VOLUME 44-July 4, 2014

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 44
517 July 4, 2014- Handa na bang hingin muli ni Tatay Arturo ang matamis na “oo” ni Nanay Teresita??

First gap

Lim mansion…Breakfast….
-Ricky asking about internship ni Luke.. okay naman daw… puwera lang sa kapartner niyang intern.
-Luke: Eh paano kakakilala lang namin dad, hinuhusgahan agad ako… parang moody…
-natatawa si Maya…

 

Ricky: Why?
Maya: Wala naman daddy, may naalala lang ako.
Ricky: Baka may ginawa ka?
Luke: Wala naman po….mayabang daw ako… pa-bibo siya tapos may pagka-know-it-all…


Ricky: Mommy, sounds familiar…
Maya: Ang importante diyan magaling siya sa trabaho.
Luke: Mukhang magaling naman po.
Maya: Kita mo, napaninidigan ang pagigigng know-it-all…
Ricky: Your mom is right…tiisin mo na lang. (Pinitik ni Maya ang kamay ni Ricky) You can’t choose your boss, you can’t choose your office mate.Malay mo naman, later on madali naman siyang pakisamahan.

 

Ricky hatid si Abby sa school…sabay na rin daw si Luke…
Maya: Excuse me, wag mo sabihing tatakutin mo ang kaklase ni Abby.
Ricky: Just wait and see Ms. Know-it-all sabay kurot sa ilong ni Maya

 


-NWHS-Northwest Hills School
Ricky telling Abby about height issues and pag nagkaperiod…you know what baby… when I was your age, maliit lang ako..

Kinarga pa si Abby… kasi raw hindi na niya magagawang kargahin uli si Abby kapag tumangkad na ito… nahiya si Abby lumingon sa paligid kung may nakakita. Sweet ng magdaddy.

Maya telling the twins not to go to the stairs… malalaglag daw sila.Ayaw nila ni daddy na may mangyari sa kanila … smart talaga si sunshine…. nag-iloveyou si Maya sa kambal…-tawa si Sky…

Sabel: Sweet naman.
Doris: Uy bff, naiinggit ka.
Sabel: Oo naman bff pero ipon ipon muna.
Manang Fe: Tama yan Sabel

-Nursery- Maya happily looking at the twins habang patuloy na pag-aaral ng kambal sa turo nina Doris at Lea. May book din sila.

-LAS… Ricky talking to Minerva … siya ang mag-handle kina Luke at Joni… mas kaya daw magkunwaring hindi raw kilala niya si Luke…

Maya called .Mr. Lim… umamin ka tinakot mo ang mga kaklase ni Abby ha…
Ricky: I just looked at them. I didn’t mean to scare them
Maya: Ok, sinabi mo an ha. Aba Mr. Lim, talagang nagpapasikat ka.
Ricky: Mrs. Lim hindi pagpapasikat ang tawag dun…it’s kapit bisig.

 

Second gap.

LAS
Minerva orienting Luke and Joni about LAS. They will be working with Ms. Liza daw daw, the Personal Assistant to the CEO kaya lang next week daw pa daw masamahan ni Ms. Liza sa line and maintenance…office work raw muna sila. After a week daw she expects them to know the LAS organizational chart, history, and mission.
Joni started taking down notes while Luke take pictures ng mga dapat isulat.
Luke: Gusto mo i-send ko na lang sa iyo sa email?
Joni said mas gusto niya mag-take down ng notes kasi daw napaprocess na sa isip niya habang nag susulat para din daw siyang nag multitask. Hindi raw siya sanay sa shortcut.
Luke: Daming sinabi.

 

San Nicolas Chibugan
Lino: Hindi po kayo pupunta ng dampa?
NT: Wala ka bang napapansing kakaiba kay Arturo?
Lino: Wala po… bakit?
NT: Wala naman… worried kausap ang sarili.
Dating si TA: Lika, may pupuntahan tayo.
NT: Saan? Bakit?
TA: Basta may pupuntahan tayo. Hinila si NT.

LAS pantry
Natawa si Joni sa nakita sa pantry.May recipe pa raw si Mr. Lim sa kape.
Muntik ng nasabi ni Luke na recipe ni Mommy

Si Luke, natapunan siya ng mainit na tubig galing thermos.
Joni: Hinawakan ang kamay ni Luke, kunting paso lang yan…lagyan mo ng malamig na tubig. Buti hindi ka nagrereklamo na pinapagawa sa atin ito.
Luke: Bakit naman ako magrereklamo.
Joni: Wala lang…para ka kasing hindi sanay na inuutusan eh.. sa lambot ng kamay mo parang hindi ka naghuhugas ng pinggan.
Tumunog ang phone ni Luke..,galing kay Louie ang text…pinapupunta sa lugar ni Amiel.

PUS
Submission ng essay ng mga students. Ibinigay ang last essay ni Nikki.. napa-oh my gee si Nikki sa grade niya… Nka 1.25 at maganda ang note ng teacher niya, good impression kay Nikki.
Group work naman ang klase….group themselves into 6.

Sa wakas nakahanap ng group si Nikki. Can I join you guys… sure!… inilapit ni Nikki ang silya niya sa group..

Nagpakilala sa isat isa ang lahat…magkakaroon na ng friend si Nikki.

MRP- Most Romantic Place –
Dinala si NT sa most romantic place nila.
NT: Ano ang gagawin natin dito?
TA: Basta.. may ibibigay lang ako sa iyo.. lumuhod si tatay at iniabot ang kahita ng singsing kay NT na natulala.

 

 

Third gap.
NT: Bakit nasa iyo yan?
TA: Buksan mo… buksan mo, masakit na ang tuhod ko…ayaw kunin dahil alam niyang di magkasya kaya siya na ang nagsuot ng singsing sa kamay ni NT.
NT: Nagkasya siya? Bakit ka natatawa?
TA: Alam ko kasing sumikip na yan sa iyo kaya pinalakihan ko.
Naiiyak si NT: Arturo naman eh… masusuot ko na siya ulit.
TA: At hinding hindi na kita bibigyan ng dahilan para hubarin ulit yan.

Ayun oh, nagyakapan ang Turta dahil mahal na mahal daw nila ang isa’t isa.Hinalikan ni TA si NT sa pisngi …ay bakit di sa lips!!!!!Yakap uli ang mag-asawa.

Amiel’s place
Kumpleto ang tropa… dumating si Luke… kinumusta ng tropa ang ojt ni Luke.. ok naman daw, meron lang siyang hindi makasundo…

 

Babae daw, maganda daw ba?Ok naman siya… mestisa..
Louie: Alam ba niyang kayo ang may-ari ng kumpanya…
Luke: Ewan ko sa kanya.. dapat hindi kasi ang tingin niya sa akin petiks at walang alam. Kantiyawan ang tropa. Nagpapansin lang daw sa kanya.Type daw siya.

