FLASHBACK<<<<<<< REWIND
VOLUME 39
462 April 22, 2014- Tatay Arturo finally tells Nanay Teresita how he truly feels about Don Fernando.
CONDENSE COMMENTS: EPISODE 4-22-14 AND THE NEXT…
–Inalok ni Nanay ng mangga si Tatay, siyempre ayaw ni Tatay noh. Kahit sino siguro ang nasa lugar ni TA ayawan din ang mangga gaano man kasarap yan.
–Sina Luke and Nikki kausap sina Niccolo and Aira about the party, ang daming bilin ni kuya Luke, pinicturan nila yung isusuot nila and then sinend kina Luke and Nikki. Maiksi raw ang dress ni Aira, Luke ha!!!!
–Si Sabel natulala sa siopao ni Jerry! Ipaframe na daw sabi ni Joma, sabi naman ni Doris, huwag daw ibigay agad ang Bataan sa isang siopao, buti daw sana kung cake o pizza yun, choosy!
–Suportahan daw ni Ricky si Maya, siyempre oo naman agad ang supportive and under(?) na hubby!
–Nawawala ang pagka CEO ni Mr. Lim kay Mrs. Chief….supportive hubby eh, di ba sabi niya sa wedding vow, “You are my chief.”
–So ayun, magpapahinga na lang daw sila sa hotel, ang mga kids gusto gumala sa Cebu kaya magpasama kina Nanay at Tatay siyempre wala ng nagawa ang mga matatanda!
–Dumating na sina Aira and Niccolo sa party. Pool party? May swimming pool pero formal attire sila.
–Ang daming bilin ni Maya kina Cho at Abby! Si Abby aral na aral na si Tita Mommy niya, siguraduhin daw na maraming pogi points si Tatay, dinig naman ni Kute at inasar si Maya.
–Sabi ni Abby di daw sila iistorbo pag nag uusap na sina Nay at Tay…oh good job, Abby! Maasahan!
–Ang daming asungot sa party!!! Mga umeepal kay Aira and si Georgina hindi na tinantanan si Mallows. Worried sick na ang magkapatid na Luke and Nikki, eh nagbaba na ng phone ang dalawa. They noticed na hindi naman pinapansin ni George si Aira, si Niccolo lang. Georgina na toh!!!!
–Si Don Fernando, nagpunta ng hotel asking for Nanay’s room number! Hay! Huwag ganun, DF!!!
— Nakita sila ng magsweetheart, si Maya pinapapunta si Ricky sa receptionist at kausapin para huwag daw ibigay ang room no. ni Nanay. Hindi naman daw yun ibibigay sabi ni Ricky. Bawal nga yon sa hotel.
–Lumapit si DF kina Maya and Ricky, fit the description, chinito and buntis daw. Ayun makaemphasize naman si Maya na ipinasyal daw ng Nanay at Tatay niya ang mga apo nila.
–Hindi daw nila alam saan pupunta sina Nay at Tay. Sabi ni Maya, siya nga daw ang anak, at ang katabi niya ay si Richard, asawa niya.
–Luke and Nikki are rushing kasi gusto nila makahabol kina Tatay and Nanay, narinig ni DF na sa karaoke bar ni Tatay pupunta sina Nay at Tay and the kids. Ay persistent ang DF pupunta sa karaoke bar.
–Hahabulin sana ng mag asawa sina Nay at Tay kaya lang napagod na si Mayabels kaya ayun, hindi na sila pupunta. Natawa ako sa ang layo daw ng natakbo nila haha, ilang dipa lang mula sa hagdan kung saan sila galing. Siyempre madaling mapagod ang buntis.
–Ang cute ng scene nina Luke at Nikki ng akala nila pupunta sila sa karaoke bar. After their Dad said “No! We’re staying…guys don’t disturb us!”Nikki: RAWRR!! Yan ang tiger mode na Nikki!!!
Luke: Yan ang napapala sa kakapalit mo (damit).Nikki: 2 minutes lang. Hmmm, I doubt kung kayang magpalit ni Nikki ng damit in two minutes.
