuel – the episode writer of BCWMH?
Sobrang busy si kuya Jimuel lately kase naglipat bahay sya fc mode hehehe,kaya siguro di nakakapagpost dito…baka naglulurk minsan…..alam mo ba sis na sya nagsuggest nitong title ng thread natin….kakamiss sya ah…..
Asus naman tong ating Mahal na Hari, kung makapagtanong ng how was your day kay maya wagas lang, bf/hubby ang peg. Kelangan talaga updated sa mga nangyayari sa buhay ni Yaya Ganda?
Eh ikaw naman Ser Chief how was your date? Ay! Ibig sabihin pala ni Maya how was your day? Kung makapagtanungan naman.
Thank you so much jayzbagio. You’re the BEST!
Napapadalas ang moment nitong dalawang to sa porch ah pati ang tanong na “ihahatid ka ba ni simon?” at “susunduin ka ba ni Simon?” teka Sir Chief big deal sayo siguro yun ano?
Naku!!! anong nangyayari kay manang Fe? Favorite ko pa naman sya.
Hindi kaya may mangyari kay manang Fe na di kaaya-aya tapos icoconsole nila maya and sc ang bawat isa???
Sana naman, walang burol na magaganap sa teleserye na to… at wag nila ie-EXCUSE ang salitang SLICE of LIFE, dahil pag nangyari yun, it will be unfair.

Ganda ng episode today! Aside sa mga kilig moments between SC and Maya, bet ko din yung scene wherein they are celebrating Maya’s first day sa intern. Yung nagpaluto ng spaghetti si SC and sabay sabay sila kumain. One big family talaga sila including Manang Fe, Doris, Sabel & Kuya Joma. Saya talaga ng Lim household.
And na touch ako dun sa scene wherein Maya is crying and dumating si Luke & Nikki. Sabay sabi ni Nikki na ” There’s a tissue in the powder room, you want me to get some for you?”. She’s nice na talaga kay Maya. Sana magka moment din sila ni Maya together wherein she’s confiding kay Maya about boys, crushes, etc!
Basta. Maya and sir chief will be together and llive happily ever afte, after all this is truly a fantasy story….Great show
Eh kumusta naman yung palitan ng “How was your day”?
Mister and misis lang talaga
Yup… malapit na!!! Malapit na talaga!!!
Kaya lang… may pagka dense talaga si Sir Chief … or baka naman napapansin nya na, pinapalampas lang nya?
Capital “W”.
Oo nga pala ..

Sabi ni Ricardo nagluto si manang fe ng spaghetti for maya
Ricardo, ba’t di mo pa inamin kay maya na IKAW ang nagpaluto at sinunod ka lang ni manang Fe. Tinawagan mo si manang Fe, remember? Siguro kung nalaman ni maya na initiative mo yun at hindi kay manang Fe, sigurado hindi lang iyak ang ginawa nun. Malamang hagulgol pa. at hindi lang himas sa likod ang ginawa mo. baka nayakap mo pa
OO NGA NAMAN PO! Penge naman po kaming kahit konting yakap naman diyan! Kahit paminsan minsan lang po oh? Kaso yung minsan po paki dalasan. HAHAHA!
PENGENG INSPIRASYON
Lagyan niyo naman po ng konting malisya sa posisyon ni SC puro naman po kasing si MAYA ang may malisya! HAHAHA! PEACE YOW!
OO nga naman mga writers, kahit thank you hug ni Maya kay SC lang pero my effect ky Sir Chief
Sir chief: Maya, all I’m trying to say is usually if you don’t like a person, it’s because may gusto kang iba.
Maya: Si Atty. G po? Kaya po ba ayaw nyo po sa kanya kasi may gusto kang iba?
Sir Chief: Touche.
Hmmmm … aminin na kasi! Gagamit gamit pa ng french word!!!
“@StarMagicPhils @jodistamaria #TradeEventhttp://instagr.am/p/S2tO5VLXCU/ ”
Saveeeehhhhh?!?!?!?!
nagwawala daw ang mga audience sa kilig kay yaya and ser chief sa Tradelaunch…..mukhang lahat daw eh fans ng BCWMH hahaha SAVEEEEEEEEEEHHHHHHHH
https://pbs.twimg.com/media/A9WgK4MCIAAbe2x.jpg