 

Luke asking Amiel kung di ba mahirap maging independent.
Amiel: Medyo mahirap pero hihiwalay din naman tayo sa parents di ba.. try mo.. iba ang feeling kapag independent ka.. mas makapagpractice ka baka sakaling di ka na ijudge ng chick (si Joni)
Luke: Ay wala akong dapat patunayan sa kanya no. Pero iba pa rin daw mas adult ang feeling. Parang napaisip si Luke sa sinabi ni Amiel.

 

Last gap.

Lim mansion-dinner time… 
Very proud si Nikki sa grade niya sa essay. 1.25… at pinuri pa raw siya ng teacher sa note niya.
Abby: So sa college, 1.25 is a high grade na ate?
Nikki: Yes… pero sa ibang school 60-100 or A, B C,ang grade nila.. sa PUS, 1.0 is their highest and 5 is the lowest.
Ricky: Ganyan talaga sa college niks, hindi kayo bine-baby o spoon fed ng professor nyo..
Maya: Ok lang yun para i-push kayo lalo para magsikap.
Ricky: Kailangan matuto kang lumabas sa comfort zone mo, consider college as training ground.
Maya: May theater group ka na ba sa PUS?
Nikki: Yes mom.

 

San Nicolas.
Doing homework sina Kute at Cho… sina NT at TA naman naghahain..habang nakilitian.
Kute: Sa kuwarto na lang daw sila para di nakakaistorbo.
Cho: Bukas na raw po ang PTA meeting alas tres daw.
Kute: Patay, hanggang alas singko ang klase ko.
Nanay: Cho ako na lang ang pupunta.
TA: Cho, puwede samahan ko na lang ang nanay mo para daw may escort.

 

Kute: Tay, PTA po ang pupuntahan, hindi santakrusan.
Ayun kainan na ang mag-anak.

Lim mansion…
Coffee time ng mag-asawa… Bakit nakatayo? May heart shape pa sa creamer ni Daddy.
Ricky: So tutuloy ka na…
Maya: Oo sweetheart.. salamat talaga ha.. kiss ang mag-asawa…89th?

Teaser

-Luke nagpapaalam na magkaroon na ng sariling place niya.
-NT, president sa PTA…si kute, hinihilingan si nanay mag-sample ng zumba.
– Tuwang-tuwa si Luke telling everyone dahil nakahanap na sila ni daddy niya ng place niya.
–Maya teasing kute na siya na lang daw ang walang lovelife.
– Maya showing the new FA uniform … gusto ipasukat ni Ricky pero ayaw ni maya.. kasi raw baka lalong ma-inlove si Ricky sa kanya.

 

http://instagram.com/p/qBAWNwnGkW/

Ser Chief & Maya, nagbigay ng pa-sample para sa #iheartyou2 concert on July 25.

https://pbs.twimg.com/media/Brq3jHcCIAENJBZ.jpg

After 2 years, Jodi still enjoys being Maya of ‘Be Careful’

By Reyma Buan-Deveza, ABS-CBNNews.com
Posted at 07/04/2014 12:40 PM | Updated as of 07/04/2014 2:33 PM
MANILA – Actress Jodi Sta. Maria said she would still love to continue doing the hit daytime series “Be Careful With My Heart” should it be extended anew.

Sta. Maria said she considers the show a “blessing,” adding that she still enjoys playing the lead role of Maya even after two years.

“Oo naman,” she told ABS-CBNnews.com. “Ang ‘Be Careful With My Heart’ ay blessing para sa aming lahat. It’s a very nice feeling na ma-bless ka at maging blessing sa ibang tao.”

Sta. Maria made the statement after a number of people criticized the extended run of “Be Careful With My Heart.”

Meanwhile, the actress said it is not up to her to decide until when the show will stay on air.

 

“Sa totoo lang hindi ko ‘yan masasagot at ang management ang makakasagot niyan. Pero kung gusto pa din ng tao manatili kami sa ere, bakit naman hindi?” she said.

Sta. Maria said she is just happy with what “Be Careful With My Heart” has achieved.

“Siyempre up to now hindi pa din kami makapaniwala na umabot ang ‘Be Careful With My Heart’ ng two years. Kasi nag-start lang kami na ang original plan ay three months o magpo-four months sa ere tapos ayan na, blessed kami ng maraming months sa ere,” she said.

Currently, Sta. Maria and the rest of the “Be Careful With My Heart” stars are gearing up for a thanksgiving concert this July 25 at Araneta Coliseum.

“Lahat po ng cast ng ‘Be Careful With My Heart’ ay nandoon po at magkakaroon ng ibang production number. Effort talaga ito, sana makapanood kayo at gusto kong sabihin na free admission po ito,” she said.

 

Aside from “Be Careful With My Heart,” Sta. Maria is also part of the upcoming horror film “Maria Leonora Teresa” with Iza Calzado and Zanjoe Marudo.

https://www.youtube.com/watch?v=q2gvUjywV_k

Jodi Sta. Maria gears up for ‘Be Careful With My Heart’ concert

 

Aw sis kcrica sinolo mo talaga ang mansion today! Thankieeee!

I’ll watch again this week’s episode….at tuloy ang marathon ko…sakto ang flashbacks mo kasi dyan na yung pinapanood ko hehehe…oh well actually nakailang marathon na ko…ulit ulit lang ha ha ha! wala na atang gamot sa pag aadik LOL

 

Good evening …nagmonologue lang…

Ngayon lang yan habang wala pang pasok

Pag pasukan na pasilip silip na lang hihi!!!

Nasa old thread lang ako

Abang abang lang ng scaps

 

Ghels!!!

I’m beck!!! JGH at katatapos lang mag-back-read dito.

Sorry for giving everyone a scare! Hindi ako nakapag-paalam ng maayos dahil dagliang walang kaabog-abog at karakarakang isinakay kami sa isang van ng nephew ko and his wife. They whisked us off to pico de loro e mahina naman pala ang wifi sa unit nila!!! Walang ka-kwenta-kwenta yung globe tattoo na dala ko!!!

Pasensiya na po sa mga nag-worry for our family. I know you know about my 88yr-old ma and you were probably thinking the worst na.

Next monday po, ready for updates duty na naman po.

Sis kcrica!!!Tthank you for your gallant effort daily, at lalo na for today na nag-solo ka.

Napakarami palang kaganapan!!! Buti na lang at napakawalan na kami sa pagkaka-hostage!!! Ni wala man lang kaming damit na baon!!! Bili-bili pati panty

Sis mared!!! Waiting, waiting na ako for your scaps habang nagba-back-read pati twitter! Nakakalula sa dami ng dapat review-hin!!! Exciting dahil malamang may magandang resulta ang malalim na pag-so-SOCO ninyo sa presscon!

 

 

Akala namin ano na ang nangyari

Ganyan talaga pag nawala ang internet connection…wala ng connection sa outside world…nyah…PBB hihi!!!

Buti naman may funny updates ulit next week!

 

Best scene for today for me ang standing-by-the-door-while-having-coffee-moment!

Is that the new ‘veranda’ in the teaser? Iyung noong nagpapaalam si Luke to have a place.