–Sabi ni Ricky, vacation din daw nila yun, they need to relax, enjoy, be with each other. Kasi namiss niya na sweetheart niya. Dont disturb daw sabi ni Richard sa kina Luke at Nikki!
–Nasa karaokehan na sina Nay at Tay… Mag uusap na. Kung bakit ayaw magpaannul ng kasal ni tatay. Kasi daw mahal… Sa sobrang tagal ni Tatay, dinugtungan ng, oo, mahal naman daw talaga mgpaannul ng kasal. Hay ang tagal naman kasing magsabi si TA.
–Nang may sasabihin na uli si Tay, biglang dumating si Don Fernando! So GRRR !!! Ayun istorbo moment sa pag- uusap, ientertain daw niya ang mga bisita, nakakahiya naman daw ang mga taga Cebu. Yon ang reason?
–Dumating sina Abby at Cho, ayun nadaan ata sa foods ni DF at nalimutan ang mga bilin! Naku baka daw tinitipid ni Tatay ang mga apo niya at masyado pa daw bata si Nanay para magkaapo! Ay naku talaga nambola pa!
–Cuddle, cuddle in bed na ang sweetest couple! Sabi ni Maya, yun na daw ang best date ever nila. Babaw naman!! Ayan, sabi ni Ricky, hindi pa nga daw nagsisimula.
–Lumabas si Ricky, kinuha ang food nila. Hindi pa siya nakapaghanda nun ha? May pa red rose pa siya! Nagtitipid na naman wala man lang table cloth at parang sira a yata ang gulong ng table.Hirap si Rcky na itulak eh.
–Oh gaya gaya sa tatay, di ba ganun din ginawa ni DR kay DE?Ang sweet ni Ricky parang si Don Roberto lang noon kay DE sa hotel. Nagpahanda ng breakfast at nagrequest ng rose.
–Wowwwww daw!!! Tapos taas dalawang kamay ni Maya, akala ni Ricky nagpapayakap. So yakap naman siya. Medyo matagal din ha? Para ngang nagdive hihi!!!
— Hindi pala nagpapayakap, nagpapabangon pala! “You’re so mean,” sabi ni Ricky. Eh buntis daw siya at gutom. Sabi pa paano na daw sila ni baby kambal kung wala si Daddy? Oo nga naman siguro need na niya ng nurse to be with her pag wala si hubby.
–Hay, Mrs. Lim…para-paraan din lang tayo ano? Ganun pala ang magpapabangon, masisisi ba natin si Mr. Lim kung mali ang interpretation niya? Akala ko nga may binulong pa.
-Maya, bakit hindi ka naman nagreact agad? Ilang seconds bago ang reaction ha. Ang tagal bago narealize na magpapabangon pala siya ha? Sabagay hindi mo rin naman masisisi kung nakalimot. Hihihi!!!
— Napansin ko lang parang nag level up na talaga ang yakapan ng mag asawa in bed…inumpisahan ni Maya, ngayon si Ricky naman. Mas exciting na pag nanganak na si Maya baka mas lalong level up pa.
–Nakabalik na ng hotel sina TA at NT. Naka 1 point na si Tatay, may kiss na sa pisngi! Yan pakibilis pa Tay!!!
Nung nakita ko na ang Tuesday teaser, kaya pala bumirit si Maya ng… You are my first romaaaaaaanceee!! “dahil nakita niya na hinalikan ng tatay niya ang nanay niya. Sobra siyang kinilig kasi nakarelate hihi… #ParangYungPROMLang
–Continuation ng date ng dalawang magsweetheart bukas. Bumibirit na si Maya ng… You are my first romaaaaaaanceee!! “Hooray! Tumigil na si Mommy!” Hang cute ni Ricky boy sa scene na yan.
— Tapos kumuha ng gitara! Waaahhh, at si Daddykins will sing for the twins!!!!

–Naligaw na talaga ang mag-sweetheart. Si Daddy sweetheart medyo panic, baka raw gabihin sila… walang dalang vitamins si sweetheart niya. Kailangan na gad ng vitamins?