@Push_Mina Nagwawala na sa kilig ang audience kay Jodi Sta Maria & Richard Yap! BeCarefulWithMyHeart! pic.twitter.com/FES8Yvro
Ah basta, hindi ako assumera! sigurado ako, naiinlab na si Ricardo, di nya lang inaamin sa sarili nya. dami ng ebidensya.. .baka sabihin ng mga writers, tayo ang dense.
Si Ser chief may pagkamakulit din eh!ayaw talaga tantanan si Maya ng kay Simon..
sinabi na nga diba na friends lang talaga sila.,wala nga din dawchemistry parang kayo ni NOO..tapos ang tanong mo na naman susunduin ka ba ni simon?!???!!!!!!
busy nga yung tao….BUSY… BUSY …BUSY,,nagpapayaman ng bongga..
Golly! Sir chief obviously you have feelings for Maya…mmm…what a GREAT PRETENDER! 🙂
Parang gusto mo lang ata SC ikaw sumundo ulit eh! Tapos bibitbitin mo nanaman si Abby para dahilan…pero huwag na lang pala baka makita mo pa si Ina Ruiz dun, mahirap na…hahaha
At may nalalaman ka pang itext ka ni Maya pag nakauwi na siya hah! ano to ser chief mag bf/gf lang?!!!
Ang sweet naman ng mag-ama ni Maya..(Mag-ama talaga!hehehe–
Sorpresang sinundo siya…saktong sakto pa ang dating…
kahit maiksi lang yung eksenang yun ang cute lang saka sweet! –sa bahay na yung mas bongga pang eksena eh,,pahaplos haplos ng likod, uuyyyyy

Oo NGA! Parati na lang niya isinasangkalan si Abby! Pero ang totoo siya naman tong may gustong sumundo kay Maya! Pakipot din tong si Daddy Pogi eh? Pektusan ko to sa esophagus eh? ng makita niya! HAHAHA! Joke!
Daming sinasaveeeeeeeehhh?! Pero yung tingin naman niya kay maya at yung concern niya mas malagkit pa sa sapin sapin! Nakooo! Tigil tigilan mo nga ako Ricardo baka mahalikan kita!

