VOLUME 7- OCT.25- NOV.9, 2012

 

 

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7
75 Date Aired: Oct. 24, 2012—Abby decides to let go of her remaining pet bird, Sir Chief. Can Luke and Nikki help cheer up Abby?(part)
76 Date Aired: Oct. 25, 2012—Abby’s party is still on but do they have enough time for all the preparations?
77 Date Aired: Oct. 26, 2012—Jeff is back, which is very uncomfortable for Kute. May pag-asa pa kaya?
78 Date Aired: Oct. 29, 2012—Everyone seems excited when Sir Chief’s parents come to visit.
79 Date Aired: Oct. 30, 2012—Ready na ba kayo sa performance ni Yaya Maya and Abby? Camera, lights, action!
80 Date Aired: Oct. 31, 2012—Abby starts to talk and Richard thanks Maya for it.
81 Date Aired: Nov. 01, 2012—Richard decides to visit his departed wife together with the kids and Maya.
82 Date Aired: Nov. 02, 2012—Lo and behold Yaya ganda!
83 Date Aired: Nov. 05, 2012—Awesome Yaya Maya gets a special gift from Sir Chief.
84 Date Aired: Nov. 06, 2012—Yaya Maya has a new cell phone care of Sir Chief. Ito na ba ang linya ni Maya sa puso ni Richard?
85 Date Aired: Nov. 07, 2012—The game, Dr. Quack-Quack becomes Dr. Love for Maya and Richard. Kahit sa laro kakakilig pa rin si Yaya and Sir Chief!
86 Date Aired: Nov. 08, 2012—Will we see a happy Abby after her scrap book presentation? Sir Chief, Yaya Maya, bilis!
87 Date Aired: Nov. 09, 2012—Para kanino ba talaga ang niluluto ni Teresita at Mamang?(part)

76  Date Aired: Oct. 25, 2012—Abby’s party is still on but do they have enough time for all the preparations?

10-23

Natawa naman na may favorite color of the week si Abby.

Itong si Ser Chief hindi ko alam kung sobrang excited lang ba sa birthday party ni Abby o sadyang hinahanap-hanap na nya yung boses ni Maya

 

GIFMaker.org

 

LIEMPO!!!

Nag-dry run na sila ng habulan-biik

Magbabalik na si Jeff! ayos to! doble na ang kilig!!!

Lucy Sure
Super Yaya tlaga c Maya…..Time Management ang theme dis episode…..Excellent.

 

 

Excited na ko sa b-day ni abby! nagpraktis na sila sa habulan ng biik, cute ng name: Liempo! di kaya yan ang kapalaran nya after ng party???

 

GIFMaker.org

Uuwi nga si papa pards!!!!!! Yeah!!!!!!!!!!

May pinost si vaughnic sa insta. Shirtless si jeff! Sige na Kute! Let the love begin.

Karen Hermosa
Super duper galing naman ng acting ni mutya aka (abby), sana nanalo xa ng best child actress.. galing niya talaga eh..

 

 

One of my fave scenes nung inamin ni Kute kay Jeff. Tapos sabi ni Jeff “…isang beses lang yun a…” (or something like that) habang nakasmile

 

GIFMaker.org

Sana may eksenang magpapaka-kikay si Kute nang hindi nya napapansin…
tipong nacha-challenge sya kasi daming girls ang humahabol kay Papa Pards kaya magsusuot na rin sya ng hair clip kahit walang iipitang buhok

 

Time management!!

Sobrang nakaka in love si ser chief dahil sa LAYON ni maya na lagyan ng PERSONAL touch lahat re: abby’s bday talagang si ser chief ang nagbabalot ng regalo for abby.

 

Yes andyan na si jeff.

Kawawa ang sasali sa habulan ng biik
Bago manalo malamang pagod na pagod na

Kamusta kaya ang magiging production number ng yaya at alaga?

 

Cynch Honrado
I love the kapit bisig attitude, Maya’s influence is getting stronger especially with all seeing how Sir Chief has started to trust Maya by always asking for her inputs with regards to Abby and unsconsciously anything that happens with Luke and Nikki. Abby showed her complete trust to her Yaya when Maya had to adlib about their presentation “secret” was to bide time because she does not know yet and Abby is just happy to wait for what Yaya will say and do.

 

YAAAAAY bumalik na si papa pards!  Kute! It’s your time to shine! Sa pagkakapanood ko sa teaser pagkatapos ng episode, ang daming babae na nakapaligid kay Jeff dun sa basketball court, at nung nakita nya si Kute, hinawi ang mga girlalush at niyakap si Kute!

 

GIFMaker.org

Si Liempo aggressive ah nakabasag agad  tamang-tama para sa habulang biik!

Si Abby puma-Pop Girls naman  ano nga kaya ang kalalabasan ng number nila ni Maya?

Julia Kobayashi
wow! can’t wait to see abby’s b-day… mas na e-excite ako ahhh…

 

Nananawagan po ako sa mga writers… kuya Jimuel, sana po talaga may konting pa-kilig kina Maya at SC sa birthday ni Abby! Alam nyo namang bitamina namin yan araw-araw

 

 

Huuhh! parang ako yung na e stress sa preparation nila sa bday ni abby

ser chief pa na “time management” at sa “kapit-bisig” ni Maya —- yakang-yaka nilA

 

Natawa ako dun sa kapit-bisig ni liza

Kailan kaya mag a act “kapit-bisig” si ser chief? parang siya na lang ang di nakaganon ah…

GIFMaker.org

 

Ang cuddle “thank you” ni abby sa yaya MayA niya naka ka touch at napatingin lang ang daddy pogi na parang gusto din mag cuddle thank you kay Maya

 

Waaahh sana mangyari yun kahit pagkatapos na lang ng party..yung sa sobrang successful yung party, enjoy na enjoy ang lahat

Yung feeling ni ser chief na hindi enough ang word na thank you sa mga effort ni Maya kaya bigla niya etong mayakap sa sobrang saya at ganda ng party

https://www.youtube.com/watch?v=gLbY1bVqUXs

 

FRIDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Hayan na ang hawak kamay  Mas okay pag lagyan ng magandang scoring

 

GIFMaker.org

Kelangan talaga si maya ang umakyat dun, sana mawindang ang hagdan at medyo mag shake tapos muntik ng mahuhulog si maya at sabay salo si Sir Chief! omigash talaga! panalo ito sa kilig!!!!

 

Deadz,lol…holding hands…sana mauga ang hagdan ng may saluhang maganap….weeeeeeeeeeeeh si papa pards nagbabalik….kilig overload na naman bukas…kaya lang friday na naman

GIFMaker.org

 

Just realized when they hold hands, this is the first time that they’ll touch on purpose, (high five from SC doesn’t count) hope SC finally realizes its nice to have someone’s hand to hold again and when he touches her hand for the first time he feels that spark between them, he feels butterflies in his stomach, he feels warmth inside, na merong halong kaba….

Lucy Sure
Super Yaya tlaga c Maya…..Time Management ang theme dis episode…..Excellent.

Mukhang makikilala na ni Maya ang kanyang future-in-laws ah!hehehe

 

GIFMaker.org

Uuwi ata yung grandparents sa birthday ni abby or if di umabot after ng birthday

siguro pagkatapos ng business trip nila.

MaryjaneUmali27
kawawa naman si abby! ang cute cute na bata

 

 

Hoy Luke tama si Nikki magpakilala ka na kay Joey na ikaw si Florante Florante
Hello mukhang ikaw naman type nitong si Joey at ineexpect niyang si florante. kaya go wag ka ng torpe,hehehe magpakilala ka na sa birthday ni abby pupunta siya.

 

Sosyal lang nitong si liempo the biik ,,hahaha di lumabas ng gate at gumala sa
Subdivision, mas trip niya sa loob ng ,mansyon mag-gala.nagbasag pa,
Pasaway.hehe ang kulit maagang pinagpractice sila sa habulan ng biik

Screenshot (39787)

Ang cute ni Abby kulit lang, kahapon no more party na daw, no more celebration dahil sa pagkawala ng mga parrot, so cancel nila yung party, cancel lahat. Tapos kinabukasan nung okay na siya, me party na ulit, haha tinaranta niya lahat.Ang cute lang pero syempre dahil love siya ng lahat lalo ng kanyang daddy
GO . kahit gahol sa oras dahil cancelled na lahat, gagawan ng paraan basta tuloy ang party para sa baby.tapos nung nagulat si maya na kasama pala siya sa bday prod medyo sad at tampo ulit so si Maya, GO!

GIFMaker.org

 

OMGEE, bumalik na si Papa Pards,hehehe at ang sabi ng katawan,hehehe.

Pinagpapantasyahan nung mga girls habang naglalaro ng basketball, ang di nila

Alam andun mag-ina niya.hahaha

 

Oh my geee! (nikki mode) magbabalik si papa pards! taray lang ni kute kahit daming nagtitilian kay jeff sya ang inakapan! and the body!!!

Nice na talaga si nikki kay maya. Buti naman!

Korean dance isasayaw nina maya n abby anu?

Pasaway na liempo na yan!

Torpe kasi mashado si luke, mana sa ama!
Eh obvious na type sya ni joey eh. Ayaw nga nya kay inigo eh!

 

I like the yesterday’s part yung nagpalipad sila ng balloon.. “Its the art of letting go..”  kaya masaya na ulit si abby!

Ahay! Excited ako sa epi bukas.. Yung party at pagbabalik ng kuteff!

Nakakaiyak naman yung eksena nung mag-ama sa kwarto ni abby. Yung sinabi ni sir chief na “one day you will sing for daddy ok.ay tuwing eksena nila ramdam mo kung gaano kamahal ni sir chief si abby syempre pati si luke at nikki pero iba yung attachment ng mag-ama sa isat-isa.

Kakaloka talaga tong si sabel hehe sino da iresponsableng nag-iwang bukas

ang gate? tapos nung pumasok si manang fe siya pala biglang tiklop tong

si sabel.hehe laughtrip talaga tandem nila ni doris. sa kwarto daw nila matutulog

si liempo katabi ni doris dahil mag-ina sabi ni sabel, pero binalikan siya ni doris

mas kahugis daw ng katawan ni sabel si liempo.hahahha

 

 

May hawakan na ng kamay??

At sobrang concerned lang talaga??

Ikaw Sir Chief ha?? hayan ka na naman sa mga da moves na nakakapagpatorete sa aming Mahal na Prinsesa!!

Umiiwas sa crush dahil:
a) sobrang kinikilig
b) lalong nahuhulog ang loob tuwing makikita si crush
c)baka makahalata si crush
d)maaring mawala ang feelings pag hindi na nakikita si crush
e)baka mapansin ni crush ang flaws mo
f)nagaalala na baka kung anong nega ang iniisip ni crush tungkol sayo
g)all of the above

Screenshot (39792)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

———————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

77  Date Aired: Oct. 26, 2012—Jeff is back, which is very uncomfortable for Kute. May pag-asa pa kaya?

WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!

I’m speechlesss.. lol xD

Hawak kamay [check]

Titigan [check]

Happiness [check]

Smile ni Ser chief [check]

Napakasaya lang ng LIM FAMILY

Party time na next week and for sure it’s gonna be fun…. and sa teaser narinig na nila lahat na magsalita si Abby….

Analiza Toribio
kahit sira ang teevee namin may computer naman,,para laging updated.

 

Malou
nakakakilig namn sina chief at maya di ko na mahintay ang next ep

At grabe lang ‘to si Sir Chief ah. Maghubad daw ba sa harap nina Doris, Sabel at Maya. Buti walang hinimatay sa kanila.

Sana hawakan ulit ni Sir Chief yung kamay ni Maya tapos sasabihin niya…

“Maya, are you okay?”

Maya: “Okay lang po ako Sir Chief. Wala po ito.”

Sir Chief: “You should be more careful next time.”

Maya: “Opo Sir Chief.”

 

Tapos titigan mode na naman ulit sila.

Di ko alam kung napansin nyo, sa teaser banderitas ang sinasabit ni Maya at mukhang gabi na, sa pinakitang eksena kanina sa episode umaga tapos yung palayok ang sinasabit nya. Pero keber lang, ang importante nag holding hands sila!  (Or baka ipapakita rin yun later on, baka mali lang yung clip na nailagay sa teaser. Double holding hands, mas masaya yun! )

GIFMaker.org

 

Baka nga ang lolo at lola ng mga kids ang dadating, meet the parents ang peg ni Maya! Nakauuuuu wag naman sana maldita ang lola kagaya nung unang ugali ni Nikki!

 

Makakapagsalita na si Abby sa harap ng sambayanan! Iyak si yaya ganda! Heartwarming scene panigurado!

Papa pardsssss! Ang saya sumama kay Aling Teresita at Mamang tuksuhin si Kute. So ibig sabihin dito na sa Pinas for good si Jeff? Ayos.

REBECCA LARAMAY
Great episode again. Napakagrabe ung kilig factor ? Puede bang 7 days ang show na ito? The stry is super building up. Can’t wait

Bangag at ta-tumbling nang bongga panigurado ang thread na ito next week! Ihanda na ang mga armas! Arinola, oxygen, tela, ano pa?

Ganda ganda ng epi today. ang gaan sa pakiramdam. yung paghabol at paghuli nila kay liempo, yung preps para sa party … yung pagiging cooperative ng lahat, including nikki at yung pagiging mabait nya ka maya. sya pa ang nagkwento sa daddy nya na si maya ang nakahuli kay liempo.

Maria Bisazza
So exciting, can’t wait for the next episodes. Stress free show, keep up the good work.

Yung pagbabalik ni jeff …

Yung concern ni ser chief na baka magkasakit na naman si maya pag di muna kumain …
“halika na”

Rejean Jasulna
Ano ba yan???? I have to wait again for next week!!!!!!!!!!!!! Wahhhhhhhhhhhhhhhh!!! Love it..love is blooming…

GIFMaker.org

At ang pinaka sa lahat ng pinaka -titigan, ngitian at holding hands
*with kilig na musical scoring

Aehr_0103
So excited for the next episode.. Can’t wait.. thank you tfc and to BCWMH 😀

 

Nakalimutan kong i-mention ang pag-play ng Please Be Careful With My Heart habang bumababa sa hagdan si Maya at habang holding hands sila! Mas lalong nakakakilig! Haaaaaaaaaay! Kasira ng ulo

GIFMaker.org

 

Nakakaloka ang reaction ni kute sa pagtukso sa kanya nina aling teresita at mamang.

Manugang tawag kay jeff at nandidiri ang reaction ni kute

 

Joy Luther
Kakilig naman! Nakakaiyak ung preview for Monday episode!!!!! Can’t wait!!!! Parang dahil sa series na to, I am starting to have a reason to hate weekend… Grrrrrrr.. Keep it up BCWMH!

 

As usual, this show achieved it purpose. that is to make us laugh, impart some inspiration and make kilig to us.
super laughtrip yung habulan ng biik. tapos yung pag eavesdrop sila sabel sa door nila abby, then natumba sila. Yung pag tulong tulong means that everything is possible pag sama sama sa isang goal. then most of all, the most awaited kilig scene, yung holding hands nila Sir Chief and Maya.

GIFMaker.org
Tawa ako ng sobra, then sabi dun sa holding hangs, Maya abot mo na kamay mo. pag nangawit si Sir Chief, baka bawiin yung hand nya.

Hindi siguro napansin ng mahal na prinsesa na naka-alalay ang mahal na hari sa ladder habang nasa itaas sya. kaya naman ayun ang prinsesa, taking her sweet time sa pagkabit ng palayok.

 

Kundi pa sinabi ng hari na “halika na” –

Ang sweet sweet lang talaga

 

GIFMaker.org

Gentleman talaga ni Sir Chief! kung tutuusin, pwede naman nyang hawakan na lang yung hagdan habang pababa si Maya pero inabot nya talaga yung kamay nya para alalayan pabababa nag mahal na prinsesa! tapos titigan habang pababa ! OH MY GEE talaga!

 

Dagdag kilig si Jeff at kute! kaso parang gusto kong batukan si kute, parang diring-diri ke Jeff! Ang swerte nga ni Kute, isang kasing gwapo at responsableng lalaki ang naging tatay ni Cho! san ka pa kuttttteeee!!! ikaw na!!!

Pero sana talaga nauga yung hagdan para medyo na out of balance si maya sabay salo ni Sir Chief!!! :>

Every time Abby talks I don’t know why I get teary eyed….so touching and heartwarming…

Lucy Sure
Wow super duper na ang kilig s next week….sana monday n ulit. Ngsalita na c Abby.

Kilig to the Max ang hawak kamay!!

Sana good vibes din ang meet the parents…. Like Raffi!
And may blessing from his parents to open SC doors to love again…

 

GIFMaker.org

 

Excited ako kung paano mag-date si Sir Chief at Maya… Siyempre pag naging sila, sikreto muna… Patago silang mag-di-date, manood ng sine na parang teenager, mamasyal sa may boardwalk, magbonfire sa may beach, kumain sa may turo-turo with candle light… dami ko pang naiisip, atat lang masyado

 

Baka ang lola kukumbinsihin na mag-asawa ulit si Chard. Eh ang masama baka mag-reto ng mamanugangin, sana lang di masama ang ugali nung i-reto, mas okay kung mabait din, pero siyempre wala siyang appeal kay Sir Chief kahit mabait pa siya, wala pa ring tatalo sa appeal ni Yaya Ganda… Ngayon pa at kasundo na ni Maya ang mga anak niya at tiyak tiger mode na naman si Nikki pag nagkataon

 

GIFMaker.org

akala ko kanina nang maghubad si daddy pogi sa harap ni sabel at doris, tapat na .

May t-sirt pa pala

PEARL JOY ESCANER
Kakakilig nman si Ser Chief n Maya!!!

Pero si yaya affected, napukpok tuloy ang kamay ng martilyo
Iihipan kaya ni daddy ang kamay?naiyak naman ako sa pagsasalita ni baby abby

Sabel to liempo : come to mama

Excited na talaga ako sa party
Present ang manugang to be ni Maya
Pero si marissa delgado ata ang lola- most of her roles kontra sa mga bida sana talaga good vibes lang siya dito

 

Daming tumili sa pagbabalik ni Jeff
ako? steady lang

Pero pag si…..ser chief ang mag shirtless…

di ko alam kung anong magagawa ko

 

GIFMaker.org

Parang si marissa delgado nga ang mother ni sir chief ah.. And for sure si noel trinidad ang daddy kasi pinakita na dati nung nanakaean sila sir chief  sana hndi kontrabida ang role ni marissa delgado  sana good vibes lang lagi!

 

Akala ko kanina nang maghubad si daddy pogi sa harap ni sabel at doris, tapat na.

Sis, di ba ang daming nag-wish kahapon na sana mauga nga para saluhin ni daddy si yaya. well, nauga naman  yun nga lang inuga kasi ni abby kaya nauga. thanks to abby na rin kasi yun ang dahilan kaya biglang napalapit at napakapit si daddy sa hagdan.

Next episode…..Buti na lang, napukpok ni maya ang kamay nya.*kundi , baka white shirt ni dadi pogi, huhubarin din …Kung magkataon, juskho ko po! Ayokong himatayin . nakikiliti yata ako.

 

Parang di na man napokpok , napasigaw lang sa gulat ….ikaw na talaga, maya !

oo nga po nakakaiyak lalo na sa episode sa monday yung kumpleto sila with maya nung nagsalita ulit si abby.

Sana nga goodvibes lang si lola mukhang okay naman si lolo e. excited na tuloy ako sa birthday ni abby at di ako maka get over sa hawak kamay.

 

GIFMaker.org

Aaaaaaaaaaaa kakaloka ang loveteam ng kuteff dami ko tawa sa eksena nila nung kumain sila sa labas with cho, mamang at lola nanay,hehehe ang kulit at cute talaga ng pamilya nina maya ,lalo nung tinutukso si kute.pero tama si jeff complete family na sila kahit kakaiba. tapos itong si kute gusto talaga sumama sa bonding ng mag-ama ,hehe

Maya hindi pa shirtless sa lagay na yan si sir chief hah pero napukpok mo na

Kamay mo ng martilyo,hehehe ..nakakakilig talaga ang bcwmh

Lara Pasana
awww…holding Chief’s hand…love u guys..see u on Monday 🙂

Baka di lang pukpok sa kamay, baka matilapon pa niya sa malayo ang martilyo
Para-paraan lang din itong si Maya para magka-moment sila ni sir Chief… In fairness effective.

ABS-CBN executives recently attested to the unprecedented success of the country’s no.1 daytime TV
program, Be Careful With My Heart.
as it did not only boost the ratings performance of the network but also contributed in the double-digit growth
in airtime revenues that began in August.

�Richard Yap and Jodi Sta. Maria�s soap is turning out to be the biggest surprise hit,� remarked Vivian
Tin, ABS-CBN�s head of customer business development group.
According to ABS-CBN chief financial officer Rolando Valdueza, advertising revenues show signs of
strengthening in the second half of the year because of the network’s top-rating shows like Be Careful
With My Heart. He said,We’re also experiencing double-digit growth in terms of airtime starting
August and if we can sustain this by the end of the year, we may exceed P1.3 billion..

 

Ang ganda ng scene when they released the chinese lantern. sobrang heartfelt talaga yung moment na yun. kita mo sa mga mukha nila yung halong lungkot sa pag-alala kay Alex and their healing and letting go.

We always talk about the chemistry of Jodi and Richard but I think we should also mention his chemistry with child actress Mutya Orquia. napaka-sincere ng dating ng relationship nila. talagang mag-ama ang vibe. siguro kasi naging close na rin sila sa totoo coz I can see in videos of their interviews how Mutya would cling to Richard’s arm or hug his back. i think he really treats her like his own daughter. ^

Agree! napansin ko din yan. bagay na bagay silang mag-ama kasi parang totoong totoo. oo nga, sa interviews nila palaging nakadikit si mutya kay mr. yap, either nakakandong or nakayakap, nakasandal, nakahawak. mas nakadikit pa nga sya kay mr yap sa mga interviews kaysa kay Jodi.

Ang bait bait siguro talaga nya kay mutya off-cam otherwise, mutya wouldn’t cling to him as she does.

 

Agree din ako dyan. I always admire the mag-ama scenes. Richard would always carry Mutya pag nag ask mag pa karga. Sa mga presscon, lagi si Mutya sa tabi ni Richard and Richard would always hug Mutya. He is always sweet to Mutya. kaya siguro tayo nag cry sa mga scenes where abby would try to talk kasi nararamdaman natin yung real closeness ng magtatay.
like ko yung scene na magkatabi sa kama si Abby and Daddy. Abby umakap pa kay Daddy para close to her. Then yung tabi sila sa tent. at yung sa teaser na antok na sya sa shoulder ni daddy. Ang sweet nilang magtatay.

Kahit ako naiyak din sa pagsasalita ni Abby… habang tumatagal nagiging magkamukha na ang mag-ama at si Maya para na talaga siyang mommy nila Abby, Luke at Nikki kasi everytime may mga moments ang mag-aama kasama siya. Iba na talaga ang relasyon ni Maya sa mag-aama kaya Sir Chief dagdagan mo pa ang mga da moves mo.

https://www.youtube.com/watch?v=bBt9UKcPG90

LUNES SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Thanks jayzbagio for sharing.

Teary eyed si yaya Maya, nagsalita si baby Abby at ang maganda narinig nila lahat nung nagsalita sya.

