VOLUME 11 A – JANUARY 2-4, 2013
VOLUME 11 HAS 254 PAGES. IT WILL BE DIVIDED INTO 5 PARTS.
VOLUME 11
125 Date Aired: Jan. 02, 2013Maya accidentally told Sir Chief that she has a crush on him. Kailan ka naman aamin, Sir Chief? (part)
126 Date Aired: Jan. 03, 2013—Meet the new guy in Maya’s life. Pogi- check! Mayaman- check! Magalang- super check! Eh sa puso ba ni Maya- question mark.
127 Date Aired: Jan. 04, 2013—James finds out more of Maya’s secrets.
128 Date Aired: Jan. 07, 2013—Grabe na ang bugso ng mga damdamin. After everything that Richard said, will things still be okay between him and Maya?
129 Date Aired: Jan. 08, 2013—Mukhang “peace” na sina Nikki and Nicolo. What about Maya and Sir Chief?
130 Date Aired: Jan. 09, 2013—According to Ina, “What’s important ay kung sino ang gusto ni Maya.” Si Sir Chief, sino ba talaga ang gusto?
131 Date Aired: Jan. 10, 2013—Di pa rin nagpapansinan si Maya and Sir Chief. When will they unwrap their true feelings for each other?
132 Date Aired: Jan. 11, 2013—Aamin na si Maya sa kaniyang pamilya. Eh si Sir Chief, aamin na rin ba kay Maya?
133 Date Aired: Jan. 14, 2013–Oh no! Is Maya really going to leave the Lim family?
134 Date Aired: Jan. 15, 2013—Mukhang may aaminin ka ulit kay Nanay Teresita, Maya.
135 ate Aired: Jan. 16, 2013—What will Sir Chief do to stop Maya from resigning?
136 Date Aired: Jan. 17, 2013—The Lim family heads to San Nicolas. Mapapabalik kaya nila si Yaya Maya?
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
VOLUME 11
125 Date Aired: Jan. 02, 2013- Maya accidentally told Sir Chief that she has a crush on him. Kailan ka naman aamin, Sir Chief?
Lakas ng tawa at tili ng mga tao dito sa opisina namin dahil sa “pag-amin” ni Maya na crush nya si Ser Chief!
kumusta naman na ninamnam talaga ni Ser Chief yung sandali ng pagtatapat ni Maya sa kanya. kilig na kilig lang

Hindi normal ang iksi ng segments at haba ng commercial breaks!!!!
Awwwwwwwwwwwwwww he’s really disappointed na they’re not going together…kainlove…
At lalong kainlove na Sir Chief is trying hard to make Maya feel that what happened between them is normal
Ayan maya, aligaga ka mashado kaya pinagtatawanan ka na ni Sabel!
Normal lang? Sige… Tignan natin maya-maya
Huma-high school lang kayo ni Ser Chief ah!
Ihahanda daw ang kotse? fine, pero bakit kailangan semi takbo palabas Mr. Lim? takot sa traffic at 3 am in the morning?
Siguro rest week ng buong BCWMH…mas madami pa talaga ang commercials…at niri-repeat pa nila yung ibang scenes sa mga sumusunod na segments…
Pero walang magagawa kasi ako’y kilegkeg pa rin
I love his facial expressions habang pinapagaan nya loob ni maya by saying it’s normal..kainlove…at ang tono ng pagkasabi..
Yea parang ayaw nyang normal lag sila..hehehe parang tayo lang di na masyadong normal..hehehe

Napilitan tuloy akong e revive ang twitter account dahil **…huhuhu, double tumbling sa mga reaction ng mga adiks…tama ba nama pati 5, 7 and 9 years old nieces ko nanonood, kinikilig din…ohhh my geeeeeeeeeeeee, ano ba naman ‘tong ginawa ng BCWMH sa mga tao…
Si Sir Chief pinagti-tripan na ang mga cellphones at panyo hahhahahah
Ser chief wala ka na bang ibang panyo? Wash and wear ba yang bigay ni Maya?
Parang kelangan natin ng ‘band aid’ para sa puso ng mahal na hari at mahal na prinsesa.
Ang lungkot kc nila…pero sige, Ricardo… emote k lang jan…
FIRST NAME BASIS???
“How’s Richard?”- Ina
BLAH!
Ano kayang magiging reaksyon ni SC pag nalaman nyang wala naman talagang “LAST MINUTE INSTRUCTIONS” etong sila Maya sa T.A.?
HAHAHAHA
Lalabas na nga si Capt James V. Last gap nga lang
Pano yan Maya, di mo tinapos ang 9 simbang gabi… pano na ang wish mo?!!!
Wawa naman si Abby…

Lumabas nga si JV. Wala pa nga lang 10 secs
AYY!!! di ko yata gusto yong “You’re a nannY?!!!” ni Ventura ah.. oh ayan, last name yan… halata bang galit ako? Balik team Richard na ako!!
Sa palagay ko lalo pa nyang magugustuhan si Maya dahil dun. At mas lalong maasar si daddy pogi
Oo nga and it looks like you are not alone in not liking the tone of voice ni Mr. Ventura..mukhang may isa pang lalong naniningkit ang mata because of it.
Wow super kilig! Lalo na bukas, mukhang may belated fireworks display na magaganap sa summit.
Bitin na bitin na bitin na bitin na bitin <<< kulang pa yan!
Lumabas na si James! Sir Chief, mas lalong kumakabig ang puso ko sa mga ipinapakita mong reactions. Ahhh his disappointed/irritated look nung nalaman nyang di interns kasama ni Maya…at may James pa
Feeling ko sis, mas i-aadmire nya si Maya dahil sa info na yun. Hohoho! Mas magiging interested sya to know Maya dahil kaiba siguro ito sa mga babaeng nakilala nya dati. HAHAHA
Grabe, natatawa ako sa reaksyon ko nung napanood ko yung teaser.
(Biglang tayo sa upuan, ibinato pababa ang unang hawak ko)
“Ano problemo mo sa pagiging nanny niya? Hah? Hah?!”
Violent reaction agad ako. Just channeling my inner fruit salad.
This episode really started the New Year with a bang!
How awesome that they showed on the first day of the year reminiscing about the memories that happened the past year.
That confession was so spot on! hahaha! So unconventional, so original and makes the heart go thump thump thump 1000000x! :):):):)
Awwww parang hurt si sir chief nang nalaman niya na hindi sasabay si maya sa kanya sa summitt.
0o nga parang yun at yun ang panyo lagi niya dala. In fairness ngiti si daddy bango habang minamasmasan ang bigay na panyo ni yaya ganda.
Miss na miss mo na no?
Kaloka lang si daddy pogi at talagang sinita si yaya ganda tungkol sa seating arrangements…Maya naman kasi, di ka na nga sumabay papunta sa summit, pati ba naman sa pag upo di pa rin tabi? wawa naman si daddy pogi….pano na yung plano nyang di mabored sa summit?
While I was watching, para talagang iba yung ipinapahiwatig ng mga mata niya sa sinasabi niya. Parang deep inside, nahuhurt siya na iniisip ni Maya na normal lang yun kaya nagpanggap nalang siya na normal rin sa kanya. Just look closely in his eyes habang kinakausap niya si Maya. I don’t know. Parang iba talaga eh… or asyumera na naman ako. Sorry po!
Hay, sobrang pampa bitin…..ano bahhhhhhhhhh? kakainis, tiniis ko pang e off ang live chat sa pamilya ko kac nag la-lag ang live streaming ko…in the end…naka hang pa rin ako sa ere….ano bahhh, pwedeng bukas na agad2..
Grabe… sa ugaling ito ni JV, mukha talagang iinit ang dugo ni SC sa kanya. lalo na involve na si maya… sige lang JV, galingan mo ang pang-aasar kay daddy pogi ha?
Make sure to redeem yourself from your unnecessary tone sa “you’re a nanny?!”
Mukhang may I come to rescue to Princess in distress ang looks ni Mahal na Hari sa comment ni Ventura….
Hmmmmm, talk about Knight in Shining Armor and chivalry…
But ok, Ventura, I’m giving you the benefit of the doubt… wag kang magkakamali!!!
Oo sis gets ko ang observation mo and super agree ako…kaloka lang si ser chief…kasi naman bakit naging iba yung ending ng reality dream confession sequence nila sa kitchen ayun bitin tuloy…de ja vu ang peg sabi ni sir chief kaya dapat hanggang ending same.

Kahit ano pang comback ni JV kay Maya, for sure ang makikita lang natin pag biglang pan ng camera kay SC ay ang mahiwagang yamot-look.
Hindi pala dapat kasama mga interns doon sa kainan. para lang talaga sa mga executives ng airline industry. kaso invite ata siya ni mr. james ventura(tatanggi ba naman ng mga namamahala sa summit ang anak ng CEO ng TIME AIRWAYS?)
I think mas bibilib si james kay maya. kakaiba si maya sa mga ibang babae nakilala niya.
Kawawang Sir Chief
Iniiwasan siya ni Maya sa hiya tapos may umaaligid pang Mr. James Ventura.
nalungkot tuloy ako for Ser Chief
Kailangan ko ng fanfic para di ako malungkot . Mga nagtatago dyan. Ilabas niyo na
OMG! LOL…FINALLY! YOU SAID IT MAYA…THIS EPISODE IS SOOO GOODY! 🙂
Feeling ko lang magiging super nice itong si baby James kay yaya ganda…yun tipong to the rescue na si baddy pogi eh biglang may I singit and save the day ang drama… at syempre lalong masusubukan ang feelings ni Ricardo for Maya…hehe teaser lang ang peg.
Nakakatuwa talaga ang mga adiks! parang may blow by blow account dito sa thread habang pinapalabas ang BCWMH.
Mukhang may halong amusement ang pagsabi ni JV ng “you’re a nanny?” parang ang susunod eh mapapa-wow sya kasi ang galing ni Maya. Grabe lang ang pagkunot ng noo at pagsingkit ng mata ni SC sa teaser! parang gusto na ni daddy pogi maglabas ng gloves at gawing away kalye nalang ang labanan.
Ako din sis. pinipilit kong hindi lumambot ang puso ko sa expressions ni SC. una yung dun sa “akala ko sabay tayong pupunta sa summit”. awwww… kitang-kita mo talaga yung disappointed look nya.

Tapos yung may I habol na drama nya kay maya na ang dinahilan naman ay ang kotse. At ang mga bata… wala man lang kamalay-malay na may something na nagaganap sa daddy nila at kay maya.
Tapos nung nalaman pa nya na di naman pala kasabay ni Maya yung co-interns nya. Awwwww talaga daddy pogi…
Pero HINDI talaga muna! maghihintay muna ko ng isang decisive move from you. yung tipong parang left hook lang ni pacquiao ang peg! hahaha!
I agree mukhang nicely meant ni baby james yung nanny comment about maya…haaayyy ricardo one thing is for sure this summit is going to be far from boring…with a lot neck exercise on the side.
Dapat ata dito pagalingan nalang ng ligawan eh. May the best man win!
At sis, wag kalimutan ang nagbabadyang low pressure area na ang pangalan ay Ina. baka maging bagyo ito, soon. Naku naku naku Fumifirst name basis ba naman! Kaloka!
Can’t wait for the other teaser of the day… grabe na tong kaadikan na to pati teaser hinihintay talaga….hope our generous and talented writers can brew something up para di gaanong tigang..hehehe
Pambihira, kung makatutok ‘tong si Sir Chief parang wala ng ibang tao sa summit.Team James pa rin muna ako!
Go sir James, bet ko yang pagpapapansin mo. honest and direct to the point, not afraid to express your thoughts and feelings. di kagaya ni king of all tuods. Kung ganyan ng ganyan ang approach mas madali kang tatak sa utak ni Maya.
Ay, wag kang mag-alala, hindi naman ata dadaan yan sa United Kingdom of Lim.
Kailangang malusaw agad ang sama ng panahon na yan sa loob lang ng 24 hours. hohoho! tama na ang isang tropical depression na ang pangalan ay James.
Sasanib muna ako sa samahan ng mga heart surgeons… Kelangan ng open heart surgery para kay Mahal na Hari… ako na… ako na ang maglalapat ng band aid sa nagdurugo niyang puso!!
Jan na muna kayo kay ventura!! kelangan nya ng sedative para kumalma muna habang tuliro ang mahal na prinsesa.
Sa wakas lumabas na din si mr. teaser
Buti naman kahit anak ng CEO eh mukhang di suplado
Akala ko si maya ang di nakatulog eh parang si Ser Chief ang di nakatulog
Parang ang bagal kumilos pagbaba ng kotse
Ang kulit lang ni Maya kanina na alas tres pa talaga ng umaga e umalis na para lang umiwas kina Ser Chief.
Oo natawa nga ako dun… super duper excited naman ata si maya na makarating sa time airways ng 3am. ano kayang naabutan nya dun? nauna pa ata sya kay manong guard.
Kaya nga habol agad ‘tong hari eh. nainggit kasi nagpaalam sa kids at kiniss pa si Abby, siya hinde.
At biglang nalungkot nung sinabihan na normal lang na mag ka crush sa kanya at normal lang daw sila gaya ng dati.
Para ngang nag-one night stand sila eh. Normal daw makipag-sleep over si Yaya sa kwarto ni Mahal na Hari.
“Is it about last night?”
“Normal lang naman po yun eh.”
“Yes, it’s normal.”
Kahit saan angulo ko tignan, parang meron talagang hidden meaning eh!
Kaya nga e. baka naman siya ang nag bukas ng time airways.
Welcome dito sa porch. Bagong litaw lang din ako na adik. haha! oo nga. Kinuhanan pa si manong guard ng trabaho. hehe. kasi nga daw “normal” lang daw sila ni SC. Oo Maya, normal na normal nga kayo ni SC mo kaya pala todo iwas ka.
Ang kuteff magbobora waaahahahaha …may sabuyan kaya ng tubig sa dagat?
At sa pagiging normal nila e magseselos na si Ser Chief. Mukang maghahabulan sila bukas sa summit.
Oo nga. After nang nangyari last night e normal lang daw sila at kalimutan lang ang nangyari last night at balik sila gaya ng dati.
Kung mag bobora si kute, mag susuot din ba siya ng bikini?
Alam nyo guys…feeling ko at bet ko na si SC ang makakabuo ng Simbang gabi at ipapaalala ni Abby sa kanya to make a wish….then magwiwish sha about his family and Maya…yippeeee..Do you really believe that Mr. Lim?
Ayy ano ba yan! kinilig ako sa habulan kasi naiimagine ko na si Sir Chief! sasabog na naman ata ng kakiligan bukas.
Mukang sasabog nga siya. Kasi may part ata dun ng teaser na hindi sumabay si Maya kay SC na kumain pero nakita niya na sumabay si Maya kay James Ventura.
“Is this because of last night?”
“Normal lang naman po yun.”
“Yes, normal lang.”
HAHAHA!
Ano ba yung ginawa nyo? E parang HINAWAKAN LANG NAMAN NI RICARDO ANG BRASO MO MAYA!
DAHAN-DAHAN LANG NAMAN PATI DI BA?
OO! NORMAL LANG NAMAN YUN! Kayo talaga!
Sorry na mga kapwa kong addicts. Di talaga makaget-over dun lalo na’t inuulit ko ulit ang epi today sa iwantv.
Palusot lana si Ser Chief, kunyari titingnan ang sasakyan yun pala hahabulin lang si Maya.
Ayaw magdie down ang kilig. At ang ume-SPG na thoughts sa “Is this because of last night” na normal lang naman daw.
Hari na talaga ng palusot etong si Ser Chief! But you can really see how he values Maya no? Kung ordinary employee lang ang turing nya kay maya, di na sya mag-eeffort pa to habol her, right? Hahaha!
Tsaka kung si Sabel or si Doris or kahit sinong girl pa ang nalaman nyang may crush sa kanya, for sure hindi ganun ang gagawin nyang magtatanong pa kay Liza, aabalahin pa si rafi, at tatanungin pa talaga personally si maya.
Sure na sure na ko! walang bahid ng pagka-assumera! THE FEELING IS MUTUAL! di pa lang nya narerealize sa sarili nya. kaya andyan si james!
Oh my gas. Nung pinanuod ko ulit siya, nakita ko na yung hinahanap kong something nung nag-aagree si SC na normal lang daw yun. If you look closely, his half-smiles does not last longer than a second. Parang ina-assure niya lang si Maya that he’s on the same boat pero I think ang nangyayari eh parang hindi lang ata si Maya ang masyadong nabagabag sa sinabi nito. Ewan ko pero parang his heart is slowly absorbing what she said… and umiiba na ang pagtibok nito.
Analyze analyze to da max na naman!
Denial king talaga si Ser Chief. Ayaw aminin na special din sa kanya si maya.
Naawa ako kay dAddy pogi nun.. lalo yung akala din niya sabay sila punta ni Maya..pero naintindihan ko si Maya..
Kaya lang talaga ewan ,,nung nakita ko yung mukha ni daddy ponkan na ganun
lumambot na agad puso ko,, naawa ako!
Pero kinilig naman ako sa panyo ..yung bigay ni Maya sa kanya na lagi niya ata gamit..
Sus pati siguro pagbigay ni Maya ng panyo sa kanya kinulayan na niya, e siya ‘tong naunang nagbigay ng cellphone. Chos.
And wait, so magkakasama sila sa isang table? Sir Chief, Ms. Ina, Maya and sir James?
Wahh sana maagang lumabas ang teaser! Excited na akong makita ang possessive side ng hari!
“Yes normal. VERY NORMAL.”
ANG OA NAMAN SIR CHIEF! Anong very normal dun? HAHAHA
Gusto mo lang pagaanin ang loob ni Maya e!
At ikaw na ang patakbo, ihahanda mo lang naman ang kotse. Hay hay naku!
Ooooooooops!!! May napansin ako sa preview para bukas.. Play-pause ang ginawa ko sa preview i dont know kung tama ang nakita ko pero doon sa part na paupo si James sa tabi ni maya while saying “If maya’s wOrking for Mr. Lim” tapos sabay si Sir Chief naman e paupo din.. Yung babaeng tatabihan ni sir chief.. Is that Maam Ina?!?!? Di naman si Liza yun.. Parang si maam Ina talaga.. Hahahaha!!! ilabas na ang teaser please!!
Yes sis! si ms. Ruiz nga ang tinabihan nya. I saw it too! Don’t worry. Ang buong atensyon ni Mr. Lim ay na kay Ms. Dela Rosa lamang. Hohohoho!
Aha!!!! Sure ako na sumama sa table nila maya si Sir Chief.Kasi nung nagtatanong si James ng “if maya’s working for mr. Lim, bakit siya nagiintern sa atin?” Si maam ina naman nag-explain: “Nagiintern siya sa atin at the same time nanny siya ng anak ni mr. Lim” nung sinabi ni maam Ina yun nanny siya ng anak ni mr. Lim tumingin si ina sa katabi niya..
Okaaaaaay.. Kung ano ano na ang inaanalyze ko.. Adik talaga

At mukhang naasar itong si ricardo.. Kasi feel niya e inaapi ang prinsesa niya kaya siguro inaya na niyang umuwi na baka ano pa ang magawa niya kay james
“Hi Sir. Good morning. Si Maya po?”
“SHE’S HERE?”
AISUS! AGAD-AGAD?!
Ikaw talaga baby boy! Nagiging hopeless romantic ka na! Gusto kita i-comfort. Halika dito, i-hug kita!
Ako din sis. pinipilit kong hindi lumambot ang puso ko sa expressions ni SC. una yung dun sa “akala ko sabay tayong pupunta sa summit”. awwww… kitang-kita mo talaga yung disappointed look nya.
Tapos yung may i habol na drama nya kay maya na ang dinahilan naman ay ang kotse. at ang mga bata… wala man lang kamalay-malay na may something na nagaganap sa daddy nila at kay Maya.
Tapos nung nalaman pa nya na di naman pala kasabay ni maya yung co-interns nya. Awwwww talaga daddy pogi…
Pero HINDI talaga muna! maghihintay muna ko ng isang decisive move from you. yung tipong parang left hook lang ni pacquiao ang peg! Hahaha!
Ako sis.. lumambot na talaga ang puso ko kay SC .. naawa ako.! ano ba yan!
hahaha eh kasi yun nga yung di nga sasabay sa kanya si Maya tapos sa normal lang daw! EWan kainis!hahaha naawa na talaga ako.. gusto ko siya samahang mag-emote..hahaha
In fairness, ang gondo-gondo ni Maya sa summit! Partida, wala pa yang beauty sleep ni isang wink!
Parang nag-expect naman si SC after nung nangyari “last night” kaya na-disappoint sya nung sabihin ni Maya na normal lang daw yun. kawawa naman talaga sya sa scene na yun, parang nadurog lang yung hopes nya.
Napansin ko rin yung seating arrangement. Si SC, Ma’am Ina, Eman, Maya then James Ventura. exciting! mukhang pag nagtagal pa eh si Sir Chief na ang magiging basag ulo freak (Nikki mode) dahil kay JV.
Tama! ganda-ganda ng mahal na prinsesa..
(haba ng hair ni Maya..)
–yung isa pasulyap-sulyap sa kanya sa summit di mapakali, at sure na di makikinig ,, na kay Maya ang atensyon
–yung isa naman kakakilala pa lang “i like you agad”..
Originally Posted by Maltz
Kaloka ang episode today! Super Iksi. 18:39 minutes lang. Kasama na ang nakaraan at inulit ang scene sa kitchen. Anong kalokohan toh ABS?
Pwede bang mag request sa ABS na gawing NON-STOP with no commercials talaga para sa show. Kahit isang araw lang oh.