Anak ng….— lagot na ,naalala ko sabi nitong si Katrina “Ina” Ruiz kay Maya na wala siyang bf..May possibility na naman na madikit to kay Ser Chief., bukod sa mukha namang mabait ang character niya dito e sabi pa niya gusto na niya mag settle down at bumuo ng pamilya kaya iniwan niya pagiging stewardees at yun mas gusto work niya ngayon sa Time airways.blah,,blah,,blah..
Ay patay tayo diyan, di kaya magkakasomething din to kay SC, huwag naman na sana,, SC huwag ka muna magpapakita sa kanya
Sana naman turn na ni Maya,nakakarami na tong si SC eh. DAYA! di patas ang laban,hahaha Di pa ba lalabas yung matinding karibal nito kay Maya?? Hangtagaltagal naman niya..–
,CEO ng Time Aiways ikaw ba yun? o piloto kaya siya?…sino kaya? Labas na.
Ito talagang si Ricardo galing ding magpalusot…
Nung sinundo si Maya si Abby ang dinahilan…
Nung nagpaluto ng spaghetti, ang sabi kay Maya si Manang Fe daw ang nagluto para kay Maya
Ay oo nga pala ka-addicts, I went to the video store this morning and I asked them about bcwmh video. (PINAGTAWANAN BA NAMAN AKO!!!) it’s not yet out. kung gusto ko daw magpareserve na daw ako… harry potter book ang dating?!
I’m not sure ha.. pero sabi nya 299 pesos per dvd. e series daw yun. so ibig sabihin maraming cd. or baka naman niloloko lang ako nun???
Ayy nako teh! Nagtanong din ako niyan! Pero hindi sila tumawa! Parang dipa nga nila alam eh? Kasi ang binigay nila sakin eh yung mismong OST! Shunga foevs! NKKLK!!
Anyways, Antabayanan na lang natin yung mismong announcement sa twitter or sa fb or sa tv yung releasing nila ng DVD.
I know 299 na nga. Like nung Walang Hanggan DVD. Per volumes kasi daw yun. So it means matagal pa sila at hanggang mid next year pa isa lang ang ibig sabihin nun mas madaming VOLUMES ng DVD ang ilalabas. At kada isang DVD ay may 1-15 episodes. Eh ngayon nakaka 100+ na sila. Kaya kailangang kailangan talaga nating mag ipon. Don’t yeah worry my dear sister hindi naman sabay sabay ang labas ng kada volumes ng dvd na yan eh? baka yung last 4 months or 3 months lang ang ilalabas nila.
Baka 1-5 volumes pa lang oh kung hindi 1-3.
Pero sana ilabas na nila. Hindi na ko kumakain may pambili lang ako ng DVD na yun! HAHAHAHA! Chos! Balitaan tayo!
wow?totoo bang meron dvd?…sana naman available kaagad dito
merong lalabas na dvd this month. nasabi na nila yan sa interview
palagay ko kaya spaghetti pinaluto ni Sir Chief kasi Amigo yung pinagamit nya,
naku si Manang Fe, mukhang magkakasakit ah…. nkaka worry
Kaya nga nakakarami na talaga itong si Ricardo samantalang si Maya e dalawa pa lang wala pang nararamdamang threat si Ricardo. Ano ba yan… nasaan ba ang bonggang-karibal na yan masundo na ng eroplano para mabilis.
SC kailan ka ba aamin..! Anong petsa na?!!!!!!!!!!!!!!!!!
hahaha maya-maya 2013 na . may pa -touche touche ka pa diyan. style mo!
inlab ka na , dinideny mo lang sa sarili mo pero di maikakaila ng mga ngiti mo at kislap ng mga mata mo
OO nga sis.. gusto ko ng batukan tong si Ricardo e.. aba-aba sunod-sunod ang babae ah. yun nga lang di nagtatagal!hahahah
Tama tayo na lang sumundo , sabihin lang niya saan siya at darating tayo, hangtagal tagal kasi niya.. di na patas ang laban e, si maya naman dapat…
pwede palang maglabas na ng dvd kahit di pa tapos ang serye.
yung WH ba naglabas agad ng dvd?
Oo nga naman Ser Chief, anong petsa naaaaaaa.
Talaga yatang hinihintay mo pa ang lalaking magpapatorete sa’yo sa selos. Naku! Ikaw rin, baka magsisi ka.
tinignan ko sa site ng merriam-webster yung touche so after ko mabasa ang definition, sa lower part nya eto yung nakalagay
What made you want to look up touché? Please tell us where you read or heard it (including the quote, if possible).
sagutin ko kaya ito ng “From Sir Chief of Be Careful With My Heart”
nakita ko din yan. ano kaya sabay sabay nating sagutin yung tanong at pare pareho isagot natin?
Ano sis sagutin natin baka mawindang ang buong mundo kung sino si Sir Chief
ana next time pag niyaya ni abby si daddy na sunduin si yaya, mag-aya na din si Abby na kain sila sa labas at tapos pasyal pasyal sila
Maganda yan sis kasi di nakapang-yaya outfit si Maya kaya mukha lang talaga silang happy-family. Sana nga gawin ito ng mga writers minsan.
Bet ko, roxy, mangyayari yan. di naman mahirap lambingan ang mga writers eh. ilang beses na nating na-prove.
Talagang nakabuyangyang sa merriam-webster site yung UN ko dito hehehe
Wapakels, katuwaan lang. i-verify man nila info ko, good luck na lang sa kanila ang importante naitala ko ang pangalan ni ser chief sa site nila
Nalungkot naman ako kay maya nong papaalis sana siya dahil kausap ni Sir Chief si atty sa cp 😦
Buti na lang bumawi si daddy pogi at napangiti si yaya
Pero ano ‘tong: ‘I’m still giving it a chance. Who knows di ba?’
akala ko di ko na makikita ang mukha ng atty na yon, babalik pa pala?
Naku! sana walang mangyayari na masama kay manang Fe.
Sa mga writers, please huwag naman sanang may mawala sa isa sa mga characters. Kelangan kumpleto sila hanggang sa ending.
Para maiba naman
parang ganito ang nakikita ko….
MF: (iho-holding hands sina Maya at SC)…. magmahalan kayo. (parang mask of zorro lang)
Pero ayoko ng shipper going gone.
Sino na naman kaya ang ka date ni Ricardo?
Si atty ‘G’noo kaya o iba?
Nakadami ka na ha?!
Kelan kaya si Maya? para makabawi naman.
Morning sis………baka si miss g………the miss photogenic daw nung Miss universe 2005@(>_<buti na lang di sya telegenic(>
Kailangan ba talaga na dumaan muna si rickyboy sa maraming babae?…bago maging sila ni yaya ganda?Eh si Maya puro Simon , Simon , Simon…..wala na bang ibang lalaki ?
Pwede namang Secret lovers Lang muna si Sc at maya…di kaya mas lalong nakakakilig ? :
The writer/s knows best pa rin.)
Good morning everyone! Tingin ko malaki papel ni assunta sa pagbabago ni Maya. kasi di ba ang tinuturo nya sa mga interns ay kung pano maging calm at may poise pa din?? E eto kasing si maya pag andyan si Sir Chief natotorete agad. Wa poise kung minsan.
Dati ang hula ko sa bcwmh magkakaroon ng pagkadamidaming liligawan si Sir Chief. habang wala syang ginawa kungdi makipagdate, si Maya unti unting nagbbloom… nagiging sophisticated and elegant. tapos bandang january darating yung guy na para kay Maya… tapos dun na marerealize ni Sir Chief na si Maya pala gusto nya. February magkakaaminan na tapos ENDING!!! sabi nga ng song “you are my first romance (and you are my last)…”
E kaya lang nag-extend (which is very good) pero iba na takbo ng storya.
http://33.media.tumblr.com/6eca2eddc6472858201776e5473697ba/tumblr_mez0rwfsHU1rf2z2wo2_250.gif

http://31.media.tumblr.com/fc4cc9c341da24d37c17525bb00e3b87/tumblr_mez05eF4uu1rf2z2wo1_250.gif

http://38.media.tumblr.com/b37aa9d3078eb4f30a3b9f5c3bce53d6/tumblr_mez05eF4uu1rf2z2wo2_250.gif

http://38.media.tumblr.com/35777ce94c451a0bfd791526dfcb5f11/tumblr_meyk00tjX51rf2z2wo2_r1_250.gif

http://38.media.tumblr.com/2e4c2a65fb4c03a2f6e392cd9b046e92/tumblr_meyk00tjX51rf2z2wo5_r1_250.gif

http://cdn.makeagif.com/media/5-06-2015/2L07IO.gif
———————————————————————————————
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
VOLUME 9
106 Date Aired: Dec. 06, 2012—Hintayan? Super worried for each other? Love na ba yan, Richard and Maya? Sweet!
What is going on with Manang Fe? Hwag naman sana.
Read at pep na may possibility na lumipat si papa pards sa kabila

