VOLUME 11 C- JANUARY 9-10, 2013

 

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 11

130  Date Aired: Jan. 09, 2013—According to Ina, “What’s important ay kung sino ang gusto ni Maya.” Si Sir Chief, sino ba talaga ang gusto?

Hay naku sir chief ang sabihin mo kaya ka takot na takot maagaw si Maya dahil alam mo kung gaano ka loveable si yaya ganda once you get to know her kasi siya mismo nainlove kay maya dahil sa cheerful personality ni maya kaya di imposibleng maiinlove din si james sa kanya at alam mo yan.

 

GIFMaker.org

Camille
grabe na talaga!!! sobrang bitin! nakakatuwa yung biglang pumayag si sir chief mag coffee with ina para magspy tungkol kay maya….haaaayz

Bittersweet ang muling pagkikita nila sa kitchen

 

Wahhhhhh yung mamang singkit na naka blue
pinapauwi na si Maya sa pasko. .. lungkot ng pasko nila magkalayo.. si Maya ang ihahatid sa airport ni joma….

 

Jodi please stop crying..nakakadala ka ng sobra

 

Feel ko yung bigat ng damdamin ni Sir Chief while talking to Lisa about Maya’s flight

She called him Sir chief again. Nadulas ba? Kasi hindi pa rin sya makatingin sa kanya

 

Ang sakit sa puso
Uuwi ba talaga c Maya?? Huhuhu… ang bigat ng episode today

Maria Donna Romero
Nakakaiyak. Hindi mahalaga kung gusto ni Sir James si Maya. Ang mahalaga ay kung sino ang gusto ni Maya. Oh my G, sana naisip ni SC na sya ang crush ni Maya bago nya nasaktan si Maya. Sana magkaayos na sila, magpapasko pa naman. Ang cute ni Nikki at Nicolo. I wonder if the writer is planning for these two bagets to get together or to just stay as friends. Thank you ABS-CBN for this truly wonderful show. Best teleserye all around. Outstanding casts.

Lucy Anne O’Carroll
sad ng episode for Maya today…..but OK lang napa-smile nman c Maya sa gud news ni Ms Ina….I like u na rin Ms Ina, parang ikaw na rin ngbbridge sa Maya-SC lovelife…kahit mkpgdate k ky ricardo pero c Maya pa rin topic nyo and I know u smell something diff sa dalawang ito…gud job….At itong c daddy sungit feeling GUILTY and still selos pa rin at takot na baka ma-fall c Maya ky James, ikaw kc SC bagal-bagal mo, pero effective ang reverse Psychoilogy ni Maya in how to react s mga sinasabi ng SC nya ah..hinihintay nya cguro na sumbatan sya ni Maya, oyyy SC di ganoon c Maya…u u better na umayos ka na or u will regret …hmmppp.. “MAYA S ONE IN A MILLION” d ba sinabi mo yan s recommendation letter mo?…u better recall…..bitin-abangan ulit GV GV GV lang.

Tama si manang fe kailangan nilang dalawa ng space na ito

Yung magkalayo muna para makapag-isip….mahirap kasi magkasama nga sila isang bahay…

 

It’s a good thing tapos na talaga ang pasko ng ipalabas ito, kundi andami siguro ma hohomesick na OFW..

Kaiyak naman magkakahiwalay sila sa pasko… pero kakatuwa si Mamang at
Nanay Teresita ang sweet nilang mag-ina.

 

For the 3rd Day…

ANG TIGAS MOOOOOO….

 

Agreed they need space para mamiss nila ang isat isa… pero kakalungkot
talaga magkahiwalay sila sa pasko

 

Ang mag-yaya….ang luha ko baha na….

Ang kirot ng puso ko sa mag-amo…hindi ko ‘to kaya!

Walang sinabi ang mga past episodes sa last scenes ngayon

Alchie Ruda
hay naku Sir Chief bakit di mo nalang aminin na jellyfish lang peg mo…hala lagot sinaktan mo ng over si Maya…. :

 

 

 

Kutefffffffffffffffffff!

Kahit madrama, mas maganda ang episode tomorrow. Hinabol nya si yaya.

Playing SOLITAIRE = confidential

 

O my gee bongga ng abangan

Busy pala boy singkit ah! Hay naku solitaire–confidential??hahaha…

Lahat pinapaalala sa’yo..haha ano ka boy singkit..?

“That’s my baby … and yaya’s baby too… wahhh kahit malungkot kinikilig ako..

 

Emote na emote na ko pero nung nakita ko ang “confidential na Solitaire” sa abangan bigla akong natawa.

Sir Chief, busy ka ah!!

 

GIFMaker.org

 

Bigat sa dibdib ng epi today, sc hindi man lang nag say goodbye to Maya when she left, ganun lang,…haaay ang tagal ng apology, masyado ng ma pride chickenjoy si sc…

Sa teaser, kakatuwa si Abby, sabe niya, …baby ni yaya

Oh well, can’t wait for the happy moments to reveal on the future episodes…writers paki bilisan lang naman, tapos ng pasko at newyear, kelan nyo balak ipalabas ang epi nila on the holidays? Sa Valentines kaya?

Carla Palmer
Assunta is right…kung sino ang gusto ni Maya… ok din sana si Luis at Jodi but this show is abt SC and Maya …:)

 

 

Sa teaser, akala mo serious si sc, busy busyhan lang ang peg, me ganun talaga sc, confidential na pala ngayon ang solitaire?

 

Yung totoo .. bakit ganun! kahit malungkot pa rin yung episode today.. biglang kinikilig ako sa mangyayari bukas kasi naman si solitaire.hahaha …

 

Siguro kung may favorite game na nakalagay sa slambook, ang isasagot ni Richard, “Solitaire”.

Sir Chief na nga ulit ang tawag ni Maya. So, ano ibig sabihin nun?

 

Pa check lang attendance…nakakalukahhhhhhhhhhhhhhhh ang BR…sumikip na dibdib ko kahit half lang naabutan ko sa epi today….lalo pang huminto ang daloy ng dugo ko sa daadikan ng mga kakosa ka…natutulog pa ba kayo?  lulubog-lilitaw muna ang lola nyo… d kaya ng powers ko ang nakatambak na trabaho…baka masisante… suplado pa mandin ngayon ang singkit…’d ako maka pag-apply sa kanya pag nawalan ng trabaho…

 

Cherisse Ana Lagayan
Aww… =( Di lang talaga sila nag kaintindihan. 
Si Sir Chief, good naman yung intentions niya, mali lang ang pagka sabi.
Si Maya naman, siyempre hindi rin naintindihan si Sir Chief, kasi hindi niya inexpect yung reaction na yun from him.
Hay….LQ nga naman.

PERO!!!! Tama yan Nikki!!! Tell your Dad na mag out of town kayo! SAN NICOLAS ang bagsak niyo sa pasko! Sundan niyo si yaya Maya. =D

Pa aattendance po for today! grabe ang haba ng BR ko. sana makahabol ako ang bilis ng takbo dito sa principal’s office. mukhang super sad na naman ang episode today. abang muna ko ng replay, pero bago yan ready ko na ang tuwalya pampunas ng luha. be back later, BR muuna ako.

 

Oh my…got confused sa pag book ni limkit kay maya for mindoro…pano ba yan mga kaadiks may san nicolas din sa mindoro occidental…hehehe I guess we really just have to wait and see what happens next…pero naman wish ko lang kung san mang san nicolas yan eh pumunta ang Lim family kay yaya ganda!!!

 

Luke: Maya babalik ka ha? pag hindi susunduin ka namin nila Abby

Maya: Yes Sir Chief este Sir Luke (maya nadulas ka ha?)

Wish ko lang sana mapansin na nila Luke at Nikki na may something na sina Ricardo at Maya at para sila na rin ang tumulong sa dalawa na magkatuluyan…

 

GIFMaker.org

 

Nadisgrasya na naman istorya. Paano na yun pangarap ni Maya ni maging stewardess. Nag bakasyon siya samantalang pinag re-report na siya.
Tapos pagdating sa bahay nila sa probinsya ay hanggang pintuan na uli siya. Hay.

 

Nakikita ko na ang pagiging tigre ni singkit pag nakita niya sa JV sa airport!
Kaya pala sabi ni Luis eh agawan na naman daw ito. Ayun pala eh mukhang may biglaang amazing race at si Maya ang pitstop.

 

Matorture ka ngayon singkit

Everything na gawin niyo sa mansyon eh laging nareremind si maya

Matorete ka ngayon

 

Jo Ann Og
i love how the writers bring the story to a certain level. kasi for a time medyo nag flat… at least ngayon may progress na siya… 
and yeah. i love this kasi sa hirap ba naman ng buhay… we just don’t need another drama… nakaka stress yan. So, this teleserye is a welcome talaga. thanks abs-cbn…
William Dy
Correct kailangan natin ng pamparelax,nakakatuwa silang lahat!!!!!

Sis! Ang alam ko, San Nicolas, Mindoro talaga galing si Maya sa story. Pero ang shooting nila ay sa Pila, Laguna lang talaga. Kasi hassle nga naman kung sa Mindoro pa talaga ang shooting. They made it look like nasa San Nicolas, Mindoro lang sila whereas nasa Laguna lang talaga.

Tama ba ang pagkagets ko sa confusion mo? 
Sorry naalog pa utak ko sa epi ngayon

 

Hinihintay ko nga dumungaw sa langit si limkit. Mga meteors e deretso sa ulo niya para umalog. ang tigas niya

 

Sis! Kelangan daw ng mga kalahi mo at kailangan nating mag-wish ng matindi para matuloy na ang pamamanhikan este pagpunta ni singkit kina Maya sa San Nicolas.

 

Sige sis, pakalugin mo ang ulo niyang si Ricardo, pero wag ang fez ha? Ingatan ang fez.

 

Pero wait, ano ba ‘tong delay-delay ni Maya? Delay sa flight? Aba’y baka mauna pa si Ricardo kay Maya sa San Nicolas. 

 

Noemi Kato
naku, nakakaiyak din itong episode na ito! di lang doon sa scene nina sir chief at maya, kundi doon sa mga taong napalayo sa kanilang mahal sa buhay lalo na sa panahon ng pasko. naalala ko tuloy yong pamilya kong malayo sa akin. haaay naku, naubos tissue ko! the story maybe simple pero ang lalim ng mga mensahe sa bawat eksena. sa pamilya ni maya, sa kay sir chief, sa mga kasambahay, at sa mga bagets.
William Dy
Tama napakaganda ng teleserying ito,love….love….looooove!!!!!

 

Oo nga eh mauna pa ata sina singkit dun sa kanya.at magpakilala na siya sa Nanay at Mamang.hahaha

Di kaya si james ang piloto kaso late na naman…hahaha..

—-Oy boy singkit,umayos ka hah!… pag ikaw talaga sumunod dun sa kanila ,behave ka
Bawal ang masungit dun..at walk out king…

 

Kaya siguro biglang walkout kanina kasi atat ng maglaro ng solitaire 

 

Sis, confidential daw yun. Bawal ipagkalat na naglalaro siya ng solitaire. Quiet tayo sis.

 

Wala na. Everytime nalang na makikita kong nagcocomputer etong si Ricardo, maiisip ko lagi na naglalaro lang siya ng solitaire.
Oo nga naman. Bakit di nila naisip yun? Di ba vacation niya na? Eh di dapat wala na muna siyang inaasikaso.

