VOLUME 11 B- JANUARY 7-8, 2013
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
128 Date Aired: Jan. 07, 2013—Grabe na ang bugso ng mga damdamin. After everything that Richard said, will things still be okay between him and Maya?
May nag-interrupt…kaya walang nasabi yung dalawa
kalowka parang first time kong pinapanood..at todo e-mote pa rin ako…

GALING MO JODI!!!!!
At halata namang regret agad si daddy pogi sa nasabi nya eh…interrupted nga lang kaagad
Pinipigil ko lang sarili ko na umiyak. Mayaaaa… ako na magsosorry para sa boss mo.
Sorry! Wag ka nang umiyak.
Natuluyan na ako sa pag-iyak nung nagflashback si Maya sa lahat ng pagkakamali niya. Waaahhhh! Nubaaahh!
Hindi dense si maam Ina
Awwwwwwwwwwwww….ang drama, I LOVE IT!
Feel na feel ko ang dalawa esp napapansin nina Sabel at manang Fe
Todo emote talaga ako..i.yak kung iyak…akala mo ang sinaktan..habag an habag sa sarili hahhaha
I feel sad, kakaiyak lang si Maya, hmmmp Sir Chief…you need to apologize to Maya!
Originally Posted by teamMAYAako
Sana hanggang hindi bumabawi si Mr. Lim e “Sir” lang at hindi na “Sir Chief” ang tawag ni Yaya Ganda sa kanya.
Push him over the top para matauhan
PAK! U hit the bullseye sis. Yun ang inaddress ni Maya nang nag text back . SER lang wala na ang CHIEF. Sana tuloy tuloy yun ni Maya hanggang di na makatiis at sobrang ma miss niya ang dating Maya.
Shucks! hindi ko mapigilang maapektuhan sa pag-iyak ni Maya. Ang galing ni Ms. Jodi sobrang dama ko yung kaibahan sa usual Maya. Grabe lang. Nakakaiyak na talaga ‘to.
Paki-abot na ang aquarium, pwede nang mapuno yun ng luha ko.
Hindi ko alam kung naiiyak ako dahil feel ko si Maya or dahil I have no patience for commercials. #PVRSpoiled
SC’s text message: Why are you not answering your phone? I’m trying to call you.
Maya’s reply: Bakit po ser, may iuutos po ba kayo?
MAYA – 1 point
Ser Chief : bokya
Sir Chief, I know you’re in front of Abby, pero sobra ang smiles mo…samantalang si yaya Ganda pugto pa rin ang mga mata. bad you!
Ayoko na! Naiyak na ako nung naglalakad si Maya at naalala lahat ng
mga di magandang___ ….. nitong si bad boy singkit sa kanya…
Sa sobrang lungkot ni Maya at nasaktan siya nilakad niya ata pauwi mula venue ng summit hanggang bahay..
Ha! Gagamitin si Ina to get scoops on James and Yaya Ganda
Naku Sir Chief, kung noong Friday ay love kita, ngayon ay ewan ko sa ‘yo!
GOSH I LOVE THIS SHOW!
Kalahati lang ang naabutan ko…pero sumikit dibdib ko…nag level up na talaga ang kanilang relasyon…ang nasa EB, lumalabas na rin…
Nakakaasar na talaga etong singkit na to. May pacoffee coffee pa sa iba kita namang hindi pa naresolba yung nangyari. Tapos siya pa may ganang magtampo kay Maya.
Ilang beses mo ba kailangang makitang umiiyak si Maya bago ka pa matauhan?
I have to comment expected ko drama pero bakit tawa ako ng tawa lalo na sa part ng kantang luha!
Yan ba talaga ang pride?! kakainis ka pa rin boy singkit… Insensitive ka pa! Di pa rin tau bati, SIR! Kahit slight Na Medyo pag-alala, di naman agad-agad Na “sorry” Na. Daily sa personality mo SIR u seldom ask sorry.
huhuhu nakaka BUANG naman ..roller coaster ride.. iyak ko sa umpisa biglang natawa sa dulo.. dahil sa kanta ni Maya! Nice one Maya.. SC
Itong si badboy singkit magbabayad ka sa ginawa mong pagpapaiyak sa mahal na prinsesa..
may araw ka din
Okay lang kayong magcoffee basta ang paguusapan niyo eh si Maya… and ways on how you’re going to apologize.
naku Sir Chief, I can’t wait kapag ikaw ang nasaktan ng sobra.
poor yaya Ganda talaga. miss na ang pamilya, brokenhearted pa.
at may continuation pa yung sermunan blues sa principal’s office! hmp!
engr. lim, kulang pa ba?????
What are you doing Richard Lim? Alam mo na ngang crush ka ni Maya, dinalhan ka pa nga ng kape even after what you did, tapos susungitan mo lang at sesermunan, di ka pa magsosorry at ang pinaka-masaklap at masakit sa lahat,
you’ll be going out with Ina pa?
This time it’s for real. Ayoko ng intindihin ka. Don’t you really care about Maya’s feelings? Pagkatapos mong pagsalitaan ng masama, tingin mo anong mararamdaman nya pag nalaman nyang pinatos mo pati si Ina?
I HATE YOU.
Dear Writers, you guys are doing great. Paki-tindi lang ng bagsak ni Mr. Lim kapag na-realize nyang inlove na sya ha?
p.s. Make Maya seem a little bit smarter naman
oo nga e asar! asar tong bad boy singkit na to.. pero nice one talaga Maya.
wag na wag mong patatawarin agad yan, pahirapan mo ng bongga at ng matauhan…
Go ahead Maya and be a trainee as flight attendant. Show that Mr. Lim what you are really made of. He’s making a big mistake making you suffer like this.
I HATE HIM, REALLY.
TEAM JAMES/ TEAM SIMON ako ngayon.
Sa susunod na makita ko ang nagdurusang mukha ni Mr. Lim dahil sa selos o dahil sa lungkot dahil kay Maya, hinding-hindi na lalambot ang puso ko.
Tatawa ako ng tatawa ng walang humpay!
MAY ARAW KA RIN!
Last friday naiintindihan ko si Ricardo bakit siya nakapagsalita ng ganun
but now parang ang hirap niyang intindihin. Ano ba talaga ang gusto mong
mangayari Ricardo?!
Nakakainis…. Super kainis talaga….. Napipikon na ako Kay sc….. Bwisit ang Araw ko…. Sobra na akong na apektohan… Normal pa ba to???? Gusto ko siyang pokpokin
Lol! Yun kumakanta si Maya, dun nya ata nilabas lahat ng sama ng loob nya kay SC, at kakaiyak lang yun teaser kase feel ko si Maya, kapag malungkot sya tumatawag sya kina nanay nya…
Haaaaaay ano ba yan. Ang tigas ni Mr. Lim.
Buti alam mo Yna na hindi interasado si Mr. Lim sa iyo.
Sa teaser e pumunta pa si Yna sa office ni Mr. Lim to invite for coffee. At first nag decline si Mr.Lim pero nang tumawag si James at sumagot si Yna na nasabi na niya kay maYa about the news e biglang nag bago isip ni Mr.Lim at accept ang invitation.
Sa totoo lang di na ako mayado worried about Yna. Feeling ko e nag accept invitation para mag fish ng information sa kay Yna sa nangyayari kay maya sa TA.
Ang ‘d ko lang maubos maintindihan sa ‘yo Dadi Singkit… hindi mo kailanman sinabiyan ‘yong mga malalanding babae na harap-harapang nag fi-flirt sa iyo ng masamang sentence, eh ‘yong prinsesa na nakilala mo na kung ano ka dalisay ang puso, dahil lang sa nabuking mo ‘yong secret nya…sinabihan mo na kaagad ng ganuon? Ano ka ba? Hmmmmpppppppppp kahit anong gwapo at binabangungot na ako sa iyo….ito muna ang para sa iyo.

I can just imagine another round of hurt Maya would feel if ever she would know about that Mr. Lim going out with Ina.
Di pa ba sapat yung sakit?
Ayoko na sis… Sobra akong apektado. Bakit may mga taong tulad ni Ricardo? I’m dead serious. I’m officially PISSED OFF.
Sana naman wag ng pahabain pa dear writers paki bilisan lang naman ang usad ng story, esp. Mag sorry na ang sc, masyado ng tumitindi ang pride ng hari eh, sobra ng kawawa ang prinsesa,
Bumalik nga po yung ko dito kay badboy singkit…
Nakakainis siya pa tong may ganang magalit ,mainis..,
E siya lahat may kasalanan .. mag-Sorry na nga lang di pa magawa
Ang lakas ng loob mong sabihan si Maya na nakikipagflirt.
E yung nakikipagflirt ng harapan sa yo, you can’t tell to back off.
PINAPATOS MO PA. Kahit na ang reason mo ay to fish info about Maya and James, remember Mr. Lim,
THE END DOES NOT JUSTIFY THE MEANS.
Pag nalaman ni Maya yan, ano sa tingin mo hindi sya ulit masasaktan? Alam mo na ngang crush ka ng tao. Sana mas naging sensitive ka sa feelings nya lalo na ngayong alam mo na.
Pero hindi e.
ANG TIGAS-TIGAS MO!!!

Pugto na nga yung mata ng tao, ni hindi man lang pumasok sa isip mo na wag na syang sermunan at pagalitan. Kahit yun lang naman muna ang gawin mo kung di mo pa kaya magsorry.
Di ba pwedeng hinay-hinay sa pagsusungit habang nakikita mong down na down si Maya dahil kagagawan mo?
Sorry na mga sis/bros, masama talaga loob ko. Kailangan ko itong ilabas.
Sorry kung BV. Tao lang. Lilipas din ito.
The only good thing about today’s episode is its length:28:47.
A BIG THANK YOU TO THE BCWMH TEAM!
Side note: I love how Liza has Richard’s back. Just like Manang Fe, I think Liza is Team Richard-Maya 🙂
Hi sis! Relax lang… We have to be patient with daddy pogi kasi its only now that he is starting ti come ti terms sa feelings nya for maya… Kung ano talaga value ni maya for him… And line I said it would be a long time before he apologize dahil una sa lahat di nya nga alam na mali sya…. D ba nga he told abby na mali ang story, its becoz he saw things differently.. Kawawa nga sya eh, imagine at his age and status eh maiinlove ulit…
Arrrgggghh….nabubuhay mga lurker na tulad ko pag ganyan si Sir! Grrr, why does it hurt to say sorry? Nakama-pride. Grrrrrr
LAST RANT NA MGA SIS! PRAMIS!
Oo na at may feelings ka na kay Maya. Oo na at gusto mo lang sya protektahan. Oo na Mr. Lim, oo na at may rason ka para sumama ang loob mo!
Pero utang na loob! Lugmok na yung tao. May-I-demand ka pa kung bakit she’s not answering your calls. Duh.
She’s hurting because of you!
Sige, I forgive you dun sa having coffee with Ina because I know you did it because of Maya. But still.
Could you not tone down a bit with pagiging masungit? Kung ayaw mong magsorry, then fine. Pero sana naman wag ka naman sobrang makapagdemand pa kay Maya kung bakit sya ganun or whatnot. Sana naman wag mo na syang sungitan and act like si Maya pa ang nagsabi sa yong flirt ka.
Wala ng SER CHIEF SER CHIEF! MR.LIM or ML muna siya sa akin.
Last na ito. Hanggang di pa bumabawi si ML kay MayA.
Tahan na Maya. Diyan naman si manang Fe,Doris ,Sabel and of course Abby.
Ituloy mo ang pagakyat sa tagumpay mo. U GO GIRL!
To ML~~TSE!
I have this sinking feeling na back to zero na naman yung supposed progressing love story nitong dalawa…
I mean, jealousy is one thing, and anger is another thing. We might assume all we want that SC is consumed with jealousy… but at this point, and with the scenes in the epi today, it seems that he really is more pissed off than jealous! grabe lang yung haba ng pagkaaburido at pagmumuryot nya. Hindi ko na maintindihan kung saan nanggagaling yun!!
At ang kaawa awang si Maya, wala siyang magawa… parang basang sisiw na walang masilungan.
Kahit saan naman kasing anggulo tingnan, yung masasakit na salita na narinig nya eh galing yu sa kanyang boss, sa kanyang “amo” at dahil hindi tipo ni Maya ang mag-iisip na may mas higit pang dahilan, (well, at least at this point) alam nyang galit at pang-iinsulto lang lahat iyon.
Seryoso, ang lungkot talaga ng epi today.
Ang mas nakakalungkot pa… we have admired and have always been in awe of how close to perfection this Richard Lim is… and today we have to find out that there is that character flaw… sobrang ma PRIDE ang lolo nyo!!!!
Ang tigas! Mukhang walang balak humingi ng tawad!
Haaaaayyyyy!! Lunes na Lunes eh!!!
Buti na lang kaaliw yung jamming ng mga bagets!! Asar lang kasi merong LOLO dun na jumu join!!
Di daw tama ang ginawa ni Maya na di nagpaalam sa superior niya
Eh yung ginawa mong pagdeadma kina Mr. Chua, Haravata at Adante, tama ba yon?!
I realized I began liking the show when ML was showing his cool and nice side…ayoko sya ng masungit. May pinagmanahan si Nikki, I swear. Haaaaaaaay.
Maya: Alam nyo po sir, hindi po nakakabawas ng dignidad ng isang tao ang magsorry.
Bakit po pag ako ang nagkakamali, not once, not twice, not thrice, sorry po ako ng sorry sa inyo. Hindi po ba kayo magsosorry sa ‘kin?
Mr. Lim: NO. THAT’S NOT GOING TO HAPPEN.
A kaya…
You will eat your words soon!