 

Ron &Amp; Priscilla Switzer
Mrs. Priscilla Switzer from San Diego, CA. USA 
Ooh…finally everybody heard Abby’s talking…can’t wait to see next episode

Excited na rin ako for Monday

Sana nga mabait si lolo at lola kay Yaya Maya

Nakakaloka naman!!!!!!!!!!!!!!!! ipahiram ba ang panyo!!! oh my geeeeee!!! ikaw na talaga Sir Chief ang pinaka gentleman!!!!!! Susmiyo! san ba makakahanap ng katulad mo!!!!!!! nakakain love ka talaga!!!!

Samakatuwid,napaluha lang si Maya-isang pahid lang ng kamay,ok na
pero yung daddy pogi umaaringkada ang pagka maginoo
panyo niya!panyo niya yon!!!

Waaahhhh ikaw na talaga “Ricardo Lim” ang hangad naming mga adik

Yey!!!! monday na bukas! madaming aabangan!

Ang pukpok daliri scene
Ang ipahiram ang panyo scene
Baka yung sabit banderitas scene baka ipakita, since yun yung pinakita sa isang teaser
Moments ng kuteff family
Pagdating ng parents ni Sir Chief, naiintriga ba tayo kung anong klaseng lolo at lola ba sila
Ang b-day party ni abby (lalo na yung special number nila ni Maya)
At syempre ang bonggang pagsasalita ni abby na nawitness na din sa wakas ng magkapatid na luke at nikki!

Daming aabangan this week! ayyy! nakakaexcite!!!!

http://a.yfrog.com/img20/9272/jgv.gif

pbcwmh playing

Grabe kanina pa ko nakatitig sa gif na to!  Kung alam nyo lang kung gaano ako namilipit sa kilig kanina habang nanonood, pati bedsheet ata nangatngat ko na

https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/10/f2004-be-careful-with-my-heart-abscbn.jpg https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/10/f2004-be-careful-with-my-heart-abscbn.jpg

jgv

——————————————————————————————–

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

78  Date Aired: Oct. 29, 2012—Everyone seems excited when Sir Chief’s parents come to visit.

Hehehe,kala ko kukunin ni sir yung kamay ni Maya nung napukpok yung kamay nya, pero panalo yung panyo scene, sumimple pa si maya, inamoy-amoy yung panyo bago isoli

 

screenshot-6248

Bakit ako kinikilig ng SOBRA ng i-introduce ni Sir Chief si Maya sa parents nya, lalo na nung sinabi ni mama na there’s something different about his kids and with Ricky too?!
Di rin nakakatulong na sobrang pamatay ang ngiti at kwagapuhan ni sir chief sa mga scenes na yun!

Mukhang mabait naman yung parents ni RICKY, hehehhe,, na meet the parents na! and hindi yaya ang pag-introduce ni SC ke maya ah! kinukwento ni SC sa parents nya si Maya!

 

Nakakatawa si Abby na naka-dress habang buhat si Liempo

Magsi-Singkil si Maya at Abby
Hindi yata kinaya ng powers ni Maya ang K-pop

GIFMaker.org

 

Nawala yata ang abs ni Papa Pards?
Binabagayan ang figure ni Nanay Kute?!

 

Ron &Amp; Priscilla Switzer
Mrs. Priscilla Switzer from San Diego, CA. USA
Maya were so tickled when sir chief lend a hand to her, & that was so sweet. I love how they set up for Abby’s b-day party. 
What a smart Maya’s ideas and very creative.

 

Mukha naman palang mabait si Doña Esmeralda!  At napansin nya rin ang GV atmosphere sa bahay ni Ricardo! Mukhang gusto nya ring ma-interview si Maya bukod kay Manang Fe, napapansin nya rin na bukambibig ni daddy pogi si Maya eh
Bakit kaya nagbihis si abby?- sobrang cute niya dun sa unang dress niya
Pang good vibes naman pala ang lola esmeraldA natin
“Maya again”- oo donya esmeraldA, kung alam niyo lang laking pinagbago ng Lim Family nang dahil kay Maya…parang pareho kayong energetic so magkasundo na magkasundo kayo

Sana naman nakabihis si
Maya- pero di bali parang nag transformed siya konti dun sa tinikling numbers nila

O di ba? na-mention din dito yung tinikling …lurker talaga dito mga writers …

 

REBECCA LARAMAY
Fun and funny. Ganda ang ffiesta theme.. Brings back wonderful memories…
Thanks

Nagulat talaga ako dun sa sayaw nila Maya bukas. Kayo talagang mga writers ah.

 

GIFMaker.org

Habang nanunuod kaya ako, hinihintay ko na magtransform si Maya. Sana sinuot niya yung peach dress niya para na tuliro si Sir Chief sa kanya.

 

Sayang, akala ko talaga si Sabel at Doris sa habulang biik. Kawawa naman si Maya, siya pa yung umakyat sa palo sebo. Sana, si Sir Chief ang umalalay sa kanya pagbaba niya.

Maya – ser chief
Manang fe – ricardo
doris at sabel – sir richard
rafi – chard
Donya esmeralda – ricky
sa kwento ni Maya – mahal na hari
mga bcwmh adik – daddy pogi

Ang daming name ni Ricardo Lim

Pero nag i “ISA” lang sa buhay ni Maya

 

Dami ng ganda points ni Maya sa parents ni Sir Chief ah! Laging minemention ni Sir Chief si Maya. , Im sure kung umabot na sila sa ligawan, approve na approve si Maya sa parents!

Ano kaya ang hindi kayang gawin ni Daddy Pogi?… andyang pati pagmamartilyo eh kaya rin??

I was expecting him to look awkward and totally at lost.. pero hindi!!

 

Sarah Salenga
super saya….ayyyy….nagsalita na sana magtuloy-tuloy na……exciting ang bday fiesta successful toh ha?

 

Ang Daddy Pogi… sanay na sanay!!

Grabe ha??? for me… 50,000 pogi points agad yun!!

Lalaking lalaki!!!

https://www.youtube.com/watch?v=t31vrgVfWbA

TUESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

 

Axzle Celajes
happy birthday abigail ruth lim… good night daddy.. ;p

GIFMaker.org

 

 

 

Now its time for Fok-fok Falayoc…. ~Nikki

 

Nagyayayang makipagkwentuhan kay maya ang future mother-in-law.

Aysolabet!

Grabe! bukong-buko na talaga si Maya! “sa’yo ‘to, Sir Chief. Abby pala.” Hahahaha!  Mabait lang talaga at gentleman si Sir Chief kaya he never mentions it at all.

GIFMaker.org

 

But I doubt very much that he’s not aware of her crush. She’s just so obvious about it when he’s around. Sobrang twinkle ang eyes at mega-watt ang smile!  At ganun na lang ang concern sa kanya. Nandyan ang mag-prisintang samahan siya habang nanonood ng TV…gawan siya ng sandwich para di magutom habang nagbabantay kay Abby…timplahan siya ng kape, anytime, anywhere, pati sa zoo bitbit ang thermos at tasa kahit mabigat…Sobra naman yatang dense ni Sir Chief kung di niya ma-gets yun.

 

Tinikling nga ba? I think Singkil siya kasi yung costume nila ni Abby are of Muslim princesses. Ang alam ko pang-Singkil yung ganung costumes. Kung ganun, aba! Ambisyosa ang Abby!  Mahirap kaya ang Singkil!

Pero ang ganda ni Maya sa costume niya! Bagay siyang mag-play ng part ng Muslim princess. Hmmm…pwede kaya sina Jodi at Richard gumawa ng movie or special about a Muslim princess and a Chinese trader? Yung ang setting is during the early Hispanic era? Tapatan ng ABS-CBN yung “Amaya” nung kabila. I’m sure mas patok yan. Wag lang nilang lagyan ng goatee beard at braid si Richard Yap. hehehe.

 

Masaya na talaga uli sa Lim household!!

Si Daddy Pogi… pakuha kuha na lang ng video…para daw mas personal

Si Sir Luke… kuyang kuya talaga… in-charge sa games.

Si Ate Nikki…hindi na suplada… mabait na siya kahit kina Doris and Sabel… and proud big sister talaga kay Abby

 

Si Baby Abby… nagsasalita na!! much to the delight of everyone!

Pati si Lolo and Lola….super saya lang sa nakitang mga ngiti sa mag-aama!!!

GIFMaker.org

 

Nakakatuwa, si maya talaga ang punong abala sa party

Siya nagmamando sa mga aviation engineers …sinusunod naman siya

 

Evangeline Henriksen
Ay bakit na putol bitin ule kawawa naman si Maya na maos bale cute pa rin silang dalawa ni Sir Chief!!!!

 

Kakatuwa batuhan ng convo nina donya esme at sabel

Donya Esmeralda: nasaan ang hairnet mo?

Sabel: nasa kusina po, ginamit kong pang drain ng bihon.

wala lang…natawa lang ako dito.

Aehr_0103
thank you ABS-CBN and BCWMH for the fantastic episode today. Tomorrow again. I can’t wait to hear abby’s voice.

Ang sarap talaga tumawa ni marissa delgado…parang
tsitsaron. ang lutong.

Ser Chief: ma…pa…eto pala si Maya…she’s the one
I’VE BEEN telling you about…yung yaya ni abby…

So all along pala, tsinitsika na ni ser chief si maya sa parents nya?

Anu kaya pinagsasabe ni ser chief tungkol kay maya noh?

Aside dun sa sinabe ng mama niya kay manang fe, yung
“nameet sa airport.”

“sobrang daldal.”

“masyadong assuming.”

“maingay.”

 

GIFMaker.org

Mukhang behaved sina doris at sabel nung nagserve sila
sa mga engineers ah  usually pag may boylets, para
silang mga bulateng nilagyan ng asin sa kilig.

 

Bad trip naman yung napukpok ni maya yung kamay niya.

Pinagalitan’ pa siya ni ser chief.
Hindi man lang tinanong kung nasaktan ba siya.

 

GIFMaker.org

Haayyyy…malayo pa talaga ang tatahakin nating landas
at paglakbay sa daan patungo sa maya-ser chief romance.

 

Bakit pala sina doris at sabel naka ‘bihis’ for the party
pero si maya naka yaya outfit pa ren?

GIFMaker.org

 

Pero kahit na nakayaya outfit siya, mommy na mommy
ang dating.

 

Kaya siguro siya hindi pinagbihis for the party kasi
magkatabi pala sila ni ser chief habang pinapanood
si abby. baka daw wala nang matira sa ngangatngatin
nating mga duster, kurtina, bed sheets, basahan dahil
mr. and mrs. na mr. and mrs. lang talaga ang peg.

 

Donya Esme to Maya: kumusta ka naman? hindi ka ba nahihirapan dito?

Maya: hindi naman po

Donya Esme: what I mean is, dito … dito kay ricky … suplado yan eh

Maya: ay hindi naman po

Lucy Sure
nawala ang boses ni yaya Maya….super enjoy c Abby s b-day nya, the best tlaga c Yaya…..Mabait nman ang parents ni Sir chief….to be continued again.

Ang ganda sana ng scene na to, kaya lang kulang
kasi biglang pasok ang the three musketeers.

Sana may karugtong yung dialogue ni maya. Yung iexpound niya sana kahit konte yung sinabe niya.

GIFMaker.org

 

“suplado yan eh.”

Mother knows best talaga.

Nakakatuwa naman lahat yata ng games si abby nanalo.

Pero may daya yung pabitin. Buti walang
nagreklamo.

 

But I love the idea na winner si abby sa mga games.
na boost yung morale niya at kahit hindi siya nakakapagsalita,
feel na feel yung kaligayahan niya. moment niya talaga
ang araw na yun at dapat lang na ibigay sa kanya.

Syempre, panalo rin si yaya sa palo sebo bukas!

Yung totoo Sir chief interpreter ba ni Abby si Maya?hehehe tuwing me sinasabi

Siya at di mo naintindihan ,,Maya ka agad! maya…pero nakakaiyak yung

Magsasalita na si Abby bukas na andun kayo lahat with ate nikki and

Kuya luke plus maya:0

 

Maya dami mo ganda points today kay donya esmeralda…..mula kay Manang Fe at Sir Chief

Napapansin ng lahat ang malaking pagbabago kina Sir chief at sa mga kids

niya. Una si Rafi ngayon si Mommy ni SC. Yung totoo po dahil yan

kay maya iba po yung epekto ng pagdating ni maya sa life nila.,,

Kung di po ninyo naitatanong donya esmeralda si maya po ang ambassador ng

GOODVIBES! hehehehe kaya ang laki ng pinagbago po ng anak niyo at mga apo

niyo,at yan di po ang tinatawag na Maya fever, iba si Maya

Eh!nakakahawa po hehehe!

Sana tuloy tuloy na ang pagsasalita ni Abby. I’m sure, mas marami pang mangyayari sa Lim household dahil madaldal na si Abby.

 

Mama Lim to Ricky: Oh Ricky you know I’m so amazed with what I’m seeing. parang there’s a lot of change in your kids … and mukhang pati sa yo ha…
(while Papa Lim nods in agreement)

SC:
 (smiling) Ma … Pa … eto pala si Maya, the one I’ve been telling you about. Yung yaya ni abby…

Ricardo, hindi ka nga nag-comment sa observation ng mama mo … pero yung pag-introduce mo bigla kay maya … yun na! alam na!

Nakakabitin yung episode today… Anyways… para may abangan bukas…  Fishing na naman si Doris at Sabel… talagang hinahantay pa rin si Destiny
Mukhang hyper din itong Lola Esmeralda
Ang white brief ni Sir pinagpiyestahan ni Sabel at Doris
Si Maya paos na sa kakasigaw… pero may boses pa para magsabi ng “Para sa yo ito Sir Chief”

Pansin ko lang ha? walang bukang bibig si daddy pogi the whole day kundi…. maya….maya….maya

E diba nga ang favorite expression ng ating Mahal na Hari… Maya, Maya at Maya

Grabe at nawindang ako sa pag-martilyo ng Mahal na Hari… iba ka talaga Ricardo… iba ka talaga!!!

http://a.yfrog.com/img196/4053/59f.gif

Ang gwapo ni Sir Chief dito! Pamatay ang ngiti! Parang proud parents lang ang peg!

http://a.yfrog.com/img594/6703/8jz.gif

Si mamang talaga…

59f[1]

———————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

79  Date Aired: Oct. 30, 2012—Ready na ba kayo sa performance ni Yaya Maya and Abby? Camera, lights, action!

Was that the first time sir chief used kapit bisig?

DUMADAMI ANG TITIGAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! AT SI SIR CHIEF HINDI NAWAWALA ANG NGITI!

Ricardo! Tandaan mo! Hindi kailanman nababayaran ang pagmamahal!!
OK din yung dalasan ang pagsasabi ng “Thank You!”…. na may kasamang wagas na wagas na ngiti!!

 

Oh ayan Sir Chief ah, 2 na ang nagsasabing “Don’t ever let her go” ke maya, yung BFF mo at si Mother dear, kaya panindigan mo yan! at sumagot ka pa ng of course ke Mama!

Ganda nung huling eksena, nakaka touch! bukas magkakape ng sabay si Maya at Sir Chief, nescafe moment! hehehe!

 

GIFMaker.org

Parang husband and wifey, after a long and tiring day, before going to bed moment lang!!

Level up na si maya. From yaya to coffee mate ni sir chief at the end of the day.

 

Jasmin Bacalla
grabe, dami kong tawa dito mga sampung kilo!!! hahahaha

 

Si maya e parang naging ilaw ng tahanan ng Lim household. Hindi sila maka function na wala si maya.:-)

 

GIFMaker.org

And speaking of biyenan…. grabe lang talaga ang pagpapasalamat ni Doña Esme kay Maya!! Super gaang agad ng loob niya!!

Yeeeehhhhhheeeeeyyyyyy!!! Marami na kakampi si Maya!!

 

Marilyn Seaward
a wonderful episode…. love watching it again and again 🙂

Ang tanong na lang eh kung kelan talaga magkakamalay itong si Ricardo sa estado nyang comatose pagdating sa tunay na nararamdaman sa kanya ng ating Mahal na Prinsesa??

Naman!!! hindi ko na kinakaya minsan ang sobrang pagka dense nya!!

I mean.. kahit gaano man kamanhid ang isang lalaki siguradong makakahalata kahit paano!!

Tapos, bigyan ba ng “monetary value” ang mga ipinakitang pagmamahal at pagmamalasakit ni Maya??? helllllloooooo!! Sir Chief naman!!

 

Defensive ka lang yata eh!! dinadaan mo lang yata sa pandedeadma yung mga ipinapakitang kakaiba at espesyal na pagtrato sa iyo at sa iyong pamilya nitong si Maya… while in truth… bothered and affected ka na rin!!

Sir, Maya is capable of giving so much love… and you and your family deserve such love! Can’t you see it? Can’t you feel it?

Originally Posted by jimueldelacruz

Eto po nangyari kay Liempo. Kasama siya sa meeting. Hehehe!
http://instagram.com/p/RXN1gSsv2A/

Paano po kung nagpabili si abby sa daddy niya ng pet na pusa tapos makawala
Isasama niyo din sa meeting niyo?

 

Anybody else notice yung reaction ni SC nung nakita niya si Maya naka costume? It’s like nahirapan siyang huminga? Or guni guni ko lang? Parang he saw Maya in a new light gadang ganda siya kay Maya inside and out na gagawin ni Maya kahit ano for Abby parang biglang nag click sa isip niya. Tapos nahirapan huminga si SC deep breath talaga na pinigil ang smile ng konti.

Very, very heartwarming episode today and yet, it never failed
to make me smile.
This is one show you will always look forward to watching na hindi mo
aantayin kung sino kikidnapin, papatayin o kung kaninong anak
ba si bida o ampon ba siya, blah, blah and yet, nakakaexcite pa
rin ang mga susunod na scenes.

 

Paolo Jfjdjsk
SC always say maya everything she say to Dona Esmaralda lol

Simply the best feel good day to day show.

Kahit siguro sinong mainit ang ulo sa umaga mapapangiti pag
pinanood ang bcwmh.

GIFMaker.org

 

Gusto ko yung ‘happiness’ and ‘family bonding’ scenes ng kuteff family
with nanay teresita and mamang and on the other side of the world,
the same scenes with the lim family naman. pinakita run na kahit ano
pa man ang katayuan ng buhay ng isang pamilya, pwedeng maging
masaya at maligaya basta sama sama.

 

Cikgu Hayati
the part when abby talk.. my tear out… oh dear so touching…~

Napansin ko and it happened on two occasions…

Each time that mama esmeralda spoke highly of maya, si ser chief,
ngingiti lang tas IPAPATAWAG si abby kay maya.

Hanu kaya iniiwasan nun?

GIFMaker.org

 

Pero siguro, sa loob loob nya, PROUD na PROUD siya kay maya.

Hirap magpakilig sa sarili.  nagiging assuming gaya
ni maya!

 

Kulet Ko
Definitely one of the best episodes. Hands down. Made me cry.

 

Akala ko naman, meron na talagang magaganap ng kuwentuhan
between maya and her future mom-in-law.  uuwi pa pala
sa china.

Astig si papa lim. They are waiting for him daw sa “summit.”

MIlyonaryo talaga pamilya ni ser chief.

Loved the scene na tinawag ni mama lim si maya with her arms
extended. parang welcome na welcome na talaga si maya to
become part of the lim household.

 

Maria Suzatte Mehares
finally???????????????.she talked while luke and nikki hear her speak, super ganda ang story……..

Tama si mama lim…it was a ‘lovely’ party.

With maya’s ‘touch’ all over the place, it should be.

Kaya naman si daddy pogi, lagi nang tingin nang tingin
sa ating mahal na prinsesa.

GIFMaker.org

 

Yung pagbibigay ng pera ni sir chief eh siguro that is his way of saying thank you sa lahat, after all empleyado pa din nyang tinuturing si maya kaya nya naisipan bigyan ng bonus, pero hindi naman tatanggapin ni Maya yun kasi higit pa sa pera ang ginawa ni Maya, may pagmamahal na nga eh, eto lang talaga si sir chief minsan sarap batukan eh, or alam n nya kaya lang di muna sya nagpapahalata, kung baga ayaw nya munang bigyan ng kahulugan yung mga kilos ni maya towards him pero sana nga unti-unti na syang makaramdam ng pagmahahal din para ke maya.

 

Red Queen
Super nakakaiyak yung scene na Abby talked with Luke and Nicky there this time.

 

Bonus daw, sis.

Although probably the gesture is just a token of gratitude for a
“job well done,” sa pagbigay ng bonus ni ser kay yaya, parang
ang tingin niya kay maya is a “kasambahay” pa rin na yaya ni
abby and it ends there.

Hopefully, sa pagtanggi ni maya sa bonus sa kanya, medyo
“Nasampal” siya nang konte nito at matauhan siya and he finally
will realize that maya indeed is a selfless person capable of giving
so much love, and probably has given MORE than the love they received from alex, and she gives and shows this love without
expecting anything in return.

 

Masaya na si maya na titigan at pagmasdan na lang ang kanyang
mahal na hari at mahalin ang alagang si abby.

“Junior pards…” hangkyut ng tawag ni jeff sa anak nila ni kute.

Galing talaga ng mga writers sa pagiisip ng mga tawagan nila sa isat isa.

Kaya excited na ko sa magiging tawagan ng ating mahal na hari at ang kanyang
prinsesa sa isa’t isa.

 

Cherryl Niederheide
this is such a nice teleserye!!! typical happy family sana lagi ganyan ang mga teleserye ng abs-cbn… walang mga kontrabida, no violence, para yung mga viewer would apply it also to their own family… at di ma influence ang mga tao gumawa ng masama…. since Crimes are mostly influenced by some violent movies or teleserye… MORE POWER to the writer of this serye…sana matagal pa bago ito matapos…

 

 

Writers wag nyo kaming biguin ah. kailangan yun ang magiging “tawagan ng bayan!”

Mukhang approve na approve na si Maya kay lolo at lola kaya isang magandang pangitain yan

Nakakatuwa tingnan ang pamilya Lim, very happy talaga lahat! Lahat yan dahil kay Maya! Kailangan nang matauhan si SC at makita nya ang nakikita natin!

At agree ako, panay titig na nga si SC kay Maya ah, dagdag kilig rin, I’ll take it anytime!

Haaaayyyyy Sis!! I guess that was some over reaction on my part when I saw SC handing Maya that envelop!

Gina Banadera
love it so much.. ang saya ng party..ang gaan ng pakiramdaman, happy lang palagi..nice:))

 

How I wish he just showed his gratitude in some other way… a thank you note will do!

Kahit nga pabulong na thank you… mas ok pa rin!!

Anyway… halo-halong emosyon naman talaga ang hatid ng BCWMH.

Natatawa ako sa maraming scenes sa party.. sa antics nila Sabel at Doris!

Naaaliw ako sa pagiging evasive nitong si Ricardo pag si Maya na ang topic… parang aligaga lang na hindi alam kung paanong makakalusot sa sitwasyon… eh wala naman bukambibig kung hindi Maya! Maya! Maya!

 

 

Haaaayyyyy!! Ricardo! kahit kelan hindi ka pwedeng maglihim… sa nanay mo pa???

Naiyak ako sa message ni Manang Fe… na dapat for Abby.. eh naging para kay Ricardo! Parang si Maya lang kay Abby!! sobrang mahal na mahal ang alaga!

Naiyak ako sa pagsasalita ni Abby… sa reaction nung mag-aama.. sa pag iyak ni Maya.

 

TRECIA GONzaga
love this series .. amazing story line ..can’t wait for the time that abby finally speaks while awake

screenshot-6304

“Ser chief, kape nyo po…”  naman! service de luxe! at kitang kita yun ng future biyenans!
Nakakainip naman talaga na pero ayokong madaliin si maya at baka mabigla.  if ever sis, first boyfriend niya si ser chief.