Huli ka!

jackrose

http://imageshack.us/a/img198/7653/jackrose.jpg

Hindi ko pa ma-process yun episode ngayon…

Happy Wednesday ulit classmates! Mag-cutting classes muna ako para matulog.

 

Ay oo nga sis! mukhang plausible itong mangyari. Baka nga si James ang piloto nila kaya rin andun si JV sa airport. Ang ibig bang sabihin nito halos magkasunod lang Sila Maya at SC and the kids umalis? Kasi mukhang nagpang-abot si JV at SC sa airport or sa San Nicolas eh?

GIFMaker.org

Agree. mas gusto ko ganyan na minahal pa rin siya ni limkit kahit yaya.Ipinagmamalaki pa rin siya.

I therefore conclude…

NOW KA NA MAG DECLARE YOUR LOVE FOR MAYA…AS IN …NOW NA.
Normally mas unerstanding ako kay boy singkit dahil relate ako sa pagkasuplado nya na so much like my own mahal na hari, but in this case agree ako sayo kapatid na dapat magtapat si singkit BEFORE maya becomes a stewardess otherwise ubos ang bilib ko sa kanya..

 

Tama, nakaka-excite lang talaga ang mga susunod na pangyayari. Inaabangan ko ang agawang sinabi ni Luis sa twitter niya.

 

Tama, nakaka-excite lang talaga ang mga susunod na pangyayari. Inaabangan ko ang agawang sinabi ni Luis sa twitter niya.

Chona Namiki
I loved this show so MUCH because its very light and each scenes may puso talaga. I just hope maganda ang ending. Napapansin ko lang kasi dito sa abscbn ang gaganda ng mga teleserye pero pag ending na pumangit. I don’t know why…

 

Yakaj Saranghae
ang super galing talaga ng twist and turn ng story…..nakaka excite…congrats and thank you to the entire team of BCWMH!

Bilib ako kay manang Fe ha

Siya nakahuli kay teacher Emmy na nag-e FB tapos siya din nakahuli kay singkit na nagsosolitaire

 

Naku di na siya pwedeng mag deny kay Manang Fe. Kilalang kilala na siya nito. Haha!

 

Ewan ko, pero nayayamot pa rin ako kay Ricardo.

Granted na sobrang nagselos si Ricardo sa sinabi ni Sabel na gustong gusto ng Vice President ng Time Airways si Maya, di ba pwedeng maging masaya din sya for Maya, just like everybody else, like a normal sane person who cares for Maya would, dahil finally eh magiging stewardess na sya.. ewan ko sa yo Ricardo! nakakasama ka ng loob!
Therefore, until further notice, I stick with Capt. James.. hmmmppp!!

Kaya mga ka-addiks, suggest naman kayo ng mga romantic gestures ni James kay Maya… pagselosin natin ng husto si singkit..

 

Mukhang napupulsuhan ko na malungkot pa rin ang epi today, as I expected.

Pero mukhang aligaga na rin kayo klasmeyts sa napipintong pagkikita nila Capt. James at Engr. Lim sa San Nicolas Airport. Hahaha!

 

Si Ricardo parang may stiff neck ng pumasok si Maya sa room ni Abi.

 

Kaiyak naman talaga itong si Maya. Nakakasakit ng dibdib. Lalo na ng kausap si Manang Fe.

Super sa galing ni Jodi.

 

Siguro naman obvious na kay Yna na kaya lang nag-agree itong si Singkit sa coffee offer nya ay dahil gusto lang maki-tsismis nung isa tungkol sa interest ni James kay Maya.

Aba’y “I need to go” na agad pagkatapos ma-brought up yun. Hohoho!

What prompted Yna kaya to answer “Ang importante ay kung sino ang gusto ni Maya?”

May ideya kaya si Yna na ang gusto ni Maya ay ang lalaking nakikipagcoffee sa kanya?

Anyhoo, balik sa panonood. Sarap panoorin ng facial expressions ni LIMKIT habang nag-eexplain kay Ina na concerned lang sya kay Maya. Hahaha! Halata namang more than dun yun!

 

“I don’t know Mr. Ventura personally… It’s just that…………..

I’m concerned about Maya.”

 

Infernezz, ang tagal ng pause nya dun. Siguro sa sarili nya di pa nya alam na selos na pala sya or kung alam na nya ay hindi nya matanggap bakit sya nakakadama ng ganun.

Umo-over tuloy ang pagsusungit. Yung galit sa sarili, kay Maya binubuhos. Kasi nga naman, si Maya ang dahilan why he’s feeling that way.

1-8-13

http://i.minus.com/ibexpWtcBJMfY.gif

LUHA

 

HANGG CHAKET CHAKEEETTT!!!

Bilang isang nagmamahal din tulad ni Maya, wala naman din akong ibang gusto kundi makita na proud sa kin ang minamahal ko!

Kaya ang makitang itong si LIMKIT ay nagwalk-out pa pagkatapos ng good news e sobrang chakit talaga!

AJUJU!!!

 

Concerned daw! Nako! Achu-chu niya lang yon. Kung anu-ano pang palusot nito. Ginawa mo pang balde etong si Maya. Wag mo nga siyang buhusan ng mainit mong tubig. Napapaso na yung tao.

 

Totoo na to. Umiyak na talaga ko. Huhu.

Ganito pa rin ako sa epi today:

Abangers na lang ulit sa mga susunod na kabanata… Tom malungkot pa rin. Magkahiwalay na sina Maya at LIMKIT pero itong isa naman laging maaalala si Maya kahit sa mga anak nya.

At anong delay-delay? Hindi kaya to the rescue si prince James para makarating sa paroroonan nya ang prinsesa? Hohoho!

Or kung hindi man, ANONG DAHILAN NG PAGKA-DELAY?

Bakit kaya kailangang ma-delay? Di kaya mauuna pa or halos magkasunod lang sina LIMKIT at Maya pagpunta ng San Nicolas?

Hohoho! So many possibilities.

Ang malungkot lang mga klasmeyts next week pa ata ang napipintong ligaya.

Tigang ulit tayo nito sa weekend.

 

Pls lang bawiin nyang pwede syang magi professor kung yung ganung ka obvious na si ricardo eh di nya pa magets kung bakit “not into her” si boy singkit.

 

Sana magkita sila Maya & Capt J Ventura para hindi na malungkot si Maya. Kaka awa na kasi si Maya…. super affected lang.Naningkit na rin si Maya sa kaka iyak.

 

Sis, grabe. I was half-expecting him to say “I care about Maya.”
Mukhang tigang talaga tayo kahit sa konting tumbling na gaya nito. Baka daw kasi maging assumera tayo.

 

What would it be if we could actually hear what was going inside boy singkit’s thoughts?….

Maya: Ok baby aalis na ako good girl ka palagi ha.
Abby: Yes yaya ingat po kayo…I’m going to miss you po..
Maya: I’ll miss you too baby (pasimpleng sisilipin si Ser Chief)
Luke: O maya mag iingat ka ha and bumalik ka after Christmas, kung hindi susunduin ka namin dun ni abby.
Maya: Opo Ser Chief, este sir Luke pala.
Sabel: Oh maya gusto mo ba samahan kita ke Ser Chief mo para magpaalam?
Maya: huwag na Sabel nag usap na kami last night.
On the other hand, Richard is trying his best at the risk of acquiring a stiff neck…not to look and stare at Maya..
Ser Chief thinking) hmmpp.. if she can’t be bothered to say goodbye eh di huwag!…but damn! I miss her already…
Maya: Sige po manang Fe, ma’am Nikki, sir Luke, Abby, Joma and Sabel advance Merry Christmas na lang sa inyo.

The group: *** din maya.
Nikki: regards to your family..
Ser Chief: (thinking) Aba at talagang walang balak magpaalam!#!# He thought to himself as he practically punched on the laptop’s keys…fine! If you can’t appreciate my concern then its you choice!…but why does it feel like my heart’s breaking? hmmp!

Hahaha heart attack lang Ser Chief? senxa na trip trip lang.

 

Hahahaha gusto ko to!! hahaha! At magugulat ang lahat sa ingay na dulot ng pagmamaktol ni Sir Chief. Haha!

 

Kawawa yung laptop. Ginagawa na ngang excuse lagi, sinisira pa.

Sis, isama mo narin kung ano nangyari bakit pagkasarado ng pinto ni Maya sa kotse, biglang labas etong si Ricardo.

 

http://distilleryimage10.instagram.com/20ca2bda5a2111e28c8722000a1f90f9_7.jpg

Sa IG ko yan ni Aiza Seguerra nakuha.  Confeeeermed! Bumalik na nga sa San Nicolas ang ating prinsesa.

 

Baka pang-new year na itong epi na ito sis. Siguro nakabalik na sila from bora ni Jeff.

 

Sis d ko maview. Nagloloko instagram ko. Huhu. Sabi sa tweet ni nanay Teresita, kanina lang kinuhaan yung scene nila ni Maya. Sabi nya napalo daw niya. Haha.

 

Talaga? Di ko maimagine na napalo si Jodi.

Pero sana light lang kasi kawawa na nga si Maya. She needs support lalo na ang emotional support.

Paano kaya magserve itong si Maya sa Little Pards Chibugan? Natutuwa na ako, iniisip ko pa lang. O kaya no, magseserve na dapat siya sa isang table pero pagkakita niya, sina Richard (kasama ang mga bata) pala ang nakaupo dun.

For sure, kung yan ang mangyayari, ang daming request ni Nikki.

 

Haaay… Kakalungkot ang mga episodes ng Be Careful ngayon. Si Sir Chief naman kasi eh. Ma-pride pa. Ayaw pang mag-sorry.

 

Tulo talaga luha ko sa goodbye ng mag-yaya

Pero teka! tama ba yung nakita ko? parang umirap yung mamang singkit na naka-fenk nung nagkwento si sabel? Juskoh! Kung di lang namumutok yang muscles mo sa braso magdududa na ako sa ‘yo, limkit! Naka-fenk ka pa naman!

 

http://distilleryimage6.instagram.com/55ba31f65a3911e2b41b22000a1f9a15_7.jpg

55ba31f65a3911e2b41b22000a1f9a15_7_zps7e15b49d

http://i1336.photobucket.com/albums/o657/maya_lim12/55ba31f65a3911e2b41b22000a1f9a15_7_zps7e15b49d.jpg

 

Kinilig ako sa picture nila sa top-right. JUSME. Iba talaga ang chemistry ng dalawang ito!

 

Sa coffee shop with Yna…

Yna: Sabi nga ni Sir James its not too late for me to study more and become a professor, but I don’t think I have the time and the energy to take up a masters degree pa combined with the work I do in the office…but I really love teaching our interns.. (Yna goes on and on in an animated voice…recounting stories about the training she gives and the opinions she has of their interns, particularly of how maya has impressed her.)
….as Yna goes on with her monologue…
Richard: (thinking) haay.. naku Richard what got into you? Why did you have to take on Yna’s invitation for coffee? It has been a rather lonngg morning and I would really have preferred to go straight home to the kids and…well coffee is cheaper and tastes better at home anyway…damn that James Ventura! Why does he have to be so annoying! What gave him the idea that he could just wrap Maya around his little finger?! Damn if I’m letting that happen…Maya is…. well she is my responsibility and…..she is an employee…and well, basta I cannot allow a gigolo like that to just fool a sweet, kind,nice, intelligent, considerate, caring, beautiful person like Maya…tama! Kaya ako galit kasi concern ako and what’s pissing me off more is that maya does not seem to understand why… oh well, even so she’ll thank me later for what I am doing.

