VOLUME 6
63 Date Aired: Oct. 08, 2012— Rafi starts to notice something really unusual between Richard and Maya.
64 Date Aired: Oct. 09, 2012—-“He loves me, he loves me not,” do Rafi and Maya’s flowers represent only one man?
65 Date Aired: Oct. 10, 2012—Rafi can’t wait for Charlie anymore. Pero sabi nga ni Yaya Maya, “kalma lang.” Who could be the Lim family’s new visitor?
66 Date Aired: Oct. 11, 2012—How would you know if the person in front of you is already the right one? Rafi seems to have the answer. Paano naman kaya si Sir Chief?
67 Date Aired: Oct. 12, 2012—The Lim family will do a “family-oke” night for Rafi and Charlie. Abangan ang “oke na okay” na duet ni Yaya Maya and Sir Chief!
68 Date Aired: Oct. 15, 2012—This time it’s not just Yaya Maya, because it looks like everyone has been bitten by the love bug.
69 Date Aired: Oct. 16, 2012—Maya goes on a date with Simon and Sir Chief seems very concerned.
70 Date Aired: Oct. 17, 2012—Nag-aalala lang ba o super jelly na si Sir Chief? Looks like the match is now open– Richard vs Simon!
71 Date Aired: Oct. 18, 2012—Madadagdagan na naman ang kilig access, because Maya and Sir Chief are now FB friends!
72 Date Aired: Oct. 19, 2012—-Has Nikki been intruding or is she helping Luke in his love life? Yaya Maya, Sir Chief, please enlighten us.
73 Date Aired: Oct. 22, 2012—Luke and Nikki’s misunderstanding is getting worst and Richard needs to think of something before it ruins Abby’s birthday. Yaya Maya, please connect the dots.
74 Date Aired: Oct. 23, 2012—Just when everything is set for Abby’s birthday, May-may the parrot has gone missing.
75 Date Aired: Oct. 24, 2012—Abby decides to let go of her remaining pet bird, Sir Chief. Can Luke and Nikki help cheer up Abby?(part)
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
63 Date Aired: Oct. 08, 2012— Rafi starts to notice something really unusual between Richard and Maya.
Iba na talaga ang Mondays because of BCWMH! I’m feeling oh so giddy sa bawat scenes nina Sir Chief and Maya

Mas lalong naging kaloka sina Sabel at Doris
Poor Simon….ganun na lang yun? hahahhaha Akala ko ba ok na kay sir chIEf hahha
Teka di ko naabutan yung usapan nina Maya at Simon? ano kaya pinag-usapan nila at biglang nag 360 degrees turn ang mood ni sir??
Alam na ni Fairy Raffi!!
Eh yung dalawang yun’ kaya kelan magkakaalaman???
Super kilig Monday!!
Mga Sis and Bros!! wag i miss ang epi today!!!
Oo nga eh! magandang umpisa para sa week na to! tuloy na tuloy na to mga adiks!
Partida pa yun ha, ni hindi man lang tinikman ni maya kung ok yung timpla nung kape pero mas sumarap daw!!!!
Yung epi bukas, SC ano naman paki mo kung like or hindi ni Maya si Simon??? fishing for information???
As usual, habit na yata ni ser chief ang mag eavesdrop
Nadinig niya na pinupuri siya ni maya
Best na daddy, best na bestfriend, best na boss, biglang ngiti ang masungit na Richard
Ser chief: I need you
Maya: You need me?
Eh itong si Sir Chief… kunwari eh pasungit pa yung pagsabi kay Maya na sagutin si Simon… heheheheh! actually… yung tawag ni Simon sa celfone…
Kaya naman pala.. .ang lolo nyo.. may plano na naman na mag eavesdrop habang kausap ni Maya ang malamang eh nilalamok nang si Simon.. at… ang dami dami palang sinabi nitong si Daddy Pogi sa kanya… naconfirm tuloy ni Simon na suplado at masungit nga si Mr. Lim…
eh syempre ang Yaya Ganda… super naman sa pagtatanggol sa kanyang Mahal na Hari.. and while she was enumerating all the super traits and qualities ni SC… andun lang sa likod nya at nakikinig ang magaling na lalaki!! … pangiti-ngiti pa habang ang Yaya Ganda eh dreamy eyed at parang nagdedescribe lang ng kanyang bagong crush!! ….
At ang Daddy Pogi ha… tease talaga!! sadyain talagang ipaalam kay Maya na all the while eh andun lang siya sa likod at nakikinig!!
kaya hayun.. humming few notes from When You Say Nothing At All ang Mahal na Hari!!
Naku kaya pala ang tamis-tamis ng ngiti ni Sir Chief, grabe! kelangan mapanood ko uli to mamaya!!!
Si Raffi, kung nung una naiirita tayo sa presence nya, now parang ayoko na syang umalis, hehehe! sya ang magiging bridge sa mga bida natin! pero sana bago sya umuwi ng Davao, maayos muna nya yung lovelife nya with Charlie

Matapos lagyan ng aspirin kakatayin din pala
Kawawa ang flowers sa he-loves-me-he-loves-me-not ng 2
At ayaw magpatalo gusto he-loves-me ang ending
Super nice episode today. Sobrang obvious naman kasi ni Maya kaya ayan tuloy nahahalata na siya ni Rafi. Nice start of the week with a smile on our faces, mga kapit-bisigers
Maya Taranta lang!!
Sa sobrang paghabol ng tingin kay Daddy Pogi… hindi tuloy nya na gets na Fairy Raffi is reminding her of their recent conversation… yung tungkol sa..
…. nagpapakaba sa kanya
…. nagpapatorete sa kanya
at yung…. nagpapakilig sa kanya!!

Rafi’s face all throughout the episode was priceless. Kulang nalang ipagsigawan niya na alam niya na. Tawa naman ako ng tawa kay Maya dun sa pagtimpla ng kape. Buti at hindi siya napaso. Siguro nga kaya ipinasagot ni Sir Chief si Maya ng cellphone kasi magi-eavesdrop siya. Pala ngiti na ulit si Mahal na Hari pagkatapos niyang marinig ang mga matatamis na papuri ni Maya.
Ayaw talagang pakawalan ni Sir Chief yung Simon issue na yan ah. Halatang jellyace pa rin!
Rafi, wag ka na munang umalis ah! Kailangan ka nina Maya at Daddy Pogi. At kailangan mo rin si Maya para kay Charlie!
Gosh i am so like so eeeeeeeeeeeeeeeeee!!
Gosh kung makatitig si sir chief habang pinagmamasdan niya si maya making timpla timpla the coffee..sooo malapot
Si raffi e natatawa sa kilos ng dalawa.
Oh my gosh full of kilig moments naman yung epi thank god meron online nito cuz Sunday night palang dito grabe yung tingin ni sc ke Maya sana tulungan muna ni Rafi sila SC and Maya na marealize meron silang feelings bago umalis puntang Davao.
Si Abby naman selosa mana kay Daddy!!! Parang pinakita lang ng mga writers and director kung pano ang talagang gustong gawin ni SC sa cell phone ni Maya nung tumawag si Simon pero di magawa cuz it would be inappropriate he would have been childish parang yung temper tantrum lang ni SC lol sana Monday night na dito para ma panuod ko na yung Tuesday epi haha.. Adddddddik mode!
Yung mukha ni Rafi diyan, parang mukha nung bestfriend mo nung High School kapag nakikita o nakakausap mo yung crush mo.
Halos magdugo na ata ang labi ni Rafi para lang pigilin ang sarili na ngumiti/ tumawa ng sobra.
https://www.youtube.com/watch?v=cd2wTPcSVBc
TUESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
“Dahil gusto mo” ” hindo ko po sya gusto” pretending pa si SC gusto lang marinig na hindi gusto ni Maya si Simon over and over. his face says it best when he says nothing at all….
para ngang kulit ni sir chief eh, parang gusto nya lang makasiguro na hindi talaga gusto ni Maya si Simon.
Sir Chief: Pinapayagan na kita.
Maya: Dahil gusto niyo po na makita ko siya.
Sir Chief: Dahil gusto mo??
Maya: Hindi ko po gusto..!
(Sabay ngiti si Sir Chief)
Naman oh!

Si Sir Chief parang imbestigador ang peg. Interrogation lagi?? Para namang ikaw ang nagmamay-ari kay Maya. Oh wait, ikaw nga pala nagmamay-ari ng puso niya. Never mind.
Buti hindi nagtataka itong si Maya kung bakit si Simon nalang lagi ang topic nila.
Wah!!!! Just watched it. Grabe titig ni Sir Chief habang ngtitimpla ng kape si Maya!!!!!! Good mood kung good mood si Sir Chief ah…
Galing ni Maricar. I want her to be my best friend din.
Panalo din ang selos mode ni Doris. Kasi naman Sabel…don’t mess with destiny!
Naimbag ga rabie adeng……..3 times kong pinanood ang epi ngayon……..grabe tingin ni sc kay maya….parang pampaalis din ng tensyon sa pagitan nila yung pamumuri nya sa kape………kung baga pambabawi sa pagsusungit nya hehehe……kakainlove sila
Weehhhh about sa plan nails…
kung di ako nagkamali 9 seconds nakatitig si ser chief sa kamay ni Maya
Waaahh grabeh kung makatitig si SC while Maya nagtitimpla ng kape
so luv’et!
Love na love na love ko na si Rafi
Nice epi today. kailangan bang bantayan talaga ni ser chief habang nagtitimpla ng kape si maya? kaya tuloy nagkanda mali mali na naman yung isa. at apurado pa ang lolo nyo!
Sana sinumbong ni simon kay maya na inamag sya kakahintay sa guardhouse.
Pero kung ako si simon makakahalata na ako eh. biruin mo tinawagan nya si maya para kumustahin at makausap, just to end up listening to maya extolling the virtues of her ser chief.
Buti na lang din hindi narining ni ser chief yung earlier part ng convo ni maya and simon kung saan sinabi nya na masungit at suplado ang boss nya. kung nagkataon magugusot na naman ang mukha ng mahal na hari at mabubura ang mga ngiti sa guwapo nyang mukha.
Mga sis, binilang ko ilang secs yung titig tungkol sa nails. tama ka pink mga nasa 9 secs nga yun. pero to be more accurate, nasa 7 secs yung una tapos lumingon sandali kay nikki tapos balik kay maya for another 3 secs. total of 10 secs
Pagtripan ba yung titig at bilangin ang bawat segundo
I like the friendship between Maya and Rafi ang cute nila.Para na rin silang bestfriends at si Rafi may alam na.

Baliw na ako, baliw na baliw sa saya at kilig kanina.ANG SAYA LANG NG MONDAY.
Ikaw na Sir Chief, ikaw na talaga ang nakakapagpakaba, torete at kilig kay Maya!hehehe And saya lang!
Pansin ko lang, mukhang nag improve na ang acting ni Richard Yap. Yung scene yesterday na hindi pa daw sya galit, pero ang tono parang galit na. tapos yung pag susungit nya sa dinner table, at saka yung pag asim ng mukha nya nung tumayo si maya para sagutin ang phone, parang natural lang. covincing! very good sir chief.
I agree. nung bago pa lang ang bcwmh medyo stiff pa sya. ngayon natural na natural na, pati sa delivery ng dialogues laki ng inimprove nya. nakikipagsabayan na kay jodi. mas confident na sya ngayon.
And yung scenes nila ni rafi together parang totoong totoong mag bff sila. ang sarap nilang panoorin it helps din na ang galing galing ni maricar.
Mismo Sis!! I agree 100% .. his acting now is a far cry from his first few epis in MBG… ngayon talaga naman makipagsabayan sa tindi ng pagiiba iba ng facial expressions… kita talga… lalo na sa mata!! ang singkit! lalong sumingkit.. kng minsan naman.. mamilog lang talaga!!
bale atleast looking forward to it,,,,,,
Talagang super duper kilig lalo yung mga eksena kasi hindi na awkward yung acting ni Richard Yap!!

Feel na feel na talaga na he’s very much into his role! just like yung PINTO scene.. that look of utter disbelief sa biglang pag-iiba ng look ni Maya… and the defeated look when he thought Maya is actually going out with Simon thus the “naka ayos” Maya na nabungaran nya!! haaaayyyyy!! luv it!!
Maricar is quite a revelation here. Effective din pala siya sa light comedy. We’re so used to seeing her sa mga heavy dramas and oh so serious roles…. good thing BCWMH gave her the chance to prove that she can also tackle the sosyal na kikay na ok lang magpaka bakya role! ang galing-galing! and yes! love ko na siya!
As for Richard Yap! a million pogi points for that great improvement sa acting department… and dinagdagan pa na he’s really, really good as a crooner! complete package talaga!! wala ka nang hahanapin pa! pwede gawing permanent fixture sa buhay mo… hindi ko pagsasawaan!!
And yes….he looks oh! so gorgeous wearing………pink!!!
In fairness to Maricar ang galing nya dun sa eksenang yun ah, walang masyadong dialogue puro facial expression lang, kahit di sya magsalita alam mo na kung ano yung nasa isip nya..
Hahaha! Kakatawa naman ang episode today! Ang lakas lang mang-asar nina Rafi and Sir Chief. Yung smile ni Rafi abot-tenga. Etong si Sir Chief naman ang kulit din. Porke alam niya na naka-panic mode si Maya dahil akala galit siya, lalo namang tinataranta. Tingin ko talaga aware siya about Maya’s crush but he’s like a professor or superior na kahit alam na crush sya ng student or subordinate niya, di pumapatol. Pero minsan he uses his knowledge para mang-asar dun sa taong may crush sa kanya. But at least he made up for it by being extra-nice to Maya. Dagdag pa na talagang na-flatter din siya sa praise ni Maya.
Pero my goodness! Maya is soooo transparent! Kulang na lang maglagay siya sa forehead nya ng sign with neon lights. Parang ako na yung hiyang-hiya para sa kanya nung tinatanong siya ni Rafi kung sino yung nagpapakaba sa kanya. Rafi didn’t even need to hear her answer. Sobrang obvious! It was all in her actions and the way she followed Sir Chief with her eyes. Galing rin ni Jodi dito sa scene na ‘to. Actually, galing nilang tatlo nina Maricar Reyes and Richard Yap sa scene na ‘to.
Ang lakas din manadya nitong si daddy pogi. nakikita na ngang natatranta na yung isa sa pagtimpla ng kape, ilang seconds pa lang nung sinabi nyang gusto nya ng kape tapos mag da dialogue pa ng “maya, i’m waiting for the coffee”. di mo tuloy alam kung pinagkaisahan ng mag bff na tarantahin si maya umagang umaga eh.
Pero pagbibigyan kita daddy dahil ang lambing mo naman kay maya at ang guwapo guwapo mo nung moment na yun. dagdag pogi points pa yung medyo naaaninag ko yung bigote mo kahit neat na neat pa din ang dating mo.

Akala ko engineer si sir chief, ba’t ang hilig mag fishing fishing
Eto naman si yaya ay masyadong clueless
Si rafi kaya tanungin nila kasi alam na! sila, hindi pa
Lakas talagang makaimpluwensya ng SC at Maya.. isama na rin si Fairy Raffi!!
Hayan!! further signs ng pagiging BCWMH addict!!
1. Always in a happy mood… smiling for no reason… positive at GV lang the whole day!
2. It has become quite easy to believe that it is OK to “loosen up” (arms raised and shake!!) sometimes!
3. Mas masarap na ang panlasa sa kape! lalo na pag timpla ng isang nagmamahal! Who needs a coffemaker anyway??
4. May iba nang gamit sa unan… niyayakap nang nakasubsob ang mukha kasabay ng impit na tili…at sa laylayan ng duster…. na nginangatngat!!… dahil sa sobrang kilig! and……………………..
5. SPG Warning!! kapag nakikipag-usap… conscious na dapat sa mata lang ng kausap nakatingin… at hindi sa…. kamay….at lalong hindi sa….. PAA!!
https://www.youtube.com/watch?v=6-ppKTVSOic
Be Careful With My Heart Casts SlamBook Answers
http://a.yfrog.com/img14/5188/ybp.gif
mag aaway na naman ang dalawang to…
———————————————————————————————
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
64 Date Aired: Oct. 09, 2012—-“He loves me, he loves me not,” do Rafi and Maya’s flowers represent only one man?
Wow may lovestory din pala si manang fe, kaya lang so sad at hindi pala sila nagkatuluyan..
Sana si Anastacio yung don na nakatabi ni Maya sa eroplano.. .at biyudo na
Anong name yung nakatabi sa eroplano ni maya at tinulungan pa si maya?
Pinanood ko ngayon yung episode 2, Don Julio del Moral (?) ang pangalan…
Pwede rin siguro na tatay ni Simon si Anastacio
para may kakampi na si Ser Chief sa pagtataboy kay Simon sa buhay ni Maya sa katauhan ni Manang Fe

First time to post here.. Galing magpakilig ni Maya and Sir Chief.
Jodi is a really good actress.. nakakatawa at nakakatuwa talaga siya. She reminds me of Maricel Soriano.
BCWMH always makes my day.
Hahaha! Si Sir Chief, ang haba ng explanation ni Maya sa venue ng b-day biglang shift ng tanong tungkol ke Simon, hahaha!
Nae-excite ako sa fiesta-themed birthday party ni Abby

Sana magkatay ng baboy sa harap mismo ni Abby, baka sakaling makapagsalita sya nang di-oras
Ang pa-cute lang ng pagngiti ni Ser Chief nung sinabi nyang ok lang makipagkita si Maya kay Simon dahil magkaibigan naman sila
Pumapayag na si Sir chief na makipagkita ke Simon si Maya kasi panatag na yung loob nya na kaibigan lang talaga ang turing Ke Simon, at least di magwoworry na madidiskaril si Maya, hehehe
Sir Chief ikaw ang gusto ni Maya, helllloooooooo!!!
Ikaw Manang Fe ha?!! pinaiyak mo ko sa love story mo!
May “one who got away” ka palang kwento…but I think… that somehow helped Raffi make a decision..
Kaibigan lang ang tingin kasi iba ang dream man….ang dream man ay ang mahal na hari
Yan ang tama!! umamin muna sa sarili… yung pag-amin sa iba… madali na lang yun!!
GO Maya!!
Ano pa? e di isang malaking PIGING! mala-town fiesta … magkakatay ng baka, baboy, manok … meron pang bibingka at puto-bumbong … sarado ang mga kalsada … napapalibutan ng mga dahon ng niyog sa mga gilid gilid ng daan … may makukulay na banderitas … at syempre mawawala ba ang hampas palayok, pabitin at palo-sebo???
Holiday ang mga adik!
Ligawan pa lang yan ha. pa’no pa kung kasal na? kayanin pa kaya nating mag-party? ang tanong … humihinga pa kaya tayo nun?
Maya: study now lovelife later
So iintayin muna na makagraduate bago sagutin si ser chief kapag nanligaw sa kanya?
Maya:….malayo ang mararating niyo, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy, kahit paso-paso na kayo sa tulo ng kandila
Bakit ba ang mga kasabihan pag si maya ang nagsabi parang walang ending
Eh what’s two years naman sa mga pusong tunay na nagmamahal??
Hala! pag nagkataon… two years din tayong limang araw sa isang linggo na kinikilig at nangangarap ng gising!!
Pero Ok na rin.. by that time sana…nakakapagsalita na si Abby..