 

Living on your own builds character! You also learn how to be more independent, basta you also know your boundaries because your parents trust you! Agree ako with Luke living on his own!

 

Good evening classmates! Padaan lang ako today, mamaya na ako mag-review ng mga scaps at posts. Just made it home from work at may 4th of July chuvanes ang family ng real-layp SC ko. No time for fangheling yet.

Thankie sis kcrica for the updates, speed-read lang, later ko pa din mapapanood ang episode but it’s nice to know we’re at number 89!

Sis pippin!!! Your beck!!! Thank God! Balak na talaga kitang i-text kung di ka pa nagparamdam chudey! Glad all is well with you!

Laters mga kapatid! Hirap naman nakisabay pa ang holiday dito. Kung kelan madaming ganaaapp!!!

#NGEEE!!!
#WordOfTheDay

 

Nakita ko sa youtube… Thank you so much sa owner: Flow Galindez

https://m.youtube.com/watch?v=s-ruoLC5L-M

Thanks for posting sis!

It’s really a wonderful journey…thank you bcwmh!

Kasama tayo sa journey nila.

In fairness gumagaling si Jodi, mas effortless siya kay RY!

 

Singer na singer si Jodi ano po?  Handang handa sa Araneta! Pangarap niya yan!

Presscon pics!

Ayan na silaaaa! Why so bagay?

https://pbs.twimg.com/media/BrrEx8tCYAAxp4i.jpg

https://pbs.twimg.com/media/BrrpO4-CYAA164S.jpg

https://pbs.twimg.com/media/BrskJQkCMAEldPT.jpg

https://pbs.twimg.com/media/BrrKm7hCAAATCvZ.jpg

 

https://pbs.twimg.com/media/Brswa8GCIAAtwE-.jpg

https://pbs.twimg.com/media/BrsrXGmCMAITp2d.jpg

https://pbs.twimg.com/media/BrsizYvCAAAyqWq.jpg

https://pbs.twimg.com/media/Brq-a8DCAAAw_wW.jpg

More pictures here:
https://www.facebook.com/photo.php?f…type=1&theater

 

Titigan 101 daw!!!

Need talaga same ang upo nila…upong pangmayaman haha!!!


https://pbs.twimg.com/media/BrrcONjCMAE98Y9.jpg

 

Ayan tayo sa pag angkla ghel, offcam yan ha? Charot!

consistent ang kapit biceps!

https://pbs.twimg.com/media/BrsnlpjCIAAHznB.jpg

Cameras all over!

 

https://www.youtube.com/watch?v=yUTyOu5C06E

Jodi Sta. Maria evade questions about Revillas

This video just made my day!

Wala naman akong balak magpakasal-Jodi.

I have the same reaction as RY- hahahaha!!!!

O, hindi pa kayo makuha sa “Ngiiiieh” at konting humor…hindi talaga marunong makiramdam…ayan, dinaan na kayo sa derechong supalpalan. Baka naman siguro titigilan na ninyo mga tanong na ganyan.

Way to go, Jodi!!!

#PoliteYetFirm

Sobrang daming review material…hirap maka-catch up!!!!

I’m so overwhelmed!!!

Buti nice, nice yung last video I saw!!! Nakaka-envigorate ang sagot mo, Jodi!!!

Sis mared thanks for all your posts today.

That last video also made my day.

Promise, ang dami kong tawa like RY.

Nakakahawa yong tawa niya…hahahahahahhahhahahahhaha!!!!!

Pasilip silip lang nasa old thread ako.

Pwede pang mapuyat habang wala pang pasok

Yes, ganyan nga, Jods!  Akalain mong, she’ll learn a thing or two pa kay partner niya!

Sis mared, thanks sa mga presscon pictures. Hindi bale kung paulit-ulit. masarap naman namnamin!!!

And btw, na-notice mo ba yung new “nakaraan” format??? Ginagaya na nila yung scaps mo!!! Kita nila, it can be even more effective than video! Hello, lurker!!!

Marami kang pinasaya Jods sa sagot mo!!

Kahit paulit ulit panoorin video na to ang saya saya lang. Ibang iba kayo pag kayo ang magkasama

Maya and ser chief, ready to rock the big dome on July 25

 

http://abscbnpr.com/wp-content/uploads/2014/07/BCWMH-CONCERT_poster-1024×512.jpg

Get ready to sing along, dance along, and party with Maya (Jodi Sta. Maria), Ser Chief (Richard Yap) and the rest of the cast of “Be Careful With My Heart” as the country’s number one “feel-good habit” celebrates its second anniversary on daytime TV via a special free concert titled “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving” to be held on July 25 (Friday), 8PM, at the Araneta Coliseum.

Joining the show’s cast members in the thanksgiving concert are Erik Santos, Juris, and Richard Poon.

For free tickets to the “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving,” Kapamilya viewers may go to the ABS-CBN Center Road on July 21 and 23. Ticket distribution will be from 10AM until 5PM.

Meanwhile, continue to be inspired by the country’s number one feel-good habit, “Be Careful With My Heart,” everyday, before “It’s Showtime” on ABS-CBN’s Primetanghali block. For more updates, log on to ABS-CBN.com, follow@becarefulheart on Twitter, and “like” the show’s official Facebook page at Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
Libreng tickets para sa “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving,” ipamamahagi sa Hulyo 21 at 23…
MAYA AT SER CHIEF, HANDA NA PARA SA “BE CAREFUL” CONCERT SA JULY 25

Makikanta, makisayaw at maki-party kasama sina Maya (Jodi Sta. Maria), Ser Chief (Richard Yap) at ang buong cast ng “Be Careful With My Heart” sa libreng concert na pinamagatang “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving.” Ang espesyal na pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo sa daytime TV ng number one “feel-good habit” ng bayan ay gaganapin sa Hulyo 25 (Biyernes), alas-otso ng gabi, sa Araneta Coliseum.

Magpapasaya rin ng mga Kapamilya sa thanksgiving concert sina Erik Santos, Juris, at Richard Poon.

Para makakuha ng libreng tickets para sa “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving,” maaaring pumila ang Kapamilya viewers sa ABS-CBN Center Road sa Hulyo 21 at 23. Mamamahagi ng tickets mula 10AM hanggang 5PM.

Samantala, patuloy na ma-inspire sa number one feel-good habit ng bayan, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

Hi pippin ur bek! Mared salamat sa presscon pics. Jochard are just so lovely together. Lalo yung black n white pic yung nakatalikod sila, parang real lang talaga
Pero Mared as sabi nga last night, muka ngang ginaya scaps mo, di lang sa nakaraan, pati sa teaser!

Kcrica, siguro news reporter ang past life mo  Salamat sa updates and flashback.
Silip silip lang ako. Grabe real layp…. have to bring home some work matapos lang

http://i337.photobucket.com/albums/n392/baby_rieanne/BCWMH%20Collages/c601c37b0d58769eba4fb28c295a18ce.jpg

 

Di naman ako news reporter sis pero mahilig talaga akong magbasa ng news. Sa dinami dami ba naman ng newspaper na binabasa on line kaya marami akong nasasagap hihi!!