 

Yna: Richard? Mukhang malalim ang iniisip mo ah..is it work? Well I always say na yang work dapat iwan yan sa opisina.. (Yna finishes sweetly as she drinks from her coffee).
Richard: (thinking) What is she talking about now? woah…pano ba yan I have not heard a word she said to me… haaayy might as well get this over and done with.)
Uhmm Yna can I be frank with you?
Yna: Yeah sure ano ba yun?
Richard: Your boss…
Yna: Si Sir James?
Richard: Is he into Maya?
Yna: (taken aback by the unexpected question…)
I don’t really know Richard eh, all I know is that he is excited to have Maya start her work with us…why is there a problem?
Richard: Oh well, is just that I don’t really know him and well I am just concern about Maya…(with a long pause thinking yeah I am JUST a concern employer, nothing wrong with that right?) And well I don’t want Maya to be distracted from her work and her studies.. (damn Richard! you’re starting to sound like a father! better go now bago san pa umabot ang usapan) Anyways, I guess I better go now.
Yna: Richard, can I be frank with you din?…Hindi na mahalaga kung gusto man o hindi ni sir james si Maya ang importante eh kung SINO ANG GUSTO ni maya.

 

Richard: (thinking ….woah! why the sudden raised heart beat? I guess I should really go home now..this conversation is getting too confusing already…well not really confusing, since I KNOW it is only out of concern that I do this things, but….)..Ok Yna have to go…

Senxa ulit…di mapigil.

 

Uy ang galing ha! saktong sakto yan. FeeliNg ko yan talaga iniisip niya. Haha

 

Kinakabahan na nga ako dito kay Ricardo, sobra na ang denial.. pati sya naniniwala na sa sariling kasinungalingan..

 

https://youtu.be/hevUq3HH7uU

THURSDAY sa “BE CAREFUL WITH MY HEART”

 

Oh may gulay!!!

Lakas ng tawa ko sa sinabi ni Manang Fe! Parang copy- paste lang dun sa sinabi namin kaninang umaga.

“Confidential na pala ngayon ang paglalaro ng solitaryo.”

 

Wow naman at may teaser na..hehehe can’t wait to see the whole thing..haaayyy I wonder ano feeling ni Ricardo habang naoobserve na bukang bibig na ng lahat even his kids si yaya ganda. hmmm… what do you think mga sis?

 

GIFMaker.org

 

Feeling ko sa friday nila ipapakita ang pagpunta ng mga Lim sa SN….pag nagkataon…..magkakagulo na naman dito sa weekend….umaatikabong na naman na walang tulugan!!!

Kundi man baka yun pagdating ni Maya sa SN. Siempre papatayin na naman tayo sa kasabikan tapos sabay lagabag na naman sa lupa ang Lunes…..

Please please please…sir Jimuel…Please be careful with our hearts!

 

Kailan kaya sasabihin ni Manang Fe kay Limkit ang mga katagang nasabi na rin nya kay Maya:

“Ricardo,

Iba na yan.”

WAPAAAAAKK!

 

Maria Donna Romero
Nakakaiyak. Hindi mahalaga kung gusto ni Sir James si Maya. Ang mahalaga ay kung sino ang gusto ni Maya. Oh my G, sana naisip ni SC na sya ang crush ni Maya bago nya nasaktan si Maya. Sana magkaayos na sila, magpapasko pa naman. Ang cute ni Nikki at Nicolo. I wonder if the writer is planning for these two bagets to get together or to just stay as friends. Thank you ABS-CBN for this truly wonderful show. Best teleserye all around. Outstanding casts.

Actually parang yun na rin sis ang sinabi nya when she pointed out na…confidential na pala ngayon ang solitaryo..hehe oh di ba bongga ang hirit ni manang, wagas!

 

Pag nakasalubong ko siya noon nong bata pa siya, di ko siguro siya mapapansin.Ordinary looking lang kasi siya, yong tipong mawawala siya sa crowd.Pero ngayon, kahit hibla lang ng buhok niya siguradong pansin na pansin ko. Could age be the factor?

 

Yup pero meron kasing mga taong ganun na nagiging more good looking kapag tumanda.
Ex. Patrick Demsey, Robert Downey Jr., etc.

And nagmumukhang more mature sila kaya lalong may cool/pogi factory sila.

Iniisip ko nga eh yung mga tao sa paligid ko. Paano kaya kapag kagaya rin nila si Mr. Yap? Di ko napapansin tapos pag tanda, halos halikan ko na ang paa sa sobrang laki ng pinagbago ng itsura.

 

Gina Banadera
cge Sir Chief , ngayun mo ma realise na may nagkaka gusto uli kay Maya aside from Simon (saan na nga pala sya?) dapat ma insecure ka SC..

 

Ayaw ko mang isipin pero, parang kung may love na talaga itong si ricardo kay maya it’s not enough to swallow his pride

Kaya kelangan level up muna ang feelings niya

Gusto ko na cold treatment pa rin si maya to the point na mainlove ng husto itong si Ricardo at ma realize niya ang worth ni maya as a person. Simply as Maya.

Gusto kong halos gagapang na siya, makuha lang ang matamis na ‘OO’ ng prinsesa.

Sadista lang me kay singkit

 

GIFMaker.org

 

Basta gusto ko merong ka-platonic relationship si Maya sa katauhan ni Capt. James..

I like the sound of it ‘platonic relationship’

OT lang: I have witnessed that kind of relationship. I can’t believe it exists. kung makasilbi ang babae sa lalaki, akala mo bf niya. To the point na even the girl’s parents thought they were an item. But lo! and behold! Friends lang talaga sila. The guy has to find the right guy for the girl which happens to be his bestfriend.Inspite of the fact na married na ang girl, the same pa rin sila. looking out for each others welfare. Gus abelgas! meron pala non. I happen to be very close to the girl kaya i know

 

http://i.minus.com/ieBSKyOU694h6.gif

Solitaire

Aileen Pangilinan
Para naman atang d tamang Ganon attitude sa boss kahit nakapagsalita ng masakit.

 

 

Hala, milya milya na ang layo ng imahinasyon… (sana nga soon)

Eh di pa nga umaamin si boy bato…

Panay patay malisya lang kung makipag usap…

Kausap lang ng matino, yong solitaire…

 

Paano na ang unang gabi?

Hep! hep! pigilan ang mga imahinasyon!!!

Nagtatanong lang, di kelangan ng sagot.

 

Yan ang malaking palaisipan! kaya pa kayang masundan si abby?

 

Can’t wait for the episode bukas. I MISS YOU LIKE CRAZY MAYAang drama ni Boy Singkit/Masungit.

Kaya Lim Kids, (Abby, Luke & Nikki) Ganyan nga, wag kalimutang banggitin lagi ang pangalang MAYA. Kung alam nyo lang ang nararamdamang pagkamiss na inyong mahal na ama.

Hala, pinanood ko ulit yong epi ngayon at umiyak uli ako. Ano ba yan…

In fairness, mukhang di na ipipilit ni Ina ang sarili nya, at mukhang tumagos ang sinabi ni Ina kay boy bato…

At si boy bato, mukhang lumalambot na kahit papano..

Malungkot nga…
pero…wala pa ring remorse…

Hindi kaya gugulatin na lang tayo ng mga writers … showing the essence of Christmas…. peace and forgiveness…

Peace and forgiveness sa bahay nina Maya…at sa kanilang dalawa?

…ibulong uli natin sa mga bulalakaw o meteors.

 

Pero kakatuwa naman si Mamang, active sa internet ha. PupuNta ng internet shop at mag wewebcam, ikaw na Mamang!

 

Paanong magiging pilot ng sasakyang eroplano ni Maya si James eh papayag ba si singkit na doon ipabook kay lisa?

 

Liza
So in love with this series. I am hoping that they will extend till next year, till Sir Chief & Maya get married & have kids on their own. Please…..

 

Pasingit lang….I just need to let this out: FINALLY nakapanood ako ng episodes yesterday and today!!! Haaaay. Mukha namang lumalambot na puso ni sir chief, di na kelangan i-pressure cooker….gusto ko magsulat ng fanfic kaso may pasok pa…sagabal talaga ang trabaho sa kaadikan!

Alam mo Sis, naawa ako kay Ina sa eksenang yan…

Sobrang obvious ang pagka “user friendy” nung mamang singkit na yan!

Ni hindi man lang yata inubos yung kape… at ni hindi binawasan yung cake…

Pagkakuha ng sagot sa tanong nya…

Aba eh… layas na agad!!

Haaayyyyy naku!!

Gigil pa din tlaga ako sa kanya!!

Ron &Amp; Priscilla Switzer
MRS. PRISCILLA FROM SAN DIEGO, CA USA
OBVIOUSLY SIR CHIEF VERY INSECURE…FIRST, INSECURE W/ SIMON…NOW W/ JAMES…WHO’S SORRY NOW IF YOU LET MAYA GO?! WAKE-UP!

 

 

Okay na nga si Ina sa “some other time maybe” eh, tapos binawi pa, nagkaron tuloy ng false hopes yung isa. yun pala fishing expedition lang ang gagawin ni user-friendly Limkit. Hay selos nga naman, nakakalimutan tuloy ang manners.

Jealousy, look what you’ve done to me lang ang drama ng singkit! Nagiging ungentlemanly ang mga ikinikilos at pinag-gagagawa

 

GIFMaker.org

 

Kung hindi pa sinabihan ni manang Fe na mas magandang makabati siya hindi siya lalabas ng office niya at hahabulin si Maya?

Palagay ko di nahabol

Pagong eh

 

Hanep naman si Maya, ayos na ayos sa little pard’s chibugan

Parang flight attendant na

 

Winnie R Ontiveros
I just realized that in watching these episodes for the 2nd time around it is inevitable that these because up until now, Maya’s view of Ser Chief is that he is perfect. Pogi, mabango, perfect Dad and perfect crush. In reality, he has his faults as well. This is a test if she is able to cope with Ser Chief’s shortcomings. She has to truly accept the way he is good and bad. This will strengthen their relationship in the end.

As for Nikki and Nicolo, knowing how they are now, kailangan din nilang magdaan sa ganito so they can become good friends in the future. Same same Lang ang moral of the story. Talagang magazine ang script writers.

 

“Ricardo, kadalasan ang magandang intensyon, nababalewala pag hindi mo naipakita sa tamang paraan” ayan Mr. Lim itanim sa kukute mo ang mga sinasabi ni Manang Fe, ng ikay matauhan at magising sa katotohanan na ikay nagkamali. Aprrove?

 

Yung ke abby aba eh walang duda na kaya pang makalima ni boy singkit… After all matagal tagal na ring byudo ao marami na yung ipon…☺malamang honeymoon pa lang nila ni maya eh kambal agad ang resulta.

 

Katapos lang nood episode today..

Grabe ang ko dun sa mag yaya, kaka touch sila.

At ang Ricardo, di man lang nag goodbye sa pag alis ni yaya ganda! asar talaga!