I’m really looking forward to how maya transforms from the plain yaya to the woman Engr. Lim will fall in love with and that he will NEVER let go of.
gusto kong dumating yung time na hindi kakayanin ni Engr. lim na mawala si maya sa buhay NIYA.

Rafi to chard – don’t let her go
(pointing to maya)

 

 

Esmeralda to ricky – huwag kang magkamaling pakawalan si maya
mas nanindig ang balahibo ko sa reply ni ricky kay mama lim…

“OF COURSE, mama!”

Rafi’s statement CLOSED the deal…Mama Lim, SEALED it.

STAMP of approval na lang from the kids.

Me too excited na sa magiging tawagan nila..

JULIETA ALCID
sir chief is falling for maya already !!!! kilig !!!

 

 

JR R
BOWWWWWWW! This soap should stay on air for a long time. It makes us all smile and feel good after watching it. Happy happy lang even without heavy scenes. GALING!!!!

 

Dont know if I want it to be their constant tawagan…. But at some point gusto sabihin ni Sir Chief kay Maya na “No Maya. Ikaw ang boss ko…” maybe when their deciding what to do on their date.

Wala lang…kasi sir chief na sir chief si Maya… Want Richard to tell her na siya ang may hawak sa puso niya, na kung ano ang gusto ni Maya, dun siya…but not so blatantly since he hasnt been that way….yet.

Hindi naman siguro nila magiging constant tawagan yun, sis.  syempre pag nagLQ sila, ricardo ang itatawag ni maya at maya de la rosa naman si ser chief.

 

 

Palagay ko, magpeplain, “yes, ma’am!” lang si ser chief kay maya with matching saludo pa if the need arises.  bawing bawi na si maya dyan pag ni “yes, ma’am!” siya ni ser!

Natatawa ako pag na iimagine ko yan…
Don pa nga lang kay nikki and luke na away natatawa nako sa kanilang dalawa parang mag asawa lang…
>galit po ba kayo ser chief?
mababaligtad kaya? si sc na ang manunuyo at magsasabi..
>galit kaba maya ??

Rigel Ibarra
i love this show ang ganda ng historia, its so unique parang disney story without kntrabida..

 

Tawa ko na lang talaga with matching lokaret mode pag lumitaw ang “You’re the boss!” and “Yes ma’am!” lines na yan sa future episodes  maunawain naman ata ang mga minamahal nating writers ng BCWMH

https://www.youtube.com/watch?v=jRTmxUXHvAw

WEDNESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Thanks jayzbagio for sharing the teaser,
Thank God, at talagang makakapagsalita na si Abby

nag tweet si Jodi
@JodiStaMaria
My voice….gone with the wind. Its so hard to talk. Ang daldal pa naman ni Maya.

Natuluyan ng namaos si Maya

Ay grabe…. tawa ako ng tawa while watching the 1st half of the episode then puro smile na after then I cried when Maya cried….tears of joy din for Abby…… hay…. grabe talaga tong BCWMH…. puro good vibes talaga….

 

Carousel Fernandez
Love it …I like the story ,nakaka enjoy nga buhay,na kkawala nga pagod.. : – ) Kahit dito manLang nakakalimutan mo Ang mga problema sa buhay…lagging happy lang…

 

To Jodi Sta. Maria naman, sana she would gargle Bactidol for her throat para di matuluyan na mawalan siya ng voice.

Congrats BCWMH kantar oct.26 episode…..27.4% grabe nilampaso kalaban…good job BCWMH team… ..

galing! holiday kasi kaya ang taas. malamang papalo ang ratings niyan this long weekend, unless walang mga tao masyado sa bahay coz nasa mga probinsya at sementeryo.

But that just goes to show that the quality of this show is for primetime TV. I can only imagine how high the ratings of this show would be kung pang-gabi sya at nasa bahay na mga working viewers like me. sana next series nina jodi and richard would be for primetime. ABS-CBN really struck gold with this one. ^^

Lucy Sure
Wow npaiyak nman ako….Let the love story of Maya & Sir Chief begin……the best BCWMH.

 

Dense talaga no? siguro dahil engineer di sanay mag-interpret pag di naka-express in numbers and equations. kelangan kumplikado para ma-gets nya. 🙂 pero mas cute nga kasi obvious na obvious na si Maya (kulang na lang halikan nya na si Sir Chief) pero oblivious pa rin ang daddy sungit. it will only make the moment when he falls in love all the more sweeter! ^_^

Yung feeling na ilang beses nagtinginan si Sir chief at maya ngayong araw..mata sa mata tapos ang mga ngiti. eeeeeeeeeeeeee. kilig…

Bukod sa buong araw sa birthday ni Abby e Maya ng Maya si Sc…hehehe

Uy Sir Chief nakakadalawang huwag mong pakakawalan si Maya ka na ah..

Una kay Rafi ngayon sa Mommy mo,, oh alam mo na ah! kilos na ,hehehe

 

Tama!!!! pero mas importante yung sa mommy kasi at least me approval na, hindi na mahihirapan si Sir Chief na ipakilala as gf si Maya pag nagkataon kasi nawitness ng parents ang big difference ng pamilya now, siguro they are more than happy to welcome Maya as their new “manugang”

Nakakaiyak naman yung last scene. Nakakahawa sila Maya at Nikki. Mukhang may transformation din sa character ni Nikki. From brattinella to a kind Lady. And in fairness, she has the potencial to become a good actor. She did well sa pagiging bratty nya to a point na pati viewers ng serye na ito ay naiinis sa kanya.
I like the way she deliver her lines. very clear and in character. Lalo na yung nag-away sila ni Luke where they spent the night sa backyard.
In the episode today, she cried too and ma-feel ko talaga yung happiness nya when she heard Abby talk.

Evangeline Henriksen
Thumbs up!!!!!!! ako kay Maya yan ang tama hindi nababyaran ang love sa sa bata man or matanda,love it love it.

 

> Pati yung pagsalo ni abby sa flying kiss ng lola nya kinuwento pa ni daddy pogi sa mama nya na kay maya natutunan ni abby. kailangan talaga palaging maibida si yaya ganda sa future in-laws?

>After nung video message ni daddy kay abby, parang nag-beautiful eyes pa si daddy pogi habang pumapalakpak. ang cute lang

> Nung sinabi ni mama lim kay ricardo na wag pakawalan si maya at nag “of course mama” naman si pogi, wagas na wagas na naman ang kutitap sa mga mata ni yaya ganda

> Nung nagpapaalam na si mama and papa lim, kailangan talagang magkatabi si daddy at si yaya? parang mr & mrs lang

At sa dinami dami ng gifts na natanggap ni abby, tanging yung kay daddy at kay yaya lang ang favorite nya. kailanagn talaga pantay ang pagtingin nya sa gifts ni daddy and mommy-to-be?

Marie Abat
sana ganito na lang mga show, di yung puro patayan, awayan, inggitan, ito feel good talaga!!!

Habang paos si yaya, parang magandang samantalahin ng writers na sa text messages na lang muna mag-usap yung mahal na hari at mahal na prinsesa … o kaya puro senyasan muna … para ma-master din nila yung art of lip reading  nang sa ganon hindi naman mapuwersa yung boses ni jodi at nang hindi na lumala pa.

It’s so heartwarming to watch all of them na parang perfect family lang ang peg…

May mommy, may daddy, may kuya,may ate,may bunso…

Waging wagi yung mga moments na yung trato ng magkakapatid na Lim kay Maya eh parang kapamilya na talaga…

Of course si Abby, love nya na talaga si Maya, from the very beginning…

Pansinin nyo si Luke… parang Daddy nya lang!! palagi na rin naka Maya! Maya! Maya!… looking for a mommy figure ang bagets!

Nikki is slowly but surely warming up to Maya… konti na lang! at talagang Maya na rin ang bukambibig nya!

 

MARIA MAE INGRHAM
Aiza, judy and everyone in the cast is doing such a great job… Excellent story and not heavy like any other teleserye..

 

Kaya yung SEAL OF APPROVAL…madali na yun!!

Episode full of love…everyone is happy…think SC is “fallin”na on maya’s charm slowly by slowly kahit “feeling unaware”???kasi medio dominant ang character nya dito but may “lagkit”na yong mga “tingins”nya kay maya at puro”smiles”na nakakatumbling talaga…jackpot ang abs na pinagtambal ang dalawang ito…bagay na bagay talaga..feeling in love…no touch pa yan except sa “holding hands”……………kuteff family is so super also…mamang and lola,manang fe,sabel and doris and of course luke and nikki not forgetting loloand lola lim….eng,yamaguchi?looks like younger version of jackie chan…find him funny too…fred and joma still missing in action!!!!………….ok din pa texttext na lg si maya at SC hanggang wala pang boses si jodi…ang cute at ang saya siguro w/matching bulungans and tinginans….hay…kilig todamax….good evening kapit bisigers…hope na ok na ang new yorkers by this time…kapit bisig.

Initially, feeling ko dense si sir chief noong inabot niya ang pera kay maya but on second thoughts, employee pa rin niya si maya at siya ang boss.

Vocal naman siya sa pag appreciate ng mga ginawa ni maya para sa family niya, for abby especially kaya tama lang na bigyan niya ng bonus si maya to further show his appreciation

I think ang pag tanggi ni maya sa bonus will make him appreciate her worth not as an employee anymore but as a person

Kudos to the writers!

 

Parang misis lang talaga ang peg ni Maya ngayong epi na ito.

Si Sir Chief naman as in pinangatawanan na na nag favorite expression e MAYA. Ayaw pa kasing magising ni Ricardo para naman tumubling na lahat ng mga addiks dito. Na-overdose yata sa kape kaya nagpapaka-dedma lang sa mga pahiwatig ni Maya.

Si Luke naman parang mommy na ang tingin kay Maya aba ng mahuli ni Abby yung biik kay Maya kaagad pinagmalaki… kaya love ko itong si Sir Luke e.

At ang mga future-in-laws mukhang walang kontrabida… mukhang love ang ating PRINSESA Sana nga bumalik na si Donya Esme ng makita niya kung gaano kadaldal ang kanyang future-manugang.

Since tapos na ang birthday ni Abby at makakapagsalita na siya… sana naman saKILIGAN AT TUMBLINGAN PORTION na tayo. Kasi kung hanggang February na lang itong show nila kailangan ng mahaba-habang bitamina.

http://a.yfrog.com/img132/5066/m4t.gif

kumbaket kasi si sabel ang umakyat eh siya ang mas mabigat pasanin sa balikat.
madadaganan nya talaga si doris.

Screenshot (39795)

——————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7- 12 episodes

80  Date Aired: Oct. 31, 2012—Abby starts to talk and Richard thanks Maya for it.

Screenshot (39802)

Akala ko tuloy-tuloy na pagsasalita ni Abby, pero ok lang yun step by step lang at makakapagsalita na ng straight yan.

Napahanga lalo tuloy si Sir Chief ke Maya nung tinanggihan yung bonus nya, (ayaw nya akin na lang! ) hindi talaga lahat ng bagay eh nababayaran ng pera lalo na ang pagmamahal.

 

Nakiki Nov. 1 ang episode bukas, sabi na eh dadalaw sila ke Alex, move-on mode na talaga silang lahat.

 

Sana si Sir mag make move na ke maya kahit pasimple lang

Asan na ba si Simon, pabalikin na yan at i-pursue ng bonggels si Maya para maningkit ang mata uli ni Daddy Pogi.

 

 

Aaawwww! join ako sa sinabi mong yan

Palabasin ulit sa lungga si simon. I’m sure mas affected ngayon si daddy pogi kasi mas naa-appreciate na nya lalo ngayon ang prinsesa ganda … mas malalagkit ang mga tingin at mas matatamis na ang mga ngiti nya nagyon sa ating bidang yaya .

 

Tignan natin kung ano naman ang lalaruin nya sa computer pag nakipag date ulit si maya … at kung may mas iiksi pa sa mga one-liner nyang sagot noon.

Wawa naman si Jodi….nawalan na ng boses. So energetic at walang preno sa pagsalita kasi si Maya.

 

Si Maya – dapat araw2x daw ang bday ni Abby…..gusto atang ma bankrupt si Ser chief.

 

 

Ohh my! Gusto kong basahin ang iniisip ni Ser chief nung sinauli ni Maya ang bonus niya

Too good to be true itong si Maya sana marami pang katulad nyang mga yaya. Baka kasi maliit lang binigay ni ser chief kaya binalik ahihihi.. joke po.

 

Mas cute si ser chief pag less smile sya napaka effective nyang actor. There Something in him that able to communicate the audience kaya gusto din sya ng mga tao.

Yung nag aaral si maya sa oral exam nila….tsaka nilapitan siya ni Ser chief

 

Nakadistorbo ba daw?

Di kaya! Bitamina kaya yun ni Maya nang pa inspired lalo

 

 

Like ko yung scenes na nagsusulyapan sila sa isa’t isa

Ang mahal na hari napaluha sa saya pati ako feel na feel ko….

Yah right! Tama ka Maya.

Shareena Abdulhail
why maya voice so different haha

 

 

Gwapo pa din ni Ser chief kahit umiyak

Grabe naiyak ako nang bonggels sa episode ngayon!

Obvious na sobrang happy si daddy pogi, he’s shedding his tears while staring at Abby sleeping. Such a heartwarming scene to see!

 

Trisha Wood
love this serye so much i like the tandem of RIchard and Maya and baby abby so cute.ayan abby talk ka na sige na

 

At grabeeeee ah, ang gwapo ni Ricardo habang natutulog sya sa tabi ni Abby! Eh kung ganyan ba naman ang makikita mo sa tabi mo paggising mo sa umaga eh hindi ka mamilipit sa kilig?!

Kulet Ko
Another best episode, if that makes sense.
This show has a brilliant storytelling.
I have always wonder how and when they are going to show Abby’s healing (process).
And it happens on her happiest moments.

Nagtataka lang ako kung bakit di pinakita sa episode ngayon yung cheers scene nung mag-amo samantalang nasa preview yun, pero anyways, sagad pa rin ang titigan ng mag-amo habang nagkakape sa gitna ng gabi, halatang awkward mga moments nila pero kilig pa rin!

Sebi A
This episode is amazing! Ricky looks more guapo when he’s smiling.

 

Tamang-tama ang episode bukas, makiki-undas rin. Mukhang iiyak si daddy pogi pero let’s see.

Meron palang Nescafehan moment si Maya at sir Chief… At in fairness may advertisement pa via Magnolia fruit drink… Ibang level na talaga ang BCWMH…
Natupad din ang wishing ko na mag heart to heart talk si Sir Chief at Maya…
At ang bilis lang mag text ni Rafi ha… Kakababa lang ng fon may text na agad…
Sir Chief… Figure something out daw sabi ni Rafi… Repay her love na by loving her also unconditionally

https://www.youtube.com/watch?v=xeOlzecASww

THURSDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Wow, talagang nakakapagsalita na si Abby! Oo nga Ricardo, move on ka ke Alex, it’s about time na magmahal ng muli andyan lang sya oh, abot kamay lang!

first time “magkakakilala” si alex and Maya … unti unti nang ipapakilala ni ser chief na sya yung yaya ni abby … sa susunod na mga panahon ipapakilala nya as future stepmom ni abby, luke and nikki

 

Lucy Sure
The Lim Family starts to move on na…thanks to Maya..hayyy tom again, sana 2 hrs to everyday.

 

Di kaya tutulungan ni sir chief si maya sa mock interview niya?

Feeling ko kasi kunwaring iinterviewhin ni daddy pogi si maya

Sana meron para maipakita ni maya kay sir chief how intelligent she is

Dagdag points for yaya maya

I watched today’s episode 3 times already…. adik lang talaga

 

 

For me, the highlights of today’s episode are:
1. Rafi’s text that Maya has so much to do with all that has happened to Abby and that Maya is heaven sent. – I think dito na – realize ni Sir Chief that Maya is more than just Abby’s yaya because he acknowledged na kay Rafi nung tinext nya na “I know she has done so much for Abby and I don’t know how to repay her”.

 

  1. Sir Chief and Maya’s coffee moment. – Although Sir Chief is comfortable na sharing his thoughts kay Maya, si Maya ang medyo parang asiwa pa.
  2. Waking moment ni Abby and yun conversation nila ng Daddy nya. The scene was so heartfelt talaga that you could really feel Daddy’s joy that Abby finally speaks. Di rin nya pinilit si Abby to speak but Abby felt her Dad’s hesitation and she spoke to alleviate her Daddy’s agony. Such a sweet moment.
  3. Sir Chief and Maya’s talk sa Principal’s office. – Understandably, Sir Chief’s repayment of Maya’s care and concern for Abby is monetary. At this point, being her Boss, ito yun alam nyang way to show his appreciation and thanks to Maya. Pero syempre, kakaiba talaga itong si Maya. To the highest level ang prinsipyo nya sa buhay na ang pagmamahal eh hindi nababayaran.Looking forward to tomorrow’s episode. Sakto sa undas ang episode tomorrow.

Ang sweet lang nung eksena ni Sir Chief at maya together na nagkakape

Si Sir Chief mismo yung lumapit, hay tapos usap sila , may akward moment ng

konti lalo kay Maya parang naiilang siya pero eeeeehhhh ang sweet lalo nung mga

tinginan tapos ngiti nila sa isa’t-isa.ay unti-unti na to, basta kapit-bisig! Kasi

mas nagiging malapit na sila ..

Lucy Anne O’Carroll
Excellent episode again…Big thanks ABS-CBN for a great teleserye…super click tlaga ang tandem ni Jodi at Richard.

Ang cute nung eksena kanina, after ko magmoment nung sa mag-ama na nakakaiyak saka naman tawang-tawa ako nung naka-uniform si Maya at akala lunes at me pasok tapos tawanan yung mag-aama, ang cute lang para na talaga silang one big happy family.

Tama ang saya saya nila lagi kaaliw lalo nung sabi ni maya wag na daw pigilan ni abby tumawa na rin daw siya parang si daddy.hehehe tapos pinaupo na siya ni sir chief para magbreakfast,hehehe

Well, sa epi today… may ilang senyales na….yung mga palitan ng patagong pagsulyap habang nag kakape sila…yung hindi maiwasang magkatitigan…

Yung tingin ng Mahal na Hari sa nakatalikod at palakad nang palayong Mahal Na Prinsesa…

Yung moment na yun … yung tinatanaw habang palayo ang prinsesa … that spoke volumes for me!

Para sakin tumigil ang takbo ng orasan …kasama na ang pulso at pintig ng puso ko!

Laking galing na nga ngayon mag-act ni Richard Yap compared to before. He acts with his eyes and minimal facial expressions na. Very natural ang dating. Who’d have thought that someone who never acted before in his life could quickly grasp the nuances of minimalist acting di ba? ^_^

And it sure did help that he had workshops with Nonie Buencamino before BCWMH started…. learned this from his tweet….

Innate talent + top caliber mentor = awesome performance!

Hats off to Richard Yap!! Bravo!!!

Evangeline Henriksen
Ano ba yan nakaka iyak!!!t tama si Maya kung tatanggapin niya yong bonus para na rin nag pa bayad siya sa
pag mamahal niya,love this teleserya!!!!

 

Red Queen
Yey! Abby is talking she is super cute.

Hehehe…sobrang loaded nung sagot ni Maya na kung tatanggapin niya yung bonus para syang nagpabayad sa pagmamahal niya.

Pagmamahal, Maya? Pagmamahal kanino? Can you please clarify?

Sabi ni Dr. Isidro pwedeng reason din kung bakit nakakapagsalita na si Abby kasi she has already managed to overcome her loss.

Si daddy pogi din nakakangiti na sa puntod ni alex –
dahil din kaya he has already managed to overcome his loss?

Maya, ikaw na ikaw na ikaw na nga!

Tignan mo nga ineng, ang buhok mo at baka naaapakan mo na sa sobrang haba!

Kasi naman di ba si Maya sobrang tamis ng smile nung sinasabi niya yun at kumukutitap ang mga mata! masasabi mo bang she’s referring to Abby only? Gosh! Her heart was really in her eyes!

AMPARO MENDOZA
nkkiyak itong episode n to sobra pgmamahalan bihirang mkita sa isang family. ang galing ng character ni maya at richard.

 

 

Parang gusto kong sabihin kay Sir Chief: GAAAHHH! Pare, di pa ba obvious yan??? x-( but of course, that’s the beauty of this series. it’s not just the destination, but the journey as well. ♥♥♥ 🙂

Feeling ko lang pag naging sila na, alaskadong todo si Maya kay Sir Chief. kasi nga tingin ko medyo nagkakakutob na rin siguro siya pero nga he doesn’t think about it coz employee ang tingin nya kay Maya ngayon. but once his eyes are opened, maaalala niya torete and tulala moments ni Maya and malamang tutuksuhin nya yun. para lang yung pangungulit ni Richard kay Jodi. 🙂

Sana may epi in the future na si SC magpapa make-over kay Maya! Pero mas kilig kung ibang tao eh, yung may eksena na pag nakita nang biglaan ni daddy pogi si Maya eh mabibighani talaga sya (just like nung pag-open ng pinto ni Maya nung tinreat sila ni Rafi ng spa, pero mas kabog dun) na kumbaga kung pwede lang tumulo ang laway nya sa harap ni Maya ay gagawin nya, parang ganun!

Sige pakiligin ko na lang sarili ko

Nakakatuwa talaga yung nagiging initial reaction na ng mahal na hari na lapitan ang prinsensa tuwing nakikita na niya ito, kahit wala naman ipapagawa o itatanong. parang teens lang kapag pumoporma at nagpapaporma~

187

http://i18.photobucket.com/albums/b110/eblapuz/IMG_0045.jpg

http://i18.photobucket.com/albums/b110/eblapuz/IMG_0042.jpg

Screenshot (39799)

——————————————————————————————-

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

81  Date Aired: Nov. 01, 2012—Richard decides to visit his departed wife together with the kids and Maya.

Si Ser Chief na pilyo mag interview habang naka PURPOL!!! Barney peg. hahahaha!!!! may nalalaman pang pahawak hawak kay Maya! at ang mga smile smile niyang ganun, JUSKO. pano naman makaka concentrate ang Maya niyan??!!

 

GIFMaker.org

Pero Ser Chief, bukas ay ikaw naman ang matutulaley!!!!

Ang tagal ng bukas …

Sinuot na ni Maya yung dress na binigay ni Rafi! KABOG ANG BEAUTY NI MAYA! Nabighani ang mahal na hari!

“Yaya is so pretty!” KOREK KA ABBY! Ipamukha mo sa daddy mo yan!

Marlene Blasco
This episode is the most touching one. I cried!!!

Bumalik na si kuya Joma! YESSSSS!

Nice moment for the family yung sa puntod ni Alex, wala na yung sakit ng pagkawala nya..

Eh ako man interviewhin ni Sir Chief eh baka bagsak na ko, di ako makakapag-isip ng diretso noh!!!!!

Oh my gee!!!! Ang episode bukas baka di ko kayanin! eto na ang umpisa mga adiks!!! kapit-bisig na tayo sa kilig!!!!
Pero sana may blazer yung damit ni Maya syempre job interview dapat business attire, pero ang ganda nya ha! Ewan ko lang sayo Sir chief pag di ka pa nahulog nyan!!!!

 

Parang nagyayaya lang sa kama si SC habang tinatawag nya si Maya ng “Ms. Dela Rosa”! Sana pag naging sila tawagin rin nya si Maya minsan nang ganun, pang-asar lang.