Ok, post muna ng news!

Yon press con sis, last Monday ka ata sya na mention dito sa bahay natin…na sana magkaron ng presscon after ilang days lang ng presscon kaya sobrang happy

Natapos na ang 4th of July but I forgot one thing and that is to say :

TO THE BIG BOSS NG ABS-CBN THANK YOU SO MUCH at na grant nyo ang isang wish ko

 

Waw pde malaman ano wish mo? Re concert?
May ticket ka na?
May ppv na?
Ah… alam ko na! Bibigyan mo kami ng ticket!!! Yey!! Di na kami pipila!!! Hihihi
Ano nga ba wish mo?

Jodi Sta. Maria mum on ‘pork’ controversy

http://media.philstar.com/images/the-philippine-star/entertainment/20140704/Jodi-Sta-Maria-mum-on-Revilla-controversy.jpg

By Eunice Blanco (philstar.com) | Updated July 4, 2014 – 6:07pm

MANILA, Philippines – Jodi Sta. Maria declined to comment on the controversy involving the family of her boyfriend, Cavite Vice Governor Jolo Revilla, in connection with the pork barrel scam.

“I would rather not comment about it and I will be welcoming questions about the concert,” Jodi said in an interview Friday.

While she avoided questions related to the pork barrel scam, Jodi answered questions if may already settle down with Jolo.

“Wala naman akong plans na magpakasal,” she said smiling. “Maayos ang ginagawa ko kaya happy ako sa trabaho ko, happy ako sa lahat ng ginagawa ko.”
Meanwhile, Jodi’s morning weekday series “Be Careful With My Heart” is on its second year.

“Kung gusto ng tao na nakikita kami on television,” she replied when asked if she sees the show extending for one more year. “If ito ‘yong way para to be of service to them, why not? Possible naman.”

She said that the cast of the TV series will be having a thanksgiving concert on July 25 at the Smart Araneta Coliseum dubbed “I Heart You 2: Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving.”

Jodi admits that she’s not really a singer, but she will gladly sing during the concert.

“O sige para may hint, Rihanna siya,” she shyly reveals. Though she clarified that “hindi naman po ako magpapa-sexy.”

Another act that she says the people should anticipate is her song number with Aiza Seguerra, which could possibly be a “Frozen” inspired performance.

Free tickets to the concert will be available at the ABS-CBN Center Road on July 21 and 23 from 10 a.m. to 5 p.m.

Mamaya na iba luto muna ng lunch…nandiyan na ang Ricardo ko ….hihi

Kahit bina-bash, Be Careful… wala pa sa planong mag-babu

e078d5c0c06ee83cb69718b7ace57acd

 

http://media.philstar.com/images/pilipino-star-ngayon/showbiz/20140705/be-carefull-cast.jpg

Ni SVA (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 5, 2014 – 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi pa magbababu sa ere ang Be Careful With My Heart kahit halos magdadalawang taon na ito at bina-bash ng ilan na nakakaumay na ang programa at pinahahaba lang nang pinahahaba.

Ayon sa mga nasa likod ng serye, mas maraming nag-e-enjoy sa nangyayari sa buhay nina Maya at Ser Chief kaya wala pa sa bokabularyo nilang tapusin na ang kiligserye na pinagbibidahan nina Richard Yap and Jodi Sta. Maria.

May anak na nga sina Maya at Ser Chief sa kuwento kaya malayo na talaga ang narating nila.

Ang lakas kasing maka-goodvibes ng programa dahil nga sa naging kapalaran ni Maya na napangasawa ang dating amo. Pang-Lovers in Paris ang level ng kilig. Mas lumalim lang nga ang kuwento ng Be Careful dahil nagkaanak na sila. By the way, napapanood na nga pala uli ang Lo*vers In Paris sa morning slot sa ABS-CBN at in fairness, nakakakilig pa rin.

Going back to Be Careful… dahil nga sa pagtangkilik sa kanilang programa, magkakaroon sila ng thanksgiving concert sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25.

Kasama ang buong cast sa engandeng concert bilang celebration sa kanilang second anniversary.

Jodi Sta. Maria hindi ini-itsapwera ang mga kasama

Ni Wilbur Hernandez (Pang-Masa) | Updated July 5, 2014 – 12:00am

MANILA, Philippines – Masarap kausap at interbyuhin si Jodi Sta. Maria. ‘Di lang niya pagmamay-ari ang isa sa mga pinaka-magagandang mukha ng ating pinilakang tabing, artikulado at halatang well-read ang magaling na aktres. Sa rami ng pinortray niyang roles gaya ng dual roles niyang si Sophia Delgado at Sophia Manalastas sa 100 Days to Heaven sa telebisyon (2011), misteryosang si Elisa sa Cinco (2010) balikbayang kapatid na si Charrie sa You are the One (2006), dalagang inang sa Guia sa Noon at Ngayon (2003), religious na si Faith sa Jologs (2002), at kaklaseng sympathetic na si Bernadette sa Anak (2000), versatile ang 31-year old na aktres. Banggit nga noon ng publicist at kolumnistang si Manay Ethel Ramos sa akin, masarap alagaan ang ganitong klaseng artista. Maganda na, maayos pang sumagot.

Ipinakita ni Jodi na gusto niyang ma-embrace ang bawat miyembro ng press dahil cool lamang siya sa kung anu-anong tanong mula sa tagumpay ng ‘kiligserye’ niyang Be Careful With My Heart hanggang sa mga tanong na pahapyaw na papunta kay Jolo Revilla. Hindi siya napipikon. Heartfelt ang pagsasalita ni Jodi sa pagpapasalamat niya sa tagumpay ng kanilang show. Pero kahit ang tanong eh naka-focus sa kanya, constantly niyang ‘di iniitsapuwera ang mga kasama sa naturang show. “Lahat po kami from the cast to the crew up to the promotions arm ng show, 100 percent ang binigay namin for the show to succeed. We all felt na para na nga kaming one big family habang nagpo-progress ang show. ‘Di namin akalain na aabot nang ganitong katagal ang Be Careful with My Heart. Overwhelmed kami talaga!” ‘di makapaniwalang sinabi ng aktres sabay rest ng mga palad niya sa kanyang dibdib.

I’d say dahil siguro akmang-akma or sumasabay ang kuwento ng family ni Maya at Ser Chief sa everyday na takbo rin ng isang Filipino family. Tapos masaya pa ang family life nina Maya at Ser Chief. So inspiring ang show,” modest niyang pahayag. Pero ‘di kinalimutan ni Jodi “of course kayo, mga supporters, mga viewers ng show natin ‘di ba kayo kasing mga viewers na napamahal sa show ang talagang nag-abang, nag-subaybay sa amin to the end. We all know, ‘di talaga magiging successful ang Be Careful With My Heart without you guys. That’s why I personally cannot thank you enough at naririto kami. Para na nga rin kaming family sa set eh. Like an ordinary happy Pinoy family na nasa TV tapos pinapanood din ng Pinoy family. Ang ganda-ganda ng ganon,” beaming na sinabi ni Jodi na pagka-ganda ganda sa kanyang red sleeveless lace-traced blouse na naka-match sa faded jeans at stilettos sa presscon ng Be Careful With My Heart para sa gaganapin na Thanksgiving Concert ng Show sa darating na July 25 sa Araneta Coliseum. Ang laking treat para sa mga fans itong show ‘di ba Salve A.?! Libre pa ang ticket.