 

https://pbs.twimg.com/media/BAI3DBmCcAASXgQ.jpg:large

Tapos habang pa-ninja akong nagmamasid sa chwirerrr, me nakita ako na parang aatakihin ako sa puso.

MARY VILLARETE
There were comments in previous episodes wherein Maya was too perfect, it’s unreal and she has to show a little anger. Even Ser Chief told her she has to fight back, too. Well, be careful what you wish for. Now she’s really hurt and that makes her very mad. That’s the problem with nice people when they are angered… it is for real.

May I quote an earlier comment on this particular episode: “Para naman atang d tamang Ganon attitude sa boss kahit nakapagsalita ng masakit.” I have to disagree. Unless being hurled abuses at by the boss is part of the job description (and I hope it’s very high paying job), I don’t believe any boss has a right to, nor employee need to take it sitting down, unless you’re a wimp or masochist. 

Ser Chief, meant or not, that was below the belt, especially the part about flirting with the boss. You know this. Be a man.

http://pbs.twimg.com/media/BALQwxpCMAAX3Ur.jpg:large

tsaka eto pala me candid shot. Hehe

 

OMG!!!!!!!!!!!!!!! Ano yung unang PICTURE?! Bakit may bulaklak?? NEW RELEASE lang po ba yan? Anong sabi ng new release? ALBUM? ALBUM? Hahahahaha!!

 

Nakita ko din sa FB yang first pic, yan yung flower na bigay ni Ricardo kay Maya dahil ayaw ni Rafi. Sayang nga naman kung sa maswerteng basurahan lang mapupunta.

 

Yung pangalawang PIC daw po ang bago. Ano namang idudugtong kong imagination diyan sa picture ni Jodi na lumalaps ng junk foods!
Ganito na lang!

Mukhang V CUT ang nilalaps niya diyan. Habang iniisip niya si SC!!! Hahahaha! na walang suot! Ayy este may suot pala.

 

Okay lang yan baks..sana nga magbigay ulit ng bulaklak tong si Limkit yung totoong galing sa kanya..hahaha

Yes umuwi nga ang Maya ..may pic na with family..
ang hihihintay ko na lang lumabas e yung picture na magkakasama sila sa San Nicolas ni Limkit..

03f3c0c433ad11e28ddc22000a9f15db_7_zpsd7e3caa4

http://i1336.photobucket.com/albums/o657/maya_lim12/03f3c0c433ad11e28ddc22000a9f15db_7_zpsd7e3caa4.jpg

 

Ask ko lang si Mutya ba may daddy in real-life para kasing nakakita ng tunay na ama kay Ricardo e at SUS NAMAN WAGAS NA WAGAS ANG CHEMISTRY KUNG PUWEDE LANG SANA KAYO NA!

 

KElan kaya nila kakantahin yung When you say nothing at all?
Sama mo narin yung the way you look tonight.

Ataters mode lang.

Siguro kakantahin ni Kute yung I’ll be there for you kay Maya kapag nabalitaan niyang heartbroken yung kapatid niya.

Hahaha! question ko din yun. Pero ang inaantay ko yung Sorry Na pwede ba. Cute ng pagkakakanta ni SC nun!

39d6298432c711e28a5c22000a1f8acf_7_zpsad5999c8

http://i1336.photobucket.com/albums/o657/maya_lim12/39d6298432c711e28a5c22000a1f8acf_7_zpsad5999c8.jpg

 

Originally Posted by hannahcharrad

hallo kapitbisigers…mejo late nang napanuod ang last 2 episodes and having mixed emotions but sabi nga GV lang,hoping na hindi tatagal ang tampuhan ni limkit at maya and hoping for a “kissable” New years eve nong dalawa…sana na.man…. galing talaga ni jodi nakakaiyak talaga kanina especially w/Abby…….I understand Maya’s pain,but somehow I get why SC is acting strangely after the summit..Think all is well and planned in SC’s mind and heart He will be pursuing maya and reveal his true feelings when the right time comes and that eventually when she will be a bonafide flight attendant.James unexpectedly come into the picture and messed everything up…With the turn of events.SC misunderstood the sudden closeness between James and maya and her apparent promotion from intern to trainee.This actually triggered SC jealousy from this point of view…Maya is slowly slipping away from his family,life and heart….SC who has fallen deeply in love w/maya,doesn’t know how to deal w/his emotions.He cannot just blurt everything out and throw all caution to the wind because he has a lot of things to consider in his life like his 3 kids and his status as an employer….their status as employer/employee relationship????Lets face it SC is not an ordinary one….Unlike James who is Single and could in an instant express say his feelings for maya……………….This glowing TRUTH scares SC….NO END…………….sorry too long my pov addicted na rin talaga sa JoChard and BCWMH… Mornight…KBL

 

You’re right, Sis! Teka baka mamaya ikaw na pala si Sir Chief?! haha! Well, as we’ve seen on the previous episodes like nung sinabi ni James na ‘You’re a Nanny??’ It strikes SC’s heart bcoz that’s the reality. Saka boss nga naman siya, at in time masasabi din niya kay Maya na gusto or should I say mahal niya ito. Alanganin kasi talaga diba. Na yung yaya at amo magkakaron ng relationship, kaya naman sa srili niya di pa niya magawang tanggapin ito. Bumubwelo lang siya at alam ko gagawa ng paraan yan na talagang ikakasaya nating madlang peeps. Hehe!

 

Pamela Farrales
Don’t you feel bad R? Or feel guilty?

 

Guys I’m not sure about this kung talagang may mangyayaring ganito apparently i guess and hope isa sa kanila ang nakakita ng shooting sa san nicholas, this are some of their tweets:

@BCWMH_fanatic @huggles826 Nakikipila na din ata sila ee  Tapos si Maya tumutulong sa Lil Pards!

@DonnaFayette highest level pagmamakaawa..waaah!! Aminan Na to!!! Ang gondo gondo ni maya!! di ko Na hate si Ricardo!

@DonnaFayette my ghaaad!! Nab2liw Na ako.sby ksma mga bata!! Pro dhil Torpe ssbhin eAt lang sa Lil pards chibugan!!

@DonnaFayette Nmn! OMG ****!!! Kinikilig aKooooo!!! #BeCarefuIWithMyHeart ang eksena sa puno!! Ang ulan!! Ang harana! #damoves ni sir chief (not sure about this)

Again hindi ako sigurado kung mangyayari nga ito, I’m just hoping

And oh by the way I think kakauwi lang nila from taping ngayon…..

 

Huwaaaaw!!! Sana naman di na umabot ng february bago natin mapanood yang scenes na yan (if mangyayari man)

Although apparently, the prod team is finding it hard to get past some scenes with Capt. James dahil sa sobrang hectic sked ni Luis. So they tend to shoot some later episodes pa. Kaya din pala minsan delayed ang pag-air nila ng teasers, kasi hinahabol lang sa editing. I just found out kasi that friend of mine’s boyfriend is involved sa series. My friend got delighted na adik din ako so she promises to give up-to-date info kung ano na nangyayari. hahaha! I’ll post agad pag meron na!

 

Ang mga writers talaga gusto tayong magread between the lines.

Una, niremind ni Nikki kay Daddy Sungit yung promise nya mag vacation ulit after ng Baguio trip nila.

Then, eto namang si Luke, sabi kay Maya ay susunduin daw nila ni Abby si Maya pag di sya umuwi.

Hohohoho!

 

Awww. Sana naman ang pagpunta nila SC sa San Nicolas ay hindi super tagal pa ie-air! Miss na namin ang silang dalawa, mga alone moments nila!!

yyvkms

http://cdn.makeagif.com/media/6-07-2015/yyvKMs.gif

1-09-15

————————————————————

 

FLASHBACK<<<<<<< REWIND

VOLUME 11

131  Date Aired: Jan. 10, 2013—Di pa rin nagpapansinan si Maya and Sir Chief. When will they unwrap their true feelings for each other?

 

Ang cute ni Mamang

Bumabanat si Simon  naku Sir Chief, dami mong kailangang gawin para mapa sayo mga oo nina mamang

So pagnagkataon 4 ang aaligid kay Maya sa San Nic..Sc, James, Sim at Lino…ang saya

Type ko na di nakaabot si SC. Di rin naman makatiis

 

Ang orte-orte mo LIMKIT!

 

GIFMaker.org

 

Naku dumadami points ni simon kayna mamang… tsk tsk tsk

Hay naku, SC, ewan ko sa ýo.. hmph!!!!

 

Kuteff family

Nagme-memorize si Cho ng relatives’ names nya..ang kyutt!

Nakalimutan ko, kasama nga pala si insan Lino. grabeng tawanan ‘to for sure!

Kinikilig talaga ako sa kuteff  ako ang kinakabahan para kay Kute

 

Sir Chief, kare kare tlaga, hahahaha… mas naging peborit mo ah..

Will she be okay???

Pamela Farrales
That’s right Maya, you should go home and plan what to do for your training.

 

Satisfied si Manang sa sad/longing for Maya look ng alaga nya

Anong sinabi ni Daddy pogi nung makita yung stockings?

 

Eill she be okay?? hindi ko lang sure if he’s referring to maya or abby, hehehe

 

Maya

Si maya ang gumawa ng stocking

 

“She’ll be okay…”

Awwwww!!!

Hindi! Hindi! Hindi!

Hindi lalambot ang puso ko Ricardo hanggang di ko pa nakikitang gumagapang ka sa paghingi mo ng sorry kay Maya!

HINDEEEE!!!
Ang cute nmn ng family ni cristina rose,,,

 

Oh em geeeeeeeeeee, Maya this is it!!!!!!!!!!!!

Time for the truth na… go go go go go maya! Kapit bisig!!!

 

Sa DVD lang pala. kala ko lumabas sila

 

Hay naku Mr. Lim, ganyan kasaya ang mga anak mo dahil dumating si Maya sa buhay nyo!

Yey! Nakauwi na si Yaya Ganda! no James in sight, so paano napunta yun sa San Nicolas?

Winnie R Ontiveros
Jodi is such a fine actress. She brings out all the emotions as needed. When she cries, even just with the paalam to Abby e my heart hurts already. Ser Chief hummable ka pa…too late na.

 

Wahh bongga ng KUTEFF kilig

Ang cute ni Papa Pards at Junior Pards…

 

Cute nina Kuteff at cho, one happy family.

Yung isang mamang singkit dyan may namimiss. Buti nga sayo sa Ricardo.

 

Not sure sis kung nakapunta ng San Nicolas si James.

But the sure thing is napunta sya ng San Nicolas airport. Dun ata sila nagkita ni Limkit based dun sa tweet ni Mr. Richard Yap na may taping daw sya with Luis Manzano the other day.

 

GIFMaker.org

 

Baka naman walang mahanap na flight ang Lim family kasi holiday nga, kaya private plane at nagkataon lang na si Sir James ang pilot?

Ay ewan ko

 

Si Kute may Papa Pards at Junior Pards.

Dapat si Bunso meron din,

Ser Chief at Chief Jr. (from sis Bio).

Hohoho!

 

Na delay lang ang flight hindi naman na cancel. kaya gabi na nakauwi si maya

 

Ang sad naman, wala tao sa bahay…

 

Naku Maya walang tao sa bahay nyo, andun nagdinner kena Simon. Wawa naman, wala man lang sumalubong.