— Naku ayan na… Nay Tere meets Don Fernando… ay very humble si Don Fernando, pauso lang daw ang don-don…– Don Fernando: Mrs mo? (referring to Nay Tere) NT and TA: dati
–Don Fernando…. Fernando Poe Jr. ang peg …may kabayo.
— Kilig overload ang magsweetheart lalo na yung singhutan. Singhot naman ng husto si Tita Mommy… ang bango daw… grabe talaga, ang kulit makasinghot!!!!
–Maya: ” Ang sarap dito, sweetheart.” habang nakayakap kay Ricky after the singhutan event. Ang tanong….Maya was referring to?, their location or her head’s location at the moment.
–Ang sweet ng mag-sweetheart, nakatulog under the tree!!!Sarap ng higaan, este ng higa pala ni Maya!!!
kumportableng-kumportable ‘no…. sandal kung sandal… yakap kung yakap with matching singhot!!!!
–Ginabi na ang mag-sweetheart sleeping under the tree… inabot ng gabi sa sarap ha? ng tulog!
— Instead na gisingin nina TA at NT dinala ang buong family under the mango tree. Di man lang sila nagising while they’re preparing for the picnic.
— Everyone is there na, nag-picnic na…daming food…ang daming pakwan pero di naman yata naslice paano nila kainin…props lang?
— Nakakaloka ang admirer ni Tay Arturo! Pumunta pa talaga sa Chibugan para ma-sight si Tay Arturo…. buti nga barado sya kay Kute. Aba! persistent……persistent sa pagkakiri !
— Sabi ni Kute, wala si Tatay Arturo ko, kasama si nanay, nag-date…kasama ang bunso kong kapatid at ang asawa niya. Pagtalikod ni landi ghel sabi niya akala ko hiwalay na sila.
–Kwela sina kute and Lino. Si Kute lakas mambara dun sa malanding babae. Si Lino naman nag alok ng kutsilyo. Patok din ang tandem nina Aiza and Vandolph, natural na natural ang bitaw ng lines and punchlines!
–Istorbong mga bata, sarap kurutin sa singit!!! Patulog na sana mag-sweetheart, then isa-isang dumating ang kids bitbit ang unan. Sayang ang big room na binayaran ni Daddy.
–Ay kainggit naman si Abby!! Ang cute kasi comfortable sa pagsampa at pagkakahiga sa daddy niya.
Aba naman ang ganda ng higaan ng batang ito eh.Kay Abby ba tayo maiinggit o doon sa asawa ng Daddy niya!
–Sweetheart, kung hindi ka lang buntis, babalik tayo dun sa puno. Gusto mo talagang masolo ‘noh?
— Naks, ang bilis ni Don Fernando, pinadeliver pa pala ang mangoes, with matching card!!!! Lagot tayo diyan Tay Arturo!!!
— Sa asul na ibon bukod sa Team TurTa may Team DoTa na daw. Guwapo din naman kasi talaga si Don Fernando.
–Reporting for duty agad si Mayables kay Kute about Don Fernando, hahaha. Sabi ni Kute sa palagay mo susunod pa siya dito sa San Nicolas. Paano nga kung susunod?
— — Buti hindi pa kumakain sina Tatay Arturo at Nanay Teres nung nag-uusap sila then na-interrupt nung dumating at bumeso pa si Don Arturo …baka nabilaukan ulit.
— Si DF kung maka-diskarte, speedy at hindi pagong! Pahatid agad ng mangga at may beso agad na sumunod!Hindi sa School of Torpe and Pagong graduate si Don Fernando!
Ang bilis ni DF, sa teaser na parang may date si TA and NT, dumating si DF, nag-kiss sya kay NT sa cheek… naka-isa agad!!!! Naunahan pa niya si Tay Arturo!
–Tay, hwag kang mag-alala kahit pagong ka tulad ng son-in-law mo. Yung mabilisan style ni DF, hindi uubra kay NT. Tingnan mo si CJV; mabilis pa sa sports car na maneho niya pero hopia naman.