Yung mukha ni Sir Chief habang kumakanta si Maya… juskoo ang cute!
Ang team nicnik nagkakaayos na, ang team maya-singkit naman ang nasisira
I think matatagalan nga ang galit ni SC… most guys are like that diba… yung pag galit sila, galit nga… kung baga pag sinabi nilang PULA, pula nga, kahit na PUTI.
Pero once na ma-realize nya na may mali sya… that will be the most awaited scene…
I agree with you lalo na pag talagang nagselos na sila unless na lang may gagawin ang babae na magpapawala ng galit nila… pero para lang sa magnobyo o mag-asawa lang yun eh… bakit sila na ba?
Makalabas-litid ang pagkanta ni Maya ah
Sabi ko last na yung kanina, but I just can’t help it. Sorry.
Kasi sobrang nalungkot ako habang naglalakad si Maya na umiiyak. Ang naalala lang nya ay yung mga bad times niya with Mr. Lim. Sa tingin ko, from her reminiscing, makikita din natin na iniisip ni Maya na even from the start, mababa na ang tingin sa kanya ng boss nya, ng crush nya… ng first love nya…
And yung naalala nya na “No. That’s not going to happen (yung magsorry sya kay Maya).” I really feel sad for Maya parang ine-expect na rin nya na hindi talaga magsosorry si Singkit.
At sya naman, iyak na lang. Ang sakit… parang kung ako yun, parang bumaba rin ang self-esteem ko sa nangyari.

Bakit ba kapag may kausap sa phone si Maya eh laging nakadungaw tong si singkit na to
SC kung ayaw mong mag-SORRY , bahala ka sa buhay mo
Ang hirap naman pilitin! Sige hihintayin ko na lang yung araw na maisip mong mali ka at hihingi ka din ng sorry .
Kung kailan man yun di ko alam pero konsensya mo na yun ,nagpa-iyak ka ng babaeng wala namang ginagawang masama ..BAD ka.
Ako lang ata natutuwa pag masungit si Sir Chief ang cute cute niya kasi pag suplado effect hahahaha!
Sis, napapansin ko sa mga boys e hirap sila magexpress ng feelings nila. Even if alam nila na sila ang may kasalanan, hindi hindi sila aamin.
Tama ka.
PerO I’m not saying that this applies to all men… karamihan lang. Sadly parang isa na dito si Sir Chief.
Hmmm…may feeling ako na babaliktad ang mundo ng bcwmh this year. nung nagfflash back si maya dun sa mga sinabi ni SC (sinisisgawan sya etc.) feeling ko matturn off sya ng kaunti. at eto naman si Sir Chief ay todo na maiinlove sa kanya.
So… si Sir Chief naman ang aligaga na kay Maya at eto naman si Maya e deadma na pagdating kay Sir Chief..
naku! anydna pa naman si jv na friendly, bubbly, baka maging confidante pa ni maya (na pagseselosan ni sir chief kaya makikipagdate na din kay ina). pero parang like ko na si jv kasi pinapasaya nya si maya.
Originally Posted by mrs_acc
Jay naku, Maya.. one piece of advice.. totohanin mo ang accusations ni Ricardo, FLIRT with Capt. James! gusto ko talagang masaktan sya ng husto… G R R R R … NAGPUPUYOS AKO SA GALIT SA YO, MR LIM!!!! TEAM JAMES NA AKO!!!
Ako din. team james na muna ako. cute naman din si JV… charming, bubbly (not boring), mabait, pinapasaya si Maya.
Pero si sir chief kasi Iba talaga… responsible, best father, good provider, handsome…. AY!!! HINDI!!!
TEAM JAMES AKO…. sa ngayon.
@jedmadela
wooohoooooo! ang galing mo@JodiStaMaria #Luha
Fan na fan talaga ni jed ang bcwmh.I dont think he misses an episode.
Unofficially MU sila… kasi kahit sa sarili nila ndi nila alam na MU na sila
I know what you mean, you just said it in a wrong way… suyuin mo na si Maya! bago pa yan tuluyan mapunta kay James
Saan kaya magpapasko si Maya? Mapipilitan kaya sya umuwi sa San Nicolas at dun na magpasko?
Anyway sure na naman na magging flight attendant na sya e.
Tingin nyo mga friends??
Btw, napanood ko The Buzz kahapon sabi ni Luis yung character daw nya makakatulong sa relasyon ni Maya and Engr. Lim. (Engr Lim talaga tawag ko ngayon!)
Sis! Tingin ko korek ka dito! Mukhang maraming pahiwatig eh. Tignan mo yung kanta ni Maya, “damdamin ko sa’yo ngayon ay naglaho na”. Sobra kasi siyang nasaktan kaya siguro eh maiisip nyang itigil na ang kanyang “kahibangan”.
In a way gusto ko yun kasi para naman hindi si Maya ang naghahabol kay SC. Looking at it in a futuristic POV, mas nakakakilig yun pag si SC na ang humahabol. Baka everyday tayong tumbling. (nagpapaka-GV lang. Hihi.

From the very start, ‘yon din ang analysis ko sis…kasi ‘d ba ang plot naman ng show is GV palagi, nilalagyan nila ng extra characters to help the main characters na mailabas ang kanilang mga feelings or emotions, especially and densiong singkit considering na nag ka rusty na ang puso niya…’d madali for him to accept na may iba na siyang nararamdaman, therefore, furthermore….datapwat….para maging realistic ang pagpapaimbabaw ng kung ano man ang naka dikdik diyan sa ka suluk-sulokan na puso ng singgit….kailangan ng bomba para pasabugin ang kalawang na siyang bumabalot sa puso niyang tigang…. kaya here comes…JV…
Naalala nyo ba yung time na panay ang request natin dito na sana merong dumating na manliligaw si maya na ka-level ni singkit? Sabi pa natin sana pilot or CEO ng TA.
O ayan, binigay sa atin … pilot at anak ng CEO ng TA.
O balik tayo ke singkit … asar pa din kami sa ‘yo!
In fairness, dalawang episode pa lang uma-appear itong pilotong tsikadora, nawindang na ang kaharian ng Hari… hmmmm.. go captain, my captain.
Originally Posted by ProjectAnon13
Lalo tuloy ako nacurious sa sinabi ni kuya Jimuel na sinulat niyang nakakakilig. sana yung make-up scene nila yung tipong bawing bawi lahat ng sama ng loob natin ngayon.
Naku sis, naniniwala pa rin ako sa writers ng show na may niluluto silang mabango at masarap para sa ating mga adiks. Parang adobo lang ni Sabel!
Nage-gets ko ang sentimyento ng mga tao dito kasi nabubwisit din ako sa pinapakita ngayon ni singkit. Pero keep calm and kapit bisig lang ang peg natin dapat! Alalahanin po natin na lahat naman tayo eh gustong may magandang kalabasan ang drama na ito, especially the writers. Hehe. hingang malalim—pigil—buga x 10 muna ang gawin natin ngayon.
In fairness, naaligaga si Singkit nung sinabi ni Ina na,
“Akala ko kasi sabay kayo e… Baka sumabay na sya sa iba.”
Ang tono lang e parang ganito rin:
“Baka SUMAMA na sya sa IBA.”
HAR HAR HAR HAR
Actually, eto lang ang nagiisang redeeming act ni Ricardo sa episode today. yung biglang iwan nya ang mga ka-meeting nung marinig na umalis na si Maya at “sumabay na sa iba”.. bakas ang anxiety sa mukha..
Pero, at isang malaking PERO, bad pa rin sya.. dahil hanggang sa huli, pinagagalitan nya si Maya.. kaya, HMMPPP!!! GALIT PA RIN KAMI SA YO RICARDO!!!
True sis! bigla nga napatayo sa upuan niya at may-I-call kay Maya. Aba! Takot mawala? Makuha ng iba lang ang drama? Bakit singkit, sa iyo ba?
At may-i-lecture pa sya kay Maya na bakit daw nag walk-out sa summit nang di nag-paalam sa superior. E sya itong walk-out king din! Iniwan ba naman ang biz associates ng walang pasabi!
Hay naku! Kastress!
Nangangabog si Sir Chief ha!! selos to the highest level!!
komedyante ba role ni Luis dito?
Oo nga eh selos to the highest level… Daig pa asawa. At least ang mahal na hari ko ma slightly strict on the 4th missed call may text na semi react na eh ser chief 1st missed call pa lang galit agad?
Highest level ang taas ng kilay ni Ser Chief. Buti nakayanan nya ang mga patama sa kanya ni Maya. Dainin ba naman kanta. At birit kung birit ang peg ni Maya. At super enjoy ang mga bagets…hahaha.
Go go go Maya…. sige pa para matauhan si Ricardo.
At ikaw Ricardo akala mo makaka iwas ka kay Manang Fe…. Lagot ka!!
Ang gondo-gondo ng bagong fanfic sa EB entitled “The Veil”.
Napawi ang lumbay at aking yamot kay Ricardo! Sugod na sa EB mga kakosa!
Selos naman talaga si Limkit. Kasi nung nagrereminisce din sya habang nagdadrive, ang unang naisip ay ang nasaksihang tawanan nila Prinsipe James at Prinsesa Maya.
Tapos, yung next na naalala ay ang kanyang hurtful words at pained expression ni Maya.
GUILT + JEALOUSY = CONFUSION
Dahil confused sa feelings na di masabi-sabi, dinadaan sa PAGSUSUNGIT.
Yan tuloy, nagiging INSENSITIVE JERK ang peg!

http://i1276.photobucket.com/albums/y470/BCWMH_fanatic/1_zps1d62160e.jpg

gigil na gigil o!!!!
http://i1276.photobucket.com/albums/y470/BCWMH_fanatic/2_zps58353641.jpg
lagot ka kay maya!!
awwww! ang lungkot ni yaya ganda..
Kasalanan mo tong lahat Ricardo

10 secret signs he’s jealous
Jealousy is a defense shield of love that men use to fend off constant threat from rivals and the possibility of betrayal from a partner.
1. He gets angry easily
2. Not happy when you talk about someone
3. He’s possessive about you
4. When others find you attractive he gets upset
5. He say’s mean things
6. Staring at you
7. Stalking
8. The guy acts strange around you
9. Mood Swings
10. Pretending that he doesn’t care
PASOK KA SA BANGA SIR CHIEF!!!
hmmm…mukhang may maganda talagang mangyayari based sa tweet ni @ImRichardYap08:
@ImRichardYap08 sir chief daming affctd na fans knna sa episode pti sa fb lht ng comment kkalungkot. Parang biyernes santo today sa lungkot.
@ImRichardYap08
@Mariam11Maria kelangan ng biyernes santo para magkaroon ng Easter Sunday
Sige ba bsta sya ang ipako… Makaganti man lang!!
Hahahah! pwede! Hahaha
Pero nung una kong napanood yung scene na nagdadrive sya kanina pauwi galing summit, akala ko iiyak sya. Oo, akala ko talaga!!!
Kayo ba? Basta mukhang defeated din ang itsura ng mamang singkit sa eksenang yun. Parang konti na lang e tutulo na rin ang luha.
Sabi nga ni Maya, sa luha lang mababayaran ni Mr. Lim ang sakit na naidulot nya.
Kaya ikaw Ricardo, LUHHHAAAAAAAAAAAAAA!!! NOW NA!!!
About naman sa episode chudey! Walang masyadong PASABOG! Yung pagkanta lang ni Maya ng LUHA yun ang nagpasabog ng VOLUME ng TV set! HAHAHA! Super kyooooooooooooooottttt! Infairness kay SC diman lang natinag oh? Nagtaas lang ng kilay! Wala man lang SORRY SORRY? Ano to SC? Dapat ke SC sumali bilang isa sa mga Members ng SUPER JUNIOR eh? ng matutunan mo kahit yung pagkanta lang ng“SORRY,SORRY,SORRY”.
OMG! JAMES IS SOOO ARROGANCE….SOOO FRESH!!….SIR CHIEF FEELING JEALOUS…YOU SHOULDN’T SAY THAT HARSH WORDS FOR MAYA THAT MAKES HER HURT 😦 THAT IS SO BAD SIR CHIEF….
Ma pride kasi tong si SC eh? Ayon nga sa nakalap kong ebidensiya?(SOCO? SOCO?) Hahahaha! Hinding hindi daw siya magsosorry! Para yung tingin niya sa sarili niya Ako? Si Richard Lim mag sosorry? HOW COME?!
Nagbabasa nalang ako ng fanfic sa EB para maibsan ang galit kay Ricardo. Hehe.
Teka, ang tagal naman ng teaser! Anung petsa na???