 

 

Sir Chief ang lungkot ng Pasko mo! Kinikilig ako hahahah

Awwwwwwwwwwww planado na ni Abby ang next Christmas nila

Si Bugoy na naman ang unang nakakita kay Maya  amuyin ba daw

 

Wag na simon, wag mo na ihatid,… pwede????

Kasi may magandang gift sa bahay nila…

Master chef na si sir chief, hahaha..

 

GIFMaker.org

 

Before I log out, ang sakit

 

n nmn sa puso ng episode bukas…

Sana nmn si Sir Chief unang mag-greet, baka nmn maunahan pa sya ni Maya…

 

Hanggang kailan pa ba magdurugo itong puso natin sa epi ngayon…e talagang tinudo na yata ang drama ah…imagine…whole week, ‘d na maka get over sa iyak…

 

Tapos tom, sobrang iiyak na talaga ang ating mahal na prinsesa sa pag-amin nya kina nanay Teresita at mamang na hindi naman sya galing sa Dubai.

Huhuhu.

 

Sinabi mo sis, ubusan lang ng luha ang drama ng mga adiks this week.

Sana lang next week tears of joy naman, para makabawi.

Kaymiez Jadulco
maya ilove you talga hayaan mo si ser cheif mamamiss ka rin nya mag sorry na yan

 

You know it’s really really something na when it’s OMGEEE Nikki ang nakakamiss kay Yaya Ganda!  I’ve been wishing for a scene like that  tapos ganda rin ng banat ni Luke, “Si Daddy kasi pinayagan umalis e.” and of course baby Abby!
haaaaaaaayyyyyyyyyy so heartwarming yung scene na yun  e kung maka-what what naman etong si Ricardo kay Manang Fe, defensive lang! hayy so obvious

Iyakan kina Maya tomorrow.

 

Patigasan kung sino una babati ng Merry christmas

Hoy Limkit ikaw una dapat magtext

 

Pero napansin ko mga ka-bisyo, teary eyed din ang singkit kanina nung hawak nya yung mga tansan (ano ba yun? sorry di ko alam. hoho), basta yung hawak nya yung ginawa ni Maya.

 

Ikaw ba naman, naka palibot lahat ng nagpa-alala ng resulta ng kasungitan mo…kaya hayan…magdusa ka

Awww the Lim kids na miss na si Maya… ayan Ricardo nasisi ka pa pinayagan mo daw kasi na umalis

 

Kakalurkey lang ng episode today.. hahaha

Kung kailan umuwi si Maya kumakatok na sa bahay saka naman walang tao… at si Bugoy na naman nakakita sa kanya.

At si Limkit na BANG-BANG ng mga anak niya.hahaha
lahat sila si Maya ang bukambibig.SC aminin mo miss mo na siya..?!

 

Sana naman kung gaanong nakamamatay sa lungkot ang episodes this week ay bumawi naman ng nakamamatay sa saya at kilig ang next week.

Dapat: BUONG NEXT WEEK ay maiihi na ulit tayo sa kilig!

Please lang!

Sana talaga… Keeping my fingers crossed.

 

 

 

Help! anung ngyare after nung may angaroling? nadisconnect ako sa iwantv e. Huhu. May na missed ako na scene??

Sabi ni Nikki, “Wow baby. You’re helping talaga.”

Sabi ni Abby, sya daw ay “little lady” na. Dapat daw matuto na sya sa gawaing bahay.

Dun na nasabi ni Limkit yung sa teaser na, “That’s my baby.”

Tapos sabi ni Abby, “And yaya’s baby too. Sya po nagturo sa akin nun e.”

Tapos sabi ni Nikki, “Awww. Namiss ko tuloy si Maya.”

Sabi naman ni Luke, “Si Dad kasi, pinayagang umuwi si Maya.”

Nasisi pa ang mamang singkit! Hohoho!

Tapos binigyan ng makahulugan na tingin ni Manang si Ricardo.

Yung alaga naman nya ay defensive. Ang sabi e, “What Manang?”

“Wala, Ricardo.”

Hohoho!

 

Tapos ayun, nakita na nga ni Bugoy si Maya. Inamoy-amoy pa para daw makaamoy naman sya ng stateside!

Ayun. Teaser na.

 

Si Manang Fe talaga! Hahaha

Napa-“Manang, what?” tuloy si Sir Chief

 

http://i1336.photobucket.com/albums/o657/maya_lim12/eadb97865adc11e29f1422000a1fbc0e_7_zps7216762e.jpg

from @superjanella:

Ron &Amp; Priscilla Switzer
MRS. PRISCILLA SWITZER FROM SAN DIEGO, CA USA
SIR CHIEF FLY LIKE AN EAGLE…SOOO HIGH EGO! AND BUT OF COURSE MAYA’S JOB IS A NANNY AND SIR CHIEF IS GRUMPY RICH GUY! THE DIFFERENCE IS THE STANDARD OF LIVING!

 

 

CONFEEERRRMED!

Sila ay nasa palayan ng pinagpalang bayan ng Pila, Laguna a.k.a. San Nicolas!

Hahaha!

 

Anong hinihiwa ni singkit?

 

Delikado ah, baka magkainuman sa bora eh iisa lang ang kwarto ng kuteff

 

Buti pa si Cho, magiging kuya na. Si Abby, bunso pa rin. Hohoho!

 

Kailangan magkainuman din sa San Nicolas!

 

Kailangang may magpatagay dyan sa mamang singkit na yan!

 

Dapat ata lasingin yan para dumamoves na!

 

Yes at ang iinumin nila e lambanog ba tawag dun,?!hahaha

Kasi sanay sa pangmayamang alak ang mamang singkit kaya ibahin natin at sana malasing ng bongga para may Chief Jr. na pagbalik ng Manila.hahaha..

 

Sana sa teaser tom after ng epi e ipakita na ang scene ng Lim family sa San Nicolas airport.

O di kaya yung scene kung san mag-aagree sila na magbakasyon sa San Nicolas.

It’s either ang mga bata ang magyaya o si Limkit.

Excited much na ko!

 

 

 

Sabi sa iwanTV episode details for today:

“When will Maya and Sir Chief unwrap their true feelings for each other?”

Hay naku! Exactly our question!
Kailan nga ba?

But I really have a good feeling about next week.

A really, really good feeling. Hoho!

 

Alam mo Limkit

The fact your always thinking of Maya and everything seems to remind you of
Maya means to say..

YOU LOVE MAYA!

Get it into your stupid head

 

speaking of taping….

Nagkwento sa akin ang mother ko nung monday nagtaping ang cast ng BCWMH sa marikina, sa may cityhall, kasama sa scene dun sila luis manzano, si sir chief, luke, nikki and abby, ang scene parang nasa airport daw…. tuwang tuwa nga mother ko kasi nakita nya si sir chief sa personal…. sayang lang at nataon nasa office ako pag nagkataon wala ko pasok nun malamang nandun ako para manood  ang dami kasi nanood daw tilian sila lalo na at nandun si sir chief pati si luis manzano.

 

Jean Boucher
jodi is so good.when Maya cry all of us here in Montreal cry toooooooooo

 

GIFMaker.org

 

Ano kayang pinag-usapan nila dun sa scene na yun no?

Magthreat na kaya ang mamang singkit kay Captain?

Yung tipong,

Richard: We are going to celebrate New Year together with Maya in her province. Just letting you know, Mr. Ventura.

James: Oh I see Mr. Lim. Well, she’s going to spend more time with me naman pag naging trainee na sya sa flying school. I don’t think I need your permission if I’m going to be her pilot?  Well, just letting you know too, Mr. Lim.”

Richard: (cool lang for a change) Go ahead, Mr. Ventura. At the end of the day, she’ll be going home to my house. To OUR HOUSE. Just letting you know again.

Need to go. Maya’s WAITING for ME and the kids.”

Hohohohoh!

 

Conchita L. Sanchez
sir chief ka talaga,
masyado mong pinahihirapan sarili mo…
hehehe lunukin mo na kc yang pride mo noh,
cge ka, kw rin di mo ma fe-feel ang real happiness in life

 

ipa EB na ‘yan sis…Friday na kasi bukas…need ng maraming vitamin K para sa drum na drum na luha na umagos sa ating mga mata this week….

MGA EB writers namin….fanfic naman diyan oh, please lang…

 

Galing mo sis.. gusto ko yang mga ganyang palitan ng linya ng dalawa..

At ansaveeeh ng going home to my house ..OUR HOUSE.. ni SC .hehehe Winner …

 

Ang galing mo in the end si Ricardo pa rin ang panalo sa pang-aasar… i like it!

 

Bakit ba laging si bugoy ang unang nakakakita kay Maya? 

 

Bwahahaha tanong ko nga din po yan eh!

Kalurkey lang inamoy-amoy pa si Maya.. kung ano daw amoy ng stateside..

 

Anong oras naman kaya ang becarefulwithmyheart kung 11am yung minute to win it

Sana maglaro si singkit don

 

Sana madagdagan pa yung mga pang araw na show…

Iurong pa hanggang umabot na sa Primetime itong BCWMH!! Mas gusto ko yun!

Si Singkit sa show ni Manzano??

Nakow!! eh pabilisan yan di ba?

 

Hanep sa San Nicolas, walang nakawan siguro, bukas yung pinto ng bahay nina maya eh 

Hahahaha oo nga! Pansin niyo pati bintana at mga ilaw bukas wala namang tao! Haha

 

True ,,kakalurkey pwedeng pwede tayo pumasok sa bahay nila
kaya tara na San Nicolas na tayo.. hintayin natin si Mamang Singkit dun.. paampon muna tayo sa mga Dela Rosa

 

 

 

May ganyan po talaga sa probinsya hindi uso ang susi o padlock sa bahay

 

http://www.marikenya.com/wp-content/uploads/2013/01/542118_4584199397614_1659610040_n.jpg

Hmmm..mukhang walang agawan o tug of war sina SC at james in this pic.

 

Love ko talaga ang mga kapwa ko adiks dito…


Kase talagang share2 lang ng share sa mga scoops and happenings sa tapings 

 

Agree ako sis! lagi updated at walang nagpapahuli. Lahat binubusisi walang pinalalagpas. talo pa mga reporters

 

I think sa next week nila papalabas yung scene na pupuntahan nila si maya sa San Nicholas kasi yung for tom na epi na pic nila ni man ang fe naka post sa twitter ni Jerome ponce 5days ago pa, eh dba nag Kanya kanyang vacation pa si Jodi At Richard and ayon sa tweet ni Jodi 3days ago Nag start yung taping Niya yung tweet Niya na off to work maya mode on….

Hehehe excited Lang…

 

Ako din sis! Positive ako na next week na itech. Kasi naman, anong gagawin nila for next week? Ipapakitang emo-emohan ang mag-amo dahil magkalayo? Hoho.

For sure, next week na ito at kung maaalala natin, may mga pahiwatig na. Una, nung niremind ni Nikki si Daddy Singkit na magvacation ulit sila after nung Baguio. Tapos yung sinabi ni Luke kay Maya na susunduin daw niya kasama si Abby si Maya pag di sya bumalik.

At yung kanina sa episode na miss na ng kids si Maya.

O di ba? For sure, next week na ito! Sana talaga, pure bliss na next week! Bawi bawi naman!

 

Ang nakakatakot dagain bigla o matope ang mamang singkit.

Dalhin na lang ang kids sa lahat na ng sulok ng San Nicolas maliban na lang sa bahay nila Maya.