— Kasi naman bakit kasi ‘Dati’ sinagot nila nung nagtanong si DF kung Misis ni Tatay si Nanay? Feeling annuled na agad? Nasilayan tuloy ang pagkislap sa mga mata ng Don.
–Ang daming naexcite sa male pedia! Dun talaga naexcite? Parang ang saya kasi kung makikita ulit natin magselos si Ricky. Male pedia na nga lang selos pa Ricky boy, eh lalo na kung male OB kaya? Mukhang diyan talaga hindi papayag si Ricky.
— Si Sabel, dinalaw ni Jerry!!!! May dala pang siopao?? Yung number daw nya nakasulat sa balot ng siopao.
— Hanep ang JeSabel! Nagtrending daw sa asul na ibon. In fairness, thoughtful naman ang suitor ni Sabel, may dalang siopao na na ginawang ‘calling card’!
–Napush na ang lahat, ang mga ito, hindi pa. Si Simon yata ang summa cum laude sa Turtle class at magna cum laude naman si Joma.
–“Hooray! Tumigil na si Mommy!” Hang cute ni Ricky boy sa scene na yan. Waaahhh, at si Daddykins will sing for the twins next week!!!!
— Dr. Gonzaga, the male pedia is Ketchup Eusebio. Komedyante at yung hitsura niya parang ka level daw ni Bugoy! Magaling na artista tiyak katatawanan dala niya sa show.
–Ang swerte naman niya mapasama sa BCWMH! and I suppose since pedia siya, semi-permanent yung role niya…until the twins are a day shy of 18!!!
— Kaloka talaga pag napasama sa BCWMH…. nireresearch ang background..at mataas ang expectation… and so far, they haven’t failed the fans.
— Ano kaya..baka may kalablayf si Ketchup? Si Doris?? Walanjo doktor!!!Riot sa katatawanan pag nagkataon
–At hindi malayong mangyari na si doris ang maging ka-lablayf niya. the twins need their periodic shots and Mommy can’t handle them alone…siguro naman magta-trabaho na si Daddy so kailangan si Yaya ang kasama sa Doctor’s Office.
–Just imagine si Doris and si Doc helping each other lower Baby Boy on the weighing scale bin, their little pinkies brushing against each other…di ba.. sweet… para lang yong pinky connection nung magsweetheart nung araw… kakilig pa rin.

First gap:
Boses agad ni ghel ang bungad, talaga namang you are my first romanceeeeeeeeeee na pagkalakas lakas. Tapos ayun nga pinastop siya ni Richerd, may something daw siya for baby kambal. Kung CD daw yan, wag at dinedma daw ng kambal ang boses ni Sarah Geronimo! Gusto ang boses ni Mommy, grabe daw ang galaw. Gustong gusto daw boses nya. Sabi naman ni Richerd, baka daw ang sabi eh Hooray, tumigil na si Mommy!
Umalis na sina niccolo at Aira sa party, nag arcade na lang kaya happy na sina Luke at Nikki!
Hinarana ni Richerd si Mommy ng “…kahit maputi na ang buhok ko…” At naiyak akooooooooooo!
Naiyak akooooooooooo! I kennat anymore!!!
Bakit ano nangyari?
Ang dami naman talagang karibal ni Richerd, oo!!!
Cho at Abby!!!
Trending si Sir Chief, Don Fernando at ang hashtag #SerChiefAndMayaHaranaOneMoreTime!
Hello mga sis ngayon lang na bakante ang real layp, what happen sa 2nd gap?
Trending na naman si Don Fernando? kahapon trending din siya
Madami bang may gusto sa kanya?
Na touch ako sa one-on-one talk ni NT and TA, at natawa kay NT kasi mas inlove pa daw si DF ang sarili nya heheheh
Si Simon regular na ba as service crew ng chibugan
Kailan kaya siya magkaka-lovelife?