Oo nga. Sobrang dami kasing commercials.
Sana nga minsan magkita kita ang lahat ng admirers ni Maya.
Oo nga no? Kala ko kasama si wilson sa summit? Natuwa pa nga si Emman kasi diba kasama na nga daw si Wilson? Sayang dagdag pampa-jelly sana ke Ser Chief.
In fairness ah puro may sasakyan ang suitors ng prinsesa.
Sa pabonggahan ng sasakyan, hay nako. Bet na bet ako kay Sir Chief. I love sleek cars!
I’m sure, in the end… kahit ilan pang kotse ang makita ni Maya sa buhay niya, isa lang pipiliin niya at yun ang black bmw.
Last Night…
http://imageshack.us/a/img38/6964/rc2we.jpg
After Last Night:
http://imageshack.us/a/img805/1267/rc3ep.jpg
http://imageshack.us/a/img705/7272/rc4d.jpg
Originally Posted by Maltz
Daig pa ni SC ang security guard sa sobrang higpit sa pagbabakod kay Maya .
Biglang binakuran si Maya.
Maya, patimpla nga ng isang pitchel ng kape.”
Di na makakatulog si SC sa kakaisip nyan! Lalong maaaligaga at matotorete kay Maya. Baka sya naman ang maka-sleep-over sa kwarto nila Maya at Manang Fe.
http://imageshack.us/a/img546/715/71287501.gif
http://imageshack.us/a/img17/2003/40459039.gif
Originally Posted by gorgeousgeek07
Last Night…
http://imageshack.us/a/img38/6964/rc2we.jpg
After Last Night:
http://imageshack.us/a/img805/1267/rc3ep.jpg
http://imageshack.us/a/img705/7272/rc4d.jpg
Grabe ang pag shift ng emotion ni SC.
Nung gabi ay kilig na kilig parang… tapos e biglang nag
AWWW…
Kitang-kita mo yung difference ng half-smile ni Daddy Pogi dito. Pilit lang yung pangalawa just to assure Maya…
Para na talaga siyang iiyak.
Sir Chief, sobrang nakaka-awa ka rin talaga. Para kang binasted. Ouch.
I think that’s the widest half-smile na nakita ko kay Ricardo sa buong airing ng show na ito nung nag-faflashback siya sa sinabi ni Maya na crush daw siya nito. Di lang halata masyado pero kilig to da max yan inside. Baka nagtatatalon pa yan sa kaloob-looban niya.
Naku Pano na yan mga kakosa… lumalambot na puso ko, sa hitsurang broken hearted na Ricardo, smahan pa ng sad face na Abby…huhuhu
Pag hindi ka pa naman gumawa ng move nyan Ricardo! Ewan ko na lang!
I like James
Di nya lang pinapa singkit lalo ang mga mata ni daddy pogi, umuusok pa ang tenga at lumalaki ang butas ng ilong sa inis
Sori mr. Ponkan at titiisin muna kita ngayon
Aba! Anim na buwan din ang aming paghihintay bago ka matauhan kelangan magising ka ng bonggang bongga!Dapat ikaw naman ang naghahabol sa aming prinsesa
Hayy di makatiis ang lurker at nagregister … newbie here
Feeling ko nahawa ako sa sad face ni Sir Chief … tiisin mulang konti daddy pogi..
Pano na yan? Since naiilang na si Maya mawawala na yung mga moments nila sa veranda, porch, bench.
Naku! Lalong mamimiss ni Sir Chief si Maya at marerealize nya na mahal na nga nya si Maya.
Alam na kasi ni Maya na alam na ni SC na crush niya to kaya nahihiya na siyang makipag usap at bonding sa porch after dinner. Kahit nga yung mga eksena sa principal’s office nababawasan na.
Kahit lots of paper work pako di ko matiis di mag lurk dito sa porch and now nagpopost pa ko, nakaka goodvibes kc dito. I love how Ser Chief pronounce “DENSE?”
Oo nga eh kaya nabawasan din yung kilig moments di ba sabi ni Maya normal lang
Tapos na sila sa kilig. Habulan at selosan na ngayon.
Akala ko pa naman matutuwa ako pag nakita kong ganito si SC dahil kay Maya:
Dahil nga “it’s payback time!”
Yun pala hindi…
Sis…twice ko palang inulit pero di ko kinaya…parang kinurot ang puso ko for both of them. parang niloloko lang nila mga sarili nila na everything’s gonna be okey. see the face of may while explaining what she meant by normal tapos kinutshort sha ni SC na its normal. ang sakit for both of them that they agreed na everything is normal…ano ba yan puro normal…eh tayo abnormal!!!!! hayyyy!!!
I am sad…really really sad…inulit ko ulit yun scene na;
“I thought sabay tayong pupunta sa summit?”
“Hindi ka na sasabay?”
Grabe nde ko kinaya expression ng face ni SC….sobrang guho ng mundo ko…
Reminder: walang pang xmas celebration sa bahay ng mga Lim…aabangan pa natin ang pagbigay ni Maya ng gift nya kay SC…… looking forward to this…
Also….love ng handkerchief scene ni SC. heartfelt lang ang ngiti
Ako nga din e. Sobrang awang awa ako. Ang cute naman kasi!!! Hindi ko makuhang mainis. Pero…. kampi muna ako kay jv ngayon. for now lang naman yun…
Pag gumawa na ng move si Sir Chief to win maya back… balik Sir Chief na uli ako. (balimbing talga ako!)
7:30 na wala pa ding teaser? Naku! Baka naman bukas pa ng umaga yang teaser na yan.
I feel for SC! Super.
But what can I do? Namaaaaaaaaaaaan! Ako na! Ang affected!! Agad? Agad? C.E? AFFECTED? Hahahahaha! Kainis!
Akala ko magiging HAPPY ako at mas EXCITED kapag si SC na yung hahabol habol ke Maya. Kaya lang unang araw palang BASAG na agad ang puso ko. Seeing him Slightyyyy jellyyy! Bayan!
Pero ganun talaga. Umpisa pa lang yan eh? I’m sure meron pangbawi dyan sa mga susunod na araw. Ataters lang ako eh.
Anong nangyari at wala pang naka-post na teaser? 8pm na pero wala pa rin. Excited pa naman ako warakin yung replay button!
Napanood ko sa TV yung teaser, dinagdag lang nila yung scene na paupo si SC sa table nila tapos si Maya naman biglang tumayo at magsi-CR daw. Tapos pinakita rin yung pagpapakilala ni JV kay Maya at pagshake hands nila. Pinakita rin yung sinabi ni SC kay Maya na akala nya puro interns ang kasama niya tapos sinilip nila si JV at naningkit ang mata ni Daddy Agila sa selos!
https://youtu.be/Ey5KawuG_-I
Ngayong THURSDAY sa “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Selos ba si Ser Chief? Yung totoo Ser Chief?
Huhuhuhu kawawa naman si Ser Chief….. Maya dahan dahan lang ang iwas, huwag mo naman masyadong pahirapan si daddy pogi.
By the looks of things mukhang principal office si Maya kay daddy pogi..may I sita lang si Ser Chief…normal nga sila
Sumikip dibdib ko para sa mahal na hari, but I think it’s better to add spice sa pagmamahalan ng mahal na hari at mahal na prinsesa…at isa pa, I remember SC words in one of the interviews na malaki pa ang ipagbabago ng character ng mahal na prinsesa…
Mas type ko nga ang selosan nila kung MU na sila eh para mas may kilig kesa itong naghuhulaan pa kung sino mauunang mainlove….heheheh fast forward na sana nila…. dont you agree? Hehehe
Si Emman ang president ng team James
Naaawa din ako kay SC. Pag-iwas ni Maya + damoves ni JV= SC’s hurt face.
Oo nga, namimiss ko yung kape moments nila sa porch pero naniniwala pa rin ako sa writers ng show. I think they are taking this slowly but surely. Mas masarap naman talaga ang tamis ng bunga pag hindi pinilit. Tingin ko sis medyo matagal pa bago gumawa ng move niya si SC kasi syempre may pagprocess pa ng feelings nya saka how he will deal with it eventually pag na-realize nya kasi syempre minahal nya ng sobra si Alex. Baka maguluhan pa sya sa feelings nya. Yung ganung effect lang. hehe.
Basta kapit bisig lang mga co-addicts! GV all the way lang.
Excited na ako sa pag-aangry birds ni daddy pogi sa totoo lang. naiimagine ko na ang pagtumbling ko pag nangyari yun. ay grabe lang. baka sa sobrang pagngingitngit nya gustuhin nya na lang na i- ang lahat ng mga baboy sa angry birds at syempre isasama nya na si James dun.
Eh etong si Maya, dense rin ata eh. Hindi niya ba nakikita na nasasaktan na si Daddy Agila sa ginagawa niyang pag-iwas? Gusto niya bang nasasaktan ang kanyang minamahal este crush?
Parang gusto ko nga ulit maprincipal’s office si Maya. Matagal-tagal narin siyang hindi napiprincipal’s office eh.
Baka isipin nalang ni SC na pinaglalaruan lang pala ni Maya si Ricardo dahil lipat-bahay agad siya kay James.
Hay nako! Madrama ang kahihinatnan niyan kapag selos at iwas ang umiiral sa dalawang eto. Tsk tsk.
Ang mga addicts ang daling bumaligtad! parang nung hirap na hirap si maya dahil kay SC, di natin mahintay ang araw na si SC naman sana ang mahirapan.
Nagsisimula pa lang mga ka-adiks, di pa nagiging dugo ang luha ni SC, (ano daw?!), simula pa lang ito ng pagtutuos, BUMIBIGAY NA TAYO?!
Iba talaga ang pag-ibig natin kay ricardo!
WAGAAAAAS!
Kahit di magkatabi sina Ser Chief at maya, di naging boring para kay Ser Chief ang summit
May pinagkakaabalahan siya
Bantayan si Maya
Hinde ko alam kung matatawa ako sa ting mga adiks…. parang kelan lang eh kulang nalang eh ibitin natin ng patiwarik si SC sa mga pinaggagawa nya kay Princessnatin….ngayon naman halos lahat naman nagdurugo ang puso makita lang shang nahihirapan……waaaahhhhh ano ba talaga mga sis!!!!!! See what love can do!!!!!!!
“Is it because of last night?”
Nag oover analyze lang po! hindi ko kasi kinaya yang linyang na hindi umaariba ang aking malikot na imahinasyon!
Pilyo at pilya talaga mga writers ng BCWMH!! Parang alam na alam lang nilang pagpipiyestahan nating mga adiks yang eksenang yan!
Eh ano ba yung na-analyze mo?
I think… si Daddy Pogi na ngayon ang nakakaexperience ng roller coaster rides!
Na siya na ngayon ang medyo torete sa kung ano nga ba yung dapat nyang maramdaman after Maya’s confession…
Pero, obviously… andun yung nakakamatay na kilig!!
At yung lungkot-lungkutan na fez kasi wala naman follow-up yung confession na yun!!
Siguro… nag eexpect!!
Tama ka dyan sis! nawindang din ako sa “about last night” na dialog, akala mo naman may kung anong SPG ang nangyari, eh umamin lang naman na may crush sa kanya si Maya.
Basta ako hindi ako nalulungkot for Ricardo kapag nasasaktan sya sa selos, kinukurot ang puso ko sa kilig…aayyiiiiiiii…
At ang dream plot ko ay ‘yung tipong willing syang mawala ang milyon-milyong business opportunities at partnership between Time Airways at Lim Aviation wag lang maagaw sa kanya si Yaya Ganda… awwwwww.
Halush! Happy New Year muna sa lahat!
Mukhang binulaga tayo ng writers sa pagpasok ng bagong taon ha. Kitang kita sa takbo ng thread eh. Aba’y hinay hinay mga sis Mula pa kahapon wala na akong ginawa kundi tumakbo ng tumakbo para mahabol lang itong thread. 25 pages lang naman ang br ko kahapon. Tapos kung kelan matatapos na, madadagdagan na naman Lawit na ang dila ko kakahabol.
Pero keri lang … mai-in love na si ricardo natin! Isa na syang ganap na binata! Yeeeessssssss!!!
BR ulit ….
Para ngang nadisappoint eh….feeling nya siguro eh wala lang kay maya…simpleng crush lang kase the way maya handled the conversation parang wala lang talaga….magaling din si maya kung napaniwala nya si SC na wala lang talaga kaya ganun nalang ka disappointed yun mama. haayyyy…analogy…analogy…
Sa epi today, it showed na gentleman talaga si sir chief. he didnt want maya to feel awkward and uncomfortable with “what happened last night” at talagang umeffort pa siyang habulin to. I love the facial expressions – yun emotion nya of disappointment/ worry na after last night magiba na yun pakikitungo ni maya sa kanya -which started already ng hindi na ito sumabay sa kanya sa summit (excited pa naman siya to be with her para less boring yun summit). gusto ko rin yun scene where ms ina was talking to maya in front of sir chief about “her crush” at yun reaction ni sir chief ay parang gulat na pati si mam ina alam, na parang gusto nya sila lang ni maya ang exclusively aware dun. then yun after sinabi ni JV na “you’re a nanny” he seemed to be so protective of her na parang sobrang asar nya sa line na yun. (naalala ko tuloy yun sa LIP scene where vivian was mocked by donna kasama yun guy na nabangga nya then carlo grabbed vivian at inilayo sa mga yun. parang ganun lang yun dating sakin ng scene kanina. (oh still a LIP fan after all these years. sana talaga iremake nila to with jodi and RY.)
Ang galing ni Maya dun sa tago sa kumot at di mapakali scene.Pati si Sabel. Kulit talaga ni Jodi.
Ang hindi ko talaga expected to be super effective is richard yap. aba kahit expressions lang nya – ngiti, pagtaas ng eyebrows, smirk, gentle touches, yun eyes nya – he can convey what he feels, what is needed sa scene. For a newcomer, magaling siya. bulol lang magtagalog kung minsan
Congrats to the directors, writers and crew of bcwmh. aba lahat ng characters magagaling. from the ones in san nicholas, hanggang dun sa TA, sa Lim Aviation (yes pati na rin si Sonny), sa school at sa bahay, wala akong maipintas.
I love emman too. Naku boses pala niya yun voice over sa teaser ni James Ventura.. hang landi lang.
Post ko lang my sentiments, hahaha! di rin kasi ako makatulog. Good Morning na pala mga adiks. Glad to be part of this super fun, super positive, with very talented members (esp yun writers/ contributors sa EB and of course sa pasimuno na si Ms Sharpie – ang corny ko pero i was teary eyed reading yun latest post na “broken”, hahaha! at si ms froggy for the wonderful videos na lahat ng sa work ko ay pinasahan ko na rin sa cp)
Ms Froggy pwede magrequest ng special video about sir chief at yun mga pinakita nyang pagselos, pagalaga, at kakaibang pagtingin kay maya (from the start till now, like yun pagselos kay simon with the solitaire mode, yun sa baguio na truth or consequence, yun car scene sa baguio, pahiram ng jacket/ the pillows/ blankie scene/ yun undecided call sa cp/ atbp. tapos yun song na “if im not in love with you” ang background, kung pwede lang naman and if may time, hehehe!
Sa mga young ones and young once na sobrang kukulit na members ng thread … ipagpatuloy nyo ang kulitan mapa spg man yan o hindi, hahaha! sa newcomers, resurrected members who were lurking lang, welcome!
Bye na… ill try to catch some sleep na. see you ulit tomorrow. Love you all
Feeling ko tama ka sis mas magugustuhan niya si Maya dahil sa kanyang humble background at yung isa naman diyan na nuknukan ng bagal e sisingkit na naman ang mata
Yan din ang feeling ko. Naku ang Daddy Pogi, hindi na maipinta ang mukha dahil nag-uumpisa na siyang magselos. Go lang ng Go James, pasingkitin pa lalo ang mata ng mahal na hari.
Pilit na pilit yung ngiti ni Ricardo dun sa “normal” hay naku Ricardo umamin ka na kasi
Inulit ulit ko ang epi today, kirot sa dibdib ang paghabol ni SC kay Maya
Ay ewan! ang hirap pala makitamg malungkot ang densiong Ricardo
Basta! like ko si James
inulit ulit ko ang epi today, kirot sa dibdib ang paghabol ni SC kay Maya
Ay ewan! ang hirap pala makitamg malungkot ang densiong Ricardo
Basta! Like ko si James
Notice ko lang ang pagka protective ni SC kay Maya.
Kaya siguro kahit di pa siya inlove dito ( kasi di pa niya alam
pero alam na ng sanlibutan ) maiinis siya kay James.
Alam niya kasing di pa nagka-bf ang isa kaya may pagka naive pa.
Magandang normal na umaga, gabi, hapon sa mga normal na adiks saan mang sulok ng normal na mundo na di maiwasan ang paigigng abnormal sa normal na nararandaman…
“What’s the chaos all about?”
Lumipad alang ako papunta dito sa isang sulok ng daigdig eh dami ko nang BR. ano ba to?!!!
At habang lulan ako ng sasakyang himpapawid, nakangiti ako kc naalala ko ang mahal na prinsesa.. tingin ko lahat sila gustong agawin ang pagtingin ni mahal na hari sa kanilang ayos at kilos.Sorry ladies, kay Maya lang siya… period!!!
And I imagined the part on the story “The Surprise” when Mahal na Hari was proposing to Mahal na Prinsesa on the plane!!. Kilig… Thanks Ms, Sharpie.
Wish ko lang katabi ko si Ricardo… nagiging abnormal na naman and condition ko.
At pagmulat ng mata, direcho ba sa porch?!! Buti na lang bukas pa ang work.Certified adik na talaga.
http://cdn.makeagif.com/media/6-02-2015/_O7v9p.gif
1-2-13
————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
126 Date Aired: Jan. 03, 2013—Meet the new guy in Maya’s life. Pogi- check! Mayaman- check! Magalang- super check! Eh sa puso ba ni Maya- question mark.
Grabe talaga ang chemistry ng dalawang ‘to! Yung first titigan nila…bago dumating si Ina…ay sobra!!!!!!
Hay naku Ms. Ina, bakit ba pinahihirapan mo nga malaki ang aming mahal na prinsesa..