Awww.. .ang sweet naman ni Ricardo sa teaser for tomorrow.
“Knight in shining armour” ang dating.
Apihin nyo ng lahat, wag lang ang mahal kong prinsesa..
OA naman yung ale na nagtatanong ng kubeta. Manduro daw ba?
Buti na lang nagpa-tweetums sya nung super accommodating si Maya.
Magbi-birthday si Ser Chief?
So Christmas gift ang bibilhin ni Maya?
Siguro yung friend na ipapakilala ni Miss G ay si Miss Ina…hala lagotang Maya
Mukang me balak itong si Atty noo na ipakilala si Ser chief sa single friends nya ah.
Friend kaya niya si Ms. Ruiz?
May napost na script doon sa ig ni sir Jimuel, di ko ma decipher …kelangan ko ang tulong ng ibang adiks …anyway, goodnight everyone! I’m off to dreamland….
Nakita ko din ang picture ng script na yan. May nakita akon word na REGALO.. Siguro yun yung thank you gift ni Maya kay Sir Chief.. At mukhang panyo ang ibibigay niya kasi may sinabi na “pamalit sa lahat ng pinahiram niyo po na panyo sa akin” (that’s not the exact words pero andun yung thought ) tapos mukhang malulungkot si maya kasi parang may nabasa ako sa script na “mukhang hindi interesado sa regalo” basta ganun nakaharang kasi yung kape ni sir Jimuel

Ay!!! Ay!!! parang nakukuha ko na yung script!!!! Lalabas sila Abby, Maya and Sir Chief!!!!! Papasyal na sila!!!! Yes!!!! Sana yun na nga!!!
Babae na naman, Ricardo?!
Ang daya! kung sakaling si Ms. Ruiz nga ang susunod unfair naman yata ke maya. nandun nga si Wilson pero ano naman panama nun ke Ms. Ruiz? Dapat bossing din ang ipangtapat ni Maya kung sakali.
Ang gift ni Maya kay Sir Chief ay panyo… akala nya hindi nagustuhan ni Sir Chief kasi nilagay nya sa insang tabi. Sabi Maya na lalabhan daw muna nya.
Sabi dun sa script “magbihis na kayo ni Abby para makaa… ” makaalis??? (Ano tingin nyo?)
Sabi ni Sir Chief: “Halika na baby….”
E since sabi ni Sir Cheif na magbihis na sila Abby and Maya, hula ko lalabas sila. papasyal siguro… pero ano yung word na “makakaplay na tayo.”
Teaser ang dating?!
Ka-sweet talaga ni Maya!
Sana Good Morning towel na lang ang regalo ni Maya, tapos sya mismo maglalagay nito sa likod ni Ser Chief
I agree…its unfair!n
Sunod sunod na babae ang nakalinya kay Sir Chief. Linggo linggo may bagong kerengkeng.
Dapat si Maya din. yung tipong nakikkta ni Sir Chief na may threat sa kanya…
Wag naman yung mga mukhang mga mamas boys na walang muang sa mundo(sorry simon at wilson kung matamaan kayo). Sana yung tipong may dating na may confidence sa sarili. yung tipong Richard Gomez or Gabby Concepcion lang naman.