What happen sa Edmon? Ipush na yan
The BCWMH team has done it again!
https://pbs.twimg.com/media/BlzLCCvCMAA1ZF5.png
Ricky: Sweetheart will you please stop
Maya: Ha? Sweetheart sobra ka naman, gustong gusto nila baby kambal na kinakantahan ko
sila… O tingnan mo galaw ng galaw parang sinasabi nila na “sige na mommy kanta ka pa”
Ricky: baka naman sinasabi nila “hooray tumigil na si mommy” ha ha ha
Maya: ang sama mo sweetheart
Ricky: “babies i know matagal na kayong nagtitiis sa boses ni mommy, don’t worry i have
bought you something”
Maya: Sweetheart kung cd yan alam mo hindi magwowork yan kina baby kambal, kasi
yun boses nga ni sarah geronimo dinedma nila eh…
Gitara?!
Ricky: you can’t come to cebu without buying a guitar… you want to hear daddy sing?
Maya: No daw
Ricky singing “kahit maputi na ang buhok ko” sa last part sumabay si Maya wala sa tono
Ricky: Sweetheart dinidistract mo kami
Maya: Ricky isa na lang talaga…
YOU ARE SOOOO BACK ATE GREEN! Namiss ko ang mga transcription mo! Hahaha
Ang bilis!
Tandem na ituh… Match the transcription with the scaps na lang? hahahaha… Di naman, sobrang aliw din ng mga side comments mo sa scaps eh! Dagdag saya! Dagdag kilig!
Ayun may lumabas din
PURPLE I miss you!!!
Yap nagbalik loob na ulit ako at sana bumalik na rin yun ibang mga ADIKs lalo na yun mga Crayola Girls
Tuloy ang kantahan duet na sila

Dahil hindi pa uploaded ang episode at hindi na aabot pag nagscaps pa ako, eto na muna!
Asaran sa boses nila!
https://pbs.twimg.com/media/BlzCjw6CUAATai8.jpg
Harana time!
https://pbs.twimg.com/media/BlzCwhJCYAAKm34.jpg
Ang dami daw karibal ni Richerd!
https://pbs.twimg.com/media/BlzFLXHCcAAKsMD.jpg
May naninilip!
https://pbs.twimg.com/media/BlzHt1gCAAA2CAg.jpg
We’re almost there!
https://pbs.twimg.com/media/BlzKadsCIAANoRB.jpg
Ayun! Ang benta nito, may nag akalang manganganak na talaga, yung iba panaginip o nagiimagine daw, ako nga, sumagi din sa isip ko baka mali ng edit! Ayun pala, Lamaze lang!
https://pbs.twimg.com/media/BlzKno0CMAApzd7.jpg
Ayun, ang daming audience pala!
https://pbs.twimg.com/media/BlzL-0HCAAALnQS.jpg
Abangan!
https://pbs.twimg.com/media/BlzMVgfCcAEhAFj.jpg
Gandang araw mga klasmeyts
Waaaaaaaa sinundan ni DF si nay Teresita…pursigido
Magandang araw din
Yap persistent si DF… pero sa sobrang bilis nakaka turn off pala
Yay! Kay Tay Arturo na ako till the end
Ayan sis! TurTa tayo ha?
Oo naman
Si DF mas guwapo pero hanggang dun lang yun
Saka wala naman daw kahit konti sabi ni Nay eh
DF!! Sinabi nang wag kang ganyan eh !!!
Uy..Simon is bek!!!
Weebeeee sis green!
Ampresko lang nitong si DF hmp!
NT at TA naman diretsahan na kasi, wag ng paliguy ligoy pa!
Waaahhhhhhhhhhhhhhhhh lagi na lang SU!!! PEX Admins, anyayare? Bakit lagi na lang… Pakiayos naman po sana please!
2014 na ganun pa rin ang sakit ni manong pex “service unavailable”
Pero nakakatuwa lang kahit na malapagong pa rin ang sevice niya nandito pa rin tayo tumatambay.
Ang themesong pala sa atin ni manong pex “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”

Nakakaloka yung Lamaze scene! Akala ko talaga nanganganak na si ghel. Ang higpit pa naman ng hawak-kamay nila… intertwined pa! Amp!