LMAO. Obvious na! Ginamit ni daddy si Abby. Hindi tayo asumera this time mga adiks!
“WAIT MAYA.” x like so many times Oh My G!
Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh hindi makawala ang mahal na prinsesa!
Pinakilala pa talaga sa mga business partners nya. Kaloka ka day Sir Chief
Naks….ang mahal na hari, sobrang proud sa mahal na prinsesa, talagang pinakilala pa sa mga ka-associates nya……..ulit-ulitin ko to ng isang daang beses..
Mamaya sa iwanTV, bibilangin ko kung naka-ilang “Maya” si SC sa FIRST GAP pa lang!
KALOKA KA RICARDO! Ayaw mong mahiwalay si Maya sa piling mo!
“Maya, Abby wants to talk to you (over the phone).”
Nung kausap na ni Maya si Abby, sabi nung bata,
“Yaya, Daddy said YOU WANT TO TALK ME daw po.”
IKAW NA RICARDO! ANG HARI NG PALUSOT!
Grabe si SC! Makatawag kay Maya akala mo yun lang ang alam na pangalan sa buong mundo! Hahahaha!
Kailangan di umalis sa tabi?!
Musta naman yun?!
WAAAAAaaaaaahhhhh kinikilig akoooooo, naku SC ikaw ha! Talagang gumagawa lagi ng excuse laging tawag si Maya, pinakausap kay abby tapos hindi naman pala gusto kausapin ni Abby si Maya gusto lang magpaalam sa daddy if pede kumain ng ice cream tapos pasa agad kay maya ang phone…tapos paalis na sana si Maya tinawag ulit ni SC sabay pakilala sa mga colleagues nya hmmmm…priceless ang smile ni maya ha, nangingiti na me halong kilig ng konti, ganun Maya? ano iniisip mo ha?
Hays kakilig lang talaga…si SC duma damoves!!!! Ginamit pa si Abby!
Kunwari gusto daw kausapin ni Abby si Maya kaya ibinigay ang phone kay Maya…sabi naman ni Abby sabi daw ng dad nya gusto naman daw ni Maya kausapin si Abby hahaha ankulet lang.
At ipinakilala ni SC si Maya as her employee sa mga clients.
SC nabuking si Maya na wala naman pa lang dapat gawin si Maya sa TA kaya umalis ng maaga. Then hinabol si Maya….SC to Maya: Maya, normal lang tayo (to that epek) hahaha
Sana next time na ipakilala ni Mr. Lim si Maya sa mga biz associates nya, ang ipakilala ay,
“This is Maya, my wife.”
OHMYGEEEEEE!!!!!!
At napansin nyo ba mga ka-adiks, may I swing my arm around Maya pa ang gesture ni Ricardo nung pinakilala nya sya sa mga big bosses!
OHMYGEEE!!!
BABY BOY! MALAPIT KA NG MAGING GANAP NA BINATA!
Si Maya gumagawa lahat ng paraan para umiwas kay SC
SI SC naman kung ano ano ginagawa para pigilan si maYa na lumayo sa kanya..
Ginamit si Abby para kausapin si yaya ganda sa phone..
Tatakas nanaman si yaya ganda hinarang uli ni SC at introduce ai Maya sa mga businessman..
Muntik magka HB si SC kay maya dahil gusto niyang umupo si maya sa grupo nila pero tumanggi si Maya at ginawang dahilan ang mga fellow interns niya

Kaloka si Emman at si Jane. Nagaaway ang dalawng interns. I love Emman
Super cute na Luke, mario maurer ng pinas… manang-mana sa papa
Ang cute na ng Niknic
Go Emman…hahaha
Oh My Gosh! Sir Chief means business! Love ko yung “questions” scene
Tampuhan, Habulan, Taguan, Hipuan, Tanungan, Tinginan…aaaaaahhhhhhhhhhhh kILIGAN na ng sobra eh dalawa pa lang gaps
Emman me wub you …
“OK”
“BAKIT?!”
…NAMAN!
First gap pa lang kinikilig na ako!!!
Hay, naku ABS-CBn ano ba namang ***…bakit pina lundag nyo naman ang mga viewers nyo…cute ng tinginan…daig pa ang PBB teens…
TAMA YAN!
MARAMI KAYONG MATUTUNAN RICARDO AT MAYA SA SUMMIT!
Aba’y NATIONAL ANTHEM pa lang, NAGSUSULYAPAN NA!
Kilig to the bulun-bulunan and nerve endings ito!
At pansin nyo ba, iba talaga ang scoring pag eksena na ni James.NAGBABADYA! Nagiging SUSPENSE THRILLER ang feel!
Haaaaay naku hide & seek ng mga tingin ang peg ng dalawa, SC sige pagpatuloy mo yan, tagalan mo pa ang mga titig na meaningful, parang bantay sarado ka lang talaga kay maya at ang maya hindi din mapalagay at palingon lingon lang, hmmmmm, medyo intense ang feelings …pati tuloy mga adiks intense din, naku mag te trending na naman yan sila sa twitter, I’m pretty sure…at James v, ha pa impress pero ang cute mo lang din,…very good ka sir James
LMAO. Obvious na! Ginamit ni daddy si Abby. Hindi tayo asumera this time mga adiks!
Feeling ko matagal na talaga ginagawa ni SC na kunyari si Abby ang need si yaya ganda pero dahil di makapagsalita si Abby kaya di natin alam. (Asumera mode lang)
Sa mga pipila ulit kay Ricardo, ito lang ang masasabi ko,

“TUMIGIL KAYO, KUNG AYAW NYONG LAITIN KO KAYO FROMTOENAILS TO SCALP!”
Winner ka talaga Emman!
Go Emman, tarayan yan>>> gusto ko yong. mas mayaman ako sa u!!! Magaling ka lang umingles.
Di na tayo kelangan para durugin yang kutong yan!!! Kayang kaya na ni Emman!!
Ang hirap magkwento pa uber kilig!!!!
At kung maka “BAKIT?!!!” talaga si SC
Sobra-sobrang new year gift ah, paano pa kaya ang susunod na damoves ng mahal na hari… marunong ng magpa obvious…
WAWA NAMAN SI BANSOT!
BIGYAN NG BAND-AID!
I’m sorry Maam Ina, but he doesn’t really care about those tidbits hahahah
Sir Chief, pay attention! Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!
Hmmm…sigurado ako si Sir James hindi dense hahah.
Hanggang silipan na lang ba kayo?!
Oh my shunga-bells!
Ang magkakastiffneck ata ay si SC! Walang pahinga sa kakasulyap!
ANOBEYEN!!!
In fairness, bongga ang casting ng BCWMH, mga magagandang lalaki kahit mga bagets… eh, paano naman hindi matawaran ang ka-gwapohan ng mahal na hari..ewan ko lang kung bigyan sila ng exam after ng summit kung may isasagot sila, e…puro lingonan ang ginagawa…
Grabe ang titig ni James kay Maya. Halos matunaw na ang Maya.
Habang meron isa sa likod na panay sulyap at naniningkit na ang mata sa selos!
NORMAL lang talaga ha?!
Maya, sabihan mo nga yang si SC mo!
“FOCUS!”
Buti pa si Maya, di na obvious. Ikaw naman Ricardo ang di mapigilan ang sarili!
I so love what is happening! Dream come true na ata ito!
Naaaliw ako sa mga usapan!! Parang nanunuod n din ako ng live ibang klase talaga kyo mga classmates sa KBU… winner tyong mga adiks!!!
Parang nag-iba ang mukha ni Niccolo dun?
Magkasabwat pala sina Niccolo & Luke kay Nikki
Galit na naman ang dalaga. Well.. We’ll see pag exchange gift na
Na-figure out na ba agad ni sir James ang maya/Sir Chief? O talagang lang attracted na sya kay Maya?

Ang mga banat ni Emman hahhaha …”hayaan mo syang ma-comatose”
So tama hinala ko…mabilis ang pick up ni James
Boring talaga pag may conference…
Pero kung may ganyan na may naghahabulang parang lovers… Ayieeeeee
Malakas talaga ang arrive ni James. Chismoso lang
Oh my siomai!
“When you become a flight attendant, I’ll be your pilot.” Naks!
LOL. Proposal agad hahahah
MARRRRRIIIIAGGGGGGGGGGGE PPPROOOOSSSSSSSSSAAAASLLLLLLLLLLLL????
James!!! Marriage proposal! Agad agad!!! Sobrang bilis talaga!
Huwaaaaat??? MARRIAGE PROPOSAL??? AGAD-AGAD??? Kalokaaaaaah!
Paktay may mag-aamok na!
DEAR JAMES: You’re so early agad agad a….
PBB TEEEEEEENS!
Grabe Kapitan Kidlat ka nga James! Ambilis!
Eto na talaga! Marriage proposal, James? Faster than the speed of lightning ka ah! ma ka ni SC nyan at may kasama pang magiging basag-ulo freak na si Sir Chief! hahahaha! buong araw ata nakakunot ang noo ni SC at naka-on ang kanyang look! haha.
Superfast lang ni Sir James ah, may proposal na agad agad! ano ba yan SC, fast track na dapat ang damoves mo kase maiiwan ka na sa biyeha…ang bagaaaaaalllll mo!
BTW guys, can’t understand what sir james said about that proposal? Help me anyone? Thanks
MARRIAGE PROPOSAL BA?
LET’S HEAR IT!
Sabi nya, “If you decide to leave the Lim family, I have a proposal for you.”
Sabi ni Maya-girl, “business proposal?”
Sabi nya, “no, a MARRIAGE PROPOSAL.”
WAIT LANG TAYO. BAKA NAMAN JOKE-JOKE LANG NI JAMES! HOHOHOHO!
Pero kung totoo ‘to!
MAGKAMATAYAN NA JAMES VENTURA!
Magiging ACTION STAR SLASH TERMINATOR
Itong si SC!
Ihanda na ang gloves at boxing shorts ni Ricardo,
Pati na rin ang lahat ng klase ng revolver at trifle. Patalasin na ang mga tabak!
It’s time!
SANA NGA MANGYARI BUKAS YUNG MARRIAGE PROPOSAL!!! NAKAKALOKA KAPAG SA LUNES PA NGYARI YUN!!! #CAPSLOCKMOPARAINTENSE
Love love love ko ang basagan nila ni Jane. Basag si Jane
“Hayaan mo syang macomatose!”
Dami ko tawa dito sis, ang init talaga ng ulo ng baklang si Emman kay Jane at hahayaan na lang na macomatose.
Teka, keka,teka, JAIME KA!!! ano kamo? Anong proposal?
Tinamaan ka ng ****
Pinaglalaruan mo ba ang Mahal na Prinsesa namin?!!
Ricardo, wag kang mag alala, ikaw pa rin ang nasa puso ni Maya..
Yang paiwas iwas na yan eh lalong nagpapakabog sa dibdib niya..

Wow ha, ganun kabilis si Captain James “Super Kidlat” Ventura. Marriage Proposal agad-agad. Anong masasabi mo dun ha Ricardo? Ayan tuloy, ang bagal mo kasi.
Alam nyo naman siguro ang usual drama ng rich kids sa mga drama no?
Yung kailangan munang ikasal ang TAGAPAGMANA bago nya i-assume ang posisyon ng kanyang AMA!
Baka ganito ang drama nitong si James!
Ser Chief forever pa din!!! Kaso bilisan mo na.. wag ng dense!!!
Gusto ko yung Simulan mo, tatapusin ko!
Tingin ko he was trying to save Maya sa kahihiyan? Or something like that. Kasi nga alam ni James na sobrang nahihiya si Maya dahil alam na ni SC. Tapos nasesense din naman nya na may feelings si SC for Maya. Parang catalyst lang ang peg nya! haha.
Thanks sis! me ganun agad agad, hmmmm feel ko playboy ‘tong si sir james, sanay na manligaw e piloto eh,! naku naku, sana naman lang kumilos na si mahal na hari, bakit ganun ang tagal lang nyang magpakita ng matinding emotions, kakaloka ka sir chief ha, !!!
Pero totoo nga yung sinabi ni Luis sa interview,
Magkakaroon sila ng KAKAIBANG KLASENG CHEMISTRY ni Maya!
In fairness, may chemistry naman sila… AND I LIKE IT!
Pero kaiba sa chemistry na meron si Maya at SC!
I like their convo about holding one’s breath to release tension and telling of each of their secrets!
Ito na ang kanilang “THE BEGINNING”. Hahahaha!
Ricardo, ngayon ka pa lang sumusulyap-sulyap.
Itong isa, MARRIAGE PROPOSAL na AGAD-AGAD!
KAKARAKARAKA!
Buhay pa ba kayooooooooooooooooooooooo?
Nalaglag ako sa upuan ng marinig ko proposal ni MR.VENTURA.
Sa palagay ko James was just joking around kasi Maya asked, “business proposal?”
eh ano pa ba right? kaya nasabi nyang marriage proposal.
Kaloka si James!Pero mukhang mabilis nga talaga ang pick up nitong si James.. At dahil hindi siya dense, mukhang massense niya agad na si SC ang crush ni Maya.. I think he’ll be the one to help maya feel comfortable when SC is around. At si james din ang tuluyan gigising kay SC at unti-unting mapapansin na may feelings na din itong si SC for Maya..
ABANGAN na lang natin mga ka-adiks!
Kung hindi yan JOKE,

Tiyak may MALAKING BEARING yan sa pacing ng love isturi nila Mahal na Hari at Mahal na Prinsesa.
Ito naman kasing PRINSIPE, mukhang in search na nga sa kanyang PRINSESA para maging HARI na sya.
Pero anyhoo!
KALMA mga ADIKS!
THE SHOW IS GETTING BETTER AND BETTER!
I’M LOVING IT!
Hmmm, ayan na yong advice ni Rafi: ‘Walk out of that door and find her’ kasi tago ng tago at iwas ng iwas ang mahal na prinsesa.
At ang advice kay Maya, ” I trust you, you know what to do.”
Hay naku, di ako maka get over!!!
Naka-ilang sulyap si Sir Chief kay Maya? Hahaaay kilig!!!
Buti di natunaw si Maya!
Mukang sasabog na si SC kapag nalaman ang marriage proposal ni James kay Maya.
Wahahahaha si Ser Chief sinungaling!!!
Kawawa naman si Abby
Sis meron na sa iwantv! Eto nga’t binibilang ko na ang “Maya” ni SC sa 1st gap.
SI Abby na lang palagi…c Abby na lang…paano na kaya Sir Chief pag d mo na ma gamit na alibi ang baby nyo? Umamin ka na kac

Sabi na di mabobore si Ser Chief eh
Si Maya pinagkakaabalahan
Maya: Gisingin natin si Jane
Emman: Hayaan mong ma-comatose
Infernezzz!
Bumabawi sila… 25 MINS na ang airing time kanina! At mas maiksi ang nakaraan.
BERI GUD!
SALAMAT PO SA INYO!
Pinatatalon nyo ang puso ng mga adiks!
Lubog muna. At magbibilang kung naka-ilang “Maya” etong si Ricardo sa first gap pa lang. At all throughout the epi! Hihihi!
Kapag naging flight stewardess na daw si Maya, siya ang pilot (according kay James ) wagi ang team James dito.
Sobrang saya ko ngayon! Parang ang tagal nating hinintay ‘to mga adiks…
Finally! Di na one-sided ang pinapanood nating love isturii!
Narereciprocate na ang mga nakaw na sulyap at tingin ng mahal na prinsesa natin dati… Umooverload ng tingin itong si mahal na hari.
Wow! 25:47 ang epi ngayon, halleluyah!!!
Dapat lang noh!
Actually dapat bawas-bawasan na din ang minutes ng “nakaraan” nakakain ang buong show eh.
Thank you writers!
Chismoso din ang Jaime!! Anong symptomas yan, ha!!!
Lahat yata ng scene nila, napapag usapan ang karass!!! Alam na ng buong mundo ang sikreto nyo!!
Kung may proposal si Jaime, eh, ikaw Ricardo ano naman ang proposal mo? seryoso na to!!! May the best proposal win!!!
“Inglesera ka lang, mas mayaman ako sa ‘yo. Pasosyal ka, HINDI SOSYAL!”
-hahaha!
BASAG KA JANE!
K.O. pa at nacomatose na!
Love na love ko na si Emman!

Originally Posted by Maltz
Hiyang hiya ang Cheetah at kidlat sa sobrang bilis ni James. Marriage proposal?? AGAD AGAD??
Si Daddy bango todo sulyap kay Maya. Ginamit pa si Abby.
Mas maganda sana kung di na binalik ni Maya yung phone kay SC, tapos may biglang tumawag sa phone, si Maya na lang sasagot, tapos maabutan ni SC tapos…. di ko na alam susunod. Hahaha!
Exciting na naman bukas… kaya lang Friday na ulit.
Sana nga nahulog yong phone tapos tumambad ang picture ni Maya sa phone ni Ricardo!! Malay mo, di ba?!!
Dream on, sis!!!
Oo joke lang yun!hahaha feeling ko rin
True,hahaha parang si SER CHIEF lang CHISMOSO din., at nahuli niya kanina yung dalawa nung tingin-tingin sila sa isa’t-isa so alam na niya na si SC yung pina-uusapan ni Maya at Emman..nakakaaliw din tong si Ventura!
WaHHHHH this is it sis..
Ito na talaga ang matagal nating hinihintay!
Ang Ser chief ayaw mawala sa paningin niya si Maya.
Kung kailangan magkatabi sila lagi, gagawin niya kaya lang iwas si Maya.
“If you become a flight attendant, I’ll be your pilot.”
“Hindi naman masama na nalaman nyang crush mo sya… In fact, SWERTE PA NGA SIYA E.”
YOU SWEET-TALKER!
Ina: You know I really like her (referring to maya)
Ser Chief: Yes
I thought ang isasagot ni Ser Chief “I like her too”
Epic Talaga ang mga episodes this week! Yehey!!!
I so love BCwMH!!!!
Ina (to SC): You know I really like her (pertaining to Maya).
SC: Yes.
Ako lang ba ang nag-isip na sana may kasunod na “I do too. I really like her too.” yung linya na yun ni SC. JUSMIO! baka ako ang na-comatose kung sakali! hahaha.
Mga kakosa, may solution ako sa faster than lighting na yan!!
proven and tested (idol lang si Sabel, sa pagbigay ng advice.)
Di gamitan ng lightning arrester!!! kayang kayang gawin si Ricardo yan. Di ba that’s one area in airline industry that they have to master!!
Oh ayan Ricardo, may pointer ka na!!
Sorry mga kakosa, my heart is softer than mamon!! Di ko kayang ipagkanulo si Ricardo!!
“I should thank you. Dahil nga sa ‘yo di ako nabore sa presentation e.”
Si Sir James pa ang nakinabang sa plano ni Ser Chief! Ahohohoho!
Di bale Ricardo, di ka rin naman nabore di ba? Sobrang busy mo nga e! Busing-busy!!!
WAPAAKKK!
Masaya tayong lahat.,hehehe kasi ang mahal na hari my gosh ayaw mawala sa paningin niya si maya…cute cute ni SC ! Kiliggggg
Emman to Jane: what-whattin mo pa ko kundi lalaitin kita……
6 na Maya.
KUMOKOTANG 13 na sulyap habang nakaupo pag nagpan ang camera. Syempre di pa kasama pag ang cam ay nakina Maya at Emman o sa speaker. HOHOHOHO
Ikaw Na Tlaga ang adik…. Hahaha!!! Bilangin ang mga sulyap moment, ang pagtwag Ng maya. Hahhaha… It’s u already!
Feeling ko alam na niya kasi nakita o nahuli niya yung dun nakatingin sina Maya .,
Tapos tumingin siya kay Ser chief nakatingin ito sa kanila pero biglang bawi ..
Originally Posted by kimbelle
Maya, sabihan mo nga yang si SC mo!
“FOCUS!”
Buti pa si Maya, di na obvious. Ikaw naman Ricardo ang di mapigilan ang sarili!
I so love what is happening! Dream come true na ata ito!
Sis ang FOCUS kay Ser Chief ay si Maya..ang pasulyap-sulyap niya kay Maya..
at pagbabantay dito.Hahahah
Oo nga sis di rin siya nabore , ang saya nga nung ginawa niya sa SUMMIT eh!hahaha.
Huwaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!! diz iz it, mga kakosa!!!!!!!!!
Soooperrrrrrr to da highest Mt Everest level ang hingal sa kilig to da balunbalunan ang effect ng epi today..kalowka!!!!
At, naloka din naman ako kase sa Twitter, may nag tweet: ang new year’s resolution daw nya e WAG MANOOD NG BCWMH na may katabing babae kase………….. LAKAS MKAHAMPAS AT MANGUROT dahil sa kilig hahahahaha!!! Sey ko naman, swerte nya di ako katabi nya kundi baka nasaksak o nasakal ko sya sa kilig…toofunny
Originally Posted by Maltz
Feeling ko trip talaga ni James na pagtripan at asarin si Daddy Bango. Nagclick kaagad ang personalities nila Maya at James.. Kaya Daddy Bango… You know what to do! GO GO GO!
At ikaw Ms. Ina.. sorry na lang.. Deadma to death itong si SC. Wapakels!
So, KELAN ANG PASKO SA LIM MANSION?? Anong petsa na oh!… pero okay lang enjoy ko muna ang summit.
AT DAHIL DYAN……
TULOY TULOY ANG LIGAYA!
Baka after ng summit, di muna ulit uemeksena etong si James dahil mag Christmas vacation na!
Sana magbalik na muli ang alone time nila SC at Maya sa porch o kahit sa principal’s office.
Tapos tuloy-tuloy pa hanggang new year!
Ganyan din dinadanas lahat ng katabi ko manuod.Puro pasa pagkatapos ng show. Tapos with matching kisay-kisay sa sobrang kilig parang may epilepsy lang.
Buhay Adik nga naman.
Pag sabay sabay pala manuod ang mga adiks, puro nasa emergency room talaga pagkatapos dahil naubusan ng oxygen at puro bugbog at sakit sa katawan ang abot.