Alam ko na…
Talagang iniiwasan ng abs ipalabas ang teaser ng maaga dahil alam nila na maraming nagaabang kaya napilitan manood mga tao sa mga programa nila
Lintik na teaser na yan kung ano ano tuloy naaiisip ko.Ilabas na kasi para makapag bcwmh dvd marathon na ako.
Originally Posted by lunar_eclipse
SIno ang nagtext kay Ina at made a good impression daw kay James?
Si Maya yata yun sis. Baka tinext ni JV na siguruhing magiging trainee si Maya as flight stewardess.
Originally Posted by talilai
Ayan may bago na namang alias si limkit – mr. singkit nananakit. likey!!!
Dapat pala may listahan na tayo ng mga bansag kay SC.
- Ser Chief
- Daddy Pogi
- Daddy Bango
- Daddy Singkit
- Tortoise
- Agila
- Bulkan
- Tigre
- Singkit Nananakit
Meron pa bang iba? Idagdag niyo na!
Akala ko tatakpan ni singkit yung tenga niya nung kumakanta si Maya nangati lang yata
Napikun nga yata kaya biglang umakyat sa Principal’s office.
Pag nasa pool area si Maya, sa may banda doon dudungaw si singkit
Pag malapit sa gate si maya, sa may front naman dudungaw
Ganon ba katapang ang amoy ni Maya?
“I don’t think that’s the real story, baby”
Ababababa! palalabasin pang sinungaling si yaya! Eh hindi pa nakakapagsalita si Abby yun na ang bonding nila ni yaya eh. sa kanila talaga ni Abby yun at si yaya ang author! Ikaw sampid lang. Mr. Singkit na nananakit!
OH LALA!! MAGIGING STEWARDESS NA SI MAYA!!
Ano ka na ngayon Ricardo? NGA-NGA?
LIPATAN NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SUGOD NA SA PRINCIPAL’S OFFICE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SARADO NA ANG PORCH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Sige bahala kayong maiwan dito, kami don na
https://www.youtube.com/watch?v=Ly7qSMh43dU
TUESDAY po sa “BE CAREFUL WITH MY HEART”
Ayos. Napanood ko din ang episode for today, hanggang sa kakanta si Maya para sa mga bata…tapos nag-hang ang iwantv. Oh, well, try again later…
Pero may comments na ako, kahit na papaano:
* Richard, may term para sa kilos mo sa Summit. Ito ay “douchebag”. I’m sorry, pero talagang sinagasaan mo ng lubos ang pagkatao ni Maya! Parang bale wala yung pagmalasakit niya kay Abby, yung pag-encourage niya kay Nikki sa Bagiuo, yung pagtulong sa pag-ayos ang relasyon niyo at Luke. At saka, di naman nag-flirt si Maya sa kahit kanino…tuwing dalaw si Simon sa mansion napaka-prim and proper yung dalaga.
Naku, writers, dapat pagbutihin mo ang eksena na ma-reveal yung feelings ni Richard kay Maya. Con todo de sentimental value, ha?
* Maya, ayyyy, kawawang baby! Gusto talaga kita bigyang ng malaking hug and timplahan ng kape (o kaya mas maganda ang tea, yung tea cures everything daw). Hayaan mo, makikita din ang liwanag yun bossing mo – pero huwag kang bumigay agad, ha? Paalala mo sa kanya yung sinabi niya na “You can’t just believe everything you hear,” para magsisi siya ng husto.
* Eman, girl, best friend in the world ka forever. Yun lang.
* Ina, buti nga at nag-pick up mo na di interested si Richard sa iyo. Ngayon, yung mental arithmetic mo, kasing talas kay James?
* Nikki and Nicolo, naku, you two na already, ha.
Kapag Cabin crew trainee ba dapat aalis ng mansion si Maya? If yes, tama yan Maya. Hayaan mo marealize ni singkit yun ginawa sayo!
Kaya nga baka matagalan pa ang pag-apologize nitong si Richard kasi mahirap rin ibalik ang self-esteem mo at talunin ang sarili mong fears.
I’m not actually defending him kasi di parin talaga tama yung ginawa niya.
Malas lang talaga ni Maya kasi siya na nga ang nasabugan, dumikit pa sa kanya ang lahat ng shrapnel.

Finally napanood ko na din ang teaser sa youtube.
Si SC ayaw magcoffee with ina pero nung narinig ang name ni James ay napa “how about that coffee” mukhang makikibalita si daddy pogi tungkol sa call ni James ah..
Kung ako si Maya, mag eemote ako ng ganito, matapos magdala ng kape sa principal’s office:
“Sir chief, good morning po. Napapansin ko po na nitong mga huling araw, parati kayong galit sa akin. ang dami ko na nga po sigurong kasalanan sa inyo. Tapos sabi nyo pa po, irresponsible ako at flirt. Kung ganun po ang tingin nyo sa akin, wala na po akong magagawa. Pero mas mabuti na po sigurong mag resign ako. Hindi na rin po kase magandang lagi na lang akong umiiyak at nasasaktan. At saka kayo po, para po hindi na rin kayo nagagalit sa tuwing nakikita nyo ako. Baka po maapektuhan na rin ang family nyo. Yun pong utang ko, babayaran ko na lang po ng pakonti-konti, kung okay lang. Sige po, mageempake na po ako. Salamat po ulit, sir chief.. ”
Hmmm.. ano kayang reply dito ni Ricardo?
Actually, ito talaga ang gusto kong mangyari at gawin ni Maya. Lalo na ngayon na magiging stewardess na sya. Pwede na nyang unti untiin bayaran yung utang nya kay Limkit.
Pero sa palagay nyo mga sis papayagan kaya?
Sis, pinilit ko pa talagang dumilat para dito. I totally agree sa mga sinabi mo. Kaya nga hinahabaan ko nalang din ang pisi ko dyan kay Ricardo. Iniintindi ko nalang na malamang naman eh mahirap din para sa kanya ‘to. Sa pinakita niyang care (at love?) kay Maya the past episodes prior to the “you can’t flirt with your boss” scene eh malamang front lang nya ‘to.
Great opinion sis! I like it.
I can see that Maya and James have the same personalities. Kaya lalong magseselos si Ser Chief.
Sa ***** defense mechanism yang ginagawa nya towards maya. Binibigyan nya ng justifications lahat ng actions or situations, sabi nga nya ‘normal’ sabi nga nya ‘you are my employee’, at hanggang ***** he keep reminding himself lahat ng sinabi nya kay maya…
Pero ang totoo kahit gano pa sya katalino or magaling na businessman, hindi nya mapipigilan magmahal. #signs_of_a_jealous man
Inaway pero natulala nung nakita c Maya na umiiyak.
Galit galitan pero nagwoworry kung asan at paano umuwi si Maya.
Asar mode….ayaw magsorry
Bukayo ka na sir chief!!!!
Bukas sasabihin mo na “it breaks my heart to see you cry”
Tao ka parin boy singkit….
At sana may season 2 ang BCWMH. *** mag-asawa naman…parang It started with a kiss lang ang peg..
Masaya ako for Maya! Kahit medyo bigo ang love life dahil sa isang mamang singkit na nananakit, konting kembot with tumbling na lang, flight attendant na sya!
So there. Maybe Maya needs to walk away from him for him to truly feel what Maya’s worth. Yes, he knows he could never find another one like her. But to feel her absence in his life would mean another thing.
Ganun din si Maya. I think she has already done her part sa Lim household. Okay na ang relationship nilang mag-aama, si Abby nakapagsasalita na and I think, if Maya would explain that she is already a big girl at kailangan na ni yaya to spread her wings and fly towards her dream, Abby would tearfully but willingly let her go. (Yun talaga ang magiging heart-breaking for me, yung separation nila Abby at Maya. Ajujuju.)
Kaya Maya, stay focused ka sa dream mo. Maging career woman ka muna. Tsaka ulit natin intindihin si Singkit. Okay?
I’m really so happy for you!
Wapakels ako kay Singkit ngayon! Bahala na sya sa buhay nya!
Buti pa si Nicholo nakikipag-peace kay Nikki samantalang wala naman talagang ginawang masama itong isa samantalang yung isang singkit diyan ang lakas lang kumain ng pride-chicken duh… Christmas pa naman sa Lim Mansion.
I always believe that “Everything happens for a reason”. Tao lang naman talaga si Richard at siguro naman hindi niya kayang pagalitan at paiyakin si Maya ng matagalan dahil may puso rin naman siya. Medyo matigas lang dahil nalipasan na yung puso niyang mamon dati.
Basta, I can still forgive him (though not that easily) for what he’s doing now but, if he could never apologize to her/ lalo niya pang paiiyakin/ sasaktan si Maya, eh iba na talaga yan. He should lock himself in his room and stay there until he figures out what his problem is. Walang kainan!
Gusto kong malaman kung ano ang pag-uusapan ni Ricardo and Ina.
Pag si Maya pa rin: ALAM NA! at dapat makiramdam na rin si Ina.
Talaga lang sigurong confused lang itong singkit kasi nga naman ang tagal ding di nagmahal
Fixated siguro ang love niya for sometime sa mga turnilyo ng eroplano, e si Maya di turnilyo, siya ay tao
Nahirapan siguro sa shifting from turnilyo to tao.
Ay naku! kung anu-ano na lang ang naiisip.
Sound trip muna mga klasmeyts habang wala pa si titser:
Para sa ating pinakamamahal (at ngayon KINAYAYAMUTAN) na principal:
Hold me now
It’s hard for me to say I’m sorry
I just want you to know
Hold me now
I really want to tell you I’m sorry
I could never let you go
Reply ni Luis sa tweet ni Ser Chief:
“@ImRichardYap08: Good morning guys! Taping today with @luckymanzano!”- game papa chen! Agawan na ulit to!! hahaha