Kung ganyan ka gwapo mag i-interview sayo mauutal at ninerbyosin ka tapos Hahawakan kapa sa braso!!!!
Nagbalik na si joma
Wapak bukas ang ganda !!!!

My fave scene today ang pinag praktis si maya ni sir chief ng kanyang mock interview. Sobrang kinabahan si maya at di maka concentrate sa mga tanong ni sir Sir Chief. Natorete si Maya :lol

 

Winner ang smile ni sir chief sa nakitang pagtaranta ni maya.

Sabay hawak sa kamay ni maya to assure her.

Its just me maya…Èeeeeeeeeeeeeee…….

Parang flirt kasi si SC dun sa pagkakatawag nya, may endearment kasi eh, kaloka!  Eh sinamahan nya pa nung hawak sa kamay ni Maya, eh di lalo akong naloka!  Gusto mo rin pala, masaya kaya yun!

Naninibago ako kay Abby, nakakapagsalita na ang loka!

 

Mukang pag sumakay na sa kotse si maya mawawala ang concentration ni Ser Chief

Waaaahh gusto kong sumigaw,tumalon, lumipad kahit madaling araw pa dito sa amin.

Enjoy at kilig ako sa pag practice ni MayA at Ser Chief…kahit wala sa concentration si Maya

Ser Chief: MayA, relax ako lang to (sabay hinawakan ang braso) waaahh sooooo kilig.

Ayuun!
Abby: Daddy, yaya is so pretty!
At uu nga kasi tulala si Ricardo… Sooo cute

 

Ayan na!
Yeheeyy! bumalik na si kuya Joma.

Honey pala tawagan nina Alex at Ricardo….
Ano kaya pag sila na ni Maya????

https://www.youtube.com/watch?v=lgdwW9ScIds

Friday teaser

Tama ka baby Abby Ganda ni Yaya kaya Daddy mo tulala
Ang iksi ng teaser ha?! Sing iksi ng damit ni Maya

Good luck sa pag mamaneho daddy pogi

Abby: Yaya is so pretty.
At kinampanya talaga ang yaya sa daddy niya.

Match maker lang ang peg ni Abby..

 

Di ko pa napanood ang epi ngayon pero di ako maka get-over sa teaser

Kung saan pa nakamove on na si ricardo atsaka lumabas ang pagkaganda gandang si yaya

Sino kaya ang kakanta ng torete next week?

Aww sana naman hindi sa super huli yung scene na so pretty si Maya sana sa gitna ng epi para hindi masyadong bitin..

Juice kupunaman! nakakatuliro ang mga pangyayari sa mansion ngayon … nagsasalita na si abby (ang cute cute cute lang ni abby pati boses nya)

 

… yung mock interview! susmio!!! parang ako lang si maya … natutuyuan ng laway. sabihin ba naman ni ser chief na “maya ako lang to, wag kang kabahan” sabay hawak sa arm …

… eh yun nga yun ser eh! ikaw nga kasi yan kaya nawawala sa sarili ang maya! gets mo? o di mo gets? o ayaw mo lang i-gets?

… at yung abangan – maygassssssss!!!!!! eto na! eto na talaga!!!!Tulala si ser chief

 

Lucy Anne O’Carroll
Sabi ni Abby. Daddy Yaya so pretty….wow approved c Sir Chief ky Abby, na mesmerize tuloy c Sir Chief….super duper na tom episode.. Joma comes back.

Ngayon ko lang pinapanood yung eps from Tuesday to today. Nakakatuwa yung birthday episode! Family talaga ang dating nila. Ang galing! You can almost forget that they’re only actors playing the part of a family. Even Noel Trinidad and Marissa Delgado who play the grandparents have chemistry with them. Genius talaga ang kumukuha ng actors for this series. For some strange reason, they just jive.

And the scene when Abby finally talked! Di ako iyakin sa mga napapanood ko pero na-touch ako ng sobra when I saw their expressions. So naturally happy. Dama mo talagang mahal na mahal nila si Abby.

 

I think Abby is actually the catalyst for the transformation, not just of the Lim family but of Maya as well. In the beginning when Maya first joined their household, mabigat ang atmosphere. I think it wasn’t just because of Alex’s sudden death years ago, but because Abby’s condition prevented them all from moving on. Every time they saw Abby they remembered what caused her mutism, which was Alex’s death.

But the improvement in Abby’s condition also slowly changed her family. Her healing is actually their healing as well. Abby from her mutism and Sir Chief, Luke and Nikki from their depression and grieving. I think that’s what will truly endear Maya to them. She stood by Abby and patiently nurtured and loved her so that she can move on. So yung pag-aalaga niyang ginagawa is actually of the whole family.

Sebi A
This makes me super duper kilig! Looks like everyone is happy now. Maya so pretty…I can’t wait for the next episode. Thank you BCWMH staff for making us happy. God bless!

I also believe this is the turning point of Maya and Nikki’s relationship. EVer since I started watching the show, I never really saw Nikki as a brat. Instead, I saw her as a young girl who lost her mom too soon and found herself struggling to take her mom’s place in their family. Di ba nga nung unang dumating si Maya, abalang-abala si Nikki sa pagluluto ng kare-kare for her dad’s dinner? And she was doing her best to take care of Abby. Kaya siguro there was initial mistrust on her part when Maya came. Plus the fact na ang personality nya siguro is the kind that doesn’t immediately take to people, unlike Maya na Miss Congeniality at chummy agad sa lahat. Siguro akala niya kay Maya katulad ng ibang mga yaya ni Abby na walang malasakit. But this moment will most probably help her see Maya in a new light. Congratulations to Janella Salvador in this scene. Her acting was very sincere.

To the writers and directors: Keep up the good work! Galing nyo! Sana lahat ng Filipino TV series ganito ang quality.

 

Evangeline Henriksen
what can I say !!!! love it love it,,ang sexy ni Maya can`t wait for tomorrow,s episode…

 

Haaay, juskho, para na naman ako loca sa episode today . Grabeeeeee na talaga, parang bagyo na walang warning)

Ano kaya ipabili ni ser sa kanyang secretary? Cellphone for maya?

Oy, ser chief may pahawak hawak ka na ha,)

Ano kaya kung mag kiss na?

REBECCA LARAMAY
Ayan, Maya’s beauty is showcased na. The upcoming episodes are going to be really full of kilig moments.
GREAT show!! Nakaka addict talaga, I’m so hooked.

Paano kaya kung habang nagdadrive etong si Sir Chief eh pasulyap sulyap siya kay Maya sa salamin tapos si Maya naman, titingin tingin rin. Tapos mahihiya si Sir Chief kaya magbubukas nalang siya ng radyo tapos ang tutunog eh yung Torete tapos lalong magiging aligaga etong si SC hanggang sa tanungin siya ni Maya.

“Sir Chief, okay lang po ba kayo?”

“No… I mean, yes! Yes, I’m okay. It’s about work.”

Ang mahiwagang palusot ni Sir Chief.

WORK.

Lara Pasana
patay..”ako lang to”..the more she gets nervous…:)

Pakiligin na naman daw ba ang sarili?  Why can’t this day go any faster?!

Torete on the radio. Pwede rin naman na “The Way You Look Tonight.” Kahit umagang-umaga, pwede na rin.

WORK. “Ang mahiwagang palusot ni Sir Chief.” So true-lalu!

Daming pangyayari ds week…

1 nakapagsalita na si abby
2 move on na ang Lim family
3 bumalik na si kuya joma
4 at parang mahuhulog na, matotorete na ang mahal na hari sa ating prinsesa

Pinakahihintay talaga natin na makapag make over si maya
lalong lumabas ang kagandahan niya

Oh yes!

Sarah Salenga
so happy nagsasalita na si Abbey, super galing ng story very wholoesome……congrats to all!!!!!

 

 

WORK – ang mahiwagang palusot ni ser chief

ABBY – ang mahiwagang palusot ni maya

Kayo na ang hari at prinsesa ng palusot

Maya : “awat naman kasi sa pagngiti, Sir Chief!!!!”

Favorite line ko sa epi today!
“Goodbye honey!”

Akin naman ay, “It’s all right, Maya. Ako lang ‘to.” WITH touching Maya’s forearm..

Gladys Casabuena
very unusual love story yet kind a realistic. this teleserye, I don’t like it! but I LLLLOOOOVVVVEEEE it!!!!!

Wow…. Ganda naman ni Maya…

Now nagsasalita na si Abby…. Tingin ko mabubuking na si Maya…

Siguro si Abby ang magiging bridge ni SC at Maya…

Bibilhan yata ni sir chief si maya ng new phone! Uuuuyyyy!

Yeah mukha nga kasi nakita nya na jurassic yung phone ni maya, hindi na makakuha ng signal!

Episode for tom, Kaabang-abang tulaley ang mahal na hari, ayan na…lapit na, ngayon pang super move on na si SC ke Alex..

 

I. Gibson
LOL kasi nga awat na sa ngiti Ser Chief!

Sana nga naisip talagang bigyan ni SC ng bagong celfone ang Mahal na Prinsesa…

Tapos yayain na rin nya kahit lunch or snacks after class… doon nya ibigay yung celfone…

Tamang tama kasi bihis na bihis ang ating Mahal na Prinsesa!!

Hindi naman alangan!!

O hayan ha? hindi naman masyado asyumera yan!! parang binibigyan lang ng ideya yang si Ricardo!!

Oo nga eh. Akala siguro ni Sir Chief reassuring yung pag-smile nya at paghawak sa braso ni Maya. Di nya alam mas pinalala niya yung taranta at pagkawindang nung isa.

Pero napakalaking improvement ng treatment niya kay Maya. Now, he can genuinely smile at her and considering he’s such a private and reserved person, the fact that he’s now comfortable with touching her means a lot coming from someone like him. !

I like the way the writers are taking this…slowly but surely.

Maganda rin yung sinabi ni Sir Chief kay Maya na “We all worked hard to make her happy, especially you.” Sobrang acknowledgment niya at pasasalamat kay Maya with matching smile. Si Maya naman tuloy, as usual, tulala. Di makasagot at lumipad na naman ang isip.

Pero turning point na nga yata eto. Kasi nung tinanong ni Maya si Manang Fe kung papano si Alex nung buhay pa, parang may nagising sa isip ni Maya habang kinukwento ni Manang Fe. Like she had a realization about the kind of woman that can win Ricardo’s heart.

Speaking of Manang Fe…I just love how she loves her Ricardo! Sobrang proud yaya siya talaga!

Bat ako naiiyak everytime abby speaks?

Overwhelmed lang siguro ako. Kasi nakakadala ka bata!

Maya! Bat kinakabahan ka? Eh sanay ka naman humarap ah.. Ay si ser chief kasi! Tapos hawakan ka pa? Eh tignan lang kung di ka mawindang!

Bukas si ser chief naman ang mapapanganga.. Sabi nga ni abby.. “yaya soo pretty!”

I just want to believe that Ricardo is finally on his way to letting go of Alex…

And tama si Manang Fe…. kung makakabitiw na si Ricardo kay Alex… makakahanap na siya ng bagong mamahalin…at hindi na siya mag-iisa!

Bbut before that…..

Napansin ko lang ha?? (asyumera nga kasi!)

Parang mag konting kurot sa puso at bahagyang selos sa mukha ni Maya matapos marinig kay Manang Fe kung gaano kamahal ni Ricardo si Alexandra…

…pain just etched her face…. split second lang..but it was there…

PEro bumawi rin naman agad!

 

Kulet Ko

So much goodness all around.

I was giggling so much during the practice mock interview.

Oo nga, pati yung sinabi ni Manang Fe yung characteristics ni Alex na pino kung kumilos at magsalita si Alex parang natigilan ng konti kasi very opposite nya.

Uy. Di asyumera ha! Napansin ko rin yung expression na yun ni Maya. Parang alanganing mangingiti na maiiyak ba nung narinig niya just how much Ricardo loved Alex. At may longing na sana mahalin rin siya ng ganun. Hayyy buhay….

Kaya nga tingin ko this conversation made her realize that if she wants to win his heart, something has to change and she can’t act like a schoolgirl-yaya forever. Tingin ko yun ang trigger kaya ang ganda at elegante ng bihis niya the next day. Para ba ipakita kay Sir Chief that she’s so much more than just this girl that he hired to take care of Abby.

Danda ni Maya  Fresh-freshan…Ano kayang klaseng phone bibilhin ni Sir Chief? Sana Iphone din para Couple’s phone…

Tingin ko si Joma ang papag-drive ni Sir Chief. Para siguradong buhay silang lahat na makakarating sa mga pupuntahan nila. Hahahaha!!!

diba ihahatid muna nila si Abby? tapos sila na lang dalawa sa car, syempre sa harap uupo si maya, naku lalong iigsi ang suot ni maya! sir chief ang mata ha, sa kalye hindi sa legs ni maya!

Ehh yung bumilog yung mata ni Sir Chief nung nakita si Maya~

And parang medyo possessive na siya sa pagiging ‘sir chief’ ni maya ah. chos.

Yay! excited na ako sa ep bukas! yehey!

Uy sir chief wala sa interview ang paghawak sa kamay,,hahaha ang the moves, sumisimple,nakakaloko yung mga ngiti at tingin mo,kilig,hehe

Nice to know that SC is really comfortable and totally at ease with Maya!

Itong ating Mahal Na Prinsesa ang lagi na lang tulaley!

Pero getting even and drama nya bukas!!

Your turn na matulaley Ser Chief!!

Babaliktad ang mundo bukas: Si SC ang matutulaley nang bongga!

Abby ha! Sana naman wag mo pa maiconnect the dots yung stories ni Maya sa real life happenings. Baka ngayong nakakapagsalita ka, maibuking mo na lahat.

Gusto ko talaga yung si Sir Chief at Maya lang muna yung may alam sa mutual feelings nala… I recall all the imagined stories here about the patagong date, texts, meetings sa principal’s office… KILIG.

Screenshot (39797)

——————————————————————————————-

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

82  Date Aired: Nov. 02, 2012—Lo and behold Yaya Ganda!

 11-2

Tulaley ang Mahal Na Hari!!!
Relax Sir Chief!! It’s just Maya!!!

Mesmerized! Dumbfounded! Speechless! Catatonic! Paralyzed!
— status ni Ricardo!!

Ricardo!! Ang mga mata mo kung saan saan nakakarating!!!

http://a.yfrog.com/img836/7353/y5o.gif

GIFMaker.org

 

If you love  me  like you tell me ……… Or my world will fall apart.

Yesssss pinatugtog nanaman ang Please Be Careful With My Heart!

Pamela Farrales
I just love BCWMH, so heart warming, relaxing and fun to watch

Grabe pala talaga ang pagka-igsi nung dress na bigay ni Rafi  pero good for SC

Tingin pa sa rearview mirror! Patay!

Papasok si Maya sa intership program…

Cellphone nga ang pinabili ni Sir Chief for Maya

Start na rin ng internship ni Maya…. ito na yun start ng pagiging finesse kumilos ni Maya

Nakow!!! Eh pumayag naman kaya ang Mahal na Hari??

Pag nagkataon!!

Kayanin kaya nya yung mas madalas na makita ang Mahal Na Prinsesa na nakabihis at ang danda danda? Ihahatid kaya nya palagi?

…Sana pumayag siya… tutal naman, OK na si Abby… at ngayon eh sobrang kulit lang!

Heto na! heto na talaga!

 

Unti-unti..hindi na magiging alangan ang ating Prinsesa sa Mahal na Hari!

ABS, can we have an extension way past Feb please?! I want to see every single stage ng relationship nila…yung tipong hanggang sa magka-babies at magka-babies sila…hahhaha..so another year please.

Hay ang effect ng today’s episode sa akin… panigurado! madadalas ang tawagan at palitan ng text messages

 

Sana lang.. mas sweet na Daddy Pogi yung tatawag at mag tetext…hindi yung aburidong masungit na seloso!

Yessir!! Maya is awesome!!!

Go Abby! dapat talaga lagi mo remind si Daddy how awesome Yaya is!!

GIFMaker.org

 

*Kami dito sa bahay parang fiesta lang, nood lahat ng tao, hinto ng trabaho, with matching pica pica na parang sa sine nanood*

 

Yeah extend extend extend! Gawin ng parang daytime soap in America. Ongoing….

Pero dapat talgang past feb kasi sa trailer haba ng hair ni Abby… It has to at least be that long – without extensions – before series ends (trying hard to give good reason…) then again better to end on a high note din…tapos take it to the big screen. Yung movie gawing annual series lol.

Since papasok na si Maya sa internship program, malamang wala sya masyado sa bahay pag nagkataon, ibig sabihin si daddy pogi aligaga!

Virginia Moran
Love Jodi, she is an amazing actress, she really played the part well, same as Richard. Thanks ABS-CBN and all the cast and most of all the awesome group of writers to brings us the wonderful telesere…even how many times been watching all the episodes, still love it…thanks a million for giving us hope, love and faith especially for kapamilia

Tawag kay Maya dito, doon, tapos gagawing excuse: si ABBY.

Sooooows SC! Aminin na kasi!

 

GIFMaker.org

Usapang extension ba kamo beyond Feb 2013?
Di ba sabi ni Maya 2 yrs pa ang kailangan niya para makapagtapos? Pwede bang totohanin na yun? Kahit 1 yr lang?

Marilyn Seaward
aarangkada na si Maya and Ser Chef started to noticed her beauty 🙂

Kung gusto nila, gawin na nating mala-7th Heaven ito. Family focused naman ang show eh, healthy kumbaga. Puno pa ng good vibes.

I looooovvveee the episode today,kunyari ka pa Sir Chief, sungit mode ka pero aminin mo na, gandang-ganda ka ke Maya! tulaley ka nga eh!

Si Abby nakakatuwa, nung nakakapagsalita na, na-adapt ang pagkadaldal ni Maya, hehehe.. sya magiging tulay ng ating lovebirds!

Sebi A
Yes Maya is awesome Sir Chief! Love is in the air…Please bring more kilig to this serye. Feeling good after watching this episode.
Ma Theresa Buga-Ay
Nabighani ka Sir Chief, ano? 🙂

 

Sa internship na yan, palagay ko lang ha, me magkakagusto ke Maya dun, para matorete ng husto ang ating mahal na hari!

Ok ka lang Sir Chief?

Mr. Sungit nanaman ang drama nito.

Sabagay kaka miss din ang pagiging sungit niya. Mas lalo nababasa ang nararamdaman ni sir chief.

Defence mechanism.

 

Marinela Nolasco
Start of something big na bagay na bagay si sc at Maya

 

 

At bakit ba init na init ang dugo mo dun sa dress na bigay ni Rafi? Hmmmmm??? affected, Ricardo?

Yung minsan nagtataka na ako sa tindi ng mood swings ng ating MahalNa Hari…

The night before lang… ang landee landee nya…parang nakakalokong makangiti… nag-eenjoy habang alumpihit at aligaga ang Maya… (well, at least nagka idea si Maya kung ano yung mga possible questions being asked in an interview…)

GIFMaker.org

 

Pero nung morning… nakita lang ang mala dyosang Maya… tulala naman… parang bawal ngumiti… tinatanong kung OK lang suot ng Maya…humirit ng one liner.

“That will do.” (sa tonong hindi naman masyadong convinced!)

Merl Alvero
I really like Jodi as an actress, and I have seen her grew up way back from Tabing Ilog to here. I must say she is a very good actress. And Richard, though relatively a newbie, he’s doing good; gifted with very nice speaking voice, handsome face, nice body, a good singing talent as well, I think he will go a long way. Hopefully, this series itself will also go a long way without losing its original flavor and charm. I must confess I never watched any Filipino telenovela, but I found an exception. I am glad I discovered this from FB! Thanks, ABS-CBN!
Evangeline Henriksen
Ang Ganda ni! verynatural ang beauty niya at si Sir Chief natunganga tuloy thanks tfc.t

Tsaka…bakit kailangang magsungit?? sana dumating na yung mga moments na sa halip magsungit eh mas sweet and tender and loving na Sir Chief na siya…

I’m close to having a nervous breakdown everytime na iba yung tono ng boses nya! nakakataranta!

Sir Chief! Please Be Careful With My Blood Pressure!!

Wow! Well done Maya!

Malamang very very good ka kay Ricardo.

Word for today…”Ingat ka.”

Marlene Blasco
This is my very first teleserye also. I share your sentiment. My girlfriends were talking about it that I decided to join the fun! And, I have not watching it since.

Naman! hinatid talaga si maya sa skol…very protective yung mahal na hari

Tindi kung makatingin si Ricardo sa magandang si Maya…parang hubby lang ang peg niya…sooo kilig!

Is it me or talagang going south yung mga tingin ni Ricardo habang nasa kotse at hindi pa bumababa ang Mahal na Prinsesa??

Ay! kaiksi naman kasi ng coral dress na yun!!

Lagot si Raffi!!

 

Kulet Ko

Yet another best episode! Maya well done. 

Jodi is such a natural beauty. She was exceptionally stunning on the dress. 

It’s nice to hear Abby talk. I’m still surprised when I hear her talk. 

As for Sir Chief, feelings are definitely there, blossoming for sure but the journey is still a very, very long and winding road.

Sinabi mo napansin ko din yan sis as in parang iniiwasan ng Mahla na Hari na huwag tumingin kaso nahihirapan siya.

At ang pagkatulala grabe at sobrang protective kay Maya… tumbling talaga ako sa kanya.

GIFMaker.org

ANN LAYON
I like the show very much but my only comment is that your visual effect is not clear and I am kind of disappointed by it. If you can improve that it would be perfect. It is so hard to watch the show if it is blurry. I like all the cast in the show specially Maya, she is so great and act so naturally. I could say she is awesome in that show. I never commented in any show but I have to say that she is so wonderful in her being a yaya and also I like this show because there is no violence or any bad words and I don’t mind my grandchildren to watch this.

At naiyak ao sa interview ni Maya kasi pinakita lang niya sa mga interviewer kung gaano siya kapursigido to make her dreams come true… IKAW NA TALAGA MAYA ANG ROLE MODEL.

Jabez Benedict Mencias
ganda talaga ng episode na ito…sarap ulit ulitin..

 

 

Nakikipagtagisan kay JL-Bea si Maya at Ser Chief sa pagpapakilig di kataka-taka natatalo na nito ang EB

Ang gusto kong mangyari ay pagkapasok noi Maya sa internship program, may makilala siyang makisig na piloto na magpapaselos ng bongga kay Sir Chief. May itsura naman yung interviewer, pero tingin kong mas okay kung piloto ang karibal ni Sir Chief haha!

Yes! The transformation that we’re all hoping for is starting! At may internship! Yan ang maganda. Maya’s horizons are now expanding. For quite a while now, puro pagiging yaya at student lang ang buhay niya pero ngayon, she will meet a lot of people. At mag-i-improve ang self-confidence niya. Mas magiging exciting na!

Tamang-tama rin naman ang timing ng unang physical transformation niya na nakita ni Sir Chief coz di parang magiging pilit ang takbo ng pag-fall in love niya eventually kay Maya. Since he’s already learned to appreciate her as a person, he can start to appreciate her on another level.

Pero halatang nabigla siya nung nakita niya si Mayang bihis na bihis. Di niya talaga akalain na maganda pala yung yayang nakuha niya for Abby. Pano naman for the longest time parang Manang Fe lang magdamit etong si Maya. hehehe.

Nakakatuwa rin when he decided to just bring her to school and was very solicitous for her welfare. Talagang “ingat ka” lang naman. Nag-beautiful eyes na naman tuloy ulit si Maya sa tuwa. (Does Ricardo even realize what he does to Maya everytime he becomes nice and smiles at her??? ) Nag-alala rin siguro siya nung nakita niya kung pano tingnan si Maya nung mga tambay. Pero talagang shocked siya sa itsura ni Maya kaya talagang tiningnan pa ulit sa rear view mirror niya! Baka naniniguradong di siya namalikmata at si Maya nga yun.