At sobrang mahal na siya ni Yaya at hindi na kakayaning iwan…..nang matagal!
Parang gusto ko rin kasi na matupad ni Yaya yung dream nya for herself and her family
May girlfriend na si Luke… na one (wo)man cheering squad nya sa basketball!!
Mas matured na si Nikki at ma appreciate na nya ang presence ni Yaya Ganda sa buhay nila!
Pag ganon!! everybody happy!!
Pati si Fairy Raffi and Charlie!!!
Okay lang kahit 2 years running ang BCWMH basta hindi mawawala ang nakakapagbigay saya at kilig factor ng show.
Yan rin sana ang mangyari in the end para nga hindi lang sila ang masaya kundi ang mga sumusubaybay sa kanila.
O ayan ser chief ha … pinayagan mo si maya … wala nang bawian yan …
Pero walang sisihan kung sakaling biglang bumagyo at bumaha at ma-stranded si maya and simon … hindi makakauwi si maya … tapos empty batt na cel nya … hindi makatawag or makatext sa ‘yo … magdamag kang maghihintay pero walang maya na dadating … wala ring magtetext o tatawag …
Baka bigla kang ma-praning na naman ha … tapos idadahilan mo na naman si abby … pinapaalala ko lang sa ‘yo
https://www.youtube.com/watch?v=SoW_h59E_kM
WEDNESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
So talagang fiesta sa nayon ang theme ng bday ni Abby
Kalokang bata, masyadong makabayan
Di ba niya kilala si barbie, minnie mouse o winnie the pooh?
E ano naman kaya ang dress code? filipiniana?
Oh well, sabi ni yaya ‘unique’ parang ang venue lang
Hindi kaya hinahanap ni anastacio si manang fe?
Baka biyudo na din si manong anastacio

Nakakatawa mga posts today. Kakaaliw basahin after watching the latest episode. ^_^
Pero ang interpretation ko sa actions ni Sir Chief is that he’s decided to be nicer to Maya when he overheard her praising him to Simon coz he realized that, despite his kasungitan and treatment of her eh very positive at very high pa rin ang respect ni Maya sa kanya. And he probably remembered how much he owes Maya because of Abby. Of course, the viewers know why Maya thinks of him the way she does.
But he’s not supposed to know that yet. So I guess he’s trying to make up to her by allowing her to meet up with Simon. Tingin ko nga etong si Sir Chief eh iba ang naging interpretation sa pagiging aligaga ni Maya. Akala nya siguro dahil kay Simon kaya todo encouraging naman siya dun sa isa na mag-date. Hence, Maya’s fairytale. Heheh. Di naman dense ang Hari, no?
Pero mas okay sa’kin yung ganyang slow burn si Sir Chief. Gusto kong mangyari yung bigla na lang mare-realize nya in the end that he’s loved her all along. Parang My Fair Lady lang (the Audrey Hepburn-Rex Harrison film, not the Koreanovela
Natawa ako dun sa pinaikot-ikot ni Maya yung usapan nila ni Sir chief
nung pinayagan na siya makipagkita nito kay Simon.Okay na kasi siya kasi
nakuha na niya yung gusto niyang sagot na kaibigan lang ang tingin ni Maya
kay Simon.hahaha Hay Sir Chief mautak ka rin talaga,hehehe idol!Simple pero
effective ng mga diskarte mo,hehehe

Ah sad naman nung love story ni Manang Fe at si Rafi at Maya mukhang
nakakarelate sa magkaibang part nung love story.Sa umpisa yung may
lihim na pagtingin si maya tapos nung sa huli yung lumayo si manang fe
si rafi.Pero sabi nga sa motto sa slumbook ng BCWMH “Love is like a rosary, full of mystery.” Kaya kapit lang.hehehe
Yung babae ba, pwedeng maglaro ng palo sebo?? Ano ba ang rules ng larong yan? Haha! Kasi kalurki naman kung si Ser Chief ang mahuhulog at ang sasalo ay si Maya???? Pero kung yan ang mangyayari, go pa rin. Tuloy lang ang kwela!
Natawa naman ako sa habulan ng biik! Ano pa bang kulang??
Kaya gustong gusto ko tong show na ‘to kasi buhay na buhay ang kulturang Pinoy. Nagkaroon na ng piko scene at fiesta naman ang aabangan. Inaantay ko nalang yung Chinese garter scene para pasok din ang kulturang Chinoy
Bakit si simon hindi pinapasok ng guard? bakit si charlie nakapasok? sino nagbigay ng go signal?

Oo nga ano? hmmm, baka kilala na siya doon
Pero bagong lipat sila sir chief e.
di nga ba si raffi nakapasok din?
Aba, may pinipili si manong guard ah
Sori na lang simon at si ka feel papasukin
http://i.minus.com/ipg6wmsZOiBTb.gif
——————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
65 Date Aired: Oct. 10, 2012—Rafi can’t wait for Charlie anymore. Pero sabi nga ni Yaya Maya, “kalma lang.” Who could be the Lim family’s new visitor?
Ang pretty ng love interest ni Cho
Parang Kathryn Bernardo nung Maya days nya (Super Inggo).
Mana sa tita ninang
nganga, tulala at lumilipad ang utak
Living without the one you love is like a nightmare. ~ Ma’am Rafi

Happy ending na rin sa wakas ang lovelife ni Rafi at Charlie, pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy!!!
Si kute naman, para crush lang makapag-react naman, as in baka umuwi na lang mabantayan ang anak???
Sa epi bukas, si rafi di man directly nya sinabi pero parang gusto nyang sabihin ke Sir chief, andyan lang sa tabi-tabi yung taong pwedeng magpasaya sayo.

Best line for this episode:
Rafi: “Baka hindi sapat yung naghihintay ka lang na dumating siya sa buhay mo, maybe you need to walk out that door and find her…”
Grabe, natatawa ako na naiiyak sa episode na ‘to. Natatawa ako dahil dun sa habulan nina Maya, Charlie at Rafi. Naiiyak naman ako dahil sa “Will you marry me?” ni Charlie kasi sobrang ganda ng love story nila na he’ll fly a thousand miles just to see Rafi. AT, naiiyak sa tuwa rin ako dahil dun sa tingin ni Sir Chief kay Maya habang sinasabi ni Rafi ang linyang, “… you need to walk out that door and find her…”
O, akala ko ba magdedate na sila ni Simon? Asan na ngapala si Simon?
Ilang gabi na yun na nasa guardhouse ah.
Palagay ko inagiw na si Simon sa guardhouse, hawak pa din ang mga bulaklak!
baka ubos na yung bulaklak…..
She-loves-me-she-loves-me-not-she-loves-me-she-loves-me-not…
Maybe you need to walk out that door and find her….
Timing ba ang dating ni Maya?
Biglang pasok dala ang kape
Sayang, mukhang hindi aabot ng guardhouse ang paghahabol nina maya at ser chief kina rafi at charlie
Baka sakali makita ni maya si simon
Sana dun sa eksenang magppropose na si Charlie Ke Rafi, andun din sana sina Maya at Sir Chief, Tapos sa sobrang kilig at saya ni Maya nung nag-yes si Rafi, bigla syang napayakap ke Sir Chief!
Tapos biglang aalis sa yakap si Maya at sasabihing, “Ay sorry po. Natouch lang po kasi ako.”

Nanggagaya sa pagtakbo itong si Maya.
Akala ko tatakbo rin si Sir Chief para habulin sina Maya.
yun din ang akala ko eh
Ang saya sana nun …
Si charlie hinahabol si rafi …
Si ser chief hinahabol si maya
Kaso lang ang daya ni ser chief … nag-kotse
Ok din sana kung nasa guardhouse pa si simon, tapos napadaan sa kanya yung naghahabulan … tapos nakita nya si maya, tapos hahabol din sya ke maya …
Kaya lang pag si ser chief na ang hahabol, sino hahabulin nya? si simon?
Natawa naman ako dito
Pero ang cute ng habulan scene
At na witness ata ng dalawang bida ang proposal ni Charlie
can’t wait for Maya’s reaction, e katabi pa kaya niya si Sir Chief
Iiyak na naman kaya siya?
Knowing maya … malamang nauna pang umiyak kay rafi yun
Yan ang aabangan ko bukas
Sana may dialogue din ang mga bida sa kotse
Wala na ata talagang pag-asa na mag date si Simon at Maya
Baka dito ma realize ni Sir Chief na may pagtingin din siya kay Maya kasi sabi niya dati sa interview na may i-contribute si Rafi sa love story ng mga bida
Sana eto na ang simula ng pinakahihintay natin.
Yap, exactly 22 mins na lang ang epi ngayon
Kasama na doon ang ‘nakaraan’ at ‘aabangan’
Baka parami ng parami ang load ng commercials kaya ganon
Good news din in a way, kasi ibig sabihin hit ang series at baka ma extend pa ng konti
Aabutin kaya ng Valentine’s day?

At dapat release agad ng DVD, kasali ang behind the scenes at bloopers
Tayo talagang mga adik ay nabubuhay sa mga eksenang Sir Chief at Maya!!
Asyumerang Moments of Love… wag na di magkasalubong yung dalawa…
Pansin ko lang ha? parang lalong pumopogi itong si Sir Chief!!
dahil ba….???
… mas madalas na siyang ngumiti ngayon?
…. mas bihira na siyang magsungit… o magsuplado??….. (infernez, di ba… nabawasan na talaga?)
…. bagong gupit sya???
…. o dahil….
Talagang may nagpapasaya na sa kanya…
Hindi lang niya masyadong napapansin!!
Itong si maya pagbukas ng gate kung maka sir charlie akala mo kilalang kilala eh.close?! excited masyado.hahaha talagang pasok po kayo agad agad.nakita lang sa facebook ang mukha e, pero nung si rafi yung dumating wala siyang kaidea idea sa hitsura nito, akala pa nga niya boy ang bff ni sir chief kasi rafi kaya ayaw papasukin,hehehe

Ay sad naman aalis na si bestfriend rafi. Pero happy naman siya at si charlie, happy ending na, pero sana stay pa kayo hanggang sa mala fiestang birthday ni abby,hehe or dito na rin kayo magpakasal since propose ulit si charlie. para stay pa kayo kahit sandali,hehe kakalabas lang ni charlie.
O ayan sir chief, sabi ni rafi, di sapat ‘yung naghihintay ka lang, you need to walk out that door daw,, so ingat lang baka si Sabel or Doris ang masalo mo ha. ma TOA ka pa dyan .
Gusto ko yung jogging/takbuhan/habulan sa gabi moment kanian,heheh ang saya lang. yung nakihabol din si maya pero di niya kinaya. tapos nung si sir chief ang hahaboldin akala ni sabel makikitakbo din ito pero hello di na niya papagurin ang sarili niyaalam kasi niyang nakalayo na ang mga ito kaya nagkotse na lang siya, di na napagod mas mabilis pa,hehehe pero ang saya sana kung nakihabol din siya , nakijogging sa 3,hehe masaya yun.
Paano kaya manligaw si sir chief kay maya e nasa iisang bubong lang sila?
Gusto kong makita reaction ni doris at sabel sa panahon na yan
Isali na rin si kuya joma
Sana bumalik na siya soon

Ang saya-saya lang dahil it looks like SC is already seeing the light sa katauhan ng mga advice ni Rafi sa kanya mukhang eto na yung simula mga ka-adik! Weeeee kailangan ko na ata bumili ng mas malaking tangke ng oxygen
Nalaman na rin natin ang buong pangalan ni Cho at kuma-crush ang peg! Mana sa ninang nya kapag naiin-love, torete rin
Andyan ka na naman , sir chief huh! yang mga titig na yan, para ka Lang nanunukso, yan tuloy, nanlalambot na naman mga tuhod ko Ayaya.aaay, sa tanang buhay ko, ngayon Lang ako na adik sa teleserye.

Pareho tayo. Sa totoo lang, ngayon lang ako nanunuod araw-araw ng isang teleserye na gawa sa Pilipinas. Ayoko kasing nakikita yung mga tao na nagpapatayan, nagtatraydoran, nagkikidnapan at kung anu-ano pang kasukmal-sukmal na gawain.
Ah basta, ang masasabi ko lang talaga, one of a kind itong BCWMH. Pagnagkaanak na ako, sasabihin ko sa kanya, “Anak, kilala mo ba si Maya at si Sir Chief?” at kapag tinanong niya kung sino-sino yun, ang sasabihin ko, “Halika at ipapakita ko sa’yo ang kwento ng isang Mahal na Hari at isang munting Prinsesa na naging Mahal na Reyna.”
https://www.youtube.com/watch?v=WnjQ_SvQ5kE
THURSDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
http://a.yfrog.com/img856/972/58o.gif
ang wafu naman ni Sir!!!
Sir tingin tingin lang sa PINTO!!
Nahulog ako sa upuan ko. Walang biro.
http://a.yfrog.com/img155/9502/dvu.gif
And it is really Edward Mendez!
Todo support si Yaya Ganda!
http://a.yfrog.com/img21/1044/imn.gif
ang sweet ng ending sa habulan portion….
will you marry me?…abangan bukas
http://a.yfrog.com/img23/167/z36.gif
^natatawa ako kung pano tumakbo si Maya, parang madadapa!
——————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
66 Date Aired: Oct. 11, 2012—How would you know if the person in front of you is already the right one? Rafi seems to have the answer. Paano naman kaya si Sir Chief?
Lagare nga siguro talaga sila sa taping pero kinakapos pa rin minsan kaya ginagawan nila ng paraan….
Pansin ko na halos yung buong last gap ng previous day ay syang pambungad sa latest episode…

Pati yung start ng bawat gap, ilang frames din from the previous gap ang inuulit.
Wala silang pondo kaya kailangan maglagare. naiintindihan naman natin yun kaya lang normal lang na mainip ang viewers sa dami ng advertisements … which just goes to show na humahataw talaga sa ratings kaya pinuputakti ng ads … baka nga nag-uunahan pa ang mga companies/ad agencies para makasingit lang ang products nila
Agree! okay lang din sa akin na walang kissing scene … feel na feel naman yung emotions ni raffi and charlie di ba … kumpleto sa kilig kahit wala yun … parang si maya and ser chief lang … simpleng tingin pero todo kilig naman.
Grabeeeeeeeeeee kiligin at tumili si Maya…contagious, at ganun kaya ako kiligin kapag may harutan sila ni sir chief hahahha.
Sweet sina raffi and charlie…maricar is very natural..love it! pero mas kelegzkegz pa rin ako kay yaya at mahal na hari
Yesss!!! videoke night with ihaw-ihaw!
Patok
Waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh
Nag-duet sila!!!!!!!!
Yay, video singko!

Wagas din kung kiligin si maya … pigil na pigil ang tili kahit katabi si ser chief …
Parang tayo lang
Si yaya ganda kung makatitig nanaman sa kanyang mahal na hari
GOSH!!!!
Ang perfect talaga ng casting….
SHOW NA WALANG KISSING SCENE PERO KILIG PA RIN…
BET na BET!!!!!!
Exciting episode bukas!!!
At dahil ang Reyna Maya ang nagplano ng despedida.. syempre sunod lang ang Mahal na Hari!!
Aminin mo Daddy… excited much ka din!!
At talagang duet ang dutdutin na na kanta sa videoke (kanino kayang kagagawan yun?)
Buti na lang may BCWMH… bawas stress galing sa work. Hangsweet lang ni Charlie… Kaka-inlove
Hello sa lahat
Newbie lang po
Hindi ko na kayang mag-basa na lang kaya gumawa na ko ng acct dito! Haha!
Omg I can’t wait til tomorrow’s episode haha talagang ganda ng pasok ni SC sa duet … I love you and you know I do there’ll be no one else FOR ME…. kainis after nung sobrang kiligan 2 days and iintayin bago masundan!
Ang magdaddy pinapanood at pinagtatawanan habang nagvovocalize si maya
Ang saya ng episode bukas, basta twing friday laging magaganda ang mga episodes nila.

Grabe, kunyari pa si Sir chief, aayaw pa pero kukunin din pala yung mic, makakakanta pa kaya si maya, baka natulala na lang???
100 kaya ang score ng hari at prinsesa?
Buti wala ng sumpa si maya kapag kakanta
Wala ng brownout
Tulaley si maya nung biglang kumanta si ser chief
Si ser chief pakipot pa pero pigil na pigil naman …
“Skin na nga yan” … sabay kuha sa mike
Pati si nikki gulat na gulat pag banat ni daddy
Si luke kaya yung nagche-cheer for maya? sabi “si maya na … si maya na dali”
Supportive talaga si luke pati sa singing career ni yaya
Ayos ding pumaraan tong si maya … sa dinami dami ng kakantahin yun pang may ka-duet ang pinili.
Effective nga naman … huli sa patibong nya ang hari
Feeling ko ilang beses na ko namatay sa kilig!! Titigan pa lang un ha! Tapos may duet pa bukas!! Ahhhhh!
Halatang alam na talaga ni Rafi kasi pinipilit niya na si Sir Chief ang makipagduet kay Maya at wala nang iba. Pwede naman kasing si Luke or si Charlie pero si Sir Chief lang talaga dapat.Bakas na bakas sa mukha niya.
Gulat lahat sa biglang singit ni Sir Chief.
Tapos habang kinakanta na nila yung mga huling lines nung kanta, titignan ulit ni Sir Chief si Maya ng nakakatunaw na tingin niya and then…
“I’ll be careful with your heart…”

Gusto ko yung eksena ni Maya at Rafi sa swing, na-touch ako nung sabi ni Rafi na last time na ginawa daw nya yung sa swing is with Alex, at saka tinuturing na nyang bestfriend si Maya, kahit na magkaiba yung estado nila sa buhay hindi hadlang yun para sila maging magkaibigan.
Ang cute ni Maya and maam raffi ❤ naiyak din ako sa goodbye scene nila
This show made me like Maricar a whole lot more (:
Ang agang dinatnan ng menopause ‘tong si nikki
Tinalo si manang fe
She needs to loosen up
Dapat magka-loveteam din tong bata to para mabawasan ang kasungitan eh.
https://www.youtube.com/watch?v=Mj-Ih0sFA9s
FRIDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Sir Chief: Akin na nga yang mic! Naks ang Sir Chief, feel na feel
Hindi kaya si Rafi yung pumindot para maging duet yung kakantahin ni Maya? Para mapilit niya si Sir Chief na makikanta.
Assume assume na naman ako.
Samahan kita Sis sa pag ka asyumera!!
Sinadya yun!! sure ako!!

At ang Daddy Pogi! Papilit pa!!
Buti na lang hindi talaga “sensitive” si Yaya Ganda!!
Tamaa!
Kasi wagas na wagas ang pag kaka – Nooooo – ni daddy pogi.
yun pala ataters na din kumanta
The ultimate sa kilig yung bigayan-ng-kape-sa-may-PINTOscene yun!!!
Nagkatitigan lang… not a single word uttered…
Pero tayong mga diks!! tumumbling tumbling na naman!!
At malamang may nangailangan ng oxygen at napunitan ng laylayan ng duster!!
Yung tinginan nila Sir Chief at Maya dun sa pinto-cafe scene, was priceless. itong si richard yap, talagang improving sa acting dept. yung tingin na nakita na nya ang the “one” for him. love it…
Great improvement yes!!
….tapos kumanta yung prinsesa, nung una ayaw ng mahal na hari na kumanta pero nagulat ang prinsesa ng biglang kumanta na din ang mahal na hari…….
^ pampatulog kay abby after ng despedida party
Love ko yung mga intense at talaga naman nanunuoot sa kaluluwang tingin at titig ng Mahal na Hari!!
Nakakatunaw!
Nakakanginig ng mga tuhod!
Nakakapanlambot at nakakapanghina!
Nakakawala ng ulirat!!!
Kaya dapat laging malakas si Yaya Ganda!!! baka hindi na nya kayanin makipagtitigan sa Mahal Na Hari!