Mukhang simula na nga ng bagong yugto sa tambalan ng ating mga bida. Have you noticed na pasimula nung Monday’s episode hindi na nila ginagamit yung logo/pic with Maya in the uniform, at flying paper planes na lang instead?
It’s pretty obvious– as if the writers are slapping this truth to our face– that SC has FEELINGS, as in INTENSE and STRONG feelings for Maya already.
I am just wondering (wala ata akong ibang ginawa today kundi isipin sila maliban sa kumain at mag-cr, hoho, extreme adik lang) kung kailan kaya nagsimula ang feelings na ito?
For sure, hindi lang ito nung nalaman ni Mr. Singkit na crush sya ni Maya. Di ba?
Sa tingin nyo mga kabisig, kailan kaya nagsimulang tumibok ang pusong bato ni Mr. Singkit?
Base sa aking imbestigasyon… dahan-dahan ang naging process and development ng feelings ni boy singkit kay Maya…I believe he started to care for from the time he also started to actually trust Maya and that was after she went back to work for him pagkatapos ng kanilang 1st major confrontation on ser chief investigating on maya’s background…from them on slowly but surely eh pumasok na si Maya sa pusong bato ni daddy pogi from then on unti unti nya ng naapreciate ang presence ni yaya ganda… the space she occupied in his life and heart expanded some more with the start of their rituals together…like yung special kape na si maya lang ang kayang magtimpla, then later kape with short talks, which eventually as we have observed eh naging part na ng system ni “dad”… what do you think? Need I go further?
I think nagsimula yun sobrang tagal na. As in nung nagsisimula nang magtrabaho si Maya sa kanila tapos nakikita niya yung kakulitan at good vibes ni Maya. Alam ko asar na asar si Ricardo nuon pero sa tingin ko asar siya dahil hindi niya matanggap na may something siyang nararamdaman. Yung parang, sino ba tong taong to na bigla nalang papasok sa buhay ko at mambubulabog? Eh halos lahat naman ng una palang na kausap kay Maya, natutuwa na agad sa kanya (except yung mga may mabigat na pinagdadaanan kagaya nina Nikki).
Binaon niya lang lahat hanggang mapunta na yun sa subconscious niya.
Di ba nung pinapasagot nina Abby yung slambook tapos nasa dislikes sila, si Ricardo na mismo ang sumagot at ang itinutukoy niya eh si Maya? Eh halos ganun parin naman ang ugali niya pero tignan mo ngayon, sa sobrang tindi ng nararamdaman niya para kay Maya, napaiyak niya ito. Kasi nga, she’s this puzzle piece that may look alien to him at first pero hindi niya maipagkakaila na it fits the puzzle perfectly.
Kaya nga rin siguro matindi na masyado ang nararamdaman ni Ricardo kasi, matagal na ‘tong nakatago. Dormant lang ang peg.
Tinatry gisingin ni “crush kita” ang natutulog na damdamin ni Ricardo gamit ang pagtapik nito sa puso niya pero biglang binuhusan ng malamig na tubig ni “jealous ako, bakit ba” ito kaya nabulabog. Ikaw ba naman buhusan ng nagyeyelong tubig habang natutulog, ewan ko nalang kung hindi ka maghorumentado.
Oh my gee! Revelation time na naman.
May naisip lang ako.
What if yung coffee na tinitimpla ni Maya eh normal lang talaga ang lasa? I mean, halos kasing lasa lang ng mga ginagawang coffee.
What if kaya sobrang nasasarapan lang si Ricardo dito kasi parang eto yung sumisymbolize kay Maya sa kanyang subconscious mind. Nakokonekta yung subconscious niya sa conscious mind niya. Nag-ooverdrive ang senses niya at lalong nagiging unique ang lasa nung kape.
Tapos di ba, made with love nga yun, every single time na nagtitimpla si Maya? Eh di parang nalalasahan niya narin ang pagmamahal ni Maya and he simply doesn’t want any other love other than hers.
Yung tipong, kahit anong kape pa ang dumating sa buhay niya, eto parin ang pinakamasarap at kakaiba.
Over sa pag-analyze!
Aba’y kinabog nito ang “you’re my special brand of heroine” drama ni Edward kay Bella! Hohohoho!
Ang drama ni Ricardo dito, “Maya, you’re my one and only special brand of coffee.”
O DI BA? WINNER!!!
I agree with you, 101%, sis! Yung tipong pag hindi na si Maya ang nagtimpla ng kape, maigi pang hindi na lang sya uminom at all.
Which translates to, kung hindi lang din si Maya ang makakasama nya habang-buhay, di na lang ulit sya mag-aasawa.
Awwwwwwwwwwwwwwwwwww
I agree with you na yung kape ni Maya ay halos kasing lasa lang ng ibang kape. remember, black coffee ang iniinom ni Ser Chief. Fh papano mo pa ba pasasarapin ang black coffee, na instant coffe, take note. sa brand na lang nagkakatalo yan. pero i’m sure naman yun at yun ang brand na gino-grocery ni manang fe sa lim household. so ano pa ang ipagkakaiba nun? At least kung with cream yan, malalaro mo pa ang timpla, dagdag-bawas lang mas mapapasarap mo na. Pero black? malabo.
I therefore conclude na yung panlasa ni Ser Chief eh hindi nanggaling sa dila at taste buds kundi sa isip at sa puso. Dahil timpla ni Maya at timplang punung puno ng pagmamahal kaya sarap na sarap si ser chief to the point na ADIK na sya sa kape ni Maya.
Ano ba itong bisyo na napasukan ko. imbes na asikasuhin ko trabaho ko na ilang buwan ko nang di masyadong naaasikaso eh eto ako at pinagtutuunan ng pansin ang kape ng me kape … haaaayyy buhay adik!!!
Parang si Nikki lang din etong si Daddy Singkit. Etong si Nic-nik, super duper to the nth level ang pagka-asar kay basag-ulo-freak Nicolo. Pero nung nagtampo naman at di sya pinansin, hinahanap-hanap naman nya.
Parang ganun din siguro si Ricardo at first, for him, sobrang kulit at parang nuisance lang si Maya. That means na sa simula pa lang, may strong feelings na sya towards her. I bravely say it’s already attraction but not out of intimacy or whatnot but simply out of her being different from other people, esp women that he knows.
Tama ka sis, iritable si Ricardo kasi di nya maisip na may katulad pa pala ni Maya. I think from there, he already felt strongly for her.
Ika nga, “the more you hate, the more you love”.
Hahaha! Walang magawa kaya mag-analyze na lang!
Ika nga rin niya,
“She’s too good to be true.” And…
“Ako ata ang hindi makakakita ng katulad mo.”
Dagdagan pa ng
“She’s definitely one in a million.”
Hay hay hay!!!
Nawawala tuloy ang tampo ko kay Mr. Singkit pag naaalala ko ang regard nya kay Maya.
Talaga palang sinabi lang nya lahat ng masakit na salitang yun kay Maya not because he looked down on her but he was afraid that other people would do that to her. Di ba nga he thought James was insulting her? Kaya pissed off na agad sya.
Samahan pa na alam din nyang may gusto ito kay Maya at may pagka-aggressive pa.
Naeexcite na tuloy akong panoorin kung paano nya idedefend si Maya kung sakaling may malisyoso/a, inggit, at walang magawa sa buhay na mga taong i-ridicule ang Maya dahil naging gf ng isang mayaman kahit nanny lang sya nito dati (or kahit during pa nga).
WALA PA BANG TEASER???
HAHAHA! Kung ano ng nabubuo sa ating malilikot na isip sa kahihintay.
Uy, type ko yang pag reminisce at paggising sa nacomatose na damdamin ni Ricardo. dahil sa kanyang pusong bato.
I believe, he had noticed that Maya was different and special… way before the confession…but didn’t quite pay attention…(So there, the seed had been sown… kelangan lang diiligin..)
As I see it, Richard had idolized Alex, the epitome of a perfect mother and wife.
He was totally devastated when he lost her…With Alex as his benchmark for a partner in life, he searched and tried hard (sabi nya kay Manang Fe… sinusubukan daw niya) but none compared…(as he was searching at normal places for people like him) syempre walang katulad ang Alex.
The unexplainable charm and special character of Maya had slowly gotten into his system subconsciously hanggang hinhanap na nya si Maya, (di ba pag dating nya..may i look for yaya ganda,,) the taste of coffee that only he can tell the difference..her witt in resolving conflicts…sum it up… Richard has already started to admire her… at dahil dense nga kahit sa sarili… suppressed emotion ang dating…but,…unconsciously showing affection…(di ba the hatid blues with matching meeting near your school lies… the full support of show of kapit bisig on the first day of internship with matching ‘wag kang magpagutom’ txt mssg., and cooking of spaghetti using manang fe as an excuse… among others)
But I have strong conviction that napapansin nya na na lumalapit ang loob nya nung sinabi ni Manang Fe ” Ang pag aalaga, nababayaran,, pero ang pag mamahal at pag aaruga, di kasama sa sweldo,sana makita mo yun..”
And the jelly ace on his face nung inembrace ni Simon si Prinsesa twice pa ha,..
But I reckon, naintensify lang nung may confession, ventura segment and confrontation…
Haay…. “Love is like a rosary, full of mystery”… sabi ni Maya… tutuo ba yun Ricardo?
Sis Kimbelle, agree ako sa sinabi mo. Symepre, special na si Maya sa kanya. Nag-iisa lang yan kaya hindi pwedeng laitin ng iba. Out of stock na daw kasi ang mga Maya sa buong mundo. Ultra Limited edition kumbaga.
Aba’y kung pwede ngalang, ilalagay ni Ricardo sa isang whiteboard na “Property of Sir Chief.” tapos hawak ni Maya lagi yun kahit saan siya magpunta, eh gagawin niya talaga.
Isang jalousie(get it? ) si Ricardo sa bintana ni Maya kaya walang dapat makikita ito na ibang lalaking pwede niyang mahalin kundi si Ricardo.
Grabe na to! ilang days lang akong di nakapag log.. more than 40 pages na br ko. anyway, pa share lang ng thoughts about yesterday’s episode. true, ang tapang ni Sir Chief. Pero himay himayin natin…
Maya kasi was so busy avoiding Sir Chief to the point na hindi nya napansin yung kakaibang concern na pinapakita ni sir chief sa kanya… unang una pa ang yung pagintroduce nya sa mga business associates nya. not all bosses kasi nagiintroduce ng mga employees kasi.. maski yung nga super duper bait na amo. Aminin… di ba? dun pa lang she should have noticed it na. but was she able to notice it? NO! e kasi nga she was so busy avoiding Sir Chief. takbo dito, tago dun. actually.. masasabi ko na parang si Sir Chief na rin si Maya… DENSE!!! She should have “listened” to his actions and not just “hear” the words. kung baga… she should have read between the lines. anyway… affected much lang talaga ako.
Eto naman si Sir Chief… kung makaprotect naman ibang klase. He was actually just protecting her. in fact dun sa table (where they were having lunch) mapapansin mo pa lang na she was protecting maya kasi nga jv was mocking her already. pero i have to admit.. medyo hindi tama ang actions nya that time even if his intentions are actually good. atsaka yung paupin nya si maya sa tabi nya after lunch.. hindi ba nagtaka si maya nun? Pero! I admit. Sobrang seloso (to the nth degree) nya to the point na he went ballistic (not just tampo ha!) when he saw Maya and JV talking. dapat di ganun.
At eto namang si Ventura… nakikisawsaw pa. What’s his purpose ba of talking to Maya? To make SC jealous? E alam naman nyang gusto ni SC si Maya eeksena pa sya. The nerve!! Yung pagtouch sa shoulder ni Maya during lunch and yung pagsabi ng “YOU KNOW MAYA I LIKE YOU” na kaharap si Sir Chief. G-R-R-R
CONCLUSION:The three of them were partly to be blamed for what happened.
SOLUTION: communication.. pagpapatawad… magchristmas sa kanila di ba?
Mahirap ma-pinpoint kung kelan talaga eksaktong tumibok ang puso ni engr. singkit para kay maya. kasi nadevelop lang yung feelings nya over time. pwede ngang nag-umpisa pa yan sa asar eh. di ba sa airport ang supla suplado nya kay maya, na halos ayaw nyang palapitin si abby. pero napilitan lang syang i-hire si maya kasi “na-love-at-first-sight” si abby kay Maya.. at sa lahat lahat ng naging yaya ni abby kay maya lang talaga super gaan ng loob ng bata. kaya kahit asar sya kay maya sa umpisa, litle by little narealize nya na genuine yung pinapakitang affection ni maya towards abby, and to all of them, for that matter. tapos nasundan pa ng maraming maqraming instances where maya has shown how kind a soul she was, how generous, how loving, how selfless. She treated the Lim family as her own. At para syang magnet … na kahit sino ang dumating sa mansion takes to her easily … from rafi to engr. singkit’s parents. She’s so full of life that she brought life back to the family. Kaya ayun, unti unti natotorete ang singkit pero hindi pa nya alam. Unknowingly, naging dependent na sya kay maya from the littlest things like timpla ng kape to the bigger and more important things such as his relationship with his kids at ang pinaka – yung pagsasalita ni abby. And slowly he started to value her opinion and heed her advice. Subconsciously he started to fall for her but he doesn’t know it. Until nabuking nya si maya and for him, everything fell into place. And just when he was starting to enjoy and cherish the feeling that maya likes him and had eyes only for him … umiwas naman si Maya … tapos dumating pa si james. and when he saw him with maya ayun na! Sumabog na all the pent-up emotions that he has kept hidden inside all along.
I hope maya accepts the traineeship as FA of time airways. James courting Maya? a long shot – for now.
Parang bagong panganak na aso ba na hinding hindi mo pwedeng malapitan at pag hinawakan mo yung puppy tiyak kakagatin ka!
Originally Posted by kimbelle
Nakakalito rin kasi ang actions ni Daddy Singkit kahit nung una pa lang di ba. Kasi mabait sya, hindi lang kay Maya, pati na rin sa ibang house helpers.
Kaya parang ang hirap talagang isipin yung saktong simula ng pagtibok ng puso nya sa romantic direction towards Maya.
But I agree with you, what opened the door to SC’s heart was trust. Simula ng matutunan nyang pagtiwalaan si Maya, nabuksan din ang pagkakataon para makadama sya dito ng higit pa sa pagiging mabait na employer at kaibigan.
Totoo sis na generally nice naman talaga si daddy pogi sa lahatng kasama nya sa house, pero infairness iba talaga kay yaya ganda…well as to when it became romantic… I feel na he started to really see maya’s importance when during the times leading to abby being able to speak na…if you recall kahit nga parents and particularly si donya mother nya eh napansin na bukang bibig nya na si maya… the same is also the observation of rafi… and these are people who knows daddy pogi really well. kaya nga I really loved the short visit of rafi eh kasi it revealed much about the change going on ser chief’s life.hehe analyze kung analyze…eto ang epekto ng tigang sa teaser.
Tinatanong pala kung kelan na inlove itong Ricardo kay aya?
Nasagot naman ata ng lahat ng mga adiks
Ang tanong: Kelan naman kaya siya kikilos?
Sabi nga ni Emman: Galaw, galaw…ang stiff neck may gamot, ang ganyang emote: wala!… baka ma stroke na siya sa kakapigil ng nararamdaman niya at kakaselos kay James Ventura.
At Sir Chief: Face your fears!
Para sa kanya ata ang mga linya na yan at di kay Maya
Well, I’m just so glad and I feel really blessed to have found this thread for BCWMH by the adiks!
There’s always a mix of everything here…from deadly serious POV’s and analysis of each episode to seriously funny quips and quotes. One cannot lurk and read the posts without being affected much by the wit and genius of the adiks! Talaga lang kinakabog ang mga legit na writers! Minsan nga naiisip ko, baka naman talagang mga prize winning writers ang nandirito at nakahanap lang ng bagong venue to further squeeze their creative juices…. well, finding the best inspiration in weaving the story of our two favorite characters.
There is that great sense of being well appreciated, however you may describe your current peg… jologs, cono, baduy, corny, pacute, shunga bells, slow, super slow, pang-Mensa, pang Interpol, pang kanto, pang preso, pang showbiz, pang corporate world, pang University, pang barberya/pangparlor, pang fine dining or street food… basta lahat pwedeng sumali! BCWMH really is one great equalizer! sabi nga ni Maya… damay damay na!!
Finding new friends and fans for our brilliant writers here, really makes it worth the hours spent here at the Porch. Something that for me, personally, I would not trade for anything else. Masaya lang dito! Good vibes prevail kahit na minsan over react sa mga kaganapan na talaga namang nakakapagpabilis ng tibok ng puso, nakakapagpataas ng presyon, nakakakapos ng paghinga, at makalaslas pulso… Basta! tuloy pa rin ang mga adiks sa pag-aadik!!
Saan ka pa naman makakakita ng usapang sinakop na lahat? Mula sa nakakamadreng pagka hulsam at hanggang sa nakaka ST Queen na SPG hours?? Keri bells lang!! Ang mas nakakatuwa… walang feeling MTRCB!! Read and Learn lang ang take!
Maybe, we should give each other a good pat on the shoulder and tell each other THANK YOU! Because for quite some time now, we have been doing our share in giving each other a great source of amusement and more reasons to smile, and for some, truly a great source of laughter. This is far better than what we get from the usual media or TV fare. And more than that, gusto kong maniwala na dahil sa BCWMH being the center of discussions here, nagkaroon tayo ng dahilan upang maniwala na talagang masarap mabuhay, lalo na kung nararanasan mo pa rin ang mga magagandang bagay, maliit man o malaki, depende na lang sa kung paano mo ito tinitingnan!
kaya keep the Good Vibes ang Kapit Bisig Lagi!
Maya and Sir Chief – BCWMH – Is It Okay If I Call You Mine
nice video gorgeousgeek07!!!
Iniisip ko rin talaga, (parang may isip)… ano ba meron ang BCWMH… If it were another teleserye, would there be a thread like this, coupled with the EB?
I think this is out of the norm…
Mind you, fanfics, fanvids, poems are excellently done..imagine the effort exerted to let out admiration…done with love…
ideas, opinions, expressed seriously or with jest…they all fit together..
No race, gender, age, social, educational status barrier.. just a common denominator … the story in BCWMH and the perfect cast..
It’s like a story made alive…not only during the teleserye time…
People tend to relive the story even in their personal lives..
A different kind of addiction…
It’s like a tapestry, a combination of all sort… a masterpiece…
but, whatever it is…I’m happy to be a part of it.
Maya and Sir Chief – BCWMH – Palagay Ko Mahal Kita
https://pbs.twimg.com/media/A_1OwmaCcAEfYpD.jpg:large
Taken from Janella salvador’s twitter @superjanella
Parang nochebuena… what do you guys think?
Exactly! oh di ba nag uumpisa na nga with the teaser…with the comment or rather the added comment about the mahal na hari.. oh di ba nadagdagan na naman ang rituals nilang dala…bilangin natin:
1. ang one of a kind timpla ng kape ni maya
2. coffee with conversations on the side
3. kapit bisig moments
4. and ngayon pati sa kwento ng mahal na hari at prinsesa…
Did I get it all? Feel free to add on their rituals.
And don’t forget yong common paalala nila kay Abby… “Dahan dahanlang baby… baka madapa ka!”
Oh di ba?… parang MU na din ang dating..
Pero ang realistic talaga nung nangyayari sa kanila ngayon. Sa totoong buhay, may mga lalaking may topak talaga gaya ni SC!
Pero normal lang usually sa mga MAGJOWA o MAG-ASAWA!
Hindi sa magboss!
Agree ako dyan sis! Yung nga ang maganda dun sis eh, realistic yung storya. MU na kasi sila sis pero tayo palang mga adiks ang nakakaalam. Mga May pa nga daw nila malalaman di ba? Jusmio! hindi ko alam sino ang matapang na magsasabi ditong wala pang nararamdaman si Singkit kay Maya. Daig pa tow truck kung makahila kay Maya eh!
I want to see a different SC trying to ask for forgiveness and eventually trying to win Maya’s love
… sana yung ibang Ricardo naman!! I want to see the man transform into a besotted lover trying to win back her fair lady… kahit ilang eksena.. and it need not be a complete 180 degree turn from the Ricardo that we know…
basta meron lang nung mga clear manifestations that he’s really fallen for Maya… and fallen HARD!!
Grabe magLQ ang dalwang ito,
KAYO NA BA, ABER?!
Parang nalaman lang nung isa na may crush sa kanya yung isa, e…
Aigooo!!!
Ngunit nananatili ang katanungan, bakit ka nga ba nagalit Ricardo?
a. Dahil iniiwasan ka ni Maya, excited ka pa namang dumalo ng summit dahil akala mo makakasabay mo sya
b. Dahil naasar ka kay James kasi maangas at mukhang di gagawa ng tama
c. Dahil naasar ka kay James dahil mukhang pumoporma kay Maya, feeling mo naman tatay ka ni Maya, o BOYFRIEND o ASAWA
d. Nagseselos ka at ang totoong dense pala ay si Maya
e. ALL OF THE ABOVE
SAGGGOOOOOOOOOOOOOOOOTTTT!!!
Naalala ko ang tweet ni Sir Jimuel and I quote:
“Kailangan ng progress ng story. Kalma. Wait for the coming episodes.”
-Sampalatayan na lang natin ang “progress” na ito.
Let’s just wait and see. Pasasaan ba’t magsosorry din yang si Dencio kay Maya. At least he’s not distancing himself from her, di ba?
Magkakausap din yan. Andyan kasi ang mga bagets, di pa makapag-alone time ang dalwa.