But for a moment there while Maya was about to get out of the car, akala ko masisira na naman yung seatbelt. Naisip ko tuloy, patay! Pag tinulungan na naman ni Sir Chief si Maya sa seatbelt baka mawindang na naman ang Maya! Sira ang interview!

Carla Palmer
i love watching this episode…nice to have a crush then blooms into love…

REBECCA LARAMAY
Pang ms universe beauty ni Maya and it looks like sir chief agrees. Completely blown away siya. Love this show. Have to wait for Monday pa.

Talagang gustong gusto nating mga adiks na ang Mahal Na Hari ay…

…nagsusungit……nag-aaburido…nalulukot ang gwapong mukha…dahil sa selos!!

At kaisa nyo ako sa pag wiwish na sana nga pumasok na ang isang magpapaselos ng bonggang bongga dyan kay Ricardo…

And I hope when that time comes…he will do something about it!!!

 

GIFMaker.org

Gaya nang….

Guarding ala Jaworski… bakuran ang Mahal Na Prinsesa, anywhere anytime!… gawan lahat ng palusot yung kanyang pagbabantay!

Haannnnng cute nya kasi pag medyo nawawala siya sa sarili!!

Red Queen
I love this teleserye! Very consistent yung storya! Ang daming lessons na natutunan. Super nakakatuwa ang mga characters especially Maya. Super nakakakilig din si Sir Chief and Maya. So cute ni Abby especially now she is talking.

Now the LOVE story of Maya and SC begins….

And Abby will be a part of their Love story now that she is talking already…

Kilig to tha Max…

Nakikita ko na madameng ibubuking si Abby sa dalawa…

I find it cute pag nagsusungit si sir chief. Especially if it has got to do w/ Maya.

Ka excite makita ang transformation ni maya from probinsyanang yaya to a career girl na may finesse at may confidence sa sarili.

Pero wag naman sana mawala ang personality ni Maya.Ayoko mawala ang makulit na Maya.

Yikes! Yang lagay na yan, ni wala pa ngang actual move si Sir Chief. Puro sa side ni Maya pa lang. To think ang pinakita niya pa lang is mangha at gulat sa natatagong ganda ni Maya, tuma-tumbling na mga tao sa kilig. Baka pag on the offense na talaga ang Ricardo, himatayin na ang lahat. Pati si Maya.

Siene
Awesome!….Maybe not the ideal love story, but definitely the best!:)

Kwela talaga pag complete ang three musketeers, Doris, Sabel and Joma….

Sabel & Doris: Ang sexy naman ni Maya.

Sabel: Kaya ko rin suot yan damit no…

Doris: Kaya mo, di naman kaya nung damit no.

Joma said something pero di go gets sabay tawa sila ni Doris.

Tanggapin kaya ni Maya yun cellphone? Kasi yun bonus di nya tinanggap parang same lang yun cellphone in exchange of bonus…

Eh yan ngang nagsusungit at aburido pero wagas magpalusot!! Tumbling na at ngatngat duster tayo sa kilig….

Eh paano na kung yung super sweet, devoted and oh so loving na manliligaw na ang Sir Chief????

 

Emma Robles
The best show…kakakilig…bagay si Maya at Sir Chief 😉

 

Done watching…di ko rin nakita yung bigayan ng celphone…..or baka sa Lunes pa yun….paktay kang Maya ka……ayan sayo nga nagmana ang alaga mo ng kadaldalana…..

ABBY-Who is your special someone? Nagmana sa ama marunong magtease…….mabibisto ang lihim ng mahal na prinsesa bwahahaha

Pinanood ko na ulit. Teaser nga pala for Monday yung cellphone bigayan moment. hehehe.

 

GIFMaker.org

In fairness to Sir Chief’s comment pala about the dress, di nga naman corporate ang style niya. Mas bagay sa gimik or party yung dress kaya justified naman yung hirit niya na about first impressions and if Maya had another dress. Pero buti na rin may cardigan si Maya. Nabawasan ang kaseksihan ng damit niya.

Ang tagal ng minamaneho nung kotse, kelangan ba talaga kaninang ayusin ang rear-view mirror?

Kung sabay manliligaw si Ser Chief at Luke, sino kaya sa kanila ang mauuna na magkagirlfriend?

Maria Luz Malungcot
super keri nila talaga itong show na ito! awesome characters portrayed by Richard and Jodi. clean teleserye as well. 
Truly can’t wait for the next episode on Monday. keep it up ABS!

 

Zenaida De Leon
What is this?What is happening to me?I hope it’s Monday na!Congratulations all you wonderful people who conceptualized,produced and put it altogether from the smallest actors to the main lead roles BCWMH!!!!

Baket parang gustong gustong nakikita ni sir chief na aligaga, kabado at natuturete etong si Maya?? Ang gwapo gwapo ng mga ngiti tapos si maya naman hindi malaman kung ano gagawin at san haharap! Nakakaloka! At ang pagpasok ng pambansang theme song saktong sakto sa paglabas ni maya! Nakakakilig lang talaga! Can’t wait for monday!

Kudos to the writers!

http://i1305.photobucket.com/albums/s559/gorgeousgeek07/s6.jpg

http://i1305.photobucket.com/albums/s559/gorgeousgeek07/s7.jpg

Whatta reaction!!!

Uy si sir chief kunwari nagsungit after para hindi halatang natigilan at natulaley kay Maya ganda..pero ang mga mata di maiwasang tumingin,, gusto ko yung inihatid mo pa talaga siya sa school at inayos ang mirror para makita si Maya?!hahaha

Oh my geeeeeeee!!!! Just finished watching… Sir Chief ha!!!!!  Ang ganda ng mood niya sa kitchen table, tapos nung nakita si Yaya Ganda biglang tiger mode.  Ikaw na Sir Chief! Ikaw na ang magseselos at magiging protective ng todo todo.

GIFMaker.org

 

Sana nga palaging ganyan outfit ni Maya sa internship….hahaha …

“….imbes na nagjeep po ako, ngtricycle ako…”
dapat
“…imbes na nagtricycle ako, ngBMW ako….gwapo pa ang driver ko….”gustong gusto ko talaga yung interview portion ni Maya at sir chief
baliw din kasi tong si sir chief eh,,hehehe yung mga ngiti niya
at pacute kay Maya, ay kiliggggg ,haha kahit aligaga si Maya at namamali-mali
ng sagot..,

Gina Daco
heto na ang kilig moments, can not wait for the next batch. See you next week.

 

Rochelle 2
this is such a cute show now! abby is talking, and so cute too! i too cannot wait for monday, i love how abby asks yaya questions!!! this is definitely the best show now, and my new favorite!!

Doris: Ang ganda di nakukuha sa isang tulugan lang yan…
Sabel: Patingin nga, asan ang ganda dyan?

Etong dalawang to, they never failed to make me laugh…

Abby: What is your name?
Maya: Maya Dela Rosa, Mam…
Abby: Who is your special someone?
Maya: (hiya mode)

Mukhang mabubuko na si Maya . Si Abby intriguera din ha.

Musta naman ang titigan portion kanina. Tulo-laway si Sir Chief

Same thoughts with fake Florante. Cute lang siya sa malayuan… Kaya laging malayo ang shots niya. Ano kayang height ni Sir luke? Tangkad niya with his age.

Is it just me? Na-touch ako sa interview ni Maya… teary-eyed ako kanina… the fact nung una eh parang minamaliit pa siya

Gusto ko yung ideas nio mga sis na sana may makilala si Maya sa internship na poging Pilot….tapos magiging friends sila.  Para ganito si Sir Chief

Ako din! Aprub! sa internship ni Maya may super gwapo na pilot na ma meet niya

at nang sisingkit ulit tong si Ricardo sa selos weeeehhh

Gina Banadera
Im so in love with this teleserye,,, this is really awesome show…after watching it u always have a SMILE on your face…Maya is fab:)) That’s why Sir Chief is starting to notice her beauty…hehehe

If i remember correctly, nagamit na ni Maya yang shoes na yan nung mag-aapply sya sa airport as flight attendant. Nung me nakausap sya na 2 flight attendant sa CR at nasabi nya na pangarap na rin maging FA and sinabihan siya nung FA na me office dun sa airport yun isang agency na pwede nyang applyan. So yun outfit nya nung magpa-pass sya ng application is similar color nung sexy dress nya but this was long sleeves with ribbon sa me neck area (manang-ish style) and a long skirt and yun shoes na yan. This was also the time nung sinave nya si Abby sa conveyor at napagbintangan syang kidnapper. Ito yun incident na naging dahilan why Mr. Richard Lim made a deal with Maya to become Abby’s nanny.

TUMPAK!

I made a little trip down memory lane.. .(REGARDING THE SHOES)

From the July 10-11 episodes:

http://i1307.photobucket.com/albums/s596/teamgoodvibes/july11a.png

Yesterday’s episode:

http://i1307.photobucket.com/albums/s596/teamgoodvibes/nov3a.png

Ang galing ng wardrobe team ha! love ko ang continuity  and, actually, gusto ko rin yung paulit-ulit lang ang damit ni Maya. Very true to character. Bilang hindi naman siya heiress like Maja Salvador’s role on that new show na overflowing ang mga kasuotan.

Kasing galing ng wardrobe team ang reasearch team dito sa thread natin.

Parang nainis naman ako kay Sir Chief nong sinabi niya na: ‘wala
ka bang ibang damit?’

Hmp! Sino kaya ang tulala?

Tapos may ‘ingat ka’ at ‘She’s awesome’ lang din pala.

Anyway. thank u Maya at napanganga mo siya.

Nakaganti ka rin sa wakas kahit di mo alam

Kaikli ba naman kasi ang binigay ni Rafi.

Ganyan na ang reaction ni Ricardo kahit mock interview lang….

Di ba yun dapat ang isuot ni Maya nung lumabas sila ni Simon?
Baka nga talaga uusok na yung tenga at ilong ni Ricardo that time.

Pareho tayo sis teary-eyed din ako sa interview ni Maya…

Ang galing talaga ng show na ito kasi pinapakita na kahit saan ka pa nanggaling basta pursigido ka at wala ka namang nasasagasaang tao e mararating mo ang mga pangarap mo At some point, akala ko magpapa-apekto si Maya… Iba talaga ang fighting spirit… Tama ka sis, pag gusto mo talaga ang pangarap mo, walang imposible at wag mawalan ng pag-asa… I like it when she said with all due respect, magalang pa din kahit anong mangyari.

Ang tawag ni Sir Chief kay Alex eh Honey… Ano kaya ang words of endearment nila ni Maya if ever?

Theart? Sweety Pie? Cupcake? Gummibear? O baka naman Coffeko?

Feeling ko tawag ni ser chief kay Maya ay MA’AM ngek ala Robin lang….

Yung tipong yes MA’AM o kaya BOSS hehehe masyadong typical ..ano nga kaya no?pwede ring HEART shortcut for sweetheart masyado namang cheezy …hay naku sana wag tayong biguin ng mga writers sa pagpili ng endearment nila…..hay naku kahit weekdays buhay na buhay itong thread natin…..

I came across an article recently wherein a number of people from different walks of life describe how BCWMH has made a big difference in their daily routines and schedules. One bank executive confess to sneaking out in the pantry between 10:45 and 11:30 and even joked about it eventually leading her to getting fired. Another avid watcher said she had to buy a mobile phone with TV so she can watch BCWMH on its regular airing, said she can’t wait for iwantv!

As for me, bilang adik na talaga… these I confess to having done so far…

1. The latest, buying a Showbiz Magazine (there’s a brief article about BCWMH!)

2. Surf the net for any bit of news about the show, about Mr. Yap and Ms. Jodi!

3. Watch the Walang Hanggang Pasasalamat Concert (I had to practically beg a friend to grab for me tickets!)

4. At the concert, ignore the guards at the Araneta telling me to stop taking pictures of Mr. Yap (well, sorry Mr. Guard, nothing short of a tsunami or a magnitude 8 earthquake could have stopped me… not when I am face to face with Mr. Yap and him flashing that oh! knee weakening and heart stopping smile!)

5. Follow the cast of BCWMH on Twitter! (and have this smile plastered on my face whenever I get a reply!)

6. September 15, 2012 : I bought the BCWMH OST (yes! on the very first day it was released!)

7.Aand yes… here I am, at PEX!

Uy, di ko napansin yung pagbilog ng mata ni Sir Chief nung lumabas si Mayang bihis. hahaha! Shocked nga pala itsura nya talaga!

Okay yung idea na pilot ang magkaka-interest kay Maya. Wag naman sobrang bata pero close enough to Maya’s age that she’ll have to take him seriously, unlike yung classmate niyang si Wilson. Tapos ang masaya pa nyan, kilala ng pilot kung sino si Sir Chief and he acually respects and admires him. Di ba kasi kilala naman yata sa airline industry si Ricardo because his company is in aviation repairs? So syempre magiging sobrang happy rin yung pilot na ma-meet si Sir Chief. Mahihiya si Sir Chief magsungit sa kanya.

Belinda Holland
hay nakakawala sa pagod tong show ni Maya at Sir Chief…nakakakilig at nakakatawa, lahat ng cast awesome…good show, excellent…

I found Sir Chief’s concern very sweet. Syempre naman malaki ang utang na loob niya kay Maya because of Abby. And he now considers her as more than just an ordinary yaya. Pero I try to manage my kilig by telling myself that he’s still a long way from falling in love. Goodness! I’m sure sobrang kina-career nyan ni Sir Chief ang pag-iisip sa mga ganyang bagay. Engineer kasi kaya everything has to add up nicely. Tingin ko nga he doesn’t fall in love easily kaya si Alex na naging wife niya ang first love niya (according to Fred in that slumbook episode). Pero at least nakita na niya ang kalibre ng pagkatao ni Maya. And apparently, she looks stunning in coral! that’s a very good start. 😉

Wagas ang mood-swing ni RICARDO sa epi kahapon, one minute nakangiti then mag-susuplado then ngiti then sungit… kahit ako nawindang pero kahit ano pa ang mood n’ya SIYA TALAGA ANG PINAKA-POGI SA LAHAT AT PINAKA-CUTE SA LAHAT NG SUPLADO.

At itanong talaga kay Maya kung meron siyang di kinaya paano na lang kung naturete na naman itong isa at sumagot ng “IKAW” e di buking na talaga.

Ang saya-saya talaga…tong si Ricardo,di mo maintindihan.

Parang every minutes nag iiba ang mood.

Nung nagtatanong si Maya if ok ba yung pang mock interview na ayos niya…

Sagot : “That will do.”

Nung nasa kotse na…

“May iba ka bang damit?”
Nung nakitang nabastos si Maya sa may sakayan

“Get in!”

Paghatid sa school

“INGAT KA!!
Weeeeehh…ano ba?
Kahit anong mood ni Ricardo…sooo gwapo pa din.

https://www.youtube.com/watch?v=CjKj7SOf2Q0

KAPIT BISIG SA KILIG PART 1 by echoserangfrog18

Pero part 1 lang muna yan.. para ma-inspire ako to do more. Hopefully, next weekend uli.

July 2012 episodes muna. saka na ang for August, September, and October.

Anyway, I’m also open to song and scene suggestions. Enjoy, mga kapwa adik! kapit bisig!

Love it echuserangfrogl8…  Pati yung scoring maganda…

Suggestion for songs:
1. Bakit Ba Ganyan?
2. Mr. Kupido
3. Mr. dreamboy
4. Sabi Ko Na Nga Ba
5. Can This Be love?
6. Tulak Ng Bibig Kabig ng Dibdib
7. Kahit Di Mo Pansin

WAAAAAAAAA!!!! SALAMAT NANG BONGGANG BONGGA sa mga tumumbling at nag-reak sa mumunting video.

Nakuha ko na po ang lahat ng suggestions niyo.. I shall now analyze and deliberate. (gagawan ko pa ng SWOT analysis, bar graph, at pie chart). hahaha!

Wooo na-inspire naman ako gumawa agad-agad.. malay natin. Kapit bisig sa kilig!!!

Pinost ni kuya Jimuel yung gawang video ni echuserangfrog18 sa twitter Hehehehe…so proud of you sister…

https://www.youtube.com/watch?v=eCuvwPKnzjI

MONDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

203

11-4

———————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

83  Date Aired: Nov. 05, 2012—Awesome Yaya Maya gets a special gift from Sir Chief.

Hala! nabuking ni abby si Maya ..

Ang cute ng mag-yaya! Koloka si Abby..mukhang kinikilig while her yaya was talking about her dream guy hhahahha

 

GIFMaker.org

“Di ba si daddy yun?” LMAO. Maya, alam mo naman di ba na smart ang alaga mo?

Awwwwwwwww! sabi ko na nga ba si abby tatanungin nya si yaya kung si daddy ba si mahal na hari.

Cikgu Hayati
hai maya even this story almost 1 to 2 years before… i can feel your cast… really naturall… i love to see you come to malaysia!!! plssss!

Go abby go ikaw na ang magiging cupido ni daddy at yaya Maya

Hehe, ingat ka maya ang daldal na ni abby, sya talaga ang magbubuko sayo, hehehe.

Kilig naman yung last scene! dama ni Sir chief yung ref cake!!

Tapos yung teaser, isingit ba si Simon? eh invisible na yung tao Sir Chief, pinapajeling mo lang yung sarili mo! katuwa ka talaga!

 

Si Abby chuserang bata, binubuking ang yaya nya  patay tayo jan Maya!

Ang cake ninanamnam mabuti ni SC! Feel na feel nya ang pagkain dun sa gawa ni Maya!

Halaaaaa ang cellphone kabago-bago binagsak agad

GIFMaker.org

 

Natorete nanaman si maya dahil sa ngiting sir chief na di maawat.

Rekord ni sir luke ang boses ni abby habang nagkkwento.

Nagalit si sir chief

 

 

Sir Chief: MAYA! IN MY OFFICE NOW!!!!

Na principals office nanaman si maya.

 

GIFMaker.org

May dalang suhol para di masyado magalit si sir chief…kape at ref cake

Hindi pala tungkol sa pag rekord ni sir luke kung bakit na principals office si maya

Ayan na naman ang ngiting sir chief na ikanatorete ni Maya.

Binigay ang cell phone.

Nagulat si maya sabay parang binabalik ang cell phone at nakakahiya daw

Sir Chief: ayaw mo?

Maya: hindi gusto ko. sabay bawi sa cell phone.

Nang umalis na si maya sa principals office tinikman ni sir chirf ang ref cake. at talagang linamnam bawat kagat sa ref cake sabay pamatay sir chief na ngiti.

 

Grabe na talaga itong BCWMH….. nice opener for the week. Magandang start for the week ang episode ngayon. Pati tuloy sa work nadadala yung good vibes from this episode.

Sobrang pa-cute talaga ngayon si Sir Chief, sino ba naman ang hindi matotorete sa kanya. At ninamnam nya ng maigi ang ref cake ha with matching smile pa. Si Luke naman, super bait talaga. Kino-consider nya talagang part of the family sila Manang Fe, Sabel, Doris and Joma. Since alam nyang di pa nila nadidinig magsalita si Abby, pinarinig nya yun voice ni Abby sa kanila. 1000 pogi points for Luke.

 

Sir Chief to Maya:

“Para mas madali kita ma-contact when i want to tell you something about Abby”
Si Abby na naman ang reason ni daddy pogi.

 

GIFMaker.org

BCWMH team knows how to play their cards well…. inuunti-unti nila ang pag-develop kay Maya at Ricardo at the same time, tease!.. well, parang sinasadya nilang pinapakita ang future,.. alam nyo yun?, yung Maya’s playing the role of Mrs. Lim na kahit unintentionally….

This will keep viewers hooked and asking for more… na madevelop na kasi…

 

Marinela Nolasco
Jodi is so natural oin her acting. Si SC naman Maliki cute din…..haaaay Naku I can!tcount how many times I !ve seen this episode and all other spisodes

 

 

 

my only concern is baka magaya sa 100 DTH, na naging corny at oa na sina sophia at bart after naging sila… sana huwag ganon… considering that di na bata si sir chief…

And phew! Abby, and daldal niya!, magkakaproblema si yaya Maya nito… ahahhaha, ilang days palang nakakapagsalita si Abby, mukhang malapit na siyang mabuko…

Kawawang Maya mukhang mabubuking na dahil sa alaga nya.

At naman asi ang ngiti ni Sir Chief kaya tuloy natotorete si Maya e kahit naman ang mga adiks pag ganyan naman ngumiti e wala tumbling na.

Lelona Elizabeth Wilger
hayyyyyyy,maya ikaw na…gusto ni ser chief na may contact xa sau gamit ng phone..

 

 

Fishing pa si Ricardo kunwari tinutukso si Maya gusto lang niya makasiguro na di ganun ka-gusto ni Maya si Simon. Ikaw na Ricardo ang maparaan.

GIFMaker.org

 

At ayun na nga! nasabi na ng mahal na hari ang kanyang mahiwagang palusot … este … valid reason pala … sa pagbibigay ng celphone sa mahal na prinsesa =

 

Para daw mas madali nyang ma-contact ang prinsesa when he wants to tell her something about Abby.
Si Abby na naman …
Si Abby na walang malay …
Si Abby na walang imik ….. (dati yon) pero madaldal na ngayon
Yari kayo ser chief and maya … laglagan portion na sa kadaldalan ni Abby

https://www.youtube.com/watch?v=z1uSrtvfzow

TUESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Thanks jayzbagio for the teaser

Buti nlng ok pa yung mobile phone

Yang mga smile ni Sir Chief ang talagang nakaka pag torete kay Maya at sa atin din

Omg kinilig naman ako sa sinabi ni doris at sabel. Itabi sa pagtulog ang cellphone at parang katabi na ni maya si sir chief . 😯

Kulet Ko

I knew it! I had a feeling that gift was coming sooner than later when they showed Maya struggling to look for network signal (while on the phone with Kute) on a previous episode. 

Maya is awesome, Sir Chief is amazing, Abby’s an angel and everybody else is just wonderful. Kilig?!! 

Welcome back Kuya Joma!

Parang ang landi-landi talaga ni Ricardo ngayong mga panahon na ‘to. Yung mga ngiti n’ya ha grabe kaya si Maya di kinakaya. Sa teaser yung sabi nya na sana siya na lang nag-hire kay Maya tapos ang smile sus naman (tumbling mode lang ako)

Next level na ang relationship ni mahal na hari at princessa.

 

GIFMaker.org

Nag babanter banter na sila at napansin ko ang suot ni maya sa teaser. Hindi school uniform or yung yaya frock.

Saan kaya galing suot ni maya. Parang hindi yun mga damit niya. Bagong bili dahil sa internship or padala ni raffi?

 

Sis, yong top nasuot na ni maya yon. eto ata yong nong bumalaga ang kagandahan ni yaya ganda kay daddy pogi, courtesy of rafi

Natutuwa naman ako sa suporta nila Doris at Sabel kay Maya, aba kung ibang kasambahay lang yun baka naiinggit na kay Maya dahil ang pansin kay Maya na lang lagi pero yung dalawa as in itabi pa daw sa pagtulog at parang katabi na rin daw si Sir Chief. Iba talaga ang vibes ng show na ito GOOD NA GOOD… PERFECT!!!

http://img.photobucket.com/albums/v457/aqlim/e2ab796d5702d46e44094d70eb37619c.jpg

Ampogi pogi ni sir chief dito  at ang tingin niya kay maya, pamatay at makalaglag ano…

“Dapat ata ako na lang naghire sa yo…”

 

GIFMaker.org

Mukhang ayaw na talagang paalisin ni mahal na hari ang prinsesa niya sa kingdom nila.