Ricky: push sweetheart push…. push harder push…. push another go go… push harder sweetheart push push
breath… breath…
Maya: ahhh ahhh
Ricky: Sweetheart? Doc!… Doc!…
Maya: Sweetheart? Ano ka ba? kailangan magconcentrate ka, di ba may isa pang ire pa tayo.
background clapping
Maya: thank you… thank you….
Doc: okay very good!
Ricky: akala ko pa naman naglalabor ka na talaga eh?
Maya: Sweetheart naman para saan pa at nanggaling ako sa pamilya na best actress no
Ricky: Tsh!…. palagi ka talagang valedictorian ano?
Maya: Syempre naman sweetheart gusto kong maging best pregnant in town!! at ikaw naman ang best husband in townnnn…..
Hahaha kala ko tunay praktis lang pala
Actually, nag-eenjoy pa rin ako hanggang ngayon, sis cyber. kahit nga sa love story ni NT at TA kinikilig din ako. nagmumukha nga akong engs after ng mga episodes kasi lagi na lang, di ko namamalayan, nakangiti na pala ako hindi rin ako nag-eexpect na magmulti-task ulit si Ricky o kaya naman mag-“sign of the cross” ulit ang mga halik ni Maya sa mukha ni hubby… or sabi mo nga puro l*mp*ng*n na lang mapanood natin kasi baka naman pulutin na sa primetime hetong kinababaliwan nating serye…napapatanong lang ako kasi merong mga instances na parang gusto ng dumapo ng kissable lips ni Mr. Lim sa mukha, ulo, lips ni Mrs. Lim pero parang nauudlot … like nung tender moments nila sa bagong house nila bago sila istorbohin ni Manang Fe, nag-aabang pa naman ako dahil akala ko dadapo na sa forehead ni Maya …tapos yung kararating lang nya from hangar at may dala syang bouquet of roses…’di ako demanding, sis…ganyan lang nakukuntento na ako …pero kung merong mas pa dyan e sino ba naman tayong hihindi, ‘di ba
Haaystt…maraming salamat po muli sa space…balik na ako ng aking lungga habang inuulit-ulit ang scene when Ricky knelt down at halikan sina Baby Kambal…really love, love, love this scene.
Hay naku, sis kiwi, mas maraming pasobra kesa natigil. Bahala ka na to interpret that. Hahahaha!!!!
#KungAlamMoLang
Teaser for Tom enjoy
https://m.youtube.com/watch?v=SvTTYugr2n4
Ayun namaaaaan! Thankee sa pagbabalik loob, sis greenmile! Hindi sil masyadong mangungulila sa scaps ko😂
Kailan ba manganganak si Maya?
may pinakitang teaser kanina sa commercial gap ng Dyesebel. may voice over na Ngayon Labor Day may magaganap.
Possible kaya sa Labor Day manganak si Maya?
Nakita ko din ang teaser, and I’m sure na May 1 nga mangnganak si tita mommy. Yung background pa lang kasi mga baby stuff na eh, kaya sure na sure na yan. hehe.. Ganyan naman sila eh, lagi may pasabog pag holiday.
malaking possibility na sa Labor day nga manganak si Maya!
Bandila @bandila 1h
Netizens, kanya-kanyang hula sa pangalan ng kambal nina Maya at Ser Chief. Abangan sa #Bandila
Nood tayo klasmeyts !
Abangan ngayong May 1!
http://instagram.com/p/nGMCyBrfWU/

NOTE: Letters without pictures will be posted on my Twitter kcrica@esric2002
(Credit to all PEx posters) Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
Special thanks for Mommamee for the beautiful collage with captions. I also post them on FB and Twitter.
The daily FLASHBACK on Facebook is more complete with all the pictures, GIF, and videos from PExers not shown on wordpress. I mean you don’t have to click the link. Pictures, GIFs, and videos from PEx will still be posted on wordpress, but mostly links. I will post all my GIFs and the collages with captions by Mommamee on wordpress.
It is easier to post images and videos on FB. You don’t have to download, and it is unlimited. Here are the link of facebook and wordpress.
https://www.facebook.com/groups/406900222729681/
https://kcrica.wordpress.com/2016/08/06/volume-37-march-6-2014/