http://cdn.makeagif.com/media/6-07-2015/y6mJ9Z.gif
1-7-15
————————————————————-
FLASHBACK<<<<<<< REWIND
VOLUME 11
129 Date Aired: Jan. 08, 2013—Mukhang “peace” na sina Nikki and Nicolo. What about Maya and Sir Chief?
Inamin ni Maya kay Manang Fe na “sobrang sakit” ng sinabi sa kanya ni Sir Chief..ayaw na daw nyang maalala baka daw maiyak pa sya
Manang Fe: matatauhan din ang batang yun. babawi sya pag nalaman nyang mali sya.
Suggestion ni Manang Fe ang kape

Ang cute ng nic-nic..peace sila hanggang new year
Kahabag-habag si yaya Ganda sa principal’s office
Ang sarap tingnan ni Mr. Lim habang pinapagalitan si Maya. naku sorry yaya ganda, I just had to let that out. Pero naman! what an A! makailing-iling pa pagktapos makita ang mga lungkot na mata ni Yaya Ganda. *sigh*
Very convincing talaga ang ating mga bida. Feel na feel ko ang mga pain and anger nila hayyyy
He talked to her na parang anak lang ang pinapagalitan nya
Jodi, galing galing mo!
Hmp! Hindi naman kayang makita na umiiyak si Yaya Ganda. E hello! Kasalanan mo kaya!
Jingle bells ang song, gangnam style ang dance?
My gulay yung buong eksena sa principal’s office arayyyyyy ang sakeet..
Sabi ni Manang Fe babawi daw si SC pag natauhan na at pag alam niyang mali siya.. Manang kailan yun?kailan?.. yung nakaraan naman na yun asar kailangan ulit-ulitin buong linggo kailangan ba laging kasama sa nakaraan yang ginawang pagpapaiyak ni SC kay Maya…ayoko na ngang maalala tapos hay
Nakita ni Limkit fromthe balcony si Maya umiiyak na habang kausap nanay niya.
Did I see some guilt in Limkit’s eyes while seeing Maya crying?
Umalis na si Limkit sa balcony bago nakadungao si maya sa balcony. HIndi alam ni Maya na limkit was just there a few seconds earlier.
Haaaay na mimiSs ko na tuloy ang happy moments ni limkit at maya. Pasko pa naman
After internship ni maya ang offer na training for stewardess.
Hanggang kailan ba ang internship ni maya?
Ako din po miss ko na yung happy sila ,yung okay ..yung kiligggg !
Buti pa nga po yung mga anak niya, happy na si Luke at Nikki..
Sana talaga sa Pasko nila e mag-sorry na si Limkit..
Di nga nya po ata kinaya ng makita ulit umiiyak si Maya dahil alam niyang siya talaga may kasalanan nito…
Maya is the topic
LOL Mr. Lim…so quiet sa coffee date nya he!
‘IS HE INTO MAYA?’
PAUWIIN NA NAMAN?
Maya: si Sir Chief pa daw ang unang nagdudag sa kanya :tears:
Mukhang uuwi si yaya Ganda. mamuti mga mata mo Mr. Lim. You’re going to miss her like crazy! Beh!