Finalist na ang mahal na hari for 26th PMPC Star Awards for TV Best New Male TV Personality! sana manalo siya kasi he deserves it naman e.
Wow! ang galing naman, talagang di na mareach si Sir Chief ah! guest din sya sa concert ng walang hanggang pasasalamat, mukhang kakanta sya dun kasi halos lahat ng guests mga singers eh!
Sabi ni tito alfie jinx daw ang ganyang award eh…..
Jinx? Well if Richard Yap deserves to stay and shine more in showbiz industry, he is destined to be an actor talaga. Nasa tao naman ‘yon kung mas pagbubutihin niya ang trabaho niya and keep his feet on ground kung gugustuhin niya. By that the audience will love and support him more. Di din natin masasabi kung totoong jinx ang ganyang award. sabi nga ni yaya ganda: bawal ang NEGA dahil ma-bblock an blessings! positive vibes lang lagi! kapit bisig lagi!
Naku sis kaya love na love ko si Luke kasi ang bait ng batang ‘to.
I love luke, too.
Masayahing bata at mukhang open arms niyang tanggapin si maya as stepmom.
Nikki is another story.
Ang arte lang ni Nikki, “ugh, that’s the one with the barya?!”

Siguradong maraming magiging epileptic sa episode bukas
Medyo kinilabutan ako (in a good way) dun sa preview ng duet
Sir Chief kakanta ka rin pala e umaayaw ayaw ka pa. pakipot!
Excited na ako bukas magduduet si maya at sie chief, at saka cute yung natatawang tinitignan nung mag-ama si maya habang nagvovocalize.,hehehe
Da best ang pinto and coffee scene
Walang dialogue pero tagos ang kilig
Sagabal naman talaga ang work sa happiness natin
Bukas/ngayon ako na naman ang huli makapanood ng epi
Excited na ako sa karaoke scene
http://i49.tinypic.com/152f5vl.jpg

https://www.youtube.com/watch?v=X_vxXQIK5ls
Di ko lang alam kung nakita niyo na ‘to pero ang galing nung nag-edit kaya, ipopost ko dito.
Credits to the owner of the video.
https://www.youtube.com/watch?v=NjxH_1ZIPn4
Be Careful With My Heart ALBUM TEASER 1
———————————————————————————————
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
67 Date Aired: Oct. 12, 2012—The Lim family will do a “family-oke” night for Rafi and Charlie. Abangan ang “oke na okay” na duet ni Yaya Maya and Sir Chief!

Magvideoke na lang daw sila sa despedida party for Rafi.
Panay ang vocalization ni Maya.
Sana tumagal ang BCWMH. Yung tipong hanggang sa buhay mag asawa nila tuloy pa rin ang kwento. Hindi ko na yata kayang wala ang show na toh. Grabe!

Suggestion ni Abby gawa na lang sila ni Maya ng bracelet for Rafi.
Sa puntod ni Alex pala sila nagpunta. Rafi thanked Alex for being a good friend sila ni Richard. Di na raw siya takot ma-engage.

Akala ko sa simbahan pumunta sina ser chief, rafi at charlie, mukhang simbahan sa labas ang mausoleum ni alex
A very touching scene!
Almost cried as I listen to Raffi “talk” to Alex… and then camera pans to Ricardo… although he was smiling as he watch Raffi and Charlie.. i can almost feel the longing, and the sadness… for a love he lost… far too soon…
Ang galing na talaga ni Mr. Yap!! nadadala ako ng pag-iiba iba ng emosyon sa mukha nya… at parang totoo na rin yung awa na nararamdaman ko.. isipin ko lang na nangyari sa isang kaibigan yung nangyari sa kanya… parang maiiyak na rin talaga ako…
May issue ang magkapatid na Luke at Nikki.
Ayan na ang videoke na nirentahan.
Hala si Cho gumagawa ng love letter for Lenlen.

Tawa lang ako ng tawa sa sermon ni Teresita kay Cho about crushes! Anlayo na ng narating!
Sana nagsabi sila na may consequence ang pinakamababa ang nakuhang points
oo nga parang di malinawag yung contest eh, sana may prize ang highest ang score tapos meron nga parusa/consequence ang lowest.

Hayan umpisa na ng party at videoke.
By pair daw ang kantahan. Nauna na sina Charlie at Rafi with their theme song, Hang on.
Excited for the episode today! parang ang sarap maging audience sa eksenang yun,sana di lang isa kantahin nila ng duet!

Nag-duet si Rafi at Charlie…
Yung boses ni Rafi papuntang Davao, si Charlie pabalik na sa US
Teen version nila ang LukKi
Doris & Sabel
Pati ba naman sa pagkanta!
In fairness naman, ang ganda nung solo nya sa simula

Sayang ang duet ni Maya at sir Chief, pamatay na sana kaso nauna ang pagkain-love ni Maya eh, nadiskaril
Uyyyyyy excited na ako sa monday! Selos nanaman ang peg ni sir Chief! Hooooo!
Nung kumakanta si Ser Chief, pag close up shot, nakayakap sa kanya si Abby…
pero pag malayo yung shot, malayo rin si Abby
Napansin niyo rin ba na si Sir Chief ang pinakaunang pumalakpak kay Maya? At nung kinakanta na ni Maya yung linyang, “I’d still be loving you…”, parang iba yung naging tingin ni Sir Chief.
Si Maya naman kasi eh, sa sobrang inlove eh nawala na sa tono. At eto namang si Sir Chief nagpapahalata na rin. Todo ngiti ba naman the whole time na kumakanta si Maya.

Hahaha! maya talaga oh, 65 tuloy ang score nawala sa sarili! lol!
Epic fail yung duet
Nawala ang bisa ng vocalization nya!
Akala ko nga makakabawi pa bago matapos yung kanta
Eh Sis! maka duet mo ba naman ang Mahal Na Hari sa eh pag hindi ka natulaley!
Takot ko nga na catatonic na lang at hindi na makakanta ang Maya sa sobrang pagkabigla!!
Ito naman kasing ating Hari… papilit pa!! kung hindi pa inasar ni BFF Raffi na boses palaka hindi pa kakanta!! eh Sis! maka duet mo ba naman ang Mahal Na Hari sa eh pag hindi ka natulaley!
Nung kumanta bigla si ser chief … as if on cue, biglang baling kay maya yung tingin ni doris at sabel
At nawili naman ang mahal na hari … tinapos talaga yung song … nawala tuloy sa wisyo ang prinsesa … ang ending = lagapak ang score
Grabe overflowing sa kilig at cuteness!
The videoke part was so fun. and the duet love eeeet. To the highest level si Sir Chief todo bigay! haha.
“Yan ba ang isusuot mo sa date nyo ni Simon? (blah blah) Don’t wear that.”
Hahaha!
Selos na selos, as in ganito…
Kinilig ako dun! eh kasi naman ang damit, talagang sexy!
Ayaw ni Ser magsuot si Maya ng maiksi…..hmmm makipagkita lang naman siya kay Simon…
Estricto naman ni Ser… alam na
Gumugusot nanaman ang mukha ng mahal na hari. Ano ba talaga yan sir chief? Selos o selos? Hahaha!!
Type ata ni Sir Chief ang manang style, gusto ng clean plain nails, ayaw ng maigsi ang suot, hehehe..
Kaabang-abang ang mga episodes next week, umpisa na naman ng jelling-jelling to!
Wow! extended ang be careful with my heart until February 2013 according to jodi sta. maria during her interview on Kris TV.
Extended ang kilig at tambling moments natin mga ka-adik! kailangan na natin ng mga rwserbang oxygen tank at sangkatutak na duster
Eh hindi pa nga suot ni Maya yun… parang pinag-iisipan pa lang… eh paano pa kaya kung suot-suot na yun ng Mahal na Prinsesa???
Malamang!! ……. maghihintay at lalamukin na naman sa Guard House ang Simon….
Dahil hindi na papayag ang Mahal na Hari na lumabas pa ang Mahal Na Prinsesa suot ang damit na nuknukan ng pag ka sexy!!
EDIT: Okay na pala hahaha, false alarm.
Hahahaha sintunado tong si Maya. Pero perfect yung lyrics sa kanila, ngayon ko lang napansin.
Saan ko pwedeng mapanood yung teaser for next week? Wala dun sa pinanood ko eh.
Grabe lang naman yung karaoke scene ni Maya at Sir Chief.
Yahooo!!! Extended ang Be Careful! Matagal-tagal pa ang kwento nina Maya at Sir Chief. Di na ako makapaghintay!!
Di ba pagdating ng New Year, kailangan may halikan ka o sa ibang bansa lang yon nag-aapply?
I bet thank you gift ni Raffi yung dress sa bagong BFF na si Maya. Pero dapat yun ang suot ni Maya pag date nila ni Sir Chief and background music nila “the way you look tonight” habang tulaley si Sir Chief sa ganda ni Maya! Or kahit di na sa date nila kasi medyo malayo pa yun. Maybe sa birthday party ni Abby suot nya!
Laki na talaga ng improvement ng acting ni sir chief lalo na sa scene kanina na dumalaw sila sa puntod ni alex. No lines delivered puros facial expressions lang yet very convincing
Salamat sa grasya this whole week…toto kumpleto…lahat ng emotions nandian pero siempre winner ang kilig moments ni maya at sir chief just simple gestures,pero grabe magtinginan….ngatngatan ng kumot hindi lg duster lalo na pagnakahiga …grabe…may ER ba ang Mental Hospital???sweet din ni raffi at charlie…si raffi nakakatuwa…she’s really kilig about maya and ser chief ang magkaeksena…henewey raffi ha kung makakapit sa muscular arm ni charlie “wagas”hehehe…parang RP lang….saw Kris TV w/Jodi on her Bourbon Resto very nice episode…very cozy and Kris is so nice too…hindi sia dito OA(sorry)very natural lg and thirdy is cute….BCWMH is going places talaga…congrats..extension,hit na hit na mall shows,no1 sa song album,shows in Guam,Japan..(sis adik sa yo,this is it) and North America…hope will be doing some in Europe too…..sensia ang haba…happy weekends..Kapit Bisigers..
Hello co-BCWMH adiks! Pasali ako sa balitaktakan niyo.
Just finished back reading your posts grab lang ang tawa ko. Hindi pala ako nag iisa sa pag iimagine at pagdudugtong ng next happenings. Sa wakas may tatambayan na ako. Parang “dreamland” ng BCWMH dito eh.
Nakakatuwa talaga si Maya at Sir Chief! Tinginan palang nakakakilig na. Kaloka! Naisip ko lang, sana sa ending ng BCWMH magsamasama lahat ng mga adik sa palabas na toh. Naku! Masaya yun. Sabay sabay ang tilian. )
Masayang mga consequence nga yan!:rofl:
Ikulong sila sa isang kwarto the whole day… at para hindi mainip… magvideoke lang hanggang maka 100%.. then, gumawa ng friendship bracelets para sa birthday ni Abby… syempre hindi maiiwasan, magkakatitigan talaga yan!… at pag sawa na gumawa ng bracelet… pwede! sayaw naman ng Gangnam Style!!
Naisip ko lang … maganda din kung in one of the next episodes maglaro din sila ng truth or consequence, yung paiikutin yung bottle kung kanino tumapat yung tipong brownout ulit, walang magawa tapos si abby ang mangungulit na maglaro ang lahat ng members ng lim household ng truth or consequence. syempre kasali ang hari at prinsesa
Kung minsan, parang ayaw kong tiger mode si Daddy pogi, kasi affected ang buong bahay. tagusan nga ang effect, kasi pati ako, parang si maya na rin, natotorete at kinakabahan pag sungit mode si Daddy pogi.
Ano kaya kung may laro din na newspaper dance, then ang king and princess ang mag partner?
Di ba pag truth ang pinili…. pwede tanungin kung sino ang “crush”…
Hala!! parang slumbook question na naman!!
Lagot si Daddy pag sa kanya natapat yung bottle!! dapat this time sumagot na talaga siya!!… walang Fred na sasalo sa kanya!!
Sabel to luke:’o, make your move daw. tara let’s move this.
Inutusan lang naman ang amo
Nakakatuwa ang pamilya ni maya. big deal talaga ang pagkacrush ni cho
Affected lahat
Si maya ang ganda ng umpisa ng kanta, narinig lang kumanta si sir chief naligaw ligaw na ang mga nota
Sana solo na lang siya
Si sir chief di pa talaga tuluyang naka move on
Kelan kaya siya ma-inlove kay maya?
Kung di itong halloween, baka sa all saints day o di kaya sa birthday ni bonifacio
Pag di pa talaga, may christmas pa, new year at three kings
Aba dapat di na umabot ng valentines day, e hanggang february lang kaya ang BCWMH
Ah, pwede rin i-extend pa, gawing june bride si maya
Ang cute lang nina doris-sabel. Kakulet lang eh!
Maldita talaga si Nikki! pero full support lang kina luke & joey… Pero cute nilang magduet!
Tong si maya oh, tulaley nang magduet sila ni ser chief.. Hindi ka halatang inlababo!
Dahil kay cho.. Uuwi talaga si kute… Istriktong ina!
Matuloy kaya na magkalabtim na si nikki? Eh yung date nina simon-maya? Ewan ko na lang kasi si ser chief oh…
Kakatuwa talaga etong series na ‘to. Ang galing din ng mga writers and director dun sa mga scenes na ginawa nila. Talagang alam nila kung paanong papakiligin ang mga viewers to the max. Take that scene near the door when Maya was serving him coffee and he was smiling nicely. If you watch it closely from the beginning of that scene, alam mong yung thoughtful and amused smile ni Sir Chief is actually because of what Rafi said to him about finding love again and not necessarily because of Maya. He is happy for Rafi, at the same time amused by what she said about going out and finding “her” instead of just waiting for “her” to come. But the writers made it so that at the precise moment na ganun ang mood at expression ni Sir Chief, biglang si Maya papasok na may dalang coffee for him. And when he looks at her, that same amused and thoughtful smile is still there. Syempre si Maya tulala na naman. But we all know it is a hint of things to come so we feel the romance of that moment.
I think this series works so well because viewers see themselves in Maya. When Maya is hurt, we hurt with her. When she’s happy, we’re happy too. When she discovers her crush, we are just as giddy as she is. And when she starts to fall in love with Sir Chief, we fall right along with her. Sir Chief has become not just Maya’s “object of affection” but ours, too.
I’m glad extended siya. Sabagay, kung iisipin mo, marami pang kelangan mangyari muna bago magkaron ng fulfillment ang romance ni Sir Chief at Maya: Kelangan pang makapagsalita si Abby, kelangan pang mawala ang hostility ni Nikki kay Maya, kelangan pang ma-let go ni Sir Chief si Alex, at kelangan pang mag-develop ang character ni Maya from a girl to a woman. So kayang-kaya yan from now until Feb 2013. Yay!
——————————————————————————————–
<<<<<<< REWIND
68 Date Aired: Oct. 15, 2012—This time it’s not just Yaya Maya, because it looks like everyone has been bitten by the love bug.
Waaahhhh!!! Sobrang benta yung videoke scene! Ang ganda nga naman ng simula tapos sumemplang sa gitna. Ang galing ng facial expressions ni Maya and Sir Chief. Genuine na genuine yung shock ni Maya nung marinig niya boses ni Sir Chief. Tapos yung confusion sa mukha ni Sir Chief nung sumisintunado na nang todo si Maya, totoong-totoo rin ( to Richard Yap). Tapos yung patawang hirit ni Doris na sinasapian na raw si Maya. Hahahaha!!!

https://www.youtube.com/watch?v=8mHqknp-tXM
MONDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Yung love story ni Raffi at Charlie… alam nya na yata yung buong kwento… samantalang si Ricardo… first time lang na meet in person si Charlie…
Nakakaiyak lang ang pag-alis ni rafi pero kaloka talaga tong sina sabel at doris, padalhan pa talaga ng litrato baka sakaling may kilalang irereto?
Si sir chief di pa talaga tuluyang naka move on At least nakatago na lang yung picture nila; Kelan kaya siya ma-inlove kay maya?
Sir:Chief DON’T WEAR THAT
Selos ba tawag dyan Sir Chief?
Pamatay yung ibinigay na souvenir ni Doris kay Mam Rafi
Hmm kahit na sabik na ako sa time na sobrang gaganda si Maya para maging turn naman ni Sir Chief ma tulaley nang bonggang bongga, OK lang sa akin na di isinuot ni Maya yung mahiwagang dress na yun. slow burn talaga kahit kailan itong show na ‘to. may aabangan na naman! and ika nga ni Ma’am Rafi, “wear that for someone who will deserve it.. sa lalakeng magpapakaba, magpapatorete, at magpapakilig sa’yo” agreed.
Bilin ni Rafi dapat sa kanya unang sabihin pag nakita na niya ang babaing magpapatibok ng puso niya ulit pagbukas ng pinto (ng puso niya)

In a way kawawa din ang Mahal na Hari kasi wala siyang mahingahan ng kanyang nararamdaman kahit sabihin mong nag-uumpisa pa lang ito. Kasi di siya puwedeng kiligin ng bonggang-bongga kaya pabayaan na lang muna natin si sa kanyang SOLITAIRE MODE.102
Heheheheh!! ang ating Mahal na Hari…payag naman! matapos humugot ng isang malalim na buntong-hininga! tsk tsk! …..hindi umubra ang attempt na maisama sa sine ang Maya…
Para kay Abby!! (si Abby na naman!)
yay! may nakapansin din pala sa mini buntong hininga na yun! actually, may short moment na yung after nagpaalam si maya eh lumingon pabalik si ser seemingly looking for some hint of hesitation on maya’s part. as in hesitation na sana huwag na matuloy ang “friendly date” with simon. yung paunti-unti, parang gusto na ni ser magpapansin kay maya. may pagka KSP din pala ang lolo natin!