Nakakatawa si Wilson, asar na asar dun sa dalawang bruhang intern, sarap daw tadyakan!!!
Di pala nabanggit kung gano katagal yung internship ano???
Oo nga eh, ang ilap naman yan pinapangarap nating kakabog ke Sir Chief, may feeling din ako na magkukrus ang landas ni Ms. Ina at Sir Chief, patay na, worried na naman si Maya nito
Nahalata ko dun sa pag-uusap ni maya ang Ina Ruiz sa cr, binigyan ng emphasis ng writers na single si Ina, walang boyfriend and wants to settle down and start a family; parang naghahanap na rin ng husband-to-be.
Eto ang conflict – kung magiging good friends sila ni maya tapos mali-link si Ser Chief kay Ina. Poor Maya …
Ako’y nagikot ikot here sa pex ang daming BCWMH Threads! Pero mas gusto ko pa din dito. MAS BALIW mga tao dito eh? HAHAHAHA!
Di nga? ito naman yata ang naunang thread kasi nung naghahanap ako dati ito lang ang nakita ko na bcwmh thread. Meron din Jodi and Richard pero ito lang yung thread para sa show mismo. Kumbaga, mas babad na sa pag-aadik ang mga nandito kaya mas baliw
Nakita ko sa chwirrer (aliw ako dito ) ni kuya Jimuel kinukumusta nya mga ka-adiks daw sa pex. tayo yun! di na daw sya nakakapag basa kasi wala na talagang time. busy busyhan ang lolo, pero nagpo-post parin daw sya ng pics and teasers. O di ba, tayo na!
Sa teaser for tomorrow, parang napa-react si Ser Chief nung malaman na hina-harass or something si maya ng mga ka-intern nya. At dahil over-protective boss ang peg, baka biglang pumunta sa time airways si SC. tapos nandun si Ina. either maunang ma-meet nya si Ina through Jie or mauna nyang makita si Ina sa pagpunta nya sa time airways and then it will turn out na sya din pala yung ipapakilala sa kanya ni Jie.Kkahit saan tayo pumunta, magmimeet at magmi meet pa din sila ni Ina.
Ms. Ina Ruiz, kung totoo ang feminine intuition ng mga adiks at magkakaroon kayo ng something ng mahal na hari namin – pero mabait na mabait ka kay maya – naku mahihirapan kaming mainis sa ‘yo. madudurog ang mga puso namin. Mahirap yatang mainis sa isang taong magmamalasakit sa yaya ganda namin …..
Pero pag si Ser Chief na ni Maya ang pinag-usapan maiinis talaga kami sa ‘yo
Si Sonny na lang o kaya si. Engr Yamaguchi
FRIDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Taray ni Maya….go Maya ….wag papaapi sa 2 lukaret na yan….dami namin dito…suportahan daka
Hmmmmmmmmmmmmmm base sa reaction ni miss INA mukhang may alam sya or kilala nya si SC…hmmmmmmm fishy
Ang galing manginis nung dalawang yun ah….nakakabuwisit na sila ah.. sensya na medyo affected
‘You’re calling us dog’ daw? Tse!
E insulto yan sa dogs no?! Mas cute at lovable kaya ang dog
Kung magkakaroon man ako ng pet, di ko kayo pipiliing dalawa
Ako rin naamoy ko rin ang isda…sus! naman kasi ang mahal na hari parang magnet sa mga babae. Di lang si Liza ang nahihirapan, ang mga adiks din

http://3.bp.blogspot.com/-v4j6xHNE8s…ichard-Yap.jpg
Good Vives na lang Tayo sa pic ng Mahal na Hari at Mahal na Princesa.
Mawalang galang na –
pero mabalik tayo sa hari at prinsesa … kahit san mo tignan … iba eh… lakas lang talaga ng dating pag magkatabi sila. Pansin ko si Jodi pag natatawa o pinapatawa o kinukulit ni Mr Yap palaging napapatakip ng ilong at bibig hihihi

Lahat yata dito puro sa napipintong pagkakakilala ni Ser Chief at Ina.
But on a more kilig note … Ser Chief ha sweet sweetan ka rin paminsan minsan. naalala mo, as in tandang tanda mo yung mga unang pagkikita nyo ni Maya. Dati naalala mo nung nagpanggap syang pipi. Ngayon naman binanggit lang ni yaya yung seafare airlines, trip down memory lane ka agad na dun mo sya nabuking na hindi sya pipi. Ikaw ha Ricardo! Dami palang nakaimbak dyan sa isip mo about maya ha! mas naalala mo pa nga kesa sa kanya eh. Uuuuuyyyyy