Hohoho!

Pero for sure, hindi naman yan.

Syempre sasabihin ng mga kids, “Di ba dad taga-dito si Maya? Can she be our tour guide?”

Hohoho!

“Sana matikman ko ulit ang suman sa latik ng nanay ni Maya! Oh my gee!”- Nikki

“I miss yaya, daddy. Can we go to her house na po?”- Abby

“Tara dad. Para sabay na rin sya sa tin pag-uwi.”- Luke

In short, walang ligtas! Hahaha!

 

Kakatuwa ka talaga sis! Napaka bright mo sa ideas ng mga scenes. Panalo ka talaga

 

Pero hayyy kamusta naman yung Tansan Bells episode kanina ng MMK? oh ayan ah, ako na ang nagbansag ng pangalan. Tansan Bells yun okay? Tansan Bells! lol.

 

Tansan bells. Salamat sis! Di ko talaga ma-figure out ang tawag dun e. Akalain mo yun? Yun lang pala ang tawag dun! Hahaha!

Akala ko “solitaire” ang title ng MMK kanina.

Pero oo nga. Tansan bells nga.
Oh my gee! Nabuhayan talaga ko ng loob dito:

@sylviasanchez_a gandang araw? taping na po b ulet *** *****?kasama nio po cna @superjanella at lim family?

@busilak0826 yup:-)

YEY!

Sana by magkasama, it means, kasama talaga sa eksena!

YEHEY talaga!!!

Magbunyi! Magbunyi!

Sige, reserve ko muna next week. Ayokong humopia. Hehe.

 

Hay sis can’t wait sa mga ganyang eksena…. mag fiefiesta na naman tayo….
babawi ang mga taga BCWMH sa atin… dahil balde balde na yung luha natin this week…. happy fiesta na naman ulit

 

 

 

Hala sige!!!! dalian na natin at magkakabit pa tayo ng mga bandaritas!!!!….ang mga balloons!!!! pukpuk palayok go!!!!! at siempre wag kalimutan si liempo…..para sa putok batok na menu!!!!! yahey!!!!! Pasko na talaga!!!!!

 

To my dearest Kabisig Patrolers!!!! sige lang ng sige sa pagkalap ng mga ebidensha…..ang gagaling nyo talaga….bilib ako sa mga pagsasaliksik nyo….di bale….pasasaan ba at masosolve din itong mga hinaing natin!!!

To my Kabisig Patrolers…Goodluck!!!! Kayo na talaga ang Patrol ng mga Adik!!!! Hoooray!!!!!

 

Ayan… sasabihin na ni Maya ang katotohanan.

 

Notting Hill pala ang pinanood ng Lim family… wala lang ehehehe!

 

Is it just me? Bakit iyak ako ng iyak sa episode today, tapos nung teaser na, humagulhol ako, promise!

 

Pagdating sa San Nicolas, magkakagulatan na lang ang dalwa.

Pagbukas ng pinto,

Maya: Ay kabayo! Ser Chief?! What are you doing here?

Richard (naaligaga): What are you doing here too, Maya?

HAHAHAHAHA

 

http://imageshack.us/a/img20/1181/c1001k.jpg

SOLITAIRE

 

http://imageshack.us/a/img831/5295/c1002k.jpg

Kelan ba babalik ang mga ngiti sa inyong labi at kislap ng inyong mga mata…namimiss na namin kayo!!!!

 

http://imageshack.us/a/img841/5725/c1003.jpg

 

http://imageshack.us/a/img534/5664/c1004.jpg

TANSAN BELLS

 

Originally Posted by gorgeousgeek07

http://imageshack.us/a/img20/1181/c1001k.jpg

 

Gina Banadera
Grabe naman mag tampurorot eto si Sir Chief at Si Maya..pasko na kaya bati na kayo please ibalik na yong sigla Maya.. miss ko na maging masaya ka.. tomorrow uli..weehhhh…

 

c1001k

http://imageshack.us/a/img831/5295/c1002k.jpg

 

Erlinda Dela Rosa
Super super like this teleserye…Everyone is so good..esp. sir chief and Maya….Super ang chemistry nilang dalawa..wala nang tatalo pa….Forever the lang sana ang teleserye na ito….thumbs up sa writer nito…This is what we call a “feel good teleserye….”!!!!! This teleserye always make my day !!!!

 

 

Evangeline Henriksen
sana maging masaya ang Christmas nila lalo na si Maya…..

 

c1002k

http://imageshack.us/a/img841/5725/c1003.jpg

 

Veronica Pantilano
Another great episode! Mukhang nararamdaman na ni Sir Chief kung paano pag wala si Maya!

 

c1003

http://imageshack.us/a/img534/5664/c1004.jpg

 

Angelita Francisco
ay grabe bongga sa kilig ako sa scenes ni sir chief at maya! NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHAHAH!!!!!!!!!!!!!!

 

c1004

 

Ms. G, yun bang mga magagandang gawa mong ganito, di ba pede ilagay sa EB? parang library lang talaga…ang galing galing kase ng mga work of Art mo!!! your so galing!!!!

 

 

Magtatagpo pala ang landas ni James at ni Ricardo.. uy mga kabisig, wag nyo naman apihin si James ha.. alam kong love natin lahat si Sir Chief, pero di ba mabait naman si James Ventura kay Maya.. so pleeeeeaaaassseeeeeee..

Team James pa rin ako for now… I have a feeling dyan sa paguwi na yan. I think it would still be under the guise of the kids missing Maya, or the family wanted to go somewhere for vacation. But.. if Sir Chief will say that he himself misses Maya.. bye bye James, it was nice meeting you.

 

“Lahat na lang ba paniniwalaan mo?”

Sabi ni LIMKIT kay Maya.

Aba Maya-bells, wag nga naman!

Eto kasing mamang singkit na to, may pagkasinungaling din e.

Si Abby daw ang gustong kumausap sa yo nung summit, hindi naman pala.

Tapos, confidential daw, e nagsosolitaire lang naman.

Pambihira!

Kaya pag sinabi ni SC na,

“You can’t flirt with your boss!”

Wag kang maniwala!

Ang ibig sabihin talaga nun:

“Yes, you can flirt with your boss! And that boss is only me! Akala ko ba ako ang crush mo?”

 

Aba talagang malalala na talaga ang tama nitong si ricardo. Talagang inlababo na talaga hindi man lang nag react sa lovelife ni nikki. Yung ibang tatay pag ganyang parang nagkakaroon na ng lovelife ang mga dalaga nila eh nagiging istricto pero si daddy dedma kasi nga busy din siya sa lovelife nya.

 

Excited na ako na si SC naman ang maging tuliro.  Yung tipong Maya ang peg like this! Assumero din konti. Boy version lang ni Maya si singkit!

 

Manang Fe: Confidential na pala ngayon ang paglalaro ng solitaryo.

Ricardo: And now you are telling me that AMALAYER?

AAAMMMAAALLLLLLAAAAYYYYYERRRRRRRR???”

Manang Fe: AmaaaaSsssAaaaaVeeeHHHHH???

HAHAHAHA

Naloka na ko!

 

Ang cute ng kuteff

Mamang

Ok ang epi today, medyo di mabigat sa dibdib

Sana dagdagan pa ang pag torture kay singkit

I’m bad

 

Naloka naman ako sa MMK! akala ko maling thread ako. yun pala dahil sa drama ang week na ito ay MMK na ang tawag ng mga classmates ko.

Kamusta naman ang pag BR ko. mukhang andaming homework ko magweekend nalang di pa ako makakahabol sa sobrang bilis.

 

https://youtu.be/W4tfVjwRGGo

Ohn Lennon Jealous Guy Lyrics

 

Ito dapat kantahin ni ng Mamang Singkit

 

https://youtu.be/H0sH-oA9qpI

Teaser Friday

 

Halooohhh mga kakosa! Musta naman ang BR ko??

Para naman tayong palaka sa PEX. Patalon-talon ng ilang pahina sa sobrang bilis.

Anyway highway, nagka premature kilig ako nung nabasa ko yung mga tweets na nasa Little Pards Chibugan ang Lim family.

Akala ko nagkatotoo ang pangarap ko na kunwari kakain sila sa kainan nina Maya pero sa totoo, nandun sila dahil miss nila ang prinsesa.

 

Nay naku! Nag hihintayan pa yung dalawa kung sino mauuna mag text. Kaloka talaga kayong dalawa, pinahihirapan nyo sarili nyo. pati kami pinahihirapan nyo.

 

May Share lang ako na funny tweet ng nanay ni maya:

Hi nanay Teresita @sylviasanchez_a- pbbalikin nyo pba c Maya s mansion ni SChief Lim?
@imMarlenna depende sa kontratang iooffer ni sir chief- kasal, bahay at lupa payag ako haha, para sumosyal naman kami haha

Pero may Tama siya! Hahaha

 

Hala, ang ingay dito sa Principal’s office.m
Anong meron.. Baka lahat tayo bigyan ng exam pag nagsungit na naman si principal boy bato..
At essay ang gusto.. Question: How do you mend a broken heart?

Inggit naman ako… Pauwi pa lang ako.napasilip lang.

 

Number 2.

Does absence really make the heart grow fonder?

Number 3.

Where do broken hearts go?

 

Number 4

How do you know if someone really likes you? You know, REALLY likes you.

Number 5

How do you say I love you. (Step by Step procedure!)

Directions (sa umpisa dapat ‘to nakikita):
ALL ARE TO BE ANSWERED IN ESSAY FORMS EXCEPT Number 5. (5 paragraphs each)

100 pts each. Right-minus wrong!

Get zero and principal’s office you go.
HAHAHA

Ang orte-orte mo principal ha?!

 

Ang kilig umaapaw. pero knowing Ricardo baka waley tayo mapala sa kakaantay. kailangan pa para matauhan.

 

Sorry, just want to say thank you sa lahat ng taga PEX for visiting our other home sa Excess Baggage.

To the writers, I can’t thank you enough for your contributions.

Shout out to sis gorgeousgeek for recently posting her videos there too. Muah!

 

Originally Posted by miganne

Ang bagong oras ng klase natin next week mga classmates eh
11:45 am na …

 

Move ulit ang lunch break. Buti na lang walang gutom-gutom sa atin.

Busog na tayo, makita lang ang bulging muscles ni Principal tempting us to “TAKE A BITE”.

Pambihirang buhay yan! Hohoho!

 

Gamitin kaya ni singkit ang Christmas gift ni Maya sa kanya?

 

si doris pala yung nagtext na may mwahugs

 

Hahaha… oo nga pinanood ko ulit si Doris pala yung nag text, laughtrip talaga yun kahit wala sa eksena eh nag paparamdam parin ang bangs niya…. ang kulet

 

Super duper excited na talaga ko for next week! Alam kong mahal tayo ng mga writers kaya pagkatapos ng isang linggong kalbaryo,
Isang linggong (and more) ligaya ang kapalit!

GOOD VIBES lang! At mangyayari talaga ito. Sabi nga ng isa nating kabisig, i-CLAIM NATIN! WOOHOO!

Confirmed na talaga sa tweets ni Ms. Sylvia Sanchez na magkasama sa taping ang Dela Rosa at Lim family. Yehey!

 

Meet the family lang ang peg.

Meron rin palang family reunion etong sina Maya.