O my gee uuwi nga ata si Maya at sa probinsya magpapasko.. nakakaloka!
Sabi ni Manang Fe sa teaser pauwiin daw muna ni SC si Maya yun kailangan
ngayon.
Mam Yna:Hindi naman importante kung may gusto c Sir James kay Maya,ang importante sino ang gusto ni Maya….
Tamaaa!
Kung sa akin lang I think kailangan talaga niya ang hug ng nanay at mamang niya after ng ginawa ni SIR RICHARD…uwi ka muna MAYA…at para sayo SIR RICHARD bahala ka sa buhay mo…
Oo nga sis. Mukhang lumalambot na ang puso nitong si Richard. Base sa mga reaksyon niya at sa pakikipag-usap niya kay Ina eh mukhang concerned lang talaga siya sa welfare ni Maya, siguro it just came out wrong kaya iba rin ang pagkakaintindi ni Maya.
Korek…narinig mo yun Ser Chief…ayan lagot uuwi nga si Maya.. .ano ka ngayon?!
Panay ang kwento ni Ina pero si Limkit e hindi interasado sa mga kwento ni Ina at ang layo iniisip.
Di mo ba gets Ina?
He is not interested in you. Gets mo?
Can I be frank with you Ina?
Is HE(Mr. Ventura) into Maya?
Nagulat si ina sa tanong ni Limkit.
Sa teaser
Ina: its not important kung may gusto si Mr. ventura kay Maya . Its kung sino gusto ni Maya (not exact sentence)?
Pinauuwi ni manang Fe kay Limkit si Maya.
Gandang araw mga kabisig!! Bakit ba ganun ang episodes this week from sad to sadder… huhuhuhu pero gusto ko maniwala sa sabi ni ser chief na pagkatapos ng holy week eh easter sunday na. haaayyyy… bittersweet ang kaganapan sa epi today..kakaiinis na kakatawa si ser chief nung inaaway si maya obviously naghahanap ng away, buti na lang di pinatulan ni yaya ganda…yun tuloy lalong natorture sa feelings nya na di ma express…he is getting very obvious na, SUPER DENSE na si Yna if di nya pa magets kung bakit not into her si boy singkit….uuwi pala si maya? buti naman ng manigas sa pagkamiss si daddy pogi…ang karma nga naman ang bilis parang text lang….hmmm pero I have a feeling na ang new year ng Lim family eh sa san Nicholas…..feeling lang naman, pero better if true na hehe.
Naisip ko lang din, baka kinailangang gawin ng writers ang away nitong mag-amo kasi kung hindi, sa bagong opportunity for Maya na maging cabin crew trainee eh mahihirapan siyang iwan ang pamilya ng mga Lim. Kasi yung iniisip nating mangyari na mafa-fall si SC kay Maya after malaman na may crush si Maya sa kanya eh tiyak mas lalong mahihirapan si Maya na iwan sila. Kailangan kasi ni Maya na maglevel-up para naman nga hindi employee-boss ang relationship nila.
Halata naman kasing concerned na concerned si Richard kay Maya. Tama ba namang tanungin si Ina kung JV is into Maya? For me, expression na talaga yun ng deeper concern niya para sa dalaga. Tignan mo nga sila Sabel at Doris, ni hindi man lang pinapakialaman ni SC ang lovelife nila pero kay Maya, lahat ng manliligaw (including Simon na hindi kidlat ang bilis at tamed ang personality) eh daig pa ang NBI kung maka-imbestiga. Come to think of it, natigil lang naman si SC sa pagtatanong tungkol kay Simon nung naging sigurado siyang magkaibigan lang sila ni Maya. Hihihi. Parang sinigurado lang niyang walang aagaw sa prinsesa.
Sana sumunod si Sir Chief pag umuwi si Maya tas dun siya mag-sorry tas ma-meet na din ng nanay and mamang si Limkit! Haha meet the family na haha
SMP ata si SC sa Pasko nila.
Ay sana naman kung uuwi nga si Maya ulit sa San Nicolas sa Pasko..
Sana Bagong Taon sila ni SC ang magkakasama at magkaayos na sila..
Oo nga sis, sobrang halatang gusto ni Richard ng away nung sa scene na yun. Parang gusto niyang sumigaw si Maya para mailabas ni Maya kung ano ba talagang nararamdaman niya. I was half expecting Maya to actually burst nung hindi pa siya nagsasalita pero nagtanong lang pala siya kung may iuutos pa si SC. Parang naiimagine ko na kakalabasan nung kung pinatulan ni Yaya eh magsisigawan sila tapos maggive-up si SC at sasabihin niyang pag-usapan nila ng maayos yung problema. Hayyyyy. adik lang talaga.
Haay naku yang si ricardo di lang dense sa feelings ni maya, pati sa sarili nyang feelings nuknukan sa pagkadense ang lolo natin. oh well, they definitely need this break from each other to allow them time to sort things out and pagkatapos ramdam ko sa aking kasukasuan na may pamilyang magbabagong taon sa san nicholas! claim ko yan sis!
Sinabi mo pa sis, halatang halata na naghahamon ng away…pano ba naman gusto mag explain ng side nya, eh pano sya magpapaliwanag ayaw na man sya patulan ni maya kaya ayun lalong nag alburuto..sabayan pa ny “may iuutos pa po ba kayo?” na statement eh di lalong nalubog sa guilt si daddy pogi for making maya feel less than what she is to him and the family.
Mam Ina tumulad ka kay Atty. Gee alis na , makaramdam ka na na wala ka talagang pag-asa…
Oo sis siguro nga uuwi si Maya sa pasko hay naiisip ko na yung lungkot nitong si Limkit at pagkamiss kay Maya lalo pag nakuha niya gift ng prinsesa tapos wala siya dun..pero New Year sana bati na sila nun…
Pinakanakakainis na facial expression yung after nagkiss si singkit kay Abby to go to work, tapos yung pagkakatingin kay Maya
Sana naramdaman ni Ina na ginamit lang siya ni singkit for his fishing expedition
Sa tingin ko super affected talaga sila sa nangyari dun sa summit, si Ricardo back to his old self busy busyhan na naman sa trabaho but his mind is only maya… magpapasko na sa Lim house siguro kung magkabati sila ni maya nakabakasyon na yun at nakikibonding na to his family.
Naiintindihan na ulit kita Ricardo super concern at insecured ka lang talaga kay maya yun nga lang di mo na talaga mababawi yun masakit na sinabi mo…at tingin ko di mawawala ang galit mo hanggat di mo nakuconfirm kay Maya na ikaw pa rin yun best crush in the world.
Bat ganun kahit magkaaway sila kinikilig pa rin ako sa kanilang dalawa kahit kaunting sulyapan lang may spark pa rin at yan ang di ko nakikita sa ibang drama series… kaya para sa kin the best of all the best itong be careful with my heart… thank you to all!!
Naku sis, pag nagkataon malamang malungkot ang pasko sa Lim family. Haha. Pero tingin ko malungkot din si Maya, yun tipong tulaley na naman siya pero ibang dahilan na.
Kinikilig naman akong isipin na pupunta sila sa San Nicolas para lang suyuin si Maya. Ayy ayyy ayyy!
Haaayy… nakakatuwa ang episode today. Maski nakakasakit ng loob ng konti pero gusto ko ito..
Una, si ricardo gusto lang talagang iprovoke si maya dun sa eksena sa principal’s office, pero ang prinsesa.. a dignified silence lang ang peg.. HAR HAR HAR, feeling mo ricardo mag eexplain sa yo? manigas ka! hmmpp! feeling boyfriend!

Pangalawa, o ano ngayon, nalaman mong seryoso si Capt James na gawing flight attendant si Maya at talagang nakita ang kakayahan nya versus your thinking na nanny ang tingin nya na madaling lokohin… HAR HAR HAR… may pa frankly-frankly speaking ka pang nalalaman “Is he into Maya?”.. so what guess what… selos ka? inggit ka? haaiizzztttt!!!!
Pangatlo: pano yan, mukhang aalis si Maya sa Pasko… SMP ka balbon!! amasure… kasama nya si Simon sa Noche Buena.. at ikaw, andyan ka sa malamig mong mansyon.. hmmppp!!!
Kaya siguro wala sa picture si Maya sa noche buena ng Lim family kasi kunyari nasa San Nicolas siya
Bakit ganon ang Time Airways? di fair
Iba-iba ang size ng gifts
Sis, lahat yun coffee mug, magkakaiba lang ng size ng box
So magkakaaminan na ba na nasa Manila lang siya at wala sa Dubai?

http://imageshack.us/a/img802/8155/c0108.jpg
Makatingin naman toh oh! Hmmppppp!
Kaya nga eh!!
Siya pa ang may ganang tumingin ng ganyan kasama, eh siya nga itong parang tigreng bagong panganak!!
Haaayyyy naku Ricardo!!
Siguraduhin mo lang na babawi ka ng bonggang-bongga ha?? Dapat yung bawi mo eh yun talagang maiibsan ang pagka BV naming mga adiks sa yo!
Aba! Aba! Hindi na biro yang sakit ng kalooban na inabot ng aming prinsesa!… at ikaw pa ang dahilan!! Nakkkuuuuuuhhhh!!
Yung gigil ko sa iyo ngayon, wala na akong paglagyan!

Baket kaya parang kakilig lang nun sinabe ni SC to Maya, look at me when im talking to you sabay titigan, then wala ka bang sasabihin, tapos sabay Maya to SC, me pag uutos po pa ba kayo ? Kaso kainis lang kase walang katapusan sermon ‘tong sc kawawa naman un prinsesa, …hmmp *** Limkit na nga lang muna tawag ko sayo kase bad ka! Hindi ka pa nag so sorry, apologize and make amends ka ng big time, i tell you !!! Dumadami ng people ang galit sayo hmmmp ulit
Ironic how Maya’s song was pitch perfect for the mood only the two of them were aware of. But still I can’t help it, I cracked up. haha.
By the way, when did Sir Chief became aware of the Mahal na Hari at Prinsesa story? I mean, the real characters behind it?

http://imageshack.us/a/img402/2781/boopei.jpg
Yeah todo ang cold treatement ni yaya ganda, kaya naman umaapaw na ang pagkatorete ni daddy bango…kaloka!
Bet na bet ko ang sagot ni Yna, with regards sa tanong na if James is into maya…” It does not matter if gusto ni James si Maya, what is important is kung sino ang gusto ni Maya” …mega super duper check si Yna dito parang…”it’s not important how maya feels for you, what is important is how do you feel about it.” lang ni Rafi….haaay ser chief ano ka ba, ganda pa naman ng credentials mo..you are obviously supposed to be a man with above average intelligence, pero ang EQ parang below sea level.
This totally reminded of that scene in Pretty Woman 🙂
Hahahaha, sea level talaga.. XD
Batong-bato na ata ang puso ni sir chief… hmmm… yaya ganda kulang pa sa kape iyan para lumambot… lolz..
And that’s the saddest part Sis!
Maybe he is just too intelligent for his own good!!
Sa sobrang talino nya… hindi katanggap tanggap yung mga bagay na hirap siyang bigyan ng paliwanag at hanapan ng dahilan!!
Gaya na lang nang nararamdaman nya!! Siguro sa sobrang talino nya… hinahanapan nya ng sagot kung bakit ganon na lang yung sulak ng dugo at abot langit na ngitngit sa mga nakita nya kina Maya at James!
Eh wala siyang mahanap na sagot…..
Hayun!! ang kawawang Maya ang napagdiskitahan!!
Sana lang… magkaroon ng balanse ang IQ at EQ nitong si Ricardo no?
Sana lang… yung realization and acceptance of what he truly feels would dawn on him SOON!!