BET NA BET KO YAN! Kaya lang baka pag nagising ako dahil sa halik niya eh maghanap pa ako ng kasunod at kunwari na-coma ulit.
Bitin na bitin na bitin talaga ako sa sagot ni SC na yun! gusto ko na syang hablutin sa TV para ma na at nang matauhan na ang si daddy stiffneck!
Both viewers and characters do not have any idea what will happen next making this series unique and click so much aside from its perfect casting.
Sobrang na-touched ako sa ginawang pagpapakilala ni Ricardo kay Maya sa mga biz associates nya…
For him to do that means so much! He looks at Maya with pride! Parang daddy lang na proud sa anak nya dahil honor student ito! Hohohoho!
Tapos yung pagsabi pa nyang “Yes” sa sinabi ni Ma’am Ina na she likes Maya daw… Para bang sinasabi, “Who doesn’t? She is that someone who will be liked and loved by everybody around her,INCLUDING ME.
Naman no matter what happen I make time to watch it. Love it so much. This is a family teleserye
One thing is for sure:
Richard is sooooo proud of Maya! You can clearly see the awe and admiration in his eyes whenever he looks at her…
That deed of introducing Maya to other big guys in the industry spells that:
Richard is proud of Maya.
He admires her.
He adores her.
WAAAHHHHHHHHHHHHHHHH
That, in itself, is a very good start Ser Chief!

Take note:Paalis na dapat si Maya, at ayan si SC, pinakilala sya ng Bonggang bongga. Akala ko nga sasabihin nya “This is Maya, my future wife” hahaha!
simula pa lang dumadamoves na ang hari. treating maya as the mother of Abby, and introducing him to his colleagues like she’s his wife.
Nararamdaman ko na ang pagtitiger mode ni sir chief pag uwi nila sa bahay.
Ano kaya gagawin niya? Magtatampo? Magagalit? Then again hindi na nga niya pala kaya tiisin si maya dearest.
Hay Sir Chief! alam kong wa epek si Simon sayo, ngayon mabuti na yung naathrethreaten ka naman.
Paano kaya kung sinabi ni SC kay JV upon ‘You’re a nanny?’ statement e, ‘For now, soon she’ll be their mother.
Galaw galaw pa SC! Mabilis ang kalaban!
Kahit wag mo muna sabihin ang nararamdaman mo, pakita’t paramdam mo nalang ng bonggang bongga. Lamang ka na naman kay sir JV sa pagtingin ni yaya ganda eh. Simula pa lang yan, wag agad panghinaan ng loob. Mahirap na… mukhang mas decisive ‘tong si sir JV sayo.
Eto namang si sir JV, di pa nga nakukuha yung number ni maya… marriage proposal agad??? Pero kebs lang. seryoso man o hinde, mukhang na-love at first sight naman talaga siya sa charm ng prinsesa. I hope he’d really pursue her para tuloy tuloy lang ang pagdadamoves ni SC!
And and and btw… siguro ang new year nila aabutin ng chinese new year! Pano ba yan, diba chinese din ang LIM family, paano kaya sila magccelebrate?
Oo sis. Kung iisipin mo, di naman talaga kailangang gawin pa yun ni SC di ba?
Yung ginawa nyang yun di lang for the sake na magpalusot, it definitely means that Maya deserves to be known by some of these big people because she herself is something!
Right? Waahhhh!!!
Di naman sa nagpapaka-assumera pero kitang-kita ko lang kasi yung value ni maya for sc. she is very important to him.
At this point nga, kung magpapashowbiz tayo sa pagtatanong,
“Mr. Lim, ano na ba ang estado ni Maya sa puso mo?”
Ang mala-showbiz na isasagot nya ay:
“She is someone special to me.”
Ayiiii!!!
True, sis..Tunaw ang puso ko sa gesture na yan ni Ricardo..
A manifestation of concern, love, affection, pride and admiration… Prang yong sinabi nya sa BAguio tungkol sa hinahanap niya sa babae..” someone I can be with…” haayyy
And take note, ang hand at the back of Maya, parang someone special!!!Sigh uli…
Maya. Ayaw mo ba? Magsabi ka lang, daming adiks dito… bibllang ako ng tatlo….
Sabi nga ng kanta nila,
“You say it best…. WHEN YOU SAY NOTHING AT ALL…”
HAHAHAHA
Sana tulad din ni Ma’am Ina si James,
HINDI DENSE!
Sana after nung summit, marealize nyang there’s something going on between Richard and Maya at mag back-off na sya.
HAHAHA!
Sarap sana kung narinig ni Ricardo yang marriage proposal na yan!!! kung nagkataon, DIGMAAN na ‘to, mga sis! Umiibig na ang baby boy natin waaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
Agree ako dyan sis! Kaya para sa akin, yung pag introduce ni Daddy bango kay Maya sa mga big people, isang way na di lang talaga yaya ang tingin nya sa ating prinsesa. Kitang kita sa mga mata nya na may sincerity at respect para kay yaya ganda at ahemm… pagmamahal na din.
Ayieeee… kinilig naman ako sa “She is someone special to me.” Sana lang sa mga susunod na episode, masama yan. Dear writers,,.. Hello po!
Ang bait nga ni Maya eh. Kahit nabisto nyang ginamit lang ni SC si Abby quiet lang sya. At me lakas pa ng loob itong si Ricardo na tanungin si Maya kung anong sinabi ni Abby eh sya naman itong may pakana. Kung ako si Maya sasabihin ko “sabi po ni abby kayo lang daw ang may gustong kausapin nya ako eh”. Ano kaya magiging reaction ni Ricardo?
Haaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyy baby boy sarap mong halikan!!!
Parang may nabasa na akong Fanfic na ganyan… yung Date Night yata. Di na sinabi ni Maya na buking na si daddy bango.
Di ko maimagine ang mukha ni Daddy Bango kapag ganun ang sinagot ni Maya. Si Maya naman magsasabi ng “Ser chief… you’re turning red”
At Sis…. PWEDENG MAKISHARE KAY DADDY BANGO???
Richard “Hawk Eye” Lim??? Hmmmm.
ANG SULYAPAN BLUES…

Originally Posted by gorgeousgeek07
Richard “Hawk Eye” Lim??? Hmmmm….

http://imageshack.us/a/img5/4033/c33p.jpg
http://imageshack.us/a/img849/20/c37v.jpg
Naku sis! kaya nga nabansagan namin siyang Agila Lim eh. Ang talim ng tingin eh! alam na. hahaha.
Naku, ha. Normal, ha. Like, totally normal. As in, just like before normal. In short, NORMAL.
YEAAAAAH SUUURE! Kung normal na yun, ewan ko na kung ano ang abnormal sa inyong dalawa.

Pero si SC talaga – daig pa sa inahen na binabantay ang kaiisa-isang chikiting niya! And so proud, halos pumuputok ang mga bitones ng shirt niya sa tuwa. Why not, talagang she is one in a million, di ba? At please lang, tuwing lumilingon ka kay James, lumalabas ang usok sa tenga mo. Kitang-kita, buti na lang di tumunog ang smoke alarms ng venue.
Eman. Oh, Eman, you have no idea how happy I am that the writers gave you more lines. *cue happy dancing here* Ka-aliw! Sige, ilabas ang taray mo kay Jane, ulo hanggang talampakan. *cheers* (sorry ha, yung smilies di nag-work sa computer kong ito, ewan kung bakit)
James, you ha. Smooth operator ka, within the first day of the Summit, e marriage proposal kaagad? Naku, Maya, wag na wag mo iseryosohin yun – kaso, mahirap i-convince si Ser Chief na siya ang forever love mo, kasi sa ngayon mukhang tuliro siya sa mga nangyayari.
Naku, Nikki Grace Lim, masaniban ka na ng spirit of Christmas, at kausapin mo na si Niccolo! On the other hand, tingnan nga kung kaninong mukha ay magiging kasing pula ng poinsettia leaves pag Revelation Day ng barkada….
Tomorrow will be so much fun. Then we have the weekend withdrawal symptoms. AAAAAAH.
http://imageshack.us/a/img202/7169/introm.gif

Ina to SC: Richard, sa Time Airways table na lang kayo mag-lunch, tatlo lang naman kayo eh.
SC: Eh sila Maya?
OoohhhhhhhhhMYYYYYYGEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE
Si Maya … palagi na lang si Maya …. Maya …. Mayaaaaa
At si Abby.. Si Abby na walang kamalay malay
Nakuuuu, exciting ang episode bukas! parang gusto ko ulit makita si yaya na maprincipal’s office at may linya ulit na “I want an explanation, Maya” o baka naman magmumukmok at kikimkimin ni SC ang tampo nya at mag-aangry birds nalang? Exciting!
Nagtataka nga ako bakit hindi nabibilaukan itong si Maya sa sobrang pag-iisip ni Ricardo sa kanya eh.
Bet ko yang principal’s office … para naman magkaron ulit ng alone time yung dalawa after the big revelation ni maya … gaano kaya ka intense ang mga dialogue? or gaano kaya kalambing na naman ang tono ni SC? Parang yung “e ano pa ba dapat?” And “you’re forgiven” .
Pagkatapos I would love to see ricardo tossing and turning in bed at night habang nagfa=flashback sa isip nya yung mga moments na nagpa-in love sa kanya kay Maya.
Eto na eto na eto na talagaaaaa …
Bet na bet ko yan tossing and turning ni SC at di makatulog kakaisip kay maya.
Gusto ko din maging intense ulit sya kahit saglit lang.. tapos magdadala ng kape si maya para sa kanya.. at ayun.. si Daddy bango.. mag ha-half smile na naman. Tapos.. tapos… biglang mag-aalok makipag kwentuhan sa Porch.
Ito na talaga… this is really is it!!
At ang sabi ni Ina kay Ricardo? “You look great!”
Sorry Ina, the THE MAN’S IN LOVE…DEFINITELY…. with the APPLE OF HIS EYES !
Ayan oh, kitang kita sa pag exercise ng sternocleidomastoid muscles (neck muscle used in turning the head)..galaw galaw para di ma stiff neck (dinaig ang Luke and Joey sa high school moments nila..)
In fairness at least reciprocating movements…
Kaya tigilan mo na ang mga pa tidbits …
I think you better be off as friends.
Kakatapos ko lang ulitin ang ang epi today…and you what? Napagod ako….parang ang bilis bilis lahat…..takbuhan ng takbuhan….lingunan ng lingunan. muntik na nga ako sumabay kay maya at james sa inhale exhale exercise nila eh. haaaayyy!!!!
Basta ako, nakikinig kanina sa summit. Sabi ni speaker…”There are 2 critical points in every aerial flight….ITS BEGINNING and ITS END…”
Eto na ba ang Beginning of Ricardo’s admission?
Hey guys Friday trailer!!!!!!
http://www.youtube.com/watch?v=TaFLUwmxZRM
thanks, sis..
Hayy, ayan… may I hold Maya’s arm palayo kay Jaime sabay, “We need to talk”.
Umpisa na ng lighting arrester move!
Thanks ha.. anyways..
Binitbit ng mahal na hari ang prinsesa… lgot.. nalipat n b ang principal’s office sa summit venue?!!
Katakot **** c ser chief!!!
Hahaha… Si Ricardo, di na nakayanan ang emosyon…
Hindi lang Principal ang dating… parang Chief of Police.
Ang saya-saya na ng love triangle…umuusok na ang mahal na hari…
Hahahaha.. eh kc tong c prinsesa palusot ng palusot!!! Yan na… sinung mgssabi n dense c daddy bango?!!! Haha…
WE NEED TO TALK
NORMAL na mga salita lang naman yan
Bat ang lakas ng kilig na dala nang linyang yan??????
Super duper ataters na akong marinig kung anuman ang pag-uusapan nila. Di ako makakatulog nyan …whew!
Pagkapanood ko ng trailer, ganito ako:one-second pause
then AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
We need to talk sabay hila ang drama ni Ricardo!
KOREANOVELA lang ang peg!!!
Kasi naman tong dalawang magsing irog na to eh. Normal daw … eh sa totoo lang wala akong makitang Normal sa pinagkikikilos at pinaggagagawa nyong dalawa ha!
Ricardo, kulang na lang sundan mo hanggang ladies’ room si Maya, anobaaaaaa
Pakasal na nga kasi kayo
“We need to talk” daw sabi ni Ricardo… hahaha!
Mukhang tatapatan nya ang faster than lightning na marriage proposal nitong si James.
Tingin ko lang ang pag-uusapan nila ay yung pan-tapat na proposal ni SC kay Maya…
Which is: “I have a proposal too, Maya.”
“Ano po yun Sir Chief?”
“Bago ka pa makapagdecide na iwan kami, tara, uwi na tayo, at…
SUNDAN NA NATIN SI ABBY.”
HOHOHOHOHO
KAKARAKARAKA! AGAD AGAD!!!
Tingnan natin kung may panama pa etong si James pag nagkataon!
HOHOHOH!
Eto na naman ako, nananaginip ng gising!
Ano naman ang sasabihin mo kay maya, ha Ricardo? Papagalitan mo? pagbabawalan mong makipag-usap kay James? Pasasakayin mo ng kotse at iuuwi mo?
Bakeeeet???
Umamin ka na ba? Nanligaw ka na ba?
Susmio kayong dalawa, pati yang summit natotorete sa inyo eh. Nahahalata na kayo ng mga tao!
Pwede ba? Get a room!
Naku, yung mukha ni SC habang hinihila si Maya, sobrang TIGER MODE na!
HAHAHA!
Back to his ABURIDO face nung mga first months pa lang ng BCWMH!
Ngayon lang ulit natin makikita yun. Ahahahah!
Sundan nyo na kasi agad si Abby, tingnan natin kung makapag marriage proposal pa yung isa! HAHAHAHA
Go,go, go,,, Ricardo..
Labanan na kung labanan… ng proposal!!!
The maker of the plane or the flyer of the plane..
Susme,Ricardo
Nakita mong kausap ni James si Maya, bigla mong bibitbitin? Did you even remember to say “Excuse me” kay James?
Where are your manners, Ricky Boy???
Ayayay pag-ibig
“To hell with my manners…” pinasabi ng mahal na hari, text nya sa akin…
Aa akin din sis, nagtext. ang sabi ay:
“G-R-R-R! With a CAPITAL W!”
HAHAHA!
QUIET TAYO, MAINIT ANG ULO NI PRINCIPAL! BAKA MASUSPEND LAHAT TAYO!
HOHOHOHO!
Grabeeeee, an tagal k mkabalik sa porch ang haba na n ng pages, di ko na kayang habulin, buti c ricardo nahabol pa c Maya….skip muna ako at dito na concentrate s Friday teaser.
Naku naku naku, may big scene na magaganap bukas…..galit na c daddy pogi di lang selos…hinila na c Maya….Sir Chief saan kayo pupunta ni Maya? love love love.
NORMAL ba more than 30 times ko watch yung teaser? what’s happening to me?
Ito kasing c james… manunulot kagad… eh yempre d ppayag c daddy pogi.. ikaw na… sa facial xpression ni daddy bango at gestures nya nung hilahin c maya, ***** yun ang side effect ng pginom ng kape n timpla ni maya… nakakatiger.. hihihi
Feeling ko galit at selos itong c Ricardo ky James, kasi sobrang playboy ang dating nitong c JV…very open and fond with Maya at ngayon my marriage proposal pa agad-agad….lam mo Mr Ventura “handle with care” ni SC c Maya kasi first time pa nito sa love love eh kaya “Be Careful James” kasi Sir Chief is “Very Careful with Maya’s Heart” ayyyyiiiiii
Sissss!! mukhang mapagbibigyan ang hiling natin. Sa paghila palang ni sir basag ulo freak sa ating prinsesa eh mukhang sisimulan na nya sa summit pa lang ang panenermon. Ano kayang excuse ni SC ngayon kung bakit nya tinawag si Maya? Naiimagine ko na yung scene, yung tipong parang pigil na pigil si SC sa feelings nya tapos may mga pabuntong hininga na malalim kasi di nya maintindihan bakit ganun din ang nafi-feel nya towards Maya. may internal conflict kumbaga!
Kinikilig akong isipin yung pagtoss and turn ni SC sa kama! KBL!
Ano to Ricardo?? Hilain ba si Maya sa sobrang inggit,selos at galit??
Sa elbow mo pa hinawakan ahh,, NAMUMURO NA YANG ELBOW NA YAN! San na susunod huh…??
Feeling ko concern citizen ang peg ni ser chief kay Maya….yung tipong “careful ka dyan di mo pa yan kilala”, as usual indenial sa true feelings so most likely concern eklabush ang excuse ni daddy pogi sa pag interrupt nya sa dalawa…Haaayyy!! Ricardo magpakatotoo ka na! pag nagkataon mas gusto ko yung suggested script dito..hihilahin si Maya para sundan na si Abby…mas type ko yun..hehe
Ser Chief: We need to talk
Bakit ganon ang reaction? May ginawa bang mali si James?
Di na yan basta something lang sis….according to my hubby, when I asked if he thinks may “crush” na rin ang si Ser Chief kay Maya…well sabi nga ng suplado ko ring asawa…”at his age crush?, are they not yet a couple?” Oh di ba couple na couple na ang dating ni yaya ganda and Ser Chief!!! Hehe pati asawa sali sa kaadikan…damay damay na to.
Ricardo, we need to talk!!!
Bakit kung bitbitin mo si Maya, ganun na lang?
Manang Fe, nasan ka ba? nagwawala na etong alaga mo?
Normal ba yan?
Dapat paluin sya ni manang Fe, kulang sa manners ang alaga nya eh, ni wala man lang excuse me.
Ito si Richard Lim. Gwapo, mayaman, matipuno, mapagmahal, matino ngunit… hala! Ano itong kanyang nasasambit? Tila siya ba’y nababaliw?
“Maya!” sigaw niya para itanong ang pagka-NORMAL nila.
“Maya, wait.” imik niya dahil “hinahanap” siya ni Abby.
“Maya, wait.” sabi niya para ipakilala siya sa mga boss ng paliparang industriya.
“Maya, be careful.” imik niya nang natapilok si Maya.
“Bakit?!” tutol niya nang gugustuhin pang humiwalay ang mahal na prinsesa sa mahal na hari.
“…Si Yna, Si Liza, Si Sonny, Ako!” reklamo niya nang nagpapalusot pa si Maya sa kanya.
“Okay. But…” makaawa niya para lang hindi umalis sa kanyang tabi si Maya.
“Sila Maya?” tanong niya na para bang hindi siya nagsasawa sa taong nag-ngangalang Maya.
Hindi pa ba sapat ang 13 niyang pagsulyap sa prinsesa niyang malapit nang hablutin?
Oh, nagdurugo ang kanyang puso!
Ito si Richard Lim. Ang Agilang walang makita kundi ang babaeng si Maya.
Kaya mga kaibigan…
Hindi na maipagkakaila kung siya’y maririnig, “Araw-araw kitang minimithi, kailan kaya kita makakasama muli?”
More than an inkling, I think! When you remember that he heard the entire back story of Maya’s crush from Eman (daldalero talaga yung sweetheart na yun)? Tapos bulag lang ang hindi makikita na overprotective/-possessive mode si Richard kay Maya, lalo pa’t isang lalaki sinusubukan magligaw!
I wouldn’t be surprised at all to find in the end that James really planned it all along – for Maya and Richard to get together –
Yeah I agree na may alam ang mokong, pero I also think na instant like nya rin si maya from the start…remiember he noticed her sa lobby and nung may I chika si jane eh sya mismo ang kumalabit kay maya para makipagchika ant mag introduce ng sarili and this was all before he made the observation on yaya ganda and daddy pogi…so feeling ko naiintriga talaga sya with maya from the start…instant attraction ba parang si maya lang towards sir chief…kaya ang gagawin nya tutulong kay maya…knight in shining armor ang drama…hanggang sa sya na mismo ang na inlove…oh pwede na bang writer din?
Yung totoo ser chief,
Boss ka ni Maya o tatay nya?
O di kaya…
BOSS KA NYA O ASAWA?
Hahaha! parang protective daddy/husband lang ang peg mo!
Tiyak naman kasi ang idadahilan mo after mong hilahin si maya ay along the lines ng pagiging tatay na concerned sa welfare ng kanyang anak na babae.
Hahahaha!
Nandyan na pala si JV…di ko akalain na mas mabilis pa pala sa boeing747 itong si Luis.
Si dadi pogi naman mas mabilis pa ang kalesa.
Haaaay juskho! andyan na naman ang titig ni Ser Chief, parang unti-unting hinuhubaran si Maya…kakainlababo.
HUmu HOLD! At tuma TOUCH na ang binataaaaaaaaaaa!!!
SC KAKARAKARAKA!!!!