Pero sa kalagitnaan ng tagumpay ng Be Careful With My Heart ay aware, in fact, alam ng produksiyon na marami silang bashers sa internet. “Naku may mga buma-bash sa amin. May mga nagsasabi kesyo ‘ang tagal naman matapos niyan, iyung iba naman sabi ‘hoy tapusin n’yo na kasi nakakumay na, nagsasawa na kami, mga ganon! Aba sa akin lang kung ayaw nila iyung show e ‘di huwag silang manood. Kasi mas marami pa kaming puwede at saka gustong pasayahin sa umaga,” ma-puntong sabi ng production manager na si Ellen Criste. The fact na umabot na ng two years ang Be Careful with My Heart, ibig sabihin lang nito, hindi bumibitaw ang mga manonood dahil sinubaybayan nila ang mga susunod na pangyayari kay Maya at Ser Chief.

To note, si Criste nga pala ay isa sa mga naging heads din sa produksiyon ng Pangako Sa’yo ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa. “Nag-air iyon ng one year and eight months. Ang saya namin. Pero ito (BCWMYH) umabot na ng two years! Diyos ko ako mismo ‘di makapaniwala. Nagbu-bunyi kami talaga!”

https://pbs.twimg.com/media/Brskfg3CEAETvmK.jpg:large

Gandang umaga klasmeyts…
heto… pampa ganda lalo ng umaga..

Thank you and credit to the owner of this vid.

Di na naka-good night kagabi,na-knock out kaagad,too tired!

Ang ganda ng umaga.Ang daming photos & kilig news from yesterday’s presscon.

Meron bang link yung sample ni RY ng “All of me”

wow si Jodi magri-Rihanna! Ano naman kay chenes?

Sis, like ko lahat mga slowmokilig videos ni Jonx!

Lunch muna tayo sis…ulam namin dinuguan…dinardaraan in Ilocano!  Yummy!

 

Ayna, naimas dayta, kabsat!

Ay wen ah kabsat …lalo na fresh bagong katay!!!

Good afternoon everyone

Podcast: Be Careful With My Heart Concert Presscon

http://abscbnpr.com/25214/

THANKIEE sis, listening while multitasking!

Love ko tong song na ito. Bakit kaya di nila kinakanta eh nasa official CD sound track nila?

Ok, naman ang duet nila.

https://www.youtube.com/watch?v=f1WHaQoUBwM

When you say nothing at all – Jodi Sta. Maria (Maya) and Richard Yap (Ser Chief)

https://www.youtube.com/watch?v=kDq4Ljf7ctI

MONDAY, JULY 7 SA “BE CAREFUL WITH MY HEART” 🙂

Sunshiiiine!! You are such an adorbs little girl! Hindi ko kinakaya ang kacute-an. Gusto ko iuwi!

Kung si Sky ay may #SkyRoll at #SkyDrink, si Sunshine naman ay may #SunshineDance or #SunshineKembot

At mukhang hinahabol nga nila ang 100th kiss sa Araneta. May 90th na agad sa teaser

sis, three a week from now til the week of the 25th para ang century kiss swak sa Good evening Aranetaaaaaaaaahhhhh!!!!

https://www.youtube.com/watch?v=bgWpK929Mj4

Jodi at Richard, may pasampol para sa nalalapit na concert

Sa mga hindi nakapanood ng Bandila kagabi

Ang Through the Fire at sayaw sayaw ni Jodi at All of Me ni Chenes

thanks for this, sis lui!!! talagang relaxed na relaxed na nga si Chenes…okay lang makalimot ng words.

Thank you sa link! Relax na relax pag magkasama.

Although di ako makakanood ng concert,excited pa rin ako sa update ng mga kapwa adik na for sure eh maraming dalang pasabog.

hoping pa rin na sana meron PPV ng concert.

Since free naman like ng AWP gawan na rin ng live streaming.Maraming matutuwa at mapapasaya

Century kiss ba kamo! Ang kiss na hindi pwedeng makalimutan ng lahat.Matagal at mahaba at lingering na kiss! Passionate kiss na yayanig sa Araneta!!!!! Pwede yun at gabi naman hindi daytime!

#Wishing&Hoping

sis, yan din ang prayer ko!!! kahit pwede akong magpapunta ng pipila sa ABS-CBN, mahirap talaga pumasok sa Araneta ang wheelchair…lalo na kung free concert ang papanoorin at ang cast ng BCWMH ang papanoorin!

chance na nila ang PPV para makalikom ng funds for their favorite charities!!! marami silang matutulungan!!!

Sana nga meron niyang PPV at LS sa iwantv like nung sa AWP. Ahem, lurkers! 

 

Ganda ng avatar mo, sis. mukhang mr. & mrs. ceo na sila talaga diyan

https://www.youtube.com/watch?v=P0TYubXTuqQ

Sir Chief and Maya Be Careful with my Heart Thanksgiving PressCon

Mas buo to, simula pag-enter sa stage pero mas malayo ang kuha:
http://abs-cbn.com/updates/070514-VI…8-79D76A17968D


Sis, this is closer and clearer.

We can clearly see what they are trying to say to each other………….

That smile on your face,
The truth in your eyes,
The look in your eyes,
The touch of your hand
Lets me know that you need me.
You say it best when you say nothing at all.

Hhihi…song din yata

Dapat pala yan ang kinanta nila no?

Sana kasama rin ang ‘When You Say Nothing At All’ sa kakantahin nila sa concert

Throwback Anniversary Thanksgiving pics last year

Ganda ng view from poolside ng old mansion.

Green ang color motif last year, this year red naman

https://scontent-a-pao.xx.fbcdn.net/…23377318_n.jpg
Sweet nakaakbay last year, mas sweet ngayon kapit biceps

https://fbcdn-sphotos-f-a.akamaihd.n…31496568_n.jpg
may controversial pic last year…huwag ng ipost ng buo….so far wala naman yata this year…hihi!!!

Throwback Anniversary Thanksgiving pics last year

Ganda ng view from poolside ng old mansion.

Green ang color motif last year, this year red naman

https://scontent-a-pao.xx.fbcdn.net/…23377318_n.jpg
Sweet nakaakbay last year, mas sweet ngayon kapit biceps

https://fbcdn-sphotos-f-a.akamaihd.n…31496568_n.jpg
May controversial pic last year…huwag ng ipost ng buo….so far wala naman yata this year…hihi!!!