Lakas talaga makagood vibes ng show na ‘to!

Tengski Orallo
Hay it’s too short pa rin cuz of mga nakaraan…..Sana naman medyo habaan. But still love it!!

 

 

Habang pinapanood ko, iniisip ko kung sino pa ang pwedeng gumanap na maya at sir chief. at wala, as in, nada, zero,zilch at walaaaaaa talaga akong maisip na iba kundi si jodi at richard yap LANG at WALA ng iba pa. sobrang bagay talaga
haaaaaayyyyy…  naiinis ako! nasisira araw ko sa kakaisip sa kanila!

Maya to Abby: Baby…uhm…ano sabi ni daddy? (kinikilig…  )

Abby: Daddy said, “Hi!”

Maya: Yun lang?

Fishing for info din si Maya. Feel tuloy ni Abby.

Itong magsing-irog na ito napakahilig mangisda at lagi pang ginagamit si Abby… kawawang bata IBUKING MO NA NGA YANG DALAWANG YAN ABBY!!!

REBECCA LARAMAY
TGIM!, thank goodness it’s Monday, BCMH is back! Great way to start my week.
Great show.,,

Maya: Parang yung mahal na hari dun sa story natin, baby…

Abby: Di ba…si…daddy yun?

Tameme ang maya…bukingers siya

 

GIFMaker.org

All along pala, kahit natutulog na si abby habang nagkukuwento si maya tungkol sa mahal na hari at prinsesa, alam na ni abby na daddy niya ang mahal na hari.

Parang tayo lang ang peg ni abby.

Kuya joma upon hearing abby’s recorded voice:”madaldal, parang IKAW lang Maya.”

Di ba yan din ang comment ng mga adiks dito?

Siene
Nag je-jelly na namn c Sir Chief…haay..makes me smile…:)))

Nung binigay ni sir chief yung bag with cell phone inside, parang panandaliang nawala ako sa ulirat at naimagine ko na box yun ng isang piece of jewelry.

Tapos lumipad na pangarap ko sa kawalang hanggan.

sir chief: para sa yo…

maya: (nanlaki mata)…para sa akin ‘to?

sir chief: yes!

maya: ang gandang kwintas…

sir chief: teka…isusuot ko sa yo…

sir chief: you passed?

Maya: bakit po parang hindi po kayo naniniwala?

sir chief: hindi naman…kasi nung nagpractice tayo parang…akala ko, kakabahan ka na…

Nalimutan yata ni sir chief na sinabihan niya si maya ng,

“Wala ka bang hindi kinaya?”

Lucy Anne O’Carroll
Naging serious pag-uwi c Sir Chief kc di sya unang nkaalam about Maya’s intrview. oyy jelly na nman c Sir Chief….Awesome.

Tsaka, weno naman kung kabahan siya sa interview? natural lang
naman yun pero hindi ibig sabihin nun, babagsak siya.

Si sir chief talaga, threatened lang na BAKA umalis na si maya
sa kanila kasi nakapasa.

GIFMaker.org

 

Ayan, si sir chief naman ngayon ang natuturete. hindi pa nagsisimula si maya sa internship niya, mukhang gusto na siyang i-pirate sa time airways, “dapat ata, ako na lang naghire sa yo.”

DAPAT sir chief? Siguro, buong gabi nyang inisip yun.
may tono ng panghihinayang ang sinabi niya kay maya. siguro,
inisip niya, “sayang…’nakuha’ siya ng iba. sana ako na lang…”

 

Sir chief has seen maya’s ‘importance’ in their lives. He is starting to see her worth now. and maya, indeed, is worthy of “keeping.”

Sobrang kiligan talaga ang nangyari sa araw na ito!

Hayan na! talagang sending signals lang!!…

Evangeline Henriksen
How sweet naman ni Sir Chief may gift pa kunwari tungkol kay Abby,any way I love this show nakaka wala pagod after work!!!

 

 

Kaya Maya… sana yun mga signals na yun ang pansinin mo! na stuck ka na yata sa pagkatorete everytime naka smile ang Mahal Na Hari eh!!

You make him smile…
You make him care…
He’s starting to see you in a different light…

PART 2 KAPIT BISIG SA KILIG

Originally Posted by echuserangfrogl8

Magandang gabi sa lahat ng Kabisig

At dahil natuwa ako sa magandang reaction dun sa first video, heto at nakagawa agad-agad ng Part 2! adik lang  at para na rin may supply ng bitamina while we wait for tomorrow’s ep.

At first, I was hesitant to use a song from the official soundtrack kasi parang ang obvious ng choice. At dahil na rin bumaha ang song suggestions dito. Pero wala na akong nagawa dahil si Maya na mismo ang nag-suggest. Watch…

Ganda ganda naman nito sis! parang walk down memory lane lang sa mga pre-friendship level ngatngat duster moments ng hari at prinsesa. at kasama dito 2 of my fave scenes – yung wrong send/bukas pinto scene na to the highest level ang kaguwapuhan ni daddy, at yung muntik-na-halik sa goodnight kiss ni abby kay daddy.

Swak din ang song choice mo – eh kay yaya na mismo nanggaling eh, san ka pa
maraming thank you, sis.

John McConnell
habang tumatagal mas lalo ako kinikilig sa kanila…. sana naman medyo habaan. sa isang episode nakaka 3 beses ko panoorin.

Lagot ka maya daldal na ng alaga mo,hehehe baka mabuking ka na niyan sa daddy niya,pero ang cute ni sir chief magpacute sayo,hehe di mo kinakaya pag yung mga ngiti niya sayo eh bongga ,landi ni SC ,hehehe pero kakakiligggggg,,

“Well….I guess congratulations are in order…” with matching smile and taas kilay effect.

Ikaw na Sir Chief!
Super true,, kakaloka si Sir chief kahit ako ang nasa posisyon ni Maya di ko rin kakayanin yung mga ngiting ganun ni SC ,,

Sana si daddy naman ang magpakwento kay baby tapos ikwento ni baby ang laging kwento ni yaya sa kanya pag gabi

Sabay sabihin ng baby “alam mo daddy, ikaw yung mahal na hari”

Agree. Di dapat talaga biglain ang development ng love story nila coz di magiging bagay sa type ng personality ni Sir Chief. For Maya it might be okay coz she’s still in her mid-twenties and quite emotional, pero si Sir Chief mature na eh. At yang dynamic nga nilang yan (yung isang emo at isang stiff) ang nagpapakilig sa mga tao so di dapat masira ng sobrang pa-tweetums na scenes.

*Hindi gaya nung over the top kilig everytime Sir Chief touches Maya… yung simpleng pag-ayos ng buhok at paghalik sa kamay!*

Baka threatened sya coz yung chemistry between Richard Yap and Jodi Sta Maria effortless even though there’s nothing between them in real life. Magkatabi lang sila kinikilig na mga tao. Grabe no? Ano kaya kung naging single pa sila pareho?

Hello mga co-adiks! ang saya lang talaga magbasa ng mga usapan dito sa thread  GV lang tayo lagi!

Pero minsan naisip ko dahil sa karamihan ng mga tao e gusto magkatuluyan sina maya at sir chief at the end of the show.. Baka ibahin ng ating mga magagaling na

Writers… noooooo!!! Dear writers, please be careful with our hearts

Ooops! Bawal pala nega.. Mabblock ang blessings! basta malaki ang tiwala ko sa mga writers na hindi nila tayo bibiguin hanggang sa ending ng show ba ito  KAPIT BISIG!

OH MY GEEEE! ako kinakabahan kay maya!Super daldal ni Abby!!!

Paktay ka talaga sa alaga mo! Mabubuking ka nyan!!!

In fernes ang bata.. Tulay!

Pansin ko namimili yata si abby ng kausap. Di lahat nagsasalita sya.

http://25.media.tumblr.com/tumblr_md0sxwAjoZ1rf2z2wo1_400.gif

http://24.media.tumblr.com/tumblr_md0sxwAjoZ1rf2z2wo2_400.gif

http://25.media.tumblr.com/tumblr_md0sxwAjoZ1rf2z2wo4_250.gif

http://24.media.tumblr.com/tumblr_md0sxwAjoZ1rf2z2wo5_400.gif

219

11-5a

——————————————————————————————–

 

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

84  Date Aired: Nov. 06, 2012—Yaya Maya has a new cell phone care of Sir Chief. Ito na ba ang linya ni Maya sa puso ni Richard?

 

GIFMaker.org

 

Ah, kaya pala nasa Quezon Circle ang Lim Family…

kasi magdo-Doctor Kwak Kwak sila…

A very good idea! KBL!

Vinnie Lapena
Di nakakasawang balik balikan ang teleserye na eto

 

Marinela Nolasco
very funny episode.seen it soo many times..di nakakasawa.

Di ba may nag-suggest dito before na mag-twister yung dalawa…sus maria….parang pinagbigyan na rin tayo..tamed version…dr kwakwak hahhah

 

GIFMaker.org

 

Ang sisimple lang talaga ng eksena and story pero sobrang makakilig ang show na ‘to

 

Ang kulit lang ni Doris nung ginagaya nya si Maya
Pero parang freaky yung pag hagikgik ni Abby.
Naiirita ako kay Iñigo, akala mo 6-footer kung umasta.

Kaninong version ng Mahal Kita Kasi yung pinakikinggan ni Maya?
kay Ser Chief ba?
Pwedeng-pwede kasing kantahin nya yung isang linya para kay Maya eh…

 

I’m still smiling at inuulit ulit yung….

“Well…I guess congratulations are in order….”

Wala lang. Parang super landi na nangaasar na kunwari walang effect kahit alam naman niyang meron ang attitude ni Sir Chief nung sinabi nia yun. Sir Chief, pwede ako naman icongratulate mo???? I’m still smiling at inuulit ulit yung….

“Well…I guess congratulations are in order….”

 

Wala lang. Parang super landi na nangaasar na kunwari walang effect kahit alam naman niyang meron ang attitude ni Sir Chief nung sinabi nia yun. Sir Chief, pwede ako naman icongratulate mo????

GIFMaker.org

 

I think we should really give credit to the amazing chemistry between the leads. Tingin ko kung ibang actors ang nag-a-act ng scenes dito, it may not generate the same level of kilig. magiging baduy or pilit. eto kasing sina Richard at Jodi, magkatabi pa lang na-i-in love na mga tao sa kanila. 😀

Merlen Jaime
ang bait talaga ni sir chief and abby talk na yaya maya have a good job i love it

Maya to her celphone: Goodnight
Manang Fe : Goodnight

 

Kulet Ko
Oh my G!
Ikaw na talaga Maya. You already. haha.
SER CHIEF *_*

 

Asyumera din si manang fe. lakas talaga makahawa ng mga adik

0 heto, para doon sa mga sobrang bata pa at hindi alam kung ano ang larong Dr. Quack Quack.

 

MALOU WATANABE
nag papa cute na si sir chief

http://mgalarongpilinijeryll.blogspo…ong-hindi.html

“Ang larong ito ay nangangailangan ng isang taya na siyang magiging doctor, Dr. Quack-Quack. Hindi naman niya kailangang mag-quack ng mag-quack. Ang ibig sabihin lamang ay isa siyang albularyo. Siya ang magtatanggal ng buhol sa isang grupo ng mga taong nakabilog at binuhol ang kanilang mga sarili ayon sa paraang gusto nila.

GIFMaker.org

 

Masakit nga ito ngunit ang sayang katapat ay hindi mapapatayan. Pagkatapos matanggal ang buhol, magtatakbuhan ang mga manalalaro hanggang mataya”.

 


Sis, mai-konek lang talaga kay ENGR. LIM?

GIFMaker.org

So –

Si Engr. Richard Lim ay sumasagot din sa mga pangalang:

Ser Chief (mas cute lang sakin ang Ser kesa Sir)
> Daddy Pogi
> Daddy Sungit
> Daddy Bango
> Daddy Singkit
> Chief
> Mahal na Hari
> Chard
> Ricardo
> Ricky

Gina Banadera
what can i say.. another very good episode & very enjoyable to watch..i cant get over the kilig factor, my 2nd time to watch this..LOVELY:0000

At ang latest

Dr. Quack Quack

 

Lr lang sa epi.kahapon …dun sa tumawag si Ser Chief kay maya at si abby ang sumagot…..ikaw RICARDO ha …,,gusto mo lang yatang marinig boses ni maya…….dahil kung may dahilan ang pagtawag mo dapat sinabi mo kay abby na kakausapin mo si yaya…..

https://www.youtube.com/watch?v=aqQsgCBVt-0

WEDNESDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Favorite kong scene today yung pagkataranta nila Doris at Sabel nung humingi ng tubig si Abby. Tapos halos maiyak sila sa tuwa kasi na feel nila na family na rin sila dahil kinausap na sila ni Abby.

 

Evangeline Henriksen
HOW SWEET NAMAN TUMINGIN SII SIR CHIEF NAKAKA INLOVE ANG CUTE TALAGA!!!!!!


Then yung pag ‘Oh my Gee” ni Doris ang cute. feel mo yung kilig. Tapos sabihin pa na itabi ni Maya sa pagtulog yung phone parang katabi na rin si Sir Chief. kilig to the max silang dalawa ni Sabel.
Super laugh trip.

Grabe ang chemistry ng dalawa kahit pagtabihin lang

Lucy Anne O’Carroll
oyyy, close na c Sir Chief at Maya, para ky Abby daw…abangan again tom.

Kahit nga konting hawak lang na di sinasadya nawawalan na ng hininga ang mga adiks

GIFMaker.org

 

Paano na lang kaya kung intentional na ang mga hawakan at titigan? buhay pa kaya tayo?

 

Sana may magtapon ng balat ng saging para madulas si yaya at masalo ni Ricardo.

 

GIFMaker.org

Madalas ang pagtawag ni ser chief kay maya ha hmmmm

Red Queen
I love this teleserye! Nakaka-unwind after a hard day of work! So happy that Abby is talking!

Kung lagi na lang si abby ang kailangan eh bakit di na lang si abby ang bilhan ng cellphone ng direct kay abby na tumawag.

 

I wish magkaron ng holiday party ang Lim Aviation pa tulong mag plan si SC ke Maya kasi he’s so impressed sa bday ni Abby and then si Maya ang date niya sa event este…kasi kasama si ABBY, Nikki and Luke…

 

I just have to say this!!

Naaliw akong sobra kina Doris at Kuya Joma dun sa scene na nag ala Maya si Doris at pinipilit nya si Kuya Joma na mag ala Sir Chief!!!

 

Hhaaaannnnnggg kullleeeettttt!!!

http://i1307.photobucket.com/albums/s596/teamgoodvibes/nov6.png

Hayy naku Maya! ALAM NA. ALAM NA TALAGA. kaya naman pala gusto mong ma-save ang mga messages na yan kasi kay Ser Chief naman pala lahat galing! at kaya pala ayaw mo ipakita kay Ser Luke! Ni isa galing kay Kute o Simon, may nai-save ka ba?? naubos ata ang memory niyang phone mong jurassic dahil kay Ser eh! ganito nalang.. tanungin mo si Ser, baka nasa Sent Items pa niya. ipa-send mo nalang uli.

 

Yung chemistry naman talaga ni Richard Yap and Jodi Sta Maria rare lang talagang mangyari… yung feeling na paano nga kung pareho silang single e di perfect na Tsaka iba talaga yung feeling pag nakikita mo sila parang ang saya-saya lang

GIFMaker.org

 

Tsaka ang gusto ko sa show na ito maalala mo yung mga simpleng nakakapagpasaya sa iyo nung bata ka pa. Sa birthday pa lang ni Abby yung Fiesta theme naku nakakatuwa kasi di na masyado ginagawa yung mga ganong laro then ngayon naman yung Dr. Quak-quak. Hay naku nakakatuwa talaga ang show na’to

 

Sinabi mo sis kasi diba parang may ipapadalang pagkain si Kute para kay Maya at mukhang si Simon ang mapag-uutusan kaya malamang mabuhay ulit ang “WORK” na “SOLITAIRE”

Yun nga nakakatuwa eh. I’m sure yung mga writers, they’re reminiscing their childhood…

Iba naman kasi na ang panahon ngayon…nood kasi uso pa ang mga ganyang laro…

*Suddenly remembered my childhood too..

Marinela Nolasco
totoong totoo ang dating ni SC and maya with Abby

 

ang sarap maging bata noon kasi nakikipaglaro ka sa kapwa bata

Wala pang fb, computer, iPad na minsan nag a-isolate sa mga kabataan

Di na siguro masyadong ma-appreciate ng mga kiddos ngayon ang ganyang mga laro.

11-6

———————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

85  Date Aired: Nov. 07, 2012—The game, Dr. Quack-Quack becomes Dr. Love for Maya and Richard. Kahit sa laro kakakilig pa rin si Yaya and Sir Chief!

Mukhang lalake yung bagong character ah…mag-indefinite leave daw si Fred eh (antagal na ngang walang eksena si Robert Ortega).

feeling ko rin

GIFMaker.org

 

– talagang pinaringgan ang mga adiks…ini-explain kung bakit mia si sir fred

Kulet Ko

Just like from a previous comment, I also think that Richard Yap’s portrayal of Sir Chief is amazing. He just fits the role like a glove. lol. He has that air of mystery, moody, ‘mahirap basahin’ and ‘mahirap ispelingen’. But at the same time, lending Maya’s words, daddy pogi, daddy bango, daddy sungit, mapagmahal, best dad, best friend, best amo and too many to mention. haha. 

Ahahahay! Kilig to the highest level talaga!

– ngiting-ngiti at kilig na kilig ako sa kitchen scene…nabasag nung hindi pala nagsha-share si sir chief hahah
hindi lang ikaw maya ang nag-assume

Tina Iraola Barraquio
sobra nakakilig talaga kayo maya and sir chief.love you

– cute ng scene sa dining table ng buong family ❤

– at textmates na talaga ah!

– MAGNOLIA DRINK! sa halip na maging inviting ang commercial nyo, nagiging panira sa mga viewers! hindi kami bibili nyan

 

Ron &Amp; Priscilla Switzer
Why can’t sir chief admitted that he has feeling for Maya. ahh, I know he don’t want to take it for granted. He’s nice and kind sir chief.

 

May product placement na sa BCWMH
di na lang makuntentong mag-place ng ads tuwing timeslot ng BCWMH.

Ang sarap batukan ni Ricardo

REBECCA LARAMAY
Great again. When Maya and sir chief have an eye to eye moment feel mo talaga ang kilig.
A+ for story and Acting.

Aba, pa-send-send na rin sa text ng smiley si Ser Chief pero mas swabe pa rin dumiskarte si Luke.

 

GIFMaker.org

Haha! Ser chief you’re so naughty…. Gusto gusto mo talaga Na tine-tease Si maya. kakatuwa ang kitchen scene…

JULIETA ALCID
galing talaga umarte ni richard yap. tamang tama sa role niya. parang ang hirap to get…challenge talaga kay maya….

Ang daya ni Maya, taya rin sya sa taguan pero nakadilat sya nung nagbibilang

Waaaaahhhhhhhh! lakas maka torete ng mahal na hari!

Hinati talaga yung sandwich! At iniabot yung kalahati kaya yaya!

GIFMaker.org

GIFMaker.org

Sandaling naudlot ang paghinga ko dun ha! Akala ko share sila ni yaya ganda!
Salbahe ka talaga, Ricardo! Ang lakas mong mambitin

Ipapatago mo lang pala yung kalahati ng sandwich

 

Sablay na naman ang kilig ni yaya ganda at ang mas nakakaloka eh yung napakatamis ng ngiti mo habang nang-aasar. Lalo ka tuloy nakakagigil.Sarap mong kagatin.

I’m sure ang mga adiks iba na ang magiging feeling next time silang kumain ng kare-kare \
Kiligkeg ako dun! ngayon lang natin nalaman na di pala masarap yung kare-kare na luto ni maya nun.

 

Ang gwapo ni sir chief sa pong scene!!!!!!! Wagas ang ngiti! reminded ako nung una nyang narinig voice ni abby with maya tapos lumabas yung dalawa sa kwarto at naghi5..one of my favorite scenes

 

GIFMaker.org

Akalain mo nga namang maging pamatay sa kilig ang Dr. Quak quak! hahahaha

Hehhehe mukhang magmi-meet ang dalawa sa school ni abby tomorrow.

Daddy pogi? daddy bango? Bwahahhahahahah

Lucy Anne O’Carroll
O Maya my messenger k na ky Sir Chief, c Abby….Love is in the Air for Maya & Sir Chief. Abangan….Tnx ABS-CBN. Sana gawan ng movie ang BCWMH, its great to see them in the big screen.

Ricardo…Ricardo bakit ka ganyan…….kinilig na ako ng bongga dahil akala ko isashare mo kay maya yung sandwich…your so bad….hahahaha lakas makatease nitong si ser chief…sarap batuhin ng kiss wahahaha

Bigay hilig talaga satin ang writers …

Akalain mo, textmates na ang hari at prinsesa. bawat kembot at buntong hininga yata ni abby, naka text agad eh. makapag-text lang sa isa’t isa?

At may bonus pa! Nag-ssmiley face na din ang daddy pogi!

Daddy pogi…daddy bango hmmmmmmmm hala lagot ka Maya ..paunti-unti ka na nang mabubuking para lang silang mag-asawa nakauspo sa may bed…ayieeeeeeee BCWMH rocks

 

Siguro dito na nakatira sa thread ang mga writers

Abby: This is my daddy. We call him daddy pogi, daddy bango …

SC: Baby, where did you get that?

GIFMaker.org

 

Psst … Abby! madami pa –

Daddy sungit, daddy singkit, mahal na hari …(lagot ka, maya

 

It’s a great show indeed…thanks talaga sa mga writers….hanep na commercials yan in 3 gaps almost 50 meron pang nakasingit na magnolia fruit drinks …pampasira ng eksena hahaha…..nung binilang ko more than 50 pa yata naduduling ako sa dami

Mag-explain daw ba sa mga adik?
Ang kukulit daw kasi natin … hanap tayo ng hanap kay sir fred

Kaya tuloy, inilatag talaga sa atin ang dahilan kung bakit AWOL satin si sir fred

Sabi na nga ba eh … di lang tumatambay dito ang mga writers … nag-i-sleepover pa! Camping lang?

 

Dapat i-serve natin sa kanila the best coffee in the house!

Good mood these days ang mahal na hari ha!

Tinutukso pa si Luke habang kumakain sila. at wagas na wagas ang pagtawa.
(hmmm … kakagigil ka talaga, daddy!. sarap mong bugbugin ng halik!!!)

Hintayin mo, ricardo, ang pambawing tukso sa yo ni luke! kaya dapat swabeng swabe ang da moves mo sa prinsesa pagdating ng panahon … kung hindi, paktay ka sa alaska sa panganay mo

Parang si nanay tere nakakaamoy na…..di ba ganun naman ang mga nanay malakas pakiramdam….mukhang nagpaparinig na lahat ng favorites daw ni Maya yung pinapaluto ni KUTE…naku mukhang mapapaaga ang uwi ni yaya sa probinsya….

Looking forward ako sa muling pagentrance ni Simon…hmmmmm angry birds …magready na kayo

GIFMaker.org

 

Si ser chief kase babanggit-banggit kay Simon….wait ka lang ng konti daddy bango…mukhang may laruan na naman ng games sa computer hehehehe

Si daddy pogi parang lagi tumatambay kung nasaan si maya…sa kusina…sa kwarto ni abby. e dati sa office lang lagi mahahnap si sir chief w matching utos from the telecom na dalhan siya ng kape.