Ako eh talagang gulong gulo na! Kailangan ba talagang mga babae kaliwa’t kanan ang harapin nitong si Ricardo?? I don’t think this is doing him any good! masakit na nga sa kalooban nating mga adiks… nagmumukha pa siyang on the look out for the next willing female… eh karami nga nila!! parang mula last week eh naging venue ng Bibining Pilipinas at parang Araneta Center sa parada ng mga former beauty titlist itong Lim Aviations!! Hinihintay ko na lang lumitaw di Miriam Quiambao eh!! buti na lang at wala yata balak mag showbiz si Shamcey Supsup!!
Kung kay Ms. Ina Ruiz… yan!! kabado talaga ako… parang may something sa mga linya nya kahapon pa! parang may connect lang sila ni Ricardo na hindi ko lang mahulaan pa! pero sana lang… she stays at Time Airways and never go anywhere near Ricardo!! Maging mentor and friend na lang siya ni Maya… yun!! Ok na OK yun!!
…..and CHEMISTRY ba kamo?? Nada!! Zero!! Nil!! waley na waley sila ni Ms. Ina! sa tingin ko lang ha!!
Pero talaga lang! naninikip na ang dibdib ko sa mga eksena ni Ricardo sa piling ng ibang babae! Selosa na kung selosa! Pero talagang sa mundo ko at sa mundo nating mga adiks… si Ricardo ay para lamang kay Maya!! walang ibang dapat poporma!
Luke’s note: can we watch a movie this weekend?
Joey: yes but only if marami tayo
Luke: Deal isama mo lahat ng gusto mo
Joey: are you sure?
Luke looks at her and nods
SC: Akala mo may date ako? Just because sinabi ko that I’m open to dating, it doesn’t mean na yun na lang ang ginagawa ko. Magsa-site visit sana kami kaya lang nag-request si Engr. Yamaguchi na bukas na lang …
Ayan, sige explain lang ng explain kay MayaRricardo … mag-praktis ka na bago pa dumating sa “sorry na, pwede ba?”
Tama! Good vibes lang lagi! sana wag gamitin na “slice of life” ang reason kung bakit paiiyakin ang mahal na prinsesa dahil makakahanap na ng ibang reyna ang mahal na hari! oh no please!
Sana gamitin naman ang taglay na charm ng mahal na prinsesa at marami namang mga prinsipe at hari ang pumila rin sa kanya. please lang mga writers! it’s maya’s turn! masyado ng chillax si ricardo kasi walang threat!
Kahit mahal na mahal ko pa si daddy pogi, medyo matutuwa ako pag nakita ko na ulit syang naniningkit at sumusungit dahil sa selos. ako lang ba mga adiks? I’m sure lahat tayo magtatalon pag nangyari yun! ang unfair na kasi! haha! adik lang talaga, masyadong affected!
Hahaha! nagbabaga ang thread dahil sa mga babae ni sir chief ah!!! kasalanan mo to, Richard Lim, ang gwapo mo kasi!!!!!
True , ang hirap naman kumalma! nakakainis,hahaha di pa nga natin napapanood kung ano ba susunod na mga mangyayari pero nalulurkey na tayo.. hahaha kasalanan talaga to ni richard lim, pasaway!
Richard Yap
as Richard Lim
He is the owner and president of the famous Lim Aviation Services, an aircraft maintenance repair and overhaul business. Known for being a cold, harsh and strict boss, he has one son and two daughters namely: Luke, Nikki and Abby. A widow of 5 years, losing his wife Alexandra to cancer, he hires Maya to take care of his youngest daughter after she rescues Abby from an incident at the airport. Maya endearingly calls him ”Sir Chief.”
Yan po nakalagay sa background ni Sir Chief sa BCWMH site… hehhe…
Baka ‘yun ang original plot, hindi lang nila na-edit. Or, mali ang naikwento kay Maya.
Di ko talaga maarok si daddy singkit
Kekerengkeng sa mga babae pero pag-uwi naman sa bahay kay Maya naman makikipag date sa porch
O kaya stalker lang ni Maya. Everytime na nasa porch si Maya at nag-aaral bigla syang susulpot

Parang kelangan bago matulog magkwentuhan muna sila ni Maya, parang “I won’t last the day without you” ang peg! pero hindi naman malaman kung me feelings na ba sya or naaliw lang, ah ewan, I can’t spell you Sir Chief!!
Good evening sa lahat! Dahil sa kahibangan ko kay maya and Ricardo halos kalahating araw akong nanood ng videos nila – interviews, provincial shows, duets nila, teasers at iba pa. pansin ko lang mas malandi si ricardo sa shows nila. pahawak hawak pa ng face. while si maya naman super behave. napadpaqd din ako sa beach scene video ni mr. yap sa my binondo girl and i was like dami pala kissin kising dun si mr yap and ai-ai. nakakaasiwa. sana si prinsesa maya na lang kaso anaktv awardee na sila so malamang di na pwede yun.
For Lola Mamang (Divina Valencia) she mention about restaurant name “Point-point”? Honestly, theirs a restaurant name “Point-point” in National City San Diego, California and it was owned by a Filipino. They serve good Filipino food. They’d been in business for long time ’til they shut down…maybe too many competitions 😦
Ang gusto ko makita eh sana magkaroon ng bonding moments si Nikki at Maya.
Tutal magaan na loob ni Nikki kay Maya… its about time naman na lalong mapalapit si Nikki. Like girls talk or something. Para lalong maramdaman ni Nikki na may kasama sya sa bahay na girl din na makakaintindi sa kanya.
Wala lang naisip ko lang.
Iniisip ko lang kung ano nga ba yung character nung CEO ng Time Airways
1. Matinik sa chicks, walang permanenteng karelasyon, kumpare ni Ricardo na ninong ni Luke. Maiinlove kay Maya dahil pareho niya ng ugali ang first love niyang si Rafi na nambasted sa kaniya dati
2. Seryoso, mayaman, madami ang nagkakagusto, oc at masungit. Kinatatakutan ng mga empleyado dahil sa ugali. Karibal ni Ricardo sa maraming bagay magmula nung bata pa sila lalo na kay Alex.
3. Step-son ni Don Julio na laging kaaway ni Maya dahil pag kasama niya ito o nagkikita sila eh lagi siyang nadidisgrasya, pero dahil mabait at madiskarte si Maya ay napalapit na ang loob niya dito
4. Kinutsaba ni Don Julio na manmanan ang mga kilos ni Maya at para ihanda ito sa paghawak ng kanilang kumpanya, ang kakumpetensiyang kumpanya ni Sir Chief
5. Lihim na gusto Ina, si Maya ang gagawa ng paraan para magkalapit ang loob nila.
Pili na mga adiks…
And I second the motion = pls make this teleserye last longer!!!
Gustong-gusto ko yung scene na inaaasikaso ni Maya si Ricardo sa pagkain parang mag-asawa na talaga sila as in inulit-ulit ko yung scene na yun… kilig-much lang talaga.
Ganda Ganda din pala pag duet nila Jodi at Richard yong songs na “Kaba” Sorry, pwede Ba” at “Torete”.
Thanks to diehardBCWMH for sharing the link from the trade launch.
Ang ganda ganda ng dress ni Jodi. I like that it was not red like the theme. Somehow, Jodi & Richards attire at any event just seems to match ‘no?
Is it possible if you can also find a vid of their duet from the AnakTV awards?
Anyhow, I have yet to finish watching this vid. Enjoy! Richard Yap: Hearthrob for ALL ages
Thank you po for the clip! tama ang sinabi ng isang co-adik, mas malandi pa nga si ricardo kaysa kay Maya pag may show sila kagaya nito.Ii also notice that sa other mall shows nila, sya yung mas humahawak… ganun. sa waist, sa chin, sa cheeks. yii!
Haha! Tama yan Ricardo! Bumawi ka kahit sa mall show lang! Pero make sure na gnyan ka rin kasweet pag kayo ni Maya! Kung hindi, pektus talaga ang abot mo sa min! Hahaha!