Baka kasi tuluyan nang hindi kayanin ng Prinsesa ang mga pahirap nya… umalis na lang ng palasyo…
At bumalik sa kubo…
Eh sabi nga… mas mabuti na doon sa kubo… kasi kasama naman ay tao.. kesa naman sa doon palasyo.. na ang kasama eh (hindi pwedeng kuwago! singkit yung may-ari eh!)
Well… gwapo nga! Pero ubod naman ng suplado!!
Sa tingin nyo mag sisenti si Sir Chief pag-umuwi si yaya ganda?
*SIGH*… MORE *SIGH* 😦 LOVE HURTS…LOVES FOOL
Can anyone please explain to me kung ano ang nasa isip ni Limkit???? Para kasing wala talagang balak mag sorry si Mr. Singkit nananakit… ano nga ba talaga ang reasoning nya at feel nya eh wala syang maling ginawa???? At parang gusto pa nya na si Maya ang mag sorry kanina the way he asks her kung wala bang sasabihin si Maya…
Sa akin ha, iyong ginawa nya sa summit ay dala lamang sa bugso ng kanyang damdamin na ayaw pa nyang aminin, in short NAGSESELOS kay JV. kaya iyong temper nya abot hanggang langit. Isa pa ma-pride si Limkit, di tulad ni JV ma-speed… lolz
Sa tingin ko pride na lang niya ang umiiral and just really waiting for an opening na magkausap sila ni Maya kaso dedma to death siya ni yaya. Si Maya naman feeling niya eh the person she least expected na gagawa nun, ang siya pang naunang mag down sa kanya kaya sobra sobra na *** yung pagka disappointed ni Maya kay Sir Chief. Kitang kita sa mata niya at yung pagsesermon pagdating sa bahay ay hindi nakakatulong sa kaso mo sir chief hmmmm…. Hala ka baka mahirapan ka to win maya back.
Naku baka naman ito na yung kakausapin na ni Singkit itong si kidlat at itatanong kung kaya lang ba ginagawa ni kidlat yung mga bagay na yun kay Maya because he likes her. Feeling pa rin kasi ni singkit that he’s doing the right thing kasi nga feeling n’ya e he’s protecting Maya. Paano kung isagot ni kidlat mata-sa-mata na “Yes I have feelings for her Mr. Lim and what will you do then” naku ano naman kaya isasagot ni singkit. My take kasi sa character ni James is that pino-provoke n’ya lang si singkit para umamin kasi nung summit alam nya’ng may somethhing sa dalawa. Tingnan nyo nga saglit pa lang siya sa buhay ng dalawa pero nabulabog ang magsing-irog. Pero personally huwag munang umuwi si Maya kasi diba ang deadline naman nila ni Kute is kapag flight attendant na talaga siya. Tsaka Pasko magiging malungkot sa Lim Mansion ng hindi man lang nagkaa-ayos yung dalawa.
Ayoko nang malungkot kaya “Good Memories” na lang ang binalikan ko.

http://imageshack.us/a/img11/2375/fb4x.jpg
http://imageshack.us/a/img826/3120/fb5mt.jpg
http://imageshack.us/a/img854/1308/fb6u.jpg

http://imageshack.us/a/img32/8813/fb7h.jpg
Miss ko mga ganitong eksena
I guess, base sa mga facial expressions nya na nakikita ko sa mahiwagang bolang Kristal, the guy is so upset that just when he thought there’s something special sa bond nila ni Maya, enter da dragon ang Mr James V, na nakita nyang parang natuwa din ang dalaga.. .end result nabasag yung hopes nya. Kaya etong singkit na to kala mo kung matandang dalagang nuknukan ng sungit na nag aalburoto. ..pero ser ha, tama na yang pang hurt mo ke prinsesa Maya…
Eh di ba ganyan na rin naman siya kahit na noon pa. Akala mo wala lang sa kanya, pero pag me gustong umagaw kay maya sa kanya parang tigre na pinakawalan sa hawla. Instinct na niya noon pa kahit di pa niya alam na meron na siyang feelings for maya. Kaya nga kinausap na niya noon at pina promise si maya at ginawa na namang dahilan si Abby.
Pero naman Sir Chief…bakit naman ganun pati ako napaiyak mo…damang-dama namin ang hinanakit ni Maya sa iyo…
Sabi nga ni Luke…it’s Christmas time naman kaya peace…Peace na kayo please….para naman maging lighter na feelings namin ni Maya…:)
Talagang naghahanap ng away itong si singkit kaso lang hindi siya pinapatulan ni Maya. Mas nakakainis kaya kung ang nakatampuhan mo e tahimik lang lalo kang magngingitngit at dahil diyan Maya VERY GOOD nakiinig ka na talaga sa mga adiks ng unibersidad na ito. Gusto kasi ni singkit sumabog din ang mahal na prinsesa para masabi niya na walang mali sa ginawa n’ya that he’s just protecting her.
Pero pasensiya na ha kahit nakasimangot itong si singkit pogi pa din
Sa palagay niyo ba mga sis sa pagtatanong ni limkit kay mam Ina about maya e gets na ng hint si ina na hindi interasado si limkit sa kanya kundi si Maya?
Sa palagay ko Super gets na nya. DI ba nga parang tatayo na agad si LimKit eh kaso bgla ngsalita si Ina naprang hindi naman mahalga kung may gusto si James kay Maya. Ang importante is sino ang gusto ni Maya (ndi exact words ito ha)
Sa tingin ko Sis, getz na ni Ina na Richard is not interested.. kaya lang.. mukhang masama talaga ang tama nya eh!
Andoong habul-habulin at magkandarapa sa paglapit…
Eh siya na mismo ang pumunta sa office ni Limkit at mag-aya na magkape…
Sabagay, hindi naman na daw uso ang pa-Maria Clara.. kung gusto eh di gawan ng paraan na makuha… masaktan na ang masaktan!
Ss for Richard’s interest on Maya.. aba eh talagang denciang dencia na siya kung hindi pa nya getz yun no?!
Sana lang hindi ganon… kasi Ina is supposedly super smart and ultra sophisticated… and with what she is seeing from the actions and the questions from the guy… mas malinaw pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat na kay Maya lang talaga ito interesado…
Feeling ko sis medyo may idea si ms. Yna sa feelings ni Ricardo kay Maya, kc yung sa episode kahapon kausap nya si mam Diana, diba may sinabi dun si mam Diana kay ms. Yna tungkol kay Sir Chief and ang sagot nya “I don’t think he’s interested.” baka tinatry nya lang kung uubra pa yung feelings nya kay Ricardo kahit alam may idea na sya na may something na kay Ricardo at Maya.
@DonnaFayette: San Nicolas Airport? SC with mga bagahe? Ano na meron sa next next ep’s ng #BeCarefulWithMyHeart?
At eto may nakita din ako na picture
Ooops! Mr. Richard Lim… Saan ka pupunta? Parang sa San Nicolas Airport yan ah.. Yiiiiiieeee!!! Ikaw ah
Awts! Naexcite naman ako bigla, kailan kaya yan? Atatters mode nako. Nako baka nga susundan talaga ni Ricardo si Maya if ever uuwi sya ng san Nicolas! Go singkit! suportahan kita dyan! (bumaliktad bigla? wala ng galit kay daddy bango) wahhh
Kaya pala ganun ang sinabi ni Maya kay manang Fe, dahil dun sa walk out drama ni SC after ng chika nina kuya Joma… hay, SC… say what u feel kc…
Anyare??
Uy! Singkit??? Bakit may I walk out drama mo??
Di mo kinaya no???
Mukhang kasama ang mga bata si luke *** nasa medyo right side ng picture na nakatayo sa may entrance ng airport
Hi everyone! Lurker no more ang peg ko.
Anyway, if indeed Ser Chief follows Maya to San Nicolas — oh my geeee! grabeeeee super kiliiiiig!!!
Kaso kasama ang kiddilets, so may idadahilan siya na it was the kids idea to follow Maya. but he better get down on his knees para suyuin si Yaya Ganda nang bongga! tutal siya naman talaga may kasalanan!
Naku ‘d ko maisip kung anong tumbling ang gagawin ng mga kakosa kung luluhod ang dading singkit sa mahal na prinsesa….baka mauna pa tayong mag 360 degrees turn around….
Nakakita nga lang ng behind the scene photo na parang sa airport….eh, bumulusok na naman ang takbo ng pahina ng principal’s office ano pa kaya kung balik super kilig na eksena na naman….
Ibang klase rin itong BCWMH…akalain mong Christmas na Christmas…eh ‘yong plot pang mahal na araw at araw ng mga patay…. saan ka ba nakakakita ng ganyan? onli in the pilipins…..
Wala pa ring remorse ang singkit, sa halip pinagalitan pa ulit si yaya
Gusto ko sanang makita kahit katiting na pagsisisi o realization, pero wala talaga
Kung confused pa siya sa feelings niya, aba! Dinaig pa niya ang may urinary tract infection na matanda
Yon may lunas, e yong sa kanya meron ba?
Salamat na lang at andiyan si James Ventura, pinasaya ang Pasko ng prinsesa
Pero on a positive thought: At least alam na ni mayang magtampo sa kanya ng bongga
Manang Fe, di ka nakakatulong …dapat ang alaga mo ang pagsabihan mo.

https://pbs.twimg.com/media/A0EUTQNCMAAtx0n.jpg
dito nalang tayo umasa..
At eto ay para kay Yaya Ganda….please lang Maya kung uuwi kasa San Nicolasd……………..wag na wag kang gagawa ng instant kape na iiwan mo diyan kay WALK OUT KING..alam ko kahit galit ka sa kanya nya may tendency pa rin na mag-iwan ka ng kape….
Hayaan mong magdugo ang puso nya sa pagkamiss sayosa at sa mahiwang kape mo………………yun lang at back to br muna ako………….
OH MY GEE! Tapos may pinost si Maya na ganito:
“@JodiStaMaria Always go for someone who is not only proud to have you, but will take every risk just to keep you Good afternoon tweeps
Is this a sign??
Masaya ang new year kapag magkakasama ang lim family + kuteff family + dela rosa family =)) kulang nalang magulang ni Mr. Lim at magmumukha na siyang mamamanhikan.
Sa episode naman kanina, isa lang masasabi ko…..
“RICARDOOOOOOOOOO!!!! ” Kaloka! Pagalitan daw ba si Maya? Ano yun? Ka echosan mo Mr. Maldito Lim. Pero, na feel ko na gusto nya lang iprovoke si maya para magalit at malabas ang lahat ng emosyon nito. Kumbaga, Mas nasasaktan si Mr. Maldito dahil sa silent treatment ni yaya ganda. (Ganyan mag-away nanay at tatay ko eh.. SILENT WAR.
Di pa nga mag jowa ang mag-among yan,.. COOL OFF na agad agad dahil kay Manang. Kelangan daw ng Space sabi ni Manang……. oh
Teaser
Mukha namang unti-unti ng lumiliwanag ang nagdilim na paningin ni SC. Pagkatapos niyang mapreoccupy sa nararamdaman niya, he’s FINALLY starting to see things through her eyes.
Feeling ko with the scene dun sa balcony, natandaan niya na gusto talaga ni Maya maging stewardess para makita na niya ang pamilya niya and nakikita na niya how painful it must’ve been for her. Pero hindi lang niya talaga mapigilan ang sarili niya.
And with his convo with Yna narealize niya na he got so blinded by JV’s admiration and his jealousy na nadisregard niya na yung feelings and yung prerogative ni Maya.
Yan tuloy… mula sa 100 naging -100 ang points niya ke Maya.
Nakuu dapat magsimula na siya maging submissive sa prinsesa. malapit na siyang maging stewardess. pwedeng pwede na siyang umuwi sa San Nicolas para sabihin sa pamilya niya yung tungkol dun. at pwede na siyang hindi mag yaya.
May nag walk-out palang naka pink sa teaser?
Aantayin kong mag empake si yaya
Oo nga, parang holy week ang epi. e di nga ba pasko? Pero mabuti yan at baka mapaaga ang suyuan at malay natin bago matapos ang serye may kapatid na si Abby
Sa tagal ba naman ng pagpipigil ng singkit, baka pag sinagot na mas mabilis pa kay mr. kidlat kumilos
Soweeee! Medyo ataters lang
Hmmm, pero mga sis di lang ako ang may gusto niyan …aminin!
In fairness kay Ser Chief, ang gwapo nya with pink polo mas malakas ang appeal, men in pink polo
Actually may point din naman si Sir Chief, pangit kasi first impression nya kay sir James noon. Kaso lang napatunayan naman ni sir James na seryoso ang alok nya.
Isa pa… sana masabi din ni Maya kay Sir Chief ***… Dont you trust me? Kasi di ba kilala naman na nya si Maya… sabagay natanong naman nya si Sir Chief kung yun ba pagkakakilala nya sa kanya.
Nagseselos at over protective lang si Ser Chief. At dahil hindi niya maamin e nasasaktan si Maya.
https://pbs.twimg.com/media/BAFXQfnCUAAP1t2.jpg
Ang Lim Family nasa airport! Hohohoho!! ano kaya ang naisipan nitong ni ricardo at sa San Nicolas niya dinala ang mga bata… diskarte 101 kung dahil kay Maya yan.. Hala sige Ricardo kumilos ka!
Kung ganun man ang mangyayari parang asawa lang ang peg ni Mr. Lim. At ang mga bagets sinasamahan ang dady ma-win back ang mommy nila. Excited na ako!
Dapat meron pa ring make-up kiss! o kaya make-up hug!
Hay.. gumagawa na ata ng damoves itong si Ricardo,finally! Sige ipagpatuloy mo yan singkit. Bilis bilisan na ang pag kilos at wag kukupad kupad. Remember malapit ng mag training ng cabin crew si yaya ganda, baka maiwan kang nganga.
Tama kayo mga sis.. Ang peg nla ay mag-asawa lang… kakilig naman..Guess ko lang itong si SC ang idadahilan ay vacation nla with the kids pero deep inside gusto nyang makita c Maya.. Ay naku SC..Maya pahirapan mo ha si singkit..gusto ko ang cold treatment mo sa kanya today para naman mafeel nya na mali talaga siya.
Hahaha. Mukhang naiibsan na ang rally ng mga adiks dahil sa mga behind the scenes pictures na yan ah.
YEHEY! Sa wakas may development na talaga from sungit mode itong si singkit. Habol habol din tayo Mr. Lim! Dalian mo at bawal na ang pagong mode mo ngayon.
SHUCKS. Picture palang natutuwa na ako at kinikilig sa maaring mangyari. Paano pa kaya pag totoo na? Hihi.
Ihanda na ang mga paraphernalia at mukhang mahihimatay tayo sa pagkikita nitong mag-amo at pagbawi nitong si singkit.
Tingin ko mga next week pa ito sis. Kasi may Christmas ep pa sa mansyon eh so baka after pa nun yung susundan nila si Maya sa San Nicolas.
Mukhang malulungkot talaga ang mga Lim sa pasko kaya biglaang mapapapuntang San Nicolas. Ang laking kawalan talaga ni Yaya pag wala sa mansyon. Para silang balik sa dati na walang buhay. Hehe.
I watched today’s epi bago ako pumasok at ang tumatak sa isip ko, ang mahiwagang tanong ni LIMKIT,
“Is he in to Maya?”
But the more important question is:
LIMKIT, are you in to Maya?
“Be Careful With My Heart’ may air in Malaysia”
MANILA, Philippines — A TV network in Malaysia is hoping to air the hit ABS-CBN series “Be Careful With My Heart.”
http://www.abs-cbnnews.com/entertain…y-air-malaysia
Hay naku mga sisters….at the rate we’re going eh baka wala pang valentines eh lumipat na naman tayo ng bagong bahay (agad agad?) kung talaga ngang luluwas na si Ricardo para sunduin ang princesa…..
1st Thread – June 19-Oct 1
2nd Thread – Sept 29-Nov 12
3rd Thread- Nov 11-Dec 18
4th Thread – Dec 12 – Jan 7
Aigoo…ano ba yan…..pag nagkataon naku….magkakagulo na naman sa Kaharian!!!! Yippeeee!
APAG TALAGANG SINUNDAN MO SI MAYA SA SAN NICHOLAS IKAW NA TALAGA RICARDO… LAHAT NG TAMPO AT GALIT NAMIN SA IYO MAWAWALA NG BONGGANG-BONGGA!!!