Simula na ng pagseselos ni SC ohh?! TIGER MODE ACTIVATED!!
Mukhang sa Lunes pa ata yung nasa teaser eh? Aww.. NGANGA ng 2 days?!
Sabi nila NORMAL lang lahat gaya ng dati..
So sige sila na ang NORMAL sa mga pinaggagawa nila ngayon
Nakakalokang NORMAL yan..lakas makabuang
“Yes, it’s VERY NORMAL.”
SER CHIEF? VERY NORMAL? WEEEEHHHHHHHHHHHHH???
Sa ilang segundong paglabas ni Jaime, nakapaghasik na sya ng lagim kay Ricardo..
Ito bay masmang pangitain??
May nagbabadya na bang unos sa puso ng Mahal na Hari?
Haayy… I need an explanation..
We need to talk… and
Maging normal lang tayo, tulad ng dati.
Pa’no kaya manligaw si Ser Chief kay Maya?… di kaya mag propose din kaagad?
Ayy, naku, iniisip ko rin yan sis..
medyo romantic pa sa hopeless romantic ang tingin ko kay Ricardo..
Dinadaan sa santong dasalan…with sense of dignity, integrity and class on its own yet gentle and romantic na lalong nagpapakilig kay Maya…
Eh di nga ba, the way he introduced Maya to his colleagues speaks something…
Opposite that of Jaime ( mas cute bigkasin kesa James) na faster is better..
Akala ko sis, si Ricardo ay hopeless pa sa hopeless romantic. Eto kasing Maya, catch me if you can ang drama. buti physically fit si Ricardo at his age! Hahaha!
Joke lang! umaariba na rin kaya ang baby boy natin! Mas masarap tuloy i-hug at i-kiss!
Ang hindi ko lang talaga maubos maisip… saan naman nanggaling at ano ang sanhi ng walang hanggang pangungulit at pagtitig at mga panakaw na pag-sulyap ng Ricardo kay Maya?
At mukhang hanggang ladies’ room eh balak sumunod!!
Komo ba nalaman na nyang may crush si Maya sa kanya eh parang biglang na push the button at na-actvate yung male curiosity nya? I mean… eh ‘weno naman ngayon kung crush nga siya ni Maya??
Di ba dapat yung gwapo, simpatico, mabango na gaya nya eh sanay na maraming nagnanasa. Ano naman kaibahan ni Maya sa kanila??
Nakow! Eh binata na ngang talaga si Ricky Boy!!
Ikaw ha???? Loko ka! Magkasama pa kayo ni Maya sa bahay! Baka mamaya eh yang mga ganyang da moves mo eh madala mo hanggang mansyon? Hindi na normal yun!!
Omg ang teaser..
WE NEED TO TALK (w matching hila at the arm)
Ano yun?
Bakt parang jealous boyfriend ang drama mo?
Ako din sis, di mapakali sa teaser na yan. …….Kung makahila si dadi pogi parang end of the world na. Parang mag MU na sya Lang ang nakakaalam.
Ayoko yung sinabi ni James Ventura kay Maya ng…IF YOU DECIDE TO LEAVE THE LIM FAMILY.
Excuse me NEVER as in NEVER aalis si maya sa pamilyang ito.
Sabihan ba naman ang future MRS. RICHARD LIM
Bakit ang TIGER MODE ni ser chief…
Di ba employee mo lang si Maya?
Parang di ko ma imagine gaganito mo (hila sa arm )si Liza,Doris or Sabel
Gosh parang exclusive ang hila sa arm na yan kay Maya.
I LIKE IT

At talagang di makapaghintay sa sasabibin kay yaya ganda.
Hello Ser Chief di mo ba nakikita may kausap si Maya…anak pa mandin ng CEO ng TIME AIRWAYS na client ng LIM AVIATIONS. where is the respect?
Gosh kung maka hila itong si Ser Chief kay maya parang walang patawad ang ginawa nito sa kanya.
NORMAL BA YUN
Aliw ako sa awayang Jane at Emman
Buti naman at di si Wilson ang kasama ni Maya sa summit
Buko ang nic-nik
Pero ang winner sa lahat ay ang habulan ng mag-amo kasi nga NORMAL lang ang lahat
Pero sir chief, bakit parang gusto mong idikit si Maya sa tabi mo ha?
Hanggang summit talagang isasali si Abby, mapansin lang ni yaya
Kinarer ni Sir Chief ang pagbantay kay Maya sa summit
Siguradong walang alam yan sa mga nangyayari sa summit
Buti na lang nakasama si Liza At Sonny
Sis, bago pa mag-umpisa ang summit wala nang alam si Ser Chief … nakalutang kasi sa alapaap mula nung malaman na karas sya ni Maya. Di ba kausap sya ni Sonny sa office at sabi ni Sonny na-email na sa kanya yung mga reports na kailangan nya? Ano ang sagot ni Ricardo? “Ok, just give me a soft copy; e-mail will do”. Kaya sabi sa kanya ni sonny “I’ve aleady e-mailed them to you”
Naloko na! Pati hanapbuhay ni Ricardo nawiwindang na
Ang hirap palang ma inlove nitong si ricardo

Aba kelangan huwag nang tagalan ni maya ang pagtakbo at pag-iwas sa
Kanya at baka magka leche leche ang mga eroplano
Hehehe naawa nga ako kay Sonny e, mega explain pa naman siya
Pero di lang si daddy pogi ang lutang, ang mga adiks din lumulutang sa kilig
Kase sis..di maibulalas yung feeling….alam mo parang utot yan….yung utot na utot ka na kaso di mo mailabas lalo kung nasa crowd ka di ba?kaya humahanap ng timing kung paano ilalabas ang masamang hangin na yan…..kaya kung ako kay SC ….IUTOT na yan
Baka naman nanadya lang si James about the said “marriage proposal” kasi diba narinig niya na Maya has a huge crush on Ricardo then nakikita rin naman niya ang mga sulyap ni Ricardo kay Maya di kaya parang fairy-godfather lang peg ni James para mainis si Ricardo at umamin na ito, wala lang feeling ko lang kasi ang bilis naman talaga n’ya Kidlat lang talaga.
Kung maka-BAKIT WAGAS
boyfriend???
kasintahan???
lover???
asawa???
KASAL???

Ayan ang bagal mo kasi nahihirapan ka tuloy
Wag kang mag-alala, Sir Chief. Kahit maibyerna ka man dahil kay James at kahit iiwas-iwasan ka niyang si Maya, lagi mo lang ‘tong tatandaan:
“First love never dies.”
Before anything else, tuwang tuwa ako sa mga nangyayari ngayon sa BCWMH at sa thread na ito… hahaha!
Natuwa ako dahil may mga ina-adopt ang mga writers sa thread na to…
UNA…. Maya’s Cafe
PANGALAWA… Dense
at sana ang PANGATLO… mauwi na sa halikan ang ‘we need to talk’ na yan!

http://cdn.makeagif.com/media/6-02-2015/GCXEv-.gif
1-03-13
—————————————————————————————————————————————–
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
VOLUME 11
127 Date Aired: Jan. 04, 2013—James finds out more of Maya’s secrets.
Hahaha! Halata ka na talaga Sir Chief! Para ka na talagang mananapak kanina. Be her knight in shining armor!
Ano lunch nila? Appetizer lang?!
Tapos lunch is over, agad agad!?
hindi ko kaya ‘tong mag-isa!
Walk-out king ang Ricardo!!!

WWWWAAAAAAAAAAAAAAAHHH
WALKOUT si Ser Chief!!! Hahahaha!
Ay sumaktong tapos na ang lunch!
Buset na buset lang ang Mr Lim kay Mr Ventura!
Round one goes to team James!
Hindi nga sila makapagsimula eh. Lahat nagpupunta sa CR.

Awwwwwwwwwwwww he’s so affected…ay ay lovet!!!!!!!!
Wawa naman ang maya.
Wala na ngang tulog.
Di pa nakakain ng lunch ng ayos, di pa sanay ang dila sa pinatikim ni James. Hahaha
Omg ang pagiging tiger mode ni Ser Chief.
Di pa ata nag seserve ng lunch e nag declare ng …LUNCH IS OVER..sabay tapon ang napkin sa table at umalis. ..kalerky..
EMMAN! Pagsabihan mo nga tong si Maya!
Maya, wala kang ligtas kay Ser Chief! Sya pa din masusunod!
Nakakahalata na yang si Ina, panay “Maya” kasi ni Ser Chief eh!
Sige… nakakaasar na kayo a… hanggang tingin na lang kayo dyan?!
Shoot! commanding si Sir Chief! Mas lalong nakakalowka kapag ganun sya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! And first time na calm at happy ang aura ni Mr. Lim since the summit started.
Miss Ina,,,,hmmm di rin dense?
Wahaaaaaahhhhhh magkatabi na sila !!!! Ang mahal na hari pinaupo na sa tabi ang prinsesa para hindi namakawala pero bakit hide & seek pa rin ang mga sulyapan hahahaha
Sabi ni ate, “Halata na talaga silang dalawa no?”
Ako: (Tawa lang ng tawa)
Agila nga itong si Ricardo! Di makawala si ang kawawang maya sa kanya! hahaha!
Here goes the pat sa chair drama ulit ng isa! Hohohoho!
Hinay hinay sa tinginan nyo ha? Lalanggamin na ko sa kilig… baka maumay na kami nyan sa sobrang lagkit at tamis!
Alam ko hindi naman ako official dito pero HINDI KO TO KAYANG MAG-ISA!!!!!!!!!!
Maya.. You can run but you cant hide! Si Ser Chief pa din masusunod!
Yung totoo, dinadala mo pa din pagiging boss mo sa summit Ser Chief? O iba na yan?
Round 2 goes to Ser Chief!
So. Ser Chief & James are tied at 1-1!
Talagang pinaupo ni Ser Chief si Maya s tabi niya. Mukhang ayaw niyang ipagtabi uli sa sit si James Ventura.
Maya, bat ayaw mong kausapin si Ser Chief? Ikaw ha.
Pikon na naman si Nikki kay Niccolo. Excited akong malaman ang monito-monita nila
Hala! 4th gap na sa susunod! Kinakabahan na ko baka di ipalabas yung “Ee need to talk”
Parang awa!!!
Baka sa cliffhanger yan tapos continuation na sa Monday
Bibitinin na naman tayo nito!
Emman: Maya, face your fears!
OO nga naman maya! Hahahaha

Parang gandang bagong title sa susunod na thread ah! Paki-rephrase nga yung lahat ng sinabi ni Emman!
Bongga! Speaker si Ser Chief! Hmmm. Anu kaya sasabihin?
Maya! Feel ko ang nafi-feel mo! He looks even moRe handsome while making his speech…Heavens help me!
Cute din si sir James and Maya
Cute nung sigawan scene nila
Waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh OA ba kung umiyak na talaga ako?!!!!
SANA PALA SA MONDAY NA NGA LANG PINALABAS YUNG SCENE NA YUN!
ANG LALA!!!
Ano na? Nanginginig na ko dito hindi sa lamig pero sa atat n maramdaman ang kileeeeggggggg…..
Naku, ka-adik,,,,hindi ko alam kung paano magkwento…basta…sa kaselosan ni sir…nsktan nya feelings ni Maya. Kaiyakkkkkkkkkkkkkkkkkk pero ang ganda!!!!!
Nakuuuu! Bat ginawa mo yun Ser Chief?
Matatauhan na yan si Maya bumawi ka oi!
Okay. I’m done. Inhale-exhale!
Waahhhhh… Ang bad mo SC!!!
Wawa naman si Maya…..
SER CHIEF! WE DEMAND AN EXPLANATION!
At iniwan mo pa si Maya dun sa summit!!!
Sinong maghahatid sa kanya pauwi???
MALAPIT NA BANG TUMUGTOG ANG “SORRY NA PWEDE BA?”
Sad ako pero ok lang sana mag reconcile sila kase wala pa yun pasko sa timeline nila eh, and bagong taon…
Sobrang selos lang ni SC ayan tuloy naiba yun dating kay Maya, SC kase hindi pa magsabe ng true feelings eh pa adlib pa yan tuloy umiyak ang prinsesa
Grabeh naman si Sir Chief!!! Wawa naman si Maya #becarefulwithmyheart
It’s always like that naman di ba, dahil sa pag-ibig, dahil sa selos nasasabi natin ang mga bagay na hindi naman talaga natin gusto at sinasadyang sabihin…haaayyyyyyyyyyy kainlove…sadista ako iyak at tawa lang sarap maging adik!
WAHHHHHH!!! I hate you Sir Chief!!!
Grabe magselos si Ser Chief!!!
Ang sakit talaga nung sinabi nya kay Maya!
“You can’t flirt with your boss!”
Iniwan pa nya si Maya… sino maghahatid pauwi? Hayaan lang nya magcommute ng alam naman nyang malungkot yung tao. Wawa naman ang mahal na prinsesa…
OH MY GOD …SER CHIEF HOW COULD YOU
Ang sakit sakit naman sinabi mo kay Maya.
Ang prediction ko… babaha ng…… hindi luha ni Maya… babaha ng fanfics sa EB nyan.. unlesss… maexpired (opposite of inspired) ang mga great EBwriters….
Pero let’s be positive pa din…
Baka this time… Magiging normal na si Maya kay SC. Kasi…
Tatanggapin na nya ang proposal ni Sir James…
… Maging flight attendant dahil okay naman na si Abby
My gosh Ser Chief , di tayo bati! Asar ako sayo ngayon.
Dapat lang!! Bumawi siya kundi, hay nako!!!! Kailangan bumawi siya ng bongga! Pagisipan niya kung bakit siya ganun makareact. Isep-isep Sir Chief, habang hinihimasmasan pa namin si Maya.
Laugh trip ako kay Eman. haha.
Sir Chief sooo obvious. Maya sooo obvious. haha.
Cute cute cute
Sabi ni ate, “Alam mo kung bakit nasabi ni SC yung mga yon? Kasi nagseselos na yun.”
“Mapang-asar lang talaga tong si Lucky eh. Di ba sinasabi ni Maya kay SC lahat ng sinasabi sa kanya ni Lucky? Tinitignan lang niya kung maasar si SC. Alam niya eh.”
Naman oh! Si ate talagang zero density!
Ang lungkot!!! magiging malungkot ang weekend ko at ang bungad sa Monday…
Di pa nga sila, INTENSE na ang LQ!!!
MR. LIM!!! BUMAWI KA!!!
Parang roller coaster lang mga sis…
After natin sumigaw buong lingo dahil sa kilig pinaiyak tayo sa dulo dahil tapos na ang ride. Wahhhhh
Pipila na lang ulit tayo sa next roller coaster ride na sana ang ending ay may fireworks na!

Baka gusto niyo gumawa ng fanfic kung paano humingi ng patawad si Ser Chief kay maya ….weekend na ngayon…its fanfic weekend
Oo sis galit muna ako kay Ser Chief ngayon bat niya sinabi yun..
Alam ko nagseselos siya pero masakit yung sinabi niya..
Kailangan niyang bumawi ng bongga at humingi ng sorry ..
Ser chief paki-expalin ang ginawa mo? Hah! Bakeet?
Hala baka umuwi si Maya sa kanila at dun magpasko! dahil nasaktan nga siya
Di niya kayang kausapin pa si Ser chief…arayyyyyyyyyy naman ang sakit nito..
Di ko kaya ganito sila.!
MY GOSH RICARDO!!!!!
Okay na yung mga unang part… tapos ang dulo. It breaks my heart…Di ko kinakaya..ANG SAKIT SAKIT!!
Ano kaya mangyayari sa Pasko sa Lim mansion.
Beyond being a boss Na un pinakita Ni sir chief… personal feeling talaga.
Sa roller coaster ride nga talaga tayo nakasakay. Halos ngisayin na tayo sa kilig this past few days tapos biglang bagsak sa last few minutes.
Ang sakit sakit lang. Nakaka-awa talaga si Maya. Parang binato lang sa mukha niya lahat ng nararamdaman niya. Sigurado, di makakapagtrabaho itong dalawang to ng maayos.
Kaya siguro nasa magkaibang lugar tong dalawang to. Thailand at Hongkong.
Waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh…Kilig-tawa-iyak ako dito!
Ricardo, ang bad bad mo
I’m sure james meant it when he said he’ll tell ina to hire Maya as trainee. Ang saya saya pa naman ni Maya …
At dahil sa selos na hindi maamin amin, you’ve hurt maya’s feelings!
Huhuhuhu … yung sapatos … yung sapatos na yan … umpisa na ba ito ng paglayo ni Maya? blue xmas ba ang mangyayari???
At yung YOU CAN”T FLIRT WITH YOUR BOSS!
Sinong boss ang tinutukoy mo Ser Chief, ikaw o si James? Kung si James ok lang sakin. Pero kung IKAW ang boss na tinutukoy mo … ang CHAKET CHAKET naman nun! SOBRA!!!!
Para mo nang sinabi na ang landi landi ni Maya sa ‘yo. Umiiwas na nga kasi habol ka pa ng habol tapos sasabihin mo FLIRT sya? Huhuhuhuhu
RICARDO! WE NEED TO TALK! I WANT AN EXPLANATION! KARAKARAKA … AGAD AGAD!!
I’m sure ate, yung tinutukoy ni Mr. Lim na boss ay si James.
Pero yun nga lang, iba yung dating kay Maya.
Put “you” and “flirt” in one sentence… kahit sinong babae, masasaktan!
Malungkot ako ate… malungkot na malungkot para kay maya… ang galing umarte ni Jodi. Yung sakit! Halatang raw na raw sa pag-iyak nya.
Super duper affected ako kahit alam ko na there’s something good that will come out of this.
But at the moment, I’m dwelling dun sa sad part…
Hindi tuloy ako excited magMonday… kasi iiyak ang mahal na prinsesa.
First love nga at first heartbreak din.
Mr. Lim!!! Di muna tayo bati!