Good evening everyone! mayas coffee is like sis koffies posted pics na. level up na din. fave episodes ko yun sa flashback ni sis kcrica now- yun pregnancy ni Melinda (priceless yun reaction ni sc dun and ilang beses ko pinanood that particular scene). thankee sis.

I love the presscon scaps and vids. Tsa lahat ng nagshare. its so glad to see that RY and JSM seem to be really comfy with each other. siguro nga bffs na ang mga yan. Happy lang!! The twins are oh so super duper cute. galing talaga ng casting director ng show na to. I love that pic of nikki with sunshine atsaka yun nikki with Sky. Sanay talaga si Janella sa kids being a loving sis to her lil bro in real life.

http://entertainment.abs-cbn.com/tv/…beginning-duet

Now watching BCWMH on TFC rewind….yong pag-alis ni Maya sa mansion.

March 1-This episode is my favorite in Volume 14. Abby sang one of my favorite songs, “When you say Nothing at All” I like it more when they used that song as a background while Maya went around the house and reminisce about her life in the mansion.

Kaya post ko ang flashback ng week na yon and the next week….para madaling makahabol.

Jodi, mag-aala-Beyonce sa concert

EXCITED si Jodi Sta. Maria sa 2nd anniversary thanksgiving concert ng Be Careful with My Heart sa Araneta Coliseum, pero aminado siyang matinding kaba ang inaabot niya.

Mas ninerbyos si Jodi nang ilatag sa kanila ang mga gagawin ng cast sa concert, na ‘yung iba roon ay hindi pa niya nagagawa before.

Isa sa mga binanggit ni Jodi na kakaiba niyang gagawin ay ang kanyang song and dance number na malapit sa mga ginagawa ni Beyonce, pero wholesome pa rin.

Nakangiting sey ng Kapamilya actress, wala siyang birit number dahil hindi siya biritera, pero isa ‘yon sa mga ambisyon niya.

Kaya biro niya, nang papiliin sila ng gusto nilang kantahin, ang choices niya ay Through the Fire at Better Days (na parehong makalaglag-baga sa taas).

Pinapaayos na niya ang areglo ng mga ito na gagawing mashup-remix.

Labis ang pasasalamat ni Jodi sa nasabing programa na ngayon ay umabot na sa dalawang taon.

Aniya, it opened a lot of doors and opportunities sa career niya. Never niyang naisip na magkaroon siya ng album, pero nagkaroon dahil sa BCWMYH.

Nakapag-perform din sila sa ibang bansa dahil sa pagiging hit ng show. As a person ay mas naging patient, understanding at sensitive siya dahil sa nakasama niya sa programa.

Humbling experience ito para kay Jodi dahil never niyang na-imagine na makakarating dito ang career niya.

Okey na kasi siya dati sa mga ginagawa niyang character roles at supporting roles, hanggang sa dumating ang role ni Maya at a perfect time.

‘Yung Tabing Ilog nina Jodi noon ay uma*bot ng four years. Itong Be Careful… ay nakakada*lawang taon na, pero hindi pa nila alam kung kailan ito matatapos.

 

http://www.abante-tonite.com/issue/july0514/images/jodi.jpg

Richard Yap, kumapal ang eyebags

Ang kapareha ni Jodi na si Richard Yap aka Ser Chief ay naging recording artist din dahil sa Be Careful with My Heart.

Binigyan din si Richard ng list ng mga kakantahin niya sa concert at nag-suggest din siya ng gusto niyang songs.

Isa sa pinili niya ay Tuloy Pa Rin (ng Neocolors).

Sey ni Ser Chief, mas marami siyang aawiting Tagalog songs sa Araneta kesa English songs na madalas niyang kinakanta.

Sa tanong namin kung sasayaw din ba siya katulad ni Jodi, ang natatawang sagot ng chinitong aktor ay hindi siya sumasayaw dahil parehong kaliwa ang paa niya.

Nakangiting sabi ni Richard, bukod sa kumapal ang eyebags niya at dumami ang kanyang puting buhok ay nadagdagan ang friends niya dahil sa BCWMH.

Hindi niya akalain na makakahanap siya ng true friends sa showbiz.

Nadagdagan din ang kanyang confidence sa acting at singing at marami siyang natutu*nan dahil sa mga kasama niya sa show.

Pagtatapat ni Ser Chief, never niyang in-expect na mangyayari ito sa kanya.

After ng My Binondo Girl at Walang Hanggan ay nagdalawang-isip siya kung magpapatuloy pa siya sa showbiz.

Nu’ng in-offer sa kanya ang nasabing kiligserye ay medyo alanganin pa siya. Mabuti na lang at tinanggap niya at ito na ang mas pinili niyang career matapos niyang iwanan professional life niya sa marketing.

Ang akala nila ay hanggang one season lang ito, pero ngayon ay inabot na sila ng two years.

Dahil sa success ng show, kahit saan magpunta si Richard ay tinatawag siyang Ser Chief at hinahanap lagi sa kanya si Maya. Feeling ng mga tao, kahit off-cam ay magkasama sila palagi ni Jodi.

http://www.abante-tonite.com/issue/j…m#.U7kKa5SSz0G

http://www.abante-tonite.com/issue/july0514/images/richard-yap.jpg

Aiza vs Jodi, mala-‘Frozen’ ang showdown

CUTE ‘yung sagot ni Aiza Seguerra sa tanong kung paano niya pinaghahandaan ang 2nd anniversary concert ng Be Careful with My Heart sa Big Dome.

Pabirong hirit niya, nagdyi-gym siya ngayon palagi dahil sa song number niya ay magtatanggal siya ng shirt at ipapakita niya ang kanyang abs.

Ang totoo ay si Aiza ang tipo ng singer na ayaw ng masyadong nagre-rehearse dahil fee*ling niya ay nawawala ang ‘rawness’ ng performance.

Gusto niya ang videoke dahil salang agad. At saka most of the songs kasi na kakantahin niya ay alam na niya by heart kaya hindi na niya kailangang aralin.

May number si Aiza with Jodi and Richard. Biro niya, may showdown sila ni Jodi na mala-Frozen, si Jodi si Anna at siya si Elsa.
Yun ang pinaghahandaan niya, ang pagsusuot niya ng gown sa kanilang prod number.

Tsika ni Aiza, medyo in character pa rin ang cast sa concert, kaya siya ay si ‘Kute’ at hindi si Aiza the concert performer.

So, hindi ganu’n karami ang song number niya. Masisira ang flow ng show kung dadamihan niya.

Tulad ng buong cast ay thankful din si Aiza dahil nadagdagan ang mga taong mahal niya dahil sa show.

At dahil ang haba ng Be Careful… ay naka*tulong ito sa kanya financially.

Kaya lang ay mas artista siya ngayon kesa singer, so nami-miss na niyang kumanta dahil hindi na siya gaanong nakakapag-gig.

May kanya-kanyang prod number ang iba pang cast members ng BCWMH sa I Heart You 2: The Be Careful with My Heart Anniversary Thanksgiving sa Hulyo 25 sa Araneta Coliseum.