Di ka ba busy sa ofis sir chief ..parang buhos ang oras mo kay may…este kay abby pala

Noon nagbibilang pa ako ng commercials every gap pero ngayon tinigilan ko na … mas dumami pa yata kasi.

 

Patawarin na natin ang Magnolia basta ba dadamihan nila ang kilig commercials ni yaya and ser chief together

Minsan kase misconnect..akala ko continuation ng episode yun pala commercial….hahaha over na over nga sa ads(talagang phenomenal) every gap more than 17 ads….sabi nga minsan sa twitter isang kembot lang commercial agad….but anyway it was proven na di lang madlang pipol ang nagmamahal sa BCWMH pati ad.company…..favorite ko yung kusina scene kase si ser chief parang kumekerengkeng lang talaga kay Maya…patikim-tikim pa sya…susmiyo eh dati-rati wala naman syang paki o keber kung ano ba ginagawa ng super yaya natin ngayon naman pati paggawa ng palaman ng yaya pinapakialaman pa.

Ayaw patalo sa anak nya…gusto lagi may moment din kay mahal na prinsesa.

O sige na mahal na hari ienjoy mo muna pagtititease kay maya ha…tingnan lang natin next week pag hinatid ang kare-kare. Paktay may maglalaro na ng angry bird … sa computer

Sana naman makita na si simon ng mga kasamabahay at todo puri sa kagwuphuhan ni Simon…para mas may thrill hehehe…mga addik talaga gustong ginagalit si daddy pogi…kase naman habang sumusungit lalong gumugwapo saan ka pa……
Kinilig ako nang bongga sa kitchen scene! Tease ka talaga Ricardo!

Nakowwwww patay ka Maya, daddy pogi, daddy bango, may kulang pa Abby! Yung daddy sungit! Importante yun!

 

Tama! pag andyan si simon eh nag-iiba mood ni sir nagiging masungit pero sa ating mga adiks, gustong-gusto natin yan, kasi nakakakilig kung pano sya umarte, kahit di nya sabihin, may kurot sa puso nya pag andyan si simon.

Yung eksena sa kusina kanina kahit mag-isa lang akong nanonood, napa p**taragis ako! Akala ko pa naman hahatian nya si Maya pero epic fail!

Magagaling talaga writers sis…kase kapag nga naman dinagdag pa ni Abby ang daddy sungit eh ….alam na ni ser chief kung saan yun nakuha ni ABBY

Hahaha oo nga. nakakalito talaga yung mga pasok ng magnolia fruit drink. Pero di magtatagal masasanay na din tayo. dahil adik lang talaga, amoy ko na din agad kung part pa ng episode o commecial na.

Sarap lang kasi talagang galitin ni daddy pogi … parang Transformers lang … nagta-transform agad into daddy sungit … eh habang sumusungit at sumisingkit lalong sumasarap.

Galing na talagang umarte ni mr yap … me pa facial facial expression at reaction na … pag kumekerengkeng at nanlalandi kay yaya, pumipilantik yung mga kilay at Kumukuti kutitap ang singkit na mga mata, with matching fly away ng corners ng kanyang upper lip na may kasamang labas dimple effect sa kanyang impit na mga ngiti.

Nananalaytay sa mga ugat ko at nanunuot sa buong katawang lupa ko ang pinagsamang nginig at kilig. Haaaayyyyyy  daddy daddy daddy! You Already!

 

GIFMaker.org

Baka kaya di na nakabalik si Robert Ortega kasi tatakbo sa eleksyon?

Originally Posted by jimueldelacruz

Suggestion: “Ser Chief’s Coffee Cup”
It could also mean na siMaya ang coffee cup niya. Hehehe!

Pwede!!
At finally!! ang dapat na itawag ni Daddy Pogi kay Yaya Ganda!!!

Lakas lang maka TGIS nitong si Kuya Jimuel ah!!

Kuya jimuel…………makakapasok na ba sa LIM household si Simon kapag dinala nya yung kare-kare? atat mode.

Sis! maswerte si Fred at hindi pa pumapasolk uli sa eksena si Simon at sobrang OK ang mood ni Daddy Pogi lately!! … kung nagkataon

“BAWAL MAG LEAVE!!!”

Sobrang “love is in the air” sa BCWMH!!

Ultimong si Abby may ka-share sa baon!

Si Kuya Luke.. nakaka 50,000 pogi points na kay Joey!!

 

Of course, ang Mahal Na Prinsesa… lampas lampas na kung point system ang pag-uusapan!!

Si Ate Nikki kaya kelan naman???

https://youtu.be/grPzOAbSagM

https://youtu.be/grPzOAbSagM

THURSDAY SA “BE CAREFUL WI

THURSDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

Etong dalawang to, kasal na lang talaga ang kulang eh! parang mag-asawa na talaga ang peg!

Mismo!!

 

 

Ito ngang si Ricardo… ang palaging excuse… si Abby! si Abby! si Abby!

Pero feeling ko may mga moments na nakakalimutan nya na si Maya ay yaya ni Abby!!

Ser Chief… dami mo na kasing eksena eh!!

… nung tinanong mo si Maya kung napagod ba siya sa interview…

… yung mga moments na obviously you’re being a tease…

… that so innocent touch on Maya’s arm…

… yung sobrang gusto mo yung ginawa nyang sandwich…

… yung sobrang thoughtful ka lang at naisipan mo siyang bigyan ng celfone

… yung tinulungan mo siya para sa mock interview (epic fail ang Yaya Ganda, but at least naging mas prepared siya!)

… yung kahit nakasimangot at aburido ka.. hindi mo matiis na mahassle ng mga tambay at mag commute ang Yaya Ganda… kaya May I hatid ka pa!!

… “Ingat Ka!”

… “Meron ka Bang Hindi Kinaya?”

… yung wala ka nang ibang bukambibig kundi Maya! Maya! Maya!

Actually, marami pa yan!!

I lost count already!!

 

ALAm nyo po, di Lang sa bCWMH ako nagkaka-plaster ng smile… Kahit sa pagbasa ng forum tumatawa Na ako mag-isa dahil sa mga usapan dito. ☺😆😁Ahihihihi!

Akala ko kakagatan ni maya yun half sandwich na galing kay ser chief…pero mukhang itatago nga kc syempre galing yun sa kamay ng mahal na hari…parang isasave tulad nung txt message…

Daddy pogi? Daddy bango??? Abby talaga oh…

Teka.. Dito ko lang yata narinig ang mga words na yan ah…

Kalokang time airways na yan

Magcut ng classes maya?

Para nga eh! Paki confirm naman mga kapwa adiks!

May mga eksena ba ang Yaya Ganda na tinawag nyang Daddy Pogi at Daddy Bango si SC??

Natulalaley sa sobrang wafu lang… Yes!

Sininghot-singhot… inamoy-amoy… Yes!

Hindi kaya pag nagmo moment itong Mahal Na Prinsesa … at nagkukuwento kay Baby Abby eh. …yang mga yan ang ibang tawag nya sa Mahal Na Hari…

 

 

 

Meron scene dati sa oldhouse na naglagay sya ng message sa harap ng mgs room ng mag -aama before….ang dailouge nya parang ganito….eto naman para kay daddy zungit,sa bango,daddy pogi,daddy singgkit …..yun nga lang di ko alam bakit alam ni abby….

Meron, sis!

Yung eksena na nilagyan ni yaya ng paper airplane sa labas ng bawat room nila nikki, luke and daddy pogi. sinabi nya for ate nikkii, for kuya luke, for daddy pogi/daddy bango. tapos bigla syang tumakbo kasi baka daw maabutan sya ni daddy sungit. gusto nya kasi na ihatid ng buong family si abby sa school, each one of them with a toy airplane para di sila ma-miss ni abby while in school.

Pag nahanap ko yung vid nung epi na yun, post ko dito

Yung scene na yun eh yung group hug scene nila….tanda nyo na ba..

Meron sis, di ba yun yung naglalagay sya ng airplane sa bawat pinto na ginawa nila ni SC. Nung ilalapag na nya yung airplane ni Sc sabi nya “eto para kay daddy pogi, daddy bango, daddy sungit, daddy singkit…”

 

 

 

Tama ba ako?  Pero di nya sinasabi yun harap-harapan, nabanggit siguro ni Maya yung mga yun kay Abby habang nagkukwento sya.

Ay ewan ko. Basta atat na ako bukas

Paano kaya sasagutin ni Baby Abby yung tanong ni Daddy??

Pagnagkataon!! Alam na!!!

Daddy Pogi and Daddy Bango pala hah????

Ano naman kaya reaction ng Daddy???

Ayun! Tanda ko na… Eh bat alam ni Abby??

GIFMaker.org

 

Ay siguro may nadidinig si abby pag nagkukuwento si maya sa kanya… Pag tulog.. Remember pag kinukuwento ni maya si abby about sa hari & prinsesa? Tapoa ngayong nagsasalita si abby.. Alam nya kung sino daw si mahal na hari… Kungdi ang daddy nya..

Assumera din ang bata!

Yun nga lang, bakit nga ba alam ng bagets?

Di kaya lurker din dito si Abby?

 

MALOU WATANABE
grbe kakilig ang dalawa sa doctor kwakkwak he he

Coffee cup. Sir Chief, super landi naman kung ito ang tawag mo kay Maya. Parang naiimagine ko na hindi. Parang extra cheesy…..

Siguro naman hindi yan ang daily tawagan nila if ever. Or CC for short nlng…haha.

E si Maya? Ano itatawag?

Masyado ngang cheezy….bet ko ang daddy……kase minsan nakikidaddy din sya kay Abby…tapos si ser chief …..maam naman hays kinilig naman ako….

Thanks jayzbagio for sharing tomorrow’s teaser

At talagang full support si Maya & Sir Chief. Si maya nag cut ng class si Daddy pogi/Daddy bango nag cut din ng meeting?

Wagas na talaga ang excitement pati celebrities fans na rin ng Maya & Sir Chief; congrats’ talaga sa bumubuo ng Be Careful With My Heart. Parang ayaw kong matapos ang show na ito kahit pa sya extended

Mga sis, august 16 episode yung daddy pogi/daddy bango/daddy singkit/daddy sungit dialogue ni yaya.

Di ko madala dito eh. pero yun nga, hindi naman naririnig ni abby habang nagsasalita si yaya.

Baka napanaginipan lang ng bagets

Mabuti na lang pinauwi na ang junior dr. kwak-kwak.

Mukhang kagalang-galang na doktor talaga ang pumalit

Kaya siguro hindi na nagpalit ng damit!

(At baka matulala na naman ang Maya… kakahiya sa mga bata!!)

Uy! kahit paano napagbigyan yung pangarap ni Richard Yap na maging doktor!

Dr. Kwak Kwak nga lang!!

Sana magustuhan ni ser chief yung kare-kare ni nanay teresita, syempre pag dumating yun hindi pwedeng hindi i-share ni yaya sa buong lim household.

Wag lang malaman ni daddy sungit na si simon ang nagdala.

Sana magustuhan ni ser chief yung kare-kare ni nanay teresita, syempre pag dumating yun hindi pwedeng hindi i-share ni yaya sa buong lim household.

Wag lang malaman ni daddy sungit na si simon ang nagdala

Ano nga kaya ang kahihinatnan ng kare-kare at bagoong???

Makapasok nga kaya sa Mansyon itong si Simon??

O lamukin na naman sa Guard House?

Naisip ko lang, puro pala single ang mga nasa Lim household kaya ganon na lang ang excitement pag may nanliligaw o may nililigawan.

Sino kaya maunang magkapartner?

Si kuya joma, loveless din?  At di ata siya type ni doris at sabel

Yan din ang tanong ko.

Nasaan ang kalahating sandwich, Maya????

Baka nilagay sa ilalim ng unan.

Hahaha….arigatou….mga addik pati sa twitter…..nasaan nga kaya yung kalahati ng sandwich…baka isanama sa mga souvinir…aamagin yun

Nag-goodnight at nag-good morning din kaya sa sandwich?

Evangeline Manalo
Gwapo naman ni Dr. kwak kwak…. Kilig!

Pansin ko din po yan, bigla-bigla siya sumusulpot si Sir Chief ,hehehe at saka gustong-gusto niya kausapin si maya yung tipong siya pa una magtatanong kay maya,hehehe si sir chief dumidiskarte,, gwapo-gwapo mo at saka kilig yung mga banat mo ngayon lalo yung mga ngiti mo kay Maya..kilig

Yeah right, sis….napansin ko sa teaser for tomorrow parang tumabi na sya Kay Maya sa Kama ni Abby.

Gusto ko yung halos sabay na dumating o humabol ba si Sir Chief at maya sa pagpresent ni abby ng family scrapbook bukas yung nacut ng classes si Maya at si SC may meeting pero punta pa rin, mommy and daddy lang di matitiis si baby abby kaya go love na love nila eh,hehehe

Si Liza naninibago kay ser chief. Dati kasi pag trabaho ,trabaho talaga si Sir Chief masyadong workaholic. Seryoso talaga ngayon natutunan na niya yung magrelax.

Anong sandwich spread ba yung ginawa ni Maya… naloka na ko sa kakahula kung anong klaseng spread yun… na pwedeng matamis!! *kamot ulo*

Parang egg sandwich yata yon, sis….mas mainam kasi pag may sugar konti.

Hay naku sis si RICARDO talaga NAPAKALANDI na ngayon at mahilig pang mang-asar kahit ako akala ko ishe-share nya yung sandwich kay Maya yun tuloy biglang urong ang kilig ko at natawa na lang ako. Napansin ko din yung parang pigil na ngiti nya habang inaasar n’ya si Maya… hay naku RICARDO YOU ALREADY!!! Bumawi ka nga Maya pag dumating si Simon ng maglaro na naman ng SOLITAIRE yang si RICARDO.

Wow naman… si Sir Jimuel e nakiki-suggest na rin. kakatuwa naman.

Sir ang galing nyo… nakakatuwa na ang mga nangyayari pero sana more selos-moment para kay RICARDO kasi mas masaya pag naniningkit ang mata ni daddy pogi.

11e

231

———————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

86  Date Aired: Nov. 08, 2012—Will we see a happy Abby after her scrap book presentation? Sir Chief, Yaya Maya, bilis!

Si Doris at Sabel pa ang naging salarin sa “Daddy Pogi” na tawag ni Abby kay Ser Chief.

Umamin ka na kasi, yaya. kawawa naman si sabel and doris walang kamalay malay napagbintangan pa.

GIFMaker.org
Pag ikaw naman ang nilaglag ng 2 yan, paktay ka kay daddy sungit. buking ang sikreto mo.

“Maya, wala ka bang tiwala sa akin?!”

Yes naman, ganitong level na ang bangayan nila.

Kulet Ko

Pati mga children sa playground nakiki-Sir Chief. Cuuuuuute!

Lovely episode as usual!

 

Nakakatawa yung reaction ni Ser Chief nung umiiyak si Maya pagkatapos mag-present ni Abby.

Uu nga…pahabol pa yung ma principal office si maya dahil sa cutting classes

Sigerepit at sigerepat daw! haha pakirepit at pakirepatyun… nakakatuwa… hehe

si Giripit at si Giripat …ang luma na nga nung joke!

REBECCA LARAMAY
wow Maya napa whistle mo si Ser Chief!!!!! most importantly napa motivate mos si Abby to talk: Greatest yaya in town without a doubt. Never mind na yong greatest stewardess in town dahil mas meaningful ang outcom as yaya. 
The best show in town.

Pwede bang itali sa puno si fake Florante tapos ipakagat sa mga langgam

Akala ko maglalakad pa ng malayo si yaya, buti nakaabot ang pamasahe

Si daddy pogi may pasipol-sipol pa ngayon

GIFMaker.org

 

Na HB na naman si dadi pogi.Yan kasing TimeAirways na yan ang dahilan, kaya masungit na naman.

Kasalanan to ng CEO ng time airways eh

Hmmm may papalit kay Fred, sana pogi

Gina Banadera
happy happy… always masaya taga… bkit di ko alam ang kwento ni Giripit at ni Giripot..hihihi..di bale wait for the next episode na lang..

 

 

Nakakaloka si Simon baka ilaglag pa ang sikreto ni Maya, pero I’m sure lulusutan ni kute ito!

Nakakaaliw tumawa ni sir, dati di sya natatawa sa joke ni Maya, ngayon wagas makatawa!

At pansin ko lang ha, lagi ng magkadikit tong 2 to, kulang na mighty bond para di na mahiwalay eh!

JULIETA ALCID
tapang ni sir chief. kakatakot, so well portrayed by richard yap.

 

Araw-araw isasali ang fruit drink sa istorya?

Tama ka eclipse dati na fake na ako nyan kala ko kasama na sa episode

Lucy Anne O’Carroll
Mali ka Sir Chief, c Maya ang ngsabi ky Abby n Daddy pogi at Daddy bango….na save lng c Maya ni Doris at Sabel…..next episode principal’s office na nman c Maya….hay naku kailan pa kaya ang ligawan…

Gusto ko yong tawa ni dadi pogi, …parang sarap kasama sa…. Bed………room….

Si Maya kay Abby at parang nagpaparinig…

Gusto niyang maglaro ulit daw ng Dr. Quack Quack kasama pa rin siyempre si daddy

KathLyn Kate
., wag muna baka matapos na to pag nagligawan na,. :DDD

blob:https%3A//www.youtube.com/eedf736d-f93a-4165-9507-aafc19252172

FRIDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

If there’s an advice I want to give SC…

Find someone who makes you laugh. A sense of humor can help you overcome many of life’s obstacles. If someone can make you smile when you don’t feel like it, that’s a great quality.

Originally Posted by jayzbagio

FRIDAY SA “BE CAREFUL WITH MY HEART”

https://www.youtube.com/watch?v=lre_XSzkY8w

Naku po! Sana hindi maisipan ni aya maligo sa Johnson’s baby cologne

Huwag masyadong desperate para mapansin yaya, marami pang gwapo sa tabi-tabi

Sabi nga: ‘men are more attracted to a woman’s natural scent.’

At saka medyo hopeless na ang pag ka dense ni Ricardo

Kaya nga dapat umentra na uli si Simon, baka sakaling matanggal-tanggal yung anesthesia sa katawan ni sir, pero dapat this time maging masigasig si Simon, para naman magising si sir!

 

Extension talaga ito ng bcwmh…numero uno ang writers talaga…indirectly connected ang mga adiks dito….daming “paktay na paktay”sa hands ni SC…they did focus it again today……….ayiii………love bcwmh and the whole team…not able to join the nice conversations here but really a regular lurker inspite of the time zone difference,hooked for the first time in a soap opera that the first thing I do before standing up is to see bcwmh on my phone and afterwards later on my laptop….really hoping for a movie w/the original cast…ang gagaling nila…nice day kapibisigers…

 

Yang CEO ng Time Airways na yan ha??Pinaiinit nya ulo ni Daddy Pogi!!
Nakupo!! dyan pa naman ang internship ni Maya!!

Eh paano pa kung yang CEO na yan pala eh kayang tapatan ang kagwapuhan at kakisigan ni Daddy? tapos… nagkataong magkakilala sila ni Yaya Ganda? tapos… OK naman pala siya at walang choice ang Maya but to be nice to him?

 


OK sana kung on SC’s part eh napansin nya kahit paano… yun bang hindi naman parang tuod lang biglang naalalang andun pala… at walang dating yung pagkuha nya ng attention ni Maya… dapat yung mga ganong eksena, hindi nasasayang.

 

Pwede kasing gawin yun na parang sobrang mas aliw kasi kuhang kuha yung dapat eh after effect nung magkadikit sila.

GIFMaker.org

 

Sa malas eh mukhang si Maya lang ang affected…

 

Well, kung sobrang dense lang talaga ang SC… eh sobrang alam na natin yun!

Pwedeng sa ibang detalye naman ang focus! para hindi naman overkill ang treatment of that fact na deadma lang talaga siya kay Maya!

Good vibes! good vibes!

 

Naku sis…,,para na ngang tuod si Maya sa park kanina……..okey na sana masyado lang matagal….well sabi ko nga di naman ito bad vibes or nakikialam tayo sa writers….yung atin lang naman parang comment lang kase tayo ang viewers ..nasa kanila pa rin ang huling say kase sila ang writers……uy kuya Jimuel di ka namin inuunahan ha…….naglalambing lang po kami hehehe…..

 

Nakakaloka yung Inigo na yun ah akala mo kung sinong atangkad..grrrrrrr.Hahaha

 

GIFMaker.org
Kung anung kinulang niya sa height siya namang nilaki niya sa kayabangan.oh well maghintay na lang siya dahil si Luke ang magwawagi sa puso ni Jhoey!hehehe

 

Sir Chief ikaw na, ikaw na talaga. Ang cute ng tawa mo sa teaser wagas.Hehe

at natawa naman ako dun sa text talaga nung patimpla ng kape, pano kaya

if ever kayo na,hehehe text-text

GIFMaker.org

 

ANO TO sER CHIEF ?Hah! Bakit me trust issue na tayong nalalaman diyan.hahah LQ?Wala ka bang tiwala sakin?me ganung level. Yung tipong asawa o bf lang ang dating, tapos sinasabihan si wifey o gf na wala ba siyang tiwala sayo?Me ganun talaga,,hehehe

 

Dito ko lang na realize na walang intercom ang mansion.

Nakapunta nga ako sa isang bahay, di naman masyadong kalakihan pero may intercom

Grabe ang pagkatxt mate ng dalawa, hanggang sa pagtimpla ng kape

Si maya naiba ang kwento hindi tungkol kay mahal na hari haha dahil andun

mismo si ser chief at alam ng alaga niya na ang daddy niya si mahal na

hari,hehehe pero ang tawa ni ser chief sa lumang joke na yun wagas.

Hala mukhang next week eeksena ulit si Simon kina maya at ser chief, bukas pa

lang kasi lulutuin ni nay Teresita yung karekare so nextweek na dating nun.Hehehe

mukhang kailangan nating turuan ng ibang games ang mahal na hari,,at hindi

solitaire,hehehehe.

 

Nabadtrip si Ser Chief sa TIME AIRWAYS, tapos ito yung pinag-aaply si Maya

mag-intern. Me bagong CEO ito!Sino?? So pano ito Maya,hahaha makapag-aaply

ka pa kaya diyan?hehehe

Nakakaloka nga po yung mga eksena ng fruit drink na yan. Ok na yung me sarili na siyang commercial wag na isama sa kwento e minsan sulpot lang ng sulpot tapos cut din naman agad.hehehe pero syempre sponsor yun ng bcwmh so la magagwa,hehehe

Ang laki siguro ng bayad niyan sa air time kaya ganon.Yong iba nga sa eksena mismo.

Cute nung eksena sa pinto ng classroom ni Abby yung present siya ng scrap,book proud parents lang and dating nung dalawa.Hehehe at parehong humabol sa activity ng kanilang anak,hehehe at yung umiiyak si Maya mommy lang ang dating.Pero lagot pag-uwi principal’s office..

Nagttease at nagpapacute lang ba talaga tong si daddy pogi o sadyang dense talaga siya? Kasi parang halos lahat na ng tao sa paligid nila ni Maya e nakakahalata na. Si sir fred nga sa early episodes pa lang feel niya may crush si Maya kay Sir Chief. Pati si kuya Joma.. Lalo na sila Sabel at Doris. Di manang Fe nga din e.. Pati si kute na nagstay lang saglit sa mansion. Ngyon e tong si Abby e mukhang may nassense na rin.E si daddy pogi? Deadma to death.