 

Sa kama daw sina kute at cho, sa couch si jeff

Baka naman pagkagising nila si cho ang nasa couch at ang kuteff nasa bed

 

Ay masaya yan….magiging kuya na si Cho…

 

Nakakaloka nga sis.

The things that happen, hindi pa man din sila.

Ang selosan.
Ang tampuhan.
Ang pagiging MU na tayong mga viewers lang ang nakakaalam.
Ang LQ.
Ang cool off.

At ngayon:
Meet the family.

Huwaaattt???

 

Ang ganda ng reaction ni singkit after niya nakuha yung gift ni maya sa kanya, parang saloob-loob eh ang sabi “how sweet”
“What, manang?”

WHAT-watin mo nga ng walis tingting yang alaga mo, manang Fe!

 

Naku, di ko kinaya yong episode ngayon..
kinailangan kong ipause para umiyak.
Natapos ko din..

Histsura ng bopis na puso ang nangyari sa akin… tadtad na tadtad ang puso ko..
Waah!!! kinailangan ng triple bypass operation..

Parehong side… malungkot…

Kulang na lang akong pumindot sa cellphone ni boy bato para itext ot tawagan si yaya ganda…

Kelangang kelangan pa naman ni yaya ganda ang reassuring words from a love one..

 

Uyyy si Limkit, halatang disappointed kasi ang nagtext ay ang BANGS at hindi si Maya…

Hohoho!

 

Sobrang tawang tawa nga ako dyan eh….

Merry Christmas sa pinaka mamahal kong
pamilya sa maynila.

Mwahugs….
Doris

Toink….

Hahahaha… nakakatawa pati reaction ni sir chief

 

Kaya mo yan sis.

Basta isipin na lang na…

“There’s always a rainbow after the rain.”

 

Gulatin natin si SC para bigla niya mapindot yung cellphone niya at matawagan si Maya.

Maya: Sir Chief?

SC: Ay. Sorry. Wrong button lang yung naclick ko. Bye!

Maya: Ah, okay. Buh-bye.

Lol. haha! Torpe si SC! haha! Adik lang talaga eh noh.

 

Grabe, naghahalo na ang mga nababasa ko sa EB sa mga napanood ko. minsan, i mistake what i read dun sa takbo ng show. hahaha! me and my wild imagination! well, kasalanan ng writers sa EB kasi sobrang nakikita ko sina Maya and Richard sa stories niyo!

Ok, here’s what I gathered from my friend (which I wasn’t supposed to share pero di ko mapigilan!) lol!
Apparently, there is a bigger reason why SC and the kids went to San Nicolas to follow Yaya Ganda… it’s because —
Maya has decided not to return. She resigned!

 

Mike
pakipot si niks hahahahahha bagay sa kanya ang ka artihan hahahhaaha maya … sa tingin ko ikaw naman ang hahabulin ni SC..

 

 

For real? Baka naman dense lang ako at hindi ko lang makita ang sarcasm sa mga sinabi mo.

Kaya niya bang iwanan sila Abby? Bakit ganun?

 

paano yung kasunduan nila?

 

For realz, ate ugeh!  Kanina, I had to backtrack some episodes kasi may humalo nang EB story sa memory ko! probably because I finished all the stories in just 2 nights of me reading between 11pm til 4-ish ng madaling araw! lalo akong naadik!

I think after some time of thinking (o pwedeng suggestion nina Nanay T and Mamang???) kaya siya nagdecide ng ganun.

My gosh! ayaw magpapiga nung kaibigan ko at malalagot daw siya! nabasa na niya yung script, for goodness’ sake! pero yun lang ang na-share niya sa ‘kin.

 

Omg!!! Promise?????

 

GIFMaker.org

 

It’s what my friend shared with me. at pag di yan totoo — haysh! kukurutin ko siya sa singit! nyahahaha!

 

Naku,naku, naku… wag naman…
Breach of contact este contract pala yan..

Nawindang ang utak ko jan sa news na yan!!

 

HEHE! Let’s see, for sure makikita natin yun since may patikim for monday episode. Hay grabe. I cannot wait.

 

Haaa??? Napalitaw ulit ako dito

So magbo-board na lang sya habang nagti-training? O sasama sya pabalik sa Lim family?

Lungkot naman nito

 

Bakit niya gagawin yon? Kung sinuggest man nina Nanay T o Mamang, dapat inisip niya rin yung baby niya na iiwanan niya. Sana naman hindi nila siya pinilit na magresign dahil lang nalaman na nila na sa Pilipinas siya nagtatrabaho.

Akala ko pa naman, dahil naisipan na ni Ricardo na magsorry kaya humabol siya… yun pala, dahil nagresign si Maya.

Nasunog na naman nag HOPE ko.

 

Well, kahit ganun, it’s really effective dahil napatakbo ng di oras si Mr. Lim sa San Nicolas. ANd he better ready himself one heckuva’n apology and win her back.

 

Kakalugmok naman yung balitang yan. siguro nakwento ni maya kay nanay t at ka mamang yung crush nya kay limkit at ang heartbreak nya kaya di na sya pinayagan bumalik

 

Parang torture na talaga ang week na ‘to.

NAKU RICARDO! Dahil sa’yo nagresign si Maya!!

G-R-R-R talaga!

JR R
ARAYYYY! may kurot etong episode sa heart ko. Masakit din ba Sir Chief na Maya is not around this Christmas?…
Debbie Alvarez
I love it when Sir Chief gets jealous! Nakaka-kilig talaga! Sana bumawi naman si SC pagbalik ni Maya. Pag sobrang na-miss ni SC si Maya, baka sunduin pa nya sa San Nicolas. waah, can’t wait for the next episode! BCWMH forever! 🙂

Syempre, kahit naman nag-away sila ni Maya, he still wants her to be his employee (nanny ni Abby) and his kids do miss her so much(kakaalis pa ngalang, miss na siya agad eh).

All this time, we believed that he went there because he wanted to apologize to her, to win her back and bring back the happiness and friendship(maybe more?) that they both had when they were with each other.

Ayoko na talagang maging assumera. Nasasaktan lang itong puso kong mamon.

 

Nakakaloka yang balitang yan..windang pa rin ang drama ko.

Paano yan !, nagresign pero babalik ng Manila para mag-aral at mag-intern ..ganun ba ang magiging drama niyan, kaya may I sugod sa San Nicolas ang Limkit at kids dahil nga nagresign si Maya..??Ang gulo.wahh kakaloka.

 

I get what u mean, sis. ang taas ng expectation natin kay Boy Singkit tapos ganun.

But i think he has to maintain his “stiffness” for the meantime. basta isa lang gusto ko, magkasama na ulit sila — face to face! at hindi lang sa split-screen. hehehe!

 

Ricardo! Paturo ka kay Kute kung paano mangharana! Dali na! NOW NA.

 

Okay kalma ,, kalma!

Kalma lang tayo..itong week na ito e kinaya na natin ,, kaya kung ano man ang mangyayari nextweek e kakayanin na natin yan! kapit-bisig lang..diba classmates??

Wahhh pero ang hirap naman nito..torture masyado.. pero keri basta
–magkaka-ayos sila..magkaka-ayos sila
at magsosorry si Limkit ,magsosorry siya..

 

Magreresign si Maya?

Paano na si baby Abby? Ajuju.

Pero isang napakalaking wake up call nito kay Limkit.

Dinaig nito ang fire alarm sa pagdagundong sa puso niyang tuod.

Mas lalo tuloy ako na-excite!!!

Kasi for sure, hindi lang si Maya ang susuyuin nya para bumalik na ito sa kanila.

Sina Mamang, Nanay at Kute rin.

Hohoho!

Go Limkit! For once in your life, magpakabayani ka naman!

At sana yung reason mo to beg Maya to stay is not just Abby…

Okay na si Abby kung tutuusin kaya pwede na rin syang iwan ni Maya.

 

Sana for once lang Limkit, magpakatotoo ka na sa sarili mo!

Excited much na me…

 

pero teka, teka… pano magsasabi si yaya ganda? thru text/call or email?
eh di ba di pa sila nag uusap?
ang sakit naman kung yon lang ang conversation nila after the LQ..
talaga lang cool off? waah!!

 

FOR ONCE RICARDO, be the hero! Sweep them all off their feet. Wag ka nang babagal-bagal na parang pagong. Dapat nagtransform ka na kapag na balitaan mong nagresign na si Maya.

Dapat naging cheetah ka na para mabilis umaksyon.

Lundagin mo na kaagad si Maya!

 

Kalma mga adiks.

Sobrang niyayanig na ang mundo ni Ricardo.

Ikaw ba naman, nalaman mong crush ka ng taong crush mo rin naman?

Nag-agree kayong normal lang pero iwas ng iwas yung isa.

Excited kang umattend ng summit dahil kasama sya pero obvious namang ayaw ka nyang kasama.

Nakita mo syang ininsulto nung lalaking maangas tapos maya-maya, nakikipagtawanan sya dun e samantalang ikaw, tigang ka na nga sa atensyon nya.

Bumulusok ka at nakapagsalita ka sa kanya ng di maganda.

Nakita mo syang umiyak.

Di mo alam kung anong uunahin mo.

Guilt ba.

O yung selos/pagkainis mo.

Lucy Anne O’Carroll
woww, very touching, napaiyak na naman ako ky Maya….but super kilig pa rin kahit LQ cla…..yan Sir Chief “Absence makes the heart grow fonder”. Abby is so sweet to Maya, di talaga kakayanin ni Abby kong aalis s Lim’s family c Maya….kahit c Luke at Nikki parang part of d family na rin turing nila ky Maya…. Goodluck Maya..take note, sabi ni Luke “pag di ka babalik, cla talaga susundo sa u sa San Nicholas” hayyy loves ko yan….At ang ma-pride na iba dyan sana lunukin na nya yong PRIDE PRIDE na yan….& by way mg-moment na din c Kuteff sa Boracay…he he he…Manang Fe, ur the best also ….the best talaga ang BCWMH, kompleto rekados

 

Alchie Ruda
hayan Sir Chief….torture d ba puro yaya at maya nalang bukambibig ng mga kasama mo sa bahay…ibang level din pride chicken mo…

Kaya nagsusungit ka na lang.

Pinauwi mo na lang kasi akala mo pagbalik nya magiging okay na kayo.

Yun na yun mga ka-bisyo!

Masyado kasing complacent si Ricardo.

One final shake sa mundo nya:

Ang tuluyang mawala na sa kanya si Maya.

Gumiba lahat ng pretenses nya dito e.

Anong pride-pride Limkit? Iba na ‘to!

Akala mo babalik pa sya sa yo no?

Akala mo magiging okay ulit ang lahat?

Akala mo magiging okay na ikaw kalma lang at walang ginagawa?

 

Sige tingnan natin.

Sabi nga nila,

“You don’t know what you’ve got till it’s gone.”

Ano ka ngayon Ricardo?!

Nganga pa rin?

Pong Pagong pa rin?

Aba’y kilos-kilos na!

MAKE OR BREAK

NOW OR NEVER

ang drama!

 

SWAK NA SWAK! IKAW NA WRITER SIS! HEHEH” YOU ALREADY!
May iniisip ako, ano ibigsabihin ni Luke na “Start of something new” sa tweet niya kahapon ata un.

Hmmm.

 

Napaisip din ako dyan sis. Tweet nya yan nung Tuesday di ba?