Anyway, kudos to the director and writers! like ko yang mga mumunting nuances na yan ah. at ang galing galing na magdala ni mr. richard yap. gudjab! bravo sa inyong lahat! ika nga ni superstarmarian, #MEYNTEYN!!!
Lakad lang daw, hindi date
Nung paalis na friendly date lang daw
Sana after ng first date, dalaw naman sa bahay ang sumunod. posible naman siguro kasi sa first date ginabi si maya. baka sabihin ni ser chief wag na sa labas, sa bahay na lang sila magkita. ang saya nun! gusto kong makita ang mga kilos ni ser chief pag nagkataon. siguro mapaparami ang inom ng kape, baka alak pa. tapos paislip silip sa dalawa habang nag-uusap. baka gamitin pa si abby para umalis agad si simon
Kay Maya pala tumuloy si Kute bago uwi ng San Nicolas. Di makasubo si Kute kasi panay ang tanong ng Dorbel.
Ayun oh, kunyari pa si Sir Chief. Selos na kasi! haha.
Glad to see Kute back. I really enjoy her scenes when she’s on the Lim household.
Nakuuu mukha ngang nagkukuwento si Maya kanila Manag Fe, Doris at Sabel, siyempre di naman papayag yung dalawang yun na walang kuwento. Tapos biglang pumasok si Sir Chief at marinig ang kuwentuhan nila at makita ang bulaklak haaayyy ano kaya ang magiging reaksyon nya e ang CUTE-CUTE pa naman nyang magselos sobra.
Dismayado ang Dorbel sa suot ni Maya haha… Lalong lalo na at di pala nila mainterview si Simon
I think he was hiding na siya si Florante.
Agree kasi the last time na binalita ni nikki na kinikilig na si ate joey kay florante Eh wagas makasmile si sir luke
kilig episode tom.
Uwi na si sir chief at mga bata from their movie.
Panay ang tingin ni sir chief sa relo at wala pa si maya.
Kaya si manang fe ang grill tuloy ni sir chief about simon
Though I’m highly anticipating the episode tomorrow…. yun after ng date ni Simon and Maya…. probably waiting si Sir Chief for Maya to get home…. then he’ll see the flowers from Simon…. hay ano kaya ang reaction ni Sir Chief?
Paganda ng paganda ang mga susunod na kabanata
To the writers…
This season (I)… early stage ng ligawan Ser Chief -Maya & Simon Maya…. then vacation muna ang cast & crews for 5 months… then -___
Season -II…. Boyfriend -Girlfriend sila Ser Chief & Maya… Basted si Simon
Season III …. Proposed na si Ser Chief to Maya… +++ additional sweet moments including date sa labas, out of town …. then kikilalanin ni Ser Chief ang family ni Maya
Season IV …. getting ready sa wedding…. honeymoon…. sila Ser Chief & Maya
Season V …. magiging pegnant na si Maya sa 1st baby nila ni Ser Chief…
Season VI …. Season VII….
But pls don’t change the concept … masaya palagi… walang mga kidnapan, patayan… tulad ng mga pangkaraniwang Teleserye.
Then every end of the Season meron DVD… para mas masaya. para maka pag collect and merong babalik balikan.
https://www.youtube.com/watch?v=UUlJ_BTX1rk
TUESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Maya: bat gising pa po kayo?
Ser chief: work
(weh ser chief, naglalaro ka lang ng solitaire eh! )
Maya: baka makaistorbo ako sayo?
Ser chief: yes..
Hahaha si Sir Chief hindi halatang nagseselos hahaha
Pero gusto ko yan sir chief mag selos ka
Ah sir chief? Work ba talaga? Sigurado ka??? sige na nga sir chief work on your solitaire baka matalo ka e
Hahaha *** talaga ser chief….jelly na jelly na jelly na jelly ka na talaga..
plus pa yung sinabi sayo ni manang fe about kay simon at maya
Ang mukha ni maya nong nakita ang flowers, takot!
Parang ang ahas lang don sa zoo
Sino kaya ang kakatay sa mga flowers? he-loves-me-he-loves-me-not!
Makakainom kaya ng tubig at makatikim ng aspirin ang mga bulaklak?
Kakapanood ko lang ng teaser sa tv, tuwang-tuwa ako! gustong-gusto kong nagseselos si Sir Chief, ang cute-cute nya!!!
Work ka dyan!!!! ang hirap bang laruin ng solitaire, kaya nakasimangot lang?? hehe..
And the latest episode? Sa totoo lang, natutuwa ako kasi parang napaka-concerned niya, pero ayoko pang magkagusto na siya kay Maya at this time. Masyado pang maaga for me. Gusto ko pang makitang mag-grow ang character ni Maya bago si Sir Chief ma-in love sa kanya para at least kapani-paniwala ang basis ng pagka-in love niya. Okay lang muna yung parang protective mode siya kasi nga si Maya may pagka-bata pa rin gumalaw minsan. At least cute and kilig lang muna. Pero sana hinay-hinay lang ang gawin ng mga writers na development ng love story. Anyway, we have until Feb 2013.
Wagas na wagas na naman ang pagsusungit ng mahal na hari
Pero bakit hindi ako naiinis?
Kasi sa lahat ng pagsusungit at pagsusuplado
Itong kay daddy pogi ang nakakakilig
Busilak naman ang pagtatanong ng prinsesa
“Bakit ho gising pa kayo?”
Fishing, yaya?
Asa ka pang aamin yan!
Kaya pala ayaw ni ser chief ipasuot kay maya yung dress na bigay ni rafi … ayaw lang nya ng may ka-terno nung araw na yun … gusto nya sya lang ang naka-orange/peach
Sige na nga ser chief … ikaw na!
Maya: Bakit po gising pa kayo?
Sir: Work. (hahaha at kailan pa naging work ang maglaro ng solitaire sir chief?hehehe)
Maya: sige po paranag nakakaistorbo na po ako.
Sir: yes.
Ikaw na sir chief , ikaw na talaga ang pinaka cute magselos, nakakakilig!hehehehe
Pag ganung nagsusungit si Sir Chief, parang ang sarap lambingin!
Ang tagal ng bukas
Ano kaya ang mauuna?:
1.magkainlaban si maya at sir chief
2. makapagsalita si abby
3.o mabubuko si maya ng pamilya niya?
Ang dami pa palang i-resolve
Pero malayo pa naman ang February
Looking forward sa Christmas celebration ng Lim family
Sa kanila pa kaya nakatira si maya? hmmmm..
Hello! newbie po ako! pero ilang araw na akong naka ninja mode at nagbaback read. woo. sarap maging fangirl.
Figurative analysis on the teaser of tom’s ep: nadidistract na ni maya si sir chief sa solitary life niya.
Feeling ko carry lang naman ang pacing. parang matagal-tagal ko ding hinintay na magselos si sir chief.
Hayy. I really love bcwmh. instead of worrying sick about judgments and to-do lists and instead of yielding to other forms bad vibes, bcwmh gives me a better idea of what to do with my free time: daydream about what’s going to happen next. the show makes me want to keep moving forward para lang mapanuod ko next ep. yee.
Hay. galing, galing ng buong cast and prod staff ng bcwmh. i can just imagine how hard they’re working. i hope they like how it’s paying off naman. \m/
Buti na lang may laptop at computer games. kung wala pano palilipasin ni daddy ang oras?
magbabasa?
mag-gigitara?
magkakape?
mag-swimming?
magti-tic-tac-toe?
mag-sscrabble mag-isa?
mag-chechess mag-isa?
mag-kakaraoke?
magbibilang ng mga bituin?
magbibilang ng buhok?
Tapos pag tinanong ni maya, isasagot nya –
Kung ano ano na naiisip nyang gawin ‘wag lang magkaroon ng kahit na katiting na hinala ang Maya na… siya! at tanging siya lang ang inisip at inaalala nito….
Noong una.. papilit sa kantahan…
Mag-aya manood ng sine para sana malimutan ng Maya na may lakad siya….
Ngayon naman… mag pretend na busy sa work at nakakaistorbo ang Maya!!
Sige lang Ricardo… ipagpatuloy mo lang yan!!
Hinatid kaya ni simon hanggang bahay si maya? nakita kaya ni ser chief yung pagdating nila?
Siguro nakasilip yun sa bintana habang singkit na singkit ang mga mata at malamang nanghahaba ang leeg para marinig yung paalaman nung dalawa
Eh mukha pa namang hindi owner-type jeep ang dala ni simon. lumelevel up na ang pambato ng san nicolas! pati yung flowers lumevel up na rin, kahawig na nung bigay ni charlie kay rafi.
Naku ricardo … tandaan mo … gustong ipakasal ng mga dela rosa si maya kay simon!
Ako rin! kasi feeling ko may manito-manita event na magaganap. at siyempre, swak na mabubunot nitong dalawa ang isa’t isa.. ang tanong: ano kaya ang ireregalo ni maya kay ser chief and vice versa? M.U. na kaya sila sa mga panahon yan?? MAG UN?! hahaha!
Napansin ko lang si Manang Fe… parang she’s always privy sa mga juicy details sa mga kwento at kaganapan sa buhay ng mga tao sa Mansion ng mga Lim…
Yung love story ni Raffi at Charlie… alam nya na yata yung buong kwento… samantalang si Ricardo… first time lang na meet in person si Charlie…
Tapos ngayon… pati yung kagustuhan ni Mamang na ipakasal si Maya kay Simon… nakwento na nya ng buong buo!!
Hmmmnnnn…. may pagka psychic ka ba Manang Fe??… or fishing ka lang for reaction mula sa iyong hijo!
Tsismosong amo ang dating ng Ricardo!
Kilalang kilala ni manang fe ang unico hijo nya,ang kanyang beloved ricardo. so dapat alam nyang parang sinaksak nya ng sibat ang puso ni ricardo nung sinabi nyang gustong ipakasal si maya kay simon.
O baka naman dahil nga kilalang kilala nya ang alaga nya kaya nya sinabi yun. alam nya kung papano buhayin ang nahihimlay na puso ng mahal nating hari
At tayong mga adiks.. parang mga power pellets sa atin yang mga mumunting galaw at bahagyang pagpapakita ng “interes” at pagpapansin!!
Wish ko na sana na may mga asyumera moments na rin ang Maya…
Yung hindi na nya masyadong dinededma yung mga medyo weird na actuations ni Daddy Pogi!!!
Sige na girl! konting display of kiligness naman dyan!! samahan mo kaming mga adiks!!
kung dati ay uber sa pagka assumera ang prinsesa, ngayon naman parang naging clueless yata sa mga bagay-bagay at mga senyales.
Gising maya! ngayon ka na dapat kiligin … sabay sabay tayong tumambling!
Natawa naman ako sa power pellets! haha.. pero truelagen
Ang sabi nga nila.. kapag yung bawat kilos at reaction ng tao eh grabe na ang pag-aanalyze mo, na ang kulang nalang ay gawan mo ng SWOT analysis, flow chart diagram at visual aids, ibig sabihin ay more than infatuation na ang nararamdaman mo te. sobrang affected ka na eh. si Maya, gusto kong ma-affected. wag lang sana masyadong maging Reyna ng obvious!! hehe
Hello newbie lang …isa ding adik sa BCWMH… Andami kong tawa sa post nyo simula thread 1 hanggang dito…
Hanep ang work ni ser chief solitaire
Sungit sungitan na si ser chief kasi inugat na kakaantay kay maya (*** na maya ang haba ng hair)
Welcome sa lahat ng newbies!
Ang saya! dahil sa show na ito ang daming lumalabas na mga lurkers.
Ako d in yun before…
Good vibes sa thread na to always!
Nakakaaliw ang daming newbies!
Paraiso nga kung tutuusin ang MAYA’s CAFE. kasi wala kang mababasa na BV dito…
Gaya din ng show na ito.
CONGRATS twin sis iba talaga ang nagagawa ng BCWMH lahat nagiging magaan. Ako nga minsan naman kapag naiinis na sa work may mantra na lang ako “KALMA LANG, KALMA LANG”
Iba talaga ang impluwensya ng BCWMH satin no?Ganyan na din ang mantra ko sa buhay lalo pa pag naiinis ako ..
Kaya lang…bitin!!!! bitin ang epi ngayon!
——————————————————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
69 Date Aired: Oct. 16, 2012—Maya goes on a date with Simon and Sir Chief seems very concerned.
Excited na rin ako kung paano makikita nila doris at sabel si simon. Kasi kapag naexcite yung 2 sa kapogian ni simon mas magseselos si sir chief. (Don’t worry sir chief mas pogi ka pa din )
Malamang ayain pa nya si simon sa bahay para mainterview din. Hehehehe
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan..
kasi magkaka-stiff neck ka pa!”- maya
Hay nako maya! kaloka kah!
Napanood ko rin ang epi today
Halos kalahati ng epi, date ni Simon at Maya
Natatawa ako kay Kute nong ibinigay ni Simon ang flowers
Kute: ‘ O,flowers flowers’
Yung hinintuan ni Richard sa may gate si Kute para kausapin tungkol kay Maya na hinatid ni Kute sa may guardhouse para sa date nila ni Simon.
Ang kulit ni abby.
Super power lang talaga meron si Maya,mapa behave niya toh
Haha sira rin ang seatbelt… sinong pexer nagsabi kahapon na baka sira rin ang seatbelt sa kotsi ni Simon….
Hello! Lurker ako sa thread na to pero di ko na mapigilang mag post.
BCWMH completes my day
Medyo bitin yung ep today no? maraming di nasama dun sa teaser kahapon..
Ang pagkakangiti naman ni maya nung inaayos ni simon yung seatbelt…
halatang si ser chief ang nasa isip
Ang galing galing nga ng acting ni jodi dun eh! wala akong masabi. ni wala ngang flashback na pinakita … basta kung adik ka sa show na to, alam mo na ang ibig sabihin ng ngiting yun!
Kung tutuusin mas malapit ang mukha ni simon sa kanya habang inaayos yung seatbelt. kesa nung sa kanila ni ser chief. pero si ser chief lang talaga ang type nyang singhutin. parang katol ang effect sa kanya.
Medyo may awa nga kay Simon kanina…. super sa effort to please our Mahal Na Prinsesa….
….. naghintay na naman sa may guardhouse….
….. na may dalang flowers (na mas lamang na nakornihan ang Maya kesa kinilig)
….. dalhin siya sa mamahalin (o mahal lang talga ang food??) na resto!!
Ang pinakamasakit…. halos magkadikit na sila sa kotse…. ang utak (at puso at buong katauhan ni Maya… eh hayun… naglalakbay sa kawalan.. parang naiisip ang ibang pagkakataon na halos kapareho din ang eksena!!
Oo nga wawa si simon, nung tumawag lang si Sir Chief, nag-aya ng umuwi, ganun talaga siguro pag iba ang tinitibok ng puso!
Si Nikki dahil inis pa rin kay Maya, pinipilit na kay abby lang concern ang Daddy nila … bigyan na kasi ng lovelife ang bagets para mabawasan ang ang kaartehan pero cute naman.
Anyway.. feeling ko lang talaga ha.. di kakain si Maya sa restawran ni Jodi Sta. Maria!!! hahaha tipid nang tipid kahit si Simon naman ang magbabayad! hahaha
Uy, ansarap namang kadate si maya
Hindi siya yung tipong “bilmoko”
Kaya pala antyaga ni Simon sa kanya. wala siyang kaarte arte sa katawan
Pinakita kanina na dependent na sila kay maya when it comes kay abby
Hahahaha… sobrang sinasadista na natin si sir chief nyan! pero magandang isipin na lahat, boto na kay simon, pati si sir luke, siguradong umuusok na talaga ang ilong at tenga ni daddy pogi.
Tsaka mukhang hindi nila kayang iresolve ang isang napakapetty na problema ni abby na isang pulseras lang na nawawala. parang helpless na helpless na sila lalo na ang mahal na hari kaya kahit nasa date ang prinsesa tinawagan niya pa. hindi na lang iconsole si abby at sabihing tatanungin na lang si yaya pagdating niya.
Talaga lang sigurong gusto lang mang uzi ni daddy singkit.
Ser Chief: Is that him?
Talas talaga ng tenga ni daddy pogi. kahit sa background dinig pa din ang boses ni simon. tama bang babaan ng phone si maya nung marinig ang boses ni simon?
Ikaw daddy ha! alam mo nang nasa date ang prinsesa, tatawag tawagan mo pa para lang itanong ang bracelet. if I know, tsismosong seloso lang ang peg mo! at idahilan na naman ba si abby? si abby … si abby … at si abby