 

Kaya nga gustong gusto ko nung nasa hotel sila, nung iniiwasan ni maya si ser chief. mas kilig nga yun eh
Yan din ang pinaka -like ko na eksena…..realistic ang arrive ….masnakakakilig panoorin...

Di dadi pogi na yata ang nakita kong tao na pinaka-MANHID. Ano bang itinurok na anesthesia sa kanya at ang tagal lumambot.

Korek ka dyan sis  mukhang na-overdosed sa anesthesia ang daddy pogisana dumating na ang time na magising na sya sa kamanhidan niya. E siya na lang ata tulog e di naman po sa nagmamadali kami mga mahal naming writers minsan lang e ang sarap iuntog ang ulo ni daddy pogi sa wall kasi sobrang obvious na ng pagkatulaley ni yaya ganda but still I’m loving each episode of this show… the best pa rin talaga kahit ang dense ni daddy pogi daddy bango may kilig factor pa din everyday

May bugbugan kayang mangyayari between Luke and fake Florante?
Gusto kong makibugbog
Sarap bugbugin nung bansot

You’re funny….(parang si Abby)

Ang gusto kong dumaming eksena ay yung si ser naman ang tulaley!! quota na si Maya eh. maliban sa mga pasulyap-sulyap moments ni Ricardo, nakaka dalawa pa lang ata tayo.

Yung bukas pinto scene after the spa day with ma’am rafi. at siyempre, yung pagrampa ni maya ng peach dress.

Ser Chief, aabangan ko ang mga singkit mata moments mo

 

Sana next week umexit na ang tulalang Maya

Kasi kung tutuusin, walang valedictorian na ganyan pag ma inlove

Intelligent people don’t act like Maya does kaya minsan parang contradicting ang asal niya.Pag si Sabel yan, maintindihan ko pa.

Unless, valedictorian siya sa isang school composed of 20 senior students only!
kaya din siguro di nakapagtataka na dedma ang daddy pogi sa kanya.

 

 

Yan din feeling ko…na parang alam ni Sir Chief kung gaano kainlove si Maya sa kanya kaya medyo teasing siya minsan. Pero kung ganun nga kadense si Sir, ibalik na natin si Rafi para may tumulong magbukas ng mata ni SC.

Para kay Maya, wag masyado obvious. Iwas iwas ka muna girl, para hanaphanapin ka ni Sir Chief. Mas nkakakilig yun. Sana magstart na yung internship.

 

 

 

I think I’m gonna critique muna kasi baka hindi aware ang mga writers. Sorry ha

Lagi na lang bang me “emergency” kung mawawala ang ibang characters?  Si kuya Joma, si Fred, tas pati yung CEO ng Time airways na yun, me emergency din.

I guess makakaisip naman kayo ng iba pang dahilan, di ba?

Sis nagsimula pa yan kay Doris nung namatay ang lola n’ya, then si Kuya Joma, then si Sir Fred at ngayon naman ang MR. CEO ng Time Airways pero ok lang kung may emergency siya basta pag nagpakita siya e SIYA NA… SIYA NA ANG MAGPAPASINGKIT NG TODO SA MGA MATANG MANHID NI RICARDO.

11h

———————————————————————————————

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 7

87  Date Aired: Nov. 09, 2012—Para kanino ba talaga ang niluluto ni Teresita at Mamang?

Yun naman pala, sobrang concerned ang Ser Chief sa pag-aaral ni Maya kaya nagalit nung nag-cut class sya for Abby…

GIFMaker.org

 

Ser Chief:Ppaano kung may ma-miss ka?!

Sana sumagot si Maya ng, “kaya nga po ako nagpunta dun, kasi… na-miss kita!”

 

I wish…..

It’s so kaka…sooper dooper arte mag-talk ni Nikki… like duh! Irita much

Si Maya sumobra ang pagkatulaley
Si Abby sumobra daldal
Si Nikki sumobra arte magsalita

Kaloka much lang!

Talagang naaalala pa ni Ser Chief ang “first” meeting nila ni Maya though technically, 3rd time nang nagtagpo ang landas nila nun…

 

 

Di ko magets yung kiripit kiripat joke…

Originally Posted by meteorgirl27

Oo nga eh, sorry slow lang, ano yung joke dun?? hehehehe…

Ang sagot kasi sa tanong kung sinong natira matapos mahulog sa bangin ni Giripat, “Si Giripit”…
Sounds like “sige, repeat!” , kaya uulitin uli yung kuwento/tanong… yun ang punchline

Evelyn Bentulan
wohooooooooooooooo……….cute……sino ba talaga sa kanila maya?….sir chief? o simon?…..hehehehehe

Sa wakas nakapasok na rin si Simon!

Golly! ang ganda ng preview…kapag umuwi na si yaya…naku Sir Chief dyan mo talaga mararamdaman!!

Oh My gee! pauuwiin ni SC si Maya! papayag kaya sya???
I’m sure kung matuloy sa pag-uwi si Maya, si SC aligaga, panay ang tawag sa cel, kunyari about Abby, “Abby misses you” pero wag ka, SC mami-miss mo Maya!

Asumera lang!

Rejean Jasulna
Hhahahahah!!!! Enjoy ako sa pabango ni Maya na ala freshener ng car daw..hahahahah!!!!

Pero hindi pa rin nya ramdam na bet na bet sya ni Maya.
Sobrang giveaway na nga yung i-compare (fondly, I must say) sya nito sa tatay nya

Sige go Maya! Uwi sa San Nicolas. Sabay kayo ni simon umuwi. Tignan natin ang say nitong ni Ricardo over na sa manhid tong si Ricardo e. Sige uwi Maya nang marealize ni Ricardo ang presence mo sa mansion.

 

Sarah Salenga
sana umuwi muna sa nanay niya tignan natin kung pano sya mamimiss ni sir chief at abbey…..

 

Siguro nga it’s about time na umuwi muna si Maya para magsabi na sya ng totoo ke nanay at ke mamang na wala talaga sya sa Dubai at nasa Maynila lang sya, mahirap itago yun, muntik na nga si Simon eh.

My guess is that SC wants Maya to finally clear things with her family.

GIFMaker.org

 

Naisip siguro nya na panahon na para humarap na si Maya sa pamilya nito at magsabi ng totoo kung ano na ang nangyari sa kanya. Yaman din lamang at maayos na ang lahat sa mansyon. OK na silang mag-aama, tama lang na harapin naman ni Maya ang sarili at ang kanyang pamilya.

Chona Bayani
Ang galing ni Maya, very natural….love the whole cast. looking forward for the next episode!!!

 

 

Higit pa marahil sa awa naramdaman nya nang makita si Maya na umiiyak, andun na rin siguro yung pagnanais niya na maging maayos ang lahat para sa dalaga. Kung pauuwiin man nya ito, yun ay dahil gusto nyang makalaya na rin si Maya sa isang kasinungalingang kay tagal na rin nitong itinago.

But…will Maya be able to leave the Lims albeit temporarily? How will Ricardo deal with not having Maya around? Is this going to be the turning point para sa kanilang dalawa? We can only speculate on what’s gonna happen next kung uuwi nga ng San Nicolas si Maya.

 

Kulet Ko

Awww SER CHIEF *_* Sa wakas natawa ka din as in big laugh sa joke ni Maya. hahaha.

Super duper laugh trip na naman.

How nice to have a sister/bro like Kute!

Ron &Amp; Priscilla Switzer
mm…finally sir chief he knows how to laugh…I like Maya when she made a joke and that’s cute though

Asyumera Mode ON!!!

Ako rin gusto kong malaman na ng family ni Maya ang totoo.

What’s the point na itago pa? Eh tutal sya rin naman (maya) ang nahihirapan. Isa pa alam na rin naman ni Kute.

GIFMaker.org

Emilie Laforteza Bautista
This is so real….I hope for once their is no contrabida….in this show
Elma Lang
Tama Sabi ni Luke,wag making maluho porke’t kaya ng magulang …. Daming aral na. Mapupulot sa bcwhm

 

Pag nai-explain naman nila ng mabuti kila nanay Tere at mamang, I’m sure hindi na kokontra yung mga yun. At ang pinakamagandang incentive ni Maya sa current job nya eh yung pinag-aaral sya. Sinong magulang naman ang aayaw dun?

Isa pa, mas mabuti ngang malaman nilang nasa Manila lang si Maya. AT least malapit-lapit compared to Dubai. Pag na-miss nila madali nilang madadalaw. At pag nakilala pa nila kuing ga’no ka-disenteng mga tao naman ang pinagtatrabahuhan ni Maya makakampante na sila. Alam nila safe si Maya kesa yung nag-aalala sila palagi.

January
Ang Ganda talaga!!!
At lalo na dumating si Simon

At ang pinaka masaya dun, may chance nang magkakilala ang lim and dela Rosa families. O, di ba parang meet the family lang ang peg ng mahal na hari? Can’t wait talaga sa eksena between Ser Chief and mamang. Eh si mamang ang lakas ng pang-amoy nun. Exact opposite ni ser chief na nuknukan sa pagka-dense.

GIFMaker.org

 

Isa pang maganda na posibleng mangyari eh yung mapapadalas na ang punta ni Simon sa mansion kasi tiyak yan palaging magpapadala ng kung ano-ano si nanay Tere kay Maya.

Rex Mendigoria
Oh my geee!! I so love you Ser Chief! I am so dying to meet in personally! I am going to do anything for that to happen so soon! Love you always. – Mariquit Tinio Dela Cruz

Eto lang yan ….Simon + time airways ceo = ngatngat-polo-sa-selos-si-ser

Agree ako, sana ma-clear na si Maya kay Aling Teresita at Mamang. With her internship coming up, di ko lang sure kung paano papasok sa story yung pag-uwi nya (kung uuwi nga sya) pero may tiwala naman ako sa mga magagaling nating writers!

Sana may storyline in the future na may kailangan attendan na party/gathering si SC tapos he needs to bring a date! Maski di na need, yung type/trip nya lang, at gusto nyang makasama si Maya! Maganda rin kung dun nila ipapasok yung make-over!

Erica Sharpe
so natural and all cast are so humorous in their own way…love this show so much

Pakiligin-ang-sarili-mode ON!

Love the latter part of the epi… yun part with Simon. In fairness, ang gwapo ni Simon. Selos na talaga si Sir Chief kay Simon.

Siguro nga time na rin talaga for Maya to tell the truth to her family. Dragging na rin kasi yun everything revolves around Abby para maiba naman ang dynamics sa BCWMH. Also, agree rin ako na medyo bawasan or di masyadong obvious yung pagka tulaley ni Maya kay Sir Chief. Gusto ko rin yun tulad lang nung nasa condo sila na iniiwasan ni Maya si Sir Chief, yun mga ganung acting lang.

 

Correct din si Like na bawasan ni Nikki ang sobrang pagiging fan sa kanila ni Joey kasi ang arte na niya talaga.

Well, can’t wait for next week’s episode, what it will unravel for us mga adiks.

GIFMaker.org

 

Awww sad that Maya will go home but I guess it’s for the best para naman the lim family will finaly meet the de la Rosa family.Imagine ko na maging friends si Abby and Cho.

 

Tapos gusto ko makita kung paano mag cope si Sir Chief pag wala si Maya. Pansin ko forever hinahanap ni Ricardo si Maya. Kahit nasa breakfast table kasama mga bata hinahanap si Maya. Kahit kausap si Abby sa phone e unang tinatanong asan si Maya. Paano na yan sir chief?

Absence makes the heart grow fonder.

 

GIFMaker.org

Hey guys I’m new here! I’ve been reading everyone’s posts. I was born and raised in the States, but recently have become very fond of Be Careful With My Heart! In fact, I wait for it every night to be uploaded on TFC.TV! I love the show so far and Maya and Sir Chief are so kilig!!!

 

If you guys are right, and the writers are “lurking” – I hope they change the writing for Nikki’s character! I find her so annoying and obnoxious. She speaks like a true “coño” kid….and I fastforward through all her scenes because I can’t stand it. NO ONE really talks that way (I hope!)

Anyway, love it so far & love everyone’s speculations!

kaloka!!

Pwede pala yung kinikilig pero umiiyak!!

 

Yan lang drama ko kanina dun sa eksenang nag-uusap ang SC at Maya sa room ni Abby!!

As fast becoming their habit… parang mag-asawa lang, having this light conversation, talking about their kids.

Ewan ko ba pero tuwing ganyan yang dalawang yan… sobrang ngatngat duster ako sa kilig… tapos dinagdagan pa na yung they were both staring oh! so lovingly kay Abby and SC being the adoring (and adorable!) Dad …. and the clincher! Maya telling Chief how a great a father he is…just like her Tatay!! haaaayyyyyy!!! being a Daddy’s girl, pag-usapang tatay talaga!!….. dinadaig ko si Juday sa kanyang silent crying scenes!!

Si mamang at nanay Teresita bilib na bilib kay Simon…

GIFMaker.org

 

Gaano kaya ang bilib pag na meet na nila si Ser Chief na daddy pogi,daddy singkit at daddy bango.

Gustong-gusto ko yung scene na nag-uusap sila Maya at Sir Chief sa kuwarto as in they are really comfortable with each other’s company. Sana laging ganito and bawas-bawasan naman ni Maya ang pagkatulala niya ay Ricardo.

‘We’ at ‘tayo’ ang laging gamit ni Sir Chief pag kausap si Maya tungkol sa future ni Abby.

Di niya ata namalayan.

Di naman si Maya forever sa kanila e. Di niya ba naisip yon?

At talagang naalala niya pa ang first meeting nila ha?!

Sabi ni kuya Joma, ok naman daw ang pabango ni Maya pero bakit ganon na lang maka react ang mga Lim?

 

Buti di nakasali si Nikki nag react

Sosyal si Maya ha?! Ipahiram ba naman ni sir yong kanyang laptop para mag research.

Mac pro ata yon.

Ikaw na Maya, ikaw na talaga!

You already! (Sabel mode)

Sedative ang dating review class kay Florante, inaantok ang mokong di pa nga nag umpisa

hahaha….sarap itali sa puno ng kamatis….parang 6 footer makaasta.

Buti na lang talaga bumalik na si kuya Joma lakas mang-asar din nito eh,hehehe

natawa ako dun sa niloloko niya si Maya na napagkamalan daw ni Ser Chief nito

na bagong car freshener ang cologne nitong si Maya,pano naconscious bigla

pinampaligo tuloy,hehe naalala ko tuloy nung si Luke din pinampaligo

pabango at inaasar ni Nikki.

Ang cute naaalala ni Ser Chief una nilang pakikita ni Maya yung muntik na

niyang mabangga at nagpanggap na pipi.

Doon nag umpisa ang kilig eh.

 

Natawa ako dun sa after pagsabihan ni Ser Chief si Maya sa pagabsent nito or cutting classes biglang napunta sa meeting ni Ser Chief sa Time Airways at sa CEO nitong di sumipot sa meeting kaya nabadtrip si SC. Tapos yung biglang si Maya na ang nagtatanong tapos si SC naman game na sumagot parang kwentuhan portion bigla. Kaya sino kaya itong bagong CEO na ito?

Comfortable na kasi si SC ke Maya kaya parang he can say anything to her na hindi naiirita ke yaya.

I guess this is the right time na rin siguro for Maya to go home at yun sabihin na ang totoo kina Mamang at Nay Teresita para at least magaan na sa loob niya wala na siyang tinatago, dati rin naman kasi parang sinabi na ni Ser Chief na sabihin na niya totoo. So baka ito na nga ang tamang panahon…KAYA LANG! Me kaya lang na kadugtong talaga?! papaano yun kung uuwi siya.Ilang araw lang ba?o abutin ng linggo?mag-isa lang ba niya uuwi o me kasama o kasabay siya?(syempre maisingit lang natin dipa tapos ang sem so me pasok pa siya,pero pwede din namang mag-absent 2 araw lang ata every week pasok niya)
So kung uuwi nga siya mahaba-habang kwento, paliwanagan at pagsosorry ito.TApos damay pa dito si Kute,Simon pati na rin si Jeff at Lino kasi alam din nila, so baka matagalan nga si Maya???
So sa bahay naman ng mga Lim medyo nakakapanibago nito kasi wala si Maya,
syempre lahat sila mamimiss siya lalo na si Ser Chief este ni Abby ala.(magpahalata o mahalata kaya si SC na namimiss niya si Maya at magtetext o call ito lagi tapos si Abby ang irereason kunwari?)mahintay kaya nilang bumalik si MAya?o mapasugod silang lahat sa SAn Nicolas at sunduin si Maya?Magkakilala-kilala na kaya ang mga Lim at Dela Rosa family???Hehe-Ang dami ko lang sinabi,wala lang mailabas lang ang naiisip,sensya na po!

Ano ba nangyari sa tatay niya? May ibang pamilya? Nakidnap? Naging rebelde?

Akala ko ba patay na tatay nya? May chance pa palang umapir ?

Ang kulit lang kasi sa pagpapabango, Luke ang peg ni Maya.
Si Luke naman, Maya lang ang peg sa pagtitig at pagkatulala kay Joey.

Like stepmother, like stepson?

Hello Everyone! Pa-join naman ako dito sa Maya’s Cafe. Certified BCWMH adik din ako. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip na mag PEX ulit, anong petsa na? hehe…

Grabe! Nag-marathon ako ulit ng episodes this week. Well worth the wait!

May I just say how much I love the members of the Lim household?  They really make you feel like they’re a real family and you start caring for them. Nakakatuwa yung scene sa dining table when Nikki was teasing Luke about Joey tapos sinabayan din ni Sir Chief. You can really feel the love between them. Tapos yung pangungulit ni Nikki kay Luke na basta na lang papasok sa kwarto niya na walang pakialam kahit nagsusungit mode si kuya dahil na-i-invade ang privacy niya. Talagang magkapatid na kulitan ang dating.

And of course, I just love Ricardo as a dad. Ang bait niyang tatay! Talagang mahal na mahal niya mga anak niya! Kitang-kita ‘to in the scene when Luke came to his dad to ask for help with a Physics problem and Ricardo was looking at his workbook. And when he was lying beside a sleeping Abby and stroking her hair while sharing his dreams for her with Maya. Napaka-ideal father ng dating niya.  (tingin ko dito, Richard Yap is channeling his actual experiences as a father kaya totoong-totoo ang dating ng scenes niya with his onscreen kids.)

Kaya di ako nagtataka kung bakit si Maya (and a loooottt of other females of all ages) are falling head-over-heels with him. Lalo na si Maya na mukhang napaka-close sa tatay niya and still idealizes his memory. Nakikita niya kay Ricardo yung tipo ng lalaking mamahalin siya at ang mga magiging anak nila. Yun nga lang, medyo matagal-tagal pa bago mangyari yung pangarap niyang yun.

Oo nga. Minsan din talaga napapa-OA yung ibang actions ni Maya na di nga akma sa fact na intelligent siya. Okay lang yung mga moments na tinititigan niya si Sir Chief pero hindi to his face, yung pa-secret lang, like in the earlier episodes. Yun namang ganung actions kasi kahit matalino or hindi ginagawa kasi ikaw lang naman ang nakakaalam.

I really believe Sir Chief knows about her crush on him, but he’s nice enough and mature enough not to pay attention kasi nga employee niya si Maya. He shrugs it off in the same way he did when he heard Sabel call him “poging-poging sir”. How else can you explain those moments na obvious namang tine-tease niya si Maya? Para lang siyang professor na di pumapatol sa crush ng student sa kanya pero paminsan-minsan pinagkakatuwaan ang student but in a good way.

Richard Lim = the epitome or perfect example of the Ideal Man!!

Wawa mga guys ngayon!! Pinataas ng sobra-sobra nitong si Richard Lim ang standard ng pagiging lalaki… ng pagiging ama… ng pagiging asawa.

Oo nga. Dahil kay Ricardo, di lang dapat ganyan kabait at mapagmahal para ma-consider na ideal father and husband, dapat ganyan rin daw ka-guwapo. Hahahaha!!!

blob:https%3A//www.youtube.com/235aaa25-cd0c-4746-bd04-95c6cc0c90b3

https://www.youtube.com/watch?v=2hjX8O7lyc4

MAYA AND SIR CHIEF’S LOVE STORY – PART 3 (September 2012 Episodes)

Originally Posted by echuserangfrogl8

Magandang umaga sa mga gising nang kabisig (o dun sa matutulog pa!)

Don’t forget to take your VITAMINS in the morning

Kasi eto po. aariba na ang PART 3!!!! BOOM.

#KapitBisig lagi

Aylabit! Galing mo sis, the best.

Pinaka gusto ko yang mga eksena sa hotel, kasi iniiwasan ni Maya si dadi pogi…haaay, overdosed na yata ako sa vitamins for today.

Sarap Balik balikan …from morning ’til night and back again.

Thanks thanks thanks…

Sinabi mo sis… I don’t think nobody can equal the great chemistry between Jodi and Richard Yap. They should make another series and movie together. Very rare lang akong maging interesado sa mga local artist natin no offense pero I find some of them kasi na masyadong pilit at pa-cute but with Jodi and Richard it comes naturally

Re. Mr. Richard Yap, well, he may not be the classically handsome-with-piercing blue-eyes-and-chiseled-face type but his looks kinda’ grows on you… parang ang sarap lang nyang tingnan ng matagal na matagal. No wonder he has such an effect sa viewers ng BCWMH, female viewers of all ages are sure to be on the verge of swooning and hyperventilating every time he flashes that gorgeous smile coupled with that adorable dimple on his right cheek. Plus of course, the fact that he is playing the role of such an ideal man.

As I have mentioned in a previous post, pinataas ni Engr. Richard Lim ang standard ng pagiging lalaki. Dapat hindi lang gwapo. The ideal man is responsible, caring, thoughtful, a perfect gentleman and a good family man. Portraying this role should give him no difficulty coz’ in real life, he is a husband, a father, a businessman. He may just have to take it from there.

I guess, we’re done ogling and getting fixated sa mga bad boy types. Si Richard Yap (Richard Lim) na nga talaga ang bagong Ideal Man!

blob:https%3A//www.youtube.com/c08fe3f8-c3ac-4dda-8318-f097a640c7b4

https://www.youtube.com/watch?v=UZVsf0pZw94

Monday teaser
cr. becarefulTVshow

Umuwi si Maya. I hope masabi na nya totoo sa kanila na nasa Manila lang sya para wala na syang iisipin masyado. Si Sir Chief nlng.

Jodi deserves the spot. Matagal na din siyang naghintay at mabuti hindi nasayang ang lahat. Mahal talaga niya ang ABS dahil hindi niya kahit kelan iniwan ang station. Mabuti din at ngayon ay nababayaran na ang loyalty niya at mas naprove niya na may talent talaga siya.

11gn

(Credit to all PEx posters) Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461

Also posting on FB and Twitter

 

https://www.facebook.com/groups/406900222729681/

 

More picture posted daily on my twitter kcrica @esric2002

Credit to gorgeousgeek07 for the collage

Credit to http://tvbecarefulwithmyheart.tumblr.com for the gif

 

Last Update in this Volume…12/5/2018…thanks for the featured reviews from TFC

Unknown's avatar

About kcrica

FLASHBACK MEMORIES are flashback from each episode of Be Careful With My Heart. Episode titles, updates, comments, POVs, reactions, as well as articles, pictures, GIFs, and videos are mostly from PExers, as well as posts from TFC.tv., YT, and other sites on line. Enjoy all the selected posts from day 1 (July 9, 2012). You might want to read all at pinoyexchange.com. Here’s the link of PEx thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a comment