LIBRE ito at walang bayad.

Makukuha ang FREE TICKETS, pumila lang sa ABS-CBN Center Road sa Hulyo 21 at 23 mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM.

Sina Erik Santos, Juris at Richard Poon ang guests, sa direksyon ni Rowell Santiago.

Wow, so cute naman ni Sunshine. Galing niyang magdance like mommy!

Eh si Sky kaya? Baka mana din kay daddy…..

Magaling mag dance revo!!

Pwede sis! Ang makasaysayang patay ipis dance ni daddy

https://www.youtube.com/watch?v=dt9JvxYJRYg

Just give me a reason – Ser Chief and Maya (BCWMH)

Gusto ko itong song na ito duet nina nina Nikki at Nicolo.

Tapos mag dance uli sina daddy at mommy…..
para bumawi sila sa na-cut na lasing dance sa DVD.

Hello pala sa lahat ng naka on line!

Aga ng teaser ha! thankiee sis lui!

TurTa is love love love!  Tuloy-tuloy na talaga ang love story nila. Kaya Kute, masasanay ka na rin totally sa kanilang pagiging PBB teens TurTa is love love love!  Tuloy-tuloy na talaga ang love story nila. Kaya Kute, masasanay ka na rin totally sa kanilang pagiging PBB teens

Will Kuya Luke move out of the Lim mansion na talaga? If ever man na hindi siya matuloy (sana talaga wag muna), what will be the reason kaya? Abangan!

http://i337.photobucket.com/albums/n392/baby_rieanne/BCWMH%20Collages/f85f6b6293b26adb7199dd12d6a44cfc.jpg

 

2nd anniversary Thanksgiving

http://instagram.com/p/qA3FIXtBNN/?modal=true

@jodistamaria and @iamrichardyap singing At The Beginning here at Dolphy Theater for #BCWMHthanksgiving

http://instagram.com/p/qBAxOcNBK1/

Jodi takot magpakasal kay Jolo, apektado ang relasyon sa pagkakulong ni Sen. Bong

By Ervin Santiago
Bandera
3:00 am | Sunday, July 6th, 2014

FEELING namin, may takot at may trauma pa rin si Jodi Sta. Maria pagdating sa usaping kasal. Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang planong magpatali kay Jolo Revilla.

Sa pagkakaalam namin, annulled na ang kasal ni Jodi sa ex-husband niyang si Pampi Lacson na karelasyon na ngayon ni Iwa Moto. Hinihintay na lang ng ex-couple ang mga dokumento para legal na muli ang kanilang pagiging single.

Sa presscon ng “I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving”, ang special concert ng serye nina Jodi at Richard Yap na gaganapin sa Araneta Coliseum on July 27, sinabi ng dyowa ni Jolo na walang-wala pa talaga sa isip niya ang magpakasal uli.

“Wala naman akong plans na magpakasal. Maayos ang ginagawa ko. Happy ako sa trabaho ko. Happy ako sa lahat ng ginagawa ko,” tugon ng mommy ni Thirdy.

Sa tanong kung handa ba siya kapag biglang nag-propose sa kanya ni Jolo, isang makahulugang ngiti lang ang kanyang isinagot.

Nakiusap naman ang aktres na huwag na rin siyang tanungin tungkol sa pagkakakulong ng tatay ni Jolo na si Sen. Bong Revilla, “I would rather not comment about it. But I’ll be welcoming questions about the concert. Thank you.”

Hindi tuloy naitanong ng press kung totoo ang mga tsismis na nagkakalabuan na sila ni Jolo ngayon, at may kunek daw ito sa pinagdaraanan ng pamilya Revilla.

May nagsasabi na baka raw nagsisisi na si Jodi na nakipagrelasyon siya kay Jolo ngayong nasasangkot ang ama nito sa pork barrel scam.

Anyway, sey ni Jodi, mas game siyang pagkuwentuhan ang second anniversary concert ng Be Careful With My Heart. Aniya, isang napakalaking blessing sa kanilang lahat na umabot ng dalawang taon ang kanilang teleserye sa ABS-CBN.

“Ang Be Careful With My Heart ay blessing para sa aming lahat. It’s a very nice feeling na ma-bless ka at maging blessing sa ibang tao,” sey ni Jodi.

Hindi rin masagot ng aktres kung hanggang kailan pa tatakbo ang kanilang soap, “Sa totoo lang hindi ko ‘yan masasagot at ang management ang makakasagot niyan. Pero kung gusto pa din ng tao manatili kami sa ere, bakit naman hindi?”

Samantala, regalo raw nila ang kanilang anniversary concert sa lahat ng viewers na patuloy na sumusuporta sa kanila, “Lahat po ng cast ay pupunta doon at magkakaroon ng production number.
Effort talaga ito, sana makapanood kayo at gusto kong sabihin na free admission po ito.” Bukod sa cast members na kinabibilangan nga nina Maya at Ser Chief, pati na rin nina Aiza Seguerra, Sylvia Sanchez, Lito Pimentel, at marami pang iba, makakasama rin sa concert sina Erik Santos, Juris at Richard Poon.

For ticket inquiries sa “I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving,” maaaring pumila sa ABS-CBN Center Road sa Hulyo 21 at 23. Mamamahagi ng tickets mula 10 a.m. hanggang 5 p.m..

Samantala, patuloy na ma-inspire sa number one feel-good habit ng bayan, ang Be Careful With My Heart, araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.

Read more: http://bandera.inquirer.net/66550/jo…#ixzz36g3KZw00
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Ayokong ilagay ang pic. just look at the source if you want hihi!!!

Pasaway talaga ang mga reporters na yan.

I remember last year in an interview. They also asked about Jodi’s marriage plans.

Si RY sinagot niya ng, I don’t think she has marriage plans. (something like that)

Tapos may nabasa akong comment sabi…Kailan pa daw naging speaker ni Jodi si RY? Bakit alam niya.

That only means he knows talaga kaya pala all smile siya kulang na lang siya ang sumagot.

I think may takot talaga si Jodi…not sure?

Jodi-Richard, nabago ang buhay dahil sa ‘Be Careful…’

Sunday, 06 July 2014 00:00 Written by Jojo Gabinete

Hindi magkaka*tapat ang Macho Gwapita concert nina Ai Ai delas Alas at Rico Puno at ang I Heart You 2, ang anniversary thanksgiving concert ng cast ng Be Careful With My Heart. Sa July 26 ang Macho Gwapita at sa July 25 naman ang I Heart You 2 na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum.

Kumpleto ang cast ng Be Careful With My Heart sa presscon noong Biyernes ng I Heart You 2 at kasali rin silang lahat sa anniversary thanksgiving concert.

Makikikanta, makikisayaw at makiki-party sa free concert ng mga artista ng Be Careful With My Heart sina Erik Santos, Juris Fernandez at Richard Poon. Para sa mga nagnanais na mapanood ang big event, ipamamahagi ang free tickets sa July 21 at July 23 sa ABS-CBN Center Road.