Okay lang maging malandi, basta kay Maya lang. Okay?
Grabe, Richard Yap is the most papable among that line of guys. Haha!That’s for me lang naman! pero iba talaga yung appeal nya e! Walang yabang na halo… just kapogian, in its finest. Panalo talaga!
Kaya ang line of girls, kahit mga kapre, nagpupumilit na makadate sya.Pls lang, wag nyong bawasan ang pogi points ni daddy pogi. Lumiliit sya next to you girls no?!
And I have a question:
Can anyone enlighten me if Jodi/Richard and the show is an ANAKTV Awardee that means the show has to continue being a child friendly show?
Wala na ba yung pangarap kung torrid kissing scene, sizzling love scene at iba pa? Mas deserving kaya lips ni Jodi kesa kay Aiai. (ang bad ko!)
Di ko mo child friendly or TV anak sealed awardee eh di na pwede ang kissing scene….
Sila Anne Curtis,Angel Locsin,Kim Chiu mga awardee din diba…grabe mga scene nila…..kaya alam ko walang konek yun…..
So expect tayo ng kissing scene…..alangan naman waley …ano yan DUHHHHHHHHHHH(Nikki mode)
True. Mahirap nga sya kalabanin. kasi unang una sa physical appearance pa lang… model na model ang dating. At mabait pa sya kay Maya. pano na yan Maya???
Pero maganda din yung nagiintern na si maya kasi naaexpose na sya sa totoong buhay… naka encounter na din sya ng mga taong katulad ng dalawang girl (na walang ginawa kundi manglait), tapos tinuturuan na din sya ni Sir Chief “you should learn how to defend yourself”. o di ba nagmamature na sya? ok lang yung maraming obstacles na na eecounter si Maya kasi nagpapatatag naman yung kaya maya atsaka vibes naman lagi sya e.
Magdate lang ng magdate si Ricardo… tuloy pa din naman ang friendship nila ni Maya. pasasaan ba at makikita na din nya ang mga pagbabago ni Maya at marerealize din nya na ang dami dami nyang dinadate pero ang babaeng hinahanap nya e laging nasa harap lang pala nya… si Maya.
FRIENDSHIP IS THE BEST FOUNDATION FOR LOVE.
https://pbs.twimg.com/media/A9bqQNyCMAEvtAg.jpg

https://pbs.twimg.com/media/A9bC-ukCIAAxPPi.jpg

http://cdn.makeagif.com/media/5-06-2015/4iKA3R.gif
Hay naku Ricardo!!! Ikaw na talaga!!
2Geder Concert
http://i18.photobucket.com/albums/b110/eblapuz/2Geder%20Concert/IMG_0044.jpg
One things for sure…super game talaga si SC at si Maya mahiyain..sobrang baligtad sa role nila pero lakaaass ang chemistry nila!