Si Sir Chief, parang nautal nung marinig boses ni Simon sa phone. Nagselos bigla at nag worry?
Nautal nga …ewan kung part ng script yun to show na affected sya nung marinig ang boses ni simon, o nag buckle lang sa delivery ng line nya.
Tingin ko naman part ng script, kasi yung facial expression ni Sir Chief nag iba. Napa hinga pa ng malalim bago nag-ayang umalis.
Bitin nga ang episode today. walang Yaya ganda at Mahal na hari scene together.
Wala ding Yaya at Abby scene. Wala tuloy good lessons para sa mga kids today.
wala ding breakfast or dinner scene. BAD DAY!!!
Oo nga bitin! kaloka! pero tama ka sis, panalo na talaga si sir, parang Renee Zellweger lang ang peg ni Maya para ke Sir CHief, “You had me at Hello” sayang lang at mabait si Simon, thoughtful pa ha! ano kayang gagawin ni Sir dun sa ballpen?? di man tinesting kung may tinta baka wala pala,
Tapatan natin ang “You had me at hello” ni Maya ng matamis at namumulaklak na “You complete me” na magmumula sa mga kissable lips ni Ser Chief!!! hayyy kalokaaaa…
Oh em gee! Hindi ba pwedeng gawing marathon din ang mga bagong episode? Medyo nabitin nga ako.
Ang sungit ni Sir
Naku at di na concern yang kay Sir Chief, iba na yan
Babaan ba naman ng telepono si yaya?
HMP! buti na lang di sensitive si Maya napanood ko rin ang epi today
Nabawasan na yata ang kilig ng prinsesa sa mahal na hari. kung dati bawat sulyap, bawat kilos, bawat salita binibigyan ng meaning ng prinsesa – assuming na may something special na para sa kanya lang. eh ngayon parang baligtad na ang mundo. ang mahal na hari na ang assumero -bawat kausap, bawat kilos parang minamatyagan nya.
At saka in a way parang nag-mellow na din ang ating prinsesa. nabawasan na ang ingay at daldal nya lalo na sa harap ng mahal na hari.
Tindi kung magselos si ser chief
First friendly date pa lang…
Ewan ko lang kung may second time
The way I see it, mukhang di pa in love talaga si Ricardo kay Maya, parang nagiging dependent siya kay Maya because of Abby… He’s getting there stage pa siya… Sana lang wag siyang ma-inlove dahil kailangan niya si Maya, dapat kailangan niya si Maya dahil mahal niya nito… Confused at in denial pa siya
Loyal naman ako kay Sir Chief pero, kaka-inlove din si Simon Kinikilig din ako sa kanila Yieeee
Sarap asarin si ser chief…nagiging mr. sungit…hahaha…pero tama nga kayo…di pa siguro tinamaan yan…concerned lang dahil natatakot sa mangyayari kay abby (si abby na lang lagi!)
Pero lakas ng spark talaga nina maya-ser chief!
Tama naman ang sinabi mo. baka dito na nga ang umpisa nung transformation ni maya na madalas nababanggit ng iba nating ka-adik dito. habang tumatagal ang story nila syempre mas nagma-mature ang characters, especially maya kasi sa kanila ni daddy umiikot ang kwento.
Mas believable nga naman for them to end up with each other kung mai-improve ang persoanlity ni yaya … an affirmation that true love indeed brings out the best in a person. kasi sobrang fairy tale-ish naman kung basta basta na lang na in love ang isang sosyalero,mayaman, istrikto at highly educated man like ser chief sa isang member of his household staff, kahit gaano pa sya ka-ganda. syempre ibabagay din nya sa kanyang stature ang choice nya ng lifetime partner. kahit sabihin pang love is blind … sophisticated ang taste nyan syempre pati sa babae (kaya nga sya na-attract at na in love kay alex di ba?)
Now … when maya metamorphoses into an educated, cultured, fine lady – ser chief will begin to see her in a whole new light and it will validate the feelings he has had for her all along … yung mga kurot sa puso at selos nya ngayon na hindi nya pa maamin sa sarili nya at this time will come to fore … at dahil lumevel up na ang dating YAYA (lowly yaya, if you will) pwedeng pwede nang maging sila.
Sis, di naman lowly yaya si maya. kaya nga sa sinabi niya kay simon masaya siya sa ginagawa niya. di naman siya ordinaryong yaya lang e. she might be a simple lass but she’s intelligent with a big dream. at alam naman ni sir chief yan.kaya lang naman siya naging yaya is to fulfill her dreams.
I don’t want her to be sophisticated kasi di na siya si maya kung nagkataon. I want her to stay simple, educated and a loving person. accepted nga siya ni rafi as she is. kasi kung titingnan mo, di naman siya ka level nila doris at sable.
Medyo siguro konting upgrade lang sa fashion sense niya, yon lang.
Makatapos lang siya at ma fulfill niya ang dreams niya, everything will follow through…..
At isa pa tong si Manang Fe! grabe talaga maka fishing! mas mahusay pa atang mag fishing kina Doris at Sabel! may pinagmanahan pala ang fishing skills ni Ricardo!
At naloka ako sa teaser. Ser Chief? competitive ka na ngayon?? eh anong competition ba yan?? paunahang masungkit ang puso ng Mahal na Prinsesa? huwag ka mag-alala Ser Chief. di pa nagsisimula ang kompetisyon eh panalo ka na
Mukhang nagtataka na rin si manang Fe sa pagiging mausisa ni SC..
Nakakatuwa dalawa ng tao ang nakakapansin sa kanila si rafi at manang FE
Ayaw si sir chief na magaya si Maya sa ibang yaya ni Abby. Mga nagsipag-asawa daw. Sayang naman daw kung di matutupad ni Maya ang mga pangarap niya.
Yan! yang mga ganyang linya ng mahal na hari ang dahilan kung bakit sya palaging nakakalusot. ang linis linis kasing pumaraan sa pagpapalusot. kahit sino nga naman ang makarinig siguradong mag-aagree kasi may point naman talaga sya.
Pero tayong mga adik … alam na!
Pumayag kumain sa turo-turo (eh somehow… rich kid ang drama ng Simon, di ba?? negosyante ang mga perientes))
…. samahan siya sa toys tiangge….
… bilhan ng toys ang Cho at Abby!!
But all to no avail!!
Ni hindi man inapuntahan ng katiting na kilig ang pihikang Prinsesa…
Ay kagwapo lang ni Simon nung nakangiti at halos matawa habang si Maya eh nagpapaliwanag sa tawad nya sa bibilhing laruan!!
Ay! ano ba yan???! feeling ko parang napakasalawahan lang!!
Truli yan! na-upgrade nga ang kapogi-an ni simon sa date na yun. at walang kinalaman ang mitsubishi lancer box-type (model ’86 pa yata) dun iba lang talaga ang dating nya. sabi nga ni doris nag-gel siguro. at magkakulay pa ang shirt nila ni daddy sungit nung araw na yun.
Hala ka ser chief.
sampung paligo na lang ang lamang mo kay simon kaya umayos ka
At yung mini side smile ni ser when he heard the door open signaling maya’s return from the “friendly date”.. yihee. malaman lang na safe nakauwi ang prinsesa niya, okay na. ewan ko lang bat nagsuplado bigla! hehe.. ikaw ser chief ha, ikaw dapat ata ang kumanta ng torete eh
Inalisan pa ng chance ni ser chief na magkita uli sina maya at simon
Threatened na si Sir ke Simon! takot maka sa sobrang tyaga ni Simon eh madiskaril si Maya!

Si ser chief “wagas” at “galit sa mundo” kung magselos
Bakit di niya gayahin si Luke,patago kung dumiskarte.
Iba na talaga ang magka-edad, iba na ang diskarte…hehehe, in fairness kay ser chief he’s ageing handsomely.
Ilang araw na nga daw na ang sungit ni ser chief sa kanya sabi ni maya
Eh nag-aalala lang naman daw sabi ni manang fe
Ano ang inaalala?! na madiskaril si maya?!
Eh siya kaya ang nadidiskaril
Baka madiskaril din ang preparation para sa birthday party for abby sa kakasungit ni ser chief.
Naisip ko rin yan. Parang symbolism yung nawala ni Abby yung friendship bracelet niya. Kapag si Maya nawala sa buhay nila, malungkot at maapektuhan silang lahat.
Para nga talagang nireregla itong si Sir Chief. Biruin mo, parang stalker lang na titignan sina Maya at Simon from a distance tapos ngingiti-ngiti kapag narinig niyang nakapasok na si Maya sa bahay.
Naiintriga ako sa reaction ni daddy sungit pag nakita yung flowers
Pano na kung puspusan na talaga ang panliligaw ni simon? ano pa ang matitira kay ser chief pag nagselos? yung mata nya wala nang isisingkit kasi sagad na. yung kulay nya wala na ding ipuputla kasi todo na
Ano kaya itsura ng taong pikit na kulay puti?
dapat dumiretso si Maya sa office, bitbit ang flowers sabay: ‘Good evening, Sir Chief!
Sisingkit kaya lalo o lalaki ang mga mata niya?
Alam ko grabe ang effort ni Simon pero di ako naawa sa kanya, pareho lang silang dense ni Sir Chief.
Eto naman si Maya, clueless.
Pero tama nga, medyo behave na siya pag kaharap si daddy pogi
I think she just learned from her mistakes dati at dahil ayaw na nga niyang maprincipal’s office, baka kaya na siya nagbebehave. Pero para sa akin, kapag kasi totally (and utterly) in love ka na sa isang tao, hindi mo na pag-aaralan lahat ng kilos niya. Parang crush stage palang si Maya dati pero from what I see, iba na ang nararamdaman ni Maya. Lumevel up na ang feelings niya. Kung crush lang yan, eh bakit kahit sobrang lapit na ni Simon kay Maya eh si Sir Chief parin naiisip niya? Sobra kung makapraise etong si Maya sa amo niya kahit manliligaw pa ang kausap niya. At pansin ko, wala siyang pake kahit sabihin ng lahat sa kanya ang mga salitang, “Sir Chief mo”.
Kumbaga, ang hinihintay niya na lang eh kung ibabato rin sa kanya ang feelings niya by Daddy Pogi.
“Kung may tiyaga, may nilaga.”
These are just my two cents.
Todo analyze talaga ang mga adiks dito sa thread.
Chief ha! “What for?!”
Lambingin mo lang Maya…. timplahan ng kape at ikwento kay Kute lahat ng mga good qualities ni Sir Chief habang nasa tapat kayo ng office niya….para marinig niya habang nagsolitaire siya. At para maerase ang bad mood niya.
I love being addicted to this show.
Whaaa….sali ako. dati nagbabasa lang ako palagi, pero di ko na matiis ang pagka kilig..hihihi
Pati asawa ko, sir chief na ang tawag ko.
Nakita nyo ba teaser for tomorrow? mukhang nagsisimula ng manligaw ang mahal na hari… hihihi..sya na raw ang maghahatid kina Maya..aba, aba, aba…
Si Sir Chief naman, sumusulpot kung saan-saan. Basta kapag kausap ni Maya si Simon sa cellphone, laging nandyan si Mahal na Hari.
Sana yung peach na sexy na damit ni Maya, suotin niya sa birthday ni Abby. Di ba, special occassion naman yon?
Bakit kaya hindi pinakita yung solitaire
Yun pa naman ang inexpect ko buong araw
https://www.youtube.com/watch?v=mp1Qb-NMrSo
WEDNESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Preview para bukas:
Simon: Ako na lang maghahatid sa inyo
Sir chief: ako na lang maghahatid sa inyo
Kanino sasama ang prinsesa?
Kay simon na lumang mitsubishi ang gamit
o kay sir chief na naka bmw?
Galing talaga maka cliff hanger ng be careful …aabangan ko all my waking hours
inulit ko ulit yung preview para bukas kasi nga syempre adik, diba? mukhang nabinge si sir chief sa sinabi ni maya nung tinanong siya kung saan daw ba galing yung toys tas sabi ni maya, “galing po SA AMIN ni simon” tas si simon lang binanggit ni sir chief.
sinadya niya kayang isnabin yun?
sana hinde at masindak siya dun para mas madaming jelly beans.
Si Ricardo kung magsungit daig pa ang matandang dalagang librarian na nireregla
Sana gulatin ni Maya si Ser Chief ng tanong na “nagseselos ka ba, Ser Chief?!”
tignan natin kung may ipuputla pa si Ser Chief
Walang sawa kong pinapanood yung teaser kahapon for today’s epi.
Maya: Bakit gising pa po kayo?
SC: Work. (suplado at sinungaling ang peg)
Maya: Sige ho baka nakakaistorbo na ako.
SC: Yes. (suplado at sinungaling pa rin)
Ang cute cute talaga ng scene na to. at ang cute cute ni daddy pogi. super inabangan ko pa naman kanina. sana bukas ipakita. sigurado gasgas na naman player ko.
Sino ang pipiliin ni maya? si simon na nauna ng nagsabi o si ser chief na kung di pa nag-eavesdrop na naman eh malamang wala naman siyang balak talagang maghatid?
Simon vs. Richard sa pag”HATID”
Kanino kaya ang “YES” ni Maya
Bakit ba nung sinabi ni maya na galing sa kanila ni simon ang toy na hawak ni abby eh ang angas ng pagkaka-simon?
Galit?! Aaaahhhmmmm no reason to get angry
Nagulat?! Aaaaahhhhmmm siya nga may ballpen eh
Pwede namang sagot eh “aaah kay simon” na malumanay, di ba nakakatuwa na may thoughtful sa anak niya.
Akala ko talaga kanina ipapalabas yung nagsosolitaire si sir chief na work daw.,hehehe pero sana bukas ipalabas ang cute cute kasi ni sir chief magselos, ang sungit lang
Okay lang muna na magbakasyon si joma
Para laging si ser chief ang tagahatid kay abby
——————————————————————————————-
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
70 Date Aired: Oct. 17, 2012—Nag-aalala lang ba o super jelly na si Sir Chief? Looks like the match is now open– Richard vs Simon!
Work talaga, Ser Chief?
So yung mga baraha, kunwari plane seats na ina-arrange mo? ganun?
Nakakaloka si sir chief.. work daw ah! solitaire lang pala! pagkaalis ni maya
tumayo na rin, matutulog na, hinintay mo lang talaga si maya makauwi.hehehe
ang sweet kahit medyo masungit ulit ngayon,hahaha selos kasi.!

Nung tanungin ni Maya ni Manang Fe kung bakit gising pa si Ser Chief…
Manang Fe: Kasi mahal na mahal ka…
Maya: ( *todo ningning ang mga mata* )
Manang Fe: …ni Abby!
Wahaha…
sorry, Ser Chief… better luck next time.
Simon- 1
Ser Chief- 0
Maya Maya Maya .. sayang yun!hehehe pero okay lang sa susunod na lang .
si sir chief dumidiskarte, narinig na nga na si simon ang maghahatid sa kanila ,pero nakisali pa rin.,hehehe kaya lang tinanggihan, okay lang yan sir chief ,magselos ka muna. ang cute mo kasi magselos.saka para mas makita at maramdaman mo unti-unti kung gaano ka-importante si maya sa buhay mo. saka matagal-tagal pa kwento niyo hanggang February 2013 pa kaya mahaba habang selosan pa yan.hehehe
Nato-touch ako sa closeness ng pamilyang to.. ang cute nung moment nina kute at cho. yung parang tumili pa si cho.. cute sobra!
Tapos pano yan??? may HABULANG BIIK daw na magaganap!!! di kaya nagf-fishing din ang mga writers for show ideas sa thread na to??
Jusko, may FB na si ser???? hahahaha!!! ma-add nga!
Magiging “friends” na si Maya at Ser Chief…
sa Facebook!

Kung makangiti yung dalawa, wagas!
Friends na ang Maya at Ricardo sa FB!
Kailan naman kaya magkaka “In a relationship” request yan???
Sir Chief pala pag nagsusungit kung sumagot one liner …
I know
What for
work
yes
OO nga ang sungit pero ang cute cute at gwapo ni Sir Chief
“Halika na.”
Waaaaaaaaaaaaaa bat kilig ako ng sobra dun? sobrang casual nung pagkasabi na parang ang dating ay so intimate as if he says that to her all the time..na parang ang lambing ng dating sa akin. ay ewan! baliw!
Ahhhhhhhhhhhhhhhhh.. excited na ako bukas sa FACEBOOK EPISODE.,hehehe
yung friends na sila sa FB.,hehehe at yung pinakalast na pinakita kanina yung
bakit daw ganun ngiti ni maya tapos sabi kasi friends na sila sa facebook tapos napangiti din si SC napangiti ni Maya,.hehehe KILIG!!!!
Ako din,,hehehe nakakabaliw na tong BCWMH ,at ang nakakatawa tong si Maya san daw lakad nila?hehehe e kakain na sila ng dinner.,hehehe pero Sir Chief ikaw na talaga ang pinacute at gwapo kahit moody lalo pag selos,hehehe

Di ba yan na yung dati pang ninanais ni Maya? Yung mapapangiti niya si Mahal na Hari? Success na ba?
At ang mga ngiti nila ngayon at sa bukas na epi ah… sobrang tatamis. Baka magkadiabetes ako nito ng wala sa panahon.
Ayee *friends* na daw sila. kilig naman sila pareho.
Hehehe~ I stalked mr. lim sa fb, october 12 lang nila ginawa yung fb, so more likely yung shinoshoot nila today for next week’s ep na. hehehe superhuman ang prod nitong bcwmh, 1 ep/day and everyday ang shoot! sana pagnababasa nila ‘tong convo natin dito sa forum nabibigyan natin sila ng more energy!
Ok lang magfish ang writers dito! para maging fairy godmother natin sila!
Btw!
I stalked raffi din, ftw yung photoshopped pix nila ni charlie, ang kulit lang.
And and and napansin ko pala na hindi pa friends si sir chief at si nikki. si luke lang yung andun.
Muntik na ako maiyak sa scene ni kute and cho. /applauds
Magccameo kaya si ikik (yung alagang biik ni Jodi and Thirdy)?
Excited na ako sa birthday ni abby! excited na akong makitang smitten si sir chief kay maya!
Siguro shoutout sa atin ng mga writers yung mga kagaya nung sa biik. Di ko akalain na binabasa rin pala talaga nila ang thread na ‘to.
Sabagay, sino ba naman ang hindi gugustuhin ang pagbabasa dito eh, puro good vibes lang ang makikita mo here at Maya’s Cafe.
Kudos talaga sa mga writers and the whole BCWMH family. Araw-araw, paganda ng paganda ang episodes. Halos matulog na ako ng derederetso para lang hindi na ako maghihintay para sa next epi.
https://www.youtube.com/watch?v=c-0pNNkiVyk
THURSDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Nung sinuggest ni kute yung habulan ng biik naalala ko agad yung post ng isang sis natin dito. obvious ba na namamasyal dito yung mga writers at pinagbibigyan naman tayo.
Naku riot tiyak yun … lalo na pag inumpisahan ni doris and sable.
At mukhang itutuloy nga yung palo sebo. hindi daw lalagyan ni maya ng langis para hindi madulas. at hindi naman mataas. konti lang ang lamang sa height ni kute. hurt tuloy si kute
Yes, naannounce na before na extended till February 2013 ang BCWMH.
Hay, nakakainis ang seryeng ito, parati akong pinasasaya….touching ang eksena kanina nun dumating na si Kute sa bahay nila at kinakamot yun likod ni Cho. napaka light tingnan ng eksenang yun pero naiyak ako kasi napaka natural ng dating sa akin. naiyak ako sa tuwa talaga, para akong ***** dito sa hotel room.
Balik middle east nako kaya late ko na mapanuod to via internet pero just the same, every episode ay inaabangan ko…sana asa pinas ako sa last week nito para Masundan ko mga tv guestings nina Sir Chief at Maya….eto, while preparing for lunch, will play muna the BCWMH soundtrack…
I knew it! Si florante at luke ay iisa… Eh sino naman kaya yung magpapanggap na Florante?
Ser chief ang sungit na naman… Nakakahalata na si maya pero uuuuyyy frends na sila sa FB!
Kelan kaya yung bday ni abby.. Aabangan ko yan lalo na yung agawan ng biik. Sabel at doris ang pede jan!
Wooh haba ng br so many pages at padami ng padami ang adiks…guess may lurkers talaga dito from the bcwmh team…lahat ng ganaf dito at estoryahan naiapply doon sa tele…galing ng mga adik writers dito…go lg ng go mga sistah,sarap lg magbasa ng mga posts dito..anytime,anyday walang hinto…gv and good feelings talaga.

Yung mug na bigay ni kute in-acknowledge ng mahal na hari … with matching smile and pa-thank you pa.
Pero yung ballpen from simon, dinedma.
Pero inilagay naman sa drawer, infernez. hindi nga lang pinakita sa prinsesa. ano kaya balak nya gawin dun?
Nakakaloka ang mood swings ng Mahal Na Hari…
Magsusungit at mag-aaburido one minute, tapos nakangisi at nagpapacute next minute!!
Hmp! buti na lang talga hindi sensitive, pasensiyosa at…..
medyo napamahal ka na sa Mahal na Prinsesa!
Manang Fe!! pagsabihan mo yang Unico Hijo mo ha??
Ang cute lang nung video chat with Raffi
…. ng buong Lim Family…..with Maya completing the picture!!!

Kute + cho = Ang cute lang ng mag-ina
At si simon mukhang 1st and last date na ata yon
Wala talagang effect kay maya ang kagwapuhan at effort niya.
Better luck next time na lang
Hayy gusto ko lang magpasalamat nang bonggang bongga sa lahat ng mga adik sa thread na to!!! pinapasaya niyo lagi ang araw ko. may BCWMH na sa umaga, may BR mode pa dito sa Maya’s Cafe sa gabi. ang saya saya lang!! at kamusta naman yung ito na ang una kong binubuksang site everytime magbubukas ng browser?? weee~
Anywayyy, sa Christmas, gusto ko yung uuwi talaga si Maya sa San Nicolas. ika nga, absence makes the heart grow fonder tas medyo magiging aligaga si Ser, diba?? sa una, parang ayaw niya munang payagan si Maya umuwi. pero siyempre, di naman pwede yun.. ang lahat ng nagtatrabaho sa mansyon, dapat may time rin with each of their families…
Agree ako dito. Sana nga umuwi si Maya para naman marealize ni Sir Chief kung gaano kaimportante si Maya…hindi lang para kay Abby, but to him also.
Nakakaloka ang moods ni sir chief sa isang epi:
Una uber sungit, tapos mabait, sa ending ang lambing.