Nagpapasalamat sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria dahil malaki ang ipinagbago ng kanilang mga buhay mula nang maging mga bida sila ng Be Careful With My Heart. Ipinagtapat ni Richard na nagdesis*yon na siya noon na talikuran ang showbiz nang matapos ang Walang Hanggan pero dumating ang offer na magbida siya sa Be Careful With My Heart.

Hindi inaasahan ni Richard na tatangkilikin ng publiko ang feel good morning teleserye nila ni Jodi. Dahil sa Be Careful With My Heart, nagpatuloy at naging successful ang acting career ni Richard at ang trabaho niya na may kinalaman sa marketing ang kanyang tinalikuran.

On the other hand, kuntento na si Jodi sa mga character at supporting roles.

Nang tanggapin niya ang Be Careful With My Heart, walang expectations si Jodi dahil mas pinahahalagahan niya ang pagkakaroon ng trabaho.

Looking back, maligayang-maligaya si Jodi dahil nagbukas sa kanya ang maraming oportunidad sa pagganap niya sa karakter ni Maya.

Originally, 7 weeks lamang ang plano na airing sa Be Careful With My Heart pero umabot na sa 104 weeks at 8th Season ang programa dahil sa tagumpay nito.

Napamahal na sa mga Pilipino ang Be Careful With My Heart. Marami ang nagsasabi na hindi raw nila ma-imagine na mawawala sa telebisyon ang show dahil naging bahagi na ito ng kanilang mga buhay.

Richard Yap ignores show’s bashers

By Eunice Blanco (philstar.com) | Updated July 5, 2014
MANILA, Philippines — Richard Yap does not want to mind bashers who criticize the slow pace of their show “Be Careful With My Heart.”

“I think mas maraming kaming natutulungan kaysa sa naaapakan,” Richard said when asked to comment about the hit show’s bashers in an interview Friday, July 4.

“Wala naman kaming naaapakan. So ‘yong mga nagrereklamo, well, you can always turn the channel, ‘di ba? We’re not forcing them to watch. You can watch another show. For all those who [are] supporting us, this is what we’re doing for them,” he added,

The daytime series has drawn a big following, that the management has planned to produce a film adaptation last year for the Metro Manila Film Festival. This plan, however, did not push forward due to conflicting schedules of the cast.

Though saddened by the decision, the cast refused to “sacrifice” the film’s quality, Richard said.

“This year medyo mahirap na rin because of the flow of the story. So mahirap na maghanap ng highlights na puwedeng palakihin. So we think [that] for the best, hindi na namin ginawa ‘yong movie,” he explained.

Since their show has been air for two years, the “Be Careful With My Heart” family will, for the meantime, hold a thanksgiving concert dubbed “I Heart You 2: Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving” on July 25 at the Smart Araneta Coliseum.

parang you’ve arrived. Of course we’re happy to be there and we’re happy to do a thanksgiving show for everybody to watch.”

The concert is for free, and the tickets will be given away on July 21 and 23 at the ABS-CBN Center Road from 10:00 a.m. to 5:00 p.m.

Magkadikit talaga sila

http://media.philstar.com/images/the-philippine-star/entertainment/20140705/Richard-Yap-ignores-shor%27s-bashers.jpg

Jgh, at biglang pinasukan ang isip ko ng nightmare scenario.

I fear for the true bcwmh fans dahil sa i heart u 2. baka kasi maghakot ang kabila ng manggugulo sa concert! it won’t cost them anything for the tickets.

Alam naman nating medyo naiiba ang antas ng mga fans ng bcwmh at hindi sila tipong makikipagsingitan, makikipagbalyahan at makikipagsabunutan sa pila. baka hindi makakuha ang true fans ng tickets tapos ma-pack ng kabila ang araneta ng mga taong mang-he-heckle lang sa mga live performances.

Baka pag-tiyagaan ng kabilang gawin ito dahil malaking kawalan kasi sa kanila ang success ng bcwmh. Sabi ng nephew ko, kung ilang decada na raw namayagpag ang eat bulaga at kahit anong ilaban ng abs-cbn talo. Ngayon pa lang sila nakatalisod ng bumuwag sa position ng gma7 sa noontime slots. (doctor sa usa pero laging bcwmh ang topic namin!!!! he & wife are diehards )

Sana praning lang ako at hindi naman mangyari ang ganito. Kaya binabalita ko sa inyo para hindi magkatotoo. Pagkinuwento daw mauudlot!

Good evening everybody!!!

 

https://pbs.twimg.com/media/Brt2c7hCcAAmbz9.jpg

What’s with the look, Daddy?

https://pbs.twimg.com/media/Brt3VWjCEAAuiq9.png

Kayo na lang nagkaintindihan eh noh? Ganyan yan

 

https://pbs.twimg.com/media/Brt37EFCEAASRAQ.png

More presscon scaps and pictures!

Pst. Ganda ni Mommy ano?

https://pbs.twimg.com/media/Brt430TCUAEuvom.png

https://pbs.twimg.com/media/Brt67C5CMAALrT9.png

https://pbs.twimg.com/media/Brt7VnOCAAA-hsS.png

 

Sana may number si Don Roberto (Noel Trinidad) and RY. it would be heartwarming to see the “mag-ama” singing together. DR is a very good singer. Si mamang sana nandun din. Atsaka si Rafi.

http://m.youtube.com/?#/watch?v=SZmihjCnvSk

 This was during their presscon July 2012 when the show was about to begin pa lang. Aliw lang tingnan na hiyang hiya pa si RY jan at si Jods ang talagang parang nageencourage kay RY sa duet. Even yun mga kamay ang lalayo. Open palm pa masyado. Even yun hawak sa chin very light. Ngayon possessive na ang hawak at automatic na talaga.

Happy 2nd year BCWMH!!!

 


(Credit to all PEx posters) Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy!http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461

Special thanks for Mommamee for the beautiful collage with captions. I also post them on FB and Twitter.
The daily FLASHBACK on Facebook is more complete with all the pictures, GIF, and videos from PExers not shown on wordpress. I mean you don’t have to click the link. Pictures, GIFs, and videos from PEx will still be posted on wordpress, but mostly links. I will post all my GIFs and the collages with captions by Mommamee on wordpress.
It is easier to post images and videos on FB. You don’t have to download, and it is unlimited. Here are the link of facebook and wordpress.
https://www.facebook.com/groups/406900222729681/

https://kcrica.wordpress.com/

NOTE: More pictures will be posted on my Twitter kcrica@esric2002

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Unknown's avatar

About kcrica

FLASHBACK MEMORIES are flashback from each episode of Be Careful With My Heart. Episode titles, updates, comments, POVs, reactions, as well as articles, pictures, GIFs, and videos are mostly from PExers, as well as posts from TFC.tv., YT, and other sites on line. Enjoy all the selected posts from day 1 (July 9, 2012). You might want to read all at pinoyexchange.com. Here’s the link of PEx thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a comment