I-sort mo muna yang feelings mo! Pag-isipan mo kung bakit ganyan ka na lang maka-react kay Maya! Akala ko ba you trust her? You know that she’s sensible and responsible enough? Kaya nga tinutulak mo pa sya kay Simon di ba?
E ano ‘to Ricardo? Ikaw ang hindi sensible at responsible sa mga nasabi mo!
Napaka-overprotective mo! NAKAKASAKAL! Bakit? Nagtapat ka na ba?
Anong karapatan mo?!
Crush ka lang ni Maya! Hindi pa sya nagconfess ng undying love for you! Kung maka-react ka, parang kinaliwa ka!!!
Mag-isip isip ka ha?! Masakit! Masakit yung mga nasabi mo!
Ayoko na…. ang lungkot ko…
KALMA LANG GUYS!!
On the second thought kung iba ang nangyari sa hatakan na yan parang di naman mashadong realistic yun. Kasi nakita nyo naman sa teaser nung umalis si Ser Chief malalim ang iniisip. Siguro naman there’s an explanation…
Ser Chief is slowly falling for Maya pero dinedeny nya sa sarili… Syempre pag-iisipan tayo ng mga writers
But nevertheless.. I love the acting of Jodi Sta Maria & Richard Yap there.. Napaiyak mo kami
Ang sad naman ng weekend! My gosh kung anong pasabog na episode simula january 1 …saka namang sinaklap ngayong araw…kala ko kanina okay na kahit papano pero kalurkey na ending yan! di ko kaya … masakit masyado!
Richard Lim umayos ka, bumawi ka at mag-SORRY ng bonggang bongga
Mali yung ginawa mo…mali talaga… alam ko selos ka pero mali eh!
Haaaaay it’s another rollercoaster ride na naman! Nakakabitin lang, baka meron naman suyuan next week, aba eh syempre si mahal na hari yun …kay maya so I guess meron magandang mangyayare kaso question ko lang sa mga writers ng bcwmh,baket ang tagal ng xmas at newyear scene or epi nila, balak ba nilang e postpone next year aba eh ang bagal lang ng pag usad ng show pansin ko lang,…also dami ng advertisement/commercials…suggestion sana lang maging one hour ang show
Masakit talaga sinabi ni Mr. Lim kay Maya. ..Pero ok na nangyari yun…kasi…
kailangan bumawi si ser chief ng bonggang bongga..
A heart to heart talk will do Ser Chief. Maging honest ka kay Maya kung bakit mo siyang sinaktan. Aminin mo na kasi e..THE TRUTH WILL SET YOU FREE
Akala ko ba ang tema ng show na ito ay Be Careful with MY Heart? Bakit hindi naging careful si Ricardo? Broken into pieces ang peg ng puso ni Maya.
Nakakaiyak parin isipin.
Grabe, affected much talaga tayong mga cray cray addicts. Ako naman, gusto ko Monday na, as in, wag nang mg sat and sun…I want to hear Sir Chief’s explanation for that “You cannot flirt with your boss” thingy…may mga sociologists na kayang nagaaral sa behavior nating ito?
Kalma lang ako.. Kasi pagkatapos nito.. Its payback time! Tignan natin kung di bibigay si Ser Chief jan.
Alam nyo yung feeling na sobrang saya ni maya dahil magttrain na sya sa mismong airplane bilang flight attendant?
E di ba si Maya, excited na excited talaga pag nagkukuwento kay Ser Chief.
Tapos yung isa… parang dinidismiss lang yung happiness na yun. Nagpapaka-nega ng bongga. At parang pinapamukha nya kay Maya na inuuto lang sya ni James.
Hanggang sa napunta sa usapang “flirt”… with matching galit na galit na mukha nya.
Haaay Richard Lim….di ba may kasabihan….tayo , you can speak whatever is in your mind, but mind what you speak.Oh boy, disappointed ako sa yo, kinampihan pa naman kita….
Hintayin ko yung time kung paano susuyuin ni……..hmpf!….. yang singkit na yan si Maya
Ganun ba ka-ignorante si Maya? Nagka-alta presyon ako sa mga accusations mo Sir Chief. Ur so bad today. make sure u have a very good explanation and a great way to explain everything. Pero richard yap ang galing mo ah… u stir our emotions again and again!
Ang galeng galeng talaga ni Jodi! For 6 months pinakita nya sa atin ang kanyang comedic acting skills, pero this time eto na yung Jodi na nakilala natin – Jodi the dramatic actress! One of the best, if not the best, in her generation. At si Mr. Yap ha! Bume-best actor ang peg!!! Galing nilang magpaiyak! :clap: :clap: :clap:
Mabalik ako sa drama today –
Ricardo, read my lips … AYHEYCHUUUUU!!!
See me in my office NOW!!!

Tanggapin mo Maya ang alok na maging trainee ka….hmpf!
Bayaaan mong maging isang linya na lang ang kilay ng singkit na yan
TAMPO. GALIT. INIS. LUNGKOT.
Lahat ng yan nararamdaman ko ngayon…
Abangers na lang tayo next week, no choice naman tayo but to wait e…
Hay naku Ricardo… sana maalaala mo yung hurt face ni Maya sa mga sinabi mo… sana maisip mo na ikaw, ikaw na laging nagpapahiram sa kanya ng panyo pag umiiyak sya…
ANG NAGPA-IYAK SA KANYA NGAYON!
At ang iyak ni Maya, kaiba sa mga pag-iyak nya pag natutuwa sya, pag natotouch sa nakikita nya, o pag namimiss nya ang pamilya nya.
Ang iyak nya this time… Manhid lang ang hindi makadama ng sakit dulot ng first love nya.
I still believe that you are a gentleman… Galingan mo ang pagsuyo.
For the meantime, di muna kita bati. My heart bleeds for Maya.
D iba xmas party ni Niknik at Luke sa bahay nila ngayon?
Naku baka tiger mode p si daddy at baka maapekto ang party nila.
More than the insult about her being a yaya… mas masakit yung accusation na she’s flirting!!
Ewan ko ba… baka naman isa pa yan sa mga bagay bagay na IN DENIAL pa si si Ricardo..
Isang bagay na gusto nyang sabihin… na sa halip na YOU CAN eh naging YOU CAN’T!!! eh kasi nga!!!
Sayang!! nakahanap pa naman si Maya bagong Fairy Godfather (meron ba nun?) tapos hetong si SC eh sobra naman maka react!!! Hindi pa ba enough na kung makapag gwardya ka eh dinaig mo pa si Jaworski??
Pero talaga lang ha??? ano ba si Maya? batang paslit na kailangang singahalan… sermunan at pagalitan???
Saan ka ba nanggagaling ha Ricardo??? Over ka na nga eh! kinalimutan mo na ngang hindi ka na dapat Boss ni Maya habang andyan kayo sa Summit kasi intern siya ng Time Airways and kaya siya andyan is because of Time Airways!! lakas lang ng dating mo na lagi siyang i-remind na BOSS ka nya!!
Aminin na kasi ng singkit na yan na di lang sya concern kay Maya as her boss
Dapat malasing tong si singkit ng mailabas ang nasa sa loob eh.
Sayang lang at wala na si Fred the traitor… Mas malalabas nya kapag nandun si fred eh. Pero baka available naman kainuman si Sonny.
Paano yan,Cchristmas na Christmas LQ
Ayoko na! Masyadong masakit ang mga pangyayaring to!
Ser Chief bad mo!
Ang nagagawa nga naman ng selos, nasasabi ang mga bagay-bagay na di
naman dapat…pero kahit saang anggulo tignan MALI ka Ser Chief , MALI
Sana naman inalala mo na nasa SUMMIT kayo nun, si Maya e andun as
intern at nagtimpi ka na lang muna kahit NAGSESELOS ka na!
Hindi ka man umamin o di mo pa alam ano talaga feelings mo kay MAya
dapat pa rin na di mo yun sinabi. Masyadong masakit –masakit.
OO nga naman she was there as an employee of TA at hindi nanny. Ricardo should have set his boundaries… hindi naman lim mansion ang summit. Kaya tama ang sinabi ni maya ” pati ba dito principal’s office ako?

“Because that’s the unexpected. See? Nagimbal lahat. But read between the lines. Ano ba talaga ang gustong sabihin ni Richard? “
–Sabi ni Sir Jimuel sa twitter.
We know right!
He is super duper jealous na he’s out of line na!
It’s machakeettt!!! G-R-R-R-R-R-R-R-R-R-R SINGKIT!
Tama ba mga sis…
Ang nagbigay ng panyo ang dapat magpaiyak at ang nagbigay ng sapatos ang dapat lalayo?
Mukhang this time baliktad ah… Si Sir Chief ang nagpaiyak at si Maya ang mukhang lalayo
Tsk.. Tsk.. Tsk..
Naku Sir Chief. Wag mo masabi sabi na you’re not just treating Maya as an employee but also as a friend kaya nagawa mo yun…nakuuuu! mayuyugyog kita.
Grabe yung last gap di ko kinaya, wasak na wasak puso ko sa itsura ni Yaya Ganda. Sakit sakit talaga, di pa ako maka get-over. Si Ricardo naman kasi, kelangan talaga paiyakin ang mahal na prinsesa, bakit kasi di na mo na lang aminin na jelly ace ka, ayan may nasabi ka pa tuloy na hindi nagustuhan ni Maya at i’m sure mas hindi mo nagustuhan dahil nabigla ka lang ganun?
Ang galing ng writers ng bcwmh… mtapos tyong dalhin s cloud 9 for the past episodes… ngayon *** tyong mga bukayo na luma…. huhuhu
Bagay na bagay yung kanta na toh para sa iyo Ricardo.
http://www.youtube.com/watch?v=HYNuZTSoRcQ
Dapat yan yung music habang mag sesenti mode si Ricardo.
Whole morning lang ako nawala, more than 10 pages na br…d nga adik…normal na normal talaga, haven’t watched pa ng today’s epic but based sa mga sinulat ng mga kakosa…naku parang iiyak na ako…
Mukha ngang baliktad na!
At feeling ko may mapapauwi nito sa San Nicolas… my gulay wala pang
pasko sa episode nila. Hay naku Richard Lim di tayo bati
Kailangan mong bumawi.. mag-SORRY ka ngayon na. BILIS
Affected ako sa nangyari today. but sa paningin ko, Sir Chief was really overprotective of Maya at asar na asar siya kay James. Tapos nakita pa nya na nakikipagbiruan/ breathing exercise pa si Maya with James, hayun sumabog siya sa galit. Eh hindi naman kasi siya aware na ang secret ng dalawa eh ***. She thinks of Maya as naive at baka lokohin lang ng James. the “flirt with your boss” was intended for James kaso parang ang dating kay Maya at sa iba na rin ay flirt with any boss. Pero kahit masakit I like it kasi progressing na ang relationship ng dalawa. I’m looking forward sa pagsuyo ni Ricardo para mapatawad ni Maya. Kantahan nya kaya sa pasko sa lim mansion.
Impressed ako sa galing ni Mr Yap dito. Nakakadala yun eksena. Malayo pa ang mararating nya as an actor.
Ano yan Ricardo??? Dramang You always hurt the ones you love lang???
Magpaliwanag ka!!
Hay naku sis di ka nag-iisa lahat ng adiks nakaabang na dito kay Ricardo
Daming palo abot nito .. HB lahat ng adiks sa kanya ngayon.BAD kasing bata
grabe pala magselos…pinaiyak ang prinsesa…
The sad thing about all of this is that, si Maya walang kaimik-imik kahit sino pang babae ang pumasok sa buhay ni R(Galit ako eh), kahit nga idate niya eh… wala paring reklamo si Maya pero siya, ni hindi nga pinapansin masyado ni Maya si James at puro kay R ang atensyon niya, nagagalit siya agad. Flirting na agad tawag dun.
He should look at his actions first before he says anything. Kahit maforgive siya ni Maya, from then on, matatakot na si Maya lagi na baka may masabi ulit siyang ganun kasakit. Magkakaroon na ng unang peklat ang puso ni Maya.
I just hope he redeems himself well. But I think he will. Matino naman siya eh. Nabulag lang sa selos.
Oh, Richard. OH RICHARD! What have you done you idiot!
I knew that James was a smart cookie. He managed to figure out that Richard was Maya’s one and only Ser Chief. Unlike Ina who remains clueless, whut. We all know that he really could fall for Maya in a few months but also that her heart belongs to Richard. His smile when Richard dragged Maya away was the look of a man who was very satisfied with what he had done.
Maya…aw honey! You poor thing, to have all your dreams shattered like that. There are dark clouds over the Lim family Christmas…
Dear writers, don’t you dare involve Richard in a car accident. Just saying, bad moods and fast driving don’t mix.
Hay… ang mga kailangang pagdaanan ni maya-bells para maabot ang mga pangarap nya.
Kahit pa sa pag-ibig. Alam naman natin na si Maya yung tipong masaya ng hangaan si Ricardo from afar. Kumbaga, hanggang NGANGA na lang sya pero masaya na sya dun.
Tapos nagimbal ang mundo nya nung nalaman ng isa yung nararamdaman nya.
Tapos ito? Paiiyakin sya ng bongga bago mag-aminan?
Hay naku… Ricardo pls, bumawi ka. Dapat wagas na pagbawi.
Di ka naging careful sa heart ni Maya… sabi nga nung kanta…
“You can take it, just don’t break it”

E sa ginawa mo, ginalusan mo ang puso ng mahal na prinsesa, nagdugo ng konti, lapatan mo ng band-aid with tender loving care, okay? At wag mo ng ulitin, pls!
Kung hindi!!!
ISUSUMBONG KA NAMIN KAY KUTE AT SA THE REST NG TAGA SAN NICOLAS!
Samahan pa namin silang resbakan ka!
Si Ricardo naman kasi… pwede namang sabihing “I’m Jealous”… ang dami pang sinabing masasakit na salita! Kaloka! Nawindang tuloy buong mundo ko.
Kakalimutan ko munang ang guwapo guwapo mo lang talaga habang nag-i-speech ka.Psst! Sir Chief… Meron ako papa-alala sayo…
“Maya may mga bagay na dapat pinag-iisipan bago gawin o sabihin. Dapat matutunan mo yun.”
“Di ba sinabi ko sayo dati may mga bagay na dapat pag-isipan bago gawin o sabihin?”
Kanino kayang linya yan??? Hmmm…
Anyare sa words of wisdom???
Lumipad palabas ng bintana nung ma-inlove yung mamang singkit
Huhuhu. Ang sakit sakit!!!! Kaloka lang ang mga writers…pero I like the development ng characters and story and infairness kay papa chen lumelevel kay jodi sa pag arte galing ng escalation nya ng anger very believable…. Ano kaya development sa lunes? Eto na kaya yung walk out scene ni maya? Pasko talaga? Super blue christmas ang lim mansion…. Hmmm pero so far the story has been making a lot of unexpected turns so may posibility na meron na naman sa lunes… Para di masyadong sad mag ala madam auring na lang tayo to predict anong next moves ni Maya at Ser Chief….
Ganun na ba ka-intense ang feelings ni singkit kay Maya?
Naisip ko tuloy na yung level ng feelings niya ay hindi na lang crush…iba e… as in, galit kung galit, ganun talaga.
Tapos all throughout the summit, si Maya lang ang hinahanap-hanap. Kaya nga di ba sinundan talaga nya si Maya nung nakitang umalis ito kasama si Emman after his speech?
For him to react so strongly… that means he feels strongly for Maya too!
Ang hirap kasi hindi nya ma-express yung sarili nya.
Nagmala-VOLCANIC ERUPTION tuloy sya. Si Maya ang kawawang naputukan.
Sa sobrang intense ng feelings ni SC, selos at galit, ng masabi nya ang “YOU CAN’T FLIRT WITH YOUR BOSS!” He’s definitely referring to James…but just right after eh na realized nyang BOSS din sya ni Maya. and ng mga sandaling sinabi nya yun he’s not acting/feelin’ as Boss but a jealous/angry bird…este as Richard na may feelings na towards Maya.
Originally Posted by Maltz
Si Ricardo naman kasi… pwede namang sabihing “I’m Jealous”… ang dami pang sinabing masasakit na salita! Kaloka! Nawindang tuloy buong mundo ko.
Naku korek ka dyan sistah, natumbok mo! Ganyan din ang naisip ko eh, eto naman kaseng Ricardo masyadong pinipigilan ang damdamin yan tuloy, napaiyak pa si maya, AT ang sanglibutang adiks…haaaaay, feel ko bonggang bwelta next epi…mawiwindang siguro pag nagkataon mag make up si sc sa kasalanan niya kay Maya
Ito kaya ang susunod na eksena?
https://kcrica.com/wp-content/uploads/2015/12/aa334-be2bcareful2bwith2bmy2bheart2bost.jpg
Mukhang uuwi si maya sa nanay nya ngayung pasko kaya binuild up yung wala si kute sa kanila sa pasko para me rason si Maya na hindi magpasko sa Lim mansion.
Just watched the episode again, galing talaga ni Jodi! grabe, parang ako yung nasa katayuan nya…galing, as always!
Parang obsession nga ang kilos ni Ricardo. Walang ginawa kundi pagmasdan si maYA…hanapin si Maya….halos ayaw niyang mawala sa paningin niya si mayA…
Yep…he’s in love. ..

I feel sad for both but I realize na kailangan may mangyaring ganito to give way for Ricardo to finally admit his felings for maya.
THe only way Maya can forgive him is if Ricardo will be honest to her and that means telling maya how he truely feels about her.
Nung unang part hanggang ano kay Ina ako naiinis kasi masyadong pacute at papansin kay Ricardo….tapos tuwang-tuwa naman ako kay James kasi pang-asar talaga kay SC…pero sa dulo wala na .. lagot kay Ser chief ako nabadtrip ,kakalurkey magselos.
Ako naman kakaba kaba habang patapos na yung show. Panay ang tingin ko sa relos nung last gap na. Akala ko ibibitin pa yung we need to talk at sa monday pa ipapalabas. Panay ang dasal ko na sana naman wag nilang ibitin at di ko talaga kakayanin ang suspense until Monday. Pero nung tinuloy tuloy nila at binitbit na nga ni SC si Maya palayo kay james akala ko kilig and tawa to the todamax ang matutunghayan ko. unexpected talaga ang naging turn of events. eh samantalang kagabi lang gumugulong ang thread sa anticipation at excitement nung nilabas yung teaser dahil sa WE NEED TO TALK na yan. Akala nating lahat na tuloy ang tumbling natin …
Masakit man pero kailangan mangyari ito. Eto na ang umpisa ng birth pains ika nga.
Awang-awa talaga ako sa kanya sa scene na yun. Ang sakit lang na marinig yun mula sa kahit sinong lalaki, mas lalo na mula sa taong gusto mo. Naiimagine ko lang kung paano nadurog yung puso ni yaya sa sinabi ni singkit. kahit ano pang saya ng pagkakatanggap ni yaya as flight stewardess trainee eh nawalang parang bula dahil sa sinabi ni tigreng singkittt!! talagang isang malaking G.R.R.R ang face ko after nung scene na yun. bad boyy Ricardoo!!
Trending pala ang Sir Chief ngayon sa ibon… halatang maraming naapektuhan.
Normal lang ba naririnig ko sa isip ko ang line na “You can’t flirt with your boss” Ang sakit pa din sa puso.
Mukhang two days akong magmumukmok, mag sesenti, mag ha-hunger strike hangga’t di pa bumabawi si Mr. Lim.
At ikaw James.. You already! Ang kayang magpalabas ng masidhing damdamin ni Ser Chief.
Naku Sir Chief di ako makasulat ng assignments ko dahil sa yo.. waaa.. dapat yung buong angkan ng Lim ang susuyo sa princesa … ay excited sa Christmas drama nila…
Grabeh ang hingal at pagod ko sa iwas na ginagawa ni Maya kay Ricardo pero ang galing lang ni James parang gusto nya talagang mabuwisit si Ricardo para umamin kasi naman hindi dencio si James.
Pero yung sa last part grabeh naiyak talaga ako, kasi parang inuntog lang tayo ni Ricardo na Maya is still the nanny of his children. Nainsulto naman nya talaga si Maya PERO alam ko naman kaya nya lang nagawa yun kasi nga wala siyang mapagsabihan ng feelings nya towards Maya kaya tuloy ganun ang naging reaction n’ya. Sometimes I wish that Fred is still around so that he can talk to him about Maya and ask for some advice. Si Maya kasi marami siyang napagsasabihan dahil marrami ng may alam ng feelings nya towards Ricardo unlike him. Wala na kasi si Ricardo sa stage ng pagpapa-cute kumbaga nasa stage na siya ng life nya na lahat ng bagay kailangan sineseryoso. Nakakaawa din si Ricardo in a way. Gusto ko ng mag-Monday to now kung pano siya babawi kay Maya dahil talagang masakit yung ginawa nya.
Kailangan niyang bumawi ng BONGGA. Hindi magiging madali ang lahat
dahil nga naman masakit masyado ang mga sinabi niya, pero kailangan niyang
paghirapan ang lahat para mapatawad siya ni Maya.
Kuhang-kuha mo ateng! Ganung-ganun nga ang tingin ko sa eksenang “You can’t flirt with your boss!” na yan. Kitang-kita mo sa changes sa expression ni singkit na he didn’t say it as Maya’s boss. Actually parang nalimutan nya nga na boss siya ni Maya at that moment. Tapos nung nasabi niya na, naisip nyang siya rin pala. Galing lang ni RY dito at syempre si Jodi sobrang heartbreaking lang ang face.
Kahit na anong console ko sa sarili ko na dahil lang sa selos to, masakit pa rin.
Hay naku Ser Chief masyado kang nagpadala sa inis at selos mo
kesa isipin muna yung mararamdaman ni Maya, masyadong masakit ang mga
sinabi mo. Di mo man sinasadya e nasabi mo na. Ang kailangan mong gawin
ngayon ay tanungin sarili mo, bakit nga ba ganun naging reaksyon mo
kanina nung makita mo si James at Maya., e di pa naman kayo at lalong wala
ka pa nga sinasabi kung ano nga ba totoong nararamdaman mo kay Maya.
pero kung makaarte ka daig mo pang BF o asawa niya… kaya mag-SORRY ka
Mag-SORRY ka RICHARD LIM