Ang pagsabi niya ng ‘halika na’ kay maya parang may amnesia lang siya sa kasungitan niya ng isang gabi.
At hindi talaga nag pa Thank You kay Simon.
Bad ka Sir Chief
Wala lang. kasi hindi pa ata “napapakilala” si Maya kay Ma’am Alex. parang gusto ko may ganung eksena.. kahit na hindi sa undas episode. yung tipong parang kausap ni Ser si Alex. sasabihin, “This is Maya, the woman who makes me happy.. in the same way that you’ve always made me happy. Thank you for sending her my way.”
O ayan. solb na? kilig na uli??

Happy viewing to the max …
Hay nakakatuwa talaga magbasa dito!
Dito ang continuation ng kilig after ng mga episodes! Thank you po sa lahat ng mga magpapakilig sating mga adik
Amin na kasi Sir Chief. Ika nga ni Sabel, wagas! It’s really hard to tell the boundaries between jealousy and concern especially from someone like Sir Chief. But I guess it’s the feelings, whatever those are, that counts.
The reunion of Kute and Cho was so touching. Simple yet heartfelt.
Can’t wait sa bagong epi later! Bagong labas na lurker lang din po Hay nakakatuwa talaga magbasa dito!
Hmmmm…parang gusto ko na din yung istorya niyo na umuwi si Maya sa San Nicolas pag xmas….o bali b4 xmas pa makauwi na si Maya. At yun….

Si ser chief, di na mapakali sa missing in action ni Maya…..palaging balisa o di na maintindihan ang sarili niya…
Kaya di makatiis, biglang pina impake niya lahat at sabay punta sa San nicolas kina Maya…
Magpakilala at mag xmas sa mga dela rosa family
Heheheh gaya niyo lang, pinakilig ko lang sarili ko
Kahit imposible kasi mabubuko si maya na sa manila lang pala siya
Iba talaga ang magic ni Maya at Ser Chief, kahit magtitigan lang, simpling dampian lang, ….solve na kaagad ang pagod.Parang gusto ko nang mag acrobat ano bang meron sa kanilang dalawa na di mo mapipigilan ang kilig kahit antok na antok ,ayon! Naka- smile pa rin ang adik na tulad ko.
119
———————————————————————————————
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
71 Date Aired: Oct. 18, 2012—Madadagdagan na naman ang kilig access, because Maya and Sir Chief are now FB friends!
Si Nikki pa talaga ang nagsabing “OA” si Luke nung gusto nyang i-add si Maya as FB friend ng daddy nila
Pangit ng pagka-Photoshop nung Davao pic ni Rafi at Charlie si Nikki pa talaga ang nagsabing “OA” si Luke nung gusto nyang i-add si Maya as FB friend ng daddy nila.

Pangit ng pagka-Photoshop nung Davao pic ni Rafi at Charlie
Ano ang huling sinabi ni maya kanina, “Pag siya ang nagsalita, hindi tsismis.”
@neo… “may tenga ang lupa, may pakpak ang balita”.. masmaganda na sakanya ng galing yun kasi ibig sabihin hindi tsismis… hehe somewhat similar to that…
One thing i like about this show,. hindi kailangan ng apihan, patayan, higantihan… goodvibes lang talaga, hindi na kailangan ng kontrabida…
Sarap lang talaga kurutin sa singit ni nikki, hehehe..
bait ni luke ke maya, isa to sa mga natutuwa pag nag come to life na ang maya-sir chief romance
para lang mag-asawa si sir chief at si maya, nagdidiskusyon tungkol sa away magkapatid, I looooove it!
The best things in life are free ika nga ni maya
Kaya ieenjoy lang ang panonood, wag ma-stress
Masaya na, wala ka pang utang
Wala ngang utang, wala na din duster, unan etcetera etcetera
Maganda i-test ni joey si fake florante
Ask ni joey na ulitin sa harap niya mga pinagsasabi niya sa fb
Naawa ako kay luke
Bokya na naman si simon
Di na pinakita yung flowers na bigay niya kay maya
Hmmm manang fe ha, mukhang gusto mo ng magkalovelife uli si ser chief
Sana bilisan nila ang facing ng story. Medyo mabagal na nga at parang wala pang hint na may something deeper na sila Maya at Sir CHief.

Marami pa namang mga issues na dapat e-explore like;
1. yung birthday ni abby. Kailan ba yun, Dapat may preparation na ngayon di ba?
2. Dapat bumalik na sa concern ng family na makapag-salita na si abby. Wish ko makapag-salita na sya para mas may lalo pang ilawak ang story na ito.
3. Dapat ma-resolve na yung issue ni Maya at mag-sabi na ng totoo na wala siya sa Dubai. Diba nga ang turo niya kay Abby, Dapat laging honest? Dapat siya din, laging honest.
4. Tapos, mag-establish din ng mga situation na maglalapit kay Maya sa Mahal na Hari. Yung ma-realize ng Mahal ng Hari na nasa kay Yaya ang mga qualities na hinahanap nya sa isang babae.
5. Sana din, magkaroon ng situation between Nikki at Maya para ma-resolve na nila ang kanilang differences.
6. Sana mag-evolve na ang character ni Maya into prim and proper lady. with wisdom pero jolly pa din.
Good things come to those who wait…………patiently!
Wika nga ni maya, pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy, tutal extended naman sila hanggang Feb 2013!
Bulleted comments with regards to PHASING:
1. Aabangan ko ang fiestang birthday party ni Abby , ang palosebo ni Maya with matching catching via Ricardo , at agawang biik nina Doris at Sabel.
2. Matupad sana yun sa birthday ni Abby.
3. Ok na ang madulas si Kute… or it can be nabasted si Simon kaya sasabihan niya si Aling Teresita na nasa Maynila si Maya.
4. Pwede rin ang isang formal gathering, nagpasama si SC kay Maya wearing peach (Rafi) or blue (music video). Remember nyo ba yung engineer na B.I. kay SC regarding sa mga katulong? Baka bumalik yun, at invited pala sa gathering… at lalaitin si Maya sa harapan ng tao. Maya walks out, mag-aaway sila ni SC, iiyak si Maya pero hahalikan ni SC (parang lovers in paris lang.
- Hindi ba talagang magiging effective kung kikidnapin si Nikki? Slice of life din naman ang mangidnap ng mga lahing Instik diba?
6. Siguro kapag sila na ni Maya at Ricardo.
Pacing kasi kapag rate of progress
Phasing daw kapag “particular appearance or state in a regularly recurring cycle of changes
-Merriam Webster dictionary
So more likely pacing.
Sa totoo lang…excited din ako. pero hayaan nalang natin magunfold yung story para naman hindi mawala yung sense of ‘awe’.
Slowly but surely, ika nga. basta ba sila ang magkakatuluyan sa huli.
Just imagine the horror kapag nagtapos yung story ng bcwmh na parang anghel lang na dumaan si maya sa lim family tapos aalis lang pag ok na sila.
Grabe ang BR na ginagawa ko di ako makasabay sa inyo. Kumbaga sa race hihingalin ako sa bilis nyong tumakbo pero masaya pa rin kasi as in dumadami na talaga ang mga adik.
Yung tungkol sa epi today ang cute-cute lang ni Sir Chief nung sinabi ni Maya na “Friends na tayo?” parang nahihiya na nagba-blush sya doon sa sagot nya na naawa sila Luke sa kanya dahil tatlo lang silang friends nya. Tapos ang Maya nawala ang galang as in ganun lang kung makapagtanong Isa pang cute moment is yung mga ngiti ni Sir Chief nung ihahatid na nila ni Maya si Abby na parang pinipigilan nya yung pag-ngiti pero dahil ang Mahal na prinsesa ang nasa harap nya di mapigilan ng Mahal na Hari ipakita ang kanyang precious smile.
https://www.youtube.com/watch?v=G5TYVIKHNx8
FRIDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Agree din ako dito, parang hinog naman sa pilit kung bibilisan ang pagkaka-fall in love ni sir chief ke maya, parang di makatotohanan lalo na sa personality ni Sir Chief, dadating din yung time na unti-unti nya ding marerealize na hindi lang dahil kelanganv nya si Maya para ke Abby pero kelangan nya na din si Maya kasi mahal na nya ito.

Mukhang there is a hint na nga eh. kasi nung nandun pa si rafi sa kanila, tas nagpunta sila sa libingan ni alex, tas parang tinanong ni rafi si sir chief kung namimiss niya si alex, sabi ni sir chief,
“EVERYDAY…”
Meron pang scene na tiningnan ni sir chief yung framed photo nila ni alex with their kids ba yun, tas napasmile si sir chief na parang ready na siya to open his doors.
Then kanina, yung pic ni rafi and charlie sa davao, then tanong si manang fe kung miss niya yung mga ganung moments with alex, ang sabe ni sir chief, “SOMETIMES…” na lang.
From “everyday” to “sometimes” aba, malapit nang bumigay si sir chief nyan.
Mali naman yung ginawa ni Nikki Dapat talaga i-bartolina siya
Wow na-excite naman ako sa habulan ng biik (Doris and Sabel sana )…. Mukhang may naglulurk nga dito na taga-BCWMH
Yung sinabe ni maya kina doris at sabel na tulungan na lang siya sa assignment ni Abby…

Doris at Sabel: uuba! basta wag lang maT!
Maya: wag kayong mag-alala. walang ka-maTH, maTH ‘to.
Ibang level talaga si maya kahit sa enunciation!
Gusto ko yung kasimplehan ng buhay ng pamilya ni maya. kahit payak, maligaya sila. bcwmh not only entertains us. it helps us value life and relationships more.
https://www.youtube.com/watch?v=X0JsroJmjKM
Duet Maya and Sir Chief
Mapaamin kaya si luke kay nikki na siya yung original na florante sa fb?
Mukhang mas gusto naman ni joey si luke kesa kay fake florante, iba ang smile niya nung aminin ni nikki na like siya ni luke

KUng minsan naiisip ko…. parang nakdagdag sa charm and mystique ni Richard Yap that he is married and a father of two…
Para kasing napaka ideal man lang ng dating (too good to be true!!)… well, close to perfection lang kung titingnan…
Kung pumasok kaya siya ng showbiz…na single and unattached…and much younger… ganito pa din kaya ang magiging reaction sa kanya??
Sana yung away ni luke at nikki ang maging daan para maging okay si maya kay nikki.
Medyo nag drag nga lately yung facing or phasing or pacing ng story gamitin ko na lahat para walang
mag pero saken, basta napapangiti ako sa bawat episode, ok na muna yun. tsaka, I take it as a “calm before the storm.” partida muna syempre bago ang bonggang bonggang pagngatngat sa lahat ng
telang mahahawakan natin.
Siguro eto yung naging edge nya na kahit late na sya pumasok sa showbiz, iba yung charisma nya, malakas pa din ang dating, kasi kung mas bata pa sya at unattached para lang din syang katulad ng mga young stars of today, madami na sila at baka mahirapan na sumikat, sa ngayon wala syang kasabayan na same age nya eh kung meron man, mga nalipasan na, eh si Richard Yap kahit nasa 40’s na eh fresh na fresh pa din ang dating!
It only shows that most of the female members of the population would still go for the clean and wholesome. perfect gentleman image… and Richard Yap’s entry to showbizlandia is like a breath of fresh air!! ang tagal na kasi na walang ganong “leading man”…. sobrang lakas lang ng pasok nya… he was never a clone of anyone…he can stand side by side the most popular male leads and sa tingin ko…he can easily outshine them all!
Kanina, na-mention ni nikki kay ate joey na sweet si kuya luke dahil binigyan niya ng bag si maya. i think that’s one good sign that, at least, she saw that gesture as “sweet”. hindi OA kung ano pa.
Si nikki effective ang pag ka kontrabida
Sabi ko na ngA ba e, parang di pag thank u yong mga chocolates
Buti na lang andiyan si Luke, binubuhay niya ang pag-asa na may tatanggap kay Maya as step mom aside from Abby
Sweet niya lang kay Maya
simon and maya look good together.
aiza as kute is a natural. she really is a good actor. well done to the former finalist of little miss philippines.

And as an adik… I am just so thankful that he decided to grace morning TV with his inspiring presence! GV lang talaga tandem nila ni Jodi!
I so love this series! Perfect and sobrang good vibes lang talaga. Yung tipong kahit tapos na naka all smile ka pa din! Perfect chemisty between Papa Chen & Jodi. After Lovers In Paris eto lang ang nagpakilig sa akin ng todo. Sana noon pa nag showbiz si Papa Chen and sila na lang sana ni Jodi ang nag portray sa Lovers In Paris remake (no offense meant to KC & Piolo). ABS found a gem in this series talaga! Galing lahat ng cast. Even si Luke & Nikki hindi halatang newbie lang. Mas magaling pa sila umarte kesa sa mga PBB teens. And isa din ako sa mga may crush kay Richard Yap aka Papa Chen. He reminds me of Carlo of Lovers in Paris na kahit married na eh ang lakas pa din ng appeal. More power to Be Careful! You rock!
And I just love lurking on this thread! Keep the positivity guys!
Medyo may pagka mata pobre vibes nga ang bagets. pero, deep inside, ayaw niya lang siguro yung parang may kapalit ang mommy niya. and, subconsciously, parang ayaw niya yung mas close pa si abby kay maya.
Sana wag na siya masyadong mag minaldita

Naku.. Awayang luke at nikki
Bratinella talaga si nikki pero love ko pagka-brat nya
May gusto din si Joey kay Luke
Mabuti na lang talaga that positivity rules in this thread!! nakatawa pa din tayong mga adiks even if we have to lament on the unfairness of things…
Gaya na nga lang nyang hanggang TV (or hopefully,on the big screen) lang naman talaga ang Jodi-Richard… OK na OK lang!!!
We may have our moments na may wishful thinking but we never get lost on daydreaming… we know and understand…. and accept how things are… basta! enjoy lang ang mga epis… and we will always have that feel good and very positive attitude!
Baka need ni maya na may magperform ng itik-itik saka tinikling
Kahit di marunong, makalapit lang kay ser chief

Actually, one of the reasons why this show intrigued me was cause isa sa mga school batchmates ko dito sa davao ay contributing writer ng show! so, alexis, if you’re reading this, o kung sino mang writer ang naglu-lurk dito (baka ikaw yan kuya jimuel ha! alam na!), gusto ko lang ipaalala na marami kaming adventures dito sa davao. ngayon pa lang, ini-imagine ko nang nagco-couple zipline sina maya at ricardo!!! Weeee may white river rafting din for the entire lim family! et cetera et cetera.. .
P.S. andami ng tawa ko dun sa photoshopped pics ni ma’am rafi at ser charlie!! ang kulit! Hahaha
https://www.youtube.com/watch?v=2gP_l-kwhIU
Be Careful with my Heart Mall Tour @ SM Muntinlupa – Maya and Sir Chief
Ngayon lang ako nagka-ganito sa isang Pinoy loveteam, I always watch kasi korean series and never akong sumubaybay sa isang pinoy series. Iba talaga ang chemistry ni Jodi and Mr. Richard Yap as in nag-uumapaw. Sana nga may mag-magandang-loob na gumawa ng FANFIC dito about JODI-RICHARD TANDEM I mean kahit man lang sa Fanfic e magkatuluyan sila
Maya: abby.. Hindi ako photogenic!
–Pero panay posing naman!
Sir chief….working?!!! hahahaha…yeah right! working with solitaire…just admit sir chief your just jealous with Maya’s friend. 🙂
Naalala ko tuloy yung sinabi ng friend ko na napakaganda ng timing ni Mr. Richard Yap sa pagkakapasok n’ya sa showbiz kasi wala siyang kasabayan na nasa age-range n’ya, kumbaga nag-iisa siya sa trono (Mahal na Hari talaga). Isa pa yung pagiging happily married and responsible father n’ya sobrang dagdag yun sa pogi-points n’ya kasi it goes to show na mature siya na mahirap makita sa mga young-stars o kaya not-so-young-stars ngayon.
Tsaka yung binibigay nyang kilig is yung kilig na nararamdaman mo nung HS haaaayyyyyyyy!
—————————————————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
72 Date Aired: Oct. 19, 2012—-Has Nikki been intruding or is she helping Luke in his love life? Yaya Maya, Sir Chief, please enlighten us.
Ang cuteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee ng sir chief maya scene during dinner….parang husband and wife secretly talking about their kids ❤
Oo nga po , gosh ang saya lang tignan nun, ang cute lang nung salita sila ng pabulong or wala sounds para di marinig ni abby.,hehehe ang sweet at cute.aliw!!

GISING SI ABBY WHEN SHE SAID, “DADDY!”
ANG SAYA!!!
Aside from the bulungan sa table scene, wala masyadong moments today.. pero ok lang para may dev’t din ang ibang characters..
Pero ang cute ng eksena next week! pambihira din tong mga ideas ni daddy ser chief sa pag disiplina ha?! camping sa bahay?! hahaha cool!
Cute din nung dinner scene …
Yung mga nguso lang ni daddy and yaya ang nag-uusap at nagsesenyasan …
ngusuan lang ng ngusuan
OMG., ang cute nung episode sa monday. yung tuturuan ng leksyon ni sir chief si luke at nikki para magbati na (although makikita din na nag-aalala si luke kay nikki nung dipa nakauwi kasi kahit anu away nyo or inis sa kapatid mo, dimo matitiis), tapos si sir chief di papasukin ng house yung 2 hanggat di nag-uusap/nagkakaayos kasi ganun naman talaga pag magulang ka ayaw mo nakikita magkaaway mga anak mo ,, kaya camping mode sila sa labas with matching ihaw-ihaw.,hehehe at ang the best magsasalita ulit si abby ..DADDY daw. ah happy family lang nung star gazing!