http://farm9.staticflickr.com/8367/8360498493_4518d68256_c.jpg
Look at his reactions…. na heartbreak siya nung sinabi ni sabel na may gusto yung VP ng Time Airways kay maya…. ni hindi na siya tumingin kay maya nung parating ito….
Napaka Torpe kasi nitong manok natin
Feeling ko nga rin pino-provoke lang ni James yung feelings ni Ricardo kasi buking na rin naman niya itong si singkit e kayo ba naman ang parang mag-gf/bf lang nung summit. James Ventura will be an instrument for Ricardo para umamin ito.
Tama po kayo diyan ate. hehehe yung sa summit pa lang ano na si James e alam na niya ..nang-aasar na po siya kay SC ..pero like ko po itong si Ventura kahit di po niya alam na mas nagkagulo ang dalawa dahil sa kanya…pero pasasaan bat maaayos din po ang lahat..
Baka dahil dun kaya niya marerealize na tama nga ang sinabi ni Yna. Siya parin ang pipiliin ni Maya. Maiisipan niya nang sundan ang prinsesa.
Or pede ang scenario eh happy naman lahat sa Lim Mansion pero siempre iba pa rin kung andun si Maya….Makikita nya kung anong dinalang saya ni Maya sa mga anak nya…pero sha eto malungkot kase wala na si Maya…at tama ka pag nakita nya gift yun ang magpupush sa kanya na gumalaw na sha….
Feeling ko nga baka wala pa sha sa house pag umalis si Maya eh…sobrang dramatic lang talaga para mas feel yun emptiness nya pag wala na si Maya..
Or magkakaron na naman sila ni Maya ng hintayan sa phone kung sino unang babati ng Merry xmas….siempre kilig naman tayo kung sino unang bibigay….
Buti na rin umuwi si Maya para minus one na ang dinadala nyang guilt kina Nay Teresita at mamang….malamang mapapansin ni nanay na malungkot sha o xmas day…siempre magsusumbong sha…tapos papaliwanagan sha ni nanay regarding love….
Haaayyyy possibilities….possibilities…..grabe!!!!!
Sana sa lahat ng naiisip natin e yung pinakabonggang kiligan at suyuan ang mangyari.. hay pag talagang sinundo niya..
si Maya at mag-sosorry siya ..di ko to kakayanin.
Kaya ser chief umayos ka.
Kaya nga ako din sis, hinay hinay muna ko sa pagka-excited. Nakakatrauma na ang roller coaster ride. Hilong-hilo na ko to the point na nakakasuka na.
Kaya aabangan ko na lang ang mga susunod na pangyayari. Pag nakatapak na mismo si Ricardo sa bahay ng mga Dela Rosa, dun pa lang ako magbubunyi!
Syempre naman, di na nya teritoryo yun kaya wala na syang karapatang magsungit no!!! Subukan lang nya na paiyakin sa sakit ulit si Maya kahit hanggang dun sa San Nicolas… ay naku!!!
Kung paiiyakin man nya ulit si Maya, dapat tears of joy na!
Kaya pala sabi ni Mr. Richard Yap sa Twitter, magka-ibang units sila ni Jodi sa taping kanina… Ibig sabihin, hindi pa natatape ang napipintong pagkikita nila.
San kaya magsstay si LIMKIT at ang mga bagets???
Hindi pa tapos ang taping ng scenes sa San Nicolas kaya malamang next week na ito.
HOLY WEEK lang ang peg ng BCWMH this week.
Di bale, abangan na lang natin ang EASTER SUNDAY!!!
Sabi nga nila,
“Good things happen to those who wait.”
Wait na lang tayo at tiisin muna ang kalbaryo ngayong linggong ito.
Masaya na ako at the thought na nasa San Nicolas sila kasi sigurado naman, kung ano man ang dahilan ng pagpunta nila dyan, iisa lang ang ending niyan at yun ay
SA BAHAY NG PRINSESA.

Talagang di makatiis si daddy na di makita si maya. Isang araw nga lang na hindi nakasama dahil iniwasan siya ng bonggang bongga ni maya eh halos mawala na sa sarili, bakasyon pa kaya?
Nung Friday pero nung napanood ko yung monday, napaiyak ako. Intense ang confrontation ni SC & Maya. At one time nainis din ako sa ginawa ni SC kay Maya.
Naniniwala talaga ako na madadala at matatauhan na si Maya at eto na sigurado ang umpisa ng “a more matured Maya.”
SC, do something before its too late!
Ay buti na lang nauna ko pang nabalitaan na may pagsusuyuang magaganap sa hinaharap. Kaya, go richard goooo!!!
Dahil jan, napabilib ako sa acting ni Jodi & Richard Yap. Jodi is really a great actress, and Richard is really improving
Cute talaga ng nik-nic!
Ilang beses ko ng pinanood yung scene na nasa principal’s office sila ni Maya
At nag-papride chicken itong si Ricardo. Ito lang yata ang love-team na nag-
aaway na e kinikilig pa ako… ano ba yan lakas talaga ng tama ko.
AT AMININ MO RICARDO NAMIMISS MO NA MARINIG ANG “SIR CHIEF”
KASI SIR NA LANG ANG TAWAG SA IYO NI MAYA!!
Although kinikilig ako sobra sa idea na pupunta si Ricardo sa San Nicholas para bisitahin si Maya, ayoko pa rin bumaligtad.
I still want James na ligawan si Maya for the following reasons:
1. Maya deserve to experience something that would boost her confidence as a person.. at si James ang makakabuo ng confidence na winasak ni Ricardo, although unknowingly. Pero come on, James will be good for her, at least for the time being.
2. Someone has to pamper Maya. mula sa pagkabata, inuuna ni Maya ang pamilya at sobrang nagsasakripisyo. kahit nalipat sya sa mga Lim, sya pa rin ang nagaasikaso sa mga issues at pangangailangan nina sir chief, abby at mga bata. I just feel that Maya needs someone to REALLY treat her like a princess, FOR ONCE.
3. Hindi naman agad-agad porke’t napuntahan lang ni sir chief si Maya sa probinsya, bibigay na agad sya.. for all we know, may palusot na naman yang si SC bakit andun sya sa San Nicholas..
Sis I agree with your statement. Para naman kahit papano e maibalik yung nawasak kay Maya. Maganda din kasi na merong taong magong vocal kay Maya. Enough of the stress na naranasan nya. First love, first heartache. Ouch un. Dapat kasi kung mag reason out si LimKit eh yung totoo naman. Wag isangkalan yung mga anak nya.
Korak! at kapag ready na si Richard to be “careful” with Maya’s heart, tsaka na lang ulit.. masyado ng maraming pinagdaanang hirap si Maya (iniwan ng tatay, na illegal recruiter) and on top of that, she remained positive.. this girl deserves to be happy!
I don’t want JV to be immediately and completely erased in the picture. I still want him to be there kahit pa magkaayos na yang dalawa.
Maya NEEDS HIM for the reasons you pointed out. And short of sounding like a big time user, I firmly believe that, this time, si Maya naman ang dapat makaranas kung paano maging sentro ng atensyon, minamahal at inaalagaan. And one more thing, there’s no better way to make someone realize your worth than being presented with a threat. A little competition would certainly go a long way dyan ke Ricardo. Even if in the end, Maya will find out na on James’ part ginawa nya lang yun para gisingin ang himbing na himbing ang damdaming si Ricardo! I mean, para hindi naman aalis ang JV na sugatang puso din ang drama. Tama na ang isang Simon!
And besides, parang hindi naman yata tipo ni JV yung nababasted at broken hearted… hindi bagay!!
Dapat parang panggulo lang talaga sa eksena ang James, pero markado pa rin ang role kasi siya ang naging daan para tuluyang marealize nung singkit kung ano ba talaga si Maya sa buhay nya!
Good morning mga Kabisig!!
Yehey, recurring cast na rin si Capt James Ventura. Kung may BFF si Richard na Rafi, Maya can have James as her BFF… sweet nga yun eh… forever na merong pagseselosan si Sir Chief kahit maging sila na ni Maya.
Pwedeng pwede sis!
I can already see Richard’s eyes getting smaller whenever he sees Maya with her BFF kahit nasa wedding na sila. Aasar-asarin parin ni James si Ricardo.
Asar talo lagi itong si Ricardo.

https://pbs.twimg.com/media/BAIVG3iCAAAujwj.jpg
Baka sinundan c Maya
Or pwede ring siya yung piloto nung eroplano na ang sakay eh si Maya. Di kaya bumisita rin itong si James sa bahay nina Maya? Oh my gulay. Ang gulo na.
Rambol na ito sis…baka pagdating ni Ricardi kina maya andun si JV….nde kaya sumingkit ulit ang mat,,,,,yun tipong buong buo na ang loob tapos heto na naman…haaayyyy
Sana naman fight pa rin kahit andun si JV…parang yun isa lang sa fanfic dito…Game on! i want to see him na cool na cool
Di kaya lalong mabwisit itong si Ricardo kapag pagkatok niya sa pinto nina Maya, ang magbubukas eh si James? Aba’y baka matuloy na nga ang boxing match of the century.
Oh! Gets ko na yung mga tweets!
Sina Richard at James nasa isang lugar lang (airport) pero si Maya nasa bahay na nila. Kaya pala sabi ni Mr. Yap na nasa ibang unit si Jodi.
Eh ano naman kaya ang mangyayari kapag makikita nila ang isa’t isa sa airport ng San Nicolas?
“Mr. Lim! What are you doing here?”
“I could ask you the same thing, Mr. Ventura.”
Tapos si JV, ngingitian lang ng parang nang-aasar si Ricardo, samantalang itong si singkit, nagpipigil lang na makipag suntukan dahil nasa airport sila at kasama niya ang mga bata.

http://cdn.makeagif.com/media/6-07-2015/sOQ6qB.gif
1-08-15
(Credit to all PExers) CTO too for all pics, gifs, and videos from on line.Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
LAST UPDATE: 1-7-2019——SHARING UPDATES FROM FANS and UPDATING my BCWMH blog with collages, GIFS from my USB copy of my complete BCWMH DVD set and TFC reviews. Thanks for your featured reviews.