First gap pa lang, asar na tong si singkit e. di pa nga nakakalunch ng ayos si Maya and the rest sa table nya, “lunch is over” daw with matching dabog pa with the napkin.
Grabe. He felt insulted too with how James reacted sa pagiging nanny ni Maya kaya naging ganun sya.
Can’t get over mode lang …naiisip ko lang baka naman yung ‘BOSS’ that Richard was referring to ay si James .. because technically boss din naman nya yun kasi diba anak ng CEO at VP for flight operations … and Maya got it all wrong….
Kasi assumero mode din itong si Richard na akala niya nakipag-landian na si Maya Kay Sir James because sinabayan nga siya ni James sa pagsigaw. …
Just a tot, otot…sabi ni singkit kay maya kanina,”kalma lang”
E BAKIT HINDI IKAW ANG KUMALMA, SINGKIT?!
NAGWALA KA KANINA DAIG MO PA TIGER! HMP!
Tama sis. mas masakit pa nun kasi galing kay Ser Chief..ang hirap kalimutan!
dahil sa selos nasaktan niya ang babaeng walang ginawa kundi mahalin siya
at suportahan ng walang hinihinging kapalit.. basta makita lang silang masaya
masaya na siya.. kaya ikaw singkit bumawi ka ng bongga next week
mahirap ang pagdadaanan mo pero kailangan mong pagbayaran ang mga
ginawa at sinabi mo.
Originally Posted by charism03
Hello po! Lurker lang ako dito sa pex and sa EB pero dahil sa kaganapan today at sa mga nakaraang araw, hindi ko mapigilang mag post about sa observations ko sa show na to. I actually really like the development sa story ng show these past couple of days. At kahit may kurot man sa huli ang episode today, I think this is one of my favorite episodes kasi lumabas na talaga ang emotion ni SC at ni Maya. This is just a start of something new for both of them.
My observations:
– Confirmed na na may gusto talaga si SC kay Maya…*** confused look nya nung nakita nya *** pic nya sa cp ni maya, yung glances behind close doors nila ni maya, at *** aligaga nyang pagtanong kay rafi kung may nasabi si maya about her feelings only show na may iba na rin syang nararamdaman. Kung ikaw ang amo at nalaman mong may crush sayo *** employee mo, usually deadma lang kung wala ka namang nararamdaman for her. Pero kay SC, halatang kinikilig din sya.
— Kaso nga lang, SC is still in denial. Maybe because it’s been awhile since he fell in love (not since alex), or maybe conflicted sya sa feelings nya kasi employee nya si Maya, or maybe both. Pero feeling ko, *** feelings ni SC for Maya ay nag sisimula ng magsurface since the night na aminin ni Maya na crush nya sya and the next day during the summit.
— The summit shows different facets of Maya as well…1) kung gugustuhin nya, kaya rin naman pala nyang iwasan si SC, 2) that she’s really a beautiful person na kahit isang well-known pilot/son-of-CEO ay pwedeng malove-at-first sa kanya, 3) that even though she always has a positive front, she also has her vulnerable side and pwede ring masaktan. But I’m hoping that this pain na naidulot ni SC ang magtutulong to transform her na mas magbloom and to prove to everyone, especially to SC that she’s just NOT A NANNY!
4) Nagmumukang seeking for SC attention si Mam Ina, at mukhang pansin rin naman un ni Sir Chief…kaso nga lang, naka Maya na talaga ang buong attention ni SC
5) I think a lot of what SC said to Maya during his rant is just a manifestation of his feelings for her that he’s been harboring all this time. First…after Maya’s confession about her feelings and Rafi’s affirmation, it seemed like SC was hoping to spend more time with Maya during the summit (obvious naman)…kaso nga lang super iwas si Maya, which pissed him off especially since this is contrary to what Maya said na “normal lang sila”. Second…it’s also obvious that SC is becoming jealous and more possessive of Maya. He always says na away nyang may manloko kay Maya (especially since she’s naive), but really there’s something more than to it than that. Third…he felt that JV was insulting Maya about being a Nanny, but I think kaya naging ganto ang interpretation nya dito is because he probably has this fear na if he falls for Maya, people will look down on her since she’s the nanny of his children and he’s her boss – just like how JV initially reacted.
Sorry ang haba…eto lang naman ay aking mga opinyon and assumptions (assumera mode) sa mga nangyayari. I really love this show…it’s the only TFC show that I watch…and because of today’s episode, i’m inspired to write a fanfic na rin…ang daming tumatakbo sa isip ko na pwedeng mangyari…and i’m sure lahat ng fans ay may kanya kanya storya na sa mga pwedeng susunod n mangyari. Kapit Bisig!
Very well said! And how the show affected the viewers means it is really effective. painful epi but “great job!” to the writers and especially the three actors involved. that scene was really intense.
Tingin ko mas na-aggravate pa ang selos ni Ser Chief during the confrontation kasi it seemed like “kinakampihan” pa ni Maya si James.
Pinapanood ko ulit at makikita mo yung ilang ulit na pag pursed ng lips ni Ricardo just to control his emotions.
Makikita mo na unti-unting nagbubuild-up yung exasperation nya…. from the moment he let go of Maya’s elbow hanggang sa sumabog na sya dun sa “you can’t flirt with your boss”
Richard Yap is getting good talaga. Two thumps up for him! Isama pa ang prowess acting skills ni Jodi, sobrang effective ng eksenang yun!
Definitely one of the most memorable scenes in BCWMH!
Originally Posted by roxybeloved_girl
HAY NAKU SIS KAYA NAIINIS YANG SI RICARDO KAY JAMES KASI DIBA SABI NYA SI JAMES DAW KAYA GANUN KASI MAY GUSTO KAY MAYA, E SIYA KAYA KAYA SIYA GANUN KASI MAHAL NA NIYA SI MAYA… ANG MAGNANAKAW GALIT SA KAPWA MAGNANAKAW
Buti pa yung feelings ni James kay Maya, nasabi nya!
E yung feelings nya na gusto na rin nya si Maya, hindi!
Kaya, nagwala tuloy! HMP!
Talagang hindi binitawaan ni singkit si Maya hanggang sa they are alone.
Kung may makakita sa kanila, akala mo talaga may nagawang masama si Maya sa asawa nya kaya wagas naman makahawak sa elbow ang isa.
“Lahat na lang ba paniniwalaan mo?
Maya, don’t be naive! Kaya ka lang pinupuri ng James na yun, dahil gusto ka nya! NOTHING ELSE!
Nanny pa rin ang tingin nya sa ‘yo na akala nya madali nyang makuha!
YUN LANG YUN!”
Naku singkit…
Sa mga sinabi mong yan, Maya will definitely have a hard time believing you pag nagconfess ka na sa kanya ng feelings mo.
At much worse, pinababa mo lang ang self-esteem ni Maya sa mga sinabi mo…
Indirectly sinabi mo na sa kanya kung bakit imposible na mahalin mo rin sya in the future.
Kaya pag sinabi mo ng mahal mo sya, baka nga di na sya maniwala.
Para dun sa mga di pa nakakapanood huwag nyo munang panoorin ito pero kung gusto n’yo umiyak sige go lang.
Ni-record ko ang “we need to talk” scene ni Ricardo and ito ang dahilan kung bakit ang mga adik e galit lang naman sa kanya. Pero tama si Sir Jimuel we need to read between the lines.
Uy pero ang kaba ko lang nung sinabi ni James kay hmp! Singkit na yan na “and why are you here? … this is the table for Time Airways” susko, ang kabog ng puso ko. Akala ko papatulan ni hmp! Singkit na yan si James eh. Napreskuhan at nabastusan lang ako kay kapitan kidlat dun. Buti na lang to the rescue si Ina, at nagpaka gentleman ang hmp! Singkit na yan kaya hindi pinatulan si kidlat.
Kaya lang kay Maya hindi gentlemanly ang pinaggagawa ng hmp! Singkit na yan
Sana may 1 week long episode na devoted sa pag pa guilty kay ser chief. Hindi siya papansinin at kikibuin ni Maya at magiging normal lang talaga sila.
Tingnan lang natin ricardo kung makakaya mo.
Ang mas masakit pa sa accusation that she is flirting with the Boss of Time Airways eh yung ipamukha sa kanya ng taong halos ilagay na nya sa pedestal, sambahin at mahalin ng buong puso at kaluluwa… that she is nothing more than…
a hired servant!!
BREAKING NEWS: LAHAT NG TAO SA PILIPINAS… NAGDURUGO AT NAWASAK ANG PUSO DAHIL SA SINABI NI SER CHIEF KAY MAYA.
Hanggang ngayon trending siya eh.
Grabe tong show na ito… buong pilipinas nawindang sa sinabi ni Ricardo.Damang dama ng bawat audience.
Sabi ni Maya kay Emman sa buong buhay nya isang beses lang syang nakapag sinungaling sa pamilya nya … at malapit na nyang bawiin yun. Parang nagbabadya ah. Na malapit nang umuwi si maya sa san nicolas at dun na sya aamin sabay iyak sa nanay nya about her broken heart.
Si nanay Teresita ma-diplomasya pa at kalmado. Pero si mamang?! Naku lagot kay mamang kung sinuman ang nagpaiyak sa apo nya
Sana pupuntahan ni SC si Maya sa probinsya at susuyu-in. Tapos hahabulin siya ng itak ni mamang.
DON’T FLIRT WITH YOUR BOSS!!! how dare you!!!
BAKIT RICARDO, GANUN BA TALAGA ANG TINGIN MO KAY MAYA?!!! (alisin mo yang salamin mo at tingnan mo si Maya eye to eye..)
TITIGPASIN KO YONG DILA MO NYAN EH!!
TINGNAN MO ANG GINAWA MO SA PRINSESA..LUHAAN!!
LUHA LANG ANG PWEDE NYANG IGANTI..
DI BA SABI NI MANANG FE, ANG PAG AALAGA AT PAG AARUGA AY NABABAYARAN, PERO ANG PAGMAMAHAL, DI KASAMA SA SWELDO!!!
TAPOS, MA-MAYA MAYA KA JAN PAGKATAPOS MONG SABIHIN YON!!! TTSSEEEHHH!!!
At dahil mahal nila ang isa’t isa ay di sila aware na nagkakasakitan na sila.
Si Maya ang pagiwas iwas nya sa summit ay nasasaktan si SC dahil ang akala nyang normal lang ay nakapagpapalayo sa mahal na prinsesa (na habol habol sya)
Si Ricardo naman dahil sa di pa nya maamin ang feelings kay maya ay kung ano ano ang nasasabi nya wag lang lumabas ang tunay na mahal na nya ito
Sa mga writers ng show bilib na talaga ako sa inyo! Magtrending ba naman ang BCWMH after hours na tapos na ang epi. Sana mas matind ang gawin nyong pakilig kapag nagsosorry na si SC.
Ay sis, INLOVE lang yang Ricardo.
Period. Walang comma!
Di pa ba yun obvious, e aside sa speech niya wala na siyang ginawa kundi bantayan si Maya?
NORMAL ba yon sa isang amo na bantayan ang yaya? Di ba ang
normal e ang amo ang binabantayan ng yaya?
Hayyyyy, naku Ricardo ikaw nga mag read between the lines sa
mga inaasal mo sa summit
Isa pa ito sa favorite scene ko parang nakahinga ng maluwag si Ricardo nung katabi na niya si Maya. Pansinin nyo dito na lang siya parang ngumiti ulit.
Pero nakita natin kung paano pala ka protective, possesive itong si rickyboy knowing na ?employee niya lang yon.
Ang tanong: Bilang boss lang ba siya nong pinagalitan niya si Maya?
E kung kaladkarin niya e parang asawang nagtaksil sa kanya
Originally Posted by roxybeloved_girl
Hay naku sis kimbelle ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon… pero isa lang ang masasabi ko HE LOVES HER!!!
Yup! HE’s IN LOVE WITH HER!!!
Originally Posted by koffielady
Galing ng mga writers .. para daw di maging predictable ang story… so the televiewers will be craving for more…
Teka, pano na yong Christmas party eh mamaya na yon?
Ano kaya ang mangyayari?
Sabi nga ni Luke.. Christmas… forgiveness…
Sabihin kaya ni Maya yong “You’re forgiven?”
Hay naku sis kung ako kay Maya huwag muna phirapan muna niya si singkit kaya nasasanay yan eh kasi nga madaling mapatawad. Ngayon kahit ilang dimple pa ang lumabas sa guwapo nyang mukha kontrol muna.
Ganon? forgive lang agad?
I object! Di pwedeng walang suyuan…gusto kong pahirapan si daddy pogi
Buti na lang talaga andyan si Emman… sya ang representative nating mga adiks sa paghug at comfort sa mahal na prinsesa.
Go go Emman. i-hug mo na lang kami kay maya.
Althought hurt din at affected sa last scene kanina ….eh sabi naman ng other side of my mind…..na naguguluhan lang yan si SC….suma total lang naman diyan is …INLABABO na si BOYSINGKIT……pagsintang purorot na di mailabas,sinamahan pa ng matinding selos…booooooomm sabog nga naman……….
Pero alam nyo guys….GV pa rin ako kaseIi remember yung tweet ni kuya @JIMUEL nung jan.1 “na kinikilig daw sya habang nagsusulat ng script…na kahit sa script eh di daw paawat sa pagpapakilig si Maya at SC”so guys sabi nga pagkatapos ng maunos at malakas na ulan…MAY BAHAGHARI
Originally Posted by iamjam217
…Grabe, affected much talaga tayong mga cray cray addicts. ako naman, gusto ko monday na, as in, wag nang mg sat and sun…i want to hear sir chief’s explanation for that “you cannot flirt with your boss” thingy…may mga sociologists na kayang nagaaral sa behavior nating ito?
Alam mo sis, give up at taob ang mga sociologists sa behaviour ng mga adiks dito sa kilig universe… kahit saan libro, walang mababasa tungkol sa mga adiks dito.. pinag aaralan ang case na “Living a Normal Adik life in the Kingdom of Mahal na Prinsesa and Mahal na Hari.”
Sabi naman ng mga psychologists, “There is a very thin dividing line between sanity and insanity… or… between nomal and abnormal…
Eh yong line na yon, yon pa yong sinasabi nilang ‘read between the lines’ dun sa ginawa ni Ricardo kay Maya sa epi today… so saan na yong line na yon?…
Newbie po ako pero matagal ng lurker! Ewan ko pero ang saya ko sa episode na to. It’s because parang SIGN na ito na may nafe-feel si Sir chief for Maya. May kasabihan akong narinig sa isang drama na kung ang lalaki ay nagpapakita ng Care, eh ibig sabihin din nun ay gusto ka niya. Ay nako dapat alam nayan ni Sir Chief! Naka tatlong anak na siya! haha
Kaso, nakakinsulto talaga yung sinabi nya. bugso ng damdamin eh. Pero ansaya lang kasi lumelevel up na lahat. may mga bagong tanong (lalo na for sir chief) and mga kasagutan. At per trend ng drama.. pag may away, lambingan na ang sunod! exciting! (kaso baka weeks pa abutin!)
May mga knowing smiles si Liza nong pinaupo ni SC si maya sa kanya at parang alam din ni Jimmy boy.
Si ina di ko alam kung gets niya o nagpapaka dense lang siya kasi habol siya ng habol e.
Obvious ata si SC sa summit, di lang siya obvious sa sarili niya. DENSE pa rin?
E paano yan? kausapin siya ng sarili niya at i-confirm na may crush din siya kay Maya para matauhan siya?
SC: Maya, you are my employee … you are my responsibility. But more than that I don’t want to see other people na binabastos ka!
Sa lahat ng masasakit na sinabi nya ito ang bukod tanging maganda.
Pero hmp! at tsee! pa din
Alam mo sis, nag ipun muna ako ng lakas ng loob bago ko inulit yong epi today..
sabi nga ni Emman, ‘Face your fearand survive the predicament with flying colors..etc..’ pero napaiyak pa rin ako.
Tingin ko, kung nahurt si Maya, mas na hurt si Ricardo… kc nga di naman nya intention na saktan si Prinsesa… as seen dun sa suceeding facial expression nya at yong pagtawag nya ng…”Maya”.
Kamusta naman na mga kapamilya?Mmove on na ba o luksa pa rin? Senxa na pala at di ko na nadagdagan ang aking forecast for Monday alam nyo na itong work panira sa kaadikan.. . but at any rate let us not be too sad…sad pa rin pero huwag sobra, the episode only means na lumelevel up na talaga ang relationship nila ser chief at maya after all di magkakandalaiti si ser chief ng ganun if he does not OBVIOUSLY care much for Maya..obvious na obvious…di lang crush bordering on being to possesive na nga si daddy pogi like what was mentioned many times here kulang na lang hanggang banyo eh sundan si Maya, which is not at all the “normal” thing to do…like I said in my post yesterday…responsibility and concern for maya’s welfare ang magiging excuse ni ser chief…nagbibinata na talaga si Ricardo and it appears di kaatasan ang EQ ni Ricardo, hence the outburst earlier on. the sad part is first heart break ni Maya, the good news eh si Ricardo ang may gawa…hearts can only be broken by the one’s we love…so Maya di na yan crush girl! another good news eh for sure super ang bawi nyan next week otherwise lumipat muna tayo sa kabilang channel habang di inaayos ni ser chief ang broken heart ni yaya ganda!
Si maya walang tulog, walang kain sa huli pinaiyak pa ikaw na ang energetic yaya!
Hello po ulit! dahil di talaga ako maka get-over sa last scene. Dahil po, lumaki mata ni daddy sinkit because of selos. ito po screen caps. okay lang ho ba?
“nanny parin ang tingin nya sayo” (gwapo ng dimples)
http://i304.photobucket.com/albums/nn197/karmiiey/eyfbsaj_zps2630e4e4.png