http://i1098.photobucket.com/albums/g370/lilchuzi/DSC03086.jpg
http://i1098.photobucket.com/albums/g370/lilchuzi/DSC03089.jpg
http://i1098.photobucket.com/albums/g370/lilchuzi/DSC03076.jpg
http://i1098.photobucket.com/albums/g370/lilchuzi/DSC03085.jpg
http://i1098.photobucket.com/albums/g370/lilchuzi/DSC03090.jpg
http://i1098.photobucket.com/albums/g370/lilchuzi/IMG_2973.jpg
Salamat sa mga kwento, pics at vid mga sisters!!!! Ang gwapo ni Sir Chief! At sobrang nakakakilig pics nila ni Jodi. Alternate universe, nasaan ka ba?!?!?
Gusto kung sumigaw pero baka magising sila lahat sa bahay kaya dito na lang… Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Pano na kaya kung live? Pasalamat kayo hindi niyo ako kasama. Lol.
The best talaga ang show na to! The best tandem! And the best adiks! SALAMAT ULIT SA MGA PASALUBONG!
Side note: isang week lang ako nawala halos 80+ pages na BR ko.
Salamat sa mga kwento, pics at vid mga sisters!!!! Ang gwapo ni Sir Chief! At sobrang nakakakilig pics nila ni Jodi. Alternate universe, nasaan ka ba?!?!?
Panyo ba talaga ang regalo? Pangit daw magregalo ng panyo, kasi paiiyakin ka daw…
Panyo ata talaga… based dun sa script ni sir jimuel na natatakpan ng kanyang coffee cup. sabi naman ng iba, ang ibig sabihin daw pag binigyan ka ng panyo ay goodbye.
Di alam ni Maya siguro yan
Pwede naman umiyak kasi natutuwa, gaya nung hinagod siya sa likod ni Ser Chief, naiyak si Maya sa kaligayahan
Feeling ko si Maya talaga madalas iiyak dahil kay Sir Chief. Dahil sa kaligayahan!
Me ganun daw sa panyo?
Ang alam ko naman, maganda daw iregalo ay briefs/underwear, kasi hindi daw kayo magkakahiwalay.
Pero ano naman kaya magiging reaction ni Ser Chief kung bigyan sya ni Maya ng underwear?
New Fanfic: The Beginning
New story alert!
Just posted The Beginning on Excess Baggage. Please go check it out. (Warning: It is a lengthy read.)
I’d like to thank the writers who kept EB alive while I was gone – roxyand MsKay – thank you! To the other writers who have posted their works on the site, Bio, mrs_acc – thank you also.
Attention to other writers who posted their stories here – etherial, neohernandez, kimbelle and whoever else – please, please join us on EB. You can DM me your email address so we can set you up with usernames. I would love to have your stories up on there, and unfortunately sometimes I’m too busy to copy and paste items. Please consider this offer!!!!
http://i18.photobucket.com/albums/b110/eblapuz/2Geder%20Concert/IMG_0032.jpg
Don’t worry mga Sis! Kahit hindi nagawa ni Suzie yung request nyo na sukatin…
yung paa!
Mukhang nagawa naman ni Yaya Ganda!!
Siguro iniisip nya na sana…
medyas na lang binigay nya!!
I have a confession to make, reading romance pocketbooks is one of my guilty pleasures and I would regularly buy a volume or two whenever I go to the bookstore, lately I noticed that I have not been giving business to that bookstore. Why? because I have been getting my dose of romance and kilig stories here in SerChief’s Coffee Cup!! thanks to all the talented writers here!! Kudos to you all!!
patulog na ko sis sharpie! pero ginising mo ang katawang lupa ko dahil sa fanfic na ito! naiimagine ko si richard lim! ang dencio na si ricardo turned naughty! waaahhh!!! ang suggestive nya but gentle at the same time, in fairness. sana nga maging ganito sya pag sila na ni maya.
Sis Sharpie!!!
Bakit ang galing mo? Sobraaa!
ganitong ganito ang dating nung mga nababasa kong romantic novels. Sino ka ba talaga? Baka isa kang sikat na author na nagtatago sa ‘yong username?
thanks very much sa sinulat mo. napakaganda talaga!
I hope you dont mind but I tweeted this link to sir …este Richard Yap, Jodi and the BCWMH official twitter acct hoping they do see it and RT for others to read as well.
It deserves to be READ. Those BCWMH writers should take a tip from you
Hi!sharpie if Pacquiao was knocked out today……you knocked me out sa “kilig”becoz of your latest fanfic…ang galinggaling ng paggawa mo puedeng puede talaga sa bcwmh….very sweet and romantic at bagay lg for maya and ricardo…grabe talaga ang chemisrty ng dalawang ito mabuti na lg at pareho silang taken in real life kasi pag hindi …think magkainlaban talaga silang dalawa… nice to know that meron pang parallel universe…doon go lg ng go….bukas monday na salamat….danke nochmals…hanggang sa susunod na kabanata…
sharpie21, grabe ka… ang lakas ng tibok ng puso ko habang binabasa ko ang fanfic.. haaayyy… para talagang Harlequin or Mills and Boon.. gawa ka ng hanggang Chapter 10…pleaaassseeee…
(Credit to all PEx posters) Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
Also posting on FB and Twitter
https://www.facebook.com/groups/406900222729681/
More picture posted daily on my twitter kcrica @esric2002
LAST UPDATE—12-27-19—-UPDATING my BCWMH blog with collages, GIFS from my USB copy of my complete BCWMH DVD set and TFC reviews. Thanks for your featured reviews.