Tiger mode uli si mahal na hari, ang daldal kasi ni maya eh! para lang silang mag-asawang nagtatalo!
Si ser, parang di na maipinta ang mga emosyon. kapag wala si maya, masungit. i know! what for?! yes! work.
Pero kapag andiyan naman, masungit din! haha ang kulit lang nitong dalawa! ang Kulit din kasi ni maya: “ser chief, last na po!” haha, parang batang ayaw magpatalo
I agree , pero may mga eksena kanina like yung si Sirchief si Maya talaga tinanong ano nangyayari sa magkapatid, bakit away?(parang asawa lang na tinatanong yung wifey na naiiwan sa bahay,hehehe if ano nangyari sa mga anak nila buong araw.)
Tapos yung sinabi ni Maya kay Luke at Nikki na matanong daw si Sir Chief kaya nasabi niya,, tapos ang sabi nung dalawa “don’t explain Maya it’s not your fault”. (parang dun sa eksenang yun inacknowledge nila pareho na sila mali,lalo si nikki kasi pwede namn niya malditahan ulit si maya dun, pero hindi)

At yung si Sir Chief talagang kapartner si Maya sa pagplaplano ng birthday ni Abby at magstick daw sila sa suggestion ni maya na fiesta theme..,
At yung si Luke ang bait-bait kay Maya., parang yung sa invite sa FB ni SC si MAya pinagtanggol niya kay nikki na hindi naman kong sino-sino lang si maya.
Tapos ang bait ng pagkakasabi niya kay Maya na di pa siya gutom at mamaya na lang daw.Tapos nung kumatok siya sa kwarto ni Maya tinignan si Abby at nag-open kay Maya sa pinag awayan nila ni nikki, tapos ang cute nung sabi ni maya ay sir luke binata na tala kayo,.(parang mommy lang )!
Mahirap din kasi madaliin agad-agad na mainlove sila syempre mahaba pa storya, saka lalo sa sitwasyon ni sir chief. Pag lagi naman sila yung focus sa storya baka maubusan kaya iniikot nung writers yung story sa lahat ng characters na may kinalaman din sa kwento nila.,

Maya: Ser chief bati naman po tayo no? Hindi naman po tayo nag-aaway. Kasi akala ko po nag-aaway tayo eh.
SC: Maya
Maya: Po
SC: Quiet
Maya: Eh kasi naman po ser chief …
SC: Maya, if you don’t stop talking i’ll let you out of the car
Sobrang natawa rin ako nung biglang pinicturan ni Abby si Maya habang napatahimik dahil napagalitan ni Daddy Pogi.
Ako rin, naawa rin ako kay Abby. Gusto niya nga sanang magsalita ngalang, hindi niya parin kaya nung time na yon.
I stalked sir chief sa twitter, sabi niya one day ahead lang daw sila sa taping. so ibig sabihin yung shshoot nila ngayon for tuesday ep?
Yee tiger mode na naman si sir chief. paano kaya kapag si maya na ang nagtiger mode. ano kaya ang pagaawayan nila na magtutulak kay maya na umalis ng bahay?
Alam na ang mangyayari kapag nagkatuluyan ang mahal na hari at ang prinsesa. Ang mahal na hari ang taga-disiplina, ang prinsesa ang tagapaintindi.
Yay magsasalita na si abby ng dilat ang mata! yay!! /slowclaps
Ewan ko ba bakit naiiyak ako pag yung mga scenes na nagsasalitasi Abby. ang cute naman nila nagkasya sa isang tent
Yeah…. Same here. I was teary eyed. And when Abby was trying to talk while knocking at her Ate Nikki’s room.
Gusto ko ang epi ngayong lunes…parang ang saya lang nilang nag ca-camping
tsaka super sweet yung natulog sila sa tent…sana mas malaki pa para kakasya pa si Maya- happy family kumbaga.
Ang cute nga nung bulungan scene ni ser chief at Maya while kumakain sila
Yes, exciting ang epi for monday. yung stargazinbg sabi nga ni maya parang connect the dots lang. ang saya saya tignan ng lim family. palagi talagang kasama si yaya. kung tutuusin nasa garden lang naman sila ng bahay, pwede namang di na kasama si yaya kasi madali na syang tawagin kung kailangan sya ni abby. pero hindi … kailangan nandun sya every single moment … para kay abby ……
Kung ako si yaya, sasamantalahin ko nang titigan si daddy pogi habang tulog sila.
Gusto nyo laro tayo guys……tutal saturday naman tomorrow pwede magpuyat ng konti…pati lurkers sama kayo ..gusto nyo ba?

Yung tipong pahulaan mula first episode ang question…mga things,words na sinabi,basta anything under the sun hehehe lahat is free magtanong …for example magtatanong ako then sasagot kayo then ikaclarify ko kung tama yung sagot nyo then chance naman iba to ask…(ed)ano game ba kayo? sama din mga lurker…lumabas sila sa lunga..para lang tayong sila ser chief ..nagcacamping sila tayo maglalaro din dito…
Question # 1
Ano ang comment ni maya kay Stephanie(Sunshine garcia )pagkatapos nyang makitang halikan eto sa cheek ni ser chief…..san nicolas airport?
O mga lurkers diyan join na kayo para masaya…
“Di naman masyadong kagandahan”
Question no. 2
Ano ang kulay ng long sleeve na isusuot ni ser chief sa slomo scene pauntang dining na nakapagpanganga kay Maya?
Mga lurkers join us
light blue
Bop bop mint green ..yung suot nya sa Ulan statio I.D o sya its your turn sis
question #3
Ano ang ginawa ni maya at kute para makalikom ng pambayad sa kuryente nung maputulan sila?
Nagbenta ng blood sa red cross
Yeah I like the bulungan scene also….ipakasal na kase ang mga yan…
Kung kailan gising si ABBY at ang salita saka naman tulog ang lahat
heheheh huwag muna sis….bf-gf muna tayo
waaahhhh di ko kakayanin kung darating na tayo dyan
yung hawak kamay,changing sweet words sina maya at ser chief,yung pag de date nila,yung time na hulog na hulog ang loob ni ser chief kay Maya at ang super kilig na KISS

Ano ang pabulong na sinabi ni Stephanie kay Maya matapos syang mapagkamalang Mrs.Lim
Mga lurkers diyan go na din
“how I wish”
Just finished watchig today’s episode. It was a good episode. ipinakita lang yung normal na tampuhan between siblings and the value of privacy thing. it only shows that being siblings do not give you the right to interfere. Help should be given when someone asked for it.
Sa wakas, Abby was trying to talk na rin, when she was knocking no Nikki’s door.
Like ko din yung talking without sound over dinner nila Maya and Sir chief. It just shows that comfortable na si Sir Chief with Yaya Ganda.
Parang Mother lang ang peg ni Maya nung sabihin nya na binata na si Luke.

Tapos yung discussion nila Maya ad Sir Chief sa hagdan was natural for persons close to each other. parang friends arguing over some matters pointing what they think is right to them.
Tapos yung palalabasin si maya sa kotse pag di tumigil. Nagiging open na si Sir kay Maya. Before kasi, he just kept quiet and let Maya feel na she should shut her mouth. Ngayon, talagang straight to the point may threat pa. Maya kasi nuknukan sa kulit.
Cute nga yung scene na yun.
Dahil di na sila kasya sa tent, titigan na lang ni Maya si Ser CHief buong magdamag baka madampian pa ng lamok, kinis pa naman kutis.
Minsan naiisip ko kapag dumating na ang time na nagtapat na ng feelings ang mahal na hari at ang prinsesa sa isa’t-isa mas nakakakilig siguro kung silang dalawa lang muna yung nakakaalam nun.. Yung tipong pag andyan ang mga anak or sila manang fe, doris, at sabel hindi sila magpapahalata. Pero pag wala na ang lahat at tulog na doon sila kukuha ng sweet moments nila! umiral nanaman ang kaadikan ko talaga e
Mas nakakakilig yung ganun yung patago muna sila, yung magtitinginan tapos puro smile lang tapos pag walang tao, dun lang sila makakapag-usap parang mga nagtatagong teenagers lang ang peg!
ewan ko ba bakit naiiyak ako pag yung mga scenes na nagsasalitasi Abby. ang cute naman nila nagkasya sa isang tent
oo nga po ang cute, parang naging bonding na rin nila mag-aama plus maya yung ginawang way ni sir chief na di sila papapasukin sa bahay hanggat di sila mag-usap/bati tong nikki at luke ., saka yung magsasalita na si abby ng hindi tulog sabi daddy!
True , ang kulit nitong si MAya,hehehe pero ang cute nila ni Sir Chief parang mag-asawa lang na nag-uusap sa tungkol sa mga anak nung sa dining table with no sound nga po tapos nung si SC si nikki ang nakausap tapos si Maya si luke naman ang nagsabi/open sa kanya ano pinag-awayan nila dalawa.Tapos yung sabay nila sinabi sa isa’t-isa na si Joey pala ang issue yung sinabi ni nikki .,pero ang bait ni luke kay maya pamilya na talaga turing niya.


Wahhh tama!! na iimagine ko yung holding hands na patago,tapos mahilig pa naman mag kiss sa kamay si SC pag mall tour nila habang nakanta sila.. sana may ganung moment din..
Tapos si Sir Chief laging tatawag sa cellphone ni Maya just to talk to her kasi yun lang yung way para makapag-usap sila ng hindi mahahalata. Bago matulog tatawag muna si Sir Chief just to say goodnight at pag nasa office naman tatawag para lang mag-I love you. At sila Doris at Sabel even Manang Fe mag-iisip na siguro may boyfriend na si Maya dahil laging may tumatawag o kaya naman ngtetxt sa kanya ang hindi nila alam e si Sir Chief na pala yun.
Teka lang hihimatayin ako sa pagpapakilig sa sarili ko
Super luv ko din the epi today!!
Parang preview lang ng mga scenes na pang Mr. and Mrs. Lim ang dating!
Mag-usap ng pabulong…. (without any difficulty understanding what each one is saying… connect na connect!!
Magpalitan ng kuro kuro sa kung sino at ano ang mas tama para sa “kanilang mga anak”…
Nakakatuwa yung pagkakasabi ni Maya na binata na si Sir Luke! parang nanay lang na naaaliw sa naniningalang pugad nyang anak!
Sir Chief : “hindi ganon manligaw!”
Eh paano ba manligaw ha? Sir Chief? demo naman dyan!
Pa’no nga ba, daddy pogi … kung makapagsalita ka parang expert na expert ka eh … sige nga, sampolan mo nga si yaya.
At nung sinabi ni nikki na dinadaan ni florante sa poems ang panliligaw, mukhang gulat na gulat ka pa, daddy! sabi mo pa kuno “poetry?!” … aba aba aba .. kunwari parang gulat ka pa pero sa totoo lang parang nakakuha ka lang ng idea kay nikki ha.
Kinilig ako dito ng bonggang bongga. lol
This scenario would completely fit the “I love you” scene sa trailer…….
Gusto kong sumigaw! Maya and Sir Chief for the win!
Ang ganda,ganda ng episode today!!!Si Sir Chief Dadding Daddy ang dating. Syempre naman si Maya talagang involved sa pagresolve ng issue ng Lim’s Family..At ang mga hirit ng Maya walang kapantay
https://www.youtube.com/watch?v=XNHx7dLodJM
MONDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
—————————————————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
73 Date Aired: Oct. 22, 2012—Luke and Nikki’s misunderstanding is getting worst and Richard needs to think of something before it ruins Abby’s birthday. Yaya Maya, please connect the dots.
Just watched the teaser for Monday….. excited na for Monday’s episode…. mukhang Nikki is mellowing towards Maya na kasi the way she said “Parrot?”, di na sarcastic ang dating medyo sweet na yun pagsabi nya kay Maya
At si Kuya Jimuel pala ang may kinalaman sa mga linyang Nikki!!

Jimuel dela Cruz @Jimuel
I super love writing the lines of Nikki. And watching them delivered by @superjanella perfectly makes me smile.
Andami ng tawa ko sa ipis scene!!! ANUBA! hahahaha
Oh my parang foreshadowing yung dating nung mawawala si mai-mai
Parang nalalapit na ang eksenang kailangan nang umalis o umuwi si maya..
Akala po patatabihin ni Abby si Maya kay Ser CHief para makatulog sya
Waahhh… mawawala si Mai-Mai!
“Kailangang masanay ni Abby na wala si Mai-Mai…”
Hahaha, natawa naman ako dito! oo nga baka may magaganap kaya parang premonition na mawawala si Mai-mai, oh mai gulay!!!! baka after ng saya ng b-day ni abby baka may kaganapang mangyayari!
MAGANDANG MANGYAYARI: dahil baka bumalik si Mai Mai…
or
MALUNGKOT: dahil baka umalis si Maya ng di oras…
dahil
a) magkakasakit si mamang, at kailangang bumalik ni Maya sa San Nicolas
b) mare-realize ni Maya na mahal na niya si Ricardo, kaya kinakailangan na niyang umalis ; or
c) hindi ko talaga maiwasan ang ganitong option…. makikidnap (courtesy of Engr Lagrosa, chos!)
Malakas ang feeling ko na premonition nga ang pagkawala ni Mai-mai, pero if ever mawala man si Maya sa Lim household, this will lead to Ricardo realizing di kumpleto ang buhay nilang mag-anak pag wala si Maya! (wag muna in-love agad, i-delay muna natin yun hahaha!)

Pero matagal pa siguro bago umalis si Maya, binigyan lang tayo ng writers ng konting patikim kung ano mangyayari kay Abby if ever nawala si yaya ganda.
GV pa rin! Tiwala lang mga ka-adik! #KapitBisig
As for Mai Mai… well, kung premonition/foreshadowing nga yun ng pagkawala ni Maya… baka naman yun na rin yung sign na “mawawala” na si Maya bilang Yaya ni Abby…
At darating na ang bagong “Maya” na maaring mapaibig ang Mahal Na Hari!
At hindi ko sinasabing ibang “Maya” in a sense na magbabago at mag-iiba siya at kakailanganin ang total make over… hindi ganon…
….baka ito na yung magiging dahilan para makita siya ng Mahal na Hari in a totally different light…
para masanay si Abby na wala si Mai mai,Ican`t wait for tomorrow episode!
Hindi lang siya Yaya ni Abby… o si Maya na bagong BFF ni Raffy… o si Maya na tagatimpla nya ng napakasarap na kape….
…. pero si Maya na naging napakaimportanteng bahagi na ng buhay nya… si Maya na nagturo sa kanya kung paanong ngumiti muli… si Maya na walang dudang maaring maging pangalawang ina sa kanyang mga anak dahil sa malasakit at pagmamahal ng ipinakita nya sa mga ito…at si Maya na maaring makapagbukas ng pintuan sa kanyang puso!
Sabi ni kuya jimuel:
@Jimuel: Kawayan, palayok, biik… #BeCarefulWithMyHeart
Waaahh!!! Exciting!!
Napanood ko na rin ang epi today sa wakas
Cute ang ipis scene
Parang masaya lang pinapanood lang ni sir chief ang kanyang apat na anak este tatlong anak at yaya pala

Natawa ako sa PARROT!
Nakakaloka si maya habang tumitingin kay sir chief, di namalayang nakatingin si abby sa kanya
Iba kasi ang tingin ni sir chief pagkatapos binitiwan ni maya ang mga salitang ito:’tsaka sir chief baka pag tagaltagal, masanay na rin po si abby na wala si mai-mai’
Unless, sa editing lang ng preview yon
Pero sana si mai-mai ang turning point ng love story, para umusad naman kahit konti
Medyo nag plateau na kasi
Kung sabagay, medyo matagal tagal pa ang february ang haba pa ng lalakbayin
Nakakaaliw naman ang bawat episode, kaya patience is a virtue na lang ulit
Akalain mo?? ang IPIS lang pala ang makakapagpabago ng pakikitungo ni Nikki kay Maya!!

Hayan Nikki ha? tiwala lang ng talagang kahit ikaw kailangan mo si Maya…
She saved you from the terrifying IPIS!! and don’t you forget that!
At di mo lang alam… siya kaya ang kakampi mo…
May I defend siya sa ‘yo sa Daddy mo!!
Kaya from now on.. be nice to Maya, OK??
https://www.youtube.com/watch?v=cV-REM02h0c
Tuesday teaser
Si maya dini-deadma lang ni chief
Ngatngat nang ngatngat pa rin siya ng sitaw ba yon?
Di siya affected sa pagkawala ni mai-mai
Medyo mag antay pa siguro tayo ng konti
Lovestory ata ni mai-mai at chief muna

Sana this week ang bday ni abby, di na umabot ng next week
Sino kaya ang sasali sa habulan ng biik at palosebo
exciting!
Una love story ni rafi at charlie.. Tapos love story ni luke.. Ngayon kay mai-mai at chief naman.. kelan kaya ang love story ng mag-amo aba’y laging to the rescue ang dalawa sa love story ng iba..
Irescue kaya nila ang love story nilang dalawa pero sige lang tiwala lang tayo mga kaadik
Parang nakukulangan nga ako sa panliligaw ni simon
Bitin na bitin kasi ako sa “i know” … “what for?” … “work” … “yes” …
Ni hindi man lang natin nalaman kung nabuo ng mahal na hari yung kanyang solitaire parang sinagot ka lang ng ‘That’s it!’
Nanligaw ba yon? parang namasyal lang naman pakay lang ata ay bumili ng ballpen para kay daddy pogi at ipabigay kay maya pagkatapos ng gabing yon, back to being yaya si maya
Ang masakit nyan sis, eh kung me susunod pang uunahin na love story ang mag-amo …
Kinakabahan ako kasi si cho luma lab story na din ang peg … juskupo ang liit pa nun baka palakihin muna at pagbinata-in pa
Oo nga sis eh e baka pumasok pa sa eksena ang anastacio ni manang fe.. To the rescue nanaman ang mahal na hari at magal na prinsesa
Palagay ko lang nasa b-day party ni abby yun mga hinanahap nating kilig sa mag-amo, sana nga ano?
http://24.media.tumblr.com/tumblr_mayevpRx7x1rf2z2wo3_250.gif
http://25.media.tumblr.com/tumblr_mayevpRx7x1rf2z2wo4_250.gif
Hindi pwedeng di bumalik si Maimai.. kailangan siya ni Chief
Ang ipis ang makakapagbati sa magkapatid na Luke at Nikki…at maging mabait si Nikki at Maya…
Waaaaaaaaaaaaaahh!!! bat mawawala si mai mai???
Oh My Gee!!! ang conyo talaga ng dating ni nikki!
http://25.media.tumblr.com/tumblr_mb2ib60aWV1rf2z2wo1_r1_250.gif
http://25.media.tumblr.com/tumblr_mb2ib60aWV1rf2z2wo1_r1_250.gif
Courtesy of: http://tvbecarefulwithmyheart.tumblr.com/
——————————————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
74 Date Aired: Oct. 23, 2012—Just when everything is set for Abby’s birthday, May-may the parrot has gone missing.
Bakit kaya di nila tinanong si Chief the parrot?
Or na stress rin si Cheif the parrot at di makapagsalita…

Feeling ko si Chief the parrot ang salarin sa pagtakas ni Mai-Mai dahil naniniwala sya sa kasabihang “If you love someone, set them free. If they come back they’re yours; if they don’t they never were.”
baka lumayas…
baka kinain ng pusa…
baka kinain ng daga….
baka ma kuryente at nahulog sa daan at nasasagasaan ng pison…
Baka mahuli ng mga tambay at gawing litsong manok – Sabel
Natawa ako sa dun sa lechong manok ni Sabel
Balak nya yatang ma-trauma nang husto si Abby
Ansabeh naman nung texting nung mag-amo for the epi tom?? parang nanliligaw lang si Sir Chief, anobeh! ituloy tuloy na yan! kinilig ako dun ng wagas ah! nakangiti ako habang ngumunguya ng pagkain!
Sobrang natuwa ako sa eksena na yun, parang ang seryoso nung meeting, para sa ikayayaman ng kumpanya tapos si Sir Chief nkikipagtextmate kay maya! weeeeeehhhh!!!!!!!!
Maya: “Mahal kita Sir Chief!!”
Hahahaha!!! O ayan pakurot na kilig pala ah.. Nabigla ako dun sa texting scene ni maya at sir chief! oxygen please!!!
Hmmnnnnn…. anong palusot naman kaya meron ang Maya???
Ikaw naman kasi Sir Chief… nananadya ka talaga eh!!
Alam mo naman natotorete at nagkakandabulol si Maya pag nagugulat sa yo!… ginagawa mo pa lagi!!
Hayan tuloy!!!
Sis!!!! kahit ano pa yung dahilan kung bakit biglang bigla eh exchanging text messages ang Mahal Na Hari at Mahal na Prinsesa…. grabe!!! sobrang kiligness pa din yung eksenang yun!!!