“you can’t flirt with YOUR BOSS”
http://i304.photobucket.com/albums/nn197/karmiiey/2-1_zps88dc4bc4.png
http://i304.photobucket.com/albums/nn197/karmiiey/sdfsdfsdf_zps4d161661.png
pagnagseselos kahit ano ano nalang po ang naiisip ano ho sir chief?
So what’s MRO singkit?
maintenance, repair, overhaul
Now, how can you repair the damage that you had done?
Baka hanggang eroplano lang ang kaya mo?
Sabi ni Ricardo, masaya na siya sa mundo niya.
Obviously, kasali doon si maya sa mundo niya.
Nong umikot na ang mundo ni maya, nauga din ang mundo niya.
And what is happening in Maya’s world is beyond his control.
And jealousy took over as well that’s why his behaviour towards Maya was irrational.
Parang gusto kong i-analyze mabuti bakit ganon nalang ang words ni boy singkit kay Maya.
Hindi kaya dahil sa unresolved feelings ni SC kay Maya (being in denial and all) deep inside, he has also this internal turmoil wherein his ideals of what a relationship should be is being challenged as well? Kaya ganon nalang ang mga nasabi niya?
We all know that Maya is not just an ordinary girl (kaya nga naiinlove na si SC sa kana), but obviously, SC is may pagka-old fashioned when it comes to love and relationships. Kasi, una, parang si Alex lang ang first love nya and accdng to Manang fe wala nang sumunod, tapos ang tagal bago sha nakamove on kay Alex, then what he said in Baguio regarding his ideal woman. Pati *** sinabi nya kay Manang Fe dati na “wala na pong ganyang babae ngayon”.
The thing is, medyo naging assuming na rin siya. He might be unconsciously stereotyping James just because the latter is a happy-go-lucky rich kid. And Maya as well since she seems so naive.
Di kaya deep inside kelangan din ni SC to face his own fears? Fear of falling in love once again, with your employee and a girl almost half his age??? Was it himself he was trying to convince otherwise? (That you don’t fall in love with your employee?!?)
I think the writers are just fleshing out SC’s character, showing him a real person capable of strong emotions and not just a cardboard cutout of mr nice guy.
In spite of all that I said. Maling-mali pa din ang sinabi nya kay Maya. MASAKET YUN NOH! Pero GV lang po!
Kaya sana mas lalo pang sumingkit ang mga mata nya sa inis kay James sa next episodes! Tamaan sana ng kidlat si SC para matauhan! Goooww James!
Hello teamboysingkit!(nice UN) pareho tayong lurker dati and lumabas na ngayon. yung totoo, isa ka sa writer no? Love how you pointed yung possible dynamics nung character ni sir chief, pati yung possible na alalahanin o balakid in the near future like boss-employee relationship, young-old, awesome. I also hope na more on sir chief’s feelings naman tayo sa next weeks. para di na tayo maloloka sa assume ng assume kung ano ba talaga sir chief, tapos binabase nalang natin ang feelings nya sa kanyang pa ngiti ngiti kay maya.
And si James. kakaatuwa lang si James, parang si Luis Manzano na myxvj lang. haha
Originally Posted by lunar_eclipse
Ang taas na ng level ng saya ni maya dahil sa alok ni james tapos biglang ibabagsak nitong……..
tsakit! ang tsakit-tsakit!
Isa pa nga siguro yan sa lalong nagpahimagsik sa kalooban niyang si Ricardo…
yung makitang ang saya-saya ng Maya… wagas na wagas ang ngiti!
Maligayang-maligaya!!…..At HINDI SIYA ang dahilan!!
F na F ko yung facial expressions dito ni Maya. Kitang kita ang pagka-high na tipong nasa Mt. Everest ka tapos bigla kang nilublob ni SC sa kailaliman ng Marianas Trench. Boy Chinky bakit ba ang talas-talas talaga ng dila mo ha?
(wala akong maisip na ibang extremes na comparison)
Lakas makapag hasik ng lagim ni boy kidlat. kalahating araw pa lang nakilala ni maya nagkalamat na agad yung relasyon ng mag-amo. Samantalang for the past 6 months pure cute na LQ at principal’s office lang ang tampuhan nung dalawa.
Sa sobrang kaadikan buong araw na ‘ko naghahanap ng teaser for next week pero kainis kasi mukhang wala pa silang nilalabas. Ugh!
I was so surprised as to haw the episode turned out yesterday. Tawa pa ko ng tawa sa mga reaction ni Ser Chief but apparently, malalim na ang pinaghuhugutan niya.
This has got to be a huge turning point sa story. At kung pa’no ang gagawin ng writers, I can’t wait na!
Kung si Emman ang manifestation ng mga adik dito sa pex, eh mabuti nalang andun yung shoulder natin for her to cry on. Woot.
Feeling ko naman madami ng nagdecode ng mga pangyayari kanina pero I’ll still jump in the bandwagon.I’m still trying to rationalize Sir Chief’s rant kasi nakakaupset talaga.
Ang masakit kasi dun sa sinabi ni SC, e parang sinabi na din niya na it’s not realistic that someone like JV would take Maya seriously especially after learning that she’s a nanny, which undermines Maya’s charm and implies that she’s just so gullible.
Huh. Wait and see, SC, she might just go and prove you wrong.
Ok na sakin *** cold treatment and pagpapakadense ng prinsesa.
I have faith naman in the writers, I know they’re brewing something na pwedeng i-hot compress para matanggal ang lamig sa katawan ng prinsesang magccold treatment.
Kakatapos lang panuorin ulit yung replay…(Masokista lang ako )
Pero Napa NGA NGA talaga ako with matching tulo-laway dun sa speech ni Ricardo eh… As in Nga nga! VERY ARTICULATE! Kainlove talaga.
TAPOS… BOOM! Mas lalo akong napanganga dun sa last 2 minutes. Kumbaga.. Na-PACQUIAO si Maya.
AYHEYTCHU Mr. Basag ulo Lim! (for now lang..depende sa gagawin mong move.
Originally Posted by enola2007
Hayun!! at lumabas din ang totoo!! pag si Poging Singkit!! hindi na kailangang makipag taguang pung!! nakalimutan agad-agad yung Mga adiks talaga!
You’re easy!! Well…. kahit naman TeamJames ako for the meantime…
Kahirap nga lang maresist yang si Ricky Boy…lalo na kanina before the Maya crying scenes…
When he delivered his speech on Green MRO… aaaaaahhhhhhhh!!! hit me in my weakest! pag ganyang good speaker… nganga talaga ang adik na ito!!
pero hindi…
gawa ka muna ng moves to ask for Maya’s forgiveness…
Eh…kc…naman sis – intellectual, handsome, gentleman, responsible and man of integrity…
BUT HE DEFINITELY CROSSED THE LINE DUN SA GINAWA NIYA.. Kaya galit pa rin ako sa kanya.
Siya, titikisin ko muna siya at pigilan ko munang tumibok ang aking puso.
….until he comes to terms with himself and face the consequences of his irresponsibility. Maya deserves the highest level of apology he could afford.
If he could do that (ask for Maya’s forgiveness) then he has redeemed himself.
SC’s speech part was awesome … he delivered his lines so clearly, pacing was perfect … hindi lang si Maya ang naka nganga ha pati ako.. at ang super outstanding ng resume niya ha … kaya nganga, raped the replay button and everytime … cry to death pa rin me.
Thank you to the writers of EB… you made me cry at 4:00AM… hehehe
Originally Posted by RMR61
Hays ambigat lang talaga ng kaganapan…kaya pag gising eh feelin’ ko problema ko rin ang problema ni SC at Maya hahaha!
Infernezz, laki na ng improvement ni RY sa acting. Inulit ulit ko yung part ..swak na swak sa dialogue ni RY yung musical scoring dun sa part na “and HONESTLY, I EXPECTED MUCH MORE FROM YOU. YOU CAN’T FLIRT WITH YOUR BOSS!” dramang drama ang pagka bitaw with that musical scoring background!
Calma lang guys…. atleast may progress na yung story… I think maganda ang magiging result nito…. i just have a good feeling about this… think positive….
In all fairness to Sir Chief and Maya, both delivered their lines very well…so convincing.
Habang paulit-ulit ko pinanood and episode yesterday, siguro ang sarap magmahal o mahalin itong si dadi p……cuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuutie kung magselos. …. ayan ser pogi! ako lang yata kakampi mo ngayon….still , we need your explanation!
Originally Posted by koffielady
After gathering my courage and a lot of deep breath, hold 10 secs and buga, I watched the questionable last 2 minutes….. and tried to read between the lines…
well…I didn’t read between the lines…I cut in the line…here’s the conversation…
Ricardo: “You are my employee and you are my responsiblity,… …….but more than that.……….
.(press the pause button)
—- fill in the blanks na…(answers may vary..write as many as you can!)
_____________
have a day filled with good vibes!!
But more than that…I don’t want any other guy/s to like you….only ME, Maya!) ..while serchief hugging Maya tightly.
juskoh, kinilabutan ako sa sinasabi ko.
Nakita ko din sis, may teaser na for monday. Ang Yaya Ganda masyado talaga na-hurt, ang kanta na niya sa videoke ay LUHA.
Waaaahhhhh!!! finally may teaser na for Monday,kahit na parang 15 sec lang ato yun… at least it looked like medyo light na ang feeling ni Maya…she was singing Luha, mukhang sa party yun ng mga bagets sa Lim mansion… ang tanong na lang how did she get home?
Katuwa lang pala dahil it was obvious na for somebody ang song and Luke even teased her na parang may pinaghuhugutan ang kanta ny…si ser chief eh obviously affected by the song dahil super OBVIOUS din na sya yun. Lol
Tama nga naman si Mr. Yap.
From his twitter: Kelangan maging bad para maging good.
He said that? Anything else? hehe bitin, but thanks for bringing the tweet here sis.
I think what he means is that it’s not a perfect relationship kung hindi kayo nagkakaroon ng problema once in a while. You won’t be able to appreciate the good and the bad of your relationship. We make mistakes for us to learn from them. It’s a price to pay for Ricardo and Maya. At least, umuusad na ang relationship nila.
Ika nga nila,
“Every rose has its thorn.”
Amen! I also think na ito na ang signus sa paglevel up ng relationship ng mag boss. lalo na after the confrontation they had…mas magiging interesting na ang interactions nila kasi meron na sila parehong “awareness”.
Ganyan nga din sinabi ng tita ko kanina! sabi pa nga sa akin wag daw akong masyadong affected,hahaha kasi daw sa nangyaring to mas marerealized ni SC kong ano na nga daw talaga nararamdaman niya for Maya.. bakit ganun na lang siya magreact simula nung nalaman niyang crush siya ni Maya at yung inasal niya sa Summit ..lalo yung nangyari after niyang makitang ganun kalapit agad si James at Maya e kakikilala pa lang ..at yung mag sinabi niyang nakasakit sa prinsesa na di naman niya sinasadya pero nasabi na eh! — so ako naman okay po pero inis pa rin ako kay SC kailangan niyang bumawi ng bongga
Saw the teaser too…super short..
Christmas party ng mga bagets…super feel ni Maya yung pagkanta ng sabi ng mga adiks dito LUHA..super cheer ang mga bagets..
Katabi ni Maya si daddy singkit at si Luke and Niccolo.
ALam ni daddy singkit dedicated s kanya ang song kaya ang reaction e yung usual mannerism sa fez na tumaas ang mga kilay niya..
Sabi ni like parang may pinaghuhugutan ang kinanta ni Maya…end of teaser
Wow! Tabi pa rin ang magsing-irog ha? Baka naman medyo nakapag-usap na rin sila before ng scene na yan…?
Pero syempre dahil nga medyo intense ang nagawa ni Mr. Singkit kaya napakanta ng ganyan si Maya.
After ng episode kahapon ngayon lang ako magkakalakas ng loob na panoorin
ulit.. sabi nga ni Eman you have to face your fears at sabi naman ni Sir Jimuel
sa twitter read between the lines ano ba talaga gustong sabihin ni Richard at
kailangan yun sa progress ng story… si Ser chief naman sabi kailangan maging
bad para maging good…so sige Go panoorin ko muna ulit at iintindihin si
boy singkit
WARNING: The following may induce sudden cardiac arrest, depression, anger and other ballistic reactions towards Mr. Singkit. Viewer discretion is advised.
Dahil sabi ni Sir Jimuel eh read between the lines kaya pagkatapos kong marevive after ma-cardiac arrest sa episode kahapon naisip kong himay-himayin ang scene na nakapag-pausok ng mga ulo ng mga adiks through GIF. Masokista lang ang drama ko eh. Ginawa ko lang ito para mas makita natin ang expressions ni Boy Singkit dito. Habang ginagawa ko ito eh mas nakita ko yung changes sa expression nya after nya sabihin yung mahiwagang line na nakapagpapantig ng tenga nating lahat. Kitang-kita mong nabigla lang siya sa nasabi nya. See for yourselves!

http://img402.imageshack.us/img402/8462/bcwmh1.gif

http://img96.imageshack.us/img96/1205/bcwmh2.gif
http://img560.imageshack.us/img560/3216/bcwmh3.gif

http://img42.imageshack.us/img42/9514/bcwmh4.gif
at ang reactions nilang dalawa sa nasabi ni singkit

http://img195.imageshack.us/img195/6061/bcwmh5.gif

http://img546.imageshack.us/img546/7696/bcwmh6.gif
Ang nagpaiyak sa ating lahat.

http://img204.imageshack.us/img204/7845/bcwmh7.gif
Ang nakikita ko ay parang gusto na mag-apologize ni chinky boy sa ating yaya pero baka sa sobrang hurt ni yaya eh tatakbo nalang siya sa CR at i-rereminisce ang sinabi ni daddy. Si daddy naman out of frustration dahil sa sinabi niya eh uuwi nalang, yung mala-why the hell did I say that? lang ang peg.
Di ko rin nagustuhan ang inasal nitong si singkit at gusto ko rin siyang i- pero intindihin din natin ang reason behind his actions. Naiinis pa rin ako sa kanya pero tiwala ako na mas lamang ang magagandang mangyayari dahil dito kaya kapit bisig lang!
Sabi nga ni Yaya Maya eh bawal ang negative vibes! Nabblock ang blessings!
Sorry sa mahabang post mga ka-bisig. just expressing my sentiments. asan na ba ang teaser na yan?
Originally Posted by Bio19
At ngayon-ngayon ko lang narealize kung bakit panyo ang iniregalo ni Maya kay Ricardo.
HandkerCHIEF.
Panalo ang analyzation mo po! Newbie ako dito. At super adik din kay sir chief at maya!
May talent ka dyan sis, eh yong sapatos… pano?
Isang word lang masasabi ko diyan.
Cinderella!
Joke! Di ba sa Cinderella, sa lahat ng nagtry ng glass shoes, kay Cinderella lang nagkasya? Parang ganun rin kina Ricardo at Maya.
Kahit anong hanap niya, ang perfect fit parin para sa kanya eh si Maya.
(Di ba, pati nga shoe size ni Maya alam niya.
Guys napanood ko na yung longer version na teaser kanina lang sa tv….
Umuwing late si maya then sabi ni sc bakit hindi raw sinasagot ni maya yung phone…. Then yung bedtime stories ni maya kay abby na sabi nito na hindi nmn masama ang sinabi ng prinsepe sa prinsesa hindi raw niya alam kung bakit nagalit ang mahal na hari, then pumasok si sc (assuming narinig niya) binuhat niya si abby tapos sabi niya hindi naman alam ng prinsesa kung ano ang pinag mulan or hugot (not sure) ng galit ng mahal na hari….. then sa party jamming ng mga bagets, pinapakanta si abby pero sabi ni abby si yaya muna, so yun kumanta si maya ng luha by aegis (hahaha) nakataas ang kilay ni sc… then sabi ni luke na mukhang may pinaghugutan (something like that)…. Then biglang tini tease si maya ng mga bagets na uyyyyyy……
Sorry kung magulo….
AYAN NA ANG MAHIWAGANG TEASER!
MONDAY, January 7 sa “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Mukhang may pinaghuhugutan si Maya ah!
GALIT-GALITAN PA RIN ANG DRAMA NI RICARDO!!!
HUWAATTT???
Kung hindi pala alam ng prinsesa kung bakit nagalit ang mahal na hari, bakit hindi mo sabihin mahal na haring DENCIO???!!!
MY GASSSHHH!!! Matutuyuan ako ng dugo sa ‘yo!
Medyo kinikilig ako sa teaser.
SORRY NA!!!
E kasi kung mag-away, parang mag-asawa lang e!
Naku, we need an explanation, Ricardo… Bakit nagalit ang Mahal Na Hari sa Mahal na Prinsesa.. ha, ha?
We need to talk!!!
At no remorse at all?
True! Kaloka lang. Tingin ko matigasan ang peg ng dalawang ito! Ay nakuuu. nakakaloka talaga. Di bale sis, nasesense kong ang Bulkang Lim (bulkan talaga dahil sa pagsabog nya ng walang pasabi ) din ang bibigay sa bandang huli.
Mga kabisig, based on my experience, dahil nga sa kabutihang palad ay may nagkamali, (hohohoho, opo my bf na ko) may mga lalake talagang tulad ni Ricardo kung magalit.
Di marunong magsorry AGAD, masyadong consumed ng kanilang REASON kung bakit ba sila nagkaganun. Parang gusto nila… i-figure out mo on your own yung kasalanan mo o yung dahilan bakit sila nagkaganun.
In short, gagawin ka pang MANGHUHULA!!!
Kumbaga e… jinujustify pa nila kasi sa sarili na they did that to you… BECAUSE of that thing that you did.
Ibig sabihin, at the back of their minds, ang sinasabi nila
“IKAW KASI E…”
Feeling ko, dahil assumera naman tayong lahat dito, na nasa ganitong stage pa lang si Singkit, blinded pa by his own reason why he got angry in the first place.
Kahit alam nyang nasaktan ang isa, iniisip nya na gawa rin naman nung isa kaya sya nagkaganun.
Tsk. Tsk. Yan ay based from experience lang naman. At based sa girl POV.
Ang nakakapagtaka lang eh, bakit sila laging magkatabi? Eh di ba nahurt nga ni R si Maya so dapat, iniiwasan pa siya lalo ni Maya.
Palagay ko sis, for the sake of the kids.. oh di ba, parang husband and wife LQ lang ang dating??? … uuuyy…. sabi ng mga bagets…
Di mo notice sis, na dinidikit niya si Abby sa kanya?
Syempre kung saan ang baby andon ang nanny …mautak din itong si rickyboy e
And the concern is still there (him texting her why she doesn’t answer his call). Yun nga lang sa pagsusungit idinadaan…
May mga ganyan talagang lalaki: sarap pektusan sa lungs at esophagus at sa iba pang internal organs!
Pogi-check
Mayaman-check
Gentleman, may isang salita, mapagmahal sa pamilya, maalaga, respectful, generous-
CHECK NA CHECK!!!
But it will take one hell of a TOUGH, UNDERSTANDING, KIND, and PATIENT woman to be with a
HARD-HEADED- check
DI MARUNONG MAGSORRY- check
HAS TEMPER ISSUES- check
BOSSY- check
POSSESSIVE- check
SELOSO- check
man like
RICHARD LIM!!!
Maya, sayong-sayo na yan si Ricardo! Meron na ako nyan! Mauutas lang ako ng maaga pag inagaw ko pa yan sa yo! HAHAHA
Pasinghot na lang ng kilikili, patadtad na kiss, at pakurot na lang sa singit! Okay na ko!
Hay nako. Parang ayoko ng ganyang ugali niya. Pride ang pinapairal.
Hay naku Ricardo, in your case, “THE END DOES NOT JUSTIFY THE MEANS!!”
“The wound caused by words is deeper and more painful than the wound caused by sharp swords.” pinagagamit mo ako ng words of wisdom, ha!!
Paano kaya yung kunwari lang siya na “Hindi ako apektado. Hindi. Sino bang apektado? Not me.” infront of Maya pero pag mag-isa nalang siya, halos masira na ulo niya sa kakaisip dun sa mga sinabi niya?
He’s still trying to put up this mask of being a strong-willed guy siguro rin para hindi na magtatanong pa ang mga bata kung ano ang nangyari.
Ay ewan. Hindi nakatiis…My thought is:
Last week started with happiness and kilig but ended on a sour note.
I believe next week, it will start bitter but the end of the week will be sweet again.
After all, Sir Jimuel and the lot have never kept us in a negative mood for really longer than an epi and a half. I doubt they’ll swithch the shows format to ala Walang Hanggan now.
Kaya hindi alo masyado nagalit kay BoySingkit e…wawa naman siya. Hanggang ngayon hindi pa niya ma-amin sa sarili niya na more than an employee si Miss dela Rosa. Kung dense….dense talaga.
(Huwag lang umeksena si Ma’am Ina. G R R R. Okay lang si James, kasi he knows and I think he may be a catalyst in Sir Chief’s admission.)
Di talaga ako maka get-over sa teaser!!!
MAG-ASAWA? MAGJOWA? MAGSING-IROG? MAY SECRET AFFAIR? BEAUTIFUL AFFAIR? MAG-MU?
E di ba KARASH nga lang!
At isa pa lang naman ang nagtatapat!!!
Mamumuti ang kilay ko sa inyo.
With a capital W!!!
At sa yo, Richard Lim, pamigay mo na yang PRIDE chicken mo na yan, baka ma-HB ka ulit at tuluyan ng mastroke then macomatose. Yari ulit ang mahal na prinsesa namin.
Parang hindi Boss na pinagalitan ang employee ang dating! Parang MAG-ASAWA lang ang peg ng away. At Si sir chief nakiki HARI na rin! Ang cute!
Hinanap ko talaga sa yt ang lyrics ng kinanta ni Maya, at wow! Grabe pala
Sus! Parang natamaan lang ng sibat ang puso nong pinaparinggan
kung di pa makaramdan si SC niyan, ewan ko na lang pero maya, pwedeng panindigan mo ang kinanta mo kahit isang linggo lang?
Para naman suyuin ka ng bonggang bongga
Ako di napabasa ng lyrics…..grabe ang tindi no! I can’t imagine SC’s reaction while Maya is singing this…..tagos sa buto…grabe!
Sa teaser… eto yong part na kinakanta ni yaya ganda:
“Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa `yo ngayon ay naglaho na
At ito ang ‘yong tandaan
Ako’y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha
Pagbabayaran mo”
go girl… pagbayarin si singkit!!!
Payback time with interest!!
Hala ka ser chief! Umalis ka raw sa kanyang harapan… at kahit daw sa luha pagbabayaran mo.
Magagamit mo ng todo yung panyo na gift nya sa yo wahahahaha
Oo nga eh..matindi ang banat ni Maya, dinaan sa kanta…pero infairness kay Ser Chief di na sya gaanong dense, kasi notice sa teaser wala na sya sa harapan ni Maya…tabi na sila lagi. Hehehe
Magaling talaga itong Ricardo.. dindaan daan sa dikit dikit… pansin nyo sa teaser?
ano yan… territorial admission (meron ba nun) with slight actions…without words?
Paano nga naman sya aalis sa harapan ni Maya (as per lyrics) eh nasa tabi sya lagi…

http://i1276.photobucket.com/albums/y470/BCWMH_fanatic/1_zps4342a5ee.jpg
Hala cge Ricardo ngumiti ka pa!!!
Hahah! pang asar lang ang smile nya. Haha!

http://cdn.makeagif.com/media/6-07-2015/BW5TsH.gif
1-04-15
(Credit to all PExers) CTO too for all pics, gifs, and videos from on line.Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
LAST UPDATE- 1-6-2019——SHARING UPDATES FROM FANS and UPDATING my BCWMH blog with collages, GIFS from my USB copy of my complete BCWMH DVD set and TFC reviews. Thanks for your featured reviews.