Hmmm…

Ano nga kayang mangyayari na “start of something new”?

Carla Palmer
that’s what they need…space ….

 

Algie Douglas
hhhmmm.. ayan sir chief mag pasko ka na wala c maya…

GIFMaker.org

 

It just dawned on me na… if Maya really did resign because of what happened, then she’s over him.

Imagine, a woman like Maya who finally felt what it was like to be in love got over the one she was in love with in a matter of days.

I understand now na pwede naman niya nga talagang iwan si Abby dahil kaya na niya at di naman talaga siya kailangan sa bahay nila. Pwede rin naman nang bayaran ni Kute ang tuition fee ni Maya at kung saan man siya magboboard. Sobrang lapit niya na sa pangarap niya na inisip niya siguro na pwede na siyang humiwalay hanggang kaya niya pa.

Natanggal ang glue na nakadikit kay Maya at sa bahay na yon dahil kay Richard.

It’s so sad how words can destroy a beautiful world. A world where Richard could’ve made Maya happy even though he could never reciprocate her feelings.

How can one shatter a heart into so many pieces that the one who owns it, had given up on trying to mend it?

 

Sobrang mahihirapan nga talaga itong si Richard sa pagsuyo dahil hindi lang back to zero sila ni Maya… below negative 10 na sila ngayon.

Sorry po kung sobrang lungkot ko lang kahit alam kong may maganda naman na mangyayari eventually. Just throwing my feelings out there.

 

Malungkot man kung totoong mag resign si yaya pero wake up call
yan sa natutulog na singkit at take
note di na siya boss ni maya

Excited na ako sa epi next week

wala pa bang teaser for Monday?

 

Maiba ako mga kasugapang adik…

Isa sa mga rason kung bakit mainit ang ulo ni boy bato eh…

DI SIYA MAKABUO S SOLITAIRE!!!


(laging natutuloy, isinasara na lang nya ang laptop… pansin nyo)

yun lang yun!!

(pampa alis ng kaba sa mga pinag uusapan at dadami na ang magkakaroon ng nervous breakdown..)

 

May tama ka sis. Di na ata siya marunong e. Haha! pero sa totoo lang the best si manang fe sa linya nya kanina “confidential na pala ngayon ang paglalaro ng solitaryo” at tumingin ng makahulugan kay SC. Haha! basag!

 

Maybe not really over him.

Trying. Kumbaga, hanggang kaya pa, gawin na.

Well wag ka na sad sis. Mas mahihirapan si Ricardo sa panliligaw.

Di ba nga sabi nya kay Maya,

“Lahat na lang ba papaniwalaan mo?”

Ang Maya natin di na agad mahuhulog sa mga pangiti-ngiti at pagpapacute nitong si Ricardo.

I was thinking na posibleng ang “start of something new” na tinutukoy ni Jerome Ponce sa twitter ay yung hindi na nanny si Maya.

Well… dito natin makikita kung talagang mahal ni Ricardo si Maya.

Si Maya for sure nasa Manila pa rin gawa ng training sa flying school.

If he really loves her, he would still pursue her.

Magpaparamdam pa rin sya.

Eto na, mas malaya na nga nyang maliligawan si Maya kasi hindi na sila nahahadlangan ng

 

Boss-employee relationship.

If ever the resignation of Maya really takes place, it would open more doors for possibilities and opportunities for our two leads!

Grabe. Parang dati hinehele lang tayo sa bagal ng progress ng storya…

Ngayon naman, nararamdaman ko na talaga na

TELESERYE nga itong pinapanood ko. But still, not over the top and as promised, just a SLICE OF LIFE.

 

Mas okay na nga na wala na si maya sa mansyon, wala ng employer-employee status

Wala ng masasabi pag niligawan na ni singkit si maya

 

Di yan sis. paano na lang ang lyrics ng kanta ‘you are my first romance’….

Inlove pa rin ang maya, ang problema ang singkit na in denial, may pride at masungit

Kikilos kaya siya? e 2013 na! ang tagal tagal!

Na out-of-stock na ang pasensiya sa kanya

 

Yung mga points of view mo e wagas! tama ka dun. Kung sakaling magresign si Maya talagang mas malaki ang chance na maging sila.awkward naman nga kasi sa ngayon.I guess it would be super hirap kay SC na maibalik yung dating Maya. Nasaktan na e. At dito na din papasok ang “Sorry na pwede ba”

Hay grabe. Sana mag Lunes na para mapanood na natin!

 

Zenaida De Leon
Very heartwarming as usual.Nakakasenti and nakakarelate ang love ng magulang sa anak incident sa episode na Ito.Naluha truly si me.Twenty stars again.

 

Ah true baka bagong yugto na ..at papalitan na yung naka nanny uniform siya nito

 

He better make good on securing Maya that he really loves her.

Kailangan na malaman ni Maya na noon pa lang, kahit nanny pa lang sya ay mahal na sya ni Ricardo.

Kasi kung ako si Maya, may na-plant na seed of insecurity and doubt sa kin dahil sa mga sinabi nya nung summit e.

Kapag dumamoves na sya at nanligaw nang hindi na sya nanny, mapapaisip ako nun, magdududa ako.

O di ba? Kaya Limkit, esep-esep ng mabuti kung paano mo makikeep ang mahal na prinsesa.

Sabi nga sa tweet ni Miss Jodi,

“Always go for someone who is not only proud to have you, but will take every risk just to keep you.”

 

Tumpak! nakakaaliw! yung mga tweet nila napapaisip tayo if reel or real life yung pinapatungkulan. At the end of the day napagtatagpitagpi natin. Hahah!

 

Yup, ay sana kung ano man ang mga mangyayari nextweek
kayanin ng powers natin
Boy singkit na masungit aba bilis -bilisan mo na dyan..kilos na! anong petsa na?!tama na yang pagsosolitaire mo..di na yan confidential , alam na namin yan

 

Oo nga no… pero bakit sa next picture magkatalikod na sila?

Siguro dun sa isa, sinisymbolize na si Maya talaga ang nahumaling kay Ricardo.

Pero dun sa next, nakayanan niya nang mag-stand on her own. 

Taray mo teh!

 

Likey!

Para bang pantay lang sila ng feelings for each other.

Pantay din ng level of confidence.

Asteeeg!

 

Pwede ng iwan si Abby, little lady na naman daw siya eh

 

Buti na lang may ibang pampakilig ang BCWMH… Kaso sad ako kung magreresign si maya dahil sa amo nyang singkit!

Siguro naman may dahilan ang lahat ng ito.. Tandaan mabibigat na ang makakatapat nila sa mga susunod na araw…

Di ba mga writers?

Cherisse Ana Lagayan
Hay Sir Chief…. Kung hindi ka lang talaga mahal ni Maya…. -_- Kailangan bongga na ang bawi mo ha!!!
Leerese
O ano ngayon Ser Chief…… ikaw din ang nahihirapan ang loob..ayaw pa kasi aminin eh.

 

Tama ka sis mahirap din naman talaga ang situation ni Ricardo kasi kung halimbawang maging sila ni Maya andun pa rin ang reality na amo siya at nanny si Maya. Malayo masyado ang agwat ng estado nila sa buhay. If ever maging sila puwedeng sabihin ng ibang taong sinamantala niya ang pagiging amo niya kay Maya and in a way he’s protecting Maya na rin kasi for sure may magsasabing “ano ba yan yaya lang” which is masakit talagang pakinggan. Naghihintay lang siya ng right timing para maging maayos ang lahat kaso nga lang umeksena si James kaya ayun na-panic ang Ricardo dahil baka yung right timing na iniisip n’ya hindi pa dumating at maagaw pa ng iba.

Kahit pa sinasabi kong naiinis ako kay Ricardo dahil sa pagiging ma-pride n’ya kapag inanalyze mo kasi bottomline he’s protecting her because he’s in-love with her.

 

At kung sakali mang magkasabay silang umuwi at mag-eroplano sila, hihimatayin ako kung magatabi sila… excited lang

 

Kagabi… bago ako’y matulog.

Napaisip ako kung sa dinami-dami ng movies na pwede nilang panuorin, Notting Hill pa ang napili.

Eh may When You Say Nothing At All na song don by Ronan Keating eh.

Tapos yung song pa na She by Elvin Costello eh swak na swak kapag naging more mature na si Maya in the sense na yun nga, she can finally stand on her own.

Aba’y ianalyze daw ba lahat hanggang sa movie na pinanuod nila?

 

Hala…

Kung sakaling totoo nga na magreresign na si Maya,

Magkakatotoo na rin yung pamahiin na she will walk away from the Lim family because of the shoes SC gave her.

Kasi alam ko ganun yung ibig sabihin pag binigyan ka ng shoes, hindi yung nagbigay ang lalayo just like what Joma said.

Huhu.

Tapos paiiyakin na ni Maya si SC kasi binigyan nya ng panyo.

Tapos nagbadya pa si Capt. James dun sa offer nya kay Maya,

“If ever you decide to leave the Lim’s family…”

Pero ang malaking palaisipan, paano magreresign si Maya kung nasa San Nicolas pa sya?

 

Siguro sinabi na lang nya kay Ricardo through text/call/email na pormal na lang sya magpapaalam sa mga bata pagbalik nya ng Manila for her school or internship.

Pero hindi na sya sa Lim family tutuloy.

Exciting na talaga ang mga susunod na epis!

 

Ano man ang mangyari, magbago man ng timeslot, magresign o hindi si Maya, gusto ko na lang pasayahin ang sarili ko sa thought na in love na rin ang mamang singkit sa kanya.

Kailangan lang ng catalyst para kumilos na sya.

Pansin ko may theme every week, isang linggo yung pagkakasakit lang ni Manang Fe, tapos yung last week ay yung crush thingy and summit tapos this week LQ.

Sana next week, magkabalikan na sila. Hahaha!

Kapit-bisig lang tayo mga kabisyo! Kaya natin ito!

Sama-sama tayong lumuha at kiligin, sa hirap o ginhawa! Haha!

 

kung magreresign siya sana sa mga Lim pa rin siya nakatira kasi kung
hindi pano naman magkakaroon ng scene ang Lim household at si Maya?

Pwede naman siguro yun di ba?

c8sizn

http://cdn.makeagif.com/media/6-07-2015/c8Sizn.gif

 

1-10-13

 

(Credit to all PExers) CTO too for all pics, gifs, and videos from on line.Visit PEx to enjoy all the posts- comments, POVs, pictures, videos, gifs, news articles, etc. from day 1 (July 9, 2012). Here’s the link to thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy!  http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461

 

 

LAST UPDATE: 1-8-2019….SHARING UPDATES FROM FANS and  UPDATING my BCWMH blog with collages, GIFS from my USB copy of my complete BCWMH DVD set and TFC reviews. Thanks for your featured reviews.

 

LIBRARY 1

Unknown's avatar

About kcrica

FLASHBACK MEMORIES are flashback from each episode of Be Careful With My Heart. Episode titles, updates, comments, POVs, reactions, as well as articles, pictures, GIFs, and videos are mostly from PExers, as well as posts from TFC.tv., YT, and other sites on line. Enjoy all the selected posts from day 1 (July 9, 2012). You might want to read all at pinoyexchange.com. Here’s the link of PEx thread 29 which gives you the link from thread 1-28 too. Enjoy! http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=727461
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a comment