Heto na!!!
***text messages***
Sir Chief: Can I call you?
Maya: Text na lang po sir chief klase pa Ü
Sir Chief: Okay. Call you after class
Mukhang about sa birthday ni abby ang pinagmimeetingan nila sir chief. Kasi sabi ni liza, “tulong tulong na lang tayo sa pagaayos ng venue” kaya siguro gustong makausap ni sir chief si maya kasi about yun sa birthday ni abby..
Pero kahit na ganun man ang dahilan e nakakakilig pa rin yun! salamat sa ating magagaling na writers.. Ah pwede pa po humirit ng bitaminang kilig? humihirit pa?
Di ba the other day lang natin pinag-uusapan na ang sarap sana kung magpapalitan sila ng text messages?

Kaloka tong si Sabel at Doris pag nag isip , kahit anu-anong Sinabi.
Siguro ngayon nagsawa na, kasi DEADMA ka eh
0 ayan Ricardo Lim, para din sayo yan….kasi soooo DEADMA ka Kay Maya- buti pa si chief tsumi tsibog pa rin kahit wala na si maimai….
Ewan ko lang sayo pag si Maya mawala sayo….ta tumbling ka for sure sa kakalungkot
Oo nga…..hehehe so cute at kilig….sandamakmak na hundred percent todo na nag speech si Liza-
Sii Ser chief nag hundred percent pay attention sa mobile niya…….waaaahhh si Maya pa ang ka text….
Sinong di mawiwindang sa kaka kilig nyan:
Sobrang kaloka lang yung mga linya ni Maya kay Chief the Parrot!

Uhummm… Maya dear… hindi kaya mga linya yan na dapat ay para sa Mahal Na Hari??
…. nung dumating “ka” sa buhay “niya:… may nag-iba sa kanya naging maingay “siya”
….. para hindi na “siya” umalis… sabihin mo sa kanya…. “mahal kita”
Ang Mahal na Hari na sobrang dense lang talaga!!
Pilit ko ding inaaninag kung ano yung text messages nila … kaso hindi yung tv ang problema, yung mata ko ang me problema
Can’t wait to see the rest of their text exchange tomorrow … at yung reaction ni ser chief sa “mahal kita, ser chief” ni maya.
Naku malamang sis nagbingi-bingihan na naman ang Mahal na Hari sa nasabi ng Prinsesa… tsaka alam mo naman ang Maya natin magaling magpalusot.
Eniwei grabe ang kinilig ko dun sa text-messaging parang sikretong mag-jowa lang ang peg at kahit pa medyo malabo ang video online nakita ko na ngumiti ang Hari wwwwaaaaaaaahhhhhhhhhh nawindang talaga ako.
At tAma ka napag-uusapan lang yang mga secret text and calls nung isang araw at eto na… love ko talaga mga writers SOBRA
https://www.youtube.com/watch?v=KbMtlK9oBr0
WEDNESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Gusto ko yung naglalaro sila ng games, unti-unti ng bumabait si Nikki ke Maya
at may lambing na pag kinakausap nya si Maya
“Maya, may breakfast na ba?”
“Thank you, Maya!”

And nakakatuwa yung biruan at asaran nilang mag kuya!!
Nikki and her brightest and most brilliant ideas!!
SUSMIYO GARAPON! Bongga ang tumbling ko ah! Kalokaaaaa! Saludo talaga ako sa BCWMH writers!
Feeling ko lulusot ulit bukas si Maya pero sana may ipakita na scene na narinig nga ni SC yung sinabi ni Maya pero nagkunwari lang pala sya na di nya narinig!
At ang teeeeext! Utang na loob! Manliligaw lang ang peg ng mahal na hari! Level-up na talaga sila all in one episode pa lang! Havey na havey!
Second the motion, sis … kasi yung kilig na binibigay ni maya and ser chief ang nagpa-hook sa mga tao na tumutok sa show in the first place … lahat ng makausap ko at lahat ng mag-comment sa show palaging sinasabi “nakakakilig si maya at ser chief no?” pati sa mga tweets lagi na lang nandun yung “kilig” … pati mga celebrities yung “kilig” din ang binabanggit. napanood ko mismo si bernadette sembrano na sabi nya nanonood sya kasi “kinikilig” sya dun sa dalawa.
Yun din ang ‘pinaka’ matinding dahilan, among oher things, kung bakit humahataw sa ratings ang show.
One-BITAMINA-a-day lang … kahit yung pinaka subtle … wouldl be enough to tide us up until our HAPPY FIESTA DAY!
Dense na nga yata si Sir Chief dahil sa kaiinom ng kape… grabe ang manhid. Kailangan talaga ng isang blow-by-blow na pagseselosan yan para magising.
Ikaw na, ricardo, ang hari ng mga dense
Sa dinami dami ng instances na nahuli mong nakatitig sa ‘yo si maya, nakita mong kinikilig, narinig mong papurihan ka to the high heavens, nakita mong aligaga at torete … nandyan na ring iniwasan ka, natutulala sa ‘yo – kung sakin pinaramdam yang mga senyales na yan aba’y –
1 + 1 equals 2 lang yan!
Hello??? Engr. Lim???
Congrats sa lahat ng bumubuo ng BCWMH!!! na-beat ng ating paboritong kilig serye ang pilot episode ng 2 morning show ng kabilang network kapit bisig tayo lagi mga kaadik at positive and good vibes lang all the way!!!
Di ko pa napanood epi.today pero narape ko na ang replay button ng epi.tomorrow…….yung meeting ay para sa birthday ni abby kase the secretary discussing the venue kaya si ser chief gusto makausap si maya ang maya naman para na naman kinikiliti sa sobrang kilig,,,,,susme bakit kase feeling manliligaw lang peg ng text..,,hay naku umayos kayo…dami na namang daga dito bukas….
I hope gawin nila itong His and her story plot. Gaya nung style ng Flipped and Crazy little things called love na movie. I hope after ng series may part 2 at i-reboot then side naman ni Sir chief nakatutok yung story. Yung mga reactions ni sir Chief sa ibat ibang scenes na di pinapakita. Yung pano din siya kiligin na di alam ni Maya. Pwede din bago matapos yung series isingit. Haha!
Kamuzta naman yung mangyayari bukas,,hehehe yung parehong hindi nakikinig si maya at sir chief .sa meeting yung isa(SIR CHIEF) tapos sa klase yung isa(MAYA).
Busy lang katext ang isa’t-isa,,hehehe
Kaya nga sobrang nakakakilig yung part na yun as in inulit-ulit ko kasi naman parang may sekretong relasyon lang ang peg ng dalawang to. Ganito pa lang tumbling na ako pano pa kaya kung may kissing-scene na haaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyy
Ang mahal pala ng mga parrot na nawala at pinakawalan ni abby
nasa $1,500 – $2,000 pala yon
Mahal talaga ni sir chief si abby, sky is the limit pag mag regalo
Grabe naman pala talaga sa mahal yan. Eh kahit pagsamahin mo pa lahat ng baon ng mga nasa Lim household except yung kay Sir Chief, aba’y hindi aabot. Pero, kahit ilan pang bili ng parrot okay lang kay Sir Chief. Ang sweet niya talaga.
KANTAR-TNS TOTAL PHILIPPINES NATIONAL HOUSEHOLD RATINGS
Be Careful With My Heart(ABS-CBN)-23.1% vs. ONE TRUE LOVE REWIND(GMA)-8%, CIELO DE ANGELINA(GMA)-10.1%
AGB ratings October 22, Monday
Daytime:
Be Careful With My Heart (ABS-CBN) – 22.9%
Eat Bulaga! (GMA-7) – 21.6%
Hindi Ka Na Mag-iisa (GMA-7) – 20.1%
Sana Ay Ikaw Na Nga (GMA-7) – 19.4%
Magdalena (GMA-7) – 15.2%
Dragon Ball Z Kai (GMA-7) – 14.7%
Smile Dong Hae (GMA-7) – 13.9%
Hunter X Hunter (GMA-7) – 13.6%
Two Wives (ABS-CBN) – 13.5%
Pokemon (GMA-7) – 12.3%
One True Love A Second Chance (GMA-7) 8.2%; Two Wives (ABS-CBN) 13.5%;Ben 10 (TV5) 5.8%
Cielo De Angelina (GMA-7) 11.8%; Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 22.9%; Face To Face (TV5)
7.4%
Grabe talaga ang hatak ng BCWMH sa viewers pati TWO WIVES tinalo ang OTL pati CIelo de angelina!!! tapos nag number one pa ang BCWMH sa AGB daytime ratings!!!
CONGRATS!!!!!!
——————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
75 Date Aired: Oct. 24, 2012—Abby decides to let go of her remaining pet bird, Sir Chief. Can Luke and Nikki help cheer up Abby?
Heartwarming ng epi today …
At yung letter ni abby sa mommy nya
Nakakaiyak

Galing talaga ni mutya
Fave scene ko yung “thank you” during the lantern scene
Pero ngek! anong nangyari sa txtmates scene? bat parang naging wala lang yung pagkadulas ni maya ng mahal kita sir chief.. more reaction from maya? no thoughts kung bakit nya nasabi yun?
Wawa naman talaga siguro cast and staff…kaya i guess i shouldn’t complain too much na medyo talagang bumabagal na ang story…hope it picks up soon.
Very touching naman…. Never underestimate kids talaga… Maiintindihan nila talaga ang mga bagay-bagay basta kausapin sila at ipaliwanagan…..
“Thank you”
Walang sound … swabeng swabe … simpleng simple …
Pero wagas at tagos sa kiliiiiiiiggggggggggggg…
Nakakaiyak yung nagpalipad sila ng lantern Pero anyare sa texting scene?! Nasaan?
Wagas nanaman tumitig si yaya ganda kay daddy pogi… buti na lang nag silent thank you sya just like in the dining scene nung nag-aaway pa si Nikki and Luke. Napapadalas na ang mga ganung effect ng mahal na hari ah. Di naman ako nagrereklamo. Very couple-ish

Dami ko iniluha sa epi today… pero luha yun ng sobrang affected lang.
Parang kapamilya lang ang mga Lim na sobrang nakikihati sa kanilang saya at lungkot… ngiti at luha…
At gusto kong bigyan ng mas malalim na pakahulugan yung mga eksena kung saan kasama sa usapan ng magkakapatid na Lim ang inang si Alex… this is a sign that they are starting to heal from the pain and they are now able to deal with their griefs.

Habang nanonood ako kanina hinahanap ko talaga yung mga hidden significance ng mga pangyayari at kaganapan sa bawat eksena. Napakagandang pag-alaala kay Alex! Her kids remembered her without feeling the pain of her loss and the sadness that ensued.
Masyado ko lang sigurong binibigyan ng drama at sobrang “signs” ang paulit ulit na pagbanggit sa pangalan ni Alex at kung paanong magiging gabay ito nila Mai Mai at Chief na matagpuan na ang isa’t isa. Gusto kong tingnan na pagpapahiwatig ito na hindi na magiging napakalaking hadlang ang alaala ni Alex sa pagsisimula ng magandang pagtitinginan ng ating mga bida!
https://www.youtube.com/watch?v=17i04cEp8VI
THURSDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Heartwarming episode today…scriptwriters of BCWMH are really “amazing and amusing as well” pangbalanse sa “kilig”kasi baka hindi na makatayo sa kakatumbling yong mga adiks baka mapilayan pa…again grabe talaga ang chemistry ni jodi at richard…no dialogues…sulyapan at tinginan lang..dumadagundong na ang mga puso ng adiks…so dapat lg na may”kissing scene”at the end…(matagal pa naman) at sana may kasalan din na bonggangbonga…hindi ko pa nakitang ikinasal si Jodi sa tele???move forward na rin ang imagination ko as in Pinapakilig ko rin ang sarili ko…good day everyone..
even have favorite episodes of this one… hahaha!
Tama ka sis…. dapat talag may kissing scene kahit matagalan pa
Kahit ki kiss lang si ser chief sa noo ni Maya o kahit beso2x lang o e kiss sa kamay o isang mahigpit na yakap
Oh MY!!!! di ko malaman sa sarili ko kung anong gagawin ko pag may mga scenes na ganyan- pa tumbling2x na ako sa trampoline at parang sabay lipad na ako sa
This episode it touched my heart 😦 Maya you did a good job for the family.

Parang yung tingin ko kay ser chief habang nakatingin sya sa lantern(korek me if I’m wrong)di lang si ser chief actually pati mga bata na they are starting to move on na and live their life na wala na si alex…super bow talaga ako sa mga writers…….nababalance nila ang lahat….
Naman ang whisper ng thank you …iniimagine ko na love you
Yung text scene nila maybe bukas kase tuloy ang party ….saka mas may kilig factor yun kay maya dahil sa pag thank you sa kanya ni ser chief..ayiiiiieeeee tumblingan na naman bukas
Natatandaan ko tuloy yung sinasabi nila dati na di ba, ayaw na ayaw naririnig ni Sir Chief na pinaguusapan si Alex, lalo na sa harap niya? Sobra kung magalit pa nga… pero ngayon, parang it’s so easy to talk about her without feeling depressed yung mga bata o without Sir Chief getting angry again.
Sa tingin ko, ang laki na talaga ng pinagbago ng lahat ng tao sa bahay nila. Kahit si Nikki, nagiging civil na towards Maya. Kaya ngayon, iniisip ko na kung gaano kaya ka affected silang lahat kapag nawala nga si Maya sa buhay nila.
Para silang isang basag na vase. Si Maya ang “the glue that holds this family together”. Kaya kapag nawala yung dikit, mahuhulog yung mga pieces ulit at hindi na sila buo.
Di na siguro aabot sa puntong ganun kase baka mafafall na si ser chief…..

Sa lahat ng kilig episode nila itong bulong na thank you ang pinaka the best sa akin so far….iba ang pitik ng kilig sa akin …awwwwwwwwwww sobrang sweet ng pagkaka thank you ni ser chief at putek mga ngitian nila parang wala ng bukas waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh…………iba ang level ng kilig talaga…paano nga kung kissing scene na baka walang matirang damit dito sa dresser ko bwahahaha

Tapos ang galing ni Abby sobrang bilib ako sa kanya umarte of course silang lahat din si luke, si nikki, si sir chief, sobrang laki ng improvement nila sa pag-arte nakakadala parang Lim family na rin tayo,hehehe at syempre si Maya magaling talaga siya no doubt,clap clap ,clap sa bumubuo ng BCWMH
Awww. nakakaiyak naman yung scene ng magkakapatid kanina, yung sinulatan ni Abby yung mommy niya. Tapos binasa ni Nikki, naramdaman ko yung lungkot at pangungulila nila sa mom nila pero nagmomove-on na sila.Tapos nung pinakawalan na yung chinese lantern na yun, parang way na din na symbol yun na lahat sila parang handa na to start a new chapter in their life.
Gosh kiniligggggggg naman ako dun sa THANK YOU ni Sir Chief yung walang sound, 2nd time na ginawa ni SC na’to una yung ask din niya si Maya bakit nag-aaway si Nikki at Luke dun sa dining table with Abby pero tong thank you na’to ewan ang simple lang nun pero lakas makapagpakilig,,Lahat ng gestures ni Sir Chief ngayon kay Maya kakaloka parang mag-asawa lang lakas makabagets,hehe pero kilig ng over-over
That was the most touching scene today. The thank you scene was heartfelt from sir chief. with gratitude talaga. tagus tagusan sa tv screen. And maya’s face was most beautiful. Natural ang ngiti nya. pati expression ng mata.
Cute ng episode today, gaya ng sabi ng lahat, move-on mode na ang Lim Family, and yung pag “Thank You” ni sir, tagos sa buto ang kilig naman nun!!!!!! sana nga I LOVE YOU na yun!!! di bale malapit-lapit na din yan, siguro yung pagyakap ni Maya ang most awaited moment kasi matagal na nyang gustong gawin yun, and when that moment comes Im sure bonggang bongga ang yakap na yun!!! mahigpit at with matching pikit-mata!!!
OMG ! sinong excited na sa birthday prod ni maya and abby?hehehe cute ni Abby talagang sinama si maya, sabi siguro niya idea mo to yaya so dapat magkasama tayo,hehehe damay damay na daw.
Ano kayang pasabog na gagawin nina Maya tiyak masaya yun.,!hehehe
Nakaka-excite naman ang birthday ni Abby.
Published : Thursday, October 25, 2012
Written by : Aster Amoyo
MARAMI ang nanghihinayang na hindi sa gabi napapanood ang “Be Careful with My Heart” na pinagtatambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard `Papa Chen’ Yap. Nagrereklamo ang mga may trabaho at mga estudyante dahil hindi nila ito napapanood.
Sa totoo lang, surprise hit na maituturing ang “ Be Careful with My Heart” considering na hindi naman mga young stars sina Jodi at Richard. Dahil dito, dapat lamang na i-commend ang nag-isip ng proyekto at maging ang director ng pang-umagang teleserye na may re-run tuwing Sabado ng umaga. Kahit siguro sina Jodi at Richard ay nagulat sa naging outcome ng kanilang kilig-serye na may positibong impact sa mga manonood.
Malabo mang lagyan ng romantic angle sina Jodi at Richard sa totoong buhay dahil happily married si Richard at si Jodi naman ay may bagong inspirasyon sa katauhan ni Jolo Revilla, tanggap ang kanilang `loveteam’ sa telebisyon.
Ngayong nasubukan ng ABS-CBN na gumawa ng hit tandem out of Jodi at Richard, tiyak na magi-experiment pa sila sa iba nilang not-so-young talents.
(Credit to all PEx posters) Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
GIF Credit to http://tvbecarefulwithmyheart.tumblr.com/
COLLAGE credit to gorgeousgeek07 from eb
Also posting on FB and Twitter
https://www.facebook.com/groups/406900222729681/
More picture posted daily on my twitter kcrica @esric2002
![tumblr_mbfl22f0JA1r0i228o1_500[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbfl22f0ja1r0i228o1_5001.jpg?w=168&h=300)
![tumblr_mbl2dtVpNT1rf2z2wo2_400[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbl2dtvpnt1rf2z2wo2_4001.gif?w=640)
![tumblr_mbl2dtVpNT1rf2z2wo3_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbl2dtvpnt1rf2z2wo3_2501.gif?w=640)
![fb6u[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/fb6u1.jpg?w=258&h=300)
![tumblr_mbod25ZqrC1rf2z2wo1_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbod25zqrc1rf2z2wo1_2501.gif?w=640)
![tumblr_mbod25ZqrC1rf2z2wo3_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbod25zqrc1rf2z2wo3_2501.gif?w=640)
![tumblr_mbqhxvmAEP1rf2z2wo1_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbqhxvmaep1rf2z2wo1_2501.gif?w=640)
![tumblr_mbqhxvmAEP1rf2z2wo2_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbqhxvmaep1rf2z2wo2_2501.gif?w=640)
![tumblr_mbqj2dLZrD1rf2z2wo2_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbqj2dlzrd1rf2z2wo2_2501.gif?w=640)
![tumblr_mbqj2dLZrD1rf2z2wo3_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mbqj2dlzrd1rf2z2wo3_2501.gif?w=640)

![c1001k[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/c1001k1.jpg?w=300&h=300)





![tumblr_mcb5hbC1yx1rf2z2wo1_250[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/tumblr_mcb5hbc1yx1rf2z2wo1_2501.gif?w=640)

![Be+Careful+Maricar+Reyes[1]](https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/09/becarefulmaricarreyes1.jpg?w=300&h